By: Nickolai214
Nathaniel's POV
Pagdating ko sa bahay ay nagmano lang ako kina Lola saka na ako pumasok sa silid ko.
Doon ay iniiyak ko ang lahat ng sama ng loob ko kay Mark. Napakatigas naman ng mukha niya para pagsabihan ako nang ganun.
Samantalang siya na nga ang binibigyan ko ng pabor. Napasulyap ako sa side table ko. Sa ibabaw nun ay ang frame kung saan nakalagay ang picture naming dalawa nung nakaraang birthday ko.
Naiinis ako na inabot iyon at padabog na itinaob. Pagkatapos ay niyakap ko ang unan ko saka ako umiyak.
Halos sampung minuto na akong tahimik na umiiyak doon nang bigla na lamang bumukas ang pinto at mabilis kong tinakpan ang mukha ko sa unan upang kahit papano ay mapahid ang mga luha ko at hindi ako makita ng mga kasama ko sa bahay na umiiyak.
Narinig ko pa ang pagsara ng pinto. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago ko narinig ang boses ni Mark.
"Nat," masuyong tawag niya sa pangalan ko.
Napabalikwas ako ng bangon saka ko siya tinitigan ng masama. "Lumabas ka dito ayaw kitang makita!" sigaw ko sa kanya saka ko hinagis sa kanya ang hawak kong unan pero nasalo niya iyon.
"Nat, I'm sorry! Alam ko naging asshole ako kanina. Hindi ko naman sinasadya na sabihin sayo ang mga yun." paghingi niya ng tawad saka siya lumuhod sa harapan ko habang hawak niya ang kamay ko. "Patawarin mo na ako. Please!"
Napakurap ako. Hindi ko inasahan na gagawin ni Mark sa akin iyon. Kanina lang ay para siyang tigre na ano mang oras ay kaya akong sagpangin pero ngayon ay daig pa niya ang isang maamong tupa na nagmamakaawa sa harapan ko.
Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Galit pa rin ako sa kanya pero sa loob loob ko ay parang gusto ko na siyang patawarin.
"Bakit mo ba kasi ginawa yun?" malamig na tanong ko sa kanya at may halong galit pa rin sa tono.
Napatingala siya sa akin. Nakakaawa ang anyo niya. Nawala tuloy bigla ang galit ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Magulo lang talaga ang isip ko kanina. Nagkaproblema kami sa bahay. I'm sorry, Nat. Please makipagbati ka na sa akin." pagmamakaawa niya.
Tiningnan ko siya na para bang nagdududa pa rin ako sa mga paliwanag niya. Pero pinipigilan ko na matawa. Kahit papano ay natutuwa ako dahil sinusuyo ako ng ganito ni Mark.
"Makikipagbati lang ako sayo kung ililibre mo ako ng sine sa bayan." sabi ko sa kanya nang hindi ko siya tinitingnan.
"Talaga?" nabuhayan ang loob na tanong niya. Saka siya mabilis na umupo sa kama ko. Magkaharap na kami ngayon pero hindi ko pa rin siya tinitingnan.
"Syempre pati pagkain tapos manonood ka ng stage play namin next week." sagot ko.
"Syempre naman. Promise ko sayo yan." sabi niya.
"Talaga?" naniniguradong tanong ko sa kanya. Sa pagkakataong ito ay binalingan ko na siya.
"Oo naman." mabilis na sagot niya. "Peace?" tanong niya saka siya nakipag-shakehands sa akin.
Nang abutin ko iyon ay mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.
"Thank you, Nat!" masiglang sabi niya saka niya ako hinalikan sa pisngi na ikinagulat ko.
Kahit siya ay nakita ko na saglit din siyang natigilan sa ginawa niya. Hindi nagtagal ay napangiti siya samantalang ako ay natutulala sa kanya.
Naramdaman ko na lang bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakangiti sa akin si Mark kasabay ng pagbangon ng saya sa dibdib ko.
Katulad ng sinabi niya ay dinala niya ako sa bayan noon ding hapon na iyon. Bumili siya ng dalawang ticket sa sinehan.
Syempre ako ang pumili ng palabas. Gusto niya ng action movie pero pinili ko yung showing na Marvel Movie.
Pareho naman naming nagustuhan ang pinanood namin. Napag-uusapan pa nga namin iyon hanggang sa makalabas na kami ng sinehan.
Siya na ang nagrequest na sa paborito naming kainan sa labas ng mall na lang kami kumain ng dinner.
Naalala ko si Joey. Gustong-gusto niya kapag kumakain kami sa Diner's Cuisine kasi daw masarap na ay mura pa.
Hinayaan ko na lang din si Mark na mag-order ng kakainin namin. Hindi naman kasi ako mapili sa pagkain. Kahit ano lang ang maihapag sa akin ay kinakain ko.
Nakabalik sa table si Mark na may dala nang iced tea. "Nagtaas na pala ang presyo nila." seryosong bungad niya.
Natawa naman ako sa expression ng mukha niya. "Syempre nagmamahal na rin ang mga bilihin sa palengke." sagot ko.
"Malaking bagay din ang limang piso kada order ah." nakasimangot na sabi niya.
Napangiti na lang ako. Matipid na tao si Mark. Hindi siya basta gagastos sa mga bagay na hindi naman niya kailangan.
Binawasan na rin kasi ng Daddy niya ang allowance nilang magkapatid dahil malaking pera daw pala ang naipatalo sa sugal ng nanay niya noong nakaraan.
Kasalukuyan kaming naghihintay ng order namin nang may bigla na lamang nagflash na ilaw sa may bandang kanan namin.
Kapwa kami napalingon ni Mark doon at ang tumatawang mukha ni Joey ang sumalubong sa amin.
"Huli kayo!" nakangising sabi niya. "Ipapakita ko to kina Errol. May paaway-away pa kayong nalalaman kanina mag-dedate lang pala kayo."
"Gago, peace offering ko sa kanya to." natatawang sagot na rin ni Mark. "Umalis ka na nga. Mamaya magpalibre ka pa dito. Wala akong pera." taboy niya sa natatawang si Joey.
"Enjoy your date!" sabi ni Joey habang nakatingin siya sa cellphone niya. "I-upload ko kaya sa facebook to?" bulong pa niya.
"Gago! Lumayas ka dito baka masapak pa kita." natatawang biro ni Mark.
Sumaludo sa amin si Joey bago siya tuluyang umalis. Kasama pala niya ang mga kapatid niya.
Sumulyap ako kay Mark. Napasulyap din siya sa akin at nagtama ang mga tingin namin.
[Nahanap ko sa 'yong mga mata
Ang ligayang dati 'di ko makita]
Ilang sandali na seryoso lamang kaming nakatitig sa isa't-isa hanggang sa unti-unti ay sumilay ang mga ngiti sa mapupulang labi ni Mark.
[Nasilip ng aking pusong ligaw
Nang tinuturo ng tadhana ay ikaw]
Hindi ito ang unang beses na nginitian ako ng ganito ni Mark. Ngunit ito ang unang beses na bumilis ang tibok ng puso ko.
[Ngunit hindi pupuwede
Hindi tayo sinusuwerte]
Sumasabay sa awit na tumutugtog sa speaker ng restaurant ang pagkalito sa dibdib ko.
Oo aaminin ko na nagkaroon ako ng crush noon kay Mark ngunit nawala na iyon simula nang maging malapit na magkaibigan kami.
[Mas mabuti pang maging sikreto
Ang pag-ibig nating delikado]
Or so I thought! Hindi kaya naisantabi lang iyon dahil mas nanaig sa akin ang pagiging magkaibigan namin?
Pero iyon lang naman ang gusto niya sa akin diba? Sa simula pa lang ay sinasabi na niya na gusto niya akong maging kaibigan. Kaibigan lang. Hindi na siya nagpakita pa ng ibang motibo bukod doon.
Straight si Mark alam ko. Hindi ko siya nakikitaan ng kahit ano mang bahid ng kabaklaan.
[Delikado, delikado, delikado
Magagalit ang mundo, galit ang mundo, galit ang mundo]
Kaya kahit na may maramdaman man ako sa kanya ay malabo na magkaroon din siya ng feelings sa akin.
Kaibigan lang niya ako. Bestfriend. Kaya kung may mga sweet gestures man siya na ipinapakita sa akin ay dahil panatag siya sa akin. Kasi nga magkaibigan kami. Normal naman iyon sa mga magkakaibigan.
[Delikado, delikado, delikado
Sa atin na lang 'to, atin na lang 'to, atin na lang 'to]
Lalo na at may image si Mark sa campus sa pagiging certified womanizer. Sa halos mahigit isang taon na pagiging magkaibigan namin ay hindi ko na mabilang ang mga babaeng naging girlfriend niya.
Correction, magagandang babae. Hindi lang sa school kundi pati sa labas ng campus. Kahit nga sa lugar namin ay nagkaroon siya ng dalawang girlfriend.
Ngunit lahat sila ay hindi rin naman nagtatagal. Kapag nakikitaan na sila ni Mark ng hindi magandang attitude ay kinakalasan na niya ang mga ito.
Para lang siyang nagpapalit ng damit kung makapagpalit ng girlfriends. Palagi tuloy namin siyang napagsasabihan na tinatawanan lang niya.
Mabuti pa si Errol kahit hindi pinapansin ni Kath ay nanatiling loyal at handang maghintay sa tamang panahon na sinabi sa kanya ni Kath.
Kahit pa wala naman talagang kasiguraduhan kung kailan ba ang panahon na iyon.
Kaya kung bumabalik man ngayon ang feelings ko kay Mark dahil sa mga sweet gestures niya ay kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Ginagawa niya ang mga ito dahil may kasalanan siya sa akin kanina at gusto lang niyang makabawi.
Magkaibigan kami at ayoko na masira iyon dahil lamang sa pag-ibig na delikado.
Dumating na ang order namin at doon na naputol ang pag-iisip ko ng mga bagay bagay.
Masaya kaming kumain ni Mark at paminsan-misan ay sinusulyapan namin si Joey sa kabilang mesa na sarap na sarap sa kinakain niya.
Matapos ang dinner ay niyaya ako ni Mark sa pinakasikat na resto bar sa Carmen. Nasa itaas na bahagi kasi iyon ng bulubundukin naming bayan at mula doon ay makikita mo ang nagkikislapan na ilaw ng mga bahay sa kabayanan.
Isang bucket lang ng beer ang inorder namin. Hindi ako madalas uminom pero sa madalas na pagsama ko sa mga kaibigan ko ay kaya ko naman makisabay.
Apat na bote ang kinuha niya samantalang ibinigay naman niya sa akin ang dalawa.
Inusisa ko siya tungkol sa totoong dahilan ng temper niya kaninang hapon. Nagkwento naman siya at doon ko na naintindihan ang lahat.
Hindi pa pala talaga sapat ang isang taon para lubusan mong makilala ang isang tao. Pero sa gabing ito ay mas nakilala ko pa si Mark.
Kung anong klase ng pamilya ang meron sila. Kaya pala mas madalas ay pinipili niya na sa bahay matulog dahil kapag nandun siya sa bahay nila ay pakiramdam niya nag-iisa siya.
At sa gabing iyon ay mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin ni Mark. Nakapasok na ako sa tagong parte ng pagkatao niya.
Kaya pala kahit na minsan ay hindi niya kami iniimbitahan man lang na magpunta sa kanila ay dahil sa problema ng pamilya nila.
Inassure ko naman siya na wala akong pagsasabihan ng mga sikreto niya. Ngunit sinabihan ko siya na kaibigan din niya sina Kath, Errol at Joey.
Hinayaan ko siya na magsabi sa tatlo bilang paggalang na rin sa privacy niya.
Kinabukasan ay inabutan ko silang apat na nagtatawanan sa paboritong tambayan namin sa school.
Natahimik pa silang lahat nang mapasulyap sa akin si Errol at sinabihan niya ang mga kaibigan namin na paparating na ako.
Magkasalubong ang mga kilay ko nang makalapit na ako sa kanila. Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuksong mga tingin nina Kath at Errol.
Sinulyapan ko si Joey na pinipigilan ang pagtawa. Bumaling naman ako kay Mark na nakangiti pero hindi makatingin sa akin ng diretso.
"May problema ba?" seryosong tanong ko sa kanila.
"Totoo ba?" nakangising tanong ni Kath na sinabayan niya ng makahulugang ngiti.
"Ang alin?" inosenteng tanong ko.
"Nahuli daw kayo nitong si Joey kagabi sa Diner's Cuisine. Nagde-date kayo ni Mark." malakas na sigaw ni Errol at nagtawanan silang tatlo.
"Mga gago! Sinabi ko na sa inyong peace offering ko kay Nat iyon." natatawang sabi ni Mark.
"Magtampo din kaya tayo kay Mark para ilibre din niya tayo." pambubuska pa ni Joey na sinakyan naman nina Kath.
Napailing na lang ako saka na ako umupo sa tabi ni Errol.
"Oh bakit sa akin ka tumatabi? Tumabi ka kaya sa boyfriend mo." sabi ni Errol.
"Wala namang katabi si Mark. Kaya pala isang buwan ng single may tinatago." alaska ni Joey.
"Baliw kayo!" natatawang sagot ko sa kanila.
"Baka ayaw na ni Mark sa mga chicks bro. Kasi hinahanap na niya ang pag-aalaga at pagmamahal nitong si Nat." gatong pa ni Errol.
"Yiiiiiieeee!" sabay na sigaw nina Joey at Kath na sinundan ng malulutong na tawanan.
"Gago kayo. Tigilan na ninyo yan baka mamaya mapikon sa inyo si Nat." natatawang banat ni Mark.
"Kinikilig ka lang eh." hirit pa ni Kath na sinundan ng malulutong nilang tawanan.
Natawa rin naman ako at hindi ko na napigilan ang bahagyang pamumula.
"Nagba-blush si Nat oh!" turo sa akin ni Errol.
"Heh!" natatawang sita ko sa kanya na tinawanan nilang lahat.
Sa sumunod na linggo ay tinupad ni Mark ang pangako niya sa akin. Kasama nina Errol at Joey ay pinanood nila ang pinakaunang stage play na sinalihan namin ni Kath.
Naging successful naman iyon dahilan upang magcelebrate kaming lima na magkakasama.
Muli ay doon na rin nakitulog sa bahay si Mark. Hinayaan ko na siya kahit na nasisikipan ako dahil bilin sa akin ni Lola na wag maging madamot lalo na at hindi naman daw iba sa amin si Mark.
Ngunit hindi ko inasahan ang nakita ko kinaumagahan na nagising ako.
Nakayakap ng mahigpit sa akin si Mark habang himbing na himbing siya sa pagtulog niya.
Halos magdikit na rin ang mga labi namin dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Hindi ako gumalaw at pinagmasdan ko lang ang mapupulang labi niya na medyo nakaawang na at para bang napakasarap halikan.
Nang magsawa ako sa pagtitig sa mga iyon ay muli akong sumulyap sa mukha niya sa panlalaki ng mga mata ko.
Gising na pala si Mark at seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko.
******
Restaurant Background Music:
Delikado - Marion Aunor

No comments:
Post a Comment