By: Luis
Ako nga pala si Luis isang magsasaka sa Kalibo, Aklan. Isang barong baro lang aming tinitirahan malapit sa sakahan, kapos lagi ang kinikita ng aking Amang si Tasyo para tugunan ang aming pangangailangan. Ang aking Ina naman na si Tonia ay isang labandera, madalas syang kumuha ng mga labada kay Aling Sonia -- matalik na yang kaibigan. Kapag di araw ng anihan minsan minsan tinutulungan ko ang aking ina sa kanyang mga labada, nakakatanggap kami ng 200 pesos kada tao, at sa buong araw naman ay ang kinikita namin ay 600 pesos. Dalawangpu't-isa na ako, 5'8 ang aking height, Moreno. Dahil laking sakahan ako, di mo rin mawawari ang kasigihan ng aking pangangatawan. May apat akong kapatid -- ako ang panganay sa amin, kakatapos ko lang ng Senior High sa Regional Science High School - STEM strand. Ang pangalawa kong kapatid naman ay grade 6 palang at ang dalawa kong kapatid ay di pa nag-aaral sa kadahilanan di sapat ang pangangailangan namin sa araw-araw. Di muna ako nagkolehiyo, isang taon na ang nakakaraan, tinulungan ko muna ang aking ama sa sakahan para may pangtustos sa araw araw na pangangailangan.
Umagang-umaga ay ginising ako ng aking ina upang tulungan syang kumuha ng mga labada, nag-almusal ng kape at isang pandesal at nagtungo na agad kami kay Aling Sonia. Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Aling Sonia
" Oooy kumare, buti naman naparito ka, sobrang dami na naming labahan at buti kasama mo ang anak mo" ang sabi ni Aling Sonia
"Oo nga, kumare eh, pangbaon din ng aking anak at pangkain din namin" ang sabi ng ina ni Luis
"Oohh sya sya, tumuloy na kayo at makapagsimula na ng gawain"
Kinuha ni Aling Sonia ang mga lalabhin nila Luis. Napansin ni Aling Sonia ang shorts ni Luis.
"Kumare ba't di mo naman bilhan tong anak mo, eh halos halos araw araw nya yang sinusuot yan, halos punit na sa kakalaba" ang sabi ni Aling Sonia
"Di ko talaga mabilhan yang ang mga anak ko, yung bibili ko, ipapangkain na lang namin"
"Sige sige kumare hahanap ako dito na di na ginagamit na ni Dennis, baka mapakinabangan pa."
"Salamat talaga kumare, hulog ka talaga ng langit" laking tuwa ni Aling Tonia
Pumapasok parin si Dennis --- anak ni Aling Sona bilang Junior High sa Aklan Catholic College, maputi, 5'5 ang height. Medyo maarte sa kagamitan at perpekshonis
Tinawag ni Aling Sonia si Dennis sa kwarto nya. Kumatok sa pintuan
"Anak, may mga damit o short ka ba dyan na di na ginagamit?"
"Tingnan mo na lang dito ma" habang naglalaro ng cellphone
Binuksan ni Aling Sonia ang pinto. Hinalungkat ang mga gamit ni Dennis, at tinanong kung ano ang ginagamit nya o hindi
"Anak, ginagamit mo pa ba tong sandong to?"
"Hindi na ma"
"Ito anak?" tinuro ang shorts
"Opo"
"Eh itong boxer shorts mo?"
"Di na ma, masikip na sakin yan eh"
"Sige ibigay ko na lang to"
Sa paghahalukbo ng mga gamit ni Dennis, tanging isang sando at boxer shorts na may maliit na butas sa pwetan ang nakuha ni Aling Sonia. Bumaba na si Aling Sonia para ibigay kay Luis
"Iho, pagpasensyahan mo na to, ito lang ang maibibigay ko sayo"
"Ayos lang po tita, maraming salamat po"
"Pagpasensyahan mo na medyo masikip siguro yang naibigay kong boxer shorts sayo, mas malaki ka pa kasi sa anak ko eh"
"Ang importante po tita may masusuot po ako maraming salamat ulit"
Makalipas ang ilang oras, natapos na nila ang kanilang nilalabhan.
"Hayys salamat tapos na din" sabi ni Luis
"Magligpit na tayo at marami pa tayong lalabhan susunod"
"Ok ma!"
Inabot na ni Aling Sonia ang 200 kay Aling Tonia. Niyaya ni Aling Sonia si Aling Tonia na maghapunan sa kanila.
"Tsaka nga pala kumare, kumain na ba kayo?"
"Ehh hindi pa nga kumare, tanging pandesal lang ang kinain namin kaninang umaga"
"Oohh sya, dito muna kayo maghapunan, luto na rin naman tong tinolang manok"
"Ano ba mare? nakakahiya naman sayo" hiyang sabi ni Aling Tonia.
Nang biglang narinig nya ang kumakalam na sikmura ni Luis
"Ayy sorry po, hehehe, sobrang gutom na po sa daming nalabhan."
Itutuloy....
No comments:
Post a Comment