By: Loverboynicks
Kinabukasan matapos ang unang gabi ko sa hotel ay inubos ko ang oras ko buong umaga sa paglilibot sa Resort.
Hindi ko na dinaanan pa si Gino sa silid niya dahil gusto ko munang mapag-isa upang sa ganun ay makapag-isip ako ng maayos kung ano ang tamang gagawin ko.
One week ang bakasyon namin dito at next week pa ang flight namin pabalik sa maynila. Roundtrip ang ticket namin kaya hindi maaaring iparebook ang date.
Pinakachoice ko na lang talaga ay ang bumili ng bagong ticket para makaalis na ako sa isla na ito sa lalong madaling panahon.
Kailangan kong makausap si Gino kung sasabay na ba siya sa akin o mauuna na ako sa kanya paalis.
Pinasok ko ang magubat na parte ng isla na sa tingin ko ay hindi pa bukas sa mga turista. May karatula pa nga na private property doon.
Kahit nakita ko na iyon ay hindi ko pa rin pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpasok sa pribadong lupain na pag-aari ni Rave Arenas.
Natuwa naman ako sa ganda ng paligid at nawili ako sa paglalakad sa loob ng kagubatan. Hindi ko namamalayan na sa pagkawili ko ay napalayo na ako sa lugar.
Pabalik na sana ako ngunit napansin ko na parang ang layo na ng nilalakad ko ay hindi ko pa rin makita ang dagat.
Naliligaw na yata ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at namumuo na ang pawis sa noo ko dahil sa walang tigil na paglalakad.
Halos isang oras na rin akong nagpapaikot-ikot sa lugar pero hindi ko pa rin mahanap ang daan pabalik sa hotel.
Mataas na ang araw at nakaramdam na ako ng gutom kaya umupo ako at sumandal sa isang puno malapit doon.
Nagpahinga muna ako sandali pagkatapos ay inilabas ko mula sa bulsa ko ang isang biscuit na dala ko.
Mabuti na lamang at may dala rin akong tumbler kaya may maiinom ako pero paubos na rin ang laman nito dahil sa kakalakad ko kanina pa.
Nang maubos ko ang biscuit ay isinandal ko ang ulo ko sa puno saka ko pinikit ang mga mata ko.
Mga huni ng ibon at hangin na dumadampi sa mga dahon ang tanging maririnig sa paligid. Ilang sandali pa ay may naririnig rin akong lagaslas ng bumabagsak na tubig.
Napamulat ako saka ako napalingon sa bandang likuran ko. May talon sa lugar na ito?
Mabilis akong tumayo saka ko tinalunton ang pinanggagalingan ng tunog. Hanggang sa palakas na iyon ng palakas.
Ilang sandali pa ay nakarating ako sa may batis. Lagaslas nga ng tubig mula sa kabundukan ang naririnig ko at sa parteng ito ng gubat ay may batis.
Sa di kalayuan ay nakakita ako ng isang itim na stallion na nakatali sa isang puno. Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin may tao malapit dito?
Nagliwanag ang mukha ko sa kaisipan na may ibang tao nga sa lugar na ito maliban sa akin. Pero nasaan siya?
Mabilis akong naglakad patungo sa kabayo at iginala ko ang paningin ko sa buong paligid ngunit wala naman akong nakita na tao.
Ilang sandali pa ay isang lalaki ang bigla na lamang umahon mula sa tubig at sakto naman na napatingin siya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya.
"K-kuya Kiel?" bigkas ko sa pangalan niya.
Mabilis naman siyang lumangoy palapit sa akin saka siya umahon mula sa tubig.
Hindi ko tuloy maiwasan na titigan ang matipuno niyang dibdib na dinadaluyan pa ng tubig mula sa basang buhok niya pababa sa katawan niya.
Bumaba pa ang tingin ko abs niya patungo sa buhok mula sa pusod niya pababa sa loob ng boxer brief niya.
Nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang mapadako na sa napakalaking umbok sa harapan ng boxer brief na suot niya ang paningin ko.
Bakat na bakat doon ang burat niya at sa tingin ko ay napakalaki nito ngayon. Napalunok ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.
Isang malakas na pagtikhim ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa napakagwapong mukha ni Kuya Kiel.
Mas lalo pa siyang gumuwapo ngayon at mas gumanda pa ang katawan niya na talaga namang ikakalaglag panty ng kahit sinong babae at may pusong babae.
"Kanino ko utang ang pagsunod mo sa akin dito?" seryosong tanong niya na hindi humihiwalay sa akin ang malalagkit niyang titig.
"H-huh?" naguguluhan kong tanong? Nakakadama kasi ako ng pagkailang sa kanya dahil sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin na para ba akong matutunaw.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya bago siya mabagal na naglakad papalapit sa akin. Napaatras naman ako hanggang sa mapasandal ako sa isang napakalaking puno.
Nagpatuloy siya sa paglapit sa akin hanggang sa halos isang dangkal na lamang ang pagitan ng maskuladong katawan niya sa katawan ko.
Ikinulong niya ako sa mga braso niya na ililagay niya sa magkabilang side ng puno. Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko na para bang nais niya akong halikan.
Napapikit ako at hinintay ang susunod niyang gagawin. Napakabilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinagsamang kaba at excitement sa maaaring gawin ni Kuya Kiel.
Ngunit ilang sandali na ang lumipas ay wala pa ring maiinit na halik ang dumampi sa mga labi ko kaya marahan akong magmulat ng mga mata para masalubong lamang ang nakakalokong ngisi ng gagong lalaki na ito.
"Papikit-pikit ka pa diyan. Akala mo ba hahalikan kita?" natatawang pambubuska niya sa akin.
Nakalayo na pala siya mula sa akin at kasalukuyan na niyang isinusuot ang kulay itim niyang pantalon.
Namula naman ang mukha ko dahil sa sobrang pagkapahiya.
"Inabot ko lang yung pantalon ko na nakasabit diyan sa puno na sinasandalan mo. Papikit-pikit ka pa diyan. Siguro namiss mo yung mga labi ko." pang-aasar pa niya sa akin.
Nakadama ako ng pagkainis dahil sa sinabi niya kaya matalim ko siyang tinitigan. Nang makabawi ako sa pagkapahiya ay sinikap kong patatagin ang loob ko saka ko siya tinatayan.
"Excuse me! Hindi ko inisip iyon no. Malamang mapapapikit ako. Sobrang lapit mo na kaya sa akin kanina." Inayos ko ang sarili ko saka ko pinulot mula sa masukal na lupa ang tumbler ko na nabitawan ko pala.
"Kulang na lang ipagduldulan mo sa mukha ko yang maskulado mong katawan. Oo gwapo at macho ka pero hindi na ako ang dating Renz na madaling naaakit sayo."
Mas lalo pang lumapad ang pagkakangisi niya at ngayon ay kinakalas na niya ang pagkakatali ng kabayo niya.
"Hahalikan naman kita kung gusto mo basta sabihin mo lang. Hindi yung nagpapakipot ka pa ng ganyan. Namiss ko rin naman yang mga labi mo." amused niyang sabi sa akin.
Inirapan ko lang siya saka na ako naglakad palayo sa kanya. Napakayabang akala mo naman napakagwapo niya.
Shit! Pero gwapo naman talaga siya at napakayummy pa. Mabilis akong napailing dahil sa naisip ko.
Erase! Erase!
Ano ka ba Renz? Umayos ka nga! Bulong ko sa isip ko. Feeling ko ay mamumula na ang buong mukha ko sa inis at pagkapahiya.
Ilang sandali na akong naglalakad sa direksyong hindi ko naman alam kung tama ba nang marinig ko ang mga yanag ng kabayo sa likuran ko.
Hindi ako lumingon at hinayaan ko lang siya hanggang sa makalapit na siya sa akin at sinabayan niya ako sa paglakad ko.
"At saan ka naman papunta niyan sa tingin mo?" mayabang na tanong ni Kuya Kiel sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Hoy Renz kinakausap kita. Saan ka ba pupunta ha?" seryosong tanong niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin at parang wala akong naririnig na nagsasalita.
Marahil ay naiinis na siya sa ginagawa kong pambabalewala sa kanya kaya naiirita niya akong sinigawan.
"Hindi diyan ang daan pabalik sa hotel. Kapag nagpatuloy ka pa sa direksyon na iyan ay mas lalo ka nang mapapalayo. Ewan ko lang kung makauwi ka pang gago ka." paalala niya sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Sinulyapan ko siya at nakita ko naman sa mukha niya na mukang seryoso siya at nasa maling direksyon nga ako.
Naglakad ako pabalik sa pinanggalingan namin nang hindi nagsasalita. Mabilis naman niyang napaikot ang kabayo saka niya ako muling sinabayan sa paglalakad ko.
"Sumabay ka na lang kaya sa akin. Pauwi na rin naman ako eh." alok niya sa akin sa mahinahon na tono pero hindi pa rin ako huminto sa paglalakad ko.
"Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at naisipan mong pasukin ang lugar na ito? Hindi mo ba alam na delikado dito lalo na at wala kang kasama?"
Marahas akong tumingala sa kanya saka ko siya tiningnan nang masama. "Ano ba kasing pakialam mo? Umalis ka na nga! Hayaan mo akong mapahamak." naiinis kong sabi sa kanya.
Binilisan ko ang mga hakbang ko upang hindi ko na siya makasabay pero dahil sa ginawa ko ay hindi ko napansin ang isang nakausling sanga ng puno sa dinadaanan ko.
Sumabit doon ang sneakers ko kaya nawalan ako ng panimbang at mabilis akong lumagapak sa lupa na ikinasigaw ko.
"Reeeeeeeeenz!" malakas na sigaw ni Kuya Kiel.
"Araaaayyyy! Ahhhhh! Arrrrrggggghhh!" daing ko nang makaramdam ako ng napakatinding sakit sa paa ko na sumabit sa sanga.
Mula sa pagkakadapa ay mabilis akong humiga saka ako namilipit sa sakit.
Ilang sandali pa ay mabilis nang nakatalon mula sa kabayo si Kuya Kiel at mabilis niya akong nilapitan.
"Renz! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba ha?" nag-aalalang tanong ni Kuya Kiel pagkatapos ay hinawakan niya ang nasprain kong paa.
"Ahhhhhh! Ano ba? Masakit!" galit kong sigaw sa kanya.
Pumalatak si Kuya Kiel saka siya masuyong sumulyap sa akin. "Nasaktan ka na nga at lahat pero yung pride mo napakataas pa rin. Mamamaga yan kapag hindi mo pinahilot sa akin."
Mabilis niyang hinila muli ang paa ko na inilayo ko sa kanya pagkatapos ay inalis niya ang sapatos at medyas ko.
Hinilot niya iyon saka niya minasahe. Sa simula ay puro sakit ang naramdaman ko ngunit nang tumagal ay unti-unti na akong nakadama ng ginhawa.
Nakatitig lang ako sa seryosong mukha niya at paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa paa ko hinihilot niya habang abala siya sa pagpapagaan ng pakiramdam ko.
Nakadama ako ng saya dahil sa ginawa ni Kuya Kiel. Sa kabila ng angas at pagkamayabang niya ngayon ay nakikita ko pa rin ang dating Kuya Kiel na minahal ko.
Malambing at napakamaalaga. Sayang lamang at hindi kami nagkaroon ng maayos na paghihiwalay noon. Dahil nag-asawa na siya at ngayon ay may anak na sila.
Dahil sa naisip ko ay nakadama ako ng matinding guilt. Hindi na dapat ako magpadala pa sa nararamdaman ko.
May asawa at anak na siya. Hindi ko man gusto si Natalie para sa kanya ay kailangan ko na siyang layuan ngayon pa lang.
Kawawa ang anak nila kapag umeksena pa ako sa buhay nila. Kaya habang maaga pa ay kailangan ko nang dumistansya kay Kuya Kiel.
Hinila ko palayo sa kanya ang paa ko na ikinaangat ng tingin niya sa akin.
"Ano na naman bang kaartehan yan Renz?" naiirita niyang tanong.
"Okay na yan. Kaya ko nang maglakad. Salamat sa tulong mo." sabi ko sa kanya saka ko na muling isinuot ang medyas ko.
Hindi ko pa iyon naipapasok sa paa ko ay mabilis na niya iyong nahila sa kamay ko.
"Wag mo nang isuot iyan. Kumapit ka sa braso ko at isasakay kita sa kabayo."
Napatingin ako sa hubad at matipuno niyang katawan. Iniumang rin niya sa akin ang kamay niya uoang alalayan ako sa pagtayo.
Gumapang ang tingin ko sa maputi at makinis niyang balat patungo sa mahaba at mamasel niyang braso at balikat.
Natuyo na ang katawan niya ngunit may mangilan-ngilan pa ring butil ng tubig ang makikita doon.
Tinitigan ko lang siya pagkatapos ay mag-isa akong bumangon at sinubukan kong maglakad palayo sa kanya pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay natumba na ako dahil sa sakit ng paa ko.
"Putang-ina." naiiling na mura ni Kuya Kiel pagkatapos ay naramdaman ko sa baywang ko ang malalaki at napakalakas niyang mga braso.
Napatili ako nang tuluyan na akong maiangat ni Kuya Kiel sa ere at marahas niya akong isinampa sa kabayo.
"Sinabi ko na kasing sumakay ka na eh. Ang dami mo pang inaarte diyan. Gusto mo lang magpabuhat eh." pilyong sambit niya kasabay ng nakakalokong ngisi.
"Bakit ko naman gugustuhin na magpabuhat sayo?" mataray kong sagot.
"Kasi kinikilig ka pa rin sa akin hanggang ngayon."
"Kilig mo mukha mo." sagot ko saka ko siya binigyan ng naiinis na tingin.
Nagulat pa ako nang mabilis siyang nakasampa sa likuran ko at parang napaso ang braso ko nang dumikit doon ang matigas niyang abs.
Para akong napaso at mabilis kong inilayo ang katawan ko sa kanya pero mabilis naman niya akong hinapit palapit sa kanya saka niya iniyakap sa tiyan ko ang isang braso niya.
Napalingon ako sa kanya dahil sa ginawa niya pero maling galaw pala ang ginawa ko dahil napakalapit na pala sa akin ng mukha niya at dumampi sa pisngi ko ang malambot niyang labi.
Nanlaki ang mga mata ko saka ako mabilis na umiwas sa kanya.
"Magpapahalik ka pa ah?" pambubuska niya.
"Bakit ba kasi napakalapit ng mukha mo sakin." naiirita kong sagot.
"Malay ko bang haharap ka. Sa susunod kung magpapahalik ka sa labi naman ha?" bulong niya sa tenga ko saka siya humalakhak nang malakas.
"Alisin mo nga yang kamay mo sa katawan ko." iritadong utos ko sa kanya saka ko pilit na inaalis ang braso niyang nakayakap sa akin pero mas lalo iyong humigpit.
"Gusto mo bang mahulog? Kapag hindi kita niyakap ay siguradong malalaglag ka kapag pinatakbo ko na itong stallion."
Hinila na niya ang renda kaya mabilis nang tumakbo ang kabayo. Dahil first time ko lang makasakay sa ganito ay nakadama ako ng takot kaya napakapit ako sa braso niya na nakayakap sa katawan ko.
Nadama ko pa ang pagkiskis ng matitigas niyang muscles sa likuran ko sa bawat pagtalon ng kabayo na naghahatid sa akin ng kakaibang sarap sa pakiramdam.

No comments:
Post a Comment