Pages

Friday, August 3, 2012

Eng21 (Part 6)

By: Cedie

Nang magising sila ay magkayakap pa din ang dalawang binata. Nagkatinginan sila at ngumiti ang bawat isa habang magkatitigan sa mata. Biglang may naramdaman si Ced sa bandang ilalim ng kanyang katawan. Gising ang alaga ng kanyang kaibigan. "Kuya Kiks, gising yung alaga mo, kinakalabit ako", natatawang sabi ni Ced. Hinawakan ni Kiko ang kanyang alaga at sinabing, "Ou nga ano, teka punta lang ako sa CR saglit para magpalabas, dyan ka lang bunso, maya maya pasok na tayo ng skul, baka malate tayo sa klase eh." Naging mas malapit pa ang magkaibigan dahil sa pag amin ni Ced sa isang bagay na masasabi niyang isang malaking sikreto sa buhay niya. Nang dahil dito ay mas napansin ng mga kaibigan nila ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Ced sa tuwing magkakasama sila. Dumating ang ilang buwan at nagkaroon ng try-outs para sa basketball. "Mag-ttry out ako dyan, tagal ko ng gustong pumorma sa mga chicks", wika ni Kiko. Natawa lang ang mga kasama niya at hinayaan lang siya sa gusto niya. Natanggap si Kiko sa varsity ng team. Nang minsan na makita nila si Kiko at Ced na magkasama ay tinanong ng Coach ng team nila Kiko kung bakit hindi sumasali ang kaibigan nito sa mga palaro. Sinabi na lamang ni Kiko na mahiyain ito at masyadong inaatupag ang pag aaral dahil sa ayaw mawala ng kanyang kaibigan ang kanyang scholarship. Lumipas ang mga araw. Naging normal na lang sa magkakabarkada ang umaalis ng magkakasama, nagaaral at nagrerebyu ng magkasama at mas napadalas din ang pagtulog ni Ced sa bahay nina Kiko para samahan ito sa kanila. Naging masaya ang dalawang magkaibigan sa mga nangyayari sa kanila. Hindi nagkakaron ng mababang grades ang sinuman sa barkada dahil sa tulong ni Ced.
Kapag may problema naman ang isa ay lahat ay gumagawa ng paraan para mabigyan ng solusyon. Kapag problema sa pera ay hindi sila nahihiyang humingi ng tulog kay Kiko. Si Kiko naman ay tinuloy ang pagiging varsity niya at si Ced naman ay naging usap usapan na ipanlalaban sa Engineering Quiz bee sa buong Maynila. Isang araw, habang magkasama pauwi ang dalawa ay nagkausap ito sa bahay nina Kiko. "Kiks, isasali daw ako sa Quiz Bee ng skul naten, nakakatakot pero magaaral ako", wika ni Ced. "Ako din may laro na kame starting next week kaya magsisimula na din training namen bunso, galingan mo sa quiz bee ah."

Nagsimula ang mga araw na hindi nagkikita ang magkaibigan, sa tuwing kasama ng barkada si Ced ay wala si Kiko dahil nagpapraktis ng basketbol. Sa tuwing si Kiko naman ang kasama ng barkada ay si Ced naman ang wala sapagkat kasama nito ang team na nagrerebyu. Napansin ng barkada ito at naitanong kung bakit parang nag iiwasan ang dalawa. Ipinaliwanag naman ni Kiko na nakapagusap naman sila dati tungkol dito at walang nagbabago dahil madalas naman ang pagtulog ni Ced kina Kiko kaya ayos lang daw na hindi sila magkasama. Ngunit sa loob loob ni Kiko ay parang namimiss na din niya ang kanyang kaibigan dahil hindi na madalas ang pagtulog nito sa kanila na hindi naman niya sinabi sa barkada. May sariling susi na ng bahay si Ced sa bahay nina Kiko kaya anumang oras ay pwedeng pumunta ang kanyang kaibigan sa bahay nila. Lumipas ang isang linggo at paguwi ni Kiko sa kanila ay nakita niya si Ced sa sala na nagaaral. Bigla na lang nabitiwan ni Kiko ang gamit niya at lumakad papalapit kay Ced. Itinayo niya si Ced at niyakap niya to ng mahigpit. "Bunso parang tagal nateng di nagkita ah, bakit 1 week kang hindi nagparamdam saken?" May kung anong kakaibang naramdaman si Kiko sa sandaling iyon, hindi niya maipaliwanag ngunit parang may kung anong saya ang naramdaman niya nang makita at mayakap ang kaibigan.

(Kiko's Point of view)

"Hay grabe ang training, nakakapagod. Paguwi ko naman sa bahay wala na naman akong kausap. Nasan na kaya yung mokong na yun? Isang linggo na kaming hindi nagkikita ah. Namimiss ko na yung bespren kong yun. Alam ko may mali sa nararamdaman ko. Pero alam kong gusto ko siyang protektahan. Ayoko lang na maisip niya na magiging tulad ako ng lalaking nagsamantala sa kanya. Oo alam ko, mahal ko ang bespren ko. Mula nang nagtapat siya sa akin ay may kung anong naramdaman ako at sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba pero alam ko mahal ko si Ced. Hindi ko lang alam kung papaano ko sasabihin ng hindi siya matatakot o lalayo sa akin."

Bigla na lamang niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Ced at hinalikan ang noo nito. Namula naman si Ced at nagulat sa ginawa ng kaniyang kaibigan. "Kuya Kiks anong nangyayari sayo? Bakit mo ko hinalikan sa noo? Haha parang magulang na kita ah.", sambit ni Ced. Nabigla si Kiko at sumagot, "Ah wala, namiss ko lang yung bunso ko, antagal na nateng hindi nagkita, kumain ka na ba? May dala akong pagkain tara maghati na lang tayo." "Ah tamang tama Kuya gutom na din ako, hindi ako nagkamali na magpunta dito." Nagsimula nang kumain ang dalawang magkaibigan.

(Ced's Point of view)

"Antagal na nameng hindi nagkikita ni Kiks. Namimiss ko na din siya. Sa tuwing nagrerebyu ako kasama ng mga team mates ko sa quiz bee ay lagi ko siyang hinahanap. Hindi ko alam kung ano na tong nararamdaman ko mula nung marinig ko sa kanya ang mga katagang yon. Ano ba tong nangyayari saken? Lalaki ako, lalaki din si Kuya Kiks, hindi pwede to." Biglang bumukas ang pinto at nakita niya si Kiko na pumasok, nakajersey ito at halatang galing sa training. May kung anong tuwa ang naramdaman ni Ced dahil parang ang tagal nilang hindi nagkitang magkaibigan. "Bakit binaba nito ang gamit niya, papalapit na saken, Teka--", niyakap siya ni Kiko at bumilis ang tibok ng puso ni Ced. "Hindi ko na alam ang nangyayari saken, bakit ganito. Inlove ba ako sa bespren ko? At ang malaking problema, lalake siya. Hindi maaari ito."

Matapos ang nangyari ay biglang parang naghiwalay ang dalawa sa pagkakalapit nito at nagsimula na silang kumain. Nagkwentuhan silang dalawa at ng matapos kumain ay dumiretso na sila sa kwarto. Pagkapasok nila sa kwarto ay naghubad ng damit si Kiko at nagpaalam na maliligo muna siya. Nakita ni Ced ang buong katawan ni Kiko na nakabrief lamang at parang naapektuhan siya dito. Ibinaling na lamang niya ang atensiyon sa pagbukas at panonood ng TV. "Bespren ligo muna ako ha, ang init kasi", si Kiko. "Ok Kuya Kiks nood lang ako dito ng TV", si Ced. Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na si Kiko nang nakatapis lang at napatingin na naman si Ced sa kanyang kaibigan. Maganda ang katawan ni Kiko, kahit mas matangkad si Ced sa kanya ay makikita mo ang mga ebidensiya ng pagbubuhat ni sa gym. Biglang napansin ni Ced na parang bumubukol ang alaga ni Kiko. Naapektuhan siya nito at parang nagising din ang alaga niya sa kanyang nakita. Umiwas si Ced ng tingin sabay sinabing, "Oy magbihis ka na kaya, inaantok na ko." "Bunso okey lang ba kung nakabrief ako ngayon pagtulog naten?" "Ayos lang wala naman saken yun, tsaka bahay mo to, ikaw naman ang masusunod", pahayag ni Ced. Nagbihis si Kiko ng Brief at humiga na sa kama samantalang nakaupo pa din sa kama si Ced. Ililipat na sana niya ang channel nang hanapin niya ang remote. Kinakapa niya ito sa kama ngunit nahawakan niya ang alaga ni Kiko. Biglang natigil si Ced na hawak hawak ang alaga ni Kiko at napatingin sa kaibigan. Nakangiti lang si Kiko sabay sabing, "Pasensya na ah, antagal ko na kasing hindi nakakapagpalabas kaya ganyan yan." Bumitaw si Ced sa kanyang pagkakahawak at napatawa na lamang ng malakas. Tumayo si Ced para tanggalin ang kanyang suot na T-shirt at akmang hihiga na sana siya ng biglang nawalan siya ng balanse. Natumba siya at hindi sinasadyang pumatong sa ibabaw ni Kiko at dumampi ang labi niya sa labi ni Kiko. "Ay sorry Kiks di ko sinasadya." Hindi na napigilan ni Kiko ang sarili at hinila niya pabalik si Ced at biglang hinalikan sa labi.

1 comment:

Read More Like This