Pages

Wednesday, August 15, 2012

Kidnap my Heart (Part 1)

By: Antonyo

Ako nga pala si Carlo, 16 years old, 4th year high school sa isang all boy school. Medyo malamya akong kumilos kaya naman tinutukso akong binabae daw. Pero di ko na lng pinapansin, kasi pag nag react ka, mas lalaki pa ang issue at masasabi pa nilang guilty ka. Hindi ko nman makkaila na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki pero pinipigilan ko ang sarili ko kasi sabi nila nagugulahan pa daw ako kung ano nga ba ako.  Pero magbabago pala ang lahat dahil sa isang tao.

Malapit na Graduation, kaya nga tambak ang mga requirements at projects, running for honors  pa naman ako. February na noon at kapag valentines day ay foundation day naman namin at open for outsiders kapag ganun. Sa araw ding yun, nagtayo kami ng booth ng mga friends ko, kasi sayang naman, may extra points kasi pag nag participate ka to any activity, eh kesa ba naman sa sports ako sumali, eh wala akong talent dun, so booth making na lang. Marriage booth ang tinayo namin kasi alam namin na maraming mga babae at mga mag syota ang pupunta. Isa sa mga dinadagsa ang booth namin, may mga pares na okay lang, at yung iba pa ayaw-ayaw pa. Medyo kumukonti naring ang mga tao, kaya ayun nakatunganga na lang ako. Sa gulat ko na may biglang nag piring ng mga mata ko at dinala ako sa kung saan. Sa isip ko, “Blind date kaya ito? Eh, sino ba naman ang ipapares sakin?”

Ilang minuto nang lumipas at medyo sumakit na ang aking mata kaya tinanggal ko na ang aking piring. Mali pala ako sa aking hinala, nasa kidnap for ransom pala ako. Pinagkaisahan pala ako ng mga kaibigan ko, nasa labas sila naghihintay. “Humanda kayo pag nakalabas ako ditto!”, pasigaw kong sabi sa kanila.

Friends ko na sila since first year pa. May mga halata meron din naming kagaya ko na malamya lang. Pwede naman akong makalabas kung gugustuhin ko, pwede ko namang bayaran ang sariling ransome para sakin. Pero sa isip-isip ko baka may tutubos para sakin, pero sino? Tanong ko sa sarili ko. Malapit nang mag dilim kaya sinuyo ko na ang nagbabantay, “Uy! Palabasin mo na ako dito, wala rin namang tutubos sakin, at isa pa malapit narin namang matapos ang event”, pakiusap ko. “Edi bayaran mo sarili mogn ransome”, sagot nya. Wala na akong magagawa kaya babayaran ko na lang ang sarili ko, pero bago ko pa madukot ang wallet ko eh biglang bumukas yung pinto, akala ko tinubos na ako ng mga kaibigan ko, yun pala may bagong kinidnap. Di ko mamukhaan kung sino kasi against the light at madilim pa sa loob. Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa aking tenga, “Uy! Carlo ikaw pala yan.” Sabi ng pamilyar na boses. Kaya nilapitan ko sya, sa gulat ko si Adrian pala. Classmate ko rin sya since first year pa, pero hindi kami close. “Uy! Adrian ikaw pala, na kidnap Karin pala?” tugon ko sabay tawa. “Oo nga eh, di ko nga alam kung sino nagpakidnap sakin” sabi nya. “Ako nga rin eh, kanina pa ako wala paring tumutubos sa akin” tugon ko. Bago pa sya mka sagot eh bumukas ulti yung pinto. “Adrian, may tumubos na sayo, mga kaibigan mo”, ani ng nagabababantay. “Yes!”, ang tanging nasabi ni Adrian dahil sa tuwa, di na nga nya nagawang magpaalam. “Sa akin may tumubos na ba?”, tanong ko sa nagababantay. “Wala pa eh”, sagot nya. Medyo nalungkot at natameme, feeling ko parang mag isa na lang ako sa mundo. Nasa kalagitnaan ako ng pagsesenti nang binasag ulit ng tiga bantay yung katahimikan. “Carlo, tubos ka na!” sigaw nung tiga bantay. Pagkalabas na pagkalabas ko tinanong ko yung bantay kung sino tumubos sa akin, “Yun oh.”, sabi ng bantay sabay turo kay Adrian, sa di kalayuan na papalakad papalayo sa amin.

First year pa lang pansin ko na si Adrian, di naman maipagkakaila na may itsura si Adrian, kaso nga lang suplado. Sa simula pa lang may gusto na ako kay Adrian, hanggang lumipas ang tatlong taon at 4th year na kami, wala parin nakaka alam na may gusto ako sa kanya, hanggang sa simpleng pa tingin-tingin lang ako sa kanya.

“Adrian!”, pasigaw kong tawag sa kanya. Lumingon sta at smile lang ang ginanti. Parang nawala ako sa sarili dahil sa ngiting iyon. Nabalik lang ako sa katinuan nung tinapik ako ni Cris sa balikat, isa sa mga kaibigan ko na nag pa kidnap for ransom sa akin.  Ginantihan ko rin sya ng tapik na mas malakas sabay sabing, “Gago kayo ah! Saan yung iba? Bat iakw lang?”, tanong ko. “Sila? Ayun nasa booth nililigpit yung mga gamit”, sagot nya. Nang makarating kami sa booth, wala na sila, yun pala umuwi na. kaya umuwi narin kami ni Cris.

Pagkauwi ko ng bahay, di parin mawala sa isip ko ang ngiting iyon ni Adrian at ang mga tanong, “Bakit kaya ako tinubos ni Adrian?”, at yung na ang kinatulugan ko. Kinabukasan, excited akong pumasok,  excited kasi mabibikwasan ko ang mga apsaway kong mga kaibigan at syempre makikita ko is Adrian. Nang makarating ako sa school deretso agad ako sa room.

“Ano, okay ba yung plano natin kahapon? Napagsama natin sina Carlo at Adrian.”, sabi ni Gino, isa sa mga kaigan ko. Dinig ko iyon sa may labas ng room kasi aptago akong papasok habang minamasdan sila galing sa labas. “Paano? Paano nila nalaman na may gusto ako kay Adrian?”, tanong ko sa aking sarili. Kaya dali-dali akong pumasok at pinagbabatukan sila, di rin naman sila gumanti at sa halip, tumawa na lang. “Oh, musta ang pagiging Hostage? Nag enjoy k aba?” tanong ni Cris. “Naman, nag enjoy yan.”, gatong pa ni Gino. “Kung sya nag enjoy, tayo rin nag enjoy. Haha”, pahabol ni Elton, isa pa sa kaibigan ko. “Enjoy? SInong mag eenjoy kung makulong ka ng ilang oras?”, sagot ko. “Sus, kunwari ka pa! Alam na naming, noon pa!” pagkumpronta ni Gino. “Anong alam nyo na?” kaila ko. “Hay naku! Kahit nung first year pa tayo pansin na naming, kung hindi mo sya gusto, magagawa mo bang matitigan sya ng matagal at naka ngiti ka pa?” pang-iinis ni Elton. “Tumahimik nga kayo! Di naman yan totoo!” kaila ko ulit. “Sus! Kahit ikaila mo man yan, alam na naman ni Adrian na gusto mo sya. Haha” pambabara ni Cris. Nagitla ako at natulala. “Ha? Alam na nya? Bakit!? Kailan pa?”, tanong ko sa sarili ko. Nabasag lang yung katahimikan ng duamting na ang teacher sa first subject. Wala parin ako sa sarili habang silang mga kaibigan ko parang baliw sa kakangisi at kakatawa.

Habang may klase wala ako sa sarili, puno ako ng mga katanungan sa isip ko. Natigil lang yung nung tinawag ako ng teacher ko, “Mr. Cruz, is there any problem? You seems like you’re not in your self today.” Tanong ng aking teacher. “Sorry, ma’am, I’m just sleepy.”, palusot ko. Malapit nang matapos ang araw ko nang mapansin ko na walang Adrian na sumulpot ngayong araw. Nalungkot ako pero sa isip ko, okay lang siguro may practice lang at bukas andyan na sya. Pero kinabukasan at sa sunod pang mga kinabukasan eh wala paring Adrian na nakikita.

“Alam naming malungkot ka kasi wala si Adrian ngayong mga nakalipas na mga araw.”, bungad ni Gino. “Adrian na naman?”, kaila ko. “Sus friend! No need to deny na. Okay lang yan.”, dagdag pa ni Elton. Di ko na napigil ang aking sarili at wala na kaong nagawa kundi ang maiyak. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa pagkakamiss ko kay Adrian dagdagan pa ng nakahanap ako ng karamay sa nararamdaman ko na nakakintindi at malalabasan ko ng hinain. “Sige lang friend, iiyak mo lang yan”, sabi ni Elton habang hinahagod ang likod ko habang nkasandal ako sa balikat nya. “Bakit nga kaya wala si Adrian? May sakit ba sya? Aalis ba sya aksi nalaman nyang may gusto ako sa kanya?”, tanong ko sa kanila. “Yang ang di naming alam friend.”, sagot ni Gino. Wala narin akong magawa kundi humagulgol na lng.

Makalipas ang isang lingo simula nung nag foundation day, wala paring Adrian na nagpakita, medyo nasanay na pero hindi parin nawawala ang katanungan na kung asan sya. Nang marinig ko ulit ang isang pamilyar na boses, “Excuse me, paddan.” Sa may pintuan kasi ako nakatunganga. Biglang bumalik ang aking diwa. Alam ko kung kaninong boses yun, kaya hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses. Sa gulat ko, si Adrian! “Padaan ha”, sabi ni Adrian sabay ngiti sa akin.

“Class, siguro nagattaka kayo bakit nawala si Adrian ng mahigit isang lingo, kasi dapat mag mamigrate na sila sa Canada ng family nya, pero mas pinili nya ang magpaiwan.”, paliwanag ng adviser naming. “Ha? Bat nagpaiwan sya?”, tanong ko sa sarili ko.

To be continued.

Bakit nga kaya nagpaiwan si Adrian? Abangan

11 comments:

  1. ang cute! cant wait to read the next chapter. : - tieria

    ReplyDelete
  2. Galing mr author.. Paadd sa facebook?!?!

    ReplyDelete
  3. ang saya na sana.. nabitin namn ako. next na pls..

    ReplyDelete
  4. Hahahha. Adrian din pangalan ng crush ko tpos 4th year din kmi... Hahahha.. Parehas :D

    ReplyDelete
  5. kakasar nmn alm ng author kong saan nya bibitinin

    ReplyDelete
  6. Ahmm kaya cguro nagpaiwan si adrian because he realized na more than a month na lang graduation na nila. Hahaha joke lang po mr. Author. ��

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. . .natawa ko dito. .. .

      Delete
  7. nice story author! :)

    ReplyDelete
  8. Super cute ang theme,pang teenager,,like it
    Next n po

    ReplyDelete

Read More Like This