Pages

Wednesday, August 15, 2012

Pinaglaban Kita! (Part 1)

By: Cris Cruz

Chapter 1

Hi guys. Ako pala si Cris. As of now tambay (naghahanap ng work), 22 yrs old, at masasabi ko sa sarili ko na hindi ako DREAM MAN mo (Average look + Katabaan = Sarap I-Snob). THis is my first time to post my story. Yung istorya ko ay hindi pang libugan. Pasensya na po, it is more po sa emotional and mental rather than physical. I hope may mag-appreciate nito  :)

"Huh, anu ba yan, bakit kaya ako pa ang pinili nilang presidente. Hay nag-Dean Lister lang naman ako last sem tapos yun nah" yan lagi ang reklamo ko noon nung naging class president ako nung class namin during my 3rd year college days.

Never ko naisip na magiging president ako in my life. Ang buhay ko kasi nung high school ay ibang iba. When I was in highschool, many people discriminate me kasi daw ang TABA ko at may IN BORN hand ako. "Ma, anu bang problema sa akin" lagi kong daing sa aking ina because sobrang sakit na eh at  naawa na ako sa sarili ko. But thanks to GOD at naka-move on ako and I used my FAILURES as my OPPORTUNITIES during my college days.


PAGEANT REPRESENTATIVE:

"Mr.Cruz malapit na ang event ng organization natin. Dapat makapili ka na sa class natin ng representative niyo sa pageant" Yan lagi ang follow up ng organization president namin. Lagi niya akong kinukulit sa aming representative. Hay, kung alam niya lang na ang hirap mamilit ng lalaking representative sa class namin. So naisip ko na humingi  ng tulong sa adviser ko. At yun, pumayag naman at gagawin daw ang pagpili sa class niya.
Cris: Guys narinig niyo yun ah. Kailangan may representative tayong lalaki sa pageant. Iilang lalaki lang naman tayo dito eh kaya idaan na lang natin sa botohan
Mak: Hindi ba pwede si Gibo nalang ulit ang sumali.
Alvin: Oo nga, hindi ko hilig sumali diyan noh!
Cris: Hindi pwede, kayong dalawa na lang talaga ang pagpipilian

Si Mak at Alvin ang mga classmate kong masasabi kong malakas ang appeal. Si Mak mga 5'7, magaling mag basketball, matalinong tamad (pumapasa kahit hindi nagaaral, natutulog sa klase pero nakakasagot pag tinanong ng prof) hindi ko masasabi wow na wow siya sa kagwapuhan pero GRABE malakas talaga ang sex appeal nun. Si Alvin naman ay pure chinese. mga 5'8 ang height at medium built at SOBRANG YAMAN. Sa sobrang hirap ng kurso namin madaming nalagas na lalaki kaya silang dalawa na lang ang pwedeng pagpilian sa event.

Mak: Bakit ikaw, pwede ka naman sumali ah. Ikaw nalang Cris sumali
Alvin: Tama yun, si Cris na sasali
Cris(naasar): Ganun?! Hay sa totoo lang gusto ko talagang sumali pero hindi pumayag ang organization sa gusto ko. (biro ko)
Alvin: Anu ba yun?
Cris: Gusto ko kasi magsuot ng TIBAK. Gusto kong rumampa na nakaTIBAK lang at tanging TIBAK lang

Nagtawanan ang buong klase sa biro kong iyon. Iyon naman talaga akong tao. Malakas magpatawa at mang bully (ako na ang bully ngayon). Natapos din ang pagpili at si Mak ang naging class representative namin.

Natapos yung event at yun TALO si Mak hahaha. Pero nanalo naman yung representative namin sa babae. After that event masasabi kong naging mas close kami ni Mak kasi nga as a president responsible ako sa lahat ng needs na kailangan niya sa event. Madalas mo kaming makikitang, nagtatawanan, naglalaaro ng dota, maglaban ng tekken sa psp at ang MANG-ASAR ng mga classmate namin.

"I'm Cris Cruz, certified FOOD SCIENTIST..." yan ang aking pangtapos na linya sa aming report. Halos praises ang aking na-receive sa aking professor and what i can say maganda ang feedback nila. Sa totoo lang, I'm really happy that I chose this field, PASSION ko kasi ( remember mataba ako).

As a food scientist student buhay na namin ang laboratory work. Kaya't marami mga masasaya, nakakainis at SUPER MEMORABLE experience ang aking naranasan. At isa ito sa mga di ko malilimutan.

LABORATORY LIFE

Mak: Ako na diyan!
Cris: Ano ka ba? Kaya ko to! Magaan lang naman itong dessicator (imagine niyo na lang na kasing laki ng rice cooker). Saka bro, kahit ganito yung isa kong kamay nagagamit pa rin ito.

Laging ganyan ang tingin nila sa akin sa laboratory. bEcause of my IN BORN HAND hindi sila confident na ma-handle ko ang experiments ng maayos. Pero pinakita ko naman sa kanila na IT IS ALL ABOUT MINDSET. Kaya yun naniwala ako sa sarili ko, inalis ko yung doubts and fear.

Mak:  Astig naman yan kamay mo!(nakangisi)
Cris: Syempre! Ako lang ata meron niyan
Mak: Pahawak ha?!

Hindi pa man ako sumasagot ay hinawakan na niya ang kamay ko. Nagulat ako, parang huminto yung mundo ko. Habang sinusuri ni Mak ang kamay ko, nararamdam ko kung gaano kalambot yung mga kamay niya. Alam kong na-attract ako sa same sex but  i never thought na magkakaganito ako kay Mak. Ang 30 segundong pagsuri niya sa kamay ko, ay naging FOREVER na ata sa PUSO AT ISIP ko.

Natapos ang klase at umuwi akong malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung anung reaksyong ang aking gagawin ukol sa aking nararamdan. Ngunit sa huli nanindigan pa rin akong " Hay, anu ba naman yang iniisip ko? Wala yun... wala yun.. "

Sorry guys putulin ko muna...  Abangan ang susunod

1 comment:

Read More Like This