Pages

Sunday, August 12, 2012

Foolish Heart (Part 1)

By: Leandro

Kamusta sa lahat ng mga adik na nagbabasa sa blog na ito...uunahan ko na kayo di ito ang kwento na babasahin mo kung gusto mo ng "sarapppp" "segi pa idiinnn moooo" " ahhhh ayan naaa"...pwes wag mo na basahin kung yan lng ang alam mo...

Sa totoo lang nakakatawa at nabreak ko yung sinabi ko to stop posting another story dahil sa mga bad feedback na natanggap ko but since gusto ko mgsulat at mabigyan ng ngiti ang ibang mambabasa na hindi makitid ang utak...(joke lang) hehe alam nyu na kung sino ako..basta sinabi ko yun sa isang comment ko sa post ko...ang kwentong isalaysay ko ay tungkol sa isang kaibigan na hanggang ngayun ay umaaligid parin sakin...

Ako si leandro, 26yrs old, 5'9 ang taas..128lbs at masasabi kung may hulma ang pangangatawan ko kasi ung pinapasukan ko na trabaho ay may free membership sa isang gym kaya madalas nag-gigym ako kung free time at weekend...isang probensyano at naninirahan sa zamboanga city.

Marami akong nakilala sa gym at naging kaibigan na rin..nakilala ko si jhon, isang med-rep 32yrs old at binata pa..tuwing weekend lang kami magkasabay sa gym dahil sa trabaho namin...may pagkahawig din ang trabho namin..ako bilang ensurance sales at sya ay isang med-rep...(bunganga ang puhuman kung baga)..wala akong idea kung ano ang pagkatao niya..mabait namn sya (lagi nga akong binibigyan ng sample eh sa mga product niya) at minsan nagti-treat ng lunch or merienda..habang tumatagal naging close friend ko sya kasi nagbibigayan kami ng idea tungkol sa buhay buhay namin...about pamilya at sa mga syuta na rin...
(nagsinungaling ako sa kanya na wala  akong nobya ngayun pero ang totoo ay may syota ako ngayun at kasalukuyang ngtatrabaho sa canada (just like sa unang post ko) natatakot kasi ako kung anong reaksyun nya kung malaman nya na nasa same sex relationship ako ngayun...at natatakot din akong malaman sa ibang tao..(di ko naman kinakahiya yung tao na yun, sa totoo lang dahil sa kanya, natapos ko pagaaral ko at may magandang buhay na ngayun)..

Niyaya ako ni jhon pumunta sa bday ng pamangkin niya..

"pre invite kita bday ng pamangkin ko" tanong niya..

"segi kailan?" sagot ko.

"sa sabado. Susunduin lang kita. Saan ba bahay niyo?" dagdag niya

(totoo lng di ko sinabi bahay ko kasi ang kulit nya laging ngtatanong at ayaw kong may dumadalaw sa akin lalo na pag weekend)

Nagrerent ako ngayun isang apartment kasama ko ang tita ko na syang gumagawa sa gawaing bahay dahil ang tamad ko lalo na sa paglalaba..hahaha

" ah pre after work nalang kasi half day ako niyan,  anong oras ba ang celebration??"anas ko.

" ahh ok pre..gabi kasi gaganapin.magdidebo na kasi yun" sabi nya.

Nagpaalam na ako sa kanya na mauna na dahil may tataposin pa akong isang cliyente pero pinigil nya ako sa pagsabi...

" pre may sasabihin din ako sayu sa araw na yun" dagdag nya.

" pre sabihin mo na ngayun kasi baka makalimutan mo " sabay tawa at kindat..

Nagtataka ako ng di na siya nagsalita ulit..naputol lng ang katahimikan ng may dumating na kasama namin sa gym..

" part tapos nako magwork out?" tanong ng lalaki..

"Oo, pauwi na nga ako eh!" sagot ko

Nagsalita ulit si jhon

" basta pre sa sabado mo na malalaman" sabi nya.

"ahh segi...ok mauna na ako sayu..ingat pre" paalam ko sa kanya..

Habang bumababa ako ng hagdagan kasi nasa 4th floor yung gym ay iniisip ko ang anomang sabihin ni jhon sa akin..

Dumating ang araw ng sabado..

" putik namn to bakit tinambakan ako ng trabaho ngayun?" sabi ng utak ko habang basang basa ako ng pawis sa araw na yun sa loob ng opisina..at nagring ang phone ko.

" pre nasa baba na ako ng office nyu,ano tara na?" tanong sa kabilang linya..

"ahh tika pre..saglit lang tatapusin ko muna to"..sagot ko..

" gusto mo tulungan kita diyan? May kasama ka ba diyan?" Tanong niya..

" ahh wala naman. Kakauwi lang ng kasama ko kanina" sabi ko

" ahh segi hihintayin nalang kita dito sa lobby" sabi nya.

"ok"maikling sagot ko sa tawag niya at nagpatuloy ako sa ginagawa ko..di ko namalayan ang oras na matagal na pala ako sa ginagawa ko at di ko naalala na may taong naghihintay pala sa lobby (si jhon)..

Tatawag sana ako sa front desk para sabihin na papuntahin si jhon sa office ngunit nabigla ako ng may nagsabi sa likod ko..

" wow pre anong nangyari sayu? Pawis na pawis ka" sabi ni jhon.

" tang ina pre sira yung aircon" sabi ko..

At hinubad ko na tshirt ko dahil sa init..di ko na sinabi ni jhon na maupo muna at kusa nalang syang umopo sa harap ng table ko..

" malapit na ito pre" sabi ko..

"kita ko nga, 2hrs na akong naghihintay sa lobby eh kaya umakyat nalang ako" sabi ni jhon.

" pasensya na pre..sorry talaga" sambit ko..

" ok lang Ma..........." naputol ang sinabi nya.

"ano yun pre?" tanong ko..

" ahh wala yun..sabi ko ok lang" sabi niya..

Alam kong nakatitig si jhon sa akin dahil panay sulyap ko sa kanya..kapag tumingin ako sa kanya, siya namang umiiwas at parang di mapakali...

Tinawag ko si jhon para ikonsulta kong ok ba ang ginawa kong report
(ang intensyun ko ay kung totoo ba ang mga balita na nalaman ko tungkol kay jhon na isa syang discreet gay?) at yun ang paraan ko para matukoy kung ano man..

" ano yun pre? Tanong niya.

"ok na ba tong ginawa ko?" sagot ko.

"anong alam ko diyan? Tanga ka ba? Iba kaya work ko" sabi nya sabay tawa.

Tinawanan ko lang din sinabi nya bagkus wala naman akong nakitang may kakaiba sa kanya...nagulat lang ako ng inabutan nya ako ng panyo.

"pre punasan mo muna pawis mo?" sabi nya..

"ahh ayus lang a....." naputol ang pagkasabi ko...

Sya mismo ang nagpunas sa mukha ko, sa dibdib pati sa tiyan...di ko naman pinapakita na nagugulat ako..parang normal lang at walang reaction ngunit ang tanong sa isip ko ay napatunayan na may kakaiba kay jhon...di ko naman kailangan ipahiya sya bagkus hinawakan ko kamay niya at.

"ako na pre, salamat" sabi ko..

"oh ayan..ikaw talaga"..sabi nya.

"anong ako?" tanong ko..

"wala...tapusin mo na yan para maaga tayung dumating sa bahay ng tita ko."sagot niya.

"ok segi" sabi ko..

Natapos din sa wakas ang trabaho ngunit basang-basa talaga ako ng pawis sa araw na yun...kaya..

"pre ang baho ko na, pwede ba munang umuwi at magbibihis ako ulit? "sabi ko.

"anong mabaho? D naman ah..ang bango nga eh"sabi nya..

Nagulat ako sa ginawa nya sa pagamoy sa may batok ko para malaman kung mabaho ba talaga ako..(kahit di ako maliligo talang d nasangsang ang pawis ko)

"you are what you eat" sabi nya..

" ano yun pre?" tanong ko.

" kung ano ka ngayun sa pangangatawan mo dahil sa mga kinakain mo..ano pang silbe sa pagiging med expert ko, dba?" sabi nya sabay tawa..

Nagtawanan kaming dalawa habang bumababa sa office..

Sa parking area..

" pano yan may dala akong motor" sabi ko..

Nakita ko kasi ang white auto sa harap ng building at sa kanya yun...issue lang daw yun sa trabaho nya..

"eh d sumakay ka sa akin, iwan mo muna yan dyan, may guard naman eh " sabi nya..

Kaya sumakay ako sa front seat sa tabi ng driver seat..

" pre di ba ako magkasakit niyan?  Ang lakas kasi ng aircon eh" sabi ko..

" sorry pre kala ko kasi nainitan ka" sabi niya..

"patayin mo na lang at buksan ang window " sabi ko..

At sinunod naman niya...narating namin ang bahay ng tita nya ng ilang minuto..malapit lang pala sa office..(pwede ngang lakarin eh)

" daya mo pre may pakotse-kotse ka pa,pwede lang pala lakarin eh" sabi ko..

"ayaw kong mahirapan ang taong  M......" putol na sabi niya..

Naghahalo ang init, kaba at di mapaliwanag na nararamdaman ang sinabi niya...M...."mahal ko?" yun ang nasa isip ko sa mga oras na yun..di ko naman binigyan ng masamang iniisip pero palagay ko yun ang ibig sabihin sa mga sinabi niya...

Habang pumasok kami sa bahay ay sinalubong kami ng tita nya..

" oh hejo,  ito na ba ang kaibigan m0? Ang gwapo ha..maayus ka talang pumili" sabi ng tita nya sabay tawa..

"tita naman eh, sya si leandro at kasama ko sa paggi-gym at matagal na kaming magkaibigan" sabi ni jhon.

"good afternoon po" pagbati ko sa matanda...di namn matanda..may asim pa nga eh kaso ganun talaga akong tao kahit isang taon lang ang agwat ng edad,eh talagang gumagalang ako...

"bakit may nasabi ba akong mali?"sabi ng tita niya..

Pinutol ko ang paguusap ng itanong ko kung nasan na ang celebrant..

"tita san na po yung celebrant at ibigay ko po tong regalo ko sa kanya."sabi ko.

Nagulat si jhon sa narinig...

"pre may gift kang dala?" tanong ni jhon.

"syempre naman"sabi ko..

"bakit ikaw jhon wala bang gift sa sarili mong pamangkin?  Mabuti pa si leandro" sabi ng tita ni jhon.

"ah kasi tita, ganito kasi yun..." sabi ni jhon

At naputol lang dahil...
" wag ka ng magpalusot" sabi ng tita niya..

At nagtawanan kaming tatlo..

Humarap ako sa bday girl at inabot ang regalo ko para sa kanya...dun ko lang napagtanto na talagang di ordinaryung tao si jhon...first time akong dumalo ng isang dbay party na ang bisita ay puro pulitiko at mga magarang tao sa bayan namin..at dun ko lang din nalaman na ang ina ni jhon ay kapatid sa asawa ng mayor sa lugar namin...(alam nyu na kung sino si jhon? Malalaman mo kung pareho tayu sa iisang lugar) kaya mga class ang mga bisita...lumilingon ako sa mga tao dahil nakaupo na ako sa labas malapit sa pool kung saan may malaking bato na parang hinulma para maging isang upuan.

"asan na kaya ang gagong jhon na yun? Puta iniwanan ba naman ako? " sabi sa sarili ko.

Habang nagmunimuni ay may isang tao ang lumapit sa akin..sa tingin ko magkaedad lang kami..

"dude,magkaibigan kayu ni jhon?" sabi ng lalaki.

"Oo, sya nga naginvite sakin dito eh pero ang gago iniwan ako" sabay tawa ang sabi ko.

"alam mo ba yan na si jhon ay...

Naudlot ang pagpatuloy sa pagsabi ng lalaki ng dumating si jhon...habang papalapit si jhon sa kinauupoan ko ay siya namang alis ng lalaki na kausap ko..di ko pa naman natanong kung anong pangalan nito..

" pre kamusta? Sorry pre ah" sabi nya..

"ok lang pre, naaliw naman ako sa panonood ng sayawan ng mga relatives mo" sabi ko.

" mga kaibigan yan ng tita ko" sabi ni jhon

" kilala mo yung lalaki kanina kausap ko."tanong ko.

"ahh si erik yun..isang kaibigan" sabi nya.

Di na ako nagtanong dahil dun at sabay namin pinanood ang mga sayaw pang matrona ang dating..at nagkasabay pa kaming nagtawanan habang pinanood ito..

Hanggang nagsiuwian na ang mga bisita at ako ay nagpaiwan dahil nagaantay ako kung anong sasabihin ni jhon sa araw na yun...naglalaro ang isip ko kung ano man iyun..sana di masama..sana di makasira sa pagkakaibigan namin..sana maging ayus ang lahat..

Nagulat ako sa lakas ng hampas ng likod ko...si jhon

" gago ka ba..nagulat ako dun ah" sabi ko.

"ito BH daw sabi ni tita..nakita ka daw nya na di kumakain eh " sabi ni jhon.

" nako nagabala pa tita mo..sabihin mo wag na..ok lang ako" sabi ko.

"pre magagalit yun pag tinanggihan mo..mabait ka daw kasi ikaw lang ang nagbigay ng present sa anak nya sa lahat ng kaibigan ko" sabi ni jhon.

Tinawanan ko lang ang sagot sa mga sinasabi niya..at niyaya niya akong mag joyride muna bago ako ihatid sa office ko dahil nandun pa ang motor ko..

Nilalakbay namin ang kahabaan ng daan at napunta kami sa lugar na minsay nandun ang puro magsyuta at nakipagdate...dahil sa burol na yun ay halos makikita mo ang kabuuan ng lugar namin (palpalan ang tawag dito sa amin)..

"pre bakit nandito tayu?" tanong ko..

"masarap kasi dito..malakas ang hangin at namakagandang tingnan ang ilaw sa bayan parang mga kutitap" sabi ni jhon

"pang romantic naman ng place na to" sabi ko

"pre naalala mo pa ang sinabi ko nung last day nagkita tayu?" tanong niya.

"ano yun?" sagot ko..nagkunwari akong d ko alam pero alam ko ang tinutukoy nya..ang kanyang sasabihin sa akin..

" nkalimutan mo na pre na may sasabihin ako sayu" sambit niya.

"ano nga yun?" tanong ko ulit.

"pre d ko intensyun ang maging kaibigan ka lang..siguro selfish akong tao dahil di ko sinabi sayo tungkol sa mga bagay na gusto ko..

Nagtataka ako bakit sinabi nya yun..di ko maintindihan na parang may malakas na hangin ang humampas sa akin at patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya at walang salitang lumabas sa bibig ko.

" pre noon pa lang, sinabi ko sa sarili ko na di ito dapat kasi masaya na ako na naging kaibigan ka..at masaya ako kapag kasama ka..pero maging masaya ako kapag wala akong tinatago sayu.

Naging kabuluhan ang sinabi ni jhon sa akin at dun na ako sumagot.

"anong gusto mong mangyari?" tanong ko.

"pre gusto kita..gusto kita higit sa inaakala mo na magkaibigan lang tayo.." sabi niya..

Bigla akong natigilan..bakit ganon? Kung kailan ok ang lahat saka naman darating ang ganitong sitwasyun namin ni jhon..bakit di nalang maging kaibigan?..

"pre di kaba masaya na magkaibigan tayu?" tanong ko.

"pre alam mo nahihirapan ako ngayun kasi sa tuwing di kita makita, namimiss kita.." sabi niya.

At bigla ko nalang naalala na malamin na ang gabi..

"pre ihatid mona ako, malalim na ang gabi"? Sabi ko.

"pre naiintindihan ko kung ayaw mo..putang ina damdamin naman to oh!." sabi niya..

Nakita ko nangilid mga luha niya sa pisngi niya..ang buwan ang naging saksi sa pagtulo ng luha niya..di ko magawang yakapin sya..di ko magawang haplusin ang nasusugatan niyang puso..di ko magawang masabi sa kanya.."PRE MAY MAHAL NA KONG IBA"

" pre basta sa ngayon masaya akong bilang kaibigan mo at masaya ako dahil sa pagamin mo kaya lang may mga bagay tayong dapat tandaan na di lahat makukuha natin." sabi ko

Parang natigilan si jhon sa pagluha..parang naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig sa kanya..

"pre sa mga sinabi ko ngayun, sana di ka magbago"  sambit niya.

"ayus lang yan pre, promise walang magbabago..ikaw parin si jhon na kaibigan ko" sabi ko.

At inihatid na niya ako sa opisina..habang nasa loob kami ng auto niya...

"salamat sa paghatid pre" sabi ko.

Palabas na sana ako ng auto ng jhon ng pigilan niya ako sa paghawak ng malakas sa kanang kamay ko at dahilan para maupo ko ulit..

"pre promise mo ha! Walang magbabago" sabi ni jhon.

"oo naman pre..magkikita naman tayu lagi sa gym eh" sabi ko.

Nakita ko nman tumulo ang luha niya..para akong napako sa kinauupoan ko...parang naawa ako sa kanya at di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko...

lumabas ako sa auto niya at tinungo ang parking area..Paglabas ng parking area ay nakita ko pa ang auto ni jhon kaya pinuntahan ko ito.

"pre uwi ka na gabi na" sabi ko.

"pre mahal kita..gusto kita.!" sabi nya habang hinahampas ang ulo nya sa manobela..

"pre relax lang,  d pa ngayun ang time para malaman mo kung bakit hindi" sabi ko..

"sabihin mo pre bakit" sabi nya..

"itulog mo na yan pre" sabi ko..

At umuwi na ako sa apartment ko..habang nasa loob ako ng kwarto ay inisip ko ang lahat ng sinabi ni jhon sa akin...wala akong pagnanais ni jhon..kahit isang saglit walang tumibok dito sa puso ko para sa kanya..mahal ko si jhon bilang kaibigan lang at wala ng iba...pero sa natuklasan ko kung gaano nya ako kagusto ay para akong nanghihina at kibakabahan sa anomang mangyayari kinabukasan...

Bakit sa dami daming tao sa mundo..ako pa ang nasa ganitong sitwasyun..alam ko committed na ako at ayaw kong saktan ang taong na matatawag kong "ang taong bumubuhay sa akin"...kahit namiss ko sya di ko naman magawang gumawa ng masasamang bagay na ikagagalit niya..napakabait ni ecko at ayaw kung masaktan sya...

Naiinis ako sa nararamdaman ko..naiinis ako bakit ganito ang buhay...ang daming obstacle at tukso( di naman ako nadadala) pero alam kong may nasasaktan akong tao...

Every weekend nagkikita parin kami ni jhon at walang pinagbago ang paguusap namin..ngunit di talaga maiwasan ang pagnanais ni jhon at lagi pa itong naghihintay sa mga sagot sa mga gusto niya..

Sino ba ang pahahalagahan ko? Ano ang dapat kong gawin? Ginawa ko na ang umiwas ni jhon pero siya naman ang lumalapit..minsan dinadalaw ako sa work ko..(alam ng ka-opismate ko ba magkaibigan kami kaya wala silang makitang malisya sa aming dLawa)..dapat ko na bang sabihin na may syota ako (same sex) para tumigil na sya?..ayaw kong mapahiya ako kay jhon..ayaw kong magmukhang tanga..ano pang ginawang pakipot ko sa gusto nya eh may nakauna na pala sa kanya.."yan ang mga namoong mga tanong sa utak ko sa mga oras na yun.."

Ang lalim...ang hirap...ang sikip ng mundo ko para sa akin...

Hanggang may mga pangyayaring di inaasahan..June 18,2012..unang araw sa opisina...tandang -tanda ko pa.. Isang masamang balita ang nakarating sa akin..ang tawag mula sa tita ni jhon...

"leandro, hejo..hinahanap ka ni jhon..nandito kami ngayun sa mendero hospital" sabi sa kabilang linya..

Naguluhan ako sa nangyari kay jhon..

"bakit anong problema tita?" tanong ko..

"basta nalang uminon ng muriatic acid ang gong-gong" sabi ng tita ni jhon

"ano po? Segi po pupunta po ako..

Habang nagbibihis ako ay di ko maisip kung bakit sa akin tumawag ang tita niya..bakit ako ang hinahanap ni jhon..papunta ako ng hospital pero nagkataong tumawag si ecko sa akin at gusto makipagchat sakin dahil namiss na daw niya ako kaso binigyan ko si ecko ng dahilan..isang pagsisinungaling na di pwede sa araw na yun kasi may emergency call ang opisina at naniwala naman ito..

Narating ko ang hospital at habang umaakyat ang elevator sa 5th floor ay naguguluhan ako kung bakit sa dami daming inumin ay yung muriatic pa? Kasunod ang mahinang tawa sa sarili ko...mabuti nalang ako lang ang tao sa elevetor, kung may kasama siguro mapagkamalan ako baliw dahil tumatawa akong ng walang dahilan..

At ng papasok na ako ng kwarto ay nakita ko si erik (ang lalaking kausap ko sa bday party ng pamamgkin ni jhon) sa labas ng room 505 kung saan nandun si jhon..

"pare anong ginawa mo sa kanya" tanong ni erik

Nagulat ako sa tanong ni erik..di ko alam ang isasagot..kung sasagot ako ibig sabihin, ako nga ang dahilan..tumahimik nalang ako at tinungo ang room...akma ko ng buksan ang pinto...pero hinila ako ni erik at dahilan na di muna ako nakapasok at nagkaharapan kami..

"pare tinatanong kita" sabi niya..

"baliw kaba gaya ni jhon..anong almusal mo?" paberong sagot ko kay erik..

Alam ko galit ito pero di ako nagpakita na naduduwag akong tao..

" bakit mo hinayaan mangyari ito kay jhon?" tanong nya ulit..

" wala akong ginawa " angas ko..

Magkagulo sana kami ni erik dahil malakas na ang mga boses namin ng may bumukas ng pinto...lumabas si jhon na nka wheel chair at hila ng babae(si agnes) kapatid ni jhon...nakita ko na tong si agnes nung nagyaya si jhon magdinner kasama kapatid niya..

"ano bang nangyari dito?" tanong ni jhon..

Lahat kami tumahimik..lahat parang tumigil ang oras at ninanamnam kung anong hiwaga ang mamomoo sa mga oras na yun..

Itutuloy....

13 comments:

  1. Cool story. When can we expect the next part? :)

    ReplyDelete
  2. putah.' ganda ng story,hehehe.' it was a heartwarming..'..tnx for sharing!

    ReplyDelete
  3. did i just read muriatic acid? eh di sunog yung lalamunan nun?

    ReplyDelete
  4. I was so happy this day na napost na ng admin ang story na to...i remember na 2nd week of month of july ko pa na send ito..

    At full story na yun...tnx sa bumasa...

    Frm:author

    ReplyDelete
    Replies
    1. I knew ur hidding something kawawa naman ung kagaya ni john n niloko mu

      Delete
  5. I dont thnk so na totoo ka s sarili mu

    ReplyDelete
  6. bunito ya era el storya pero ooopppsssss si Jhon related na wife di Celso Lobregat? oowwwsssss pg sure dodong kay el wife di celso lobregat hnde de zambaonga de manila sila. Puro imbento de bos storya

    ReplyDelete
  7. Apologize for that..i was mistaken for the place i've wrote...lets we say were in the place which part of zambo.sur and norte..not the city actually

    frm:author

    ReplyDelete
  8. wew ang ganda.. nxt chapter na po..

    ReplyDelete
  9. putek naman! ayos mambitin ang author!

    ReplyDelete
  10. Ang ganda ng pagkagawa galing ng imahenasyon... Muriatic acid? Tapos nagsalita? wow may nagchavacano. Ariva zamboanga any way, next.

    ReplyDelete
  11. Yes jhon was conscious na that time..kasi 3days na pala sya na confine then..hes aunt call me about his condition....late nga lang...well, tnx to all..

    From: author

    ReplyDelete
  12. Next chapter malalaman nyu lahat ang dahilan at ano mangyari sa aming pagkakaibigan...

    Sad or happy ending...just read and lets see..hehehe

    frm:author

    ReplyDelete

Read More Like This