Pages

Wednesday, August 15, 2012

Eng21 (Part 8)

By: Cedie

VIII. Paghihinala

Kinabukasan ay naghanda ang dalawa para pumasok muli sa eskwelahan. Tumawag ang mga magulang ni Kiko at nangamusta sa mga nangyayari kay Kiko. Si Ced ang nakasagot ng telepono at ikinagulat ito ng Mama ni Kiko pero ito ay natuwa. "Hello tita, si Ced po ito, kamusta na po? Naliligo pa po si Kuya Kiks", "Iho ikaw pala, mabuti naman kame, kayo kamusta na dyan? Hindi ba nagloloko sa school si Francois?" "Ah hindi po, sumali din po pala siya sa varsity ng basketball team, alam niyo na po ba yun?" "Ah yes, he mentioned that to me before, Sige iho pakikamusta mo na lang kame sa anak namen at ibababa ko na to, I just want to check up on him but I know he's ok, mag ingat kayo diyan ha?" "Sige po tita, regards na lang po din kay tito. Bye" Pagkababa ng phone ni Ced ay biglang labas ni Kiko sa CR, "Ced sino yung tumawag?" "Si Mama mo, kinakamusta lang tayo, mukhang nagmamadali kaya binaba na agad yung phone, ayun kamusta daw at ingat daw palagi." "Aba ayos ah, hindi na talaga ko kinausap ni Mama, haha, di bale nakausap ka naman na niya eh. Maligo ka na para makakain na tayo at makapasok na tayo ng eskwelahan." Sumunod naman si Ced sa sinabi ng kaibigan at pagkatapos nito ay nagalmusal sila sa bahay nina Ced, ipinagluto sila ng Mama ni Ced at kinamusta nito ang dalawa. Matapos nito ay pumasok na sila sa eskwelahan. Pagdating ng dalawa sa kanilang room ay nagulat sila ng makita nila ang barkada nila na naunang dumating sa kanila. Maging ang barkada ay nagulat nang makita nila ang dalawa na magkasama ngayon. "Oh magkasama na pala kayong dalawa, eksakto nagiisip na kasi kami dito kung ngayong araw ay libre kayo pareho dahil may plano ang tropa", wika ni Sarah. "Ah kasi dun natulog si bunso sa amin kaya nheto magkasama kame pumasok", inakbayan ni Kiko si Ced sa balikat sabay tawa sa mga kasamahan niya. Napangiti na lang din si Ced sa mga kabarkada nila at nagsalita, "Ano ba yang plano niyo?". Sabay sabay na nagsalita ang lima nilang kasama, "Night Swimming!"
"Wow ayos yan ah, kelan naman yan? Tsaka sino sino mga kasama?", si Kiko. "After ng quiz bee ni Ced tayo pumunta, syempre tayong barkada lang, tapos sagot mo na kotse tutal kasya naman tayong pito dun eh.", si George. "May nakita kasi kameng magandang resort sa laguna kaya nagresearch na kami ng kung ano ano, naku tuloy na to wala nang aangal kundi tatamaan kayo saken!", pabirong sabi ni Emily. Nagsitawanan na lang sina Jared, Robert, George, Sarah at ang dalawang magkaibigan sa sinabi ng babae. "Ok sige after ng quiz bee tuloy naten yan, pero suportahan niyo na muna ako sa laban namen ha, gusto ko andun kayo lahat.", si Ced.  "Oo ba, syempre susuportahan ka namen diba guys?", pangunguna ni Kiko. Sumang ayon naman ang mga kasama nito sa sinabi ni Kiko.

Matapos ang usapan ay nagsimula ang klase nila. Nagtuturo si Sir Paul sa harapan ng Math nang mapansin nilang ganadong ganado sumagot si Kiko sa mga tanong ng professor kahit pamali mali ito. Nagtatawanan na lamang ang mga magkakaklase sa mga nangyayari. May napansin naman na kakaiba si Jared sa dalawang magkaibigan. Sa tuwing mapapansin niya na sasagot si Kiko at uupo ito, titingin ito kay Ced at kikindat, makikita naman niyang palihim na tatawa o iiling si Ced. Di niya maisip kung dapat ba niyang bigyan na ng kahulugan ang nakita niya o hahayaan na lang dahil alam niyang malapit na magkaibigan ito. Naikwento ni Jared ito kina Sarah at Emily. Napansin din daw ito ng dalawang babae pero hindi din naman daw nila ito binigyan ng kahit ano, pero naghihinala na sila na parang may kakaibang pagtitinginan ang dalawa na higit pa sa magkaibigan.

Lingid sa kaalaman nila ay napapansin din ni Kiko na napaguusapan sila ng iba niyang barkada. Ngunit binalewala na lamang niya ito at hinayaan na lang niya dahil mga kaibigan niya ang mga ito at alam niyang maiintindihan nila ang mga pangyayari.

Dumating ang araw ng quiz bee, magkakasama ang barkada na nagpunta sa eskwelahan na paggaganapan ng patimpalak. Pagdating nila dun ay nakita nila si Ced na nakaupo kasama ang isang lalaki at isang babae na nakaupo sa isang lamesa. Ito ang mga team mates ni Ced. Si Larry, isang estudyante sa kabilang section, at si Via, isang napakagandang babae mula din sa isa pang section ng engineering. Napansin ni Kiko na tila parang close na close si Via at si Ced.

Nagsimula ang unang round ng Quiz bee. Eliminations. Sasagot ang bawat team ng 20 questions at ang top10 ay papasok sa next round. 25 teams ang kasali sa competition at nagsimula na nga. Sa bawat tamang sagot ng grupo ni Ced ay yumayakap si Via sa binata. Napapansin to ni Kiko at tila may namumuong selos sa nararamdaman niya habang nakikita ito. Wala lang naman to kay Ced, crush niya si Via noon ngunit mula nung magtapat sa kanya si Kiko ay parang kapatid na lang ang turing niya kay Via. Nakita niya ang kanyang barkada at kumaway siya sa mga ito, ngunit nung nakita niya si Kiko at tila parang pilit na ngiti ang ibinigay ni Kiko sa binata.

Nang ibinigay ang huling katanungan ay nakuha na naman ng grupo ni Ced ang tanong kaya tuluyan ng napayakap ng matagal si Via sa kanya at parang napayakap din si Ced dahil lamang sa inalalayan niya ang sarili na baka siya ay matumba. Nakita ito ni Kiko at biglang padabog na nagsalita, "Tara uwi na tayo, pasok na sa Top10 sina Ced, kaya na nila yan." Nagtaka sina George sa sinabi ng binata ngunit wala namang nagawa dahil sama sama naman sila na nagpunta dun, kasama naman nila Ced ang advisers nila at ang iba pang professors. Umalis na ang barkada at nakita ito ni Ced. Nagtaka siya kung bakit bigla na lang umalis ang mga kaibigan niya dahil nakapasok naman sila sa top10.

Matapos ang elimination ay hindi mapakali si Ced sa pagiisip kung bakit iniwan siya ng mga barkada niya. Dahil dito ay hindi nakapagisip si Ced ng mabuti at kahit nakakasagot ng tama ang team mates ni Ced ay hindi sila nakaabot para sa top3. Napunta sila sa ikaapat na pwesto at siyang ikinalungkot ng kanyang mga kasama. Humingi ng pasensya si Ced at idinahilan na hindi niya talaga alam ang sagot. Ngumiti naman ang dalawa niyang kasama dahil ayos lang daw at 4th place naman daw sila. Lingid sa kaalaman ni Ced ay naobserbahan siya ng kanyang adviser na si Sir Paul.

Pagbalik nila sa eskwelahan ay nakita niya ang kanyang mga barkada at tinanong niya ang mga ito, "Bakit umalis kayo agad? 4th place lang tuloy kami, sayang." Bago pa man makasagot ang mga kaibigan ni Ced ay tinawag siya ni Sir Paul. Pumunta daw siya sa faculty room at kakausapin siya nito. Nakita ni Ced ang mukha ni Kiko na hindi pa rin masyadong nakatawa at parang galit. Wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang sa professor niya. Pagkapasok ng faculty room ay pinaupo nia ito at sinimulan ang pagtatanong. "Cyrus Edward, anong nangyari? Ikaw ang pinakamagaling sa Advanced Algebra pero bakit hindi mo nasagot ng tama? Lahat ng exams ko sa Math ay halos perfect ang nakukuha mo pero bakit kanina nagkamali ka?" "Ah sir siguro nalito lang po talaga ako. Pasensya na po talaga." "May kinalaman ba to kay Francois?", nagulat ang binata sa tanong ng kanyang professor pero iginiit niya na hindi ito ang dahilan. "Cedie sa susunod bawi ka na lang, ayos lang din naman, pasensya ka na sa natanong ko, napansin ko kasi na hindi ka mapakali nung umalis sina Kiko, pero next time siguraduhin mo na mananalo na tayo sa susunod na competition." "Yes sir, pasensya na po uli. Bawi na lang po tayo next time." Paglabas niya ng faculty room ay nakita niyang inaantay siya ng barkada ngunit napansin niyang wala si Kiko. "Pare kamusta? Ano sabi sa iyo ni Sir Paul?", si George. "Ah wala naman, sabi lang bumawi ako next time. Nasaan si Kiks?" "May training daw eh, ayun nagmamadali umalis.", si Emily.

Nagtatakang napaisip si Ced kung anong nangyari sa kaibigan niya at biglang ganun na lamang ang inaasta..

Itutuloy..

7 comments:

  1. parang nabasa ko na to sa kung saan. Diba mamamatay dito c kiko? (spoiler? Lol) pero sana author baguhin mo ung plot para masaya ending. Salamat

    -darkangel fan

    ReplyDelete
    Replies
    1. @darkangel

      Totoo po na namamatay si kuya kiks. :(

      Delete
    2. @mr. Author


      Curious po ako sa envelope na binigay nung mama ni kuya kiks before they go to china. Ano kaya yun, or we will find it soon sa story.

      Delete
  2. This is by far one of the most well-written stories here. Ang daling ma-picture sa isip, ver detailed at hindi puro sex. The story makes the reader want for more. I have to commend you Mr. Author. . . I hope you get the time to write the next installments soon.

    ReplyDelete
  3. I've read this from a diff blog, kaso na close na ata yun, nice story, maluluha ka hehehe

    ReplyDelete
  4. Next chapter pls...

    ReplyDelete
  5. spoiler ampusa! loljk

    ReplyDelete

Read More Like This