By : Abcdminimi
Magandang araw po sa lahat ng readers ng KK. Almost a month na rin akong nag babasa ng mga story dito at masasabi kong isa palang magandang hobby ang magbasa ng story. Kung kaya’t na engganyo din akong sumubok mag sulat. First time ko lang po na mag sulat ng story. Lalo na at tungkol sa aking sariling lovelife ang kwento ko pong ito ay hindi lang basta kwento dahil ang mga mababasa nyo po ay hango sa tunay na nangyari sa akin kung meron man po akong kaunting binago ay yun po ay pasa security purposes na lang po..(( wehh celebrity lang lang?)) OO nga pala naalala ko ang isa pang dahilan kung bakit ako nag sulat ng ay dahil dun sa isang story na hindi na tinapos ng author. Kung natatandaan nyo pa yung story na SAGRADONG KATAUHAN. Base dun sa kwento nya ay taga calapan city Oriental Mindoro daw sya eh taga calapan din ako. Kaya nga sinubaybayan ko yung story nya baka sa sakaling kilala pero hindi nya natapos yung story nya sayang ang ganda pa naman ng flow. Pati nga yung school nila yung HIA dun din kasi ako nag aaral eh pero walang ganung name na sa school namin baka matagal na nangyari yun..
By the way eto na uumpisahan ko na nga ang story ko masyado na mahaba ang introduction ko ..
Enjoy reading Guys…………… Komento at Suhisyon ay malugod kong tatangapin para sa ikakaganda ng flow ng story…………………
…………………………………………………………………………………………………..
…………………………………………………………………………………………………..
About Me.
Name: Ronan Polaris Mercado
Age: 16
B-day: January 13, 1996
Place of Birth: M/v Starlite Polaris ( bound at Calapan )
Location: Calapan City Oriental Mindoro
Height: 5’6
Weight: 60 kls
Color of eyes: Midium Brown
Color of Hair: Chestnut Brown
Blood Type: AB
Ako po si Ronan Polaris Mercado ngayon ay 16 years old na at 4th year HS na sa isang Pribadong paaralan dito sa Tinaguriang THE DICIPLINE CITY walang iba kundi ang CALAPAN. Kung nagtataka kayo kung bakit ang pangalan ko ay may POLARIS dahil inabot si mama ng panganganak sa isang barko na ang pangalan ay M/v STARLITE POLARIS. Kaya yung ang binigay niyang name ko. Simple lang ang estado ng pamumuhay namin hndi kami mayaman pero hindi naman salat. Dalawa lang kaming magkapatid ang kuya ko na si Ron Mercado ay isang seaman kaya minsan lang siya umuwi. Si Anne Mercado naman ang aking ina ay nagtatatrabaho bilang manager sa isang bangko dito sa aming bayan. At ang papa ko naman na Romeo Mercado ay isang OFW sa USA.
Maraming nag sasabi na may itsura daw ako dahil kahawig ko daw ang aking papa Half american kasi si papa dahil ang kanyang ina ay isang americana.
Well about my looks di naman ako gwapo simple lang Medyo singkit ang aking mga mata na hugis alamond at midium brown ang kulay nito, may mahabang kilay yung parang ganun kay Carlo Aquino at may dimples sa magkabilang pisngi. Pantay pantay ang mga ngipin at medyo matangos na ilong. Maputi ako dahil bukod sa nasa lahi namin ay hindi ako pala labas ng bahay,
Typical lang ang porma ng katawan ko may muscle sa biceps at may abs dahil sa padala ni papa na di koryente na pang massage na pweding gamitin sa lahat ng parte ng katawan kaya hindi ako tumataba kahit na hindi ako masyadong nag lalaro sa labas di tulad ng ibang teenager na laro dito laro duon. Isa lang ang hilig ko laro ang Taekwondo gustong gustong ko talaga ito kaya ng payaagan ako ni mama ng mag enrol ay ito lang talaga ang focus ko.
Uumpisahan ko ang kwento nung 14 years old ako incoming second year ako .April nun kasagsagan ng summer ng may natangap si mama na tawag mula Kay Tita Tess kapatid nito na nakatira sa Puerto Galera. Dahil ang ninong ko panganany na kapatid ni mama ay nadulas sa C.R dahil sa kalasaingan at nabagok ang ulo nito. Kinalangan daw na i-transfer agad ito sa ospital sa calapan dahil hindi pa kompleto ang kagamitan ng Hospital ng Puerto Galera. Agad naman akong sinabihan ni mama nag magbihis at ihanda si Asphault. Si Asphault ay isang Yamaha Sniper motor ni kuya na ako gumagamit dahil wala namn siya dito mahilig kasi si Kuya Ron sa motor at mahilig sa mga motor show kaya masasabi kong maporma talaga si asphault. At mabilis nga kaming narating kung saan dadalhin si ninong pagdating namin sa MMG Hospital (Medical Mission Group) ay wala pa sila dun dahil nung tumawag si Tita Tess ay On the way palang daw sila sakay ng ambulance. Mga 30 minutes din kaming nag hintay, habang nag hihintay kami ay hindi mapakali mama halatang kabado at tensyonadong tensyonado. Maya maya pa ay may narinig kaming wang wang ng isang ambulance hudyat na padating na sila. At heto na nga ang ambulansya na may dala kay ninong mabilis na pumasok ito sa compound ng hospital at nag park sa emergency parking na malapit sa ER unang bumababa ang nure at ang doctor sumunod ay si tita tess at ang kanyang asawa. Sinalubong naman agad ni mama si tita ng yakap.
Agad namang ipinasok si ninong sa ER hindi na kami pinayangang makapasok dun Kaya nag hintay na lang kami sa labas habang nag hihintay ay ipinaliwanag ni Tita ang nangyari kay mama. Lasing daw si ninong nang magtungo daw ito sa C.R nang matapakan nito ang madulas na tiles ng C.R at nawalan ng balanse kaya dere-retso ito na natumba at tumama ang ulo sa toilet bowl at agad na nawalan ng malay. Sa Kwento ni tita mga 15 mins pa daw ang lumipas bago nila napasin si ninong na walang malay at nakahandusay na loob ng cr. Agad nilang itinakbo si ninong sa Ospital sa Puerto pero sinabi sa kanila ng doctor na dapat na madala agad si ninong sa calapan dahil Kulang ang kanilang gamit para sa kaso ni ninong.
Makalipas ng 30 minutes ay lumabas ang dctor mula sa E.R. Agad na sinalubong ito nina mama.
“ Doc kumusta po ang kapatid namin” alalang tanong ni mama
“Sa ngayon ay hindi pa nag kakamalay ang pasyente kaya hindi pa natin matiyak kung ano ang magiging epekto ng pagtama ng ulo nya, Nagsagaw na din po kami ng X-ray at CT-scan pero bukas pa po natin malalaman ang resulta nito” paliwanag ng doctor
“ganun po ba pero doc makakarecover pa po ba ang kapatid namin?” tanong ni tita tess
“ Sa ngayon po hindi ko pa masasagot ang tanong ninyo hintayin po muna natin siyang magising, sa ngayon po ay ipapalagay namin siya sa ICU para mas mabantayan ang kanyang kundisyon”
“cge po doc gawin nyo po ang lahat na makakaya nyo para po gumaling po ang kapatid namin” sabi ni mama sa doctor.
“makakaasa po kayo missis, cge po mauna na po ako sa inyo” sagot ng doctor at nagtungo na ito sa ER para itransfer si ninong sa ICU.
Si mama naman ay inayos ang kwarto at ilang mga gamit na dala nila para makapag pahinga din daw si Tita dahil wala padaw itong tulog.
Nang maayos na ni mama ang lahat ay nag paalam ito sa akin uuwi sa bahay at kukuha ng ibang pang mg gamit.
“Ronan dito ka muna uuwi lang ako sa bahay at kukuha ng iba pang mga kailangan dito”
“mama samahan na kita” sagot ko kay mama.
“dito ka nalang muna bantaya mo si ninong mo dun sa ICU”
Ah cge po kayo po bahala” sagot ko at hinatid ko si mama sa sakayan ng tricycle. Hinintay ko munang makalayo ang sinasakyan ni mama bago ako bumalik sa loob ng Hospital at nag tungo sa ICU para silipin si ninong. Tulog pa rin siya at may mga nakaka-kabit sa kanya mga Hose na hindi ko alam ang tawag at kung para sa saan yun. Meron ding benda ang ulo nito pero kahit na ganun ang itsura ni ninong ay hindi naman nakaka-awang tingnan.
Inilibot ko ang tingin ko sa iba pang pasyente actually tatlo lang sila nanduon si Ninong at isang matanda. Nang mapatingin ako sa Bed number 1 Ay halos di ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng makita ko ang itsura ng pasyente na batang lalaki ang nakaratay. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang sya at mag kasing taas din kami medyo payat na nga lang dahil siguro sa sakit niya pero Feeling ko mag kasing katawan kami. Parang may isang parte ng utak ko na titigan siya at manatili muna ako sa pwesto ko. Sa pag titig ko sa kanya ay Napasin ko ang matangos na ilong at ang makinis nitong mukha, at ang labi nito na mamula mula kahit na may sakit ito sa tingin ko ay hindi purong pinoy ang batang ito mukhang may lahi yata. (( sensya na guys di ako masyadong magaling mag discribe ng mukha ng tao eh sorry))
Habang pinag mamasdan ko ang batang pasyente na yun biglang umagos ang dugo sa ilong niya sobrang dami ay umagos pa ito sa Hospital gown niya na kulay puti. Agad namang pinunasan iyon na ng nurse na nag babantay sa kanya at pinalitan ng damit.
Kung may maitutulong lang ako para gumaling ka hindi ako mag dadalwang isip na gawin yun Nasabi ko na lang sa sarili ko habang ako nalalakad paupo sa bench na malapit sa altar pero hindi parin malayo sa ICU room.
Maya maya ay may pumasok na doctor sa ICU agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nag sumilip sa bintana ng Icu dahil akala ko ay kay ninong pupunta ang doctor kasi isa sya sa tumingin kanina kay Ninong.
Pero hindi pala nag punta ang doctor sa Batang pasyente at chinek-up ito at inayos ang mga aparatus na nakakabit dito sa nakit ako ay satable na ang kundisyon ng batang pasyente wala na din ang dugo sa ilong nito pero halata pa rin sa mukha ang hirap na dinaranas niya pero cute pa din katulad ko hehehe.
Nang lumabas na ang doctor ay bumalik na din ako sa upuan ko at nag laro ng games sa psp ko hindi pa kasi nadating si mama kaya di pa ako makaalis dahil sa walang magbabantay kay ninong at parang may nag utos ulit sa akin na manatili pa duon.
Maya maya ay bumalik ang doctor ng batang pasyente may kasama itong babae na sa tingin ko ay nanay ng batang yun halata sa mukha nito stress na stress, at kabadong kabado kasi umiiyak pa ito habang kausap ang doctor at duon ko din na pag alaman na dengue pala ang sakit ng batang yun na nasa stage 3 na daw at delikado na.
“Dok ano na po ang lagay ni Kenn?” alalang tanong nito sa sa doctor
“Missis habang tumatagal po ay lalong lumalala ang kondisyon ng anak ninyo patuloy po kasi ang ang pag dugo ng ilong at gilagid nya at dahil po dun ay medyo marami ng dugo ang nawawala sa kanya pag hindi po agad siya nasalinan ng dugo ay maaari nya itong ikamatay, Missis hindi po simple sakit ang dengue kahit marami po ang nkakasurvived sa sakit na ito marami na rin po ang namatay dahil dito.”
“Doc kung ganun ano pa po ang hinihintay natin salinan na po agad natin ng dugo si Kenn” alalang sagot ng nanay niya
“ah sige po missis sumunod po kayo sa akin sa laboratory at mag sasagawa tayo ng blood testing kung ka macth nya po kayo mas mabuti din pong isama na ninyo ang iba pang kapatid ng bata para ma i blood test din po natin sila” sabi ng doctor
“Eh doc nag iisa lang po wala po siyang kapatid mga pinsan lang po niya ang kasama ko ngayon na nag babantay sa kanya”
“eh ang ama po ng bata asan po siya” tanong ulit ng doctor
“Eh wala din po eh nasa ibang bansa po”
“ah ganun po ba sige po tawagin nyo na po ang pinsan ng bata at mag uumpisa na tayo kailangan po kasing masalinan siya ng dugo sa lalong madaling panahon”
Sa narinig kong pag uusap nila ay lalong tumindi ang awa na nararamdaman ko para sa kanya. Nanatili pa rin akong naka upo habang pinapanuod ang doctor kasama ang babae na sa tingin ko ay magulang ng batang pasyente. Nang lumiko sila sa kanang pasilyo ay agad kong natanaw si mama na maraming dalang gamit at mga grocery para sa bantay sa hospital heheh.
Agad akong tumayo at inulungan si mama sa pag bitbit ng dala nya. Pag pasok namin sa kwarto ay naabutan namin si Tita Tess at ang kanyang asawa na natutulog mukhang pagod at puyat kaya hindi na namin sila ginising pa. Inayos lang namin ang mga gamit at lumabas din kami ng kwarto para tingnan si Ninong sa Icu habang tinitingnan ni mama si ninong ay hindi niya mapigilan ang maluha kaya agad ko siyang inakap at niyayang umupo sa bench. Pero patuloy pa din ang pag iyak niya kaya naisipan kong mag jokes na lang para kahit paano ay mapanatag ko ang kalooban nya.
Nag okey na si mama at tumatawa na jokes ko ay Hinila ko sa patungo sa window 1 kung saan nandun yung batang lalaki na may dengue.
“mama tingnan mo siya oh kawawa naman sya” sabi ko kay mama sabay Turo kay Kenn.
“oo nga eh ang bata pa nya mukhang kaeda mo lang sya” sagot naman ni mama na halata din sa mukha ang awang nararamdaman para kay Kenn.
“oo nga mama eh sabi nung Doctor niya dengue daw po ang sakit nya at stage 3 na daw po kaya kailangan salinan na siya ng dugo” sagot ko kay mama
“ Kawawa naman siya, Teka pano mo nalaman yun kinausap mo ba yung doctor niya” tanong ni mama sa akin na wari’y nag tataka.
“ah hindi po narinig ko lang po kasi na nag uusap yung doctor at yung nanay nya siguro yun”
“ahh akala ko kinausap mo eh kaw talaga kahit kailan Ronan may pag ka chismoso ka wala ka ding pinipiling lugar eh noh” biro sa akin ni mama.
“ Alam mo mama kung bakit ako chismoso”? tanong ko kay mama
“ oh sige nga aber bakit ka chismoso eh kalalaki mong tao”
“ehh kasi po mama Mana ako sa inyo hahah” sabi ko mama sabay takbo palayo
“kaw talagang bata ka,, uyy san ka pupunta ha?” sigaw sa akin ni mama pero di naman masyadong malakas.
“Mama jan ka muna babalik lang ako sa kwarto kukuha ng makakain gutom na ako eh babalik din ako sagit lang”
“okey bilisan mo ha saka ikuha mo din ako ng orange bilisan mo, wag ka maingay baka magising sina Tita mo”
“okey po” sabi ko kay mama sabay lakad patungo sa kwarto.
Hindi naman ako masyadong nag tagal dahil baka magising sina tita pag nag tagal pa ako duon . Eh kilala ko yung si tita Tess lagi akong ini interview daig pa si boy abunda kung mag tanong kaya dali dali akong lumabas at bumalik sa ICU. Pagdating ko ay andun si mama at nakasilip sa window 3 at sinisilip si ninong.
Nang makita niya ako ay umupo nadin siya sa tabi ko.
“Ma wag kana mag alala kay ninong mukhang okey naman siya eh”
“Sana nga anak” maigsing sagot ni mama
“pero alam mo mama mas naawa kay Kenn yung batang may dengue”
“oo nga eh,, tindi mo talaga pati pangalan niya alam mo ah grabe ka talaga” biro ni mama sa akin habang natatawa.
“ Mama alam mo sabi nung doctor kanina kailangan daw siyang salinan ang dugo ay pwedi syang mamatay”
“ay ganun sana msalinan na agad sya kawawa namn siya ang bata pa niya eh”
“oo nga po mama eh, Ma anu kaya kung mag donate ako ang dugo ko para lang madugtungan ang buhay nya”
“ OO pwede nga pero ang problema baka hindi pareho ang type ng dugo nyo dahil ang type ng dugo mo ay katulad ng type ng dugo ng Papa mo sa ibang pang relatives nila”
“ay ganun po ba yun kala kahit anung dugo pwede isalin eh” sagot ko kay mama habang nag kakamot ng ulo.
“Sira ka talagang bata eh di namatay ang pasyente pag ganun”
“ah eh mama anu nga pala type ng dugo ko?” tanong ko kay mama.
“ahm AB ka anak mag type kayo ng papa mo” sagot ni mama sa akin
“ah AB pala ako anu yun Abnormal biro ko kay mama”
“sira katalagang bata ka”
“ohh sige mama dito ka muna punta lang ako sa parking lot tingnan ko lang si asphault baka nawala na lagot ako nito kay kuya mapapatay ako nun”
“sya sya oh sige lakad pero wag kang aalis ah bumalik ka agad”
“Opo mama”
At mabilis nga akong nag lakad palabas ng Hospital pero nag malapit na ako sa may nurse station ay napasin ko ang doctor at ang babaeng sa tingin ko ay nanay ni Kenn na seryosong nag uusap. Kaya agad akong humanap ng pwesto para makinig sa usapan nila
“ Missis paano po yan base po dito sa resulat ng blood test ay wala ni isa sa inyo ang ka blood type ni Kenn”
“eh pano po yan doc wala na po ba tayong ibang option para makahanap ng dugo”
“Meron po pwede po tayong mag request sa blood bank pero baka po mahirapan po tayong humanap kasi baka po walang stock sila or kung meron man baka mga 2 or 3 days pa bago dumating yun dito, missis kailangang kailangan na po ni Kenn ang dugo ngayon” paliwanag ng doctor.
“bakit po doc anung po bang blood type ni Kenn” tanong na babae
“Tatapatin ko po kayo mahihirapan po tayong makahanap ng dugong match kay Kenn”
“eh doc ano nga po ang Blood type”
“Type AB po siya missis” sagot ng doctor.
Salamat po sa pag babasa, comment lang po kayo about this matter para mas lalo ko pa mapaganda ang flow ng story ko. Salamat po
Kapag e2 nag donate ng 16 yrs old kalokohan 2.18 yrs old above lng ang pwede magdonate...
ReplyDeleteSi ate naman,.pwede ate..basta kaya ng katawan at in case of emergency pwede as long as approved my the doctor,hindi k a naman kukunan ng dugo agad,sasailalim ka pa ng check up..charos ka ateng..next time kung mag comment ka,think ateng.....kung makapag comment ka naman etchos...bwahahaha....
Deletesan ka sa calapan,br0. Masipit kase aq.
ReplyDeletehi this is the author of fix you,.,sa CALAPAN porper AKO SA SMV.,.,.,
Deletetype ab is universal recipient khit na anong type ng blood pwedng idonte sa knila bec. wla slang antibodies..tpos klangan din ng consent sa mga diagnostic test..ang dming mali..
ReplyDeletealam mo naman ang nag kwento bata, ano alam yan sa medical.
DeleteWag kang tarantado.nkikibasa ka nlng aangal ka pa.basagin ko panga mo eh.
DeleteSi ate,may nalalaman siyang antibodies...bwahahaha...anong wala silang antibodies?...e di patay na agad ang mga blood AB peoples if wala na sila antibodies...hahaha...alam mo ba pinagsasabi mo ate?.ang tao ,nag proproduce ang immune system ng antibodies pag may foreign bodies sa katwan na pumasok like bacterias and viruses...now,pag hindi nagproduce ng antibodies ang katawan against sa virus or bacteria na yan na harmful sa katawan,e di namatay na agad ang katawan...kaya nga pag nagblood test ka pag may fever ka is una nila check agad is blood ,check nila counts ng rbc at wbc,kasi sa wbc makikita pag may infection ka,associated kasi sa increase of antibodies...sila ang carrier ng antibodies...kaya pag mataas ang wbc mo,may infection ka...ano gets mo na ate?...
DeleteTanga ka rin, tama si Ate na walang antibodies ang blood AB dahil wala itong antibodies against type A and against type B. Bago ka magcomment make sure na tama ka kundi bobo ang dating mo.
DeleteTumpak....andami na nila alam ditey...kakahanga naman ang mga eklabum nyo...machenez pa kayong antibodies...ang alam ko lang is hotbodies...hahahaha...at anti aging na pampaganda..to the highest level na ito mga ate...
Deleteyng ngcmment about wbc alm ko nmn yon..alm ko ndi nmn din ako gnong ktalinong nurse..pero khit ppno nmn my alm nmn ako..ndi mo n klngan iexplain..ndi nman ako against sa author pero sna tma yng mga dtails..ako nga ndi ko kyang mgsulat ng gnitong story eh..God bless author..God bless din sa mga nkicmment sa cmmnt ko''
DeleteIf I am not mistaken, Hindi naman mahirap maghanap ng blood type AB.
ReplyDelete...maybe its better if specified more ung blood type nya.Yes blood type AB positive is not that very difficult to find dito sa pinas pero kapag AB negative, very rare un na hanapin kasi it is more common sa mga americans ang AB negative...and also he can donate blood at 16 years of age but with parent's consent.
ReplyDeleteinteresting story, continue!
agree ako sa comment mo. at maganda ang story ng bata.
ReplyDeleteHmm dba AB is universal recipient? Kaya any blood type will do. Kahit yong AB - pwede
ReplyDeleteJust read the story for god sake.
ReplyDeletekung kantutan kagad yan.. walng reklamo... daming alam nung iba makikijakol lang namn..
ReplyDeletehahahaha correct ka jan.
DeleteI totally agree, sige kantutan na.
Deletemas nakakalokang parte ay kng donor ng tamod ang hanap.. hnde masydong malapot pero maputla ang kulay...
DeleteTama. AB n dugo is universal recepient kya pwede any type...based on biology yun...anyway walng basagan ng trip.
ReplyDeleteMr.author kindly pkibilisan lng phasing ng story dmi kc paligoy...hehe keep it up
Ang alam ko type O ang universal...ang AB ang tinaguriang royal blood... Mga ate,.ano ba!!!!!!!!!!!!!!!!
Deletetype o is universal donor''
DeleteType AB is universal recepient and type O is universal donor. Anyhow, masyado mahaba ang pasakalye ng story, kulang sa element ng kalibugan. Sa mga authors po, pakibalanse po ng mga elements sa story nyo, ung plot, theme, characters, time frame, level ng libido.. Every story should entice the readers... Though we appreciate the contributions of the authors and the comments of our valued readers... One of these days, i will share my stories about lust, sexcapades and same sex relationship... It just so happened na busy me sa office...
ReplyDeleteType AB is universal recepient and type O is universal donor. Anyhow, masyado mahaba ang pasakalye ng story, kulang sa element ng kalibugan. Sa mga authors po, pakibalanse po ng mga elements sa story nyo, ung plot, theme, characters, time frame, level ng libido.. Every story should entice the readers... Though we appreciate the contributions of the authors and the comments of our valued readers... One of these days, i will share my stories about lust, sexcapades and same sex relationship... It just so happened na busy me sa office...
ReplyDeletetang inang kwento to sna sa mmk ka nalang nag sulat
ReplyDeleteSa mga putang inang magaling macomment dito dapat kau ang nag sulat, nkikibasa n lng kau ang dami nio pang sinasabi na dapat may theme at time frame letse, magsulat k ng sarili mong story at i-publish m, dami mong comment isa ka ring bakla na hanap m lng ung story na kantutan kaagad.
ReplyDeleteHa ha ha.... I pity you man...
DeleteSi author sisihin nyo mga ateng! Comment daw para mapaganda ang fairy tale story ng bagetz! Peace! Just enjoy lyf. Be happy and .... Gay....
ReplyDeleteAahaaha. Saya naman nito! XD wag niyo na pansinin yung mga blood type blood type na yun... Nakakapanabik naman yung story, kaya pakibilisan.... Hahha joke :D
ReplyDeletebasahin nyu ang di inaasang pagibig....yun na yun...
ReplyDeleteSa lahat nman ng artista c carlo aquino pa na pili mo e-matagal na yung laos.hehe baka nman hindi ka 16 tol 26 kamo kac kapanahonon ko din yan..hehe
ReplyDeleteAniways, ok nman ang story mo mr.autor.. Kahit medjo malabo pero pwede na, di naman ako choosy..:D
usapang dugo, hahahaha!!! kay rosa rosal po kyo magpaliwanag hehe...
ReplyDeleteung type AB positive very common dito sa pinas not like AB negative, wla lng ginaya ko lng comment ng iba haha...ska puwede magdonate ng dugo ang 16, 17 basta my parents consent ginaya ko lng ulit ung comment ng isa ang saya ksi haha...Ska dpat ay tumitimbang ka ng 110 (lbs) above para makapagdonate ka ng dugo, kpag mababa ang timbang mo sa 110 ay di puwede (khit gaano mo pa ka gusto magdonate ng dugo kung di naman spat ang iyong timbang wla rin un magagawa, khit magrumintado ka pa sa blood bank) ito naman sarili ko na yan, naka pagdonate na ksi ako ng dugo kya alam ko, akala ko nga isang balde eh isa cc lng pala...
Ang daming HIGH BLOOD dito try nyo kya magdonate ng dugo makakatulong pa kyo kay Rosa Rosal...
ako naman ay taga basa, ska mas maganda basahin ung mga story na WALANG HALONG kantutan at chupaan LOVE STORY lng kung baga...magbigay respect din sa iba...
peace men...