Pages

Tuesday, January 22, 2013

Eng21 (Part 13)

By: Cedie

Matapos ang matagumpay ng pagsosorpresa ng mga kaibigan ni Kiko sa kanyang kaarawan at nagpatuloy lamang ang mga araw ng kanilang pagpasok, paggala at mga bonding times ng kanyang barkada. Malapit na ang Pasko at magsisimula na din ang kanilang Christmas Vacation kaya nagplano muli ang kanilang barkada na magpunta sa Star City bago magbakasyon sa kani-kanilang mga probinsya. Natuloy naman ang planong ito at matapos nito ay nagsiuwian na din ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang mga probinsya. Si Kiko naman ay uuwi din pansamantala sa China para doon magcelebrate ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang mga magulang. Bago ang flight ni Kiko ay binigyan niya si Ced ng isang regalo na nakabalot sa isang medyo maliit na box. "Bunso, tsaka mo na buksan yan pag nakaalis na ko. Enjoy mo tong Pasko at bagong taon ah. Kitakits na lang ule tayo sa pasukan. Mamimiss kita", nakangiting sabi ni Kiko kay Ced. "Sige Kiks, ingat ka sa flight mo ah, pakikamusta mo ko kay Tito at Tita, tapos tawag ka pag nandun ka na ha", medyo malungkot na sagot ni Ced. "Ano ka ba babalik pa ko, parang tanga to", inilapit niya si Ced sa kanya at ginulo gulo ni Kiko ang buhok ng kaibigan. "Oh sige na alis na ko, ingat ka din paguwi mo ha. Iingatan mo yang regalo ko kundi sasapakin kita pag nawala yan", dugtong ni Kiko. Nagpaalam na si Kiko kay Ced at hinahabol ni Ced ng tingin ang kanyang kaibigan habang papasok na ito sa airport. Pagkapasok ni Kiko ay tumalikod na si Ced upang umuwi.
Nag-abang siya ng taxi at nang makasakay ito ay binuksan niya ang regalo na binigay ng kanyang kaibigan. Pagkabukas niya nito ay natawa siya dahil ang laman nito ay isang keychain na Gaara. Kahit sa simpleng regalo ni Kiko ay tuwang tuwa na si Ced na parang bata. Nakangiti ito habang papauwi sakay ng taxi. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nakipagusap siya sa kanyang nanay at kumain ng hapunan at matapos nito ay natulog na. Kinaumagahan ay tumawag naman si Kiko sa kanila upang ipaalam na safe siyang nakauwi sa China. Nakausap pa ni Ced ang Mama ni Kiko at kinamusta din ito. Matapos ang isang mahabang paguusap ay nagpaalam na din ang magkaibigan sa isa't isa. Pagkababa ng telepono ni Ced ay nalungkot ito ng kaunti dahil namimis niya si Kiko at alam niyang ilang araw niya din na hindi makikita ito. Inisip na lamang niya na wag malungkot dahil kasama naman niya ang kanyang pamilya para ipagdiwang ang nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Sumapit ang araw ng Pasko at nagkaroon ng munting salu-salo ang pamilya ni Ced. Tulad ng ginagawa ng normal na pamilya. Buo silang nagdiwang ng Pasko dahil nagpunta din ang kanyang Kuya at ang kanyang tatay sa bahay nila sa Maynila. Kahit sa pagsapit ng bagong taon ay masaya din nilang naipagdiwang ito. Sa pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, sabay ng pagsalubong nila sa bagong taon ay tumatalon pa din si Ced dahil sa pamahiin ng mga matatanda na tatangkad ka kapag tumalon ka sabay ng bagong taon (tingin ko effective talaga to, hehehe). Kasabay naman nito ay ang isang hiling na idinalangin niya, "Sana yung taong mamahalin ko ay hindi ako iiwan kahit kailan", ito ang mga salitang nabulong ni Ced sa sarili nuong mga sandaling iyon. Habang hinihiling niya iyon ay isang tao lamang ang pumapasok sa kanyang isipan, ang kanyang kaibigang si Kiko.

Dumating ang taong 2007, isang taon na puno ng pangarap, at isang taon na puno ng mga pangyayaring hindi inaasahan sa buhay ni Ced. Nang magsimula muli ang pasukan ay nagkita kita na naman ang mga magkakaibigan, isang bagay na lagi na lamang nagbibigay saya sa bawat isa dahil parang pagkatagal tagal na panahon nilang hindi nagkikita. Nagsimula na naman ang mga lokohan, mga pagaaral, bonding moments ng barkada at  syempre hindi mawawala ang mga problema. Lalo na nang dumating ang isang araw na may nangyaring hindi kaaya aya kay Ced na siya namang ikinatakot ng barkada.

Pagkatapos ng Physics subject nila ay nagyaya si George na kumain sa mall dahil uwian na din naman. Nagpasya naman ang barkada na samahan si George dahil sila rin naman ay gutom na. Habang papalabas sina Ced ay nakaramdam ng pagkahilo at pagsakit ng ulo ang binata. Isa sa mga napansin ni Kiko ay ang paghawak ni Ced sa kanyang ulo. "Oy bespren ayos ka lang?", tanong ni Kiko. "Ou ayos lang, ang sakit lang ng ulo ko, baka nagugutom lang ako kaya siguro ganito, tara punta na tayo sa mall.", sagot naman ng binata. "Sigurado ka Ced ayos ka lang ha? Baka gusto mo hatid ka na namen pauwi at baka kailangan mo lang ng pahinga?", sabat naman ni Sarah na may halong pag aalala sa pagsasalita. "Hindi, ayos lang talaga ako, nagugutom lang siguro nga ako kaya nahilo ako", tara na sa mall haha ang kulet niyo", nakangiting sabi ni Ced. Habang naglalakad sila sa hagdan ay muling nagsalita ang binata, "Tignan niyo, sabi ko sa inyo okey na okey....", habang binibigkas ni Ced ang mga salitang ito ay bigla na lamang lang nawalan ng malay at nahulog sa hagdanan. "Cedieee!", sigaw ni Sarah at Emily. Ang iba naman niyang mga kasamahan ay agad na binuhat si Ced at dinala sa Clinic ng kanilang eskwelahan.

Hindi alam ng barkada na mayroon silang haharapin na malaking problema na maaaring makaapekto sa samahan ng mga magkakaibigan..

Abangan..

********************************************************************************
Hi Guys, yung ibang parte ng ikukwento ko ay kwento base sa mga sinabi saken ng mga kaibigan ko kasi nga po nawalan ako ng malay dito.  Lahat po ng mga pangyayari at pagsasalaysay dito ay based from a true story. Iniba ko lamang po ang mga pangalan ng mga characters for their own privacy. Please keep on following and reading my posts. Feel free to comment din po. Maraming salamat po..

********************************************************************************

3 comments:

  1. nakakabitin i want more more more

    ReplyDelete
  2. Nsundan din s wakas! Pero bitin parang wla din hehe next chapter pls!

    ReplyDelete
  3. maganda sya infairness isa nato sa mga stories na inaabangan ko hehehe :) KUDOS TO THE WRITER

    ReplyDelete

Read More Like This