Pages

Tuesday, January 22, 2013

The Elements, Legend Begins (Part 3)

By: Neji Hyuuga

Mabibilis ang hakbang nilang dalawa ng marating nila ang kanilang nayon na kasalukuyang tinutupok ng apoy. Kaalinsabay noo'y ang nakabibinging palahaw ng mga babae at mga bata. Mga sigawan at daing ng nalalapit na kamatayan. Hindi pa man batid kung sino ang may kagagawan at sa anong kadahilan, mabilis nilang tinungo ang kanilang tahanan.

"Eeeeeeeekkk!"

"Huwag pooooo!"

"Saklolooooooooooooooooooooo!"

Natatakot man sa kanilang nakikita sa mga oras na iyon, patuloy lamang ang dalawa. Isang tagpo ang pumukaw sa kanila ng madaanan nila ang isang lalaking may hawak na espada at hustong kikitlan ng buhay ang isang batang lalaki.

"Bwahahahahaha!..." nakakalokong halakhak ng lalaki kasunod ang pagwasiwas ng kanyang espadang uhaw sa dugo.

"Wag poooooo!" daing ng bata na halos magsumiksik sa isang sulok upang salagin at nag aakalang kahit papaano ay maililigtas siya sa tiyak na kamatayan.

Ting!.

Tunog iyon ng dalawang bakal na nagtagis.

"Huh!" gulat ng lalaki.

"Andrei, kunin mo ang bata at tumakbo na kayo!" utos ni Rupert. "Ako ng bahala dito. Bilis!" gamit ang maliit na kutsilyong ginagamit nila sa pangunguha ng mga halamang gamot at lamang-ugat sa gubat. Nagawa niyang salagin ang espada nito upang mailigtas ang kawawang bata.

Nanginginig man sa takot ay dali-daling pinangko ni Andrei ang bata at mabilis na tumakbo sa direksyon kanilang tinatahak. Lumingon pa siya sa kanyang likuran at nasulyapan pa niyang nagpapambuno ang kanyang kaibigan at ang armadong lalaki. Tumulo ang kanyang mga luha. Hanggang ganun na lang ba siya habang buhay? Ang maging pabigat sa mga taong nagiging malapit sa kanya. Lagi na lang ba siyang aasa kay Rupert upang maipagtanggol siya o sinumang nangangailangan ng tulong. Paano kung ito ang nasa panganib? Paano niya magagawang matulungan ito gayong ito ang may lakas at may kakayahang magtanggol dahil isa itong ninja. Samantalang siya ay isang simpleng anak ng magsasaka. Anong silbi ng katawan niya, anupama't nagiging kaligayahan ito ni Rupert, subalit hindi sa gaanong paraan lamang ito may silbi. Kailangan magkaroon siya ng lakas upang sa susunod naman siya na ang magtatanggol sa mga taong mahalaga sa kanya. Sa lalim ng kanyang iniisip hindi na niya na pansin na nakasunod na si Rupert.

Patuloy ang lakad-takbo nila Andrei at Rupert. Hanggang sa marating nila ang kanilang mumunting tahanan. Ilang armadong nilalang ang inabutan nila na nakapaligid sa kanilang bahay. May mga ninja, mga kawal, ilang mga mukhang kapre at tikbalang. May mga madudungis ding tulisan.

Nanlaki ang mata ni Andrei ng makita niya sa di kalayuan ang isang nakahandusay na katawan ng tao. Sa katayuan nito, naliligo sa sariling dugo, alam na niyang wala na itong buhay.

"I-i-i-itaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyy!" sigaw ni Andrei.

Tumawag ng pansin ang ginawa niyang pagsigaw na yaon. Kinailangan niyang gawin ang ganoon upang maibulalas ang pighating nararamdaman.

"Meron tatlo pa dito!" sigaw ng isang maskaradong lalaki na nakapansin sa kanilang pagdating. Isa-isang nagsilingon ang mga natititra pang mga armadong lalaki. Ang ila'y nakangising parang mga demonyo at may ilan din tila tuwang-tuwa sa kanilang pagdating. Marahil magkakaroon na naman ng kabuluhan ang kanilang mga sandata. Ang pumaslang ng buhay at malagyan ng dugo ang bawat talim nito. Tila walang katapusang pagka-uhaw sa dugo.

"Mga anak...tumakas na kayo!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa kanila. "Iligtas nyong mga sarili nyo!" palahaw nito.

Pumukaw ang sandaling iyon na marinig ni Andrei na buhay pa ang kaniyang ina at kasalukuyang hawak ito ng isang lalaki na sa pakiwari niya ay ang pinuno ng pangkat na nagpasimula ng kahulagang nangyayari sa kanilang mumunting nayon. Biglang nanlisik ang mga mata ni Andrei sa nakikitang tagpo at kalagayang ng kanyang kawawang ina. Ito ma'y sugatan na rin sa buong katawan at pati na rin ang puso nito dahil sa nakitang sinapit ng asawa.

"H _ _ _ _ ka! Bitiwan mo ang aking ina!" sigaw ni Andrei, nakakuyom ang mga palad at nagtagis ang kanyang mga bagang sa sobrang galit.

"At anong gagawin mo bata!" mapang-asar na sagot ng lalaking may hawak sa kanyang ina. "Papatayin mo ako! Sige, lapit! Kung kaya mo!" kasunod noo'y ang nakakalokong tawanan ng mga kasama nito. "Lapit!" kasabay ang may lalong paghigpit sa pagkakahawak sa pobreng babae na mas lalong ikinasakal nito. Napaubo ang babae.

Aktong susugod si Andrei subalit pinigilan siya ni Rupert. "Huminahon ka Andrei...hindi ito ang panahon para magpadaig ka sa galit mo." mahinahong turan ni Rupert. Subalit kahit siya man ay nalalagay sa alangin, magawa man nilang mapaslang ang mga lalaking ito wala pa ring kasiguraduhan na maililigtas nila ang babae. "Kailanagn nating umisip ng paraan upang mailigtas ang inay ng hindi namimilgro ang buhay nito. Subalit kung paano'y hindi ko man batid."

Nahabag si Andrei sa kalagayan ng ina subalit mas ang nararamdaman niyang pagkainis at galit sa sarili dahil wala siyang magawa upang matulungan ito. Wala siyang silbing anak. Kung maaari lamang na siya ang nasa katayuan ngayon ng ina ay gagawin niya. Pero hindi iyon ang nangyayari. Magulo na ang isip niya.

"Kung hindi kayo susugod, kami ang kikilos.!" anas ng isang lalaki na may kakaibang kasuotan. Hindi pangkaraniwan sa mga suot ng ibang kalalakihan na mistulang pangkaraniwang alagad. "PATAYIN SILA!" utos nito at isa-isa nang patakbong lumapit sa deriksyon nila ang mga armadong nilalang. Nag-uunahan na tila baga isang karangalan para sa kanila kung sino ang unang makakapaslang. Abot-tenga ang mga ngisi nito. Nahintakutan ang batang kasama nila kaya tumago ito sa likod ni Andrei. Si Rupert nama'y pumusisyon agad sa harapan nila at humandang i-depensa ang sarali upang maprotektahan sila laban sa mga nilalang na walang awang papatay sa kanila.

"Andrei, dalhin mo ang bata at lumayo muna kayo." anas ni Rupert, nagsimula na siyang gumawa ng hand signs.


"Pero paano ka?" a\nag-aalalang tanong ni Andrei sa kaibigan.

"Kaya kong sarili ko...wag ka mag-alala! Maililigtas ko ang inay sa kanila." sabay ngiti. "Pangako!" Alam ni Rupert sa sarili na mahihirapan siya na gawin iyon. Subalit dahil sa samahan nila ni Andrei at sa malaking utang na loob niya sa pamilya nito. Gagawin nya ang lahat masiguro lamang na ligtas ang mga ito. Kahit buhay nya pa ang maging kapalit. Sa gantong paraan magagawa nya ang isang bagay na hindi nya nagawa noon sa kanilang angkan. Nang nagsimulang lumakad palayo si Andrei, muling hinarap ni Rupert ang mga papasugod na mga kaaway. Sa kakayahan niyang pagalawin at kontrolin ang mga puno at iba pang bahagi nito bilang opensa at depensa nagawa niyang lumikha ng debersyo upang makalayo ang dalawa. Isa-isang humahandusay sa lupa ang mga walang buhay na kalaban.

Subalit dahil sa napagmamasdang isa-isang pagkagupo ng kanyang mga alagad sa kamay ng isang ninja. Nanlilisik ang mga mata ng pinuno ng pangkat sa sobrang galit at inis. Sa angkin nitong kagalingan sa pagkontrol sa mga puno hindi siya maaaring magkamali na nagmula ito sa angkan ng Kageyama. Ang nayon na sinalakay ng kabilang pangkat ilang buwan na ang nakakalipas. Ito marahil ang anak ng kage ng nayong iyon na himalang nakaligtas sa mabagsik na pangkat ni Ministro Abaracus, na isa sa kinatatakutang pangunahing alagad ng kanilang pinuno, malaya nitong nagagamit ang mga salamangkang itim na lubos na ipinagbabawal ng Konseho ng Fiore sa Larangan ng Mahika. Sa madaing salita, mahusay talaga ang ama nito na magawang patakasin ang anak ng hindi namamalayan ng ministro o marahil hindi ito kasama ng mga panahong iyon. Ipinaubaya na lamang sa mga tapat na alagad ang pagpuksa sa pangkat na tumutuligsa at hahadlang sa plano ng kanilang pinuno.

Tumawag ng kanyang pansin ang papalayong lalaki na may akay-akay na batang lalaki. Pabalibag niyang isinalya sa isang tabi ang hawak na babae na wala ng malay. Mula sa kanyang kaliwa kung saan nakapuwesto ang isang nilalang, nilingon niya ito at sa isang simpleng pagtango ay naintindihan na ng huli ang ibig niyang ipahiwatig. Inihanda ng nilalang na iyon na nasa ibabaw ng bubungan ang kakaibang uri ng sandata na nahahawig sa isang pana at maayos na ipinusisyon ang direksyon patungo sa tumatakbong si Andrei. Nang maasinta ang lalaki agad nitong binitawan ang palaso. Mabilis itong naglakbay sa ere.

Mula sa kinatatayuan ni Rupert, agad niyang napansin ang mga naging kakaibang pagkilos ng pinuno, Mula sa pagbalibag nito sa ina ni Andrei hanggang sa magbigay ito ng utos sa isang nilalang na nasa ibabaw ng bubing ng bahay. Bago pa man niya mahulaan ang ikikilos ng nilalang na iyon, mabilis nitong pinawalan ang hawak na palaso. Tuloy-tuloy na lumipad ito sa ere sa isang deriksyon na alam ni Rupert na magiging sanhi ng kapahamakan kung hindi niya mapipigilan. Agad na nagpakawala si Rupert ng jutsu na maaaring depensa nila Andrei sa paparating na palaso. Mula naman sa kinaroroonan nila Andrei ay napalingon ito dahil sa biglang pagtubo ng isang malaking puno sa kanilang likuran. Subalit dahil sa bilis at lakas ng paparating na palaso hindi naging sapat ang ginawang harang ni Rupert.

"Ah!" tanging nabigkas ni Andrei na tumama sa katawan niya ang palaso. Agad na humandusay siya sa lupa at kasabay noo'y ang pagtilapon ng kakawang paslit sa di kalayuan na kinabagsakan niya.

"Andreeeeeeiiiiiiiiiiiiiiii!" pasigaw na tawag ni Rupert sa duguang kaibigan na bumagsak sa lupa. Subalit sa pagkalingat niya, agad namang sumunggab ang mga kalaban. Nagawa man niyang salagin ang pag-atake ng mga kalaban. Malakas at naging mapaminsala pa rin ito sa kanya. Duguan din tumilapon sa lupa ang kanyang pagal na katawan.

Sa kinaroroonan ni Andrei, kitang-kita niya kung anong nangyari sa kanyang kaibigan. Sa pag-aatubili nitong mailigtas sila kahit gumagawa ito ng paraan upang mailigtas sila. Gusto niyang bumangon subalit ayaw sumunod ng kanyang katawan. Tumusok ang palaso sa kanyang kanang balikat at hindi iyon ganun kadilekado subalit tila siya nauupos na kandila ng mga sandaling iyon. Marahil may lason ang palaso at unti-unti itong kumakalat sa buo niyang katawan. Nagsisimula na nga siyang mamandin. Unti-unti ng nawawala ang kanyang pandama. Wala na siya halos maramdaman sa buo niyang katawan. Tanging ang isip na lamang niya ang gumagana. Napapikit si Andrei sa isiping iyon. Hanggang doon na lamang ba ang lahat. Namatay ang kanyang ama na wala siyang nagawa. Nasa panganib ang kanyang ina subalit wala siyang lakas para maisalba ito. Ang kanyang matalik na kaibigan na nagawang ipagtanggol sila sa mga nilalang na ito na kahit lumalaban na ay nagawa pa rin iligtas sila. At ngayo'y walang malay o buhay itong nakahandusay sa lupa. Unti-unti ng nawawala ang kanyang diwa. Mamamatay na nga ba siya? Dito na ba matatapos ang lahat-lahat? Wala nga ba siyang lakas upang sa ngayon ay siya na man ang maging tagapagligtas. Siya naman ang magtatanggol sa mga naaapi laban sa mga mapang-api.

Mahabang katahimikan.

Madilim.

Nahuhulog si Andrei sa isang mundo ng kawalan.

"Nais mo ba ng kapangyarihan?" isang tinig iyon mula sa kawalan.

"Sino ka?" nagtatakang tanong niya. "Asan ako? Patay na ba ako

"Ako si Pyrus, isa sa mga pangunahing elemento na bumubuo sa Reyalberuh. Ako ang pinagmumulan ng lakas at aking alab ang nagsisilbing liwanag ng lahat ng bagay. " wika nito. "Ako ay ang lakas na nananahan sa loob. Matagal na akong nahimlay at ngayon lang muling nagising. Subalit nakikita ko at nalalaman ko ang lahat-lahat sayo mula ng mabuo ka sa sinapupunan ng iyong ina." pagpapatuloy ng tinig. "

Patuloy pa rin ang pagbagsak ni Andrei sa kawalan subalit ngayon ay may nakikita na siyang kabutil na liwanag.

"Ninanais mo bang maangkin ang aking lakas at gamitin ito sa iyong ibig?"

"Kung ang lakas na ito ang magiging paraan ko upang maipagtanggol ko ang mga mahahalaga para sa akin." usal niya. " Mariin ko itong tatanggapin. "

"Bilang lakas na nananahan sa loob mo at ang kamatayan mo'y kamatayan ko din. Ipinagkakaloob ko sa'yo ang aking lakas. "

Biglang nagliwanag ang paligid ni Andrei

Mula sa realidad, nanlaki ang mga mata ng mga nakakikita sa nagaganap na kakaiba sa lalaking tinamaan ng palaso. Ang buong katawan nito ay binabalot ng naglalagablab na apoy. Nakakatupok. Kakaibang init ang kanilang nararamdaman. Sobrang nakakapaso. Patuloy ang paglaki ang tila baluteng apoy sa paligid ni Andrei na kasalukuyan pa ring walang malay. Hanggang sa isang napakatinding liwanag na may napakalakas na init ang bumalot sa buong lugar na iyon. Hindi na nagawa pang umiwas ng mga alagad ni Ator ng mga sandaling iyon. Ang mga pangkaraniwang alagad ni Ator ay nilamon ng apoy at nangaglusaw ito. Nag mistulang mga abo na tinangay na lamang ng hangin. Dahil sa pangyayari, natulala man, nagawang umiwas nila Ator at ng iba niyang pangunahing alagad. Agad silang nakalayo sa pagsabog.
"Mukhang nagising natin ang nakahimlay na lakas sa binatang iyon, pinunong Ator. " wika ni Alona, isang babaeng dalubhasa sa paggamit ng Heylel (isang uri ng pana na hawig sa crescent moon) at ang mga palaso nito'y balot sa kumplikadong formula ng iba't iba uri ng lason.

"Ang masama pa nito hindi pangkaraniwang lakas ang taglay ng lalaking yaon." sabad ni Paragos, ang salamangkero ng pangkat at nagsisilbing mata dahil sa kakayahan nito. Nagagawa nitong kontrolin ang sinuman sa pamamagitan ng hipnotismo.

"Kailangan malaman ito ng ating Kamahalan." saad ni Ator, kitang-kita sa kanyang anyo ang labis na pagkagulat sa pangyayari subalit mas nananaig ang labis na takot dahil sa maaaring kaparusahan na kanilang daranasin sa oras na malaman ng kanilang pinuno ang buong kaganapan.

Sa kabilang banda, sa Kaharian ng Fiore, may mga aninong nagsisimulang magsikilos sa kalaliman ng gabi. Mabibilis at tahimik ang kanilang mga galaw.....

"Eeeeeeekkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk!"

Itutuloy.......

2 comments:

  1. Napadaan ata etech!
    :-))
    oh naligaw?lol

    ReplyDelete
  2. bakit wala nang hadahan dito? Yung prev parts meron... Mr author kung mag papatuloy kang maglagay ng scenes na walang sex baka wala ng bumasa ng gawa mo... Kasi adventure yung sayo and fiction pa... So we dont have any idea kung nakakalibog pa ba yung susunod... Not unlike pag love story... Alam mong meron yon,.. Remember ''Kwentong Malibog'' ang blog na ito...

    Anyways, magaling kang magsulat.. Di lang maganda yung pag ka gawa mo nung bitin...

    -RA

    ReplyDelete

Read More Like This