Pages

Monday, January 28, 2013

Eng21 (Part 14)

By: Cedie

XIV. An Unwanted Result
********************************************
Ang mga susunod na pangyayari ay kwento na lamang ng aking mga kasama dahil sa mga oras na ito ay wala akong malay.. Enjoy!
**********************************************

"Anong nangyari?", yan ang unang tanong ng nurse sa clinic na pinagdalhan nina Kiko kay Ced. Sumagot si Emily nang may pag aalala, "Papunta na po kasi kami sana sa mall kaso lang po sumasakit daw ang ulo niya pero wag daw po nameng intindihin, tapos nung naglalakad na po kame bigla po siyang hinimatay at nahulog sa hagdan." "Oo nga po, sabi po namen umuwe na siya at baka napagod lang siya pero ayaw pa din niya po", mangiyak ngiyak na dagdag ni Sarah. "Wag kayong masyadong mag alala, baka over fatigue lang ang nangyari sa kaibigan niya, antayin na lang naten na magising siya at ihatid niyo na siya pauwi ng bahay", nakangiting sabi ng nurse. Kahit papaano ay nawala ng kaunti ang mga pagaalala sa mga mukha ng kaibigan ni Ced. Nagpahinga na rin muna sila saglit at nagvolunteer naman si George at Robert na bumili na lang muna ng pagkain para sa barkada. Pagkabalik nila ay eksaktong nagising na ang kanilang kaibigan. Agad na lumapit si Kiko kay Ced at hinawakan ito sa kanyang mga balikat.

"Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo?", tanong nito. Sumagot naman si Ced, "Hindi ata ok, masakit pa din ung ulo ko tapos parang nandidilim ang paningin ko eh, tapos masakit yung binti ko, ano bang nangyari?" "Nahimatay ka tapos nahulog ka sa hagdan, lahat na kami nag aalala sayo", sabat nina Emily at Sarah. "Sorry, di ko naman sinadya, siguro kailangan ko na ngang umuwi para makapagpahinga at magpapacheck up na lang ako bukas eksakto wala namang pasok", sagot ni Ced. "Mabuti pa nga, gusto mo samahan na kita?", si Kiko. "Naku wag na kaya ko naman mag isa", sagot ni Ced. Ang totoo nito ay ayaw niyang nagpupunta sa doktor ng may kasama dahil ayaw na ayaw niya na may magaalala sa kanya kung sakaling may hindi magandang sasabihin ang doktor sa kanya. Matapos ang usapan ay nagpasalamat si Ced sa nurse at inihatid na siya ni Kiko pauwi sa kanila. "Magpahinga ka na bunso ah, balitaan mo ko sa magiging resulta ng check up mo bukas", "Sige kuya Kiks, sabihin ko agad sayo pag may problema", sagot ni Ced. Pagpasok ni Ced sa kanilang bahay ay may kaunting pag aalala siyang naramdaman dahil iniisip niya kung anong nangyayari sa kanya. Inilihim niya na habang papauwi sa daan ay nanlalabo ang paningin niya at tila may sobrang mahapding kirot sa kanyang ulo na gusto na niyang sumigaw sa sakit. Umakyat siya ng kwarto at nagpahinga para maihanda ang kanyang sarili bukas.

Kinabukasan ay nagpunta na si Ced sa kanilang family doctor. Matagal na nilang kaibigan ang doktor na ito kaya alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito at talagang matutulungan siya kung may problema. Nang makausap niya ito, "Dok, may problema po eh, madalas akong napapasuka ng dugo, tapos nahihilo ko at parang may sobrang sakit na bahagi sa ulo ko na parang bibiyakin, tapos nung isang araw ay hinimatay ako sa school at nahulog sa hagdanan, baka po may problema na talaga.", nagaalalang pagsasalaysay ni Ced. "Naku iho, mukhang seryoso na yang sakit mo, kailangan mong dumaan sa series of tests para malaman ko kung ano na ba talagang nangyayari sayo. Bilang isang neurologist ay senyales yan ng isang problema sa utak, kaya kailangan mong dumaan sa CT Scan", sagot ng doktor. Alam ni Ced na sa mga sagot ng kanyang doktor ay seryoso ang kanyang hinaharap. "Dok, wag niyo na po muna ipaalam kina mama ang tungkol dito hanggat wala pang findings ah, ok lang po ba yun?", pagmamakaawa ni Ced. "Oh sige iho pero kailangan malaman pa din nila to dahil pamilya mo sila", sagot ng doktor. Umayon naman si Ced kahit may pag aalala pa din. Sinunod nga ni Ced ang doktor nila at dumaan siya sa isang series of tests,sinabi ng doktor na kailangan niyang bumalik ng isang linggo para malaman ang resulta dahil kukuha pa din ito ng second opinion sa kanyang mga kasamahan pag lumabas ang resulta ng CT Scan.

Pagbalik sa eskwelahan ay nararamdaman pa din niya ang pagsakit ng kanyang ulo ngunit sa tuwing makikita siya ng mga kasamahan niya ay hindi siya nagpapahalata. Tinanong siya ni Kiko kung ano ang nangyari sa checkup niya at sinabi naman niya na kailangan pa niyang mag antay nga ng isang linggo para malaman ang resulta. Habang papalapit na ang isang linggo ay lalong tumitindi ang pagsakit ng ulo niya at ang kanyang matinding pagkahilo. Minabuti ni Ced na hindi na pumasok ng araw ng biyernes para maipahinga ang sarili. Nang araw ng biyernes ay maghapon lamang siyang nagpahinga sa kanila at nagsinungaling sa Mama niya na wala namang gagawin sa eskwelahan at magaaral na lamang sa kaniyang kuwarto. Kinakabahan si Ced sa mga mangyayari kinabukasan dahil sa natanggap niyang text sa araw na iyon mula sa kanilang family doktor. "Cedie, I need you go here tomorrow morning ASAP, this is regarding your test results." Nakatulog si Ced sa pagaalala at sa sobrang pagod sa pagiisip.

Pagdating niya sa ospital ay nakausap niya ang doktor. "Doc, mukhang seryoso po ang text niyo kagabi ah", ano po ba ang resulta ng tests na ginawa sa akin?", tanong ni Ced na may halong takot sa maaaring isagot ng kanyang doktor. I already got some second opinion from my fellow neurologists, Ced, ang lahat ng symptoms na ikinuwento mo saken, pagsakit ng ulo mo, pagsuka ng dugo, paglabo ng paningin at pagkawala ng balanse sa katawan. Mabuti na lamang at napacheck mo agad sa akin yan. Ced, wag kang mabibigla, pero may nakita kaming bukol sa utak mo. Benign Tumor, Stage 1.

Napaluha na lamang si Ced sa kanyang mga narinig..

Itutuloy..

**************************************************************************
 Me Again! Sorry kung maikli lang tong chapter na to.. Been very busy at work po kasi. I'll always try to update po pag may time talaga. Wag po kayong magsasawang magcomment at magbasa ng story ko. Salamat po sa pagsubaybay! Abangan po kung anong mangyayari saken matapos marinig ang balitang yan. Marami pa pong mga twists na manyayari pa. Hindi ko na lang muna sasabihin para abangan niyo pa.. Please rate and comment. Thanks!

2 comments:

  1. haha kabitin next plase

    ReplyDelete
  2. haay.. nice na sana ang story... but keep on sharing.. we want to read more..

    ReplyDelete

Read More Like This