Pages

Thursday, January 31, 2013

Saltwater Room (Part 11)

By: Travis

Dumating na ang araw ng Graduation. Napagkalooban ako na magbigay ng Speech sa buong batch. Nakita ko si Xander na nakatayo sa likuran ng mga upuan at nakangiti sya sa akin, muntik na kong madistract pero nabawi ko naman agad. Nabanggit ko si Rob sa aking speech, na umattend katabi ang Parents ko at alam kong narinig ito ni Xander. Nung tinignan ko ulit si Xander ay wala na sya dun. Pagkatapos ng ceremony ay tinext ko sya kasi gusto kong ibigay ang gift ko sa kanya. Nagtextback naman ito na nasa loob lang sya ng kotse nya at hinanap ko ito. Nagpaalam ako saglit sa mga magulang ko at kay Rob.

Kinatok ko ang bintana at pumasok ako sa kotse nya.

"Congrats Xander, eto gift ko sayo"

At binuksan nya ang regalo ko, isang set ito ng Paintbrush.

"Ituloy mo yan Xander"

At nakita ko ang pinakamatamis na ngiti nya.

Kinuha nya ang braso ko at may kinuha sya sa bulsa nya at sinuot nya ito sa akin.

"Yan ang bangle na bigay sa akin ng Lolo ko nung nag-18 ako, importante yan sa akin at iiwan ko yan sayo kasi importante ka para sa akin, habang wala ako maging sign sana yan na lagi kitang hawak"

Naiyak ako sa sinabi nya at nagyakapan kami.

"Wag ka na umiyak, baka akalain nila pinaiyak kita, Trav pwede ba tayong magkita bukas sa Park? Mga 6pm?"

"Oo naman sige"

"Sige bukas na lang ha? Congrats ulit and thank you"

"Thanks din"
Sa pagkakataong iyon tinitigan kong mabuti si Xander, tumatak sa isip ko ang itsura nya nung gabing iyon.

Pagkatapos ng Ceremony ay nagkaroon ng salo salo sa bahay namin sa Bulacan. Doon na din nag-overnight si Rob at nakilala din nya ang mga kapatid ko. Naging masaya ang gabing yun para sa akin at sa pamilya ko, pero mas masaya siguro kung kasama ko si Xander, pero masaya din naman kasi nandoon si Rob.

Kinabukasan ay bumalik na kami sa Manila, nangako kasi ako kina Zoey, Sam at iba ko pang kaibigan na maglulunch kami. Ngayong graduate na kami ay mamimiss namin ang Campus at ang mga experiences namin. Pero kahit na ganun ay magkakaibigan pa din kami.

Nang malapit ng mag 6pm ay nagpunta na ako sa Park. Naghanda ako sa maaring huli naming pagkikita ni Xander. Ilang minuto ang nagdaan wala pa si Xander, matiyaga akong naghintay. Lumipas ang ilang oras at nagbabadya na ang pagbuhos ng ulan.

10pm na nun nang magdesisyon na akong umalis. Hindi ako sinipot ni Xander. Naiiyak ako pero napigilan ko. Habang naglalakad na ako ay may umakbay sa akin - Si Rob. Alam nya kung gaano kasakit sa akin ang ginawa ni Xander at iniyak ko ito sa kanya. Ramdam ko na si Rob ang naging sandalan ko ng mga oras na yun at hindi nya ako iniwan sa pagkakataon na kailangan ko ng masasandalan.

Madaling araw na nun nang may kumatok sa dorm. Si Zoey kasama si Raf. Niyakap ako ni Zoey alam ko na alam nya kung ano man ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. May inabot sya sa akin na isang note na galing kay Xander.

"Trav,
Sorry, hindi ako nakapunta sa Park. Napaaga kasi ang flight namin papuntang Chicago. Mamimiss kita. Kung may pagkakataon lang ako na baguhin ang lahat gagawin ko. Pero nasa sitwasyon ako na wala na akong magagawa. Kung mabigyan pa ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay ulit pipiliin ko na makilala kita muli at ipaglalaban ko ang dapat na ipinaglaban ko na noon. Mahal kita. Ingatan mo ang sarili mo.

-Xander"

Nakakalungkot man pero nagawa kong hindi umiyak, pinilit kong maging matatag dahil sa ito ang nararapat at kailangan ko na mag-move on.

Lumipas ang ilang linggo ay dun pa din ako nagstay sa dorm. Hindi naman ako laging malungkot pero hindi din naman maitatanggi na lagi ko pa din naiisip si Xander. Pinili ko na din kasing putulin ang communication namin. Lagi naman nandyan si Rob, Zoey, Sam at Raf at ang iba ko pang kaibigan para sa akin.

Nagpupunta pa din ako sa Park mag-isa sa same bench kung saan kami laging nauupo. Inaalala ko dun ang masasaya naming panahon ni Xander.

Minsan akong nagpunta ulit sa Park, ito na ang huli kong pagpunta doon dahil sa lilipat na ako ng tirahan, natanggap kasi ako sa Ospital sa Taguig City kaya kinailangan kong lumipat. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang buong Park. Ang naging saksi kung gaano kami kasaya ni Xander.

Ilang buwan ang lumipas at masasabi ko nang naka-move on na ako. Hindi ako iniwanan ni Rob kahit na alam ko na any moment ay maaring magkaroon na sya ng bagong love interest. Lagi nya akong sinasamahan at nagagawa namin ang mga bagay na ginagawa ng mga couples kahit na hindi kami mag-on, pwera lang sa sex dahil sa hindi naman ito dapat lalo na hindi kami committed sa isa't isa.

Nang matapos ko ang isa at kalahating taon na kontrata ko sa ospital ay naikuha ako ng Ninang ko ng employer sa Canada, sa Nursing Home ako magtatrabaho at ayos naman sa akin yun lalo na hindi naman gaanon katagal ang pagtatrabaho ko sa ospital. Nung binalita ko kay Rob na dun ako magtatrabaho ay natuwa sya dahil sa dun nagtatrabaho ang kapatid nya at madali syang maihanap ng trabaho dun dahil sa ang natapos nya na kurso ay Engineering.

Nauna pa makaalis sa akin si Rob papuntang Canada at ilang linggo ay ako naman ang sumunod. Siya ang sumundo sa akin sa airport sa Canada at inihatid nya ako sa bahay ng Ninang ko. Dun sya nakilala ng Ninang ko at ng pamilya nya. Hindi ako masyadong na-homesick dahil sa nandun naman si Rob at kampante ako na hindi nya ako iiwan dun.

Nagsimula na ako sa trabaho at may kalayuan ito sa bahay ng Ninang ko. Kaya naghanap ako ng bahay o flat na mauupahan. Nakakuha naman ako ng flat at dun na nagsettle. Lagi akong binibisita ni Rob at hindi nawala ang pagbobonding namin kahit na alam nya na walang pag-asa na maging kami.

"Pag 27 years old ka na at wala ka pa ding boyfriend tayo na lang. Pakakasalan mo ko. Deal?"

Kung dumating man ang panahon na wala ng ibang magmamahal sa akin ay pipiliin ko si Rob. Dahil sa pagkakaibigan namin ni Rob ay alam ko na magiging mabuti naman syang boyfriend at sumang ayon na din. Tutal madali namang turuan ang puso at hindi naman na ibang tao sa akin si Rob.

"Ok sige deal!"

At nagyakapan kami.

Ilang buwan ang lumipas at naging taon ito. Ibinuhos ko ang panahon ko sa pagtatrabaho. Mabilis ang panahon. Hindi ko namalayan na tatlong taon na pala ang lumipas. Sa tatlong taon na yun ay inaamin ko na hindi naalis sa isip ko si Xander at umasa pa din ako na magkikita kami ulit. Sa tuwing birthday nya ay may binibili akong regalo at umaasa na kung magkita man kami ulit ay ibibigay ko sa kanya ang mga naipon kong regalo para sa kanya. Pero unti unti ko nang bumabalik ang dating nararamdaman ko para kay Rob.

Hindi pa ako ulit nakakauwi ng Pilipinas pero nakaplano na uuwi kami ni Rob next year para na din dun mag-celebrate ng Christmas at para makaattend sa kasal nina Raf at Zoey.

Bestfriend pa din ang turingan namin ni Rob at may tawagan pa kami. Tawag nya sa akin ay GF ibig sabihin ay great friend at BF naman ang tawag ko sa kanya na ibig sabihin ay best friend. Hindi sya nahihiyang tawagin akong GF sa public kahit na akala ng ibang nakakarinig ay girlfriend ang ibig sabihin nito.

November 3 noon tandang tanda ko ang flight namin pabalik ng Manila. Matapos ang ilang taon ay nakabalik na ako. Magkasama kami ni Rob pag-uwi at sa pagbalik namin sa Canada ay magkasama pa din kami.

"Rob, gusto mo pasamahan kita kay Sam na gumimik? Para naman may makilala kang iba, baka magsawa ka na sa akin"

"Naku wag na. Kung hindi man tayo magkatuluyan mag-aasawa na lang ako ng babae. Ikaw ang huling Bi sa buhay ko. Basta tandaan mo yung deal natin ha? Pag 27 years old ka na. May 2 years ka pa"

At kumikindat sya sa akin at natawa kaming pareho.

"Oo naman basta deal natin yun"

Nagkita kita kami ng mga kaibigan ko sa isang hotel. Magdidinner kami at pupunta ang lahat ng mga kaibigan namin. Habang naghihintay ako sa labas ay unang lumabas ng sasakyan si Xander. Makalipas ang ilang taon ngayon lang kami ulit nagkita. Ibang iba na ang itsura nya ngayon mas lalo syang gumwapo. Natulala ako at hindi nakapagsalita. Karga karga ni Xander ang isang batang lalaki, malamang ay anak nya yun.

"Trav! Kamusta?"

At niyakap nya ako, napayakap din ako sa kanya.

"Eto ayos naman. Ikaw?"

Ang nahihiya kong tanong sa kanya. Hinihintay ko ang girlfriend nya o ang asawa nya marahil nagpakasal na sila sa States pero walang dumating.

"Ayos naman ako"

At kinarga nyang muli yung bata at ipinagbless sa akin.

"Bless sa Tito Travis"

natuwa naman ako sa bata at bibong bibo ito.

"What's your name?"

"Mike po"

ang magalang na sagot ng bata na sa tantsa ko ay nasa 3 or 4 years old na.

Aliw na aliw ako kay Mike nang biglang dumating ang mga kaibigan ko. Nagkayakapan kami at naiyak ako kasi namiss ko din sila. Napag usapan ang kasal nila Zoey at Raf na gaganapin next month. Dun na din nya ibinigay ang mga invitation at lahat kami ay kasali sa Entourage. Muli naming sinariwa ang dati naming samahan.

Naging masaya ang pagbabalik ko sa Pilipinas at nakasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko. Dumating ang araw ng kasal ni Zoey at Raf at naging masaya ito. Naalala ko parang kelan lang nung nasa College pa kami at nililigawan pa lang ni Raf si Zoey. Masayang masaya ako nung kinasal na sila at alam ko na para kay Raf talaga si Zoey.

Nang matapos ang kasal at reception ay nagkakwentuhan pa kami sa Pool sa hotel na pinagdausan ng reception. Inusisa nila ako tungkol sa love life ko. At inamin ko sa kanila na si Xander pa din ang nasa puso ko. Buong akala nila na boyfriend ko si Rob, na hinanap ni Zoey dahil inimbita din nya ito sa kasal.

"Asan si Rob? Parang hindi ko sya napansin kanina?"

"Hindi na sya nakaattend may lakad din kasi sila eh"

Biglang sumingit si Xander.

"Bakit nyo pa hinahanap si Rob, andito naman ako"

At natahimik ako pero napangiti din.

Natapos ang gabi ng masaya. Pero parang gusto ko pa makasama si Xander nang mas matagal, gusto ko syang makakwentuhan, kumain na magkasama at magtawanan pero alam ko na hindi na iyon pwede dahil sa may pamilya na sya at ayokong mabigyan ng malisya ito.

Ilang araw matapos ang kasal ay magkasama kami ni Rob sa mall nang magtext si Sam na kung pwede ko daw ba syang samahan sa isang art exhibit mga 7pm ang oras na tinext nya. Pinabasa ko kay Rob yung text at sinabi nyang pumunta daw ako.

"Sumama ka ha?"

"Hindi na, moment mo yan, alam ko yan na yung pinakahihintay mong pagkakataon"

"Anong ibig mo sabihin?"

"Basta believe me Trav"

"Rob, paano ka? Gusto ko kasama ka"

"But not this time. Ok lang ako, promise. Ihahatid na lang kita ok?"

"Sige"

Inihatid ako ni Rob sa venue at niyakap nya ako ng mahigpit, this time hinalikan nya ako sa pisngi. Alam kong hindi na bago ito pero may meaning ang bawat ginagawa nya nung mga panahon na yun.

"Have fun, you deserve it"

"Ingat ka Rob, text mo ako pag nakauwi ka na"

"Sure"

At bumaba na ako ng sasakyan. Nakita ko agad si Sam at nilibot namin ang gallery. Maganda ang mga painting na nandoon pero humanga ako sa isang painting na dalawang lalaki na magkahawak ang kamay. Medyo controversial ang tema nito pero maganda habang tinitignan ko ito nagpaalam si Sam.

"Friend, CR lang ako"

"Sige, bilisan mo lang, dito lang ako"

Manghang mangha ako sa painting at di ko maalis ang tingin ko. Biglang may kumausap sa akin.

"Nakikita mo ba ang sarili mo sa painting?"

Paglingon ko si Xander nakatayo sa tabi ko at nakangiti sa akin naghihintay ng sagot.

"Hmmm. Pwede"

at naisip ko na si Xander ang gumawa ng painting.

"Ikaw ang gumawa nito?"

"Yup. Actually para sayo talaga yan"

"Uy wag kang ganyan Xander baka dumating ang wife mo kung ano pang isipin nun"

"Wife?"

"Oo wife di ba nagpakasal kayo ni Mimi sa States at anak nyo yung batang karga mo nung magdinner tayo nila Zoey dati?"

Natawa si Xander sa mga sinabi ko.

"Hindi ako kinasal, hindi pala ako ang ama nung pinagbubuntis nya. Nalaman ko lang kasi sumunod sa amin yung ex bf ni Mimi sa Chicago at inamin na sya ang nakabuntis sa kanya, hindi daw nya kaya na lumaki ang anak nya na hindi sya ang kinikilalang ama kaya nya ginawa yun"

At nagulat ako sa mga inamin ni Xander.

"Sino yung bata, si Mike, kaninong anak yun?"

"Anak yun ng kuya ni Raf"

"Ahhh"

Parang naubusan ako ng sasabihin ng mga oras na yun at parang sumigla ang puso ko nang malaman ko na malayang malaya pa si Xander.

"Actually gusto kong magsimula ulit tayo, from scratch kung bibigyan mo pa ako ng chance na ipagpatuloy ang nasimulan na natin"

Napangiti ako at sinabing

"Oo naman, why not? From scratch? Sige mag iintroduce ako sayo"

Nginitian ko ni Xander at sinabing

"My name is Travis, and you are?"

"Xander, your soon to be Husband"

napangiti ako nung mga oras na yun at tila tumigil ang oras para sa amin. Kakaiba ang kislap sa mga ni Xander na para akong inaakit. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan nya ito ng matagal. Wala syang pakialam kung may makakita sa amin at damang dama ko ang pagmamahal nya. Niyakap ko si Xander nang mahigpit na mahigpit.

Naging saksi ang painting ni Xander nung gabing iyon sa aming pagmamahalan. Masaya kong tinignan ang painting nya habang magkahawak kami ng kamay.

"Mahal na mahal kita"
ang sabi ni Xander sabay halik sa pisngi ko.

At sinuklian ko ito ng halik sa pisngi nya.

Napansin ko na may nakakita sa paghalik ko kay Xander at nung tinignan kong mabuti ay si Rob pala iyon. Halatang hindi sya masaya sa nakita nya. Gusto ko man syang i-cheer up ay alam ko na hindi pwede. Baka kasi kung ano pa ang isipin ni Xander at magkagulo pa. Masasabi nyo na mahaba ang buhok ko dahil sa merong dalawang lalaki sa buhay ko pero hindi ito talaga nakakatuwang parte ng buhay ko. Mahirap tumimbang ng dalawang tao na ang halaga nila sayo ay pareho lang.

Biglang umalis si Rob nang hindi nagpapaalam. Hindi din ako mapakali nung mga oras na yun at nahalata ito ni Xander.

"Ok ka lang?"

"Oo naman, si Rob kasi nakita ko kanina hindi man lang nagpaalam nung umalis na sya"

"Tawagan mo na, ok lang hindi ako magseselos"
sabay ngiti ni Xander.

Tinawagan ko si Rob pero hindi nya ito sinagot, nagtext din ako pero walang reply. Hindi ko alam kung galit ba sya sa akin dahil sa nakita nya. Nag alala ako nung mga oras na yun, hindi kasi ganun si Rob at kung hindi man nya masagot ang mga tawag ko ay tumatawag naman ito agad kapag hindi na sya busy.

Nagdinner kami nila Sam at Xander. Naging masaya naman ang dinner namin pero hindi ko maitatanggi na iniisip ko pa din si Rob at nag aalala sa kanya. Bigla kong naalala na mag-isa nga lang pala si Rob sa Condo na tinutuluyan nya dahil ang magulang nya at kapatid ay nasa Laguna at kinabukasan pa babalik. Nag order ako ng carry out food para sa kanya at nagpaalam kay Xander na pupuntahan ko sya pagkatapos namin magdinner.

"Xander, pupuntahan ko si Rob mamaya, baka kasi hindi pa yun kumakain"

"Bakit yaya ka ba nya?"
halatang may bahid ng pagseselos ang sinabing yun ni Xander.

"Ikaw naman, ilang taon kong kasama si Rob, hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang sya porket nandito ka na"

"Hmmm sige, pero sasamahan kita"

"Wag na, maiilang lang yun. May tiwala ka naman sa akin hindi ba? Tsaka hindi pa tayo official hindi mo na ako madadala sa paghalik halik mo, naglevel up na kaya ako"

"So, manliligaw pa pala ako sa baby ko?"
sabay ngiti.

"Pati sa parents ko. Baka naman sabihin mo talo ko pa ang babae"

"Medyo lang"
at nagtawanan kaming tatlo.

Pagkatapos namin magdinner ay nagpahatid ako kay Xander sa Condo ni Rob. Kinatok ko ito at hindi ako nagkamali na nandun sya.

"O bakit andito ka?"
ang pambungad sa akin ni Rob.

"Syempre hindi ko naman papabayaan ang BF ko. Alam kong hindi ka pa kumakain"

"Kamusta na ang.. Kayo ni Xander"

"Ok naman ganun pa din"

"You mean?"

"Hindi ko din masagot yan. Hindi pa naman kami official"
at pumunta ako sa kitchen para ayusin ang kakainin ni Rob.

"Kain na"

"Ano ka ba naman pang Canada lang yang pag-aasikaso mo sa akin, mamaya magalit pa si Xander nyan"

"Bakit naman wala naman masama dun. Sige na kain ka na"
at kumain na si Rob.

Napansin ko na medyo matamlay sya kaya inisip ko na may sakit sya.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"
at sinalat ko ang noo nya.

"Baka, siguro"
ang tanging naisagot ni Rob na parang nagbibiro.

"Gusto mo pacheck up tayo bukas?"

"Wag na, ok lang ako, wala naman akong sakit"

Pagkatapos nyang kumain ay niligpit ko ang pinagkainan nya at naupo sa sofa. Tahimik lang kami na nanood ng TV hanggang sa nakatulog ako. Paggising ko kinabukasan ay nasa kama na ako at iba na ang suot ko. Binuhat nanaman ako ni Rob papunta ng kama sabagay kayang kaya naman nya ako dahil sa mas matangkad at mas malaki sya sa akin.

"Gising na, brekky na"
ang pambungad nya sa akin. 'Brekky' ang tawag namin sa breakfast kahit na nung nasa Canada pa kami.

Nagkekwentuhan kami nang biglang magring ang cellphone ko. Napatingin ako kay Rob dahil ayaw nya naiistorbo ang pag-kain namin.

"Sige na sagutin mo na yan, Si Xander yan i'm sure"
at tumayo ako at sinagot ang tawag.

"Hello Xander, bakit?"

"Bakit wala ka sa inyo? Galing ako dun pauwi na ko ngayon"
Halatang galit si Xander habang kausap ko.

"Nakatulog kasi ako dito kina Rob"

"Ah ganun ba, nag-enjoy ka ba?"

"Ha?"

"Wala, bad trip"

"Pauwi na ako mamaya"

"Tawagan na lang kita mamaya nagdadrive ako. Bye"

Pagkabalik ko tinanong agad ako ni Rob.

"Ano, nagalit?"

"Di ko din alam. Pero sabi nya bad trip so baka galit, pero okay lang yun. Wala namang dahilan para magalit. I got you"

"Gusto mo kausapin ko?"

"Naku wag na hindi usap ang gagawin nyo, boxing lang mauuwi yan. Hindi pala boxing bugbugan pala"
at nagtawanan kami.

Maya maya pa ay biglang naging seryoso ang usapan namin.

"Rob, alam mo naman bestfriend kita, pero mukhang hindi pa kita maiiwan mag isa, kailangan mo magkaroon ng girlfriend. As in girl"

"Bakit ikakasal ka na ba kay Xander?"

"Hindi naman, ayoko lang yung tipong wala kang kasama habang ako, kasama ko si Xander"

"Ano ka ba kaya ko na ang sarili ko. Masyado mo lang kasi ako inii-spoil kaya naiisip mo yan"

"Wala lang, alam mo naman kung gaano ako nag-aalala para sayo"

"I'm a man, GF. You don't have to worry about me"
at natawa ako sa sinabi nya at ganun din naman sya.

Itutuloy..

11 comments:

  1. I've been waiting patiently for this iteration and it's getting better. I was just wondering if there will be a pissing match between Rob and Xander.

    ReplyDelete
  2. thank god its here na! :)) I can feel him. Ang hirap mamili isang best friend na nandyan sayo thru the years na broken ka at isang mong mahal na mahal ka rin :)

    ReplyDelete
  3. I have been waiting for this next installment! Grabe ang haba ng hair mo Travis! Can't wait for the next installment! :)

    ReplyDelete
  4. feeling ko ako si rob. Un nga lang girl naman c trav s tot0ong buhay ko. Ang sakit isiping nagtatangatangahan ako s bestfriend ko kht iba naman talaga mahal nya. Hahaist kakarelate ky rob.

    anyways ganda talaga nito. G0nna wait 4d nxt installment. :)

    ReplyDelete
  5. Yey! Salamat nman at single ulit c Xander.. kakaawa nman c Rob. Travis sana mpublish nato

    ReplyDelete
  6. Salamat naman at may update na.. ang daming nangyari sa part na to... happy ako kina trav at xand.. pero parang nangangamoy away between rob and xand... exciting na yung susunod... pls admin paki update agad!

    ReplyDelete
  7. ikaw na travis happy for you... xcited ako sa next issue..

    ReplyDelete
  8. Shocks!!trav youre so pretty!!

    Pero for me..rob is better..coz tru the years he is there for you and proven his worth..but afterall its the heart that speaks...!!waaaaa...confusing!!hahaah..gonna wait for the nexy part..this is so exciting!!rob ot xander?you bet!heheh

    ReplyDelete
  9. Its Rob all the way

    ReplyDelete
  10. Wow really exciting ha! I'm loving this story! Keep it up!

    ReplyDelete
  11. kinilig ako sobra sa part na to "Xander your future husband" tinakpan ko na lang ng unan ung bibig ko para walang makarinig sakin. hahahaha ganda ng story. :)

    ReplyDelete

Read More Like This