Pages

Friday, January 25, 2013

The Four Evangelists and a Saint (Part 7)

By: Yuan

Chapter 7: Wide Awake

Simula ng makapasok ako sa kotse ni Mark at makalayo kami sa bahay nila John ay di na mapigil ang pagpatak ng mga luha ko.  Hikbi at pagtangis lang ang maririnig sa loob ng sasakyan at alam kong nakikisimpatya lang si Mark at ayaw niya basagin ang katahimikan niya.  Nakatuon lang siya sa pagmamaneho.

Napatigil ako ng biglang iliko ni Mark ang sasakyan sa isang gas station along NLEX.  Bumaba siya at pumasok sa convenience store.  Paglabas niya ay may bitbit siya na nakabalot sa plastic.  Pagpasok niya ay iniabot niya sa akin ang dala niya.  "Kainin mo yan, ubusin mo!", may halong pag-uutos ang mga sinabi niya.  At ng makita ko ang laman ay isa itong pint ng ice cream, double dutch ang flavor.  May kasama na ring plastic spoon ang binigay niya sakin.

"Sabi nila, comfort food daw ang ice cream.  It will make you feel better." sabi ni Mark na hindi lumilingon sakin at sinimulan na namang magmaneho.  Sinimulan kong kainin ang ice cream at nagpatuloy ang pagpatak ng luha ko habang sumusubo ng ice cream.

"You don't deserve him.  You deserve someone better.", patuloy niyang pag-aalo sa akin. "You don't know how I feel.  May dahilan bakit itinago niya sa akin ang lahat.", nabulalas ko. "Ano ipagtatanggol mo pa yung taong nanloko sa iyo?", tanong niya.  "You don't know him, and I love him.  Mahal ko siya Mark!  Mahal na mahal!", pasigaw kong tugon.  "Tanga! Akala ko ba matalino ka Yu?  Gamitin mo nga utak mo!  Magpapakasal na yung tao!  May anak na siya!  May pamilya na siyang binubuo!  Ipagsisiksikan mo ba sarili mo sa kanya?", walang gatol niyang pagpapakawala ng mga salita na nagpaisip sa akin.  "Mark, mahal ko siya.", tangi kong naging depensa sa lahat ng mga nabanggit niya.  "No one's asking if you love him or not!  All I know is that you're stupid for still loving him inspite what he did!", alam kong galit si Mark sa mga tinuran niya.  Natahimik na lang ako hindi dahil sa naniniwala akong tama siya, kundi sa ayaw ko lang makipagtalo kay Mark.

Katahimikan na naman ang bumalot sa loob ng sasakyan.

"Do you want to grab lunch before you go home?", pagbabasag ni Mark sa katahimikan.  "No, thanks.", sagot ko sa tanong niya.  "Alam mo Yu, kailangan mo ng magising.  Wala kang laban sa binubuo niyang pamilya." pagpapaunawa niya sa akin.  "Ihatid mo na lang ako sa amin, at thank you pala sa pagsama.", pakiusap ko.  "Ok, if that's what you want.  But don't expect na titigilan kita sa pagreremind na kailangan mo na mag-move on.", pagbabanta ni Mark.  "Thank you, I guess.", sabi ko.

Ilang sandali pa ay narating namin ang bahay namin.  Nagpaalam na ako kay Mark at nagpasalamat at ng pababa na ako ng kotse ay pinigilan ako ni Mark at biglang niyakap.  "I know you are hurting, pero nandito lang ako ha? I know you can make it, move on, and always be happy", sambit niya habang nakayakap sa akin.  Nabigla ako at di ko nasuklian ang pagkakayakap niya sa akin.  "Thank you, Mark.  Maraming salamat.", iyon lang at bumaba na ako sa kotse.

Pagdating sa aking kuwarto ay tinignan ko ang aking cellphone.  8 messages at 12 missed calls lahat galing kay John.  Dahil sa wala ako sa mood makipag-argue sa kanya ay di ko sinubukang buksan ang kahit isang message o saguting ang kahit isang tawag.

Sa pagod sa pag-iyak ay nakatulog ako.  Nagising na lang ako dahil sa nakaramdam ako ng gutom.  Tinignan ko ang oras sa wall clock sa kuwarto ko at nakitang pasado alas singko na ng hapon.  Humihilab na ang tiyan ko sa gutom ngunit parang nawalan ako ng lakas para pumunta sa kusina at maghanda ng makakain.

Mga ilang sandali pa ang lumipas ay narating ko ang aming kusina at doon ko naabutan ang Mama ko.  "Oh, bakit parang pagod na pagod ka?  Dito ba magdidinner si John?", pag-uusisa niya.  "Di ko po alam Ma.", daglit kong sagot.  "Bakit hindi mo siya i-text o tawagan para malaman?", pangungulit ng nanay ko.  "Wala po akong load.", pagsisinungaling ko.  "Hay naku! Napapansin ko bihira na umuwi dito sa bahay si John, may problema ba? Nagkatampuhan ba kayo?", tanong ng aking nanay na siya namang ikinagulat ko.  "May sakit daw po kasi yung Mama niya Ma kaya madalang na lang siya dito sa bahay.  From work minsan diretso na siya sa kanila.", patuloy kong pagtatakip kay John.

Nakapag-dinner kami ni Mama nung gabing iyon at pagkatapos kumain ay bumalik ako sa aking kuwarto at doon ay ipinagpatuloy ang pagmumukmok.  Tawag ng tawag at marami rami na rin ang mga text ni John ngunit di ko ito pinapansin.  Pero di ko rin napigilan ang sarili ko at binasa ang isa sa mga text niya.  Nagsusumamo siyang sagutin ko ang kanyang tawag at hayaan siyang magpaliwanag.  Nagreply ako:  "Wala ka ng dapat ipaliwanag.  Lahat ng freedom mo, plans mo sa buhay, at happiness mo. Sa iyo na lahat.  Please get all your things here.  And please do assure that when you do that I'm not here."

Pagka-send ko ng message ay pinatay ko na ang cellphone ko at kinuha ang sim card nito at itinapon.  Ayaw ko ng makatanggap ng kahit na anong text or tawag kay John.  I guess I'm just not interested on the things that he will say or I guess I'm just not ready to hear the things that he will say.

Nakatulog ako ng di namamalayan ang oras.  Pagkagising ko ay dali dali akong naghanda para pumunta na ng school.  Pang-gabi pa talaga ang pasok ko sa araw na iyon pero gusto ko na lang tumambay sa office ng organization namin buong araw to keep myself busy at para di maisip ang masaklap na nangyari sa amin ni John.

Pagdating sa office ng organization namin ay nagulat ako at nandun din si Mark (may susi din kasi siya dahil lahat ng officers ng organization ay may duplicate).  Nabigla ako dahil ang alam ko ay si Necy ang nakatokang magbantay ng office kapag araw ng Lunes at si Mark ay tuwing Martes.  "Oh bakit nandito ka? Nasan si Necy?", nagulat kong tanong sa kanya.  "Ah, ayun nakipagpalit muna ng sched ng pagtao dito sa office, may gagawin daw kasi siya this day.  So are you okay?", balik niyang tanong sa akin.  "I think so," maikli kong sagot.  "Magising ka na.  Wake up Yuan!  No need na pag-aksayahan ng panahon ang mga taong tulad niya.", sermon ni Mark.  Isang mapaklang ngiti lang isinagot ko sa kanya.

"Alam mo, Idol pa naman kita Yu.  Pero sa inaasal mo now, nawala yung portrayal mo na malakas ka, na confident ka, na isa kang tao na di nagpapatalo.  Naninibago ako sa mga kinikilos mo.  Wala na yung Yuan na nakangiti palagi at may mga matang makakatunaw ng puso ng ninumang matitigan.  Yung mga mata mo na puno ng spark noon, ang lamlam na ngayon.  Yu, di namatay yung tao kaya di mo siya dapat iniyakan, iniiyakan at iiyakan!" pangangaral na naman ni Mark na nagpatulo sa mga luha ko.  "Have you ever been in love?! Yung head over heels in love?!  Yung tipong papasok na sa isip mo na yung taong mahal mo ang siyang makakasama hanggang huli?!" sunod sunod kong bato ng katanungan sa kanya.  "Yes!  I loved before at nawala din siya sa akin.  Pero di ako nagpakatanga na iyakan siya." mabilis niyang tugon.  "Well, I think hindi mo pa naranasan magmahal ng tulad ng pagmamahal ko kay John!  Ibang kaso to Mark!  Same gender relationship!  There's a big possibility that I can never find someone that I'm gonna spend my life with!", sumbat ko sa kanya na ikinatahimik niya.  "Okay, maybe I don't know on what level is that love that you're feeling for him.  But here's an advice.  Okay, grieve, cry for today but know when to stop grieving.", sabi niya.

Lumipas ang mga oras na wala kaming kibuan ni Mark.  Hanggang sa mag-lunch time na at niyaya niya na akong kumain sa labas.  "Di ka pa ba nagugutom?  Tara lunch out tayo.", akag niya.  Tumayo lang ako sa desk ko at tumayo na din siya.  Napagpasiyahan naming sa KFC kumain.  After ng lunch break ay balik na naman kami sa office ng organization namin.  Nang mga 4:30pm ay pumasok na kami sa aming klase at normal naman ang naging takbo ng maghapon.

Sa klase ay may tinuturing si Mark na bestfriend, si Marlon.  Si Marlon ay classmate namin since second year college.  May itsura din siya, kayumanggi ang balat at madalas sila magkasama ni Mark.  Marami na nga ang nakakapansin na baka may relasyon ang dalawa pero magkaibigan lang daw talaga sila.  Sa isang law subject namin ay magkakatabi kaming tatlo sa upuan.  Sa gitna si Mark, sa kanan niya si Marlon at sa kaliwa naman ako.  Sa totoo lang, hindi kami close ni Marlon.  At alam ko din na ayaw niya sa akin.  Quits lang, the feeling is mutual.

Natapos ang araw at kailangan ng umuwi.  "Yu, may emergency meeting daw tayo sabi ni Ate Rona (President ng organization namin).", pasabi ni Mark pagkatapos ng last subject namin.  "Tungkol saan daw yung meeting?", tanong ko.  "About sa regional convention na gaganapin sa Batangas.", sagot niya.  Iyon lang at sabay na kami pumunta sa office namin.

Natapos na ang meeting at nang makauwi ako ay laking gulat ko sa pagsalubong ng Mama ko sa bahay.  "Kinuha na ni John ang mga gamit niya kanina.  Hindi na daw siya makakapag-paalam sa iyo.  Nag-dinner ka na ba?", balita ng Mama ko sa akin.  "Busog pa po ako Ma, pahinga lang muna po ako sa kuwarto ko.", iwas ko.  Pagdating sa kuwarto ay wala na nga ang mga gamit ni John.  Naluluha akong tinungo ang kama ko.  Pero naiisip ko pa rin ang mga pangyayari sa relasyon namin.  Ang saklap pero kailangan ko na talagang magising sa katotohanan na tapos na ang ano mang namagitan sa amin.

Lumipas ang mga araw at buwan.  I kept myself busy in school and the organization.  At sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti kong nakakalimutan ang masalimuot na parte ng buhay ko kay John.  Mas nagpursige ako sa pag-aaral para mamaintain ang scholarship ko pati na rin ang pangarap kong makagraduate ng may Latin honors.  Sa organization naman ay maayos din ang lahat.  Mas naging close din kami ni Mark dahil na rin sa halos araw araw na pagsasama namin sa mga activities ng organization.

Sa convention na gagagnapin sa Batangas ay kailangang magpractice kami at ng grupo namin nila Mark ng isang routine ng sayaw.  Lalaban kami ng sayawan at kailangang manalo kami dahil 2x na nagchampion ang school namin sa dance competition ng Region 3 Federation ng organization namin for the past 2 years.   

Bago pumasok sa klase at pagkatapos ng klase ang rehearsals ng grupo namin.  Dahil dito ay extended ang mga oras na nakakasama ko si Mark.

One day, nagkataon na wala ang prof namin sa last subject at niyaya ako ni Mark.  "Yu, lapit na yung convention, papagupit ka ba before tayo pumunta sa Batangas?" tanong niya.  "Ahmm, oo, di ko na mastyle buhok ko now kasi medyo mahaba na." paliwanag ko.  "Gusto mo mamaya pagupit na tayo?  Wala naman tayong pasok sa last subject.", paanyaya niya.  "Sure.", maikli kong sagot.

At sabay nga kami nagpagupit ni Mark dun sa salon kung saan ako nagpapagupit.  After namin doon ay laking gulat ko sa paanyaya sakin ni Mark na magdinner muna kami bago bumalik sa school for the rehearsals.  "Naku, baka malate tayo sa rehearsals at mapag-initan tayo ni Kuya Russ (choreographer namin) niyan, buti pa after rehearsals na lang tayo magdinner." tanggi ko.  "Eh nagugutom na talaga ako eh.", pilit niya kasabay ng pagmumukha na tila nagpapacute.  "Bumili ka na lang muna ng sandwich or any snacks para di ka gutumin mamaya." suhestiyon ko.  "Tinext ko na si Kuya Russ na malelate tayo kaya okay lang na magdinner muna tayo.",  pagpupumilit niya.  "Sige na nga.  Ang lakas mo kay Kuya Russ ah.", biro ko.  "Siyempre no one can resist my charms." sabay kindat sa akin na siya namang ikinangiti ko.

Nang makaorder na kami at nakaupo na sa table ng isang fastfood chain ay napatingin ako kay Mark at napansin kong nakatitig siya sa akin.  "What?", tanong ko.  "Nothing.  I just notice that your eyes have their unusual spark again.  Ganda talaga ng mata mo no?" paliwanag niya.  Natawa na lang ako sa mga tinuran ni Mark pero alam ko na nagblush ako sa mga binanggit niya ng biglang tumunog ang cellphone niya at kinausap niya muna ang nasa kabilang linya.  After ng phone call ay sinabi niyang si Marlon ang tumawag.  "You and Marlon are that close na kahit tapos na ang klase nagtatawagan pa rin kayo?" pagtataka ko.  "Hey, he's the one whose calling me every now and then.  Not me.", depensa niya.  "I think he likes you.", sabi ko.  "C'mon, Marlon and I are straight and please di ako papasok sa same gender relationship if ever man magkagusto sa akin yung tao." agad niyang pagbalik sa tinuran ko.  "Okay, if you say so. If he doesn't like you.  Eh bakit parang obsessed na yata yung kaibigan mo sa iyo?", pang-aasar ko.   "He's not!", "He is!", "He's not!", "Wanna bet on it?", dare ko sa kanya.  "Hay naku Yu, tigilan mo na yung tao.  Kaibigan lang turing ko sa kanya.", pilit niyang depensa.  "Ikaw.  Kaibigan turing mo sa kanya, eh pano kung hindi ganon turing niya.  Paano kung mahal ka na niya?" patuloy kong pang-aalaska.  "Stop it!  Tara na nga.  Baka hinanahanap na tayo ni Kuya Russ.", pag-iwas niya.  "Pikon!", bawi ko na sinamahan ng malakas na tawa at siyang pagtayo namin para bumalik ng school for our rehearsals.

Dumating na ang araw ng convention at sa Club Balai Isabel ito ginanap sa Batangas.  Maraming mga delegates na sumama from our school.  Isa na dito si Marlon.  Pagdating sa venue ay kanya kanyang grupo ang mga members ng organization namin sa magkakasama sa villa.  Siyempre dapat magkakasama ang magkakagender.  Bawal ang co-ed.  Pinipilit ni Marlon si Mark na makisama sila sa villa sa iba naming classmates na lalaki.  Pero dahil officers kami ni Mark ay iba ang villa namin sa mga members.  Kawawang Marlon at di niya makakasama si Mark.

Ang mga kasama ko sa villa ay si Mark, si Richard at si Jonathan.  Mga kapwa ko officers sa organization.  Pagbukas ng villa ay nakita naming dalawang king size bed ang kama.  Napagpasyahan na si Richard at ako ang magkasama sa kama at sa kabila naman ay si Jonathan at Mark.  Three days and two nights magtatagal ang convention.  Second night yung dance contest na sinalihan ng grupo namin ni Mark.  Sa unang gabi ay nagpractice pa ulit ang grupo namin at pinanood kami ng ibang mga members ng organization namin.  Pagkatapos magrehearse ay dumiretso ako sa shower at siya namang katok ni Mark sa pintuan ng c.r.  "Yu, matagal ka pa ba? Ihing ihi na kasi ako." tanong niya.  "Mark kakaumpisa ko pa lang!" sigaw ko habang ineenjoy ang warm bath.  "Yu, sasabog na talaga pantog ko.  Tuloy mo na lang iyan at iihi muna ako! Please!" pagmamakaawa niya.  Dahil sa nakonsensiya naman ako ay tinigil ko muna ang pag-shower at kumuha ng malinis na bathrobe at ibinalabal sa katawan ko.  Pagbukas ng pinto ay mabilis na pumasok si Mark para umihi.  Siya namang tuluyan kong paglabas ng c.r.  Nang mairaos na ni Mark ang pag-ihi ay lumabas na ito sa c.r. at sinabayan ko siya ng sermon.  "Ikaw ang ingay ingay mo eh, tulog na mga kasama natin dito.  Eh bakit nga pala magkatabi sa kama si Richard at Jonathan? Akala ko kayo ni Jonathan ang magkatabi sa kama?", paguusisa ko.  "Ah, sinabihan ko si Richard na sila na muna ang magtabi ni Jonathan kasi may rehearsals pa tayo ngayon.  Baka kasi maistorbo pa natin sila sa pagtulog pagnatapos tayo sa rehearsals. Bakit ayaw mo ba akong katabi?", tanong niya na alam ko naman ay pabiro.  "Sira ulo! Baka si Marlon gusto kang katabi.", pambibwisit ko sabay pasok uli sa c.r. para ipagpatuloy ang pagsashower.

Nang matapos na akong magshower at magsipilyo ay napansin kong nakaidlip na si Mark sa kama namin.  Nilapitan ko siya at napatitig ako sa maamo niyang mukha.  "Ang cute pala ng mokong na'to kapag natutulog." sabi ko sa aking sarili.  At tuluyan ko na siyang ginising para siya naman ang magshower.

Sa tagal ng pagsashower ni Mark ay di ko namalayang nakatulog na ako kahit basa pa ang buhok ko.  Naalimpungatan na lang ako ng maramdaman kong inaayos ni Mark ang pagkakahiga ko.  "Sorry, did I wake you up?", paghingi niya ng paumanhin.  "It's okay.  Tulog na tayo.  Goodnight.", yaya ko sa kanya at nagulat na lang ako sa sumunod na ginawa ni Mark.  Bigla niyang dinampian ng halik ang noo ko.  "Goodnight." sabi niya kasabay ng pagtalikod sa akin.  Sa ginawa ni Mark ay nagising ang diwa ko.  Nawala ang antok ko.  Napapaisip ako.  Ano ibig sabihin ng ginawa niya? Kahit malamig sa silid ay nakakaramdam ako ng init.  Sa kaiisip ng dahilan sa mga nangyari ay dinalaw na uli ako ng antok.  Iisa lang ang comforter at kumot namin ni Mark kaya di malayong magkadikit kami isang maling galaw ng isa sa amin.  Ngunit ng maalimpungatan na naman ako ay iba na ang puwesto namin.  Ang ulo ko ay nakadantay na sa matipunong dibdib ni Mark.  Nakayakap siya sa akin.  "Mark?" panimula ko sabay angat ng ulo ko at kita kong nakapikit parin siya ngunit pinigilan niya ako sa pagsasalita.  "Shhhh! Tulog na.", sagot niya habang nakapikit at muling ikinabig ang ulo ko sa dibdib niya.  Naguguluhan man ay nagpaubaya ako ngunit hindi na talaga ako makatulog.  Makalipas ang ilang sandali ay iniangat ko uli ang ulo ko.  Sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap ni Mark sa akin pero alam ko na hindi pa tulog si Mark dahil mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.  "Mark, ano ba 'to?", pabulong kong tanong.  "What? I'm just hugging you.  Something wrong with that?", balik tanong niya na pabulong din.  "I feel uncomfortable.", deretsahan kong sabi sa kanya.  "Oh, I'm sorry.", sabay tanggal sa yakap niya sa akin.  Siguro dahil sa nagkakahiyaan ay napuno nanaman ng katahimikan ang silid.  Dahil sa di na talaga ako makatulog ay pumunta ako sa veranda ng villa namin.  Doon ay nagpalipas ako ng mga ilang minuto.  Nagulat na lamang ako ng bumukas ang sliding door ng veranda at niluwa nito si Mark.  "Sorry.", sambit niya.
"What is that all about?", tanong ko.
"What?"
"The kiss on the forehead, the hugs??"
"Don't over-react Yu, it's just a goodnight kiss and a mere comfort hug."
"No one says I'm over-reacting.  And who said I need a comfort hug? Its just that I felt uneasy.."
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla na lamang akong hinalikan ni Mark sa labi.

1..
2..
3..
4 seconds.. 5 seconds.. 6.. 7..
Nawala ako sa bilang.  Hindi ko alam kung anong mga nangyayari.  Basta ang alam ko magkalapat parin ang mga labi namin ni Mark.  Hindi naman mapusok ang halik niya pero feeling ko lumulutang ako.  Lumilipad.  Parang huminto ang paligid.

Nagbalik ako sa aking sarili ng matapos na ang mahabang halik sa akin ni Mark.  Naguguluhan talaga ako.  Hindi ako nakapagsalita.  "Go back to bed okay?" sabi niya at bumalik na siya sa loob ng aming silid.  Para akong napako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan ko lang siyang pumasok ng hindi man lang nagtanong kung ano ang mga nangyari.  "YUAN! Tanga tanga mo.  Hinalikan ka ni Mark.  Di ka man lang nagtanong kung para saan iyon.  Di ka man lang gumanti ng halik!  Baka isipin niya lousy kisser ka!  Nagmukha kang tuod!  Ano ba yan!" ilan sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling iyon.  Namalayan ko na lamang na pabalik na rin ako sa kama namin ni Mark.  Nakapikit na siya.  Mamayang umaga ko na lang siya tatanungin.  Maraming katanungan ang pumasok sa utak ko na siyang naging dahilan ng pagdalaw muli ng antok sa akin at tuluyan na akong nakatulog.

Mag-aalas otso ng umaga ng ako'y magising at napansing wala na akong kasama sa villa.  "Yu, nasa mess hall kami for breakfast.", isang mensahe na aking nabasa na nakalagay sa post it na nakadikit sa salamin ng ako'y nagsisipilyo sa c.r.  Based on the handwriting, it was Mark's.  After magtoothbrush ay nagpunta ako sa mess hall.  Hindi ko alam kung bakit ngunit ang unang hinanap ng mata ko ay si Mark.  Nakita ko siya na katabi si Marlon.  Nakaramdam ako ng selos, ngunit di ko pinahalata.  Tinungo ko na lang ang table nila Richard.  Nagbreakfast kami at pagkatapos ay bumalik kami sa villa.  Nagbihis na at naghanda na sila Jonathan at Richard para mag-attend ng mga technical sessions.  Wala ako sa ganang sumali sa mga technical sessions.  Pagkaalis nila Jonathan at Richard ay siya namang dating ni Mark na kasama si Marlon.  "Oh di ka sasama sa mga seminars?" tanong ni Mark.  "I'm not feeling well.", tangi kong sagot.  "Ok.  We'll go for a swim.  Wanna join us?", anyaya niya sa akin.  At nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Marlon.  "Thanks, but no thanks.", sagot ko.  Nilisan nila ang villa pagkatapos makapagpalit ni Mark ng board shorts.

Gulong-gulo ang isip ko sa mga sandaling iyon.  How can he be so naive?  After ng nangyari kagabi, bakit parang bale-wala lang lahat sa kanya?  Ano nga ba talaga ang meaning nung kiss na yon?  Ahhhhh.  Mas naguguluhan ako sa pag-iisip.  Dahil siguro sa puyat at sa kakaisip ay nakatulog ako.

After a few hours ay nagising ako sa lagaslas ng shower sa c.r.  Hindi ko alam kung sino ang naliligo.  Napagpasiyahan ko na buksan na lamang ang t.v.  At pagkalipas ng ilamg minuto ay lumabas si Mark sa c.r. na kasunod si Marlon!  Nagulat ako sa nakita ko.  Pati ang dalawa ay nagulat.  "I'll go back to my villa, see you on the mess hall for lunch.", sabi ni Marlon sabay labas ng pinto ng villa namin.

Wala kaming imikan ni Mark.  "Yu, about what you saw.", umpisa ni Mark.  "What?", mabilis kong tanong.  "Can we just keep it a secret?", pakiusap niya.  "Ok, wala akong nakita.", paninigurado ko sa kanya.  "Thanks!", at umaliwalas ang mukha ni Mark.  Parang kinurot ang puso ko sa mga nasaksihan ko.  Nagseselos ba ako?  Hindi!  Hindi dapat ako magselos!

"Mark? I just want to know something.  Can I ask you something?",  tanong ko.  "Fire away.", sabi ni Mark.  "About last night.. Ahmm.. What is that all about?", panimula ko.  "What about it?  You want to do it again?", pabiro niyang tanong.  "Sira!  I'm just wondering if you and Marlon are together, then why are you still kissing someone else?", nahihiya kong tanong.  "First of all, we're not together.  We don't have a relationship.  Second, its just a kiss.  That's all.  No big deal." habang sinasabi niya ito ay lumalapit ako sa kanya at bigla ko siyang hinalikan.  Mas mapusok ang naging halikan namin ni Mark.  At ako rin ang kumawala sa pagkakalapat ng labi namin.  "Just like that?  It's just a kiss right?", pang-aasar ko.  "Hindi eh.  Ganito." at nagdikit na naman ang aming mga labi. Ngunit ngayon ay mas torrid ang halikan.  Idinidiin na ni Mark ang kanyang labi sabay hila ng ulo ko para mas mapalapit sa kanyan.  Nang makahanap ng segundo para makawala ay agad akong lumayo sa kanya.  "Mark, I don't want to play games with you.  Magagalit at masasaktan si Marlon." sabi ko.  "Bakit mo ba  pinapasok sa usapan si Marlon?  Nagseselos ka?", pagbibiro pa ni Mark.  "Why should I be jealous?  At bakit hindi ipapasok sa usapan si Marlon?  Kagagawa niyo lang di ba?  At dito pa?", natatawa kong katwiran.  "We don't have any relationship!" pasigaw na sagot ni Mark.  "Then what the hell are the both of you doing in the c.r.?!", pasigaw na rin ang tanong ko.  Natahimik si Mark sa tanong ko.  "We planned doing it today.  Dapat gagawin namin sa c.r. pero di ko kaya.  Walang nangyari sa amin.  It's all because of the kiss that we shared last night.  The kiss made me realize that if ever I'll enter this kind of relatipnship, its not with him that I want to shate it with.  It's you.", at namumula siya habang sinasabi ito.  "Pero Mark, di pa ako ready.",  sabi ko.  "Hindi ko naman sinasabing ngayon na tayo magkaroon ng relasyon.  Kilalanin muna natin ang isa't isa mabuti.  At kapag ready ka na at ready na din ako.  Then let's try if it will work." suhestiyon niya.  Napangiti lang ako sa sagot ni Mark.  "Tara na nga sa mess hall.  Baka gutom lang yan!" anyaya ko na ikinatawa ni Mark.

Sa nalaman ko ay di ko alam kong anong mararamdaman ko.  Handa na ba ako sa panibagong pag-ibig?  Totoo kaya ang mga nararamdaman ni Mark para sa akin?  Paano na si Marlon?  Manalo kaya kami sa dance contest?  Maraming gumgulo sa isipan ko noong nasa Batangas kami.  At lahat yan masasagot sa next chapter ng story.  Maraming maraming salamat sa mga tumatangkilik ng story ko!

4 comments:

  1. Mukhang si Marlon din magiging mitsa ng relationship na to ah. Tanga lang ba si mark at marlon at sa villa nyo pa talaga ngbalak? Feeling ko mahal ka ni Luke. Nagkamali lang sya big time. Nagkita na ba kayo ulit at nagkapatawaran?

    -Seth

    ReplyDelete
  2. Ano!!!!!!!!!??? Ang gulo, bakit meron si luke? Bakit mahal siya ni luke? Si mark parang aking story lang pero d nya alam na mahal na mahal ko siya pero si luke mahal ko din bago dumating ang moment na nakaclose ko si mark. Sino ka seth? At parang aksidenteng tumama ang mga pinagsasabi mo dito sa kwento ng mga tago kong pagibig. Bakit nawala si john sa kwento? Hahaha ang weird lang haha pero natuwa ako sa comment mo

    ReplyDelete
  3. Bakit ko nasabing mahal sya ni Luke? Pakiramdam ko lang. Di ko kasi gusto si John, dami tinatago. Si Mark naman parang hindi naniniwala sa relationship. baka nga player yan eh. Hindi kasi makatao yung magbalak gumawa ng kamunduhan sa harap ng taong sinasabi mong gusto mo. Medyo bastos yung dating. Kuru-kuro ko lang naman:)

    sana akin ka nalang Yuan.

    -seth

    ReplyDelete
  4. Ganda!! This is my first time to read this story,, pero nagustohan ko agad even though malayo n un chapter ng story,, and I'm liking this story... Ganda! Ill wait for the next chapter... ;))


    --jaycee--

    ReplyDelete

Read More Like This