m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Tuesday, April 9, 2013

Eng21 (Part 18)

By: Cedie

Hi guys, maraming salamat po sa patuloy niyong pagbabasa ng istorya ng buhay ko. Pasensya na po dahil medyo matagal tagal na ko bago makapagpost ng bago. Medyo naging busy na din po kasi sa work at sa marami na ding kinakaharap na mga problema.. Hayaan niyo po at ikukwento ko din naman ang mga nangyayari saken. Bale nasa year 2007 pa lang po tayo jan. After po nyan ay magkakaron ng kaunting fast forward sa buhay ko pero dadaanan pa din naman naten ang mga susunod na taon. Pagdating po sa current year ay mas magiging madami ang ipopost ko dahil ito na ung present time.

Muli, nagpapasalamat po ko sa pagbabasa nito at pagshare sa iba. Maraming salamat po sa suporta. Hindi ko alam na sa simpleng paglalabas ko ng nararamdaman sa pamamagitan ng isang blog ay marami din ang maiinspire, malulungkot at maiiyak at matutuwa din naman kahit papano sa aking blog. Sana po ay maging masaya tayong lahat..

Prince..

Lumipas ang ilang araw ay nagpaalam na muli sa mga professor namen si Kiko. Tulad nga ng nasabi ng mga professors namen ay papayagan naman siyang kumuha ng mga make up exams at kapag naipasa niya ang mga iyon ay magiging okay pa din ang grades niya. Tiwalang tiwala naman si Kiko na nagsabing "Kayang kaya ko ipasa yan sir, matalino ata ang bespren ko!" Nakangiti pa si Kiko habang sinasabi niya iyon. Nagpaalam din siya sa barkada pagkatapos ng klase habang magkakasama kameng kumain sa mall.

"Isang buwan lang naman ikaw na mawawala kung ano ano pang sinasabi mo samen", pabirong sabi ni Robert. "Ou nga naman, syempre mamimiss mo kami lalo na tong ganda ko, pero babalik ka din naman agad", pahabol ni Emily. "Basta guys mamimiss ko kayo, masaya ako na naging parte kayo ng buhay ko at naging mga kaibigan ko kayo", si Kiko. "Andrama mo Kiks, kumain na lang nga tayo, kanina pa nakahain yang pizza oh, simulan na naten to! Hahaha!", pabirong sabi ni Jared. Habang kumakain ang barkada ay napansin kong nakangiti lamang si Kiko na pinagmamasdan silang kumain. Biglang nagkaroon ng takot sa aking nararamdaman. May isang parte sa sarili ko na bumubulong na pigilan siya ngunit sinabi ko na Reunion naman talaga ng pamilya nila ngayong October at kailangan niya talagang umuwi. Isa pa ay birthday yata ng Grandpa niya at matagal na nilang napagplanuhan to nina tita (mama ni Kiks).

Matapos kumain ay inihatid namen sa mga sakayan ang aming ibang kaibigan. Nagpasya akong dun na muna matulog kina Kiko para makasama ko siya bago siya tumuloy sa flight bukas pabalik ng China. Sa pagdating namen sa bahay nila ay nagusap kami. "Ced, promise me na iingatan mo yang singsing na suot mo ha, wag na wag mo yang iwawala kundi magagalit talaga ako sayo", ang sabi ni Kiko. "Oo naman, syempre galing sayo to kaya iingatan ko talaga, at lagi kong isusuot para sa tuwing suot ko to ay ikaw lagi ang kasama ko. Salamat kuya Kiks dito ah", isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at gumanti naman siya ng ngiti sa akin.

Bago kami matulog ay marami pa kaming napagusapan, isa na dito ang kung ano ano pa ba ang pangarap namen sa buhay. Nasabi namen sa isa't isa na kapag nakapagtapos kame pareho ng engineering ay magtatrabaho kame sa parehong kumpanya at magpapagalingan kung sino ang unang mapopromote. Gusto din namen na magkalapit ang aming mga ipapatayong bahay para kapag nagkapamilya na kami balang araw ay magiging magkasundo ang aming mga asawa at ang aming mga anak. Nagbiro din naman ako na sinabi kong kung pwede nga lang ay kami na lang ang magkasama. Napatingin siya saken ng seryoso at sinabing, "Mahal kita Ced, alam kong mahal mo din ako kaya kahit ano pa man ang mangyari ay hinding hindi ako mawawala sayo, natatandaan mo yang pangako kong yan? Hanggang sa huling hininga ko ay andito laman ako sa tabi mo." Isang halik sa noo ang ibinigay niya sa akin at ginantihan ko lang ito ng isang mahigpit na yakap tanda ng pagmamahal at pasasalamat sa aking pinakamatalik na magkaibigan. Alam ko na masayang masaya ako dahil nakatagpo ako ng isang ganung kaibigan. Bihira na lamang sa mundo na makakita tayo ng mga taong tatanggapin tayo at mamahalin ng buong puso kahit ano pa man ang ugali naten. Na kahit anong masamang tinapay meron ka, tatanggapin at mamahalin ka pa niya ng buong puso at ipaparamdam sayo kung gaano ka kaespesyal sa buhay niya. Dito ko napatunayan na hindi lahat sa buhay ko ay puro malungkot. Masaya ako kasama ang pamilya ko, dahil buo pa kami, magkakasundo kame ng mga kapatid ko, at naging masaya pa lalo nang dumating ang isang tunay na kaibigan sa katauhan ni Kiko. Masayang masaya kaming nagkuwentuhan ng gabing iyon hanggang sa dalawin na kami ng antok at makatulog.

Kinabukasan ay nagimpake kami ng kaunting mga gamit na dadalhin niya pabalik ng China. Matapos mag impake ay nagabang na kame ng Avanza na taxi para maluwag ang sasakyan. Habang nasa taxi ay sumusulyap saken si Kiko at tumatawa kapag nagkakatinginan kami. Paminsan minsan ay tinatabig niya ang aking kaliwang braso ng kanyang kanang braso at ngingiti lang uli kapag tumingin ako. Tila ba isa syang makulit na bata na naghahanap ng pansin sa isang tao pero kahit ako ay natatawa na din.

Nakarating na naman kame ng airport na yun. Ngayon ay iba nga lang ang set-up. Kung dati ay mga magulang niya ang inihahatid namen, ngayon naman ay siya ang inihahatid ko sa airport na yun. Natawa na lamang kami nang banggitin niya din sa akin yun. "Pano ba yan bunso, pasok na ko sa loob, magiingat ka palagi ha", ang sabi niya sa akin. Bago siya umalis ay niyakap niya ko ng mahigpit at bumulong saken, "Mamimiss kita, alam ko patas lang eh, mamimiss mo din ako", pagkatapos niyang bumulong sa akin ay ngumiti siya at tumalikod na at naghanda nang pumasok sa airport. "Tawag ka pag andun ka na ah, ou na mamimiss din naman kita, syempre bespren kita diba?" Yan ang sinagot ko sa kanya at tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng airport. Hinabol ko ng tanaw ang aking kaibigan at nang makita kong nakapasok na nga siya ay nagpasya na din akong umuwi sa bahay namen.


Pagdating sa bahay namen ay naabutan ko ang aking nanay na pinapatulog ang aking pamangkin na 2 yrs old. Nakita nya ko na dumating at tinanong ako ni Mama, "Oh anak nakaalis na si Kiko?", "Opo ma, one month lang naman po siya dun kaya habang wala siya eh magrereview na po ko para sa papalapit na Quiz bee namen", sagot ko naman sa Mama ko. "Galingan mo anak para this time manalo na kayo, alam kong kayang kaya mo yan basta magaaral ka lang ng mabuti." Nakangiti sa akin ang Mama ko at alam na alam kong malaking malaki ang tiwala nila sa akin. Ako ang sinasabi nilang pag asa ng pamilya na iahon sila sa kahirapan at syempre ako naman bilang anak ay handang gawin ang lahat para sa kanila. Mahal na mahal ako ni Mama, tuwing nakikita niya akong malungkot ay alam niya agad kung may problema ako. Kaya hindi naalis sa akin kahit papaano ang maging Mama's Boy dahil naging mas malapit ako sa aking ina. Mahal din naman ako ng aking ama ngunit nasa probinsiya siya at doon binabantayan ang bahay namen. Paminsan minsan naman ay umuuwi siya dito sa Maynila kapag may okasyon.

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag sa aking bespren na si Kiko. Dumating na daw siya sa China at napakadame ng tao sa kanila. Halos pati mga pamangkin niya daw ay naandon at nagulat siya sa mga iba niyang pinsan na may asawa na. Nakausap ko din ang kanyang mama at kinamusta ako. Pagkatapos nun ay sinabi niya na antayin ko na lang daw ang paguwi niya para naman daw mamiss namen ang isa't isa. Bago siya nagpaalam ay sinabi niya sa akin na may pasalubong daw siya sa akin at sa barkada kaya antayin na lang daw namen ang kanyang pagbabalik. Nagpaalam na siya sa phone at ganun din naman ako. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagrerebyu para makabawi sa aking adviser sa mga nangyari last year.

Lumipas ang mga araw at nagkakaroon pa din naman ng gala ang barkada kahit wala si Kiko. Nagaaral pa din kame ng sama sama at tinuturuan ko pa din naman sila kapag may mga hindi sila naiintindihan sa iba nameng mga subjects. May mga oras na nababanggit nila si Kiko at kung ano nga ang sorpresa niya sa aming barkada. Matapos naman ng mga simpleng usapan na ito ay pinagpapatuloy lang namen ang kung ano ang ginagawa namen sa araw na iyon.

Makalipas ng ilan pang mga araw ay katapusan na ng buwan ng Oktubre, araw na ng paguwi ni Kiko. Nakabalik na siya ng Pilipinas at nakatanggap ako ng text na may ihahatid lang siya sa isang kaibigan at matapos nun ay didiretso na siya papunta sa amin para ibigay ang kanyang pasalubong. Hindi na ko nangulit pa at inantay ko na lamang na pumunta siya sa amin. Excited ako na sinabi kina Mama na nakabalik na si Kiko at dadaan siya sa bahay namen para magbigay ng pasalubong.

Nagring ang phone at nakita ko na si bespren na ang tumatawag. "Hello Kiks! Nasan ka na?!", excited kong sabi sa phone. "Nandito na ko sa may bandang SLEX, dala ko yung kotse, eto nagdadrive na ko, namiss ko yung boses mo bunso", sagot ni Kiko sa akin. "Teka, SLEX? Eh diba delikado dyan? Nako mamaya ka na tumawag bawal tumawag habang nag ddrive diba, namiss ko din naman boses mo eh", paalaala ko sa aking kaibigan. "Ayos lang, nakaheadset naman ako kaya ok lang na kausap kita, namiss ko yata ang bespren ko diba.", sagot sa akin ni Kiko. "Okey sige sabi mo eh, kuya, mahal kita.", bigla na lamang lumabas sa aking mga bibig ang salitang yun, tila ba kaytagal ko nang hindi nasabi ang salitang yun at sumagot naman siya sa aking sinabi, "Mahal din kita bunso". Kahit hindi ko siya kaharap ay alam kong may kasamang ngiti ang kanyang mga labi habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Sige, antayin na lang kita dito sa bahay, magluto ako ng spaghetti pagtapos nitong tawag mo tutal medyo malayo layo ka pa naman eh.", yan naman ang sinabi ko. "Aba okey yan bunso! Sige antayin mo na lang ako at saglit na lang...aaahhh!"

Nagulat na lang ako sa narinig kong parang isang malakas na tunog ng trak. "Kuya?! Kuya Kiks! Ano nang nangyari sayo! Kikooooo!" Nabitawan ko na lamang bigla ang telepono at biglang natulala at naramdaman ang mga luha na kusang tumulo sa aking mga mata...

Itutuloy..

*********************************************************************************************************************
Author's Note

Yo. Ayaw tumigil sa pagpatak ng luha ko habang tinatype ko ang chapter na to. Yes guys, tama po ang nabasa niyo. Patay na po si Kiko. It's been 4 years since he passed away. Alam ko masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Pero hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari, napapaiyak pa din ako kahit papaano. Abangan niyo na lang po ang mga susunod pang mangyayari sa akin. Kung anong kahihinatnan ko pagtapos ng aksidenteng ito at kung saan tutungo ang landas ko at ang mga panibagong makikilala ko sa aking buhay. Please keep reading.. Thanks so much po..

This chapter is dedicated for my beloved friend. I will miss you and I will never forget you.
In memory of Kiko. May you always be happy wherever you are.
-Prince-

7 comments:

  1. Sakit basahin. Comfoooort para sayo author. Devastated ako nung nabasa kong namatay si Kiko. Parang kahit ako di mo matanggap.

    -EC

    ReplyDelete
  2. Teary eyed! Grabe even though may spoilers that Kiko will die, I still read it up until this chapter. This story was well written! Kudos to you Mr. Author! Bihira ang mga ganitong klase ng story na hindi puro sex ang laman. I feel for you Mr. Author. I had someone die on me too. Someone who is very dear to me. It's been 3 years since he died and up to now, I still feel sad pag dumadating yung death anniversary nya. Keep on writing Mr. Author! You have another fan here!

    ReplyDelete
  3. Grabe parang diary na ni Mara Clara sa haba haha

    ReplyDelete
  4. Woah. Lil' Bro, I never thought that this would be very emotional. I can't help it. There's something about how you deliver the story. It's moving. Please send this to TV networks and publishers.

    - Greg -

    ReplyDelete
  5. nai-news b ung accident ni kiko noon s SLEX?

    ReplyDelete

Read More Like This