By: Jhake A.K.A Papz
To reader: This story is based on authors imagination. Some names and
places are invented by the author. And does not pertains to any person
alive with the same name and personality. Thank you
May, 05, 2012 exactly 11:00 P.M Nang biglang...
“Anong nangyari? na saan ako?! May tao ba diyan?!!” Ang pagtataka ni Vincent na may halong takot at kaba. Habang siya ay naglalakad, napansin nyang parang walang dulo ang daanan na tinatahak niya.
“This is not funny! Tell me I’m just dreaming! Takot nitong sabi, pilit nyang inusad ang sarili ng biglang may humatak sa kanyang kamay.
“Sumama ka sakin! Mas magiging Masaya ka kapag ako kasama mo!” ngiting sabi ng lalaki. Naka suot ito na long sleeves polo at naka puting patalon. Kung titignan mabuti ay mukhang modelo ito, gwapo, maputi, matangkad, maganda ang katawan at higit sa lahat ay may taglay na ka cute-tan. At siguradong matutunaw ka sa tuwing ngingitian ka nito dahil may dalawa itong malalalim na dimples.
“WAAAAAH! Sino ka ba?!!” takot nitong tugon, sabay bawi sa kanyang braso ng biglang may humila muli sa kanya lalaki sa likuran nito.
“Ako ang piliin mo! Alam kong madalas ay wala akong paki sayo pero mas mahal kita kaysa sa buhay ko! Bibigay ko sayo kung ano man ang gusto mo” ang galit nitong sabi na animo’y nakikipag kumpitensya sa kanina pang lalaking nakatayo sa harap ni Vincent. Masungit kung titignan ito sa una, ngunit makikita sa kanyang mata ang pagiging sincere sa mga kanyang sinasabi. Tulad ng naunang lalaki halos pareho sila ng katangian, nagkaiba lang sa pananamit at porma. Naka pulang polo katugma ng kanyang itim na pantalon at nakataas ang buhok na animo’y buhok ng manok.
“SINO BA KAYO?! At nasaan ako??!! At bakit nyo ko pinag aagawan!!” sigaw ni Vincent nang magsimulang umikot ang kanyang paningin hanggang sa…
-----
Kinabukasan
“Sir wake up! 6:30 na po at baka malate kayo sa class nyo”, ang biglang gising ng katulong habang nag aayos ito ng gamit para sa kanyang amo.
“What the Fuc- can’t you see I’m sleeping!”, ang padabog na sagot ni Vincent habang pinipilit takpan ng unan ang kanyang mukha.
“Nako sir kung ayaw nyong malintikan sa daddy nyo ay gumising na kayo”, ang pag aalala ni Amy sa kanyang amo.
“Sige na amy ako na bahala dito”, sabay pasok ni Charles ang kanyang tatay na naka Corporate attire. Tipong ang kanyang red polo at silver necktie lang ang nagpapaangat sa porma nito. Kahit na nasa early 40s ay masasabi mong bata pa at pwede pang makipagsabayan kila Enchong Dee parang papa Chen lang kung tutuusin. Maputi, Maganda ang katawan dahil kahit papaano ay nakapag ggym pa rin kahit busy sa trabaho, at higit sa lahat ay guwapo ito. Dahil na rin siguro na may lahi silang Chinese at Spanish.
“Patay! Sabi ko na eh”, ang bulong ni Amy habang mabilis na lumalabas ng kuwarto.
“VINCEENT!!!” Ang sigaw ng kanyang tatay na animo’y papatay ng tao. “Will you please wake up now! This is your first day of class tapos ganyan ang iaasta mo! ano na lang ang sasabihin ng mga Professors mo sayo niyan!”, biglang hila sa kumot sa kanyang anak nang biglang mahulog sa kama.
“WAAAAAH!” *Blagg!* bigla nagulat si Vincent sa inasta ng kanyang tatay.
“Araaay…array!” ang pag ngiwi ng mukha nito.
“Ano?! Hindi ka pa gigising gusto mo pang sinasaktan ka muna bago magising ka.” Ang sabi ng kanyang daddy.
“Im s-sorry dad, hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos kagabi”, ang takot nitong sagot sa kanyang daddy habang nakayuko. Nang pumasok nanaman sa kanyang utak ang napanaginipan nya kagabi. “wew! I thought it’s real, buti na lang panaginip lang” bulong nito sa sarili. Hindi alintana na nag iintay ang kanyang daddy sa kanya.
“HEY! What just did I told you?! Go fix yourself bago ka pa malate” ang inip nitong sabi.
“Ye-yeah dad! I’m sorry” ang pagod nitong sabi sabay tayo at ayos ng kanyang gamit.
“Ok after that immediately go down stairs our food is ready”, utos ng kanyang daddy na tipong normal na lang sa kanya. “You’ve got 5 minutes para maligo”.
“Y-Yes dad”, ang mahinang sagot nito.
Habang palabas ang kanyang tatay bigla itong may sinabi na kinagulat naman niya, “Starting today I’ll hire a private bodyguard for you at mag start siya bukas din”
“But DA-” hindi na ituloy ni vincent ang kanyang sasabihin sa pagkat naka baba na ang kanyang tatay. Nag-iisip ito na bakit kailangan nya pa ng body guards eh kung kaya nya naman proteksyunan ang kanyang sarili. Batak ang katawan ni Vicent dahil simula pa noong bata sya ay mahilig itong sumali ng sports. Tulad ng swimming, basketball, volleyball, soccer, at pati na rin taekwondo ay pinasok niya. Kaya hindi aakalain ng marami na ang ganda ng katawan ni Vincent. Sa edad na 17 ay tipong pang model na ang kanyang katangian. Nasa 6’2 ang height, maputi, malinis sa katawan, Macho, Guwapo, magaling kumanta at higit sa lahat ay may aking talino. Noong highschool ay Madalas nasa honors ito kung hindi 3rd ay nasa 2nd honor ito. Naging Vice president na rin ito ng kanilang Student Government. At sumasali rin sa mga singing contest. Noong nakaraang event nga sa school nila ay nanalo siya sa kanyang kinantang I Don’t Wanna Miss A Thing. Kaya hindi nakakapagtaka kung ang mga kababaihan at kabaklaan ay kinikilig kapag dumaadan siya. Maging ang mga lalaki ay humahanga sa aking katalinuhan at kabutihan nito.
Habang silang pamilya ay kumakain ng agahan. Nag salita na rin si Vincent tungkol sa pagtutol nya sa desisyon ng daddy niya. “Dad, sorry pero I think I don’t need a bodyguard gastos lang yan. Nag aral naman ako ng taekwondo at kaya ko naman depensahan ang sarili. Besides, hindi naman tayo sanay sa ganyang set- up diba?” biglang tingin sa kanyang inay. Hindi mo mawari kung O-Oo o Hi-hindi ang nanay nito.
“Uhmm.” Tugon na lang ng kanyang inay. Nang biglang nagsalita ang kanyang tatay.
“Don’t worry son, hindi tipong “bodyguard” na nakikita mo sa T.V ang magbabantay sayo.” Ang biglang pagtaas ng kilay naman ni Vincent.
“Yes, I know na kaya mong depensahan ang sarili mo pero hindi naman ibig-sabihin nito ay puro bantay lang ang gagawin nila sayo”. Pagpatuloy ng daddy niya na mas lalong kinagulo ng utak ni Vincent.
“He will also report, if you’re doing well sa school. At para hindi ka malulong sa bisyo mahirap na lalo na at College student ka na. Besides, mas maeenjoy mo ang college dahil may kasama ka”.
Natameme na lang si Vincent. Dahil kahit saang angulo mong tignan ay tama naman ang daddy niya. Nag-iisa lang siyang anak at sabik sa kuya, kaya madalas ay sumasama na lang ito sa barkada para mawala ang lungkot nito sa bahay. Pero hindi siya matigilan sa kakaisip kung anong klaseng “bodyguards” ang tinutokoy ng kanyang daddy.
“Ok, But Da-“ putol nitong sagot na bigla naman sinagot ng kanyang daddy.
“It’s already decided walang pero pero, diba hon?” sabay lingon sa asawa na naka ngiti.
“Yeah! Vince you should listen to your dad mas makakabuti ito sayo atleast parang may “kuya” ka na rin” ang maligalig na tugon ng kanyang mommy.
“Ok sige na po” ang pagod nitong sagot.
Pagkarating niya sa building nya sapagkat ay Tourism ang kanyang kinukuhang kurso sa isa sa mga Colleges sa Taft. Laking tuwa niya dahil napakaganda nito. Malaki,prehistiryosong tignan, at magkadikit ang hotel at ang paaralan. At lahat ng pumapasok ay naka corporate attire or naka pang Chef na uniform. “Nice! Perfect place where I fit in” pagyayabang nya. Pag pasok niya sa loob ay madami na agad naka pila sa elevator dahil first day of class. Madami ring senior ang sumisigaw na Welcome Frosh. Nang biglang may nagtanong sa kanya.
“Hi! Anong course mo?” ang Masaya nitong sagot. Sa tantya nya ay frosh lang din ito. Magarang tignan at halatang – halata na anak mayaman, maganda ang katawan pati na rin ang tindig nito, at higit sa lahat ay cute na siguradong tutunawin ka sa bawat ngiting bibitawan nya sayo. At ang mas lalo pang kinagulat niya ay kamukhang kamukha ito ng lalaki sa panaginip nya.
Napaisip tuloy ito“Anong nangyari panaginip ba nanaman ba ulit ito? O talagang totoo na?” sa isip isip niya.
“ookay ka lang?” tanong nya.
(Itutuloy)
HAHAHA..I can't help but notice kung anung school yung tinutukoy mo XD hahaha.. :D
ReplyDeleteahaha sorry wala na kasi akong maisip na lugar kung saan pa pwede >:)
Deleteano pa nga bang university yun ... DLSU.....
ReplyDeleteNaahh! hindi po :p
DeleteLakas maka-teleserye kwento mo tsong. Haha
ReplyDeleteehehe sorry about that :) Ilang beses ko din yan prinoof read kasi may mali pa rin but thanks for reading
DeleteDUHH. MAY BENILDE KASI. IRDK KUNG MAY GANUNG COURSE DUN PERO SA PAG KA prehistorical? yung bldg. DLSU yun
ReplyDeleteYep benilde opted for non-traditional courses than DLSU :)
DeletePrehistorical?
DeleteAno yun. LoLs. Di conducive ang prehistorical structures para sa pagaaral. Mga Flintstone's structures. Hohoho.
Dba ang madalas na gumamit ng salitang frosh ay ang mga archers?
ReplyDeleteReally? I thought many Universities/Colleges used that expression too. So its true that we are really extraordinary(Kidding :] ).
DeleteSila ung nagpauso daw nyan :)))
DeleteBENILDE YAN :) PREHISTERYOSO YUNG SALITANG GINAMIT, HINDI PREHISTORICAL... AND BESIDES, CSB ANG MAY HOTEL SA KATABI NG SCHOOL... DOON ANG TOURISM NG LA SALLE... AND BLAZERS JUST SO YOU KNOW:)
ReplyDeleteactually under renovation hotel namin :) thanks for clarification sa iba :)
Deleteenough for the guess ^_^
ReplyDeleteI know, right? so sorry if its too obvious :p
DeleteLike it. . . ^_^"
ReplyDeletenext chapter please. . . <3
THANKS!pa intay na lang yung ibang parts. kala ko nga hindi na ma lalagay to eh pero thanks KM :)
DeleteTaga Benilde ka siguro author? kung taga Benilde ka baka makita pala kita sa campus
ReplyDeleteKWENTONG BARBERO LANG PLA.,,,, BAD TRIP,..
ReplyDeletekelan po yung next chapter ? :))
ReplyDeletedoes not pertains......... it should be does not pertain di ba?
ReplyDeleteBitch please?! Grammar nazi much?! uso mag basa hindi naman siguro ito English class para tignan yung mali. Even in America nagkakamali din sila parang mga pinoy lang kaya please don't be such douche!
Deleteputol??? :|
ReplyDeletenice... katuwa mga comments. may taga muzon bulacan ba dito
ReplyDeleteMay taga Rosales pang. Ba d2
ReplyDeleteTxt txt nmn tayo pa reply nlng no.nyu