Pages

Sunday, August 24, 2014

In These Eyes

By: James Silver

6 pm na! Malelate na ako sa trabaho. Ahy! Nakakainis talaga pag halos hindi ka na nakatulog dahil sa pangungulit ng batang to tsk! Wala namang choice kundi makipaglaro na lang kesa naman uminit pa ang ulo ko, dahil sa kakayugyog nya sakin habang sinusubukan kong magpahinga.

Ako nga pala si Adrian Tolentino. 25 years old. 5’8”. Chinito, matangos ang ilong, moreno. Kung sa tingin mo napaka gwapo ‘ko eh, ewan, wala naman kasi akong pakialam eh. Maraming umaaligid saking mga babae at bading pero hindi ko sila nabibigyang pansin. Subsob kasi ako sa trabaho para buhayin ang 5 years old kong anak na si Xander. Single dad ako. Namatay ang asawa ko nung ipinanganak nya ang anak namin. Nung mamatay sya ay hindi na ako naghanap pa ng iba. Ibinuhos ko na lamang ang lahat ng atensyon ko sa pagtataguyod ng nag-iisa kong anak. Wala nang iba pang mas mahalaga sa akin. Mahirap maiwan mag-isa kaya naman sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ulit. Nakakatakot na eh.

Shit! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Nalate ako sa trabaho. Eto sinasabon ako ng walang banlawan ng floor manager naming si ate Estella. “Late ka na naman, andami dami nang costumer. Lintek ka talaga, kumilos ka na diyan. Ngarag na kami dito tapos ikaw kakarating mo lang at nakatunganga ka pa” bulyaw nya sa akin. “Pasensya na ate, hapon na rin kasi ako nakatulog eh. Yung anak ko kasi sobrang kulit ayaw ako tantanan” hingi ko ng tawad sa kanya. “ mag-asawa ka na kasi ulit, para may mag-aalaga na diyan sa anak mo, sya kilos na!”. Palaging ganito ang eksena naming dalawa kaya parang musika na sa tenga ko ang napakalakas nyang boses. Tinalo pa yung speaker na walang tigil sa pagtug-tog. Kumilos ako ng mabilis para makatulong na ako sa kanila sa pagseserve sa mga costumer. Maya maya pa ay huminto ang tugtugan at may nagsalita sa mic. Umpisa na ng kantahan. Paboritong banda ko pala ang tutug-tog ngayung gabi, Hypnotic ang pangalan ng bandang yun. Nagumpisa na sila. Talagang napakaganda ng boses ng lead vocalist nila na si Peter. Yung version nila ng kantang ‘Leaving On A Prayer’ ang una nyang binanatan, naghihiyawan ang lahat sa sobrang galing nya. Walang panama si Michael Bolton dito.
Husky at napakataas ng boses. Palagi akong natutulala sa kanya pag kumakanta sya. Sobrang naaaliw ako sa boses nya. Pero kikilos na ako kasi baka masermonan na naman ako ni Ate Estella. Andameng costumer ng gabing iyon. Weekend kasi kaya siguradong pagod na naman pag uwi.

Pakiramdam ko ay napakahaba ng araw na ito, natapos din, sa wakas ay makakauwi na. Matapos kami magligpit sa bar ay agad akong nagbihis. Kukunin ko pa si Xander kila Aleng Charity. Yung baklang gustong gustong alagaan ang anak ko. Palagi syang nagpiprisinta na sya na lang ang magbabantay kay Xander sa twing papasok ako ng trabaho. Meron syang kasama sa bahay yung boyfriend nyang bagets na gusto na yatang maging tatay dahil aliw na aliw din sa bata. Hindi naman ako masyadong nag-aalala dahil mababait naman sila. Ang kaso lang baka mamulat sa ibang uri ng pamumuhay ang anak ko dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ayos lang siguro yun. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang mabigyan ko sya ng tamang edukasyon at mapalaki ko syang mabait at responsableng tao.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa CR dahil puputok na ang pantog ko. Dali-dali akong pumunta sa isang cubicle at doon ko na tuluyang inilabas ang kanina pang naipon na ihe. Habang umiihe ako ay narinig ko ang nakakarinding tunog ng dumi na lumabas sa bituka ng isang tao sa kabilang cubicle. Muntikan ako matawa pero pinigilan ko dahil ganun naman talaga kahit sino pag nadudumi, lalo na pag nage-LBM, baka magalit pa sa akin. Papalabas na sana ako ng CR nung marinig ko na nagsalita ang isang lalake “Tubig! Tissue! Kahit ano wala kasing pwede panglinis dito eh, please kung sino ka man na nandiyan tulungan mo ako”. Papabayan ko na lang sana dahil atat na talaga akong umuwi. Kaso naawa ako, baka kasi mangyari din sa akin yun. “sige sandal lang maghahanap ako” sagot ko sa lalaki. “salamat ah” tugon naman nya. Naghanap ako ng tissue sa iba pang cubicle. Pero wala akong makita kaya naisip ko na lang na kumuha ng tabo at sumahod doon sa lababo. Iniabot ko sa kanya at kinailangan nyang buksan ang pinto ng cubicle para maabot nya ng hindi natatapon. Pagkabukas nya ng pinto ay lalong tumindi yung amoy. “putang ina! Nanununtok” sabi ko sa sarili ko. Nang maabot nya na at magamit ay nakiusap ulit sya na kumuha pa raw ako ulit. Naantala na ng husto ang pag-uwi ko, medyo naiinis na ako. Kumuha na lamang ako ulit para naman matapos na sya. “ok na ba?” tanong ko. “Sandali lang” sabi nya. Naghintay pa ako ng ilang sandali baka kasi kulang pa. Maya maya ay lumabas na sya ng cubicle. Lumabas ang lalake na halos kasing tangkad ko lang rin, maganda ang korte ng katawan nya sa suot nyang sando halatang nagji-gym, matangos ang ilong, maputi, bilugan ang mata makapal ang kilay at maganda ang korte ng labi. Me hawig sya kay Paolo Avelino. Medyo napatulala ako dahil si Peter pala yung nasa loob “putang ina IDOL!” sabi ko lang sa sarili ko. Dumiretso lang sya sa lababo para maghugas ng kamay. “tanginang to pagkatapos mo tulungang makapag-hugas ng tae, hindi man lang nagpasalamat. Walang utang na loob” bigla na lang ako natawa sa ka-OA-yan na naisip ko. Pagkatapos nya maghugas ng kamay ay agad sya lumapit sakin. Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi. “Putang ina, shet!” sabi ko sa isip ko habang nakakunot ang noo ko. “Maraming salamat pare, kung wala ka malamang hindi na ako nakalabas diyan”. “walang anuman yun idol” tugon ko sa pasalamat nya. “Idol? Pinapanood mo ba ako kanina?” tanong nya. “oo naman, palagi ko kayong pinapanood twing tutugtog kayo dito”. “Ah, madalas ka ba dito?” tanong ulit nya. “oo, Waiter ako dito eh”. “Ah, kaya naman pala, edi pauwi ka na nyan? San ka ba, baka dun din ang daan ko isasabay na kita, para naman makabawi ako sayo.” “Ah diyan lang ako sa Cubao, sa Notre Dame wag na next time ka na lang bumawi, hinihintay na rin kasi ako ng anak ko eh kaya nagmamadali na ako”sabi ko sa kanya. “Sige, inuman tayo next time ah treat ko tutal dito ka naman pala nagtatrabaho eh, Peter nga pala”pakilala nya sa akin. “Ah Adrian, sige basta sa susunod na lang pre” nagkamayan kami at agad na akong umalis.

Nakadapa ako sa kama. Malalim na ang pagkakatulog ko kaya naman hindi ko na namalayan na hindi ko na pala kayakap ang anak ko. Maya maya pa ay may biglang dumamba sa likuran ko. Tsk! Eto na naguumpisa na sya. “daddy, laro tayo. dali na, daddy! Daddy! Daddy!” pulit-ulit na tawag nya sakin habang patuloy syang nakapasan sa likod ko at niyuyugyog ako. “umalis ka diyan baby, ambigat mo eh”reklamo ko sa kanya. “laro na tayo daddy!” . “natutulog pa si daddy eh, mamaya na tayo maglaro”. Lalo pa syang naging makulit. Patuloy ang pagyugyog nya sa akin at ginawa nya nang kabayo ang likod ko. Sa taba nya ay halos hindi na ako makahinga. Parang pakiramdam ko eh mababali ang ribs ko anytime. “bumaba ka sinabi dyang biik ka eh, ambigat mo, mamamatay si daddy dyan sa ginagawa mo nak eh.” Pagkasabi ko sa kanya nun ay bigla nyang ginamit ang kanyang deadly weapon na siguradong kahit sino ay hindi na sya magagawa pang tanggihan. Umatungal sya ng napakalakas habang pinapalo ang likod ko. “hindi ako biik, hindi ako biik! Wuhuhuhhuh!” buong pagtatampo nya sa akin. Hinarap ko sya at agad na niyakap. “ahy sorry na baby ko, lab na lab yan ni daddy” sabay kiss ko sa kanya hanggang sa kiniliti ko na sya. Tawa sya ng tawa sa ginagawa ko at nagtuloy tuloy na ang laro namin. Hanggang sa magreklamo na syang gutom. Oo nga pala at hindi pa nagaalmusal tong biik na to. Lumabas kaming mag-ama para bumili ng tinapay sa bakery. Mahilig syang sumakay sa balikat ko kaya naman kahit na nabibigatan ako sa kanya ay isinakay ko pa rin dahil siguradong walang humpay na ngawa na naman ang ipanglalaban nya sa akin. Pag-uwi namin ng bahay ay agad naming pinagsaluhan ang mga binili namin. Tinimplahan ko sya ng gatas at kape naman para sa akin. Dahil sabado kaya wala syang pasok sa school. Pag ganitong araw ay siguradong mahihirapan na akong magpahinga dahil maghapon na kaming maglalaro. Kahit na nahihilo pa ako sa sobrang puyat ay masaya naman ako dahil alam kong masaya ang anak ko. Ok na ako pag ganun, wala ng ibang mas mahalaga pa sa akin kundi sya. Lahat ng gusto nya ibibigay ko. Buong maghapon kami naglaro ni Xander hanggang sa sumapit ang gabi at napagod na rin sya sa wakas.

Paulit-ulit lang ang gawain ko araw-araw, kaya naman para na akong robot na naka-program na ang lahat ng dapat ko gawin. Kakain ng almusal pagkatapos sunduin si Xander pag Sabado o Linggo. Awtomatikong bumabangon ang katawan ko pagsapit ng 10am para sunduin sya sa school, sa mga araw na may pasok sya. Direcho luto na ng tanghalian. Nakakulong lang kami sa kwarto habang natutulog ako at hinahayaan ko lang na bukas ang t.v. para hindi sya maboring at hindi nya ako kulitin habang nagpapahinga ako. Makikipaglaro ako sa kanya pagkatapos kumain, para ubusin ang natitirang oras hanggang sa mag ala-una. Sabay kaming matutulog at gigising ng 3pm para gawin ang assignment nya, pagkatapos ay manonood ulit ng t.v. at maglalaro ulit. Tuloy tuloy na yun hanggang sa pagkain namin. Tapos susunduin na sya ni Aleng Charity o kaya naman ni Albert, at ako naman ay maghahanda na sa pagpasok. Halos wala rin akong pahinga, pero nasanay na rin ang katawan ko sa ganoong routine. Kailangan kong gawin yun para hindi ko mapabayaan ang anak ko. Hindi ako nagsasawa. Para sa kanya hinding hindi ako mapapagod.

Pagkapasok ko sa bar na pinagtatrabahuhan ko ay si sir Roman ang una kong nakita. Hindi ko alam kung anong trip neto sakin. Sa twing nandiyan sya ay hindi na ako nakakapagtrabaho dahil pinababayaan na lang ako ng floor manager namin na kausapin sya buong magdamag. Palagi nya akong niyayayang mag-inom. Hindi naman ako makatanggi dahil pinapagalitan ako ni ate Estella. Mas gusto ko pang magpakapagod sa trabaho kesa naman makinig sa kayabangan nitong taong to. Pero kahit na ganun ay napakalaki ng utang na loob ko sa kanya dahil sya ang nautangan ko nung magka-dengue si Xander. Kaso talagang nakakainis lang ang kayabangan nya. Sa bagay meron naman kasing ipagmamayabang sya kasi ang may-ari netong bar. At syempre pangdagdag angas pa yung mga tauhan nya na panay ang buntot sa kanya.

“Inuman tayo, tinanggihan mo na ako nung isang araw. Kaya hindi ka na pwede tumanggi ngayun” si sir Roman. “Eh kasi po sir hinihintay po ako nung anak ko eh”. “Sabi ko naman kasi sayo eh, kumuha ka na ng yaya at ako na ang bahala”. “Wag na po sir hehe” nahihiya kong sagot sa alok nya. “Basta mag-iinuman tayo at hindi ka pwedeng tumanggi”matikas nyang banggit sa akin. Lagi nyang inaalok sa akin yun pero lagi ko namang tinatanggihan, dahil sa sobrang hiya at baka mabaon pa ako sa utang na loob ko sa kanya. Hindi na ako nakapagpalit ng uniform dahil hinatak nya na ako para makipag-inuman sa kanya.

Nagpatuloy ang inuman namin. Hanggang sa mapansin ko na lang na nalalagas na ang mga tao. Panay tugtog na lamang at wala na ang banda nila Peter. Ipinatawag ni sir si Peter pati na rin ang mga kabanda nya para tumugtog pa ulit para sa amin. Nang umakyat na ang banda sa stage ay napatitig ako kay Peter na para bang humihingi ng pasensya dahil mauudlot ang pag-uwi nila ng dahil sa akin, napasenyas naman si Peter na ayos lang sa kanila. Alam kasi ni sir Roman na paborito ko ang banda nila. Nag-umpisa na naman silang tumugtog at paborito ko pang kanta ang kinanta nila. Yung ‘Something I Need by One Republic’. “Bakit hindi ka pa naghahanap ulit ng mapapangasawa?” biglang tanong ni sir Roman sabay tungga ng beer. “eh wala pa pong napupusuan eh” nakangiti kong sagot sa kanya. “sabagay ganyan naman talaga. Hindi ka pa ba nakakalimot sa asawa mo?” muli nyang tanong. “hindi ko po sya makakalimutan, pero handa na po akong magmahal ulit. Wala lang po talagang dumarating”. “baka naman kasi mapili ka. Wag kang maging pihikan, ang hanapin mo eh yung mamahalin kayo pareho ng anak mo. Ke mapalalaki man yan oh babae basta mamahalin kayo ayos na yun. Ang mahalaga lang naman eh yung hindi kayo pababayaan kagaya ko marami akong pera” mahabang litanya nya sabay ngiti sa akin. Hindi ako nakasagot dahil bigla akong kinabahan. Mukhang may gustong ipahiwatig si sir sa akin. Ni minsan eh hindi pumasok sa isip ko na magkagusto sa lalake dahil secure ako sa pagkatao ko. Matapos nyang sabihin yun ay biglang huminto ang pagkanta ni Peter dahil hinalikan ako ni sir Roman at kitang kita nya yun. Naitulak ko si sir Roman. Medyo malaki sya kaya kinailangan ko ng matinding pwersa para gawin yun na naging dahilan para mabuwal kami pareho sa kinauupuan namin. Agad na itinayo ng mga tauhan nya si sir Roman at ang ilan naman sa kanila ay tinutukan ako ng baril. Umalagwa ang takot sa buo kong katawan. Bigla akong nanginig at nagtayuan ang mga balahibo ko. Kahit nakahiga pa rin sa sahig ay pinilit ko pa ring makaatras gamit ang mga kamay kong nakatukod sa sahig. “Wag, pabayaan nyo sya. Nabigla lang sya sa ginawa ko, darating din ang oras at makakapagisip rin yan ng matino. Di ba Adrian?” sabay kindat at ngiting mapang-asar sa akin. Nang makatayo na si sir Roman ay agad silang nagsi-alisan. Nangangatog pa rin ako sa takot, sa loob lamang pala ng isang segundo ay maaari akong bawian ng buhay. Bigla akong nag-aalala sa anak ko. Muntikan na syang maging ulilang lubos. Muntikan nang mawalan ng ama ang pinakamamahal kong anak. Napaiyak ako bigla dahil sa awa ko sa anak ko. Kung may nangyari saking hindi maganda, wala na syang tatawaging daddy, wala na syang kukuliting makipaglaro sa kanya. Habang unti-unting pumapatak ang luha ko ay may naramdaman akong kamay sa likuran ko at pinipilit akong tulungan para makatayo. Si Peter. “ tayo ka na diyan pare.” Tumayo ako at nagpasalamat sa ginawa nya. “salamat pre”. “walang anuman, tarantado talaga yang Roman na yan eh, may araw din yan” galit ang mukha nya habang sinasabi ito. “pabayaan na natin, buti nga hindi ako tinuluyan. Kung nagkataon kawawa naman ang anak ko.” “Tara na uwi na tayo, sabay ka na sa amin ng mga kabanda ko may sasakyan naman kami eh, sa Cubao ka diba?” tanong at alok nya sa akin. “ah oo sige makikisabay na ako sa inyo” sagot ko naman. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako kay ate Estella. Dahil nag-alala rin sya sa nangyari kaya naman pinayagan nya na rin akong umuwi.

Habang nasa byahe kami ay nagkwentuhan kaming dalawa ni Peter. Yung iba kasi nyang mga kasama ay parepareho nang tulog. Mag aalas- sais na rin kasi nun eh kaya malamang antok na antok na tong mga to. “may anak ka na pala?” tanong nya. “Oo, limang taon na”. “Matagal ko na ring gusto magka-anak, pero wala pa ring napupuruhan eh hahaha. Edi asawa mo ang nagbabantay ng anak mo ngayun?” muli nyang tanong. “Ah wala na akong asawa namatay sya nung ipinanganak nya yung baby namin.” “ah ganun ba sorry naitanong ko pa”Hingi nya ng tawad sa akin. “ayos lang, hindi naman na ako masyadong nalulungkot, makulit kasi anak ko kaya ayun nakakalimutan ko na. minsan na lang ako malungkot pag hinahanap nya yung nanay nya. Ikaw? May asawa ka na ba?” Ako naman ang nagtanong. “Wala pa akong asawa, girlfriend lang meron two timer pa hahaha.” “hahaha mahirap yan”sabi ko. Halos nag-uungkatan na kami ng mga personal naming mga buhay na para bang matagal na kaming magkakilala. Napagusapan din namin yung nangyari kanina at sinabi kong hindi na ako babalik doon sa bar at maghahanap na lang ng ibang trabaho. Hanggang sa nakarating na kami sa Cubao at ibinaba nila ako sa Albany, kalyeng kasunod ng Notre Dame. “salamat mga pare ah. sa uulitin”sabay kaway ko sa kanila. “walang anuman, ingat ka. Nga pala inuman tayo minsan pag may oras ka. Dito kila Allan tutal dito ka malapit.” Nagbigayan kami ng number para mayaya nila ako sa inuman.

Dumirecho na ako kila Aleng Charity para kunin si Xander. Pupungas pungas pa sya nung kinuha ko sya kaya madali ko syang binuhat pauwi para maituloy nya ang tulog nya sa bahay namin. Wala akong pinagsabihan tungkol sa nangyari sa akin dahil ayaw ko naman silang mag-alala. Maghahanap na lang ako ng bagong trabaho tutal may ipon naman ako kaya hindi kami agad kakapusin ng anak ko.

“Pre, may bakanteng trabaho sa Tomas Morato dun sa BARCODE99 baka gusto mo, kaya kita ipasok dun” txt sa akin ni Peter. “Sige, pre kailangan ko talaga yan, san ba banda dun?” reply ko. “Samahan na lang kita tutal nandito rin naman ako sa Cubao ngayun eh”si Peter. “naku nakakahiya naman sayo, baka naman may ginagawa ka?” Ako. “ok lang pre wala naman akong ginagawa, dumaan lang ako dito kila Allan. Nandito ako sa Albany puntahan kita diyan ngayun”. “ah o sige, sunduin kita sa kanto.” Nang magkita na kami ay bumalik kami sa bahay. May dala syang gitara na nakasabit sa katawan nya. Nang makita sya ni Xander ay titig na titig ang anak ko kay Peter. Marahil nagtataka dahil may ibang tao akong kasama. Hindi kasi ako nagdadala ng kaibigan ko sa bahay si Peter pa lang ang una mula nung mawala ang asawa ko. Ginantihan ni Peter ng titig si Xander, maya maya pa ay napakunot ang noo ng anak ko. Nakatingin lang din ako sa kanilang dalawa at natatawa. Hinihintay ko kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kanila nang biglang lumapit ang anak ko kay Peter at nagtanong. “ano po yang nasa likod nyo?” “Ah eto, gitara to gusto mo makita?” tugon nya sa tanong ng bata. “opo!” masayang sabi naman ni Xander. Inilabas ni Peter ang gitara. “Gusto mo kantahan kita?” tanong nya sa bata. “Sige po”sagot naman ni Xander. Sa tingin ko pareho kami ng mga gustong kanta. Halos lahat kasi ng kantahin nya alam ko eh. Nagumpisa na syang tumugtog

‘A Thousand Years – Nicholas Mcdonald’

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall
But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehow
One step closer
(Chorus)
I have died every day
waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
(Verse 2)
Time stands still
beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything
Take away
What's standing in front of me
Every breath,
Every hour has come to this
One step closer
(Chorus)
I have died every day
Waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
And all along I believed
I would find you
Time has brought
Your heart to me
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
One step closer
One step closer
(Chorus)
I have died every day
Waiting for you
Darlin' don't be afraid,
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more
And all along I believed
I would find you
Time has brought
Your heart to me
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

Tagos sa puso yung pagkanta nya. Halos natulala na lamang ako, ganun din ang anak ko. Nang matapos sya ay natahimik kaming lahat. Bigla naman pumalakpak ang anak ko. Napapalakpak na rin ako. Si mokong naman bow ng bow sa amin. Napakagaling nya talaga kumanta. May alam rin naman ako sa music kaya naman mapupuna ko sya kung sakaling may mali sya pero, wala, wala talaga. “kanta ka pa ulit” nagumpisa na sa pangungulit si Xander. “hindi pwede may lakad kami ni daddy mo eh.” sagot nya sa bata. “Wag na po kayo umalis. Daddy! Please” sa totoo lang hindi ganito kagalang sa akin ang anak ko. Pero ngayun parang ang bait bait nya. Ngayun ko lang nalaman na mahilig pala to sa music. “oh pano ba yan? Wag na daw tayo umalis.”sabi sakin ni Peter. “Ah, eh baka maunahan ako ng iba dun sa bar eh” pag-aalala ko. “ok lang yun wag ka mag-alala, akong bahala. Pagbigyan na natin tong bata. Kawawa naman angcute-cute pa naman.” Sabay kiss nya kay Xander matapos nya sabihin iyon. “ok sige sabi mo eh” tugon ko sa kanya. “wala ka yatang tiwala sakin eh, basta akong bahala dun ok. Makakapasok ka dun kahit anong mangyari” paninigurado nya. Wala na nga akong nagawa at tumambay na nga lang kami sa bahay. Magtatanghalian na rin kaya naman nagluto na lang ako habang nagkakantahan silang dalawa. Nagpapaturo pa nga si Xander sa kanya. Nahihiya ako sa kanya kasi naging instant yayo pa sya ng anak ko. Makulit talaga si Xander lalo na pag nakagaanan nya ng loob yung tao.

Matapos kami kumain ng tanghalian. Ay patuloy pa ring nangulit si Xander kay Peter. “Mamaya ka na uwi! Kanta ka pa marami”. “ok sige mamaya na ako uuwi. Anghirap mo kasi tanggihan eh. cute mo talaga” sabay kiss nya kay Xander. Nagpatuloy ang araw na ganun lang sila. Pinabayaan ko na rin dahil sa twing pipigilan ko sa pangungulit si Xander ay kinokontra naman ako ni Peter.

Inabot na ng gabi si Peter, pinatulog ko na si Xander dahil maaga pa ang pasok nya sa school bukas. Inaya ako ni Peter na maginom. Hindi ko na sya tinaggihan para naman makabawi ako sa abalang nagyari sa kanya. Bumili kami ng tig-tatlong RH, sa tingin ko mukang malakas uminom to kaya inihanda ko na ang sarili ko. Habang umiinom kami ay nag-ungkatan na naman kami ng kanikaniyang mga buhay. Naikwento ko na sa kanya ang talang buhay ko, samantalang sya ay isang tanong isang sagot lang. Kaya naman habang tumatagal ay lalo akong naiintriga sa kanya. Sa haba ng kwentuhan namin ay wala syang nabanggit tungkol sa pamilya nya. Kaya nagtanong na ako tungkol dun. “asan ang mga magulang mo?” “nasa bahay namin”sagot nya. “anong mga trabaho nila?”tanong ko ulit. “Ah, yung isa nasa abroad, teacher yun doon sa California. Yung isa naman ang umaasikaso ng business namin”sagot nya. Medyo nagtataka ako sa sagot nya dahil hindi nya tinukoy kung sino yung mommy at daddy nya doon. “sino yung nasa abroad? Yung mommy mo o yung daddy mo?” biglang naging seryoso yung mukha nya sa itinanong ko. “Ah eh kasi, baka kung ano ang isipin mo eh” sabi nya. “huh? Anong iisipin ko? alam mo ok lang hindi ako magiisip ng kahit anong masama, tropa na tayo eh.” pamimilit ko sa kanya. “ah, wala akong mommy” sagot nya. “huh? Walang mommy? Ibig sabihin… . .” hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil pinutol na nya ako. “wala akong mommy, pero may dalawa akong daddy.” Pag-amin nya. Tiningnan nya ako ng direcho sa mata. Parang hinihintay nya kung ano ang magiging reaksyon ko sa kanya. “oh, ngayun? Bakit di mo masabi agad? Yun lang pala eh, masaya may dalawa kang daddy.”sabi ko. “hindi ka ba naiilang sakin?” tanong nya. “bakit naman ako maiilang sayo, wag mo sila ikahiya, mabuti ngat lumaki ka ng maayos at disenteng tao eh.”payo ko sa kanya. “hindi ko sila ikinakahiya, syempre hindi naman yun ganung kadali sabihin, hindi ko naman alam kung ano iniisip mo tungkol dun eh, tsaka pinoprotektahan ko sila, ayaw kong makakarinig ng kahit anong masama tungkol sa mga magulang ko. ganun ko sila kamahal Adrian.”Paliwanag nya sa akin. “ako din, gusto ko din ng dalawang daddy. Gusto ko si superman ayaw ko kay Barbie. Gusto ko ng blue ayaw ko ng pink. Kaya maganda yung dalawang daddy kasi ayaw rin nila sa pink” nagulat kami pareho ni Peter ng biglang magsalita si Xander. Nagising pala sya at narinig nya ang usapan namin. “o baby bakit gising ka pa?” tanong ko. “naiihi na kasi ako daddy eh.” sagot nya sa akin. Nakita kong napangiti si Peter. “angcute mo talaga.” Lumapit si Peter kay Xander at pinisil ang pisngi nito. Gigil na gigil sya. Pagkatapos ay pumunta na si Xander sa CR para umihi. Paglabas nya “Tito Peter, may baby ka na rin ba?” tanong ng bata. “meron na, IKAW!” sagot naman nya. “Talaga? Ako din baby mo? Yehey dalawa na daddy ko”tuwang tuwang sambit ni Xander. “Eh, ano na tawag ko sayo?” tanong nya. “ano bang tawag mo kay daddy?” balik tanong nya. “daddy” si Xander. “kung ang tawag mo kay daddy ay daddy edi dadad na lang sakin, pero syempre tanungin muna natin si daddy mo kung ok lang sa kanya.” Sabay tingin sakin ni Peter nang nakangiti. “daddy ok lang yun diba? Masaya kasi pag dalawa na ang daddy ko eh.”hindi ko alam kung nagtatanong ba sya o inuutusan nya ako kaya naman napasagot na lang ako ng “ok lang yun syempre, para namang pupwede ka kontrahin.” Napangiti silang pareho at sabay lapit sakin ni Xander para humalik at “thank you daddy I Love You.” “o sige na matulog ka nang makulit na biik ka, anlakas mo talaga mang-uto” sabi ko. Lumapit din sya kay Peter at humalik din “I Love YOU dadad, tulog nako.” “o sige tulog ka na, goodnight baby” sambit ni Peter. Natulog na si Xander at kami naman ay nagpatuloy pa sa pag-inom. Halos madaling araw na rin kami natapos kaya naman sa bahay na rin natulog si Peter.

Naipasok ako ni Peter dun sa BARCODE99. Kaibigan pala ng mga daddy nya yung may-ari na si sir Andrew. Kaya madali akong natanggap.

Naghahanda na ako sa pagpasok ko sa bar. Hindi ako masyadong nagmamadali dahil nakatulog naman ako ng maayos. Hindi na rin ako masyadong kinukulit ni Xander dahil nakahanap na ako ng panakot sa kanya. Si Peter. Twing sasabihin ko sa kanyang hindi ko na papapuntahin si Peter sa bahay eh agad syang nananahimik. Kaya nakakatulog na ako ng mabuti. Pero minsan kapag trip talaga nyang makipaglaro, wala pa ring epekto kahit ano sabihin ko. “daddy, gusto ko pasalubong J.co ah” lambing nya sa akin. “naku lalo ka lang magiging hyper nyan anak eh. pero sige pag may nakita ako bibilhan kita. Pero pag wala kahit ano na lang ah?”. “sige dad” sabay yakap sa akin ng mahigpit. Yumakap din ako sa kanya “alis nako nak ah”. “bye daddy, labyu, ingat, kiss marami.”pag ganito sya maglambing sa akin eh parang ayaw ko na umalis at gusto kong yakapin na lang sya. Nakakaadik naman kasi talaga ang kacutan ng anak ko eh. Kiniss ko sya ng marami at maya maya pa ay sinundo na sya ni Aleng Charity. Pagkasundo sa kanya ay agad na akong umalis para maaga akong makarating sa trabaho ko. Biyernes nga pala ngayun kaya wala sila Peter, sa ibang bar sila tutugtog ngayun. Katulad din sa pinanggalingan kong bar ay napakaraming tao din pag ganitong araw. Kaya naman napaghandaan ko na. Kakapasok ko pa lang ay agad na akong nautusang magserve dahil nga kulang pa rin ang manpower. Agad kong ibinihis ang uniform namin at tuloy-tuloy nang naghatid ng mga order. Aligaga na ako sa paikot-ikot. Bigla akong natigilan ng maghiyawan ang mga tao. Naiintriga ako sa kung ano ang nagyayari kaya sumilip ako sandali. Nakita ko ang isang lalake na nagsasalita doon sa stage. “WWooOOoh! Sagutin mo na” sabi ng karamihan. Mukhang may nililigawan yung lalake doon sa stage. Naalala ko bigla kung paano ko niligawan noon si Emily. Simple lang pero nakatatak pa rin sa utak ko hanggang ngayun. Napangiti na lang ako at itinuloy ko na ang ginagawa ko. Muli akong natigilan nang marinig ko na ang nililigawan nung lalake ay nagngangalang James. Parang ganun din ang mga magulang ni Peter. Hindi naman sarado ang isip ko tungkol sa mga ganoong bagay. Alam ko naman na nangyayari talaga yun sa totoong buhay. Napatawa ako sa sarili ko kasi bigla na lang pumasok sa utak ko si Peter. “hahahahahahaha, sira na yata ang tuktok ko. haynaku Emily kung naririnig mo ako, hanapan mo naman ako ng pupwedeng Umalternate sayo sa puso ko. malungkot kaya mag-isa dito. Buti ikaw diyan masaya ka na. hehehe peace I Still Love You” sambit ko sa aking isip. Patuloy na umandar ang oras at narinig ko na naman ang sigawan ng mga tao. Hindi naman sa pagiging Chismoso pero talagang gusto ko makita kung ano ang mangyayari sa dalawang nagliligawan na yun kaya sumilip ulit ako. Mula sa kawalan eh, parang nakaramdam ako ng kaunting kilig hahaha. Dahil nakita ko yung dalawang lalake na naghahalikan sa harap ng maraming tao at wala talaga silang pakialam. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko para kasing may nararamdaman akong ewan. Hahaha ayaw ko na isipin baka kung ano pa ang mangyari sa akin mabaliw pa ako. “angsweet naman nila” sabi ng lalaki sa likuran ko, kilala ko ang boses nung nagsalita kaya naman napasagot ako. “hahaha sweet nga sila. Oh teka akala ko hindi kayo ang tutugtog ngayun?” Sambit ko kay Peter. “Itinext ako ni sir Andrew eh. Kailangan nya daw ng singer ngayun dito hindi kasi makakarating si Elsie nilalagnat daw, barkada ko rin naman yun kaya ako na ang sasalo.”paliwanag nya sa akin. “eh, papano dun sa bar na tutugtugan nyo dapat?” tanong ko. “Kaya na ni Allan yun, magaling din naman kumanta yun eh, tsaka nandito ka kasi kaya mas gusto ko dito.” Ayaw kong bigyan ng malisya yung sinabi nya sa akin, pero sadyang malisyoso yata talaga ang utak ko kaya hindi ko mapigilan. Pinipilit ko ring guluhin yung takbo ng utak ko kasi parang.. . . .Lintek! … . .parang…. . .. . . . . natutuwa ako dun sa sinabi nya. “Wui! Anong nangyari sayo dyan?” sabay tapik nya sa akin. “huh? Ah wala, sige marami pa akong pa akong trabaho.” Sagot ko sa kanya. “Oo baka masermonan ka pa ni sir Andrew pag nakita kang nakikipagkwentuhan sakin. Sabay tayo mamaya ah, patulog ulit hahaha.” “yung totoo palaboy ka noh?” sabi ko at nagtawanan kami sabay balik ko na sa trabaho ko. Umalis na yung dalawang lalake mukhang nagtagumpay sila sa ligawan nila hahahaha. Hindi ko na namalayan ang oras basta napansin ko na lang na unti-unti nang nawawala yung mga tao. Hanggang sa naubos na nga at nag-umpisa na kaming magligpit. Nang matapos kami magligpit ay nagbihis ako kaagad at lumabas. Sa paglabas ko ay nakita ko si Peter na nakaupo sa tabi ng nagtitinda ng sigarilyo sa gilid ng bar. Nakasando lang sya. Hindi nya ako agad napansin. Pinagmamasdan ko sya habang humihit-hit ng sigarilyo. Dun ko lang narealize na gwapo pala talaga tong si Peter. Bihira lang ako humanga sa mukha ng isang lalake. Yun eh kapag talagang papasa na sa star struck yung itsura. Pinipilit ko na namang guluhin yung mga iniisip ko kasi hindi tama. Sa kakagulo ko ng pag-iisip ko eh hindi ko na napansin na literal na pala akong napapailing ng paulit-ulit at nakita yun ni Peter kaya binato nya ako ng candy. “wui! Para kang tanga diyan. Tara na uwi na tayo. Hinihintay ka na ni Xander.” “Oo nga pala, tara na uwi na tayo.”pagkasabi ko nun ay may pumasok na namang kakaiba sa utak ko. Nakakaramdam na naman ako ng tuwa dun sa mga sinabi nya. Inaalala nya na ang anak ko. “hay! Lintek talaga, Emily tulungan mo naman ako. Ano ba tong naiisip ko?” sambit ko sa sarili ko.

Sabay kami ni Peter na pumunta kila Aleng Charity upang kunin si Xander. Gising na sya at pinapakain na ng almusal. Nakita nya ako at agad na yumakap sa akin. Pero nung makita nya rin si Peter madali syang kumalas sa pagkakayakap sa akin at nagpakarga rito. “Selos ako bigla dun, hindi na yata ako lab ng baby ko ah.” sambit ko habang nakatingin kay Peter. “Huh? Ako ba o si Xander, sinong baby? Hehehe” parang na-mental block ako sa tanong ni Peter kaya hindi ako nakasagot. Nagpasalamat na lamang ako kay Aleng Charity at dumirecho na kami sa bahay. Pagdating namin sa bahay ay agad na naglaro si Peter at si Xander. Ako naman ay sobrang pagod na rin kaya hindi ko na sila masyadong inintindi. Nakatulog agad ako. Naalimpungatan ako sa kakaibang pakiramdam. Pagmulat ko nakita ko si Xander at Peter na nakaharap sa akin at parehong tulog. Nakayakap si Peter sa anak ko, at ang anak ko naman ay himbing na himbing habang yakap yakap ang braso ni Peter. Napangiti ako at muling natulog. Hindi ko namalayan na wala na yung dalawa sa tabi ko. Napabangon ako bigla at lumabas ng kwarto. Hinahanap ko yung dalawa at nakita ko sila sa kusina na nagkukulitan na naman habang nagluluto si Peter. “Kanina pa ako nagseselos sa inyo ah” sambit ko habang pupungas-pungas pa. “Sira, inalagaan ko na nga tong anak mo para makapagpahinga ka ng maayos eh. selos selos ka pa diyan.” “ikaw, papano ka wala ka pa ring pahinga ah, ako naman diyan, ikaw naman ang magpahinga pagkatapos nating kumain.”suhestiyon ko sa kanya. “oo nga kailangan pala nating magrelyebo sa anak mo mas nakakapagod pa pala alagaan to kesa sa trabaho.” Halatang napagod talaga sya kay Xander. “edi ngayun alam mo na kung gaano kahirap buhay ko hehehe, hindi ka talaga lulubayan nyan”asar ko sa kanya. Nagkulitan na naman kaming tatlo doon hanggang sa matapos na magluto si Peter. Sabay sabay kaming kumain at pumunta sa kwarto para makapagpahinga ulit. Dahil tanghali naman ay pinatulog ko na rin si Xander para makatulog din ako ulit dahil sobrang antok pa talaga ako.

Alas tres na ng hapon nung magising kami. Papasok na kami ng trabaho ni Peter kaya mauuna na raw syang umalis para makapaligo at makapagbihis na sa kanila. “dadad, dito ka na maligo, dapat dito ka na rin tumira kasi dadad na kita eh.” suhestiyon ng makulit na biik. “hindi pwede baby kasi, magagalit na sa akin si daddy pag dito ako tumira”sagot nya sa bata. “huh? Bakit naman ako magagalit?” naguluhan ako sa sinabi ko, parang lumalabas na pinapayagan ko na syang tumira dito sa bahay. Natatakot lang siguro ako sa nakakarinding atungal ni Xander kaya nasabi ko yun. “basta, hindi pa pwede pag-uusapan pa namin ni daddy yan. Lilinawin pa namin sa isa’t isa kung pupwede nga ba kami?” sa pangalawang pagkakataon ay na-mental block na naman ako sa sinabi nya. Hindi ito pupwede, nasisiraan na yata ako ng bait. Hindi ako pupwedeng mag-isip ng kung ano ano tungkol sa aming dalawa. Ayaw kong maguluhan sa pagkatao ko. Hindi ako ganun. Lalake ako. Sobrang mahal ko lang ang anak ko, at nagkataon lang na nakagiliwan sya ni Xander. Hindi pwede.

--0---

Lumipas na rin ang isang taon at magbi-birthday na si Xander. Nakaugalian ko na, na sa twing birthday nya ay pupunta ako ng sementeryo para dalawin ang nasira kong asawa. Dahil yun din mismo ang death anniversary ni Emily. Hindi ko isinasama si Xander dahil ayaw kong magtanong sya, ayaw kong ipaalam sa kanya kung bakit namatay ang mommy nya. Baka maging iba ang epekto nun sa kanya, bata pa kasi sya at baka hindi nya maintindihan. Anim na taon na din. Sa loob ng anim na taon hindi ko sya nakalimutan. Araw araw kong tinitiis ang sakit ng pagkawala nya. At sa tuwing bumabagsak ako dahil sa labis na kalungkutan. Pinipilit kong bumangon para sa anak namin. “Emily, malaki na si Xander, lumaki syang masayahin, malusog at matalino. Hindi mo na sya kailangang alalahanin. Kasi minahal ko sya ng higit pa sa sarili ko, higit pa sayo. Ganun ko kamahal ang anak natin. Mahal na mahal pa rin kita Emily. Pero kailangan ko na humanap ng papalit sayo. Wala pa akong nakikita pero sasabihin ko kaagad sayo pag meron na. kailangan ko yun kasi, kailangan ko magpatuloy sa buhay. Magpatuloy ng hindi ka kasama. Nagdesisyon na ako ngayun. Iiwan na kita, kasi gusto ko na maging masaya. Masaya na hindi ikaw ang dahilan kasi wala ka na dito. wag ka mag-alala ipapakilala kita sa anak natin pag nakakaintindi na sya. Mahal na mahal kita Emily. Paalam na” habang binabanggit ko yun sa harap ng puntod nya ay naaalala ko ang mga huling bagay na sinabi nya sa akin bago kami nagdesisyon na piliin si Xander. “Gamit ang mga matang ito, babantayan ko kayo mula sa langit, at magiging masaya ako sa tamang tao na ipapalit mo sa akin. Pakisabi sa anak natin na nabubuhay ako sa kanya. Kailangan ko mawala para isalba ang mumunting buhay ng anghel natin. Adrian hanggat maari hayaan mong sya ang pumili ng magmamahal sa inyo.” Iyon ang mga bagay na sinabi sa akin ni Emily bago sya paanakin ng mga doctor. Matapos kong dumalaw sa puntod ni Emily ay umuwi agad ako para icelebrate ang birthday ni Xander. Pagdating ko ng bahay nagtaka ako sa mascot na bear na nakatambay sa bahay namin at nagbibigay ng ice cream sa bawat batang lumalapit dito. Nandun din sila mama at ang birthday boy. Organisado na rin ang party samantalang ang plano ko lang naman eh itreat sa Jollibee si Xander. Maya maya pa ay dumating na din ang mga magulang ni Emily dumaan din pala sila sa puntod, nagkasalisi lang kami. Naisip ko na pakana nilang lahat ito. Sabagay hindi ko tinatanggap ang tulong nila kaya bakit ko naman ipagdadamot sa kanila ang paghahanda sa party ng apo nila. Nagumpisa na ang party, pinatugtog na ang masasayang tugtog na pambata. Nagsayawan, naghabulan, nagpalaro, kainan at kantahan. Hanggang sa matatapos na ang party ng mga bata at unti-unti nang napapalitan ng matatanda dahil naglalabasan na ang mga alak. Masayang masaya ang party. Pero parang hindi kumpleto, may lungkot kasi sa mukha ni Xander. Alam ko yun, dahil pareho kami ng hinahanap. Sinabihan ko naman sya tungkol sa birthday ni Xander pero hindi sya dumating. Nalungkot tuloy yung bata. Nagpatuloy ang oras sa pagtakbo. Unti-unti na ring nag-uuwian yung mga nagiinuman. Umuwi na rin sila mama matapos mailigpit ang mga kalat. Ganun din ang mga magulang ni Emily. Napakaraming regalo ang natanggap ng anak ko. Pero hindi pa rin sya ganoong kasaya. Pumasok na kaming mag-ama sa loob ng bahay. Nagsiuwian na ang lahat pero itong wirdong mascot na to ay nasa bahay pa rin. Nagsasayaw. Nagulat kaming mag-ama nung pumasok sya sa kwarto at nahiga sa kama. Nainis ako kaya naman hinatak ko sya at inilaglag sa kama. Nahirapan sya bumangon marahil sa bigat ng costume nya. Nang makabangon na sya ay tinanggal nya ang ulo ng costume nya. At nakita ko ang mukha ng anak ko na biglang nagliwanag paglingon ko sa mascot. Ayun ang buong maghapon naming hinintay na dumating kasama na pala namin dun mismo sa party. Si Peter pala yung mascot. Agad syang dinambahan ni Xander sa sobrang tuwa, napahiga sya sa kama. At nagkulitan na naman sila. “daddy ang lungkot mo kanina ah? hinihintay mo ba ako?” tanong ni Peter sakin. “huh! Malungkot ako kasi malungkot si Xander kanina ka pa kasi nya hinihintay”. “ahh, akala ko kasi pati ikaw naghihintay sakin” sabi nya lang. Sa loob ng isang taon ay nakasanayan na namin na magtawagan ng daddy at dadad sa twing nandiyan si Xander. Nagtaka pa nga yung mga katarabaho ko nun eh kasi bigla nya akong tinawag “daddy, uwi na tayo” napasagot naman ako ng “sige dadad, wait lang” huli na nung rumehistro sa mga utak namin na nasa trabaho nga pala kami. Sabay bawi namin sa mga sinabi namin at tuloy tawanan. Lumalala na rin ang mga nararamdaman ko towards Peter. Nung una kasi pinipilit ko pa burahin sa isip ko hanggang sa bigla na lang hinahanap ko na sya. namimiss ko na sya. Ginagawa ko na lang pantakip sa sarili ko yung anak ko. lagi kong isinisiksik sa utak ko na ang naghahanap at nakakamiss kay Peter ay si Xander. Pero ngayun iba na talaga. Nahihiya na ako kasi parang nahahalata na ako. Ayaw ko namang tanggapin na parang nababading na yata ako kay Peter. Subukan ko kayang mag-girlfriend. Para mabura sya sa isip ko.

Niligawan ko si Joanna isa sa mga katrabaho ko sa BARCODE 99. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil may crush na rin pala sya sa akin noon pa. kaya naman sinagot nya ako kaagad. Maganda sya at maraming nagsasabing bagay daw kami dahil pareho kaming singkit. Maputi sya, matangos ang ilong at napakaganda ng labi. Dinala ko sya sa bahay at ipinakilala ko sa anak ko. “Baby, eto si tita Joanna” sabay tingin ko kay Xander. “Babe, si Xander anak ko”. Matapos ko silang ipakilala sa isa’t isa ay iniwan ko sila sa sala para makapagpalagayan sila ng loob. Naghanda ako ng makakain. Halos may 15 mins din akong nasa kusina dahil pinakikiramdaman ko lang sila pareho. Maya maya pa ay lumabas na ako para ihanda ang mga pagkain para sa kanila. “miryenda muna tayo” sabi ko. Ngumiti lang si Joanna sa akin at kinakausap-kausap nya si Xander. Hindi ko alam kung bakit pero hindi sumasagot ang batang to. “Ilang taon ka na Xander?” tanong ni Joanna. Walang sagot mula kay Xander. “Gusto mo kumain? Tara kain tayo.” napatingin sakin muli si Joanna. Parang nararamdaman ko ang pagkapahiya nya sa bata. Kaya hinawakan ko na lang ang kamay nya at kami na lang ang nag-usap. Umalis si Xander at pumasok sya sa kwarto, hindi ko na pinigilan dahil alam kong may topak. “sorry babe sa anak ko ah, pagpasensyahan mo na, wala lang siguro sa mood.” Paghingi ko ng pasensya sa kanya. “ok lang, hindi pa kasi sya sanay sakin.”sabay ngiti nya. “hayaan mo palagi kitang dadalhin dito para mas lalo pa kayong magkakilala. sa susunod kakausapin ka na nya.”paninigurado ko. Maya maya pa ay dumating si Peter at may dala itong J.co. “Xander, andito na si dadad!” bigla na lang bumukas yung pinto at masayang lumabas si Xander mula sa kwarto. “Dadad!”pagkasigaw nya nun ay agad syang yumakap ng mahigpit sa binti ni Peter. Kinarga niya si Xander at ipinakita ang pasalubong nya. “Yehey! J.co” yumakap kay Peter at humalik dito. Sabay silang napabaling ng tingin sa amin ni Joanna. “Ah, si Joanna girlfriend ko. Si Peter Bestfriend ko dadad ang tawag ni Xander sa kanya.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. “Ah, kaya pala si Xander pala ang dahilan nung daddy at dadad na yan hahaha narinig na namin kayong nagtawagan nyan sa bar diba?”biglang naalala ni Joanna yun. “Hahaha, oo nasanay lang kami dahil sa biik na yan”pagpapaliwanag ko. “hindi ako biik”biglang sumimangot si Xander at ikinuyom ang kamao at ambang papaluin ako. Sinaway naman sya kaagad ni Peter. Hay sa totoo lang nagseselos ako sa kanilang dalawa. Mas sinusunod kasi ni Xander si Peter kesa sakin eh. May pagka disciplinarian kasi si Peter. Pag may nakita syang mali ay agad nyang sinasaway si Xander. Ganun din naman ako, kaso lagi nya akong iniiyakan. Tapos magsusumbong sya kay Peter na para bang inapi ko sya.

Nagsikain kami, magkasabay na ang almusal at tanghalian dahil halos mag-10 am na rin kami ni Joanna dumating sa bahay. Ito naman palang si Peter ay hinintay pa magbukas ang mall para makabili ng J.co. Pagkatapos naming magsikain ay agad kong inihatid si Joanna para makauwi na at makapagpahinga. Pagbalik ko ng bahay ay naglalaro yung dalawa. “dad, tama na yan matulog ka na ako na diyan kay Xander.”tawag ko kay Peter. “ok lang ako dad, wala naman akong tugtog mamaya eh. mamaya na ako matutulog, ikaw muna ang magpahinga at ikaw ang may pasok mamaya.”pagtanggi nya. “please ako na nga diyan magpahinga ka na nga”pilit ko. “ok nga lang ako, ikaw na nga lang muna ang magpahinga”. Ewan kung bakit pero nakakaramdam na ako ng inis. Napasigaw na ako. Nasigawan ko silang pareho. “ANO BA? Itigil nyo na nga yan, Ang gulo nYO EH!” Napahinto sila pareho at napatingin sa akin. Nakita ko ang itsura ni Xander na papaiyak na. Tumutulo na ang luha nya pero walang tunog, puro mahihinang hikbi lang ang naririnig ko. Tumakbo si Xander sa loob ng kwarto at doon na humagul-gol. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ako ni Xander na sumigaw sa galit. “Ui! Sundan mo yung bata. Patahanin mo yun kawawa naman.” Sabi nya sakin. “WAG MO NGA AKONG TURUAN KUNG ANO ANG DAPAT KONG GAWIN SA ANAK KO.”muling pagsigaw ko sa kanya. Lalong lumakas ang pagiyak ni Xander. Lumabas si Xander sa kwarto at pinagpapalo ako.”bad ka, bad ka daddy. Bad.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinawakan ko ang kamay nya tsaka ko iyon pinalo. “ANO BA? ANO bang nangyayari SAYO PATI BATA DINADAMAY Mo?”bigla nyang hinawakan ang kamay ko at inilayo iyon kay Xander. Binuhat nya ang bata at pinatahan ito. “ano bang problema mo? bat ang-init ng ulo mo?” tanong nya sa akin. Iyon rin ang kauna-unahang napagbuhatan ko ng kamay ang anak ko. Bigla na lang akong nahulasan. Napahawak ako sa ulo ko. Tumabi sa akin si Peter habang yakap nya pa rin si Xander. “dad anong problema? Huh?”tanong ni Peter. Ginamit nya ang isa nyang kamay at hinimas ang likod ko. “dad I’m sorry pero, pwede bang wag ka muna magpakita samin.”sambit ko sa kanya. “huh, bakit? May problema ba sa akin?”pagtataka nya. “walang problema sayo, ako, ako ang problema. Gusto ko munang makapag-isip, please wag ka na muna magtanong.” Pagkasabi ko nun ay muli na namang napaiyak si Xander at yumakap ng mahigpit kay Peter. Hindi na nga sya nagtanong. Hinalikan nya na lamang si Xander at nagpaalam. Humabol si Xander sa kanya, pero pinigilan ko. Habang papalabas si Peter ay nakita kong tumulo ang luha nya na sya ring naging dahilan para tumulo na rin ang luha ko. Ayoko talaga ng ganitong pakiramdam. Hindi talaga tama ito para sa akin. Nawiwirduhan ako. Tsk! Bumigay na yata talaga ako. Gusto ko na sya habulin kaso pag ginawa ko yun parang inamin ko na rin sa sarili kong mahal ko na nga sya. Kaya pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi pwede. Ayokong maging bakla.

---0---

Dalawang buwan ang nagdaan at nagpatuloy ang relasyon namin ni Joanna. Walang pagbabago sa kanila ng anak ko. Hindi pa rin sya kinakausap nito. Pero wala na akong maisip na paraan para paglapitin sila. Nawawalan na rin ng gana kumain si Xander. Na akala ko naman ay imposible mangyari dahil nga matakaw talaga sya. Nabawasan na rin sya ng sigla sa paglalaro. Tuwing uuwi ako ay hindi nya na ako kinukulit. At tuwing papasok naman ako sa trabaho ay hindi nya na ako hinihingian ng pasalubong. Pag aalukin ko naman sya ng donut “ayaw ko na ng donut, ayaw ko na ng J.co” ang palagi nyang sinasabi at sasabayan ng tahimik na pag-iyak. Minsan ay nakakaramdam ako ng inis sa inaasal nya. Pero pinipigilan ko dahil ayaw ko na maulit na mapagbuhatan ko sya ng kamay. Alam ko naman kasi kung bakit. Hindi ko pa rin pinapansin si Peter kahit na lagi kaming nagkikita sa trabaho. Nawala na ang saya sa amin. Namimiss ko na ang anak ko. Yung masayahing anak ko.

Naging matamlay ang relasyon ko kay Joanna. Dahil hindi ko na magawang maging masaya sa piling nya habang ang anak ko ay may pinagdadaanang kalungkutan. Naisip ko na nagiging makasarili na yata ako. Hanggang ngayun ay nagdadalawang isip pa rin ako sa tunay kong nararamdaman. Parang pinaparusahan ko ang sarili ko at nadadamay ang anak ko. Napapadalas na ang inom ko tuwing umaga. At palagi na akong wala sa wisyo. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Nawawalan na ako ng gana sa lahat. Dahil hindi ko man lang magawa na pasayahin ang sarili kong anak.

Dahil sa kawalang gana kumain at labis na kalungkutan ay nagkasakit si Xander kaya hindi na ako nakapasok sa trabaho. Tumaas ang lagnat nya. Sa mga ganitong pagkakataon ay napapraning ako. Hindi ko maasahan ang mga magulang ko dahil nasa probinsya naman sila. Ang mga magulang naman ni Emily ay matagal nang nakatira sa abroad. Wala akong alam na pwede ko lapitan kundi si Aleng Charity. Palaging sya ang umiintindi kay Xander pag nagkakasakit ito. Palagi nyang sinasabi na sya na ang bahala dahil dati raw syang nurse. Kaya naman ipinagkakatiwala ko sa kanya si Xander. Pero pagpunta ko sa bahay nila ay wala rin sila dun. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun. Tinawagan ko si Joanna “hello, babe pwede ka ba magpunta dito, may sakit si Xander hindi ko alam ang gagawin.” “Hala! Bakit di mo pa dalhin sa ospital? Ano namang magagawa ko diyan? Tsaka nandito ako sa trabaho.”sagot nya sakin. Nag-init ang ulo ko kaya naman pinatayan ko sya ng cellphone. “Walang kwenta, bwiset!” sabi ko na lamang sa isip ko. Isang tao na lang ang nasa isip ko. Si Peter. Idinial ko ang number nya, nagring ito at agad nya namang sinagot. Maingay sa kabilang linya kaya naman “Ano yun? Bilisan mo at malapit na akong kumanta.”pagmamadali nya. “Hello, Pwede ka ba pumunta dito? mataas ang lagnat ni Xander eh napapraning na ako.”pagkatapos kong sabihin yun ay pinatayan nya ako ng cellphone. “bwiset talaga, bwiset” sa sobrang inis ko ay ibinalibag ko ang cellphone ko at nagpunta sa kwarto para kumustahin ang lagay ni Xander. Mataas pa rin ang lagnat nya. Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala. Inihanda ko ang mga gamit nya at inilagay ko sa isang bag. Binuhat ko sya para dalhin na sa ospital. Wala talaga kaming maaasahan kaming dalawa lang talaga. Bigla na lang narinig ko na lumagabog ang pintuan sa labas. At sumulpot na lamang bigla si Peter sa loob ng kwarto. Agad nyang kinuha si Xander at muling inilapag sa kama. Hinipo nya ito at pinag-aaalis ang nakabalot sa katawan nito. “bakit mo binalot ng husto? Ang kakapal ng tela nito oh. Tataas nga ang lagnat nyan eh hindi na makasingaw yung init sa katawan nya eh. kumuha ka ng tubig at face towel dun, bilis” agad akong tumalima sa iniutos nya. Ibinigay ko ang isang plangganitang tubig at face towel. Inilubog nya ang face towel sa tubig at pinigaan. Ipinunas nya ito sa buong katawan ni Xander. Nagpakuha din sya ng polbo at inilagay sa likod nito. Inihiga nya ng maayos ang bata at binuksan ng mahina ang electric fan. “nakabili ka ba ng gamot nya” tanong ni Peter. “oo nandyan, pinainom ko na sya pero hindi pa rin nawala yung lagnat nya eh.”paliwanag ko. Ilang sandali pa ay hinipo ko ang noo ni Xander. Bumaba na ang lagnat nya. Nakahinga na ako ng maluwag. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Peter. “hello, oh bakit?”sagot nya sa telepono. “hindi na, sige na kaya na yan ni Allan.”yun na ang huli kong narinig sabay end call. Alam ko kung ano ang pinagusapan nila. Marahil ay hinahanap na sya dun sa bar. Pero hindi ko sya magawang paalisin dahil baka tumaas na naman ang lagnat ni Xander. Napatitig ako sa kanya at ganun din sya sa akin. “nangayayat ka ah, lalo na si baby. Ano bang pinaggagagawa mo?”usisa nya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. “salamat, akala ko matitiis mo kami eh”ako. “pwede ba yun? Hindi ko magagawa yun, mahal na mahal ko kayo ng anak mo, sobrang halaga nyo sakin, kaya nga halos lumipad na ako kanina eh nag-alala talaga ako. Pasensya ka na kung medyo nahuli ako.”halos matunaw ang puso ko sa mga sinabi nya lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. “dad, namiss mo ako noh, nahalata ko yun kasi hindi na ako makahinga eh”pagbibiro nya sakin. “dadad, may sakit ako” pahikbing sumbong ni Xander. Sabay lapit naming pareho sa kanya, napahikbi ako sumandali dahil sa pagsusumbong nya. “nandito na si dadad, kaya pagaling ka na ah” “aalis ka na ba pag magaling na ako?” tanong ng bata. Tumingin sa akin si Peter at umiling ako para iparating sa kanya na hindi nya na kailangang umalis. “hindi baby hindi na aalis si dadad, palagi na kita madadalaw ulit” tugon nya kay Xander. Yumakap ng husto si Xander kay Peter. “bat ka umalis, hindi mo na ba kami lab ni daddy” si Xander. “lab na lab kayo ni dadad, nagkaron lang ng konting problema kaya ako umalis. Pero ok na wala nang problema kaya makikita mo na ako palagi.” Napatingin ako kay Peter at napangiti. Maya maya pa ay natulog na muli si Xander. Hindi bumitiw si Xander sa pagkakayakap nya kay Peter. Kaya nanatili kaming tatlo sa kama. “daddy, pwede na ba kita tanungin? Ano bang naging problema natin?”tanong nya sakin. “huh? Ah eh. kasi.”utal ko. “sabihin mo na kasi para wala nang problema, wag ka na maglihim sakin.” “kasi natatakot ako nun eh, hindi ko maamin sa sarili ko na nahulog na ako sayo.”sagot ko. “bakit ka natatakot? Mahal na rin naman kita ah. bakit natatakot ka ba na pagtawanan tayo ng ibang tao?”muling tanong nya. “pasensya ka na talaga dun sa nangyari. Hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko nun eh. bagong bagay kasi to sakin. Hindi pa ako sanay. Pero ngayun wala na akong pakialam. Mahal na kasi talaga kita eh. ang kinakatakot ko lang baka kasi hindi magtagal yung ganitong klase ng relasyon. Takot na kasi ako maiwan mag-isa eh.” pagpapaintindi ko sa kanya. “Huwag kang matakot kasangga mo ako, hindi ka mag-iisa, hindi kita pababayaan, hindi kita iiwan”sa bawat pagbigkas nya ng mga salitang iyon ay parang may humahagod sa dib-dib ko at lumuluwag ang paghinga ko. Lalo akong naging kalmado. Tinanggap ko na rin sa sarili kong mahal ko talaga sya. Wala na akong alinlangan ngayun. Ibinaba nya si Xander at iniayos ng paghiga sa kama. Lumapit sya sa tabi ko. Nagyakapan kami. Pumunta sya sa likuran ko at isinandal ako sa dib-dib nya. Sabay naming tinitigan si Xander habang natutulog. “Angcute talaga ng anak natin” sabi nya. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. At naganap ang aming kauna-unahang halik. Ang unang halik ko sa kapwa ko lalake. Nakatulog na kami sa ganoong ayos.

“dad, nagugutom na ako” panggising na bungad sa amin ni Xander. “sandali lang baby ah, bibili lang si daddy ng almusal”sambit ko. “dapat yakap nyo rin ako, kagabi pa kayo magkayakap eh”maktol nya. Medyo nahiya ako dahil inabutan nya kaming nasa ganung ayos. Pero hindi na ako nagsalita at agad na tumayo para bumili sa labas. Pag dating ko sa bahay ay naabutan ko na naman silang naghaharutan. Pero hindi katulad ng dati na parang mabigat sa loob ko, ngayun ay talagang napakasarap sa pakiramdam. “Emily, sya ang pinili ng anak mo. Sya rin ang pinili kong magmamahal sa amin. Sana ayos lang sayo. Sana bigyan mo ako ng sign kung pumapayag ka.” Bulong ko sa aking sarili. Lumapit ang dalawa sa akin tumingin sa akin si Peter “dad alam mo matagal ko na tong gusto gawin sayo” “ano yun?” lumapit sya sa akin at bumaling sa may bandang gilid ko. Kinilabutan ako sa marahan nyang pagkagat sa tenga ko sabay halik. Matagal ko nang hindi nararanasan yun. Huli kong naramdaman yun ay nung nakaraang anim na taon na. Natuwa ako dahil ang bilis ng sign “hindi mo naman sya gusto para samin noh, express yung sign mo eh, thank you Emily.”muli ko sambit sa aking sarili. “tara na kain na tayo” yaya ko sa kanila. Lumapit sila sa lamesa at kumain habang nakapasan sa likod si Xander. Nagpapasubo sila sa akin pareho at pagkatapos ko masubuan ay tsaka naman sila magpapaikot ikot na para bang airplane. “kayong dalawa, tatamaan na kayo sakin eh.”sigaw ko sa kanila. “ay, galit na ang daddy namin.” Tsaka sila lumapit sa akin at sabay nila akong pinupog ng halik.

Pinilit naming ayusin lahat. Kinunsulta namin ang aming pamilya tungkol sa relasyon namin. Yung tatay ko medyo nagagalit sa amin, pero natanggap din kami kalaunan dahil ayos naman daw dahil meron na akong anak na magtutuloy ng apelyido namin. Yun lang naman ang mahalaga sa kanya. Naging close pa nga sila ni Peter dahil mahilig uminom si tatay at palagi nyang nauuto si Peter para makipag-inuman sa kanya. Medyo naiinis ako dun minsan kasi kinukunsinte nya si tatay, napakasipsip. Wala naman kaming naging problema sa mga kapatid ko at kay nanay. Kaya tanggap ng buong pamilya ko si Peter. Ganun din ako sa pamilya nya, ngayun nga ay hinihiram na sa kanila si Xander eh dahil matagal na palang pangarap nila daddy at papu na magka-apo. Oo napauwi agad si papu ng Pilipinas nung mabalitaan nya ang tungkol sa amin. Abat sa sobra excited nya eh gusto na agad ipaplano ang kasal namin sa California. Mas nakaka-mental block pala ang parents nya kesa sa kanya, may pinagmanahan nga. At bilang paggalang sa yumao kong asawa ay kinunsulta rin namin ang pamilya nya. Kahit ano naman daw ang mangyari ay ako pa rin naman daw ang magdedesisyon sa anak ko kaya hanggang suporta lang daw sila. Pinilit pa nga ako na tanggapin na yung educational plan na inihanda nila para sa apo nila eh. Tinanggap ko na rin para wala namang masabi. At masigurado ko na rin ang edukasyon ng anak ko. Anak namin pala. Naging masaya ang pagsasama namin. Medyo nalulungkot nga lang si Aleng Charity at Albert dahil minsan na lang nila makasama si Xander. Nung una hiyang hiya ako pag iniiwan ko si Xander sa kanila. Pero ngayun parang nahihiya ako kasi hindi ko madala sa kanila yung bata. Pinagaagawan sya ng lahat kami nga eh hindi na namin sya halos mahawakan dahil ayaw bitawan nung dalawang sabik sa apo. Kami na nga ang pinag manage nung business. Dahil wala na raw silang pakialam dun. Ang gusto lang daw nila ay mag-alaga ng apo. Ano yung business? Pasensya na kayo ah, kasinungalingan kasi to ni Peter eh. Kaya pala ang lakas ng loob nya na ipasok ako doon sa BARCODE99. Eh kasi sila pala talaga ang may-ari nun, hindi si sir Andrew. Halos madapa nga ako kakaikot ng mata ko dun sa bahay nilang ubod ng ganda. Kaya pala walang nagrereklamo pag gumawa sya ng kalokohan sa bar. Anak mayaman si gago. Si Joanna? Nagbreak kami. Huli kong balita sa kanya nag-abroad na. Halos mapatay nga ako nun nung sinabi ko sa kanya na si Peter ang ipinalit ko sa kanya. Sorry ako ng sorry nun pero hindi nya tinatanggap kayo ayun nagresign. Masaya. Parang napaka-aliwalas ng mundo namin.

“aarte arte ka pa sa lalake rin pala ang bagsak mong putang-ina ka. Marami kang utang na loob sa akin kaya oras na para maningil, pinakinabangan mo ako? Pakikinabangan din kitang puta ka.” Pagkatapos ko marinig yun ay bigla na lang may tumakip sa mukha ko at nakaamoy ako ng nakakasulasok na amoy bigla na lamang akong nawalan ng malay.

Madilim sa buong paligid. Ang tanging ilaw lang ay yung maliit na bumbilya na nasa uluhan ko. Maliit na parte lang ng lugar ang nakikita ko, pero yung nasa paligid hindi ko na maaninag sa sobrang dilim. Pinilit kong gumalaw pero hindi ko magawa dahil nakagapos ang mga kamay at paa ko. Hindi ako pupwedeng magkamali sa boses na narinig ko kanina bago ako nawalan ng malay. Si sir Roman yun. “kumusta na, namiss kita ah, ako ba namiss mo?” “gago ka anong gagawin mo sakin?” sigaw ko. “Hala ka, wala kayong t.v? syempre papatayin kita mamaya pagkatapos ko makuha yung pera. Tanga ka? Hostage ka kaya dito, Tapos kung maka-asta ka diyan parang ikaw yung goons” pananakot nya sa akin. “Estella, ang telepono” hindi ako makapaniwala sa narinig kong pangalan na tinawag nya. Si ate Estella? Pero bakit? Alam ko mabait syang tao. Lumapit na nga si Ate Estella kay Roman. May nakasukbit na baril sa tagiliran nya at sa kanang kamay naman nya ang isang cellphone. Napatitig ako sa kanya na may pagtataka. Sya naman ay nakatitig sa akin ng matalim na para bang kaya nya akong lamunin ng buo. May idinial si Roman sa teleponong ngayun ay hawak na nya mula kay ate Estella. “Kung hinahanap mo ang pinakamamahal mong syota eh wag ka na magsayang ng pagod dahil hindi mo sya makikita, secret walang clue, talagang inisip mo na sasabihin ko kaagad. Try mo kaya manood ng action movies nung 80’s para alam mo yung mga ganitong eksena. Hawak namin sya ngayun. Kung gusto mo sya iligtas ay pumunta ka dito at magdala ka ng 50 pesos, tanga ka? Naniwala ka talaga dun. Syempre wag kang tanga 50 million yun, wala lang para mabago lang yung sistema sa mga ganitong eksena nakakasawa na kasi yung mga kidnapper na walang sense of humor eh. 4pm pumunta ka sa Bar ko may isang van na itim. Doon mo ilalagay ang pera at tsaka mo makukuha si Adrian. Syempre isip isip din, bawal ang pulis, baka tawagin ko si Darna at ipaputol ko ang chenelin nyites mag super crayola ka te. Kaya kung ayaw mong mawalan ng jowa, umayos ka… . . . At hindi ka pala naniniwala sa akin, ganun? O eto jowa mo.” inilapit sa akin ni Roman ang cellphone. “dad, wag ka pupunta. Hindi sila nagsasabi ng totoo. Dad please wag ka na pumunta, dad uupakan talaga kita pag pumunta ka dito” sigaw ko sa cp at bigla na nyang inalis. “ano, naniniwala ka na? sumunod ka sa usapan para walang mapahamak.” Pinatay nya na ang CP at naghintay na lamang ng oras.

Sumapit ang alas kwatro, kinalagan nila ako at dinala nila ako sa Van, kagaya ng napag-usapan. Nag-aalala ako baka kumagat sa patibong si Peter. Nasa van na ako, at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Peter na may dalang back pack marahil ay doon nila nilagay ang pera. Si ate Estella ang nagdala sa akin papunta kay Peter at may isa namang lalake na kasabay namin para kumuha ng pera. Unti-unti nang nanginginig ang katawan ko dahil sa emosyon. Masyado ako napapahanga sa katapangang ipinapakita nya para iligtas ako. Pero baka mabalewala lamang ito dahil pwede na nila kaming barilin ano mang oras. Nung makalapit na kami kay Peter ay biglang nagkagulo ang lahat. Naglabasan ang mga pulis sa iba’t ibang parte ng lugar mukhang handang handa sila. Bigla kaming hinatak ni Ate Estella sa isang poste para daw kahit papaano ay makatago kami. Nagkakaputukan na ng baril. Unti-unti kaming gumapang doon sa may parteng mayroong tambak na bakal. Nakatago lamang kami dun habang nagkakagulo. Matapos ang 30 mins na putukan ay tsaka na lamang kami lumabas. Dun ko lang napag-alaman na matagal na palang undercover si Ate Estella. Matagal na pala nilang minamanmanan si Sir Roman, drug lord daw at may-ari daw ito ng isang illegal na pasugalan. Sya pala ang tumimbre sa mga pulis kaya napaghandaan nila lahat. Isa isang pinosasan ang mga kasamahan ni Roman. Ganun din sya ngunit bago sya naposasan ay naagaw nya ang baril sa isang pulis. At agad nya itong ipinutok banda sa amin. Ako ang pinuntirya nya, ngunit agad na humarang si Peter kaya sya ang tinamaan. Kumilos ang mga pulis at pinadapa sa lupa si Roman at doon na rin sya pinosasan. Halos sumabog ang ulo ko nung makita kong nakahandusay si Peter sa harap ko. “PUTANG INAAAAAAAA!” sigaw ko. Sabay ng tuloy tuloy na pag-agos ng luha ko. Nanginginig ang buo kong katawan sa galit kay Roman. Wala pa man ay pinaplano ko na sa isip ko kung papaano ko sya pahihirapan at unti-unting papatayin para iganti si Peter. “Demonyo ka Roman” niyakap ko ng mahigpit si Peter. At tuloy tuloy lang akong tumangis. Maya maya pa ay. “wui! Peter” habang sinisipa sya ni Ate Estella. “wui! Itigil mo na yang kalokohan mo” nagtataka ako kay ate Estella kung bakit ganun sya. Pero tuloy tuloy pa rin akong umiyak. Nang biglang isang hindi kapanipaniwalang hakbang ang ginawa ni ate Estella. Hinubad nya ang suot nyang sapatos at ipinalo sa ulo ni Peter. “Aray ko shet, ate Estella naman bakit ba agaw trip ka?” tanong ni Peter. Nagulumihanan ako kaya mabagal na rumehistro sa utak ko ang mga nangyayari. “eh tarantado ka eh, humahagul-gol na yung jowa mo ayaw mo pang itigil yang acting mo.”si ate Estella. “Akala ko tinamaan . . …” putol kong sabi. “tinamaan nga pero may bulletproof vest naman yan eh.”si ate Estella. “ah ganun? Halika ako na lang ang papatay sayo para matuloy na tong pag-iyak ko nabitin ako eh.”gigil na gigil kong sabi sa kanya habang pinipingot ko ang tenga nya. “Aray.! Tsk! Sorry na, Pero kahit meron ako nito masakit pa rin ah. nawalan kaya ako ng malay. Pag gising ko nakita kitang umiiyak kaya pinanindigan ko na lang. hehe, dad buhatin mo ako, masakit pa din dib dib ko eh.” paglalambing nya sa akin. “ayaw ko maglakad ka mag-isa dyan.” Naglakad na kami papuntang sasakyan at talagang pinilit nyang sumampa sa akin.

Paalis na kaming tatlo papuntang California. Pero bago namin gawin yun ay pumunta muna kami ni Peter sa puntod ng dati kong asawa. “Emily aalis na kami, kasama namin si Xander. Nandito ngayun si Peter. Kilala mo na sya diba? Sabay naming inaalagaan ang ang anak natin sabay naming itataguyod. Walang pupwedeng manakit sa kanya dahil nandito na kami na dalawang superman sa buhay nya. Kaya ipahinga mo na ang kaluluwa mo. Wag mo na ako dalawin sa panaginip ko kasi takot ako sa multo. Maraming salamat sa lahat.”sambit ko sa harap ng libingan ni Emily. “hi Emily, ako si Peter. Sayang noh hindi man lang tayo nagkakilala ng personal. Wag ka sana magagalit sa akin. Hindi naman kita papalitan sa mga puso nila. Dadag-dag lang ako sa mga magmamahal sa kanila. Mahal na mahal ko si Adrian lalong lalo na ang anak nyo. Anak nating tatlo. Hayaan mo mula sa puntong ito, gagawin ko rin ang ginawa mo sa kanila. Puprotektahan ko rin sila ng sarili kong buhay. Sisiguraduhin ko sayong hindi sila maaapi. Gamit ang mga matang ito babantayan ko silang mabuti. Salamat Emily sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong mahalin sila. Hinding hindi ko ito sasayangin. Mahal ka namin.” Inilapag na namin ang dala naming bulak-lak at tulayan na kaming umalis.

Habang naglalakad kami ay hinawakan ko ang kamay nya.

“mahal mo ba ako?” tanong nya.

“Oo” Sagot ko.

“Eh, ako mahal mo ba ako?” Ako naman ang nagtanong.

“Oo” sagot nya.

“gaano mo ako kamahal?” muli kong tanong.

“Ganito. Luwagan mo man ang kapit sakin, hihigpitan ko ang kapit ko sayo para hindi kita mabitiwan.”sagot nya.

“Talaga?” pangungulit ko.

Ngumiti sya, at binatukan ako.

71 comments:

  1. Parang nasingit din dito yung kina Raffy at James.. Tama ba?? Haha:) Great Twists.

    ReplyDelete
  2. Ihh nakaka kilig naman sobra na medyo nakaka iyak buti nalang nakita ko tong site na to kung hinde isang site lang mababsahan ko ng mga gantong story i'm so happy ^ω^

    ReplyDelete
    Replies
    1. It was nice napa iyak ako sa ganda ng story

      Delete
  3. Nice ! parang True Story :)
    Kinikilig ako :) God Bless sa iyo author

    ReplyDelete
  4. Nice ! parang True Story :)
    Kinikilig ako :) God Bless sa iyo author

    ReplyDelete
  5. Wa pakels kahit malate ako sa work bukas, matapos ko lang ang story. Ganda ng storya..pwedeng gawing movie..thank you author! More power to you!

    ReplyDelete
  6. nice story! na miss ko tuloy c lester at ung ampon dn namin. mahal p dn kita les....pudong

    ReplyDelete
  7. I love the story! Galing mo author ah! Treat kita ng inom. Promise wala akong goons. Hahaha! ~Xian-Xian

    ReplyDelete
  8. By far, the best story in this site. And I've read quite a few. Thanks, author. You made me cry. :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah, i agree. grabe, halo-halong emosyon. magandang gawing movie.

      Delete
    2. Pang MMK nga po eh.

      Delete
  9. - another brilliant story from the same author of yakap ng langit....he sort of changed it up, this time giving us a one shot no multi-chapters story.....galing....oo nga, naalala ko yung eksena nina raffy and james sa bar......i hope that your creative juice just keep going para patuloy kaming makabasa ng mga masterpiece mo - lbl

    ReplyDelete
  10. Ganda ng story,,,, may partner na din ako for almost 2years ang kulang nalang namin ay anak... sana in Gods Blessing makaipon kami para sa sorrugate mother... God bless sa author

    ReplyDelete
  11. ang ganda talaga ng story...kilig much talaga. gusto din magkaanak....sympre sa babae.

    ReplyDelete
  12. Parang book 2 ng kwento ni raffy at james! Kilig pa din,,sana makahanap din ng katulad nila! Two thumbs up!

    ReplyDelete
  13. shiiiitttt kinilig ako. hahahaha

    ReplyDelete
  14. Wow ang ganda ng story. Napa comment tuloy ako haha

    ReplyDelete
  15. Ang ganda ng story!! Nakakakilig at nakakainspire. I was teary-eyed while reading the last parts of the story. Good job Mr. Author. Keep it up!

    ReplyDelete
  16. Inspiring..nabuhayan ako ng pag-asa..

    ReplyDelete
  17. Adrian, naiiyak ako sa huling part ng kwento, napakaganda at napakasarap magmahal, nararamdaman ko ang pagmamahalan sa inyong 2 ni Peter, kahit na ang pagmamahal ni biik sa kanya, maging masaya at matagumpay sana kau san man kau sa California ngayon.
    Praying ang hoping na makita ko kayo, the time na mapunta ako jan, personally gusto ko kau makilala, thiugh its hard pero alam ko, nararamdaman ko makikilala ko kayo jan soon.

    Wait ko lang turn ko to go there.

    God bless sa inyo, hopefully get to knwo you both, i mean kaung tatlo ng baby nyo..

    ReplyDelete
  18. One of a kind story... 2 thumbs up!!!

    ReplyDelete
  19. Hahaha....nice one parekoy..si james at raffy ata yung nagliligawan sa bar...hahaha...yakap ng Langit!!!..

    ReplyDelete
  20. Parang continuation ito nung kay Raffy at James. Magiging anak nila si Peter. Now I'm really excited sa YAKAP NG LANGIT continuation. Kudos James Silver.

    ReplyDelete
  21. Sweet nyo. Great story.

    More please

    ReplyDelete
  22. Its a master piece

    It is fiction but while reading I feel the characters are alive and I can see them in my mind..
    Good job!!

    ReplyDelete
  23. tama napaiyak ako. . . tas 2mawag X ko napaiyak ako lalo

    ReplyDelete
  24. Kilig hahaha!, ikaw din author nung kila raffy at james!, galing mo author!, kudos!,,

    ReplyDelete
  25. Congrats author anung knain mo at galing
    mo mgsulat. Sabi nga nila parang sina raffy at James yung magulang ni peter so far the best ..wow galing. Painom ka naman pre ako lang ang Taya. Gegegege

    ReplyDelete
  26. Hindi pwede sila raffy at james to be parents of peter ksi kung totoo to, realtime nakita ni adrian si james at raffy sa bar at nsa likod nya si peter. Pero one of the brilliant mind na napasok ang scene sa yakap ng langit mas naging exciting ang story. Yun lang bahala na si author to connect kung panu pagtatagpuin si raffy at james at si peter and adrian ehe... ;) ang ganda ng story.

    ReplyDelete
  27. anak ng.......my third time to ready this story and ganun pa din, i would tear up sa part na nagkasakit si xander and halos liparin ni peter going to their place, tapos yung conversation and pag-amin ni adrian ng true feelings niya.,...wagas talaga.....and natawa pa din ako sa part na nag-mascot si peter sa bday ni xander.....bet you guys, the next time I read this story, it will still have the same effect on me .....salamat - lbl

    ReplyDelete
  28. Another brilliant masterpiece. Salamat sa storya mo at naniniwala pa ako na sana may ganito pang mga tao sa mundo.

    ReplyDelete
  29. A very nice story.. Nacapture mo yung emotion na gusto mo iparating sa readers. Napatawa, napaiyak and at the same time napakilig mo kami mga readers mo. Kudos sa writer ang galing. Keep it up ;) kelan ko kaya mahahanap ang adrian o peter ng buhay ko :)

    ReplyDelete
  30. Thank you so much Mr. Author.
    I can say that, you dont know how much you bring such different feelings into your readers heart, that only your stories could do..fiction or not..

    For me, having read this one it opened my thoughts to a lot of positivities from where I stand right now..great job..maraming salamats!!and Gob Bless!!

    Pero tama sila..painum ka naman..hehe..pero sagot namin..ü

    ReplyDelete
  31. Ang ganda ng story . Nakakakilig haha congrats author . :)

    ReplyDelete
  32. Ganda ng story. Kilig!!! <3

    ReplyDelete
  33. Ang galing sobra,kinilig ako tapos naiyak,sana mahanap ko rin yung true love ko..

    ReplyDelete
  34. The best story na nabsa ko dto.tnx author..

    ReplyDelete
  35. mixed emotions na naman ako sa pagbasa ng story, salamat.

    ReplyDelete
  36. maganda kahit walang sex sa story.

    ReplyDelete
  37. Drama. Action. Love Story. Sobrang galing ng author. Kinikilig ako

    ReplyDelete
  38. Tss. There is no such LOVE in same sex. Pero kung care at saka like maniniwala pa aq. I dont know why, some of us are blinded by these stories. E.g. (same sex) they married because they really like each other. And not because of LOVE! Just like us in our family most of us are homosexuals they told they are in love but its just one sided. They love that guys but that guys dont love them back. Most of their relationships are pagnanasa lang. In a world today i dont think na may ganyan pang story. Pero kung gay at gay siguro 15% haha LOL


    --Rchris

    ReplyDelete
    Replies
    1. Im not bitter dahil wala aqng ka-love.life love life. Im stating the fact. I dont need one para may ipgmamalaki q na may bf aq. Im happy and contented with my life now. Right now ive been travelling around the world but i havent experienced that.. chos lang! Kahit kahit kapitsiudad namin dito di ko pa napuntahan ibang bansa na pa kaya? LOL




      #syoso
      --Rchris

      Delete
    2. There are a lot of same sex couple that trily love each other and live together and even get married. They live quiet lives just like your average straight couples. You haven't seen or interacted with one because your view of the thrid sex life is so myopic and only wothin the circle of your acquaintances that have the same view of life as you are. Broaden yoir horizon, who knows you may encounter one or better yet find your true love.

      greyduck

      Delete
  39. First time ko mag cocomment dito sa blogsite na to...
    Ang masasabi ko lng eh,
    Sa lahat ng nabasa kong istorya d2, eto ang pinaka gusto ko... Napaiyak mo ako pre, astig.

    ReplyDelete
  40. Excellent Story! I love you Baby Niwang!

    ReplyDelete
  41. Just finish reading this story grabe super nakaka inspired talaga at super galing ng author...please write more stories like this for ur thousand followers....congrats bro!

    ReplyDelete
  42. galing talaga syempre espren ko yan eh...andami mong fans espren!! excited nako dun sa mga iba mo pang story sigurado malulupet din yun tulad nito at ng yakap ng langit

    ReplyDelete
  43. Hi. I don't usually comment online, and this is the first time I'm doing so. The story was very compelling. Kala ko totoo. This was perfectly written that I fell in love with it, with the author. <3_<3

    ReplyDelete
  44. Grabe. Kulang ang best story para idescribe ang story na ito. Super ganda. Halatang pinag-isipan at may content talaga siya. Hindi katulad nung iba na puro sex lang. Ganito talaga yung mga story na gusto ko mabasa. Very inspiring. Keep it up author. I'm looking forward for your other stories. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. this time, may drama, action, romantic, and comedy. ang galing ni tlaga ni james.

      sg guy

      Delete
  45. bwiseet. ang lakas mo tlaga magpakilig mr. author.
    try mo png mgsulat p ng marami story, para makonyatan kta sa sobrang kilig ko. kudos, mr. author.

    sg _guy

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko tlaga chinicheck kung sino author ng story kya no idea n si james pala ang ngsulat. nung binabasa ko n ito, npansin ko may pakakahawig sa pagkasulat ng "yakap sa langit". ang galing mo tlaga. huli ko n rin nlaman na sila james & raffy ang ngliligawan sa bar. hayyyy...

      Delete
  46. First time to comment. Sa totoo lang na feel ko na nainggit ako, natuwa, at etc basta mixed emotions. ang ganda putangina. Haha. If pde lang tong maging movie geezzz manunuod talaga ako. The author is such asuoerb writer. And gusto ko sia gawing comics. Gusto ko idrawing ung detailsss. Deym hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Collab tayo.. gawin natin tong comics para kay espren. Haha.

      Delete
  47. I love the story...wlang sex part pero kumpleto...galing ng sumulat :) kudos!

    ReplyDelete
  48. Ganda po ng story... The best. ;)

    ReplyDelete
  49. oh my God this story like a precious diamond...d makakalayo mangyari ito s real life, at napa iyak at biglang tumulo ung mga luha ko s storya ng nagkasakit ung anak nya at kailngan nya ng tulog buhat s mga tinuturing nya n kaibigan at kung sino p ung tao d nya inaasahan n d cya sigurado tulognan: dyan pinakita ni peter ung unconditional luv nya.
    at s author ng story n to more power!
    sana makagawa k ulit ng same story n
    mapupulotan ng aral at salamin s buhay!
    at medyo exaggerated n rin kc hinaluan lng kunting action pero the whole story was clear and beriant nakakarelate din ako s flow ng kwento... job author!

    ReplyDelete
  50. Goodness gracious, this is a masterpiece.

    ReplyDelete
  51. ang ganda ng istorya.. very inspiring... dito natin mapapatunayan na walang kasarian ang pag-ibig...

    ReplyDelete
  52. Kudos to the author! Ang galing. Walang boring basahin. Ang ganda! :)

    ReplyDelete
  53. what a beautiful story..!!!kilig much..:-)

    ReplyDelete
  54. well loved....
    nkakainlove ang plot.
    love moves in mysterious ways.

    ReplyDelete
  55. TANG INA NAKAKAINLOVE! hahahaha!! THE BEST KA TALAGA JAMES SILVER!! nyemess! after Chaster russel, stories mo na ang inaabangan ko! hahaha pero ngayon, parang pareho ko na kayong hinahanp hanap!!! hahahahaha salamat sa inspiration at mga lessons :)

    ReplyDelete

Read More Like This