Pages

Sunday, August 10, 2014

Reality Stranger than Fiction (Part 4) FINALE

By: Jigo

Nagising ako at nakita ang aking nanay sa tabi ko. Wala siyang tigil sa pag iyak ng tawagin ko ang pangalan niya.

Nasa ospital pala ako. Nabundol ako ng isang kotseng nawalan ng kontrol. Isang linggo akong walang malay, at noon lamang nagising.
Madaming dumalaw sa akin sa ospital. Kahit masakit ang bugbog kong katawan, gumaan naman ang pasanin ko sa encouragement nila.
May dumalaw sa akin na hindi ko kilala. Ilang beses ko pinilit alalahanin pero sumakit lamang ang ulo ko.

"Sino siya, inay?" At tila nayanig ang lahat ng nasa kwartong iyon sa tanong ko.

"Anak, si Kuya Harry mo, hindi mo ba natatandaan?" sagot ng nanay ko.

Pilit ko mang alalahanin wala akong matandaan kung sino siya. Madami din akong hindi maalala. Ang natatandaan ko lamang ay may malakas na ingay at nakakabulag na liwanag.

Tumulo ang luha ng bisita ko sa ospital.
Tumalikod ito at lumabas.

"Inay! Hindi ko maigalaw ang mga paa ko!" sigaw at pagtawag sa nanay ko.

Para akong mababaliw sa sobrang takot. Ipinaliwanag ng doktor na kelangan ko daw mag therapy para makalakad na muli. Napuno ako ng awa sa nanay ko. Wala kaming ganoong kalaking halaga para gastusin sa therapy.

Isang balita ang natanggap ng nanay ko ilang araw matapos ang malungkot na balita. May nag offer daw na sasagot ng therapy ko at mga gastos sa ospital. Si Kuya Harry daw. At doon muna ako tutuloy sa kanila pansamantala kapag na discharge na sa ospital. Ilang beses ko ding tinanong si Inay sino ba yung si Harry. Di niya matapos ang paliwanag niya dahil sa nauuna itong maiyak.

Makalipas ang isang buwan, pinayagan ako makauwi. Sa ospital sinundo kami ni Inay ng driver nung Harry.

May matandang sumalubong sa amin sa pintuan. Mabait ang mga mata nito at magaan ang loob ko sa kanya. Parang matagal ko ng kilala.

Masakit ang bawat session ng therapy. Halos maubos ang lakas ko tuwing pipilitin kong tumayo. Pero determinado ako. Gagawin ko ito para sa Inay. At para makapagpasalamat sa sumagot ng therapy at bills ko sa ospital.

Lumipas ang mga buwan at parang walang pagasa. Normal lang daw iyon sa simula. Matagal talaga ang gamutan at mahabang pasensiya ang kailangan sa tuluyan kong paggaling.

Mababait ang mga kasama namin ni Inay sa bahay. Parati silang nakikipagbiruan sa akin, animoy matagal ko ng kilala.

Minsan dinadalaw ako ng mga panaginip pero hindi ko maintindihan ang ibig sabihin.

Dugo. Kandila. Alak. Sinturon.

Halo halo. Mahaba ang mga panaginip na iyon kaya lang wala akong halos matandaan pag gising ko sa umaga.

Inabot ng isang buong taon ang gamutan namin bago ko tuluyan naihakbang ng bahagya ang aking mga paa. Bawat hakbang ay tagumpay ko, kaya lalo akong nagsusumikap. Hanggang sa nakavrecover ako sa tulong ng magagaling na PT.

Sa loob ng pananatili ko sa bahay. Di ko nakita si Harry. Ang huling beses na nakita ko siya ay sa ospital. Di ko man siya matandaan, tumatak sa isip ko ang maamo niyang mukha.

Isang araw, dinalaw ako ng isang kakilala. Pamilyar ang mukha niya. Pero di ko alam ang kanyang pangalan. Nagpakilala itong Jenny.

Matagal kami nagusap ni Jenny. May naikwento siya sa akin na nangylari noon na dapat ko daw malaman.

Nang gabing alukin niya ang nobyo na pumunta ng New Zealand, naging masakit ang pagtutol nito. Dahil walang maisip niya na ibang dahilan kung bakit ito magpapaiwan, pinilit niyang hanapin ang sagot.

Lingid sa kalaman ng nobyo, pinasok nito ang kwarto niya. hinanap ang cellphone. Desididong mag imbistiga. Nang hindi makita napunta ang tensiyon niya sa isang drawer. Binuksan ito, at nakita ang isang tila libro na photo album.

Duon niya nalaman ang sagot sa tanong niya

May mahal na iba ang kasintahan. Mahal na niya ito mula ng bago pa naging sila, at nakatago sa photo album na yun ang litrato ng taong mahal ng nobyo.

"Bakit mo ito, kinukento sa akin Jenny?'' tanong ko.

"Malalaman mo din sa takdang panahon." Sabi niya. At nagpaalam na si Jenny.

Habang dumadaan ang mga araw, lalong bumuti ang lagay ko. Paganda ng paganda ang kondisyon ng aking katawan, nanumbalik ang aking lakas. Ikinatuwa iyon ni Inay.

Parati kong kinukulit ang mga kasambahay. Nasaan yung Harry? Bakit di ko siya nakikita.

Nagaral daw ito sa Amerika. Sa susunod na linggo uuwi na ito para pormal na simulan ang negosyo.

Magkakahalo ang naramdaman ko.

Gusto ko siya makita ulit.

Gusto ko siya maalala.

Dahil  matagal ng napabayaan ang bahay at kamalig namin, nagpaalam ang Inay na uuwi muna ng Batangas. Nagpaiwan ako upang hintayin ang Harry na sinasabi nila.

----

Isang kotse ang pumarada sa garahe noong araw na iyon. Halos madapa ako sa pagtakbo at pagsilip. May isang lalaking matipuno na bumaba sa sasakyan. Inalis ang suot na mamahaling shades. Si Harry, nagbalik na siya.

Ako ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Pagdaan niya bumati ako agad.

"Magandang Araw, Senorito Harry'' yumuko ako at tila nahiya. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng bahagya.

"Hindi ka pa rin nagbago. Nakakaaliw pa din ang kakulitan mo" at tumuloy na ito sa loob ng bahay.

Pilit kong iniisip kong saan kami nagkita.

Nagkakilala.

Wala pa din.

Nagpasalamat ako sa kanya sa kabutihan niya sa akin. Sinabi ko na balang araw masusuklian ko din ang magandang ginawa niya. sabi niya, hindi naman daw siya nanghihingi ng kapalit.

Minsan isang gabi may narinig ako na umiiyak. Dahan dahan akong naglakad sa hallway, at nakitang naka bukas ang lamp sa kwarto ni Harry. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya nasilip ko siya mula sa labas. Siya yung umiiyak. At akap akap ang isang photo album. Maya maya pa, tumahan na ito parang nakatulog. Naalala ko ang kwento ni Jenny.

Hindi ko binanggit kahit kanino ang nakita ko noong gabing yun. Naawa ako kay Harry. Kahit parati siyang nakangiti, kita sa mata ang labis na lungkot. Parati ko tuloy naiisip kung ano ang kwento ng buhay niya.

Gusto ko mang magusisa kay Jenny, di ko na ginawa.

Naglilinis ako ng bahay ng mapansing nakabukas ang pinto ng kwarto ni Harry. Lumapit ako at akmang isasara iyon. Isang bagay ang naging dahilan para matukso akong pumasok.

Ang photo album na nasa sahig.

Malakas ang kabog ng dibdib ko ng pumasok ako at pinulot iyon. Dahan dahan ko itong binuksan. Sa mga unang pahina, mga baby pictures. Litrato ng kanyang mga magulang at kapatid.

Maraming litrato doon. Natatawa nga ako sa iba dahil sobrang luma na at kupas na.

Isang litrato ang ikinagulat kong makita.

Isang litrato na magkasama kami. Malaki ang mga ngiti. Lasing. Nakaakbay siya sa akin. May band aid ako sa may kilay. Siya ay may tapal na gasa ulo. Halos nakaakap ako sa kanya. At may hawak kaming bote ng beer.

Pumatak ang luha ko at tumakbo palabas.

Kilala ko na kung sino si Harry!

Si Kuya Harry.

Bumuhos ang lahat ng ala ala ko. Ang unang araw na nagkakilala kami. Ang unang beses na nakapasok ako sa bahay nila. Si Manang Doring - lahat. Maging ang nangyari sa Zambales.

Nabalot akong muli ng hiya ng maalala ko iyon. Malaki ang atraso ko sa kanya. Di ko mapigilang humagulhol sa pagiyak.

Nakatayo ako sa may veranda ng marinig ko ang boses niya.

"Miko, may problema ba? Bakit ka umiiyak? may masakit ba sa iyo?" paguusisa niya sa akin.

Humarap ako sa kanya. Nanlalabo na ang mata ko sa luha. Wala akong ibang nasabi noon.

"Kuya?" di ko napigilan tawagin siya ng ganoon.

"Miko?" At pumatak ang luha nya.

Tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Ayaw ko na siyang pakawalan.
Naramdaman kong muli ang yakap na matagal na nawala sa buhay ko. Naalala ko na ang lahat. Sa di maipaliwanag na dahilan, naramdaman kong buo na akong muli.

Kasama ko na ulit si Harry.

Kumalas ako sa pagyakap sa kanya. Lumuhod ako sa harap niya.

"Harry. Napakalaki ng atraso ko sa iyo. Walang makakapantay sugat sa pagkatao mo na ako ang nagdulot. Sana, sa huling pagkakataon, makita mo sa puso mo ang patawarin ako. Magpapaalipin ako sa yo habang buhay para lang makabawi sa mga kasalanan ko." at walang tigil ang pag agos ng luha ko.

Itinayo ako ni Harry.

"Matagal na kita napatawad. Matagal kong hinintay na marinig sa iyo ang humingi ka ng tawad sa lahat, pero alam mo, matagal na kita napatawad.

Masakit ang malaman noon na umalis ka.

Nasaktan ako. Gusto ko magalit sa iyo. Gusto kita sumbatan. Pero hindi ko magawa.

Nang malaman kong naaksidente ka, parang hindi ko alam kung paano mabubuhay. Lalo pa nung dalawin kita at hindi mo ako naalala, parang gusto kong matapos na ang buhay ko.

Hindi ako sumuko. Hindi kita kayang pabayaan. Kaya isinaayos ko ang lahat para maibalik mo ang dati mong lakas.

Kasabay noon ang pagasa na maalala mo pa ako"

Sobrang tuwa ang naramdaman ko noon. Tinitigan ko si Harry. At sa kung anong pwersa ang nagtulak sa akin, hinalikan ko siya. Marahang halik ang idinampi ko sa malambot niyang labi.

"Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sa iyo sa Zambales. Pinapatay ako ng konsiyensya ko na nagawa ko sa iyo iyon. Pero ang mga halik mo ang nagturo sa akin sa mga tanong na mayroon sa buhay ko, kung ano ang kulang.

Ikaw Harry. Ikaw ang kulang sa buhay ko.

Kailangan kita. Dahil mahal na mahal kita" At inakap ko siya ng sobrang higpit.

"Nagulat ako sa nangyari sa Zambales. Napwersa ako noon. Pero may bahagi sa pagkatao ko ang napunan. Nagustuhan ko ang nangyari.

Bago iyon, naisip ko na ipagtapat ang nararamdaman ko. Na nagseselos ako kay Michelle. Na mahal na kita, Miko.

''I loved you first"

At muli. Inakap ako ni Harry.

Masaya ang araw na iyon. Lalo na ng malaman ng mga kasambahay at ni Manang Doring na bumalik na ang memorya ko. Inamin na din namin sa kanila na nagmamahalan kami. Hindi na daw sila nagulat.

Matagal na daw napansin ng lahat na mahal namin ang isat isa.

Iniuwi ko si Harry sa Batangas para magpaliwanag sa Inay. Nagulat ang aking ina.

"Anak kita Miko. At tatanggapin kita kahit sino o ano ka pa. Maging mabuti kayo ni Harry sa isat isa"

-----

Ngayon, nagsasama na kami ni Harry. Nag resign na din ako sa trabaho at tinulungan siya sa negosyo.

Hindi na naulit ang marahas kong pag trato kay Harry. Ngayon, mas bukas na ang isip namin sa mga bagay na magpapaligaya sa amin, lalo na sa sexual aspect ng relasyong gaya sa amin.

Discreet kami pareho at marami pa ring lumalapit sa amin.

Ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit mainiting ang ulo at basag ulo siya - dahil seloso ang kuya ko!

…Ayaw niyang nilalapitan ako ng kahit sinong may pagnanasa sa kin. babae man o lalaki.

Marami pa kaming daraanan. Pero dahil alam ko na kakayanin namin. May tiwala ako kay Harry, malalampasan namin lahat yun.

Hindi na mahalaga sa akin ang malaman o madiskubre ang pagkatao naming dalawa. Masaya kami at mahal namin ang isat isa.

At kaya kong isuko ang buhay ko para sa kanya.

Kay bestfriend, kay Harry, kay kuya.

Sa mahal ko.

WAKAS

8 comments:

  1. Brilliant writing.

    - David

    ReplyDelete
  2. Sana ganito rin natapos ang istorya namin kaso hindi. :( pero umaasa pa rin ako.

    ReplyDelete
  3. Salamat author tinapos mo yung kwento mo, matagal ko din kase inabangan 'tong kasunod mong kwento. Nainspired nyo miko & Harry :)

    ReplyDelete
  4. Pinasaya ako ng kwentong ito .. at ang wakas ..tama ba yun .. ang paiyakin ako .. grabe .. sana hinabaan pa..

    ReplyDelete
  5. Thanks author sa storya mo. Kahit papa ano na ease yung sakit na nararamdaman ko. Hay sobrang sakit na pkawalan ang mahal mo.. salamat ulit author

    ReplyDelete
  6. Kılıg much...... Haha.. Karelate aq. May partner DN aq. 3yrs n kmı. Pero walang nakakaalam. Hehe. Dscrıt kmı pareho. Gwapo xa ,maganda katawan, lakas ng sex apeal... pag nag lolove makıng kamı, xa botom. Aq nakauna sa kanya. Even suck ndı ko gınagawa.. Mahal ko xa xobra...kaya One of these days, papayag na ko magpavrgn sa kanya. Haha talandı... Wala lng... Nashare q lng..

    ReplyDelete
  7. Thanks for the wonderful love story. Sana me part 5 p. Hehehe...

    ReplyDelete

Read More Like This