Pages

Sunday, August 24, 2014

Private Nurse on Duty (Part 5) FINALE

By: Ian

Ayaw ko ang nakikita ko nang mga oras a iyon. so I decided to go out of the room,,, Hinila niya ako papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit.. and he keeps on whispering "Im sorry,,, Im sorry" at the back of my ear.. and I know umiiyak din siya kasi ramdam ko ang luha niya sa aking batok...
Pero hindi tama... Nagpumiglas ako... Kumawala at lumabas ng kwarto..

"Friend,,,emergency lang... ikaw na muna pumalit sa shift ko... need to go home asap thanks!" txt ko sa ka work ko na off that day,,, "Okay,, on my way na" agad naman reply... Hindi na lumabas si Marco ng room niya,,, Umuwi ako ng hindi nagpapaalam.. mabigat ang kalooban,,, Haaay nakakalungkot talaga,,,
Deretso sa dorm,,, nagkulong,,, nag mukmok at nag iiyak,,,

...... Hindi ko alam kung ano ang iisipin.Ayaw ko man mag duda pero sa tono ng message na nabasa ko alam kong alam niyo rin na hindi ako nagkakamali sa mga hinala ko...... .txt siya ng text and I know he attempted to call kaso nka blocked ang incoming calls ko. Wala akong sinagot ni isa sa kanyang mga mensahe... I tried going out with some of my colleagues para makapgisip isip... pero wala... Nasasaktan ako... Hirap isipin na ang taong pinagkatiwalaan mo ay sisirain ka lang ng ganun ganon...

For the past few days hindi ako pumasok ng duty.. until I decided to let go of my patient. Nagmessage ako kay manang at sa mga co nurses ko na mag quit nako sa work... for some personal reasons na pinaabot ko narin kay Marco.. Wala naman din silang magagawa so pumayag na din..

Knock!!! Knock!!! Knockk!!!! Nagising ako sa lakas ng katok sa dorm ko.... Actually I was expecting some friends to drop by.. Kaya nagbihis ako ang opened the door... Oh well... Si Marco... "O anong ginagawa mo dito?" pasungit kong tanong... "Pwede ba tayong magusap?
Pwede pumasok?" ang sagot niya.. Umiling ako... "Wala na tyong dapat pagusapan pa...Okay na ako ng ganito... kung i oopen mo lang yung about dun.. Hindi rin tayo magkaka ayos" ang sabi ko... ng biglang may lalaking dumungaw sa likod niya...

"ANDREW???!!!" ang sambit ko... alam ko na nag iba ang itsura niya pero sure ako na si Andrew iyon...

Si Andrew,,, for old time sake.. we were dating before back when I was in college. Siya ang tipong allergic sa commitment... For more than 9 mos nag date kami walang kinapuntahan... Nainlove ako sa kanya ang something happened to us. pero hanggang dun lang yun. Alam ko na wala kaming pupuntahan kaya I decided to end our M.U. status..

"Ian, kumusta?" ang sabi ni Andrew..

"Wait, magkakilala kayo?" ang biglang singit ni Marco

"Yes, ex ko" sabi ni Andrew

Umiling ako "Friend ko" ang sabi ko... ngayon ko lang na realize na siya ang Drew na sinasabi nila na ex ni Marco..

Hindi na ako naging emosyonal pa... gusto ko nalang maayos ito at matapos na... Kasi kung hindi ko aayusin itong gulo, kukulit kulitin ako ng mga ito... at alam ko ang ugali nilang dalawa.. hindi ako matatahimik... kaya pinapasok ko din sila sa room ko...

Nag usap-usap kami... Kinonfirm ko ang mga bagay bagay.. And yes.. nagmula sa kanilang mga bibig.. mag ex nga sila,,, Masakit na parang sa biglang dating netong si Andrew ipagpapalit ako agad ni Marco sa kanya...

Nag deny sila about dun sa nabasa ko sa txt messsage... Gumawa sila ng alibi... na kahit bata hindi maniniwala...
Nakipag ayos ako sa kanila... para wala ng pag uusapan.. Pinauna ni Marco si Andrew na lumabas...

"So, okay na tayo Hon?" ang tanong niya.. "Yes" ang matipid kong sagot... "Im sorry, for lying to you about what happened, I Love you Hon..." sabi ni Marco sabay hug sakin... "I Love you too Hon" I hugged him at hinatid siya sa labas ng dorm... Umuwi na rin si Andrew ang sabi niya...

Im used to this situation.. Ive been in the worst relationship before (sa tingin ko)... Naging tanga ako in the name of love... Kung anu-anong kagaguhan ang pinag gagawa ko just to save the relationship.. Pero this time I wont let it happen again... Its too much... Harap-harapan na akong niloloko.. And I know that. I guess its time to move on...

Hindi ko na pinaabot ng kinabukasan.. I asked my Land lady na i terminate na yung contract ko sa dorm. Nag explain ako and she agreed... Umuwi ako that night sa bahay namin sa Magalang... I changed my simcard. Removed Marco's number. deactivated my facebook. And asked my friends not to give out my number to anyone.. Nowhere to find..

For almost 2 weeks akong nag mukmok sa kwarto... Anlaki ng ipinayat ko... Ganyan talaga pag depressed... Pero eventually darating at darating tayo sa stage of acceptance.. Wala kaming formal break up. I even let him believed na okay kami,. And thats it. I guess its over na talaga..

After a month.. I decided to move to Manila... Actually a friend of mine helped to get a job. As company Nurse..
Six month-contract. And finally started to work... Inenjoy ko nalang every moment... Nag trabaho ako ng maayos, nag ipon for my savings, and yes I still go out with some friends and colleagues. Di ko panabayaan ang career ko as well as yung social life ko., Sex life has been a vital part of it.. Pero love relationship for me seems not to exist.

On my fifth month sa work.. a good news came... my application for Canada was approved... Visa application nalang then fly nako... I resigned from work immediately, hindi naman ako nahirapan kasi I have good standing nman and ok naman ang mga boss ko...

I decided to go home that night to share the good news to my family at syempre konting celebration.. Off to Cubao para sumakay ng 5star bus going Pampanga...

Bumili ako ng pasalubong for my kapatid.. tapos nagdala din ako ng ibang kagamitan ko sa apartment para mabawasan na ang iuuwi ko...

Pag sakay ko ng bus na medyo puno na... nakitabi ako sa isang guy...

"Yan?!!!" sabay niyang sabi... Alam ko kung sino yung guy.. pero dahil nag iba itsura niya it took time para makilala ko siya.. and finally... "Marco?!!! kumusta? anung nangyari sayo? shit. bakit ampayat mo?" ang naisagot ko sa knya...Napangiti siya... "Ikaw kasi ehhh" ang sagot niya...

Alam kong wala nkong feelings para sa kanya... pero mali pala ako... bakit may kurot? Bakit parang ang saya saya kong makita siya? Ang weird lang... Shet mahal ko pa ata itong taong ito...

Nagusap kami,,, Una medyo light lang,, kumustahan about sa work,,, about sa nangyari...nalaman ko din na namatay na si Lolo Robert. Nakakalungkot pero atleast hes in a better place na... Going Dau ang bus kaya maikli lang ang oras ng paguusap..

"O cge una na ako..." sabi ko kay Marco nung pauwi nako..(pero sa totoo lang ayaw ko pa siyang iwan at may hinihintay akong sabihin niya). as I walk away.... "Yan tara dinner muna tayo" ang sigaw niya... "Tara Mcdo. !!!" Ang mabilis kong sagot sa kanya... at nagpunta kami sa pinaka malapit na Mcdo and ate our dinner..

"Anung nangyari sayo? Bakit bigla mo akong iniwan? Bigla kang nawala? akala ko ba okay na tayo?" ang bigla niyang tanong... "nasaktan lang ako kaya ganun" ang sagot ko... "Sorry ulit ahhh...sa nagawa ko... " sabi niya... "Ok na yun, wala na sa kin yun" sabi ko...

Npagusapan namin ang tungkol sa amin... Para sa akin tapos na.. kasi naman ako na ang lumayo at nagtago sa kanya... sinabi ko din na hindi ako naniniwala sa alibi niya about sa issue... Inamin niya din na nagsinungaling sila ni Andrew...

Akala niya daw mahal niya pa si Andrew that time kaya gusto niyang pagbigyan ang sakanila... Hindi niya naisip na masasaktan ako kapag nalaman ko.,, Bumabalik si Andrew sa kanya nung time na umalis at nagpakalayo ako.. But thats the time he realized daw na ako pala talaga ang gusto niya..Hinanap niya ako.. Pero nagkasabay sabay lahat ng problema,,, sa work ..kakaisip sa akin at kay lolo kaya ganun bumagsak ang katawan niya. Mangiyak-ngiyak kwento habang nasa Mcdo kami... Na i kwento ko na din ang side ko. nag nagkaayos naman kami..

"Samahan moko sa bahay... wala akong kasama doon... Nalulungkot ako Yan" ang sabi niya habang pasakay kami ng jeep... Sa totoo lang namiss ko tong taong ito.,,, gustong gusto ko na siyang mayakap at mahalikang muli... Bakit pako magpapakipot? Pumayag ako at sumama sa bahay nila...

Malungkot ang ambiance ng bahay... amoy ko pa ang amoy ng nalalantang bulaklak ng patay... Pagkapasok namin... naligo ako.. tpos sumunod siya.,,, at nahiga sa kama...

"Alam mo, akala ko wala nakong feelings para sayo" sabi ko

"Anlaki ng pagsisisi ko kung bakit ko nagawa sayo yun" sagot niya

"Baka nakokonsencia ka lang" sagot ko

"Oo na guguilty tlga ako.. Bkit ba kita sinaktan.. e mahal na mahal kita" ang sabi niya

"Ang corny mo ah" ngiti kong pasagot... para di gaanong malungkot ang mood

"Pwede bang maging tayo ulit?" tanong niya

Hindi ako sumagot... humarap lang ako sa kanya at hinalikan ang kanyang mga labi....

"ILOVE YOU HON" ang pabulong kong sabi

"I LOVE YOU TOO HON" ang mahina niayang sagot at sabay halik sa aking mga labi

Gumanti ako ng halik...

Muli kong naramdaman ang pagmamahal niyang matagal ko nang hindi nararamdaman,,,

At sa wakas...

bumalik na siya. ..

..........end

11 comments:

  1. ito ang hinihintay ko e...tama talaga ang kasabihan na; panahon lang ang makakapagsabi. hindi mo man mapatawad ngayon pero darating ang panahon gaano man ito katagal ay maghihilom din ito.

    ang cute ng story i bet hindi na siya aalis.

    ReplyDelete
  2. Ohhh myyy ohh natuloy kaba mag ibang bansa? Ot mebitin ku sana aku din mika relasyun nku itang seryoso itang enaku lokwan...

    ReplyDelete
  3. Hay, love finds it way! ��

    ReplyDelete
  4. super like kuh tong story na toh...iba talaga ang kapangyarihan ng pagibig

    ReplyDelete
  5. Makakilig ya talaga ni. Haha destiny me talaga i marco! stay inlove!♥♥

    ReplyDelete
  6. If you love someone. Let him go. Of he comes back. Hes the one! ;)

    ReplyDelete
  7. eh paano ngayon ang approved application mo papuntang Canada? iiwan mo sya uli? bitin ang kwento mo kaibigan.

    ReplyDelete
  8. Edi kayo na ang pumunta... maganda sana ung parts 1,2,3 pero nung 4 medyo wala at lalo naman sa five. Tss.


    #goodLuck ulit sa in.ung relasyon

    ReplyDelete
  9. I can relate to marco.
    matagal kaming di nagkikita ng bf ko tpos andami pa namen pinagtatalunan ang kaso kse minsan ang kitid ng utak nya at due to communication problems pero mahal na mahal ko sya all his imperfections and flaws. kaso last time someone texted me it was my ex. 9mos ago din nung huling maayos pa namin na usap. and then there he is saying na mahal nya pa daw ako. na ako pa rin daw. but tinapat ko sya na i can no longer reciprocate his love kase im committed to someonelse. pero bakit ganun i must say may kurot pa din at may joy pa din nung tinext nya ko.

    ReplyDelete
  10. What happened na dun sa magiging job mo sa Canada? Iiwan mo ba ulit si Marco? Update please! :)

    ReplyDelete

Read More Like This