Pages

Sunday, August 24, 2014

Yakap ng Langit (Part 9)

By: James Silver

Chapter 9: Raffy's POV

Nakatulog na si James sa kakaiyak, Hindi ko na sya ginising pa, para magbihis. Gusto kong makapagpahinga sya ng maayos, at makalimutan nya kahit sandali ang malagim na nangyari sa buhay nya. Kinumutan ko sya at niyakap. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Napakayabang ko para sabihing puprotektahan ko sya. Pero anong nangyari? Wala akong nagawa, wala ako nung mga panahong mas kailangan nya ng masasandalan. Wala ako nung mga panahong sumisigaw sya dahil sa sakit.

Habang nag-uusap kami kanina ay may mga bagay akong hinihintay na marinig. Pero hindi nya sinabi. Hindi nya na kailangang sabihin dahil kahit anong mangyari ay igaganti ko sya. Si James ang kinanti nila, kaya walang pagsidlan ang galit na nararamdaman ko. "putang ina nila, Ipaparamdam ko sa kanila ng sampung beses ang impyernong ipinaranas nila sa taong pinaglaanan ko na buhay ko".
---
Ilang buwan na rin ang nagdaan, at patuloy lang kami sa pamumuhay bilang mag-asawa. Sinabi nya sa akin na kalimutan na lang namin ang lahat ng nangyari sa mga buhay namin. Ang mga masasakit na nakaraan ay parte na lamang ng nagdaang panahon. Tapos na, at hindi na namin kailangang balikan pa. Magpatuloy na lang daw kami sa pamumuhay ng masaya at malayo sa anumang problema. Pero sadyang hindi ko matanggap ang nangyari kay James. Kailangan ko ng mahabang panahon para makalimutan iyon. Gusto kong gumanti, gusto kong makabawi si James sa kanila. Hindi magiging kumpleto ang kaligayahan ko kung may ganito kabigat na dalahin sa loob ko. Ayaw kong sirain ang maligayang pagsasama namin ni James. Kaya hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol doon.

Nalaman na ng daddy ko ang ginawa naming pagtatanan ni James. Pinagtakpan lang kami ni mommy kaya inabot ng matagal bago nya nalaman ang lahat. Hindi pa rin nya kami tanggap. Nag-away sila ni mommy na naging dahilan para umalis ito at makipisan sa mga magulang ni James.
Natigil na rin ang pagpapadala ni mommy ng pera sa amin. Napagkasunduan namin na ang natitira nyang pera ay gamitin na lamang sa pagtatayo nya ng maliit na negosyo. Hindi na ako nagreklamo. Nakapag-college naman ako kaya madali lang para sa akin ang maghanap ng trabaho, kahit maliit lang ang sahod. Bumili sila ni nanay Martha ng isang pwesto sa palengke upang makapagtinda sila ng karne. Maabilidad silang pareho kaya hindi ako masyadong nag-aalala sa kanila. Alam kong kaya nilang palaguin iyon.

Wala na kaming suportang tinatanggap. Kaya naman kailangan na naming kumayod para suportahan ang mga sarili namin. Walang mataas na pinag-aralan si James kaya nahirapan syang maghanap ng trabaho. Pero nakita ni kuya Tonio na mapapakinabangan ang laki ng katawan nya sa pangingisda. Nagtatrabaho kasi si kuya Tonio sa Senday Diego Fish Dealer. Sila ang nanghuhuli ng isda at ibinabyahe naman ito papuntang Maynila para doon ibenta. Doon nya ipinasok si James.

Gigising ako ng ala-una ng madaling araw para asikasuhin si James. Ipaghahanda ko sya ng kakainin nya dahil maaga silang umaalis dito sa Irawan. Gabi na rin kung umuwi. Kung minsan pa ay inaabot sila ng dalawa hanggang apat na araw sa pangingisda. Alam kong napakahirap ng trabahong napasukan ni James kaya naman tinutukan ko talaga ang pag-aaral ng pagluluto. At sinisiguro kong makakapagrelax sya ng husto pag-uwi nya.

Ako naman ay nakahanap ng trabaho sa NCCC bilang promodizer. Nahihirapan din ako dahil may kalayuan ito sa bahay namin. Gusto ko sanang yayain si James na lumipat na ng bahay para malapit lang, kaso sa tuwing makikita ko syang aliw na aliw sa pagtambay sa maliit na balkonahe eh bigla na lang nagbabago ang isip ko. Kitang kita ko kasi na gusto nya talaga dito. Kaya kahit nahihirapan ako sa byahe ay, hindi na ako nagreklamo. Ano ba naman ang mahirap sa maghapong nakatayo kumpara sa paghahatak ng lambat na punong puno ng isda.

Naging masaya nga kami sa napili naming buhay. Sana wag ng matapos. Hindi man kami kasal ni James ay damang dama ko naman na tunay na kaming mag-asawa. Ito lang naman ang pinangarap ko eh. Ang makasama sya ng habang buhay. Kung noong una ay panay-panay ang pagtatalik namin, ngayon ay medyo nabawasan na ito. Naging busy na kasi kami pareho sa trabaho eh. Pero nagagawa pa rin namin iyon sa tuwing may pagkakataon. Ang mahalaga lang naman ay alam nyang mahal ko sya at mahal nya ako kahit na walang sex.

Isang malamig na umaga. Wala akong pasok at ganun din si James. Tsk! Ok, ang totoo nyan nagpapalit ako ng schedule sa kasama ko, dahil alam kong hindi papalaot sila James ngayon. Baligtad na ang naging ugali namin ni James. Tanghali na sya kung magising at ako naman ang maaga. Ako na rin ang nagluluto para pag gising nya ay kakain na lang sya. Ginagawa ko ang lahat para maging sulit ang pagpapahinga nya. Dalawang beses lang kasi sa loob ng isang buwan sila nakakapagpahinga.

Habang nagluluto ako ay nagising bigla si James. Nilapitan nya ako at niyakap.

James: Mahal!. bat di mo ako ginising?

Raffy: Eh, Sabi mo kagabi hindi kayo papalaot.

James: Oo nga, pero sana ginising mo pa rin ako. Namimiss ko na gumising ng maaga eh. Uhhhm! Ano yang niluluto mo?

Raffy: Edi yung paborito natin.

James: Wow! san ka natuto nyan ah?

Raffy: Tinuruan ako ni ate Celia. (Mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin at magkadikit ang mga pisngi naming dalawa) Sandali lang, ipagtitimpla kita ng kape.

James: Wag na ako na lang, dami mo na ngang ginagawa eh. (napakalambing ng boses nya)

Raffy: Ako na! Umupo ka na nga lang dyan at ako na ang bahala sa lahat ok?

Inahon ko muna ang niluluto ko bago ko sya ipinagtimpla. Pinaupo ko na lang sya. Pinagsilbihan ko sya na parang amo dahil gusto kong relax lang sya. Nakikita ko nga ang pagkailang sa mukha nya habang ginagawa ko ang mga bagay na 'to eh. Napansin ko sa kanya na mas lalong lumalaki ang katawan nya. Dahil siguro sa mahirap na trabahong pinagdadaanan nya araw-araw. Pero kahit minsan ay hindi ko sya narinig na nagreklamo tungkol dun. Matiyaga talaga sya at matiisin, yun ang isa sa napakaraming bagay na hindi ko makita sa iba.

Ibinigay ko sa kanya ang tinimpla kong kape. Ipaghahanda ko na rin sana sya ng makakain pero hinawakan nya ang kamay ko at ikinandong ako sa hita nya tsaka nya ako niyakap ng mahigpit.

James: Mahal, thank you sa pag-aasikaso sa akin ah! (sabay halik sa balikat ko)

Raffy: Hindi mo naman kailangang magpasalamat sa akin eh. Syempre obligasyon ko 'yon sa'yo. Wala naman ibang gagawa nun eh.

James: Kahit na! Salamat pa rin. Sana hindi ka magsawa sa akin.

Bumaling ako sa harap nya at hinaplos ko ang buhok nya. Hinalikan ko sya sa noo.

Raffy: Hinding hindi ako magsasawa. Hindi ako mapapagod na mahalin ka, dahil sa lahat ng naging desisyon ko sa buhay. Ikaw lang ang tama.

James: Salamat. Pag ayaw mo na sa akin sabihin mo kaagad ah.

Raffy: Siraulo ka, ano ba yang pinag-iisip mo?

James: Para alam ko kung ayaw mo na. Kasi pag ayaw mo na sa akin, liligawan kita para magustuhan mo ulit ako. Liligawan kita habang buhay.

Kinilig talaga ako sa sinabi nya, parang nangingisay ako sa kilig. Sa sobrang OA ng pagkakilig ko eh, natumba kaming dalawa sa upuan at napahiga sya sa sahig.

James: Aray ko puta! Ansakit ng likod ko. Malikot ka kasi eh, tsk! kotongan kita dyan eh.

Raffy: Eh kung bigwasan kita dyan, pinaupo mo ako sa hita mo alam mo namang mabigat tayo pareho eh.

James: Eh, gusto kitang lambingin eh. Tsk!

Raffy: Kaya nga ikaw ang may kasalanan. Ang aga aga nilalandi mo ako.

James: Tanga! Pag nilalambing ba kailangan talagang magaslaw, hindi ba pwedeng kiligin ng hindi nagdedeliryo? Pag kinilig ka kasi para kang bulateng nilagyan ng asin eh.

Raffy: Abat tarantadong.... .. .., Ipaghain mo yung sarili mo mag-isa ah. Tsaka mag-igib ka nga ng tubig dun. Lagyan mo ng laman yung drum.

(akmang kokotongan nya ako kaya medyo napailag ako.)
James: Eto! Ansakit pa nga ng likod ko eh, pag-iigibin mo kaagad ako. Ambigat mo kaya, magdiet ka na kasi tumataba ka na eh. tsk! (tsaka lang ako tumayo)

Raffy: Tsk! Pag ako nakapag gym, maglalaway kang lintek ka.

James: Wesus! Para namang mapapanindigan mo yang pagji-gym na yan. Sa tamad mong mag-exercise, gym pa kaya. Naku wag nga ako lokohin mo Raprap.

Raffy: Huh! Tignan natin. Pag naging macho katawan ko, wag kang makatabi-tabi sakin ah. Itong gwapo kong 'to tapos magpapamacho pa ako. Pipilahan ako ng mga babae noh!

James: Waahhahahaha! Pipilahan? Utot mo. Bakit ikaw lang ba marunong mambabae? Marunong din ako nun uy, ako pa tinakot mo ah.

Raffy: Subukan mo mambabae, kakaladkarin ko kayo pareho. At sabay ko kayong igagapos doon sa puno ng mangga.

James: Ikaw nagawa mo na ng isang beses, Bakit ako hindi pwede? Ano, laging ganyan ipapanakot mo sa akin? Mag-isip ka nga, kaya ko ring gawin yung mga ginagawa mo uy!

At nauwi na nga ng tuluyan sa away ang diskusyon naming iyon. Ewan! Gustong gusto ko na sya lapitan pero, talagang naiinis ako. Mahaba pa ang naging bangayan namin. Pagkatapos ay nag-igib na sya ng tubig. Nang matapos na sya mag-igib ng tubig ay tumambay sya sa duyan. Nagpapakiramdaman lang kami at hindi kami nag-uusap. Simula nung mapasok si James dun sa trabaho nya ay natutunan nya nang manigarilyo. Pero pag nandito sya sa bahay ay hindi nya ginagawa. Pwera na lang pag ganitong nag-aaway kami, panay ang sindi nya ng sigarilyo. Para lalo akong maasar. "bwiset!" gigil ko sa isip ko. Maya maya pa ay dumating si kuya Tonio. Niyaya nya si James na mag-inom dahil dumating daw si kuya Cesar na isa rin sa mga katrabaho nila.

Kuya Tonio: Raprap, baka gusto mo ring sumama mag-inom nandyan si kuya Cesar eh.

Raffy: Ah, kayo na lang po kuya. Dito na lang po ako sa bahay.

Pagkatapos ay umalis na sila. HIndi man lang nagpaalam sakin yung gagong yun. Nakakainis! BWiset! BWiset! sa sobrang gigil ko ay muntikan na akong matapilok sa kakapadyak ko. Ang aga aga pa ng inuman nila, hindi pa kumakain yung tarantadong 'yon. Hmp! Bahala nga sya.

Mahaba na ang naging inuman nila. Pero wala akong balak na sunduin yung lintek na 'yon doon. Maghihintay na lang ako dito.

Hapon na wala pa rin sya. Tsk! Baka lasing na 'yon ah. Naghahanda na ako para magluto dahil maya-maya lang ay mag-gagabi na. Baka kasi maghanap ng pagkain si mokong. Papunta ako ng tindahan, kailangan makabili na ako ng mga kakailanganin ko dahil maaga magsara ang mga tindahan dito. Wala nga kasing kuryente. Para masilip ko na rin si kurimaw kung ano na ang nangyayari sa kanya. Nang makadaan na ako sa harap ng bahay nila ate Celia ay nakita ko na ang kumpol ng nag-iinuman. Pero wala si James. Kaya lumapit ako at nagtanong. Sinagot naman ako ni kuya Cesar.

Raffy: Asan po si James?

Kuya Cesar: Aynaku andun mukhang may dinadale na yung pinsan mo sa loob.

Nanlamig ako sa narinig ko. Syet, parang biglang nawala lahat ng lakas ko sa katawan. Walang preno ang sagot ni kuya Cesar dahil ang akala nya ay magpinsan kami ni James. Nakita ko naman si kuya Tonio na napatungo na lang at narinig ko ang sinabi nyang "patay!". Doon ako lalong kinabahan. Hindi na ako nagpaalam dahil alam naman ni kuya Tonio ang nararamdaman ko. Dire-direcho akong pumasok sa loob ng bahay nila. May galit at matinding sakit sa loob ko. Naninikip na ang dibdib ko. Puta parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Nakakapraning. Iniisip ko kung ano na ang ginagawa nila. Baka naghahalikan, nagkakainan. Nagkakantutan na at lunod na lunod na sa kaligayahan ang mga hayop. Naluluha na ako sa sobrang bigat ng nadarama ko. Iniisip ko kung ano ang masakit na daratnan ko pag nakita ko na sila. Baka nakapatong na si James dun sa kasex nya PUTA talaga. Grrr! Umakyat kaagad ako sa kwarto para hindi na sila makapagtago pa at makapagkaila. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko si ate Celia, yung isang babae na kasama nila at si James na panay ang tawa. Halata na rin ang pagkalasing nya kaya makulit na. Bumabangka sa kwentuhan 'tong gago na 'to. Nangangatal ang bibig ko at punong puno ng luha ang mukha ko nang makita nila ako.

Ate Celia: Oh, Raprap anong nangyari sa'yo?

Nang makita ako ni James ay nagmadali syang lumapit sa akin. At agad akong niyakap sabay hinawakan ang magkabilang pisngi ko, para pahirin ang luha ko.

James: Oh! Mahal anong nangyari sa'yo.

Babae: Ay sya ba yung asawa mo? Grabe ang gugwapo nyo naman palang mag-asawa.

Ate Celia: Haynaku, maglaway ka na lang hahahaha. At hindi mo kayang paghiwalayin yang dalawang yan. Napunta pa yan dito para makapagtanan. Kaya mainggit ka na lang hanggang gusto mo.

Babae: Sobrang nakakainggit nga eh. Kahit sino sa kanilang dalawa pwede hahaha.

Hindi na ako halos makasagot dahil lulong pa rin ako sa emosyon. Pero gumaan na ang pakiramdam ko.

James: Mahal uy magsalita ka naman. Ano bang nangyari sa'yo.

Raffy: WAla! (halos pahagul-gol kong pagsasalita)

James: Wala? eh bakit ka umiiyak? May nangyari bang hindi maganda? Sabihin mo na kasi nag-aalala ako oh.

Napayakap ako kay James ng mahigpit at ganun din sya sa akin. Lalo lang akong napaiyak ng husto sa sobrang saya at kapanatagan. Na hindi sya nakuha ng iba, at hindi nya ako nagawang lokohin.

Kuya Tonio: Wahahahaha, akala nya nambabae ka na hahahahaha!

Biglang pasok ni kuya Tonio sabay hagalpak nya ng tawa. Mukhang lasing na lasing na si kuya Tonio kaya anlakas na mantrip. Pero hindi ko na sya pinansin baka kasi mainis pa ako at masigawan ko pa sya. Mag-away pa kami.

James: Akala ko kung ano na. Kuya Tonio talaga oh, pinagtripan mo naman 'tong asawa ko eh.

Kuya Tonio: Pasensya ka na Raprap, at lasing na si kuya eh kaya malakas na ang trip.

Ate Celia: Kaya naman pala parang sinakluban ng langit at lupa yung mukha ni Raprap eh. Siraulo ka talaga Tonio, matulog ka na nga! (sigaw ni ate Celia)

Kuya Tonio: Sorry na my labs. Eto na matutulog na ako my labs.

At direchong umakyat si kuya Tonio at humiga sa papag. Lintek talaga, para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nangyari.

James: Sige ate Celia uwi na rin kami, nireraker na ako eh. Sige ate Jean.

Ate Jean: Sige na, Ay ano na nga pangalan ng asawa mo?

James: Raffy po.

Ate Jean: Raffy, alam kong maganda ako pero hindi ko inakit yang asawa mo ah. Ayaw kasi magpaakit eh. Wala akong ginawa dyan ah, nirape ko lang sya sa isip ko. hahahaha.

At sabay sabay silang nagtawanan tawanan. Ako naman ay tuliro pa rin ang utak, dahil parang napahiya ako sa sarili ko. Pero magaan na ang loob ko. "Salamat naman" nakahinga ako ng maluwag.

Paglabas namin ay nakita kami ni kuya Cesar.

Kuya Cesar: Oh! Uuwi na kayo? Tsk! maaga pa ah.

James: Hehehe. Hindi na po pwede eh, bawal na. Masesermonan na po ako eh.

Kuya Cesar: Naku naman. Iniwan nyo na ko dito.

James: Sa susunod na lang po ulit.

Kuya Cesar: Ano pa nga ba. Sige at nang makauwi na rin ako, mukang tinulugan na ako ni Tonio eh.

Bumalik kami sa tindahan dahil nakalimutan ko nga pala yung bibilhin ko. At nang mabili ko na ang kailangan ko ay tsaka kami dumiretso sa bahay. Pagdating namin sa bahay ay naghanda kaagad ako sa pagluluto. Nakalagay lahat sa lamesa ang mga gagamitin ko. Hindi ko parin pinapansin si James. Nagtatampo pa rin ako kahit na alam kong wala naman syang ginawang masama. Ewan! Pagdating kasi sa kanya ang lakas talaga ng saltik ko. Naghihiwa ako ng mga rekadong gagamitin ko sa sinigang, nang umupo si James at inihiga ang ulo nya sa lamesa. Saliwaan ang kamay nya at yun ang ginawa nyang unan. Sabay titig sa akin.

James: Mahal. (malambing nyang pagtawag sa akin)

Raffy: Ano! (medyo may inis ko namang sagot)

James: Sorry.

Raffy: Ewan ko sayo!

James: Sorry na please, sorry na dun sa sinabi ko kanina.

Hindi ako sumagot at itinuloy ko lang ang ginagawa ko. Tumayo sya at lumapit sa akin. Niyakap nya ako at isinandal ang ulo nya sa ulo ko. Analakas ng amoy ng alak at sigarilyo sa kanya. Lalakeng lalake ang amoy. Medyo amoy pawis na rin sya, pero parang ambango para sa akin.

James: Sorry na kasi mahal. I Love You! (paglalambing nya na naman, ako naman ay nag-uumpisa na namang kiligin)

Raffy: Labyu mo muka mo. (sabay hinalikan nya ako sa pisngi. Inilusot nya ang ulo nya sa pagitan ng kaliwang braso at bewang ko. Tiningnan nya ng malapitan ang ginagawa ko)

James: Mahal, anong lulutuin mo?

Raffy: Sinigang.

James: Asan na yung paksiw na GG kanina, inubos mo na?

Raffy: Papano ko uubusin yun, e hindi naman ako kumain.

James: Bakit hindi ka kumain?

Raffy: Sa tingin mo gaganahan ako kumain, eh inaway mo ako kanina. Nakakainis ka hindi mo man lang naisip yung mararamdaman ko. Basta mo na lang ako iniwan dito, hindi ka man lang nagpaalam.

James: Sorry na nga eh. Please! (nagpapabeautiful eyes pa 'tong senglot na 'to)

Bumalik sya sa dati nyang posisyon na nakayakap sa akin at nakadikit ang ulo nya sa ulo ko.

"Patawarin mo sana sinta,
'di ko sinasadya, WooOOh!
Sabihin mo na, kung anong gusto mo,
Lahat ay gagawin para lamang sa'yo"

Lintek sumakit yung tenga sa lakas ng pagkanta nya, nakatapat pa man din sa mismong tenga ko. Grabe, halos wala man lang ako narinig na tono sa kanta nya. Pumiyok pa sya ng lagay na yun ah. Hindi naman sa kayabangan pero talagang sasakit ang sentido mo pag narinig mong kumanta si James. Napakahilig nya sa kanta, pero talagang napakapanget ng boses nya. Pero sa totoo lang mabisa yung ginawa nyang pagkanta, nawala ang inis ko. Napangiti na lang ako.

Raffy: Tsk! itigil mo nga yan, ang lakas ng boses mo. Nakakahiya sa mga makakarinig para ka kasing umaatungal na baka.

James: Aray! Ansakit nung sinabi mo mahal. Napakayabang mo porke maganda boses mo. Tsk!

Raffy: Ay! Sorry kiss na lang kita (ako naman ang naglambing sa kanya)

Nang matapos akong magluto ay agad ko syang binigyan ng pagkain at naghatid ako kila ate Celia dahil medyo marami ang naluto ko. Yung sinigang na lang ang inulam namin, dahil hindi naman masisira yung paksiw na niluto ko kaninang umaga. At tsaka mas paborito namin ni James yung paksiw na galunggong na nalipasan na ng ilang araw.

Bago kami matulog ay tumambay muna kami sa balkon. Kapwa kami nakaupo sa barandilya at nakatingin sa langit.

James: Mahal, galit ka pa?

Raffy: Hindi, medyo naiinis lang. Natakot kasi ako kanina eh, pinagtripan lang pala ako ni kuya Tonio.

James: Bakit? Inisip mo ba talaga na kaya ko gawin sayo 'yon?

Hindi ako sumagot. Humawak sya sa posteng nasa kanan nya at iniakbay ang kaliwa nyang kamay sa akin.

James: Hindi ko magagawa 'yon. Hindi ko naman na siguro kailangang ulit-uliting sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Hindi ako magiging masaya sa iba. Kaya wag mangamba na baka makuha ako ng iba. Pag naligaw ako ng landas at napalayo ako sayo. Pangako ko, gagawa at gagawa ako ng paraan para makabalik sayo.

Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi nya. Sobrang seryoso nya habang sinasabi iyon. Hindi ko naman makuhang magbiro para mabago ang usapan, pero gusto ko talaga damhin ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya.

Alam ko, hindi pwedeng turuan ang puso. May sarili itong tono na hindi naririnig ng iba. Hindi ito pwedeng diktahan kung anong tunog ang nais nitong likhain. Kung minsan ay magulo ang nota, pag walang kasabay ang himig. Ngayon narito na, ang pusong tumutugma sa nilikhang tunog ng puso ko. Si James, ang kasabay ko sa pag-awit ng musikang kami lang ang nakakaalam.

Matutulog na sana kami ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Si mommy, bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

Raffy: James, si tatay.

26 comments:

  1. Omg next part plez... first comment!

    ReplyDelete
  2. Ang tagal ko inantay toh... kung totoo lang talaga toh, at nandito pa kayu palawan, ill make sure to find you here even if irawan is a quiet far from bayan... im so inlove with this story, cant wait for the next chapter... DK here frm palawan.

    ReplyDelete
  3. grbe SUPER GANDA TLGAH! Next na please :)

    ReplyDelete
  4. Wooohhh ang galing mo talaga author ang lakas ng kaba k habang binabasa ung part na pinag tripan c rap2 hehehe
    Kla k talaga may nangyari nah Kay James at sa girl ....
    Aabangan k next Sunday ang update mo author ha...
    .....jmc....

    ReplyDelete
  5. Hmmmm tagal ko inantay ito

    Jay 05

    ReplyDelete
  6. Nakakakileg amputa. Sweet eh whahaha. More pa pareng author.

    ReplyDelete
  7. this story was so nice....sa lahat ng binasa ko dito, ito lang ang inaabangan ko every sunday...

    na curious nako kung ano ang nangyari kay tatay...exited nako para sa next part of the story...

    Love you Author..Jhay Peei here

    ReplyDelete
  8. Bweset talaga ang story na ito.. Ahahaha super kaka inlove. Iniimagine ko ako si raffy at ang crush ko si james. Ahaha omg. Parang nanonood ako ng teleserye na every sunday pinapalabas. Ahahaha

    ReplyDelete
  9. this story is so riveting, emotionally charged.....really gets me drained after reading....talagang this is at par with my personal favorite, the lightning train commuters band, a true classic....to be fair there are a couple more that i follow, one of which is cebu coffee shops, very refreshing teen age love, nakakatuwa.... medyo nag digress ako, pasensiya na,,,,,yup, mr. author, you made us get on this roller coaster ride, loaded with a lot of emotions, tatawa ka, iiyak, magwo-worry, magagalit, kikiligin and so much more.....salamat :) - lbl

    ReplyDelete
  10. OMG, sobrang ganda ng story...thumbs up mr author.....:

    ReplyDelete
  11. Love to see this story in a movie theatre - thanks author

    ReplyDelete
  12. ANo po name ng model? Tnx��

    ReplyDelete
  13. Grabe..kinabahan ako dun!!grave galing tlga ni author!!nxt pls..

    ReplyDelete
  14. Wow! Speechless! Habang binabasa ko ito parang nanonood ako ng teleserye. Undeniably, it's one of the best series that I've ever read in this site. Kudos author!

    ReplyDelete
  15. First time ko magcomment sa site na ito pero this series captured my heart. You have written this story in a way na makakarelate ang iyong mga readers at ma-experience ang ganung mga sitwasyon. Yung feeling na affected ka sa kung ano man ang pinagdadaanan nila at parang bahagi ka sa kanilang buhay. You really are a great writer Mr. Author. Hindi mo lang nakiliti ang aming imahinasyon kundi pati ang aming damdamin. Parang 'espren' na rin namin sina Raffy and James.

    Sana hindi ka magsawa sa paglikha ng mga ganitong kwento. Good job! :)

    ReplyDelete
  16. Dito ako medyo tinamaan sa linyang ito:

    James: Salamat. Pag ayaw mo na sa akin sabihin mo kaagad ah.

    Raffy: Siraulo ka, ano ba yang pinag-iisip mo?

    James: Para alam ko kung ayaw mo na. Kasi pag ayaw mo na sa akin, liligawan kita para magustuhan mo ulit ako. Liligawan kita habang buhay.
    ---------------------------------------

    Ang lupit lang talaga ng mundo. :(

    ReplyDelete
  17. Grabe nman Ang love story n to! Sobrang nkkainis s GANDA! Lhat n lng ng emosyon naramdaman ko dito! I Love You author - James Silver! ;-)

    ReplyDelete
  18. Nasan na yung next part? It has been almost a month.. Antagal ko na nagaantay.. Ahahaha...

    ReplyDelete
  19. Nxt chapter na pls.... ang tagal ee, 1 month na, wala pa rin (> /// <)

    ReplyDelete
  20. asan n nga ba ang kasunod neto??? antagal nman...abtagal q na po nag hihintay!!! pls author pki update n...

    sephiology

    ReplyDelete
  21. P. S.

    Habang pinakikinggan ko sa trabaho ko ang mga dinawnload kong kanta na kinanta ni raffy sa kwento ay gusto kong ikwento sa mga ka work kona lalake pero diko magawa kc nga. M2m ang kwento. Alam kong kakantsawan nila ako.

    Pero kung alam niyo lang talaga kung ano ang naramdaman ko kung nabasa ki ang kwento. Hindi ko alam kung tatalon ako sa saya at na iimagine ko ang kwento habang binabasa ito.

    Sana na lang hango ito sa totoong buhay.

    ReplyDelete
  22. anatagal po talaga ng next part... :-( un na lang lagi q chine check pag and2 q sa km pero la parin!!! tagal n...

    ReplyDelete
  23. Ang tagal ng next part :(

    ReplyDelete
  24. Otor nasan na ung next chapter? Sobrang tagal na namin naghihintay >_< iyon lang ang story dito sa KM na hinihintay ko palagi for updates. �� TY.

    ReplyDelete
  25. Naalala ko bigla itong isa sa mga sinusubaybayan kong kwento dito sa KM nung nag-shuffle ako kanina habang nasa byahe. Tumugtog kasi bigla yung "True Love by Pink & Lady Allen". Nag-flashback tuloy bigla sa imagination ko lahat nung asaran/kulitan/lambingan moments nila james at raffy. Na-lss tuloy ako tapos medyo napapangiti pa ako, nagmumukha tuloy akong tanga kanina but i don't mind kasi puro happy thoughts naman yun. Gustong gusto ko talaga tong kwentong ito kahit it may be too good to be true (pero posible pa rin namang mangyari sa realidad:)). kasi bukod na sa detailed, kumpletos rekados ika nga(kaya ramdam mo talaga yung nais iparamdam sayo ni mr. Author bawat kaganapan) very interesting, at napaka-ganda talaga (2 thumbs up as always for james silver, plus 2 pa kung kasama mga paa ko. Hehehehe!) eh pabor pa sakin yung setting. Taga-tandang sora din kasi ako.:) kaya mas lalong naging detalyado karamihan ng mga scenes sa imahinasyon ko. Tapos alam ko rin yung mga songs, lalo na yung please don't stop the rain. Aaaahh! Kaya pleeeeaaaaase!!! Huwag niyo na po patagalin pa ang aming pananabik every week, medyo nagdurusa na nga ata.T_T every week na lang kasi akong may nararamdamang pagkadismaya. Hehehe! Kaya NEXT PART na! I-push na yan!:)) please.:)

    [D]

    ReplyDelete

Read More Like This