Pages

Sunday, February 8, 2015

Amazing Grace (Part 2)

By: James Silver

Mabilis lang lumipas ang mga araw at buwan. Nanatili lamang akong nakatira sa bahay nina Jiban. At sa loob ng ilang buwan na iyon ay marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Namatay ang tatay nya sa isang ingkwentro laban sa mga pulis. Dating tauhan ng isang druglord ang tatay nya. At ang baril na inaalagaan ng nanay nya ay pag-aari ng kanyang ama. Nang mamatay ang tatay nya ay hindi man lang sila nakatanggap ng kahit anong tulong. Baranggay pa nga raw ang nagpalibing sa tatay nya eh. Dahil naman sa labis na hinagpis at galit ay hindi kinaya ng ina nya ang depresyong dulot nito at hindi naglaon ay bumigay ang katinuan nito. Bata pa sya nung mangyari ang mga bagay na ‘yun. Hindi na sya nakatapos ng elementarya dahil sa edad na sampu ay kailangan nya nang dumiskarte. Kung sino sinong masasamang impluwensya ang nasamahan nya na nagturo sa kanyang pumitik ng mga bagay na hindi kanya. Manghablot, manghold-up at isa pa sa napagkwentuhan namen ay dati rin pala syang naging miyembro ng palakpak boys. Oo, yung mga tarantadong dumale saken nung bagong salta pa lang ako dito sa Maynila.

Habang tumatagal ako sa kanila ay mas lalo kong nauunawaan ang klase ng mundong ginagalawan nila. Doon ko lang napagtanto na wala talagang likas na masama. Dahil yung iba pang nakilala ko dito eh may kanya kanya ring kwento. Puro masasaklap, kung ako ang nasa kalagayan nila ay baka mas malala pa ang kinahinatnan ko. Bigla tuloy akong nawirduhan doon sa mga taong walang ginawa kundi ang manita o pumuna. “Wag mong gawin yan, masama yan.” “Grabe yang batang yan, pinabayaan siguro ng magulang nya yan.” Walang galang, walang ugali, walang natutunan at kung anu ano pang masasamang panghuhusga ang ibinabato sa kanila. Oo, wala silang alam sa kabutihang asal kasi wala namang magtuturo sa kanila. Ganun ang ginagawa nila dahil wala naman silang pagpipilian. Subukan mong wag kumain ng tatlong araw at pakiramdaman mong mabuti ang gutom. Baka pati tao kainin mo na. Ayos lang naman ang pumuna kung ang intensyon mo ay mabuti.
Pero kung maninita ka ng ugali ng iba at ang intensyon mo naman ay ang ipagyabang ang napakaganda mong ugali ay mas makabubuting manahimik ka na lang. Walang kwentang tao ang humuhusga base sa nakikita nya. Eh, puta kung ako ang nasa kalagayang ganun at sisitahin mo ako sa mga masasamang natutunan ko baka isupalpal ko pa sa mukha mo yung kawalan mo ng kwenta eh. Wala kang nagagawa para saken, puro ka dak dak, as if naman uunahin ko pang makinig sa bunganga mo kesa sa kumakalam kong sikmura. Mabuti sana kung tinuturuan mo ako ng isang maganda at matuwid na hanap buhay eh, malamang pakikinggan kita. Ang kaso marami sa mga tao ang asal hayop, mga malilinis at walang bahid dungis ang mga pagkatao. Puro hambog, wala namang laman ang kokote kundi panghuhusga. Makikinig sila kung ituturing mo silang tao. Ang mali nga lang sa lipunan, masama ang tingin sa kanila kaya pinaninindigan na lang nila, wag lang mapahiya ang lipunang mapanghusga. Biruin mo naisip nila yun. Ikaw? Naisip mo ba yun? Nagdidilim na ang isip ko, ganito siguro talaga ang epekto ng rugby sa utak ko. May mga araw kasing lumilipas na lang na hindi kami nagsisikain. Puro rugby na lang. Hahaha, iba kasi ang rugby, binibigyan ka nito ng kapangyarihan. Kahit ang araw ay kaya mong hawakan sa mga kamay mo, basta naka rugby ka. Alternative namen yun sa pagkain. Eh ganun talaga eh.

Hindi ko alam kung anong oras na. Basta alam ko lang eh gabi na. Nandito kami sa Luneta at nag-aabang ng mga taong mukhang engot. Syempre pipiliin namen yung mga taong mukhang mapera at madaling madekwatan. Nang makasipat kami ng isa ay agad kaming pumwesto. Si Jiban sa harap at ako naman sa likod. Kung papalya ang isa, meron pang reserba. Pero, matinik talaga si Jiban walang paltos pag sya ang kumilos. Ala ‘Da Flash eh. Natawa na lamang ako nang makita kong pasigaw siagaw yung babae. Hahabulin pa sana si Jiban ng ilang kalalakihan ang kaso, wala, papano mo nga ba naman matatalo ang kabayo sa takbuhan hahaha. Huminto na ako sa kakatawa dahil baka bigla akong mahalata. Ngunit isang bagay ang hindi ko lubos akalaing mangyayari. Nakita ko si Tatay, Nanay at ang kapatid ko na mga nakatingin saken. Sarado dapat ang utak ko. Dapat manhid. Pero napakalakas ng pwersang nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Parang pinipiga at hindi ko mapigilan ang pagluha.

“Mama… Papa.” Pagkasambit ko ng mga katagang iyon ay lalong umigting ang nararamdaman kong emosyon. Kusa nang naglalakad ang mga paa ko patungo sa kanila, gayun din sila na papalapit din sa akin.

“Anak! Aldwin” sabay na sigaw ni mama at papa.

Ngunit bago pa man kami magkadaupang palad ay may bigla na lamang humatak sa akin at napatakbo na lang din ako. “Anong problema mo? Nagpapahuli ka ba? Bilisan mo baka maabutan nila tayo.” Sabi ni Jiban.

Nang makalayo na kami ay agad naman kaming bumili ng rugby sa isang tindahan na nasa eskinita. Pero bago kami umuwi ay bumili muna kami ng makakain para malamnan ang sikmura namin bago kami tumira. Hindi kasi kami nakakain kahapon eh. Binilhan rin namen si nanay Darna dahil hindi pa rin sya nakain buhat kahapon. Wala akong sinabi kay Jiban. Ewan, gusto ko nang makapiling ang pamilya ko pero hindi ko naman magawang iwan si Jiban at ang nanay nya. Nagkaroon tuloy ng matinding riot sa loob ng utak ko. Napagod akong mag-isip kaya hindi ko na inisip. Ganun lang, may kapangyarihan kasi akong pahintuin ang utak ko kahit kelan ko gusto. Mamaya, palalakasin ko ng husto ang kapangyarihan ko para mas mabisa.

Kinalimutan ko na ang tagpong nangyari sa Luneta. Ayoko talagang iwan si Jiban. At tsaka nagbabalik ulit saken ang ginawa ng tatay ko kaya naman nabuhay muli ang galit na nasa loob ko. Baka mamaya inuuto lang ako ng mga ‘yun eh. Hindi ako bibigay. Hindi ako magpapatalo. Gamit ang super powers ko hindi ako matitinag.

Isang gabi. Nasa loob lang ako ng bahay at si Jiban lang ang dumiskarte. Isasama nya sana ako kaso, grupo silang aalis. Bigtime daw ang tatrabahuhin nila kaya naman ayaw nila magsama ng isang bagito. Mahirap na baka mabulilyaso ko pa ang plano nila kaya naghintay na lamang ako dito at binantayan si nanay Darna.

Tantya ko ay madaling araw na dahil sa lamig ng paligid. Wala pa rin si Jiban. Nakakaramdam ako ng pag-aalala dahil wala akong kapangyarihan ngayon. Isa akong ordinaryong tao na nag-aabang lamang sa pagdating ng isang mahalagang kaibigan. Hindi ako makatulog kaya naman panay ang silip ko kay nanay Darna. Mahimbing ang tulog nito. Maya maya pa ay narinig ko na ang tunog ng yerong pintuan. Si Jiban, nakangiting bumungad saken ang mukha nya. Ang mga matang iyon, ang mga labing gumuguhit upang magpahiwatig ng kasiyahan. Ang wangis niyang nag-iisa lang, ang mukha niyang walang katulad. Ang hindi ko maiwan. Ang akala ko ay mag-isa lamang syang papasok sa bahay. Nagulat na lamang ako nang malaman kong may dalawang lalaki pa syang kasama. Si Captain Barbell lang pala at si Jano. Pagkapasok nila ay gad nila akong binati at nagkumpulan silang tatlo sa tapat ng ilaw. Mga nagbubulungan, hindi naman ako masyadong nakiusyoso. Pero narinig ko ang usapan nila tungkol sa inakyat nilang bahay.

“Win, sali ka samen oh. Masarap ‘to ngayon tikman mo iba tama nito kesa sa rugby. Tamang wala lang, hahahaha” sabi ni Jano. Alam ko na kung ano yun.

Umupo ako kasama nila. Habang gumagawa ng pin at tooter si Captain Barbell ay tumayo si Jiban. “Kayo na lang mga tropa. Pass muna ako dyan.” Sabi nya.

“Ayos ah. Dyeta ka ba pre? Sayang ‘to minsan lang ‘to. Tsaka ikaw yung nanloob sa bahay kaya dapat ikaw ang master. Kundi dahil sayo wala ‘to.” Sabi ni Captain Barbell.

“Edi bibili na lang ako. May pera naman tayo eh. Basta ayoko muna ngayon. May gagawin akong mahalagang bagay eh. Yung parte ko ibigay nyo na lang kay Win.” Sabi nya.

“Ikaw bahala. Oh win simulan na ang kasiyahan!” may sayang sambit ni Captain Barbell.

Higop dito, higop doon. Walang sawang hit hit. Nakakabuhay ng dugo, saktong sakto ang tama. Hanggang sa matapos na kami ay nakatitig lamang si Jiban sa amin. Nakangiti at tila masayang masaya sa nakikita. Pagkatapos ng ilang sandaling kwentuhan ay naghati hati na sila sa pera at tsaka lumarga ang dalawang kupal.

“Ayos ba ‘tol?” tanong saken ni Jiban habang naka-thumbs up pa. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Pagkatapos ako humiga na sya sa plywood at ganun din ang ginawa ko kahit alam kong hindi naman ako makakatulog.

“Medyo mainit ngayon noh? O ako lang ang nakakaramdam, sobrang pagod sa pagtakbo eh. Hahaha yung mga parak puro kamote eh. Anlalaki kasi ng tiyan hahaha.” Sabi nya sabay bigla na lamang syang naghubad. Hindi kalakihan ang katawan ni Jiban. Sakto lang, hindi rin sya payat.

Maya maya pa ay tumitig sya saken. Seryoso. Walang halong lokohan. Medyo nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam sa loob ko, medyo uminit lalo na nung basain nya ng dila nya ang mga labi nya. Unti unti syang lumapit saken. Bigla naman akong kinabahan. Palapit. Palapit ng palapit. Hanggang sa maramdaman ko sa balat ko ang mainit na singaw ng katawan nya na lalo lang nagpainit sa nararamdaman ko. Parang walang silbi ang tama ng tinira namen dahil nagawang lusawin ng init ng katawan nya ang lakas ko. Nanghihina na ang pakiramdam ko. Tumitig sya ng diretso sa mga mata ko. Ang mukha nya na unti unti na ring lumalapit sa mukha ko. Naamoy ko na ang hininga nya. Patuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko hanggang sa magdikit na ang aming mga labi. Sa una’y marahang halik lamang, maya maya pa ay unti unti na itong nagiging marahas. Walang pagtangging mahihinuha sa akin. Buong puso’t maluwalhati kong tinatanggap ang init na ibinibigay nya sa akin. Nag-umpisa nang kumilos ang kamay ko. Hinimas ko ang dib dib nya at hinagilap ang utong nya para ito’y laruin. Hinawakan nyang mahigpit ang kamay ko at unti unti nya itong ginabayan patungo sa ibabang bahagi ng katawan nya. At naramdaman ko ang matigas na bagay na naroroon. Napakainit. Galit na galit. “Isubo mo.” Malambing at init na init nyang bulong sa tenga ko. Nang marinig ko iyon ay agad ko syang pinatihaya at ako naman ang nagmaneho ng halik. Pababa sa leeg, sa dib dib, pusod at pababa pa. Kinalas ko ang pagkakatali ng shorts nya. Ibinaba ko ito hanggang tuhod at itinira ko ang brief nya. Hinawakan ko ang matigas nyang sandata sa labas ng kaniyang brief. Nang gawin ko iyon ay ginawaran nya ako ng isang napakatamis na ngiti sabay hawak nya sa pisngi ko at dinama ko namang mabuti ang init ng kanyang kamay. Hinaplos nya ang mukha ko at tumungo sa aking buhok upang itoy haplusin rin. Hanggang sa maramdaman ko ang isang mahinang pwersa na gumagabay saken para lumapat ang aking labi sa kanyang matigas na pagkalalaki. Nagpaubaya lamang ako sa kanyang lakas na tila ba paga-ari nya ang aking katawan. Inilabas ko ang dila ko at dinilaan ko ang kanyang kargada mula sa labas ng brief. Muli ay ngumiti sya sa akin at ganun din ang ginawa ko. “Ilabas mo na. Alam ko namang noon mo pa gustong matikman yan eh. Matagal ka na rin nyang hinihintay, kaya ilabas mo na.” unti unti kong ibinaba ang kanyang brief hanggang sa tumambad sa akin ang matigas at naglalaway nya nang pagkalalaki. Nang maibaba ko na ay agad kong dinilaan ang ulo nito. Pababa sa katawan at paakyat muli sa ulo. Nagpabalik balik ako sa pagdila sa kanyang kahabaan. “Isubo mo na.” unti unti nang lumalakas ang pwersa nya sa aking ulo. Parang naggigigil na sya na isubo ko na ang kargada nya. “Ibuka mong mabuti yang bibig mo. Dahil malaki ang ipapakain ko sayo.” Ginawa ko ang anumang naisin nya. Para akong wala sa katinuang sumusunod sa bawat iutos nya. Isinubo ko nga buo ang kaniyang pagkalalaki. Makikita mo sa kanya ang labis na kaligayahan sa serbisyong ibinibigay ko sa kanya. “pasukin kita.” Muling bulong nya sa akin. Nagdadalawang isip man ako ay hindi na ako tumanggi. Dahil kung may kauna-unahan mang papasok sa akin ay nais kong sya ang makagawa nun. Muli kaming naghalikan. Huminto sya sa paghalik at dumura sa kanyang palad at inilagay ito sa butas ko. Muli syang bumalik sa paghalik sa akin. Pahimas hima sa butas ko ang kaniyang mga daliri ng bigla na lamang akong napa-igtad ng maramdaman ko ang pagpasok ng isang daliri sa loob ko. Isa, dalawa at tatlong daliri ang nalabas pasok sa aking kaloob-looban. Hindi nagtagal ay itinutok nya na ang alaga nya sa bukana ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba. Inihimas nya ito hanggang sa bigla na lamang syang dumagan sa katawan ko at binigyan ako ng mariing halik kasabay ng biglaang pagbaon ng kanyang alaga sa loob ko. Napakasakit. Umaabot hanggang sentido. Hindi sya gumalaw at hinayaan nyang ganun lang ng ilang sandali. Tsaka sya nag-umpisang umindayod. Ramdam ko pa rin ang matinding sakit. Tinitiis ko lamang dahil kagustuhan ko rin naman ang bagay na ito. Hindi sya huminto. At ako naman ay nakaramdam na ng sarap. Hanggang sa matapos na lamang ang lahat ng hindi ko na namamalayan. Nagbihis kami ng kani-kaniya naming damit.

Nang matapos ang lahat ay tahimik lamang kaming nahiga. Maya maya pa ay umupo sya at kinuha ang kanyang pera.

“Hati tayo.” Sabi nya at nagbilang sya.

“Ayos lang ikaw naman ang dumiskarte nyan eh. Libre mo na lang ako.” Sabi ko sa kanya.

“Tanggapin mo na at umuwi ka na sa inyo.” Iniabot nya saken ang pera at ako naman ay nagulat sa kanyang tinuran.

“Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama dito?” tanong ko.

“Wag ka na magtanong basta umuwi ka na bukas.” Habang nakatingin sya sa bandang pinto.

Marami akong gusto itanong sa kanya. Bakit biglaan ang desisyon nyang pauwiin ako. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali o kung naiinis na sya sa pagtira ko dito. Para akong nalulungkot na natatakot. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pero hindi na ako nakapagsalita at medyo naluha na lang.

5 comments:

  1. Ang ganda! Tagos sa puso ang pakiramdam ng kwento mo. Good job author! Next na agad. :)

    ReplyDelete
  2. Nangingibabaw ang puso ko dito kesa sa puson. Thumbs up! :)

    ReplyDelete
  3. Ganda pa love story in thailand

    ReplyDelete

Read More Like This