Pages

Sunday, February 22, 2015

Good Filipino Christian Boys (Part 2)

By: Zander

Dear readers, Thanks for reading and commenting! I present to you the second chapter, subtitled False Prophet. Sana magustuhan niyo din ito!
~Z

*

"Beware of the false prophets, who come to you in sheep's clothing, but inwardly are ravenous wolves.
-Matthew 7:15

*

Ang lamig ng kamay niyang humawak sa batok ko. Napasinghap ako sa gulat. Liningon ko siya—big mistake—tumambad sa akin ang imposible niyang mukha. Imposibleng halo ng cute at gwapo, imposibleng halo ng inosente at pilyo sa kanyang mga mata. Ibinalik ko ang tingin ko paharap, tinitigan ang likod ng matandang lalaki, umuugod-ugod sa pila ng communion.

Di ko siya nakita mula sa dati niyang position sa congregation, kaya di ko napansin nung sumingit siya sa pila.

“Musta?” bulong niya malapit sa aking tenga. Kinuryente ako ng boses at mainit niyang hininga. Napa-iling ako ng ulo para umiwas sa kiliti.

“Stop, please,” bulong ko nang hindi siya hinaharap.

“Why?” sabi niya. Medyo may halong tawa ang salita niya. Hinimas ng malalamig niyang daliri ang batok ko. Ayan na, nararamdaman ko na ang namumuong init sa ibaba ng sinturon ko.

“Nasa simbahan tayo.”

“Look up,” bigla niyang sabi. “Ano nakikita mo?”

Nagkunot ako ng noo, nagtataka kung anong iniisip niya; sinunod ko ang utos niya.

“Si, ano, si Jesus,” sagot ko.

“Uh-huh,” bulong niya. “Nakahubad siya diba? Pagbibigyan naman niya siguro ang landian natin.”

Namula ako. Di ko inaasahan yung sagot niya. Parang gusto kong tumawa na hindi. Di nalang ako umimik. Grabe, nakakapanibago talaga ang pagka-prangka niya. Lalo na at may pwedeng makarinig sa kanya. Di ko maiwasang lumingon.

Oh, Lord, pakawanem. Si Kuya ko ang nasa likuran ni Daniel. Di ko namalayan na siya ang kasunod ko bago sumingit sa pila si Daniel. Sabagay, di ko naman masyado namamalayan ang presence ni Kuya sa kahit anong lugar at situation. Medyo ‘fallen from grace’ kasi siya. Milagro nga na andito siya sa simbahan ngayon eh. Ang alam ko may lakad siya kasama ang mga kaibigan niyang kapwa ‘fallen’.

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Kuya—nagtaas siya ng kilay. Mukhang di niya narinig ang sinabi ni Daniel. Buti nalang.
“Eh basta stop,” pagmamatigas ko kay Daniel.

“I can feel your heat rising,” bulong niya sa boses pang-kwarto; mababa, magaspang, nakakalusaw. Huminga siya ng malalim na tila ba hinihigop niya ang init na nagmumula sa aking katawan. Nanginig ako.

Gusto ko mag-walk out nun, pero apat na tao nalang at ako na ang susubo ng tinapay mula sa kamay ni Papa. Pinilit ko nalang alisin yung kamay niya sa batok ko. Tumawa siya nang igalaw ko ang aking balikat, pero di siya pumalag. Dahan-dahan niyang dinaan ang kamay niya sa likod ko.

*

Matapos ko matanggap yung tinapay at alak, mabilisan akong lumabas sa simbahan, nagtago sa banyo at hinintay na hanggang marinig ko ang ingay ng taong nagsisilabasan sa simbahan matapos ang misa. Pinalipas ko muna ang limang minuto bago ako lumabas ng banyo. Siguro naman ay umuwi na si Daniel.

Pumunta ako sa Multi-Purpose Hall kung saan naghahain ang simbahan ng simpleng breakfast (kape at tinapay) sa mga congregation. Ako kasi ang isang inaasahang tiga-bantay at tiga-refill ng pan de sal at kape.

Pumwesto na ako bago pa mapansin ng tatay ko na wala ako sa may mesa. Panay ngiti at "Good morning!" ako ng thirty minutes. Puro matatanda ang mga nandito, yung mga walang kailangang puntahan kahit weekend. Nalungkot ako bigla--parang matanda naman na ang feeling ko. Oo, masaya ako dito pero...

"Masarap ba pan de sal mo?"

Muntik na ako tumalon sa gulat. Si Daniel ang sumunod sa pila ng kumukuha ng pagkain. Nakangiti siyang pumupulot ng tinapay at nilalagay sa paper plate. Napansin kong dalawang mug ang nakalapag sa mesa. Yung isa, itim ang laman, yung isa puti. Inumin siguro nilang mag-kuya.

Gusto ko siyang sumbatan ng masama, pero napansin kong si Papa pala ang nasa likuran niya.

Napalingon si Daniel nang mapansin niyang tumango ako sa tao sa kanyang likuran.

"Oh, Father!" bigkas niya sabay lapag ng plato sa mesa. "Daniel po. I'm friends with your son." sabay turo ng hinlalaki niya sa akin.

"Ah, God bless you, Daniel," sabi ni Papa, kinamayan si Daniel. Di man lang niya tinanong kung totoo nga ang sinasabi ng di niya kilalang binata. "Gutom ka ata?" Tinuro ang plato ng gabundok na tinapay.

"Para sa kapatid ko din, Father," sagot ni Daniel, may bahid ng hiya. Nawala ang aura niyang nakakalusaw. Mukha siyang batang naliligaw sa harap ng ama ko. Tumabi siya upang makakuha naman ng kape at tinapay si Papa. "Ang kulit kasi, ayaw magbreakfast bago kami umalis ng bahay. Ayan tuloy, he's 'starving' daw."

Tumawa ng konti si Papa. "Ganyan din si Christian nung bata siya," sabi niya habang pumipili ng tinapay. "Ayaw kumain sa oras ng kainan tapos ang lakas umiyak kapag gutom."

Sumulyap si Daniel sakin, may tawa sa kanyang mga mata.

"Anyway, nice to meet you Daniel," paalam ni Papa, hawak ang isang baso ng kape at tatlong piraso ng tinapay sa kanyang plato. "Have a blessed Sunday."

"Likewise, Father--oh, siya nga pala," suot parin ni Daniel ang mukha ng nahihiyang bata. "Sa Choir Loft area kasi ako nakaupo kanina. I think I left my phone there. Okay lang po kayang bumalik dun?"

"Oh, of course!" sagot ni Papa. Tumingin siya sa akin. "Christian, samahan mo siya ha? Make sure you find his phone."

Siyempre di na ako makatanggi. Grabe, ang galing naman ni Daniel magmanipula. Kasi pwede namang siya lang mag-isa ang pumunta sa simbahan para kunin ang kanyang Phone, pero tila alam niyang kapag nagpaalam siya kay Papa, si Papa mismo ang magbobolontaryo sakin na samahan siya. At di na ako makatatanggi pag ganun.

Lumunok muna ako bago sumang-ayon.

Nagpaalam ang dalawa. Si Papa binalikan ang mga kaibigan, si Daniel sa kanyang nagugutom na kapatid. Iniwan akong nag-iimagine kung ano ang pwedeng mangyari kapag sinamahan ko si Daniel sa Choir Loft.

*

Makalipas ang isa pang thirty minutes, nakapagpasya akong di ako papayag na samantalahin ako ni Daniel sa sarili kong simbahan. Medyo confident akong kaya ko siyang i-resist nun kaya ako na rin mismo ang humagilap sa kanya sa Hall.

Nakita ko siyang kausap ang kanyang kapatid. Namukhaan ko yung bata. Si Joshua: isa sa mga pinaka-mature at mabait na student sa Sunday School. Parang di ko ma-imagine na magkapatid ang mabait na batang ito at ang seducer na binata. Tumatawa silang dalawa, tungkol saan di ko alam. Nakakapanghina ang nakatawang mukha ni Daniel. Siguro kapag nakita ng pinaka-batong tao ang masayang mukha niya, lalambot agad yun. Back out na sana ako, nawalan ng confidence, pero nakita na niya ako at kinawayan para lumapit.

"Teacher!" sabi ni Josh nang lumapit ako. Ten years old kung tama pagkakaalala ko. Kitang kita na agad na lalaki siyang heartthrob gaya ng kuya niya. Pero kung magiging mang-aakit din siya ay Diyos nalang ang makakapagsabi.

Binilin ni Daniel ang kanyang kapatid 'to stay put until I get back, okay?' tapos sumama na sa akin. Wala akong dudang kaya ni Josh mag-isa sa lima o sampung minutong iiwan siya ng kapatid niya. Pero medyo nakaramdam ako ng galit kay Daniel kasi kaya niyang iwan ang kapatid niya para lang mag-landi.

*

Ang Choir Loft ng simbahan namin ay nasa second floor, may terrace na tumatanaw sa congregation at sa altar. May dalawang dosenang pews at ilang lockers para sa uniform ng mga miyembro ng Choir. Bawat hakbang sa hagdan ay palakas ng palakas ang tibok ng aking puso.

Sa laki ng kanyang braso, halatang mas malakas siya sa akin. Pano kung pwersahin niya ako matapos kong pumalag?
Maganda naman acoustics ng simbahan, maririnig ng nasa labas kung sisigaw ako.

"Okay, so dito ako sa left side maghahanap, ikaw sa right?" sabi niya pagkarating namin sa Loft.

"Please stop," bigla kong sabi.

Napatingin siya sakin. "Nakita mo na?"

"Alam nating dalawa na pakana mong masamahan kita dito sa taas para..." di ko na tinuloy.

"Para ano?" tanong niyang nakataas kilay. "Para chansingan? Ganon? You'd think I would intentionally leave my phone here para lang mahimas pwet mo?"

Nagblush ako sa sinabi niya. Pano kung mali ang hinala ko?

"No offense, of course--you've got a hot ass," dugtong niya, "But really, naiwan ko talaga dito yung Phone."

Nang hindi pa ako gumalaw, lumapit siya sakin. "Ano? Gusto mo kapkapan mo pa ako," alok niya. Nakaangat na ang kanyang mga braso, handa na ang katawan niya sa aking mga kamay. Dun na ako nagsimulang maghanap sa mga pew.

*

Sa huli, ako din ang nakahanap ng phone niya. Nakasingit sa pagitan ng hymnal at Book of Common Prayer. iPhone 4s. Malamang di talaga sinasadyang iwan ito dito para lang bitagin ako. Tinignan ko kung saan siya: nakaluhod sa tiles, chine-check ang ilalim ng pews. Tumingin ako sa phone na hawak ko. Konting pindot, konting slide...

Gallery agad ang pinuntahan ng mga daliri ko--

"May password ang dick pics ko," narinig ko ang boses niya sa malapit ko.

Grabe. Ilang beses ba niya ako gugulatin ngayong araw? Muntik ko na mabagsak ang iPhone niya. Hinawakan ng kamay niya ang kamay ko, pinigilan ang pagbagsak nito sa sahig.

"Thanks," sabi niya na may halong init. Siyempre, kahit sino naman magagalit kapag nakita nilang pinapakialaman ang cellphone nila. Lalo na at walang paalam.

"S-sorry..." bulong ko. Ano ba tong ginawa ko? Parang ako tuloy ang may masamang motibo. Di ko siya matingnan ng diretso sa mukha.

Humigpit ng bahagya ang kamay niya sa kamay ko, dahan dahang inalis ang phone sa aking pagkakahawak.

Naramdaman kong mas lumapit siya sa akin. Bago ko pa na-realize kung ano ang nangyayari, inilapat na niya ang mga labi niya sa aking mga labi.

Munting tuka lang -- halik Disney kung tawagin.

"Thanks," ulit niya, pero wala nang tono ang pagkakasabi. Di pa siya lumalayo. Naduduling na ako kakatitig sa mukha niya. Nanggigigil ang mga labi kong lumapit ulit sa mga labi niya. Naramdaman niya ata yun, kaya hinalikan niya ulit ako.

"Mmm..." ungol ko. Nawalan ng lakas ang tuhod ko at sumandal ako sa kanyang dibdib. Yung biglang pagbagsak ng aking katawan sa katawan niya ang gumising sa akin.

Tinulak ko siya papalayo.

"Fuck!" sigaw niya, na bigla niyang hininaan. "Sorry. Fuck."

Di ako makapagsalita. Halik Disney parin yun pero Wow, ramdam ko ang init ng hininga niyang nagmumula sa kanyang ilong, ang lambot ng kanyang mga labi, ang tigas ng kanyang dibdib, naaamoy ang singaw ng sabon mula sa kanyang leeg...

Walk-out si Daniel. Di niya ako nilingon, di namaalam. Ang huling narinig ko sa kanya ay ang tunog ng sapatos niya sa hagdanan, pahina ng pahina...

Hinawakan ko ang crotch ng pantalon ko, bakat ang naninigas kong pagkalalaki. Ramdam ko ang pagkabasa ng ulo nito. Naiimagine ko na ang matinding jakulan mamaya pagkauwi ko.

Tumanaw ako sa terrace ng Loft, napadpad ang mata ko sa rebulto ni Kristo, naka-angat ang mga braso, parang si Daniel lang kanina, nagpapakapkap. Akala ko talaga balak niyang tuksuin ako. Ngayon, siya pa ang parang na guilty sa ginawa niya, siya ang kumaripas ng takbo. At ako...

Panginoon, kung ang purpose ni Daniel sa buhay ko ay ang bangunin ang halimaw na namumugad dito sa dibdib ko, nagwagi siya. Nagwagi Ka. Napakita mo sa akin na halos wala kaming pinag-kaiba ni Daniel.

Nagustuhan ko ang halik niya, Lord. Halik ng kapwa lalaki. Halik sa simbahan, na parang bagong kasal. At habang inaalam ng mga labi ko ang hugis at lambot ng kanya, wala akong pakialam kung nasaan ako, kung sino ang nanonood, na Ikaw ang nanonood.

Hihingi ako ng tawad pero...

Amen.

Itutuloy

2 comments:

  1. Please sana Next Sunday CHAPTER 3 na Pleaseeeeeeee sabik na sabik na ako dito sa story nato palaging bitin sana meron na sa Part 3

    ReplyDelete
  2. I like the writing style. Looking forward to the next installment.

    ReplyDelete

Read More Like This