Pages

Sunday, February 15, 2015

League of Legends (Part 1)

By: Jacob

Hi mga KM Readers! This is the first time na magsusulat ako dito sa site nato. Matagal nakong nagbabasa dito and napapa isip talaga ako if mag shashare bako dito or hindi, so ngayon ito ako ngayon magbabahagi na aking kwento sainyo. Para sa mga mahihilig sa love story at drama sana magustuhan nyo. Pasensya na if may errors man! first time kasi :)

Tungkol ito sa First Ex Boyfriend ko na patuloy akong pinapahirapan, pinaglalaruan, at sinasaktan ang aking nararandaman para sa kanya. OA ba? Haha! Jolly kasi akon tao so medyo may patawa yung iba. Lol. 15 yrs old ako nung naging kami. 3RD Year HS ako that time and 1ST Year College naman ako ngayon. 2 years na nakakalipas but stil......

Ako nga pala si Jacob. (hindi tunay na pangalan) 17 yrs.old ngayon. From Bataan. At nag aaral sa simpleng unibersidad dito. 5'3 lang ang hyt ko. Dahil nadin siguro hindi matatangkad ang mga magulang ko. Sa totoo lang pag na saamin ako, ako ang pinaka matangkad pero pag nasa tropa ako, ako yung binubully dahil sa mala elementary kong hyt. Hahaha! Maputi, may pagka chinito. Gwapo? Hmmm. Pwede?? Hahaha. hindi ko masasabi e. Haha pero nasali sa isang pageant sa community ng kurso ko. Sa totoo lang hatak lang talaga ako napilitan lang talaga. Yung mayor kasi namin, tapos yung mga kaklase ko binoto akong representative. So, no choice kahit na napipika nako pano ba naman sympre sa mga pageant ang lalaki ang matangkad diba? pero ako na 5'3 lahat ata sila 5'6-5'10 ata. e ako? Pang Elementary yung hyt mas matangkad panga ata yun! Hahaha! Discreet ako. Kumbaga, patago akong naglilihim at sumusulyap sa mga gwapong kalalakihan. Nagka girlfriend nadin ako 4 na. Never akong ng bibihis babae bukod sa ayoko magagalit yung magulang ko at sympre baka layuan ako ng mga taong kaibigan ko at ni minsan hindi ko maisip na gawin yung bagay nayun. Masaya nakong ilihim yung nararandamn ko kahit minsan mahirap sa part ng "Love". Pinipilit kong wag magpadala sa mga gay signs pero nahihirapan ako. Pinilit kong magbago dahil dumating nadin ako sa time na ayoko na maging isang ganto.
Nagdadasal ako minsan na Lord pasensya na po kung ganto ako, pasensya kasi lalaki yung gusto ko. Pero wala eh ito na talaga ako. Tanggap ko nanaman ngayon.

Yung Gagong first ex boyfriend ko si Ram. (hindi tunay na pangalan) 28 yrs old na sya at 26 sya nung naging kami. Edad?? Oo, mas matanda sya sakin. Mas gusto ko kasi yung mas matanda sakin I mean, ayoko ng mas bata sakin pag pumapasok ako sa relasyon feeling ko kasi parang immature at parang isip bata mas gusto ko kasi yung matured at maayos na mag isip. Feeling mature kasi ako. Hahaha! Pero kaya ko naman talagang magpaka mature at magpaka dependent. 5'10 ang hyt, moreno, and katamtaman lang yung katawan. Sakto lang naman sya pwede nadin. Malakas kasi yung dating nya sobra! Pag nakita at nakausap mo siya para lang sya 21. Hindi naman ako na fall sakanya nung nakita ko sya eh. Kahit ngayon pag tinatanong ko yung sarili ko hindi ko padin maisip bakit ako nagka gusto sakanya.

Ikwekwento ko muna kung papaano kami nagkakilala.

Matagal ko ng nakikita si Kuya Ram at nadidineg yung pangalan nya sa mga ka org ko. Matagal na pala syang kasali dito sa isip isip ko. Nadidineg ko lang yung pangalan nya pero hindi naman ako nagkakaroon ng interes kilalanin kung sino sya. So nag decide yung Leader namin na gumawa ng isang program kung saan pwede sumali ang mga kabataan sa aming org. Hindi sikat tong org nato kasi gawa gawa lang namin to. Hahaha! Epal lang kumbaga :D
Then yun na nga. ginanap yung org namin sa isang elementary school. Overnight yun so dapat kaming mga old member ng org namin ay mag gawa ng mga bagay na magkakaroon ng interes yung mga kabataan na sumali sa gawa gawa naming samahan org.

Dumating na nga yung pinaka hihintay namin. 2 days yun. Saturday and Sunday. So, sinabi namin sa mga bata na dapat nagpaalam muna sila sa kanilang mga magulang bago umatend ng event namin. Actually yung mga sumali saamin ay mga Highschool students kaya yung iba ka edad ko lang din. Biyernes bago ang event, pagka uwi ko ng bahay sumasakit yung ulo ko pinahinga ko nalang ng maaga dahil kailangan ko yun para sa activity namin para bukas. Gumising ako ng 5am. Byumahe nako ng madaling araw dahil ang sabi ng Leader namin kailangan maagang mag simula ang event namin. Sa aga ng gising ko habang nasa jeep ako umiikot yung paningin ko hindi nadin ako nakpag almusal dahil wala akong panlasa. Pag dating ko kakaunti palang kami kaya nagmadali nako upang ayusin yung mga gagamitin mamaya. Nadinig ko sa leader namin na pupunta daw si Kuya Ram upang tumulong. Ako naman dedma lang kasi hindi ko naman sya kilala. Habang nag aayos, nakita ko ang iba kong ka member na padating palang. Pinagalitan sila ng Leader namin dahil as member ng org namin dapat mas responsable kami. Nag aayos na kaming lahat ng gagamitin namin ng napansin ko na nag tatakbuhan sila dahil sa paparating. Si Kuya Ram pala, kilala kasi sya sa org namin at mataas ang posisyon. Niyayakap sya ng iba kong ka member. Yung mga kaclose kasi sya, ka close ko din. Malambing si Kuya Ram, mahilig sya sa mas bata pa sakanya. Gusto kasi nya na madami syang ka close na lalaki na mas bata pa sakanya parang brader brader ganun.

Sa org kasi namin dapat walang landian, dapat Brother and Sisters turing namin sa isa't isa. so maybe yun yung reason why sya ganun. Isang mahigpit na yakap ang pagsalubong nya sa mga ka org ko. Alaga nya kung ituring ang mga ka member ko. That time kasi sya yung pinaka matanda kaya ang tawag sakanya ng iba ay Tatang, Tatay, oh kuya. Wala naman akong paki alam kasi hindi ko naman sya kilala nagpakabusy nalang ako ng pag aayos. Narandaman ko nanaman yung ulo ko sobrang sakit at hindi ko na kaya but still pinipilit ko kasi choice kung magpunta dito at mag silbe. Habang nag aayos ng mga ginagamit panay ang titig at tingin sakin ni Kuya Ram. Ewan ko pero pag tumitingin sya sakin napaka siryoso ng itsura nya. Medyo nacucurious tuloy ako sa itsura ko at galaw ko. Pagewang gewang kasi ako at paupo upo hindi mapakali rason nadin siguro para titigan at tignan nya ako.

Hindi ko tansya yung oras pero feeling ko around 5pm yun. Nasa school clinic ako ng venue namin. Sakto namang may kama kaya humiga ako.
"Ok ka lang ba bunso?" biglang pagpasok ni Ate Ren sa clinic. Ate kona syang maituturing dito sa org namin dahil sya yung andyan para sakin kahit ano pa man napaka bait nya.
"Opo Ate kailangan ko muna po siguro mahiga" Sagot ko.
"Ito yung gamot uminom ka muna ng mabawas bawasan yung nararandaman mo" sabi nya.
Habang hinahanda yung gamot biglang may pumasok sa clinic. Si Kuya Ram. Gulat ako ng tumabi sya saakin.
Yung pwesto ko nun yung 2 kong kamay nasa loob ng tiyan ako habang naka dapa ako at naka tagilid sa right side. Sobrang lamig kasi para sa may sinat na tulad ko. Dun sya pumesto sa side na naka tingin ako.
"Ok ka lang?" mukhang nag aalala nyang tanong.
"OK lang po." tipid kong sagot
Kuya Ram : Napano kaba?
AKO : Sinisinat po ako. Kanina sakit lang ng ulo hanggang sa sininat na.
Bigla nyang dinapi ang kamay nya sa pisngi ko at ulo ko na ikinagulat ko naman.
Kuya Ram : Grabe ang init init mo!
AKO : ......
KR : Magpasundo ka kaya muna sainyo para makapagpahinga ka ng ayos.
AKO : Ok lang po ako. kaya ko naman po.
Hindi na sya nagsalita.

"Ram mauna nako sainyo madami pa kasing gagawin sa labas. Bunso wag mung pilitan ha, kung hindi mo kaya magphinga ka na muna. OK?" Nagmamadaling paalaala ng Ate ko.
"Hoy wait lang Ren sabay nako sayo!" sabi ni Kuya Ram at naiwan ako sa clinic.

Nung mga time nayun wala naman akong pakialam sakanya as in wala. Kasi nga una, alam ko namang straight sya at malayo na mag kagusto sya saakin. Hindi ko din naman sya naging crush basta ang natatandaan ko lang nung kinausap nya ako feeling ko lambing ng boses nya parang ang sarap sa tenga. Pero wala lang akong reaksyon nun time nayon dahil nga maiyak iyak nako sa sakit ng ulo ko. Hahaha.
After 5 mins tumayo ako para tumulong ayoko kasing nagmumukhang pabigat. Etc Etc Etc Etc. Natapos na lahat ng gagawin namin ng day 1. That time wala nakong napapnsin kung hindi yung sarili ko. Pinilit ko kasi ng husto dahilan para hindi ako makagalaw ng ayos. Before kami matulog inasikaso muna namin yung mga tutulugan ng mga participants namin. Madaming available ng rooms na tutulugan pero 3 lang yung binigay para samin. Classroom lang sya actually. Kaya yung mga chairs tinatanggal namin tapos may mga blankets kaming dala then nilalatag namin yun tapos dun kami natutulog. May kasama nga pala ako nun mga 8 siguro kami sa room nayun puro lalaki lang. Maliit yung room kaya pinagdugtong dugtong namin yung blankets namin hanggang sa naging malaking parang kama. Nakahiga nako nun ng biglang may pumasok. Si kuya Ram.
"Pwede dito makitulog" sabi nya.
"Oo naman kuya, meron pa dito madami pili ka lang." sabi na katabi ko. Si John brader brader ko lang din to kaya ok lang na magkatabi kami.
Pumunta sya sa side ko at doon pwumesto sa paanan ko. Hindi ko nalang din pinansin kasi nga wala naman nga akong paki alam sakanya hindi ko naman din sya kilala kaya ok lang bahala sya sa pwesto nya.
Nakahiga na kaming lahat nun habang yung iba nagkwekwentuhan. Si Kuya Ram katabi nya yung mga alaga yang ituring o anak anakan. Habang kami naman ni John pinag uusapan namin yung mga nangyare sa buong araw.
"Shit! Ang lamig lamig talaga kanina pa!" sabi ko.
"Wala kabang nadalang kumot?" sabi ni John
"Wala pre. Nagmamadali kasi ako kanina maaga din kasi akong dumating dito"
"Sige pre sayo na itong kumot ko. Pasensyahan muna at maliit lang. Share nalang tayo tapos payakap nadin para may ka yapos ako habang natutulog. Hahahaha!" malakas nyang tawa habang ang lahat naman ay pinagalitan sya dahil gabi nadaw at natutulog nayung iba. Baliw talaga tong si John pero sympre biro lang yun at hindi ko binibigyang malisya. Nagpasya na kaming matulog ni John. Sa totoo lang useless din yung kumot kasi sobrang ikli talaga! Hahaha. Kahit na naka baluktot nako wala padin. Maya't maya pa narandaman kong tumayo si Kuya Ram at lumabas ng room. Ako dedma lang hinayaan ko nalang sya. Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Mga 3pm siguro nun ng narandaman kong kinagat ako ng lamok at nilalamig ng sobra. Yung kumot nakay John na lahat. Malaki kasing tao kaya hindi ko din masisisi na mahahatak nya talaga yun sa katawan nya. Hinayaan ko nalang dahil ayokong maistorbo ang tulog nya natulog nalang din ako kasi wala naman akong magagawa.

5:30 in the morning ng gisingin kami ng leader namin. Maingay mang gising ang Leader namin at pag hindi ka tumayo pag tritripan ka nila habang natutulog so tatayo ka talaga. Pag gising ko may kumot sa nakabalot saakin. Iba to sa kumot ni John na sadyang pinagtataka ko. Nung gumising ako wala dun si Kuya Ram pati nadin yung iba. Si John naman na full energy nakaligo na. Maaga sigurong naligo yung mokong.
"HOY UMAGA NA! MALIGO KANA! HAHAHA" sabi nya
"Ang aga mung gumising tapos nakaligo kana. Grabe hindi ka nilalamig?"
Ber months kasi nung nag event kami. Hehehe.
"Hindi no. Sensya nga pala sa kumot kagabi ang lamok kasi. May kumot ka naman pala nanghiram kapa sakin! Hahaha"
"Hindi naman sakin to." pero umalis na sya nung sinabi ko. Pinagtataka ko padin kung kanino yung kumot nayun. Pero hindi ko nalang pinsin. Medyo ok nadin ako nun sapat na para tapusin yung natitirang activities para event namin. Tinipon kami ni leader sa kitchen ng school upang mag almusal pero sympre nagdasal muna bago kumaen. Habang nag aalmusal..
"Guys una nako! May lakad pa kasi ako. Kayo na munang bahala sa mga participants!" Si Kuya Ram aalis na at mauuna na.
"Sure Kuya Ram! Ingat ka!" Sabi ng leader namin.
So yung mga anak anakan nya at alaga nya sa org namin naglapitan na. Niyakap nya at nagkasatan bago umuwi. Ganun sila ka kaclose ng mga yun. Hindi ko namalayang nakatitig lang ako sa kanila ng mga time nayun. Napatingin din si Kuya Ram saakin dahil siguro napansin nyang nakatingin ako sakanila. Ngumiti lang sya saakin tapos ako naman sinuklian sya ng isang matamis na ngiti at tinanguan sya. Umalis na sya bitbit yung bag nya. That time, as in wala talaga. Walang spark, walang feelings, walang interes as in W A L A. Ewan basta wala. Tapos na kaming lahat mag almusal kaya utos ni Leader puntahan yung last station. Etc Etc Etc Etc.
12pm natapos yung event namin. Nag uwian na yung ibang participants na may ngiti sa mga kanilang mga mukha na mukhang nag enjoy! Sulit yung overnight at ngayon ay papauwi na kami.

Pag uwi ko ng bahay 1:30pm na. Nagpasya akong matulog dahil nga pagod ako at baka sinatin nanaman ako. Nagising ako ng gabi na 6pm na. Kumaen ako ng dinner at nag computer. Nag League Of Legends muna ako dahil sobrang namiss ko maglaro nito. Ito yung games na sobrang kinaadikan ko! Minsan iaabot ako ng 14 hrs kalalaro lang ng LoL HAHAHA. Nag claclash ng time nayun sa nilalaro ko habang nakita kong umilaw yung cellphone ko. Sinilip ko kung sino yung nagtext pero yung hindi ko padin binibitawan yung keyboard at mouse. Nakita ko number lang pag tingin ko sa nilalaro ko namatay na pala yung character ko hindi ko kasi tinitignan.
"Tang ina naman! Sino ba kasi tong nagtext nato!"

" Hi :) "

Itutuloy...

7 comments:

  1. Knowsung ko ata kita che. Hahaha. pati si Ram knowsung ko ata pati na rin and org, mo che. Knows ko yata. Probably yun yung org. mo. Medyo matching namern mga kwento mo sa iniisip ko. Dito lang rin siya nag-aaral sa bataan at same age nung taong naiisip ko. :)) Lantad ka na bb dites. witty ko pagkalat lol.

    ReplyDelete
  2. Sana inulit ulit mo pang sinabi na wala kang interest sa kanya nung una. Ang corny ng kwento. Walang thrill yung cliff hanger mo kasi alam na ng lahat na yun yung ex mo. Sana tinapos mo na. Sorry ha, just sayin. -Truth Man

    ReplyDelete
  3. Nakakatuwa kasi parehong-pareho talaga tayo Author, simula sa physique hanggang sa kinaaadikan. Kambal, ikaw ba yan? Hahaha. Anyway, ipagpatuloy mo to Author! ��

    ReplyDelete
  4. Malamang kay ram yung kumot. Taka Lang ako di mo pinagtanong Kung sino nagkomot sa yo at do ka rin nagpa thank you?

    ReplyDelete
  5. Dapat may romansahan na next chapter haha

    ReplyDelete
  6. Saan napunta ang kumot? Di ba dapat isauli sa may ari at magpasalamat? Magtanong habang nandun pa sa event. I think un ang normal gawin. Nakauwi na si author. Inuwi nya ang kumot? Pakiexplain, lab u, hehehe.
    ANDY

    ReplyDelete

Read More Like This