Pages

Sunday, February 8, 2015

Good Filipino Christian Boys

By: Zander

Dear Readers, napansin kong medyo kulang (kung hindi man completely absent) ang mga engkwentrong sexual na nangyayari sa loob ng simbahan, o engkwentrong mga debotong Kristiyano ang involved. Allow me to cure that. HAHA!

Kahit na alam kong maraming open-minded dito, considering the taboo content here, alam kong ibang level parin ng pagka-taboo ang combination ng sex at religion. Kaya kung sa tingin niyo ay tutol kayo sa kwentong pinaghahalo ang dalawang extremes na ito, malaya kayong pumili ng ibang kwento. Pero kapag ito ang trip niyo, o curious kayo, sana ay magustuhan niyo ang munti kong obra.

*

Minsan, sa kalagitnaan ng biglang katahimikan, naaalala ko siya. Habang naghuhugas ng pinggan, bigla kong makikita sa likod ng aking mga mata ang ngiti niya. Habang pinagmamasdan ang mga estudyante ko sa Sunday school, maririnig ko ang tawa niya. Habang pinakikinggan ang sermon ng pari, mapapalingon ako, inaasahang nakaupo siya sa aking likuran.

It's been three months, pero hindi ko parin mahugasan ang duming ikinalat niya sa aking katawan.

Kadalasan, tuwing Linggo, ako ay nagtuturo sa Sunday School. Pero bilang anak ng pari, sanay na ako na kapag wala masyadong matawag para mag-acolyte sa isang misa, ako ang isa sa mga agad na tinatawag. Wala man akong pormal na training sa paghawak ng krus o kandila, pwede parin akong ituring bilang eksperto sa routine ng isang acolyte.
Isang Linggo, wala ang isa sa mga dating naga-acolyte para sa Sung Mass, kaya hinagilap ako ng sakristan sa Sunday School classrooms upang mag-stand in. Ipinasa ko ang lesson sa aking partner, at pumunta na sa simbahan upang magbihis. Ako ang inatasang magbuhat ng krus. Ayos, ito ang may pinakakonting lakad sa altar.

Hindi ko alam kung bakit ito ang ibinigay sakin ng Panginoong pagsubok, pero ito nga ang nangyari.

Minsan, bilang acolyte, mabuburyong ka din sa kinauupuan mo habang hinihintay ang oras kung kailan mo kailangang gumalaw. Lalo na kung ang sarili mong ama ang nagbibigay ng sermon, sermon na alam na alam mo na, at halos kaya mo na siyang sabayan sa pagkakarinig mo nito ng paulit-ulit. Kaya nililibang ko ang sarili ko sa panonood ng mga tao sa simbahan: kung sino ang mga bagong mukha, kung meron man; sino ang natutulog; sino ang may ibang ginagawa.

Typically, ang mga nakita kong tulog eh yung mga may edad na. Yung isang lola, nakanganga pa siya. Kulang nalang eh humilik siya. Nagtaka tuloy ako kung nakikita ba siya ng Papa ko, at kung paano niya napipigilan ang tawa o galit niya sa nakikita niya.

Moving on from Lola, nakita ko siya. Ang diyablong nag-anyong tao.

Bagamat may mga katabi siya sa pew, halatang di niya kasama ang mga ito. Naka-itim siyang leather jacket, makintab sa hair gel ang faux hawk niya, at inaantok ang mukha niya. Inisip ko na sana ito noon, pero kapag ang demonyo mag-aanyong tao, malamang, gwapo ang magiging itsura nito. Makakapal ang mga kilay, litaw ang cheekbones, medyo singkit na mga mata, porcelain complexion; typical Igorot features, mala-ibayong Asiano. Pero di siya payat gaya ng mga nakikita kong Chino o Koreano sa Baguio. Halata sa lapad ng balikat at umbok ng dibdib niya na may kalakihan ang mga kalamnan niya. Di naman body-builder type, pero halatang healthy living siya.

Napatingin ata ako sa kanya ng matagal, dahil napatingin siya sakin. Tumaas ang makapal niyang kilay, nanliit ang mga matang pinalibutan ng makapal at mahahabang pilikmata.

Binalik ko ang aking tingin sa pulpit, kung saan nanenermon ang aking ama. Ang bilis ng tibok ng puso ko, tila gustong kumawala sa aking dibdib. Tagos kaluluwa ang titig niya, na para bang kahit saglit lang kaming nagkatinginan eh andami na niyang nalaman tungkol sakin.

Effort akong di tumingin sa congregation hanggang natapos ang sermon. Nang sinamahan ko na ang kapwa ko acolyte (dalawang tagahawak ng kandila), iwas ang aking tingin sa mga tao. Pero... simula nung nagkatinginan kami, tila ba ramdam kong nakatingin na siya sakin palagi, parang pinagmamasdan, sinusukat, bago sakmalin, at kainin.

Nang communion na, ako at ang sakristan ang nagpresentang magbigay ng wine. Ganon kakonti ang mga usual volunteers sa araw na yon. Parang sinadya ng Panginoon na kami at ang lalaking nakita ko ay may mas malapitan pang engkwentro.

Ipinagdasal kong di siya pipila para sa communion, o kung pipila man siya, sa sakristan siya hihigop ng wine. Pero siyempre, kung plano nga to ng Maykapal, balewala ang dasal ko. Pumila siya, at nakatingin sakin. Malamang, pagkatapos niyang matanggap ang katawan ni Cristo ay sa akin siya pipila para sa dugo.

Iba talaga ang dating niya. Pati mga kasama niya sa pila napapansin ang maitim niyang aura. Napaka-out of place niya sa simbahan. Maliban sa sindakin ako, ano kaya ang ipinunta niya dito?

“The Body of Christ, the Bread of Heaven,” bulong ng aking ama sabay lagay ng maliit na tinapay sa dila ng lalaking nakaitim. Gaya ng inaasahan, sa akin siya pumila para sa wine.

“The B-blood of...the Cup of Slbatasindon...” nagkabulol-bulol na ang sinabi ko nung inilapit ko sa bibig niya ang chalice ng wine. Hinawakan niya ang ilalim ng chalice, para mas maayos niyang mainom ang wine. Nakatitig siya sa akin mula pagkahawak hanggang sa matapos niyang humigop. Dark brown eyes, na tila alam ang bawat sekreto ko sa buhay. Sekretong ikahihiya ng anak ng pari, ikahihiya mismo ng pari.

Tila alam ng mga matang iyon ang ginagawa ko sa kadiliman ng aking kwarto—gawaing isinusumpa ng mga deboto bilang kasalanan, kamunduhan, kahinaan ng katawan. Tila nakikita din ng mga matang yon kung ano ang nasa isip ko habang ginagawa ang kamunduhang iyon. Kitang kita nila ang iniimagine kong hubad na katawan...ng mga lalaki...

Yung matandang nakatulog habang sermon ang sumunod sa lalaki, at dahil sa nakakatawang alaala tungkol sa matanda, madali kong nabalik ang sarili ko sa simbahan, sa pagbibigay ng wine.

Nang matapos kong bigyan ang huling taong nakapila, napatingin ako sa mga taong nakaupo. Ibabaling ko na sana ang aking mga mata, just in case magkatinginan ulit kami, pero napansin kong wala na siya sa dati niyang kinauupuhan. Salamat, Panginoon at hanggang doon lamang. Sana ay hindi ko kayo nabigo.

Pero mali. Matagal pa pala bago matapos ang Kanyang plano para sa akin.

Nang makabihis na ako, dali-dali na akong lumabas sa simbahan. Gusto kong maligo ng malamig. Ibang klaseng tama ang iniwan sa akin ng misteryosong lalaki. Pilit kong inaalis sa aking isipan ang mga makamundong pag-iisip. Ang kanyang labing nakadampi sa labi ng kopa. Ang kanyang daliring bahagyang sumagi sa aking daliri nang hawakan niya ang ilalim ng kopa. Ang kanyang makapangyarihang titig.

Not in church! Bulyaw ko sa aking sarili. Not in church!

Habang pinapagalitan ko ang sarili ko, di ko na napansin na may katabi na pala akong naglalakad. Parang anino. Maitim. Diyablo—

“Hi!” sabi niya, at nagulat ako.

Nakangiti siya sakin, litaw ang maayos na mga ngipin, may konting dimples sa pisngi. Sa kanyang kaputihan, tila kumikinang siya sa ilalim ng araw. Nakasabit ang leather jacket niya sa kaliwang braso. Ang kanang braso ay naka-angat, ang kamay nito kumakaway sa akin. Naka-V-neck siyang shirt, yung masikip ang kapit sa katawan. Gaya ng sabi ko, di ganon kalaki ang kanyang katawan, pero dahil sa suot niya, litaw ang konting umbok ng kanyang dibdib, kanyang mga utong. Developed ang biceps niya. Sa pagkakalitaw ng mga linya ng kalamnan sa kanyang braso, masasabing ang laman lang ng kanyang katawan ay buto't kalamnan, walang taba.

“Uh, hello,” sabi ko. Linakasan ko na ang loob ko. Sa compound ng simbahan, ang pari at ang kanyang pamilya ang authority. Wala akong kailangang ikatakot sa lalaking ito. “Bago ka dito ano?” tanong ko sa kanya.

Tumango siya. “May sinamahan lang,” sagot niya.

Tumingin ako sa paligid niya. Parang wala naman siyang kasama. Napansin niya ang ginawa ko, at tumawa.

“My little brother,” paliwanag niya. “Kasama niya mga Sunday School classmates niya. Siya ang regular dito.”

Napa-angat ako ng kilay. “Ayos ah,” sabi ko. “Usually kapag may chaperone, sa may computer shop sila tumatambay.” Marami kasing ganung shop sa labas ng compound.

Umiling siya. “Masyadong maingay,” sabi niya. “Boys swearing over something so trivial as a video game... so... unattractive...” nginitian niya ako. “At least sa simbahan, astang mababait ang mga makikita mong gwapo.”

Ramdam kong namula ang mukha ko. Wow, prangka siya ah. Di man lang inisip na since nasa simbahan siya, pwede siyang husgaan sa pag-amin niyang bakla siya.

Lumunok ako. Gusto ko na siyang iwan, pero at the same time, gusto ko parin siyang kausapin. Nagdesisyon ako: Not in church.

Kaya sabi ko nalang: “Uh, I have to go. Pero ano na pangalan mo?” Plano ko siyang i-Facebook stalk, alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Sa likuran ng aking isip, iniisip kong baka may nude pictures din siya. At sana naka-public.

Nanliit ang kanyang mga mata, sinusuri ako, sinusukat. “Sinong paborito mong character sa Bible?”

Napatitig ako sa kanya, di alam ang gustong niyang sabihin. Inulit niya ang tanong.

“Ah, si, ano... Si Daniel siguro,” sagot ko. “Dun sa kwento ng Daniel in the Lion's Den.”

Natawa siya. “Ayos ah,” sabi niya, inabot ang kamay niya sakin. “Daniel din ang pangalan ko.”

Kinamay ko siya, nagdududa kung yun nga ba ang pangalan niya. Mukhang nasira ang stalking plans ko. “Christian,” sabi ko naman.

“See you next Sunday, Christian,” kinindatan niya ako. Hindi yung pabirong kindat, pero kindat na may malibog na ibig sabihin. Parang hinubaran niya ako sa kindat na yon.

*

Pagkauwi ko, diretso ako sa banyo, di pinansin ang tawag ng nanay ko para mananghalian. Hubad ng damit, on ang shower, di ko na in-on ang heater nito. Kahit na malamig ang Baguio, di ito sapat para mawala ang libog ko...

*

Sa mga sumunod na Linggo, andun siya, sa dati niyang kinauupuhan nung una ko siyang makita. Di na muna ako nag-acolyte noon, kaya nakikita ko lamang siya pag hinahatid ko na ang mga studyante ko para pumila sa communion. Kapag nakita na niya ako, tatayo na siya at sisingit sa pila, sa mismong likuran ko. Kung sino man ang dapat na nasa likuran ko, tila di makatanggi o maka-alma sa ginagawa niya.

Minsan, lalo na kung matandang pari ang nagbibigay ng tinapay, bumabagal ang usad ng pila nito, sumisikip tuloy ang pagitan ng bawat nakapila. Sinasamantala ito ni Daniel.

Ilang beses na niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko, hinihingaan ng mainit. Di ko alam kung bakit di ko siya pinipigilan, o pinapagalitan. Siguro dahil masarap ang init ng hininga niya sa likuran ng aking tenga.

Sa ibang pagkakataon, sa pagkukunwaring titingin siya sa relos niya ay sasagi ang kanyang kamay sa braso ko. Dahan dahan yung galaw niya, binubuhay ang bawat parte ng braso ko. Kinikilabutan ako pag ganun, kinikilig. Kahit na pinapaalala ko sa sarili kong nasa loob ako ng simbahan, di ko mapigilang isipin na pano kung ipinasok niya ang kamay niya sa T-shirt ko?

Bakit ba ang haba ng pilang ito?

Matapos ang tatlong Linggo, mas naging confident siya—siguro dahil di ko nga sinusuway. Pagkasingit niya sa pila, pumatong agad ang kamay siya sa balikat ko, na parang long-time friends kami. Dumiin saglit ang pagkakahawak niya, pinisil ang kalamnan ng balikat ko. Sa kalagitnaan ng pila, sa loob ng simbahan, sa mata ng Diyos, tinigasan ako. Pinigilan ko ang ungol na gustong tumakas mula sa bibig ko.

Sa gabi ng Linggong yun, di na ako nag-abalang maligo ng malamig para mawala ang libog ko. Nagkulong na ako sa kwarto ko, naghubad, at nagjakol sa harap ng aking closet mirror. Pinagmamasdan ang aking katawan, na kahit malayo sa development ng katawan niya ay pilit ko paring iniimagine na dibdib niya ang aking hinihimas, utong niya ang aking nilalapirot, burat niya ang aking jinajakol.

“Dan...iel...” bulong ko, dumadampi-dampi ang labi ko sa malamig na salamin. Ang labi ko, inisip kong labi niya, at hinalikan ko ang sarili kong reflection. “Ang sarap mo...” inisip kong hindi ako ang may bigkas noon, kundi siya.

Pumikit ako, at inisip naman na mga kamay niya ngayon ang humihimas sa dibdib ko, ang sumasalsal sa ari ko. “Christian...” sinubukan kong gayahin ang boses niya. At sa aking kalibugan, napaniwala akong siya nga ang nagpapaligaya sa akin sa aking kwarto.

Sumirit ang aking puting katas sa salamin, at inisip kong ito'y kumalat sa kanyang perpektong katawan.

Sa paglaho ng aking libog ay sumamang nawala ang aking mga ilusyon. Ang pumalit ay ang pandidiri ko sa aking ginawa. Dali-daling kumuha ng tissue at pinunasan ang salamin, sinuguradong ang malapot at maamoy na tamod ay nasaid na mula dito. Binuhusan ko ng alcohol hanggang sa halos masunog na ang ilong ko sa amoy, para lang masiguradong walang maamoy na Zonrox sa salamin. Tsaka ako naligo. At nagdasal:

Lord, patawarin niyo po ako sa kamunduhang aking nagawa, patawarin niyo ang aking kahinaan. Sana po ay ilayo mo na ako sa tuksong nagngangalang Daniel. Amen.

Pero ang mga demonyo, ayon sa mga kwento ng tatay ko tungkol sa exorcism, hindi mo sila mapapaalis hangga't di mo nalalaman ang tunay nilang pangalan.

Itutuloy

13 comments:

  1. Sana may part2 to plsssssssss

    ReplyDelete
  2. NICE! ganito ang gusto kong story......may twist...tsaka hindi agad agad ung attack ng climax....aabngan ko to.. :D

    ReplyDelete
  3. I.F.I noh? Fierce story, next part plz..

    ReplyDelete
  4. bkt karaniwan nag popost ng kwento dito puro tga baguio? gnon b klibog mga tga baguio?just asking

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maginaw ngay.

      Tsaka I blame the Twins. Haha. Sila inspirasyon ko.

      ~Z

      Delete
    2. I miss Baguio already. Ay apo met! Nya nga simbaan datoy? Baguio ak next month. :-)
      Missin the twins, too!

      Delete
  5. Paclarify nemen author if anak ba ng Pari or baka nemen anak ng Pastor. Disturbing nga kung anak ng Pari. Pero Truelala, 2 yrs akong nag aral noon at andaming mga gwapong igorots, nakakapang laway sila lalo kung naka bahag lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uh, we call our religious leaders "Priests", we address them as "Father". Sa Ilocano, we call and address them "Padi", so inassume ko nalang na "Pari" ang translation sa Tagalog. Hehe. Pero in our religion, typical na ang pamilyadong priest. I won't mention which religion though.

      ~Z

      Delete
  6. Aglipayan yata ang author?

    ReplyDelete
  7. Nagkakaanak pla ang pari? o.O

    ReplyDelete
  8. Maganda ang story na to part 2 na! =] Tsaka baka Aplipayan o Anglican/Episcopal sila. Sa Catholic kc bihira ang married priests "so they say"! hahaha

    ReplyDelete

Read More Like This