Pages

Sunday, February 15, 2015

Light Rail Transit to Destiny

By: Lewis Peter Gil

Masaya na akong nakikita ang mga taong in-love. Pakiramdam ko kasi alam ko yung nararamdaman nila sa tuwing nagngigitian sila. Minsan sa daydreams ko na lang nabubuhay yung taong gusto ko, yung taong ideal para sa akin at yung taong perpekto na nandyan palagi sa tabi ko. Minsan hindi ko namamalayan na masyado na akong nananaginip ng gising, masarap gawin ito pero minsan kailangan din nating bumalik sa realidad na wala akong love life at walang taong magkakagusto sa kagaya ako at mas lalong hindi nag eexist yung taong pinapangarap ko.

Hindi ako ganun ka-attractive, average lang ang itsura ko at chubby ako, pero dati yun. May ilan na ding nagbago sa pisikal na anyo ko simula nung una akong masaktan ng dahil sa pag-ibig.

Nakatapos ako bilang isang Nurse at nagtatrabaho sa isang ospital. Kung tutuusin ay ayoko talaga maging nurse, pero dahil sa ito ang gusto para sa akin ng mga magulang ko ay sumunod ako dito. Wala na din naman akong magagawa kasi tapos naman na ako. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin ang kapalaran ko.

Ako si Lewis, 25 na taong gulang at nakatira ngayon dito sa London. Mahirap maging nurse. Hawak mo ang buhay ng tao, kaya hindi pwede yung chill na attitude lang sa trabaho. Kailangang parating focus sa lahat ng ginagawa. Minsan kahit tama ang ginagawa mo ay palagi kang hahanapan ng mali ng mga katrabaho mo o yung doktor na palagi kang susungitan dahil sayo nya nilalabas ang stress nya dahil wala na syang social life dahil sa sumikat at lumubog ang araw ay nasa ospital lang sya palagi. Nandyan yung hawak mo yung 20 pasyente sa isang shift tapos yung kapalit mo hindi makakapasok dahil sa masakit ang tiyan at mapipilitan kang mag-extend. Nakakapagod na din minsan. Kung pwede nga lang minsan sumigaw ako ng “Ayoko na!”
ay malamang nagawa ko na, dahil sa pangarap sa akin ng mga magulang ko namakapag-abroad ay hindi ko binitawan ang trabaho sa ospital. Kahit na hindi man lang nila tinanong kung gusto ko bang mag-abroad. Paano na ang buhay ko, mas lalo na ang pinapangarap kong love life.

Hindi ako halata na isang bisexual pero alam ito ng mga malalapit kong mga kaibigan. Madami akong hinahangaan na mga kasamahan sa ospital. Masaya ako na makakasama ko sila at hindi na ako naghahangad na magustuhan din nila ako. Hindi din kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil sa takot ako sa rejection kaya hindi ko na din sinubukan. Masaya lang ako na nandyan sila at alam ko na buhay sila sa daydreams ko. Minsan gusto ko na ding isipin na maari akong masiraan ng ulo sa ginagawa kong daydreaming, pero minsan ito na lang yung bagay na nakakapagpangiti sa akin. Siguro hindi naman masama kung isipin ko na may taong para sa akin at hindi ko pa sya nakikilala.

Walang masyadong kaganapan sa buhay ko. Ang alam ko lang ay magtrabaho. Pero kahit na zero ang love life ko ay sya namang kabaliktaran sa mga kaibigan, kasi sila na lang yung nagbibigay ng saya sa akin. Wala din naman kasi akong special someone na mapaglalaanan ng buong buo kong pagmamahal. Sabi nga nila, sa buhay hindi naman binibigay ang lahat at naniniwala ako dahil isa ako sa mga patunay nito.

Ayoko ng rejection, dahil mapait ang mareject. Naranasan ko ito nung nagustuhan ko si Henri, yung nakilala ko dati sa isang party ng kaibigan ko. Gwapo si Henri, palibhasa ay may dugong French kaya hindi nakakapagtaka na ganun sya kagwapo. Matangkad din sya sa height na 6’1”. Bukod sa magandang physical features nya ay mabait din naman si Henri, pero meron pa din syang personality na tipikal sa isang lalaki na kagaya nya, kaya mas lalo syang napapansin ng dahil dito at isa na ako dun.

Kasalanan ko lang siguro ay umasa ako na baka may chance kami. Naging close kasi kami at akala ko ay gusto din nya ako. Oo, naging hopia ako. Ibang level kasi ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Hindi ko noon naiwasan na ipakita sa kanya na gusto ko sya, pero hindi nya ito napansin. Nang ipinagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko ay nareject ako, dahil sa gusto ni Henri ang bestfriend kong si Kurt at ako daw sana ang maging tulay para sa kanilang dalawa. Nasaktan ako, pero hindi naman ito kasalanan ni Henri o ng bestfriend kong si Kurt, nang malaman ito ni Kurt ay iniwasan nya si Henri dahil ayaw nyang magkaroon ng issue sa aming dalawang magbestfriend, at isa pa ay kaka-on lang nila Kurt at ng partner nya. Pakiramdam ko kawawang kawawa ako nung mga panahong yun. Para kasi sakin ipinamukha ni Henri na walang magkakagusto sa kagaya ko, at yun ang naging drive para magbago ako, sa panlabas at panloob.

Simula noon ay naging bitter na ako pagdating sa usaping love life. Nacocorny-han ako sa mga kwento ng mga bisexuals na nagkakatuluyan at yung mga kinakasal. Para sa akin kalokohan lang ito at malamang ay gawa-gawa lang ng mga taong desperado sa pagmamahal na umaasang magiging ganun din ang buhay pag-ibig nila. Hindi ko alam na ang sarili ko pala ang nakikita ko sa bahaging yun.

Nagkaroon din ng problema sa bahay noon. Nagpasya na kasing maghiwalay ang mga magulang ko dahil sa di matapos-tapos na issue na pambabae ng tatay ko. Siguro nga para sa akin ay mas mabuti nang maghiwalay sila kesa naman magkasama sila sa bahay pero araw-araw naman silang nagbabangayan. Binenta ang bahay namin at ilang ari-arian at pinaghatian naming pamilya ito. Nakuha din namin ang share namin ng dalawa ko pang kapatid at kami ay bumukod na. Ang Mama ko ay pumunta na sa US at ang Papa ko naman ay naiwan at pumili ng lugar malayo sa dati naming tinitirhan. Masakit isipin na ang minsang masayang pamilya ay hindi pala totoong masaya. May mga bahagi na noon ko lang nalaman, pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin at yakapin ang kinahinatnan namin.

Lumipat ako ng ibang ospital dahil natapos na din ang isang taong kontrata ko bilang RN-HEALS. May chance akong maging regular pero matagal pa ang aking hihintayin kaya lumipat na lang ako ng iba. Dahil malaki-laki naman ang nakuha kong parte sa pinagbentahan ng bahay namin ay naghulog ako sa isang condominium unit. Hindi nagtagal ay nakalipat na ako at natanggap din ako sa ospital. Dito ay nagsimula akong mag-isa, masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-umpisa ulit.

Madalas akong sumakay ng LRT. Ilang stations kasi ang dadaanan bago ako makarating sa ospital. Madami akong nakakasalamuha na tao. Minsan mga kaklase ko nung High School o College o yung iba ay kakilala ko. Dahil sa Out Patient Department ako naassign ay fixed ang oras ng pasok ko. Para lang akong nag-oopisina na ikinagusto ko. Hindi ako stressed sa paiba-ibang oras ng pasok at mas may panahon ako sa sarili ko. Mas nagkaroon din ako ng oras na gumimik na dati ay hindi ko nagagawa.

Sa araw-araw na pagsakay ko sa LRT ay madalas kong makasabay yung lalaki na palaging nakacasual na long sleeves na parang nag-oopisina. Gwapo sya, matangkad at palangiti sya sa akin o talagang palangiti lang talaga sya sa mga tao. Kung hindi nga lang sya gwapo ay iisipin ko na masama syang tao o baliw sya dahil sa pagiging palangiti nya. Halos tatlong buwan ko syang nakasabay sa LRT bago ko sya nakilala.

Minsang weekend ay napagpasyahan namin ni Kurt na gumimik sa isang bar sa Ortigas. Dahil madalas sya dun ay marami syang kakilala at pinakilala nya ako sa mga kaibigan nya dun. Totoong madaming isda sa dagat, pero iilan lang dito yung masasarap at worthy na hulihin. Hindi ako masyadong mahilig sumayaw kaya nung halos lahat ng kasama namin ay nasa dance floor na, ay pumunta ako sa bar at nag-order ng drinks na hindi ko pa natitikman noon. Habang umiinom at nanonood ng mga sumasayaw ay may dumaan sa harap ko na pamilyar ang itsura at hindi ako nagkamali, yung lalaking madalas kong makasabay sa LRT ay isa din palang bisexual.

Hindi ko na sya nasundan ng tingin. Madami kasing tao nung gabing yun at hindi na din ako umaasang makilala ko sya, para kasi sa akin ay parang too good to be true sya. Yung taong parang perpekto sa lahat ng aspeto, gwapo, mukhang well off at parang walang mali sa kanya. Kaya walang chance na makilala ko sya at alam ko kung magkakilala man kami ay hindi din naman nya ako magugustuhan.

Nang umupo na ang mga kasama namin ni Kurt ay lumapit ako sa kanila. Hindi ko alam na nandoon pala si LRT guy. Pinakilala sya sa akin ni Kurt at nalaman ko na partner pala sya ng isa sa mga kaibigan ni Kurt. Nakipagkamay si Martin sa akin at nakilala din nya ako bilang madalas nyang makasabay sa LRT.

“Parang kilala kita, I guess sa LRT?” ang sabi ni Martin sa akin

“Ah oo, madalas tayo magkasabay dun. Diba ikaw yung madalas na bumababa sa Gil Puyat?” ang sabi ko sa kanya

“Oo, ako nga yun. Nice meeting you, Lewis” ang sabi nya sa akin at kinamayan nya ako.

Habang magkakasama kami ay hindi ko maialis ang tingin ko kay Martin at sa partner nyang si Drake. Kitang kita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa. Inaamin ko na nainggit ako nung mga panahong yun. Pakiramdam ko kasi na mahal na mahal ni Martin si Drake. Doon ko din narealize na baka gusto ko na din si Martin pero natatakot lang ako na aminin ito sa aking sarili. Sinabi ko na lang sa sarili ko na maging masaya na lang ako na nakakakilala ako ng mga ganung klaseng tao at wag masyadong umasa sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan.

Madalas ko pa ding makasabay si Martin sa LRT, pero bilang magkakilala na kami at hindi na bilang stranger. Mas madalas din ang kwentuhan namin at sa araw-araw ay mas nakilala namin ang isa’t isa. Isa pa lang Product Engineer si Martin sa isang company sa Makati. Masasabi ko na isang mabuting tao si Martin at masaya ako na nakilala ko ang tulad nya. Sobrang swerte si Drake na partner nya sa kanya. Habang tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya na araw-araw kong pinipigilan dahil sa hindi ito pwede at ayokong makasira ng isang relasyon. Dahil sa paglaban ko sa nararamdaman ko ay naisip ko na baka kailangan ko ng diversion at nauwi ako sa pag-sign up sa PlanetRomeo.

Doon ay nakachat ko si Rob at parang nagustuhan naman nya ako. Ilang linggo muna ang lumipas bago kami nagmeet. Pareho kaming hindi halata na mga bisexuals at astigin ang itsura nya. Matangkad, moreno at malaki ang katawan ni Rob. Kung hindi ko nga lang alam na bisexual sya ay hindi ko sya pag-iisipan ng ganun sya. Dahil na din siguro sa physical attraction at urges ay pumayag ako na sumama kay Rob sa isang fastfood chain at mas nagkakilala pa kami. Medyo magaspang lang si Rob ng konti, may pagkabarumbado pero nasa lugar, marahil sa personality nyang lalaking-lalaki kaya sya ganun. Nang lumalim na ang gabi ay inaya nya ako sa condominium unit nya along Taft Avenue at maayos naman akong tumanggi at pumayag naman sya na next time na lang. Nang palabas na kami ng fastfood ay natapunan ako ng dala nyang sundae. Sobrang lagkit nito at parang sinadya nyang matapunan ako para makasama ako sa unit nya. Pumayag na din ako dahil sa gusto ko ding magpalit at nalalagkitan ako nung mga oras na yun. Nang makarating kami sa unit nya ay naligo na ako. Pinahiram nya ako ng tuwalya at damit. Nang matapos ako ay sya namang pumasok sa banyo at naligo, kinailangan ko syang hintayin matapos dahil ihahatid pa daw nya ako sa unit ko. Habang hinihintay ko sya ay tinignan ko ang isang photo album na nakalagay sa ilalim ng side table nya. Mag-isa lang ito at malamang ay naiwan nya dun. Pictures ito nung bata pa si Rob at tuwang tuwa ako dito dahil bata pa lang sya kitang kita na ang pagiging gwapo nya. Nang matapos si Rob ay dali-dali nyang kinuha sa akin ang album.

“Bakit? Tinitignan ko lang naman” ang sabi ko sa kanya. Doon ko lang din napansin ang maganda nyang katawan dahil nakatapis lang sya sa bandang ibaba, pero naiiwas ako ang tingin ko at bumalik sa usapan namin.

“Wag na, nakakahiya eh” ang sabi ni Rob habang namumula sa hiya.

“Para tong tanga, akin na, matatapos na din ako” at nilapitan ko sya at sinubukang agawin ang album. Dahil mas malaki at mas malakas sya sa akin ay hindi ko nakuha ang album at dahil sa kakahila ko nito ay napadikit ako sa katawan nya na ikinahinto namin pareho. Para akong nakuryente nung madikit ako sa katawan nya. Buong palad ko kasi ay nasa abs nya at parang naramdaman din ni Rob ito. Nagkatinginan kami at nagkahalikan kami. Gumapang ang kamay ni Rob sa pwet ko at hinawakan nya ito. Kinuha nya ang kamay ko ay niyakap nya ito sa balikat nya. Doon ay binuhat nya ako papuntang kama nya at patuloy pa din kami sa halikan. Tinaggal nya ang shirt na suot ko at pumatong sya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa first time kong makipag sex nun. Basta ang alam ko lang nung mga oras na yun ay masarap pala ito kaya pala madami ang ayaw lumubay dito.

Hubad na hubad na kaming dalawa ni Rob at patuloy pa din kami sa paghahalikan. Kahit na mabigat sya ay hindi ako nakaramdam na nahihirapan ako, marahil sa sarap nito ay nakalimutan ko na mabigat sya at siguro mas nakadagdag pa ito sa sarap na nararamdaman ko. Hinalikan nya ako sa leeg at sinipsip nya ang dibdib ko. Literal na ginawa akong babae ni Rob nung mga oras na yun. Maya-maya pa ay nilagyan ni Rob ng unan ang likod ko. Nalaman ko ang gusto nyang mangyari kaya kinausap ko sya.

“Rob, virgin pa ko” ang sabi ko sa kanya.

“I know, dadahan-dahanin ko” ang sabi nya at hinalikan nya ako sa labi. Kinuha nya ang lubricant pero wala syang condom na dala.

“Bakit walang condom?” ang sabi ko sa kanya.

“Safe naman ako, mga naging partner ko lang nakakasex ko bago ikaw at madalas akong magcondom at dahil virgin ka pa ay gusto kong maexperience na bumiyak na walang condom” ang sagot nya sa akin at inaamin ko na naexcite ako kaya pumayag ako. Dinamihan ni Rob ang lubricant at unti-unti nyang pinasok ito sa akin.

“Fuck ang sikip mo!” ang sabi ni Rob sa akin.

Sobrang hapdi sa pakiramdam nung mga oras na yun. Nang maipasok nang lahat ni Rob ay nagpatuloy kami sa halikan. Ramdam na ramdam ko ang laki sa loob ko. Dahil sa sarap ng halikan namin ay hindi ko na namalayan na nakailang labas-pasok na si Rob sa akin. Ang kaninang masakit ay masarap na ngayon. Halos mabaliw kaming dalawa sa aming ginagawa.

“Ang laki Rob ahhhhh ahhhhh” ang sagot ko sa kanya. Hindi kami masyadong makaungol dahil sa patuloy lang ang halikan namin habang binabayo ako ni Rob. Nang pansin kong pagod na sya ay umibabaw ako sa kanya at inupuan ko sya.

“Ahhhh ang sikip fuckkkkk” ang tanging sagot ni Rob. Naging instant pornstar ako nung mga oras na yun. Lahat ng napapanood ko sa porn ay ginawa ko kay Rob. Doon ko din natutunan mag-muscle control at nalaman ko na sobrang sarap daw nito sabi ni Rob. Umupo si Rob at patuloy pa din ako sa pagtaas-baba sa kanya. Patuloy din sya sa paghalik sa dibdib ko na ikinasarap ko. Halos maputol na ang aming hininga dahil sa sarap na nararamdaman namin. Maya-maya pa ay bumalik kami sa dati naming posisyon. Dito ay mas naging masarap ang pagsesex namin, napansin ko din na mas malalakas na ang bayo nya at mas sagad na ito hudyat na malapit na syang labasan.

“Lewis, lalabasan na ako” at bigla nya akong sinunggaban sa labi. Mas naging mabigat ang pagbayo nya at naramdaman ko na may mainit sa loob ko. Habang nilalabasan sya ay mas sinikipan ko ang pwet ko na nakadagdag sa sarap na nararamdaman namin. Hindi nya inalis ang burat nya sa loob ko at niyakap nya ako habang nakapatong sya sa akin. Hinalikan nya ako sa noo nung mga oras na yun. At nang lumambot na ang burat nya ay umalis na sya sa pagkakapatong sa akin at hiniga nya ako sa dibdib nya. Hindi namin namalayan na nakatulog na kami pareho. Nang magising ako ng umaga ay may damit na ako at naksuot ng boxers si Rob na walang pang-itaas.

Nang magising kaming pareho ay nakangiti lang sya sa akin. Para akong nananaginip nung mga oras na yun. Sa mga kwento ko lang kasi nababasa yung mga ganung tagpo, hindi ko inaasahan na mangyayari din pala sa akin yun. Ipinagluto ako ng almusal ni Rob kahit na hindi sya masyadong marunong. Tinulungan ko sya at nang matapos kami magluto ay sabay kami kumain. Pakiramdam ko ay parang matagal na kaming magkakilala, pero alam ko na baka hanggang dun na lang ang pagkikita namin, minsan kasi nagkakatikiman lang tapos wala na. Pagkatapos nun ay hindi na ako masyadong umasa na itetext pa ako ni Rob. Hanggang sa sampung araw na ang lumipas ay hindi pa din kami nagkikita at nung panahong yun ay tinanggap ko na na nagkatikiman lang kami.

Nang pauwi na ako nung biyernes ay nakita ko si Rob sa parking lot ng hospital na nanghihintay. Nang makalapit ako sa kanya ay nginitian nya ako, walang sabi sabi ay nilapitan nya ako at inakbayan papunta sa sasakyan nya.

“Uy, ano ‘to?” ang sabi ko sa kanya.

“Wala lalabas lang tayo, di na kita nakikita eh, diba FuBu tayo? Dapat ako lang ang..” ang sabi nya at tinakpan ko ang bibig nya dahil baka may ibang makarinig sa sasabihin nya.

“Oo na sige na” ang sabi ko sa kanya at pumasok na ako ng sasakyan. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan dahil na din sa inis. Tila napasubo ako sa sitwasyon naming dalawa. Kahit na gusto ko ito pero parang ayokong mababoy sa paraan na gustong mangyari ni Rob, siguro dahil na din sa nangyari sa amin ay parang naging attached na din ako sa kanya at ganun din naman sya sa akin.

Nang makarating kami sa unit nya ay may hinanda syang dinner para sa amin. Natouched ako sa ginawa nya. Hindi pa kasi ako nakaranas nung pinaghahandaan. Palagi kasi ako yung naghahanda para sa ibang tao. Kahit na barumbado si Rob ay may puso pa din naman pala sya. Nung gabing yun ay mas nagkausap kami ni Rob at nung lumalim na ang gabi ay may nangyari ulit sa amin.

Nagpaulit-ulit ang ganun sa amin ni Rob, kahit na gusto ko ito ay alam ko sa sarili ko na wala namang patutunguhan ang nangyayari sa amin. Nung panahong yun kasi parang naghahanap na ako ng isang tao na makakasama ng pangmatagalan, yung tipong hindi lang kami puro sex. Gustuhin ko man na si Rob na yun ay parang hindi din naman ito uubra sa amin. Talagang sex lang ang meron sa amin at gusto ko nang matapos yun. Inaamin ko na ipinagdasal ko din na sana mabago ang turing ni Rob, pero mukha itong isang hopeless case.

Nagkalakas akong magtapat kay Rob ng mga nararamdaman ko. Habang sinasabi ko na gusto ko nang tigilan ang nangyayari sa amin ay hindi sya kumikibo pero halatang tutol sya at galit sya. Nang matapos aong magsalita ay tumingin lang sya sa akin at sinabing..

“Bakit may mas masarap na ba kesa sa akin? Meron na bang mas magaling sa akin kaya gusto mo na kong ipagpalit?” ang sabi nya sa akin habang nakatingin ng masama sa akin.

“Rob, ganyan ba pagkakakilala mo sakin?”

“Siguro, baka ganyan ka talaga, hindi ko lang nahalata. Kung pakiramdam mo nabababoy na kita, pero hindi, mahal na kasi kita eh. Pero sige, hahayaan ko naman kayo ng bago mong fuck buddy, magpakasarap ka, pokpok ka naman diba?!” ang sabi ni Rob sa akin at nilayasan na nya ako. Hindi na ako nakakibo sa mga sinabi nyang yun. Hindi ko din kasi inexpect na pagsasalitaan ako ng masasakit na salita ni Rob. Nasaktan ako sa mga sinabi nya, pero marahil nasaktan lang din sya kaya nya sinabi yun.

Pagkatapos nun ay hindi na kami nagkausap pa ulit ni Rob, mga tatlong buwan na din ang lumipas nung huli kaming nagkausap. Nung puntong yun ay parang nalungkot din ako. Hindi ko na kasi nakikita ang mga ngiti nya at hindi ko na nararamdaman yung mga halik nya. Sinubukan kong kontakin ang number nya pero out of reach na ito. Nung pumunta ako sa condo unit nya ay iba na ang nakatira dito. Siguro ay pinalagpas ko yung pagkakataon na merong taong pwedeng magmahal sa akin. Hindi ko kasi alam na kaya akong mahalin ni Rob. Nung panahong yun ay alam ko na mahal ko na din sya pero huli na ang lahat para sa aming dalawa.

Bumalik ulit ako sa PlanetRomeo pero wala na akong makitang kagaya ni Rob dito. Wala akong magawa nun kundi ang maghintay kay Rob pero hindi na ako umaasa na maibabalik pa namin yung samahan namin dati. Pakiramdam ko ay ang tanga tanga ko nung mga panahong yun. Kung makita ko man si Rob ay magmamakaawa akong ibalik namin ang sa amin at hinding hindi ko na sya pakakawalan.

Mas lalo kaming naging close ni Martin dahil nagkabreak na sila ni Drake. Kahit na hinahanap hanap ko pa din si Rob ay alam ko na wala nang pag-asa na magkita pa kami nito. Lahat ng frustrations ko kay Rob ay ibinaling ko lahat kay Martin. May mga pagkakataon na nababanggit ko si Rob at napapangiti na lang si Martin dito.

Makalipas ang isang taon ay hindi ko pa din nakikita si Rob. Saktong birthday nya nung araw na yun at masaya akong lumabas ng ospital dahil biyernes noon at walang pasok kinabukasan. Hindi ako nagkakamali at nakita ko si Rob sa labas at nakangiti sya sa akin, nang papalapit ako sa kanya ay bigla syang sumakay ng sasakyan at nagmadaling umalis. Gusto ko sanang sundan ng taxi pero hindi ko na mahahabol si Rob. Malamang ay nagpakita lang sakin si Rob nung mga oras na yun para ipaalam sa akin na masaya na sya sa buhay nya ngayon. Napanatag ang loob ko nun na masaya na sya, pero may bahagi pa din sa akin na nanghihinayang dahil sa nangyari sa amin.

Kinabukasan ay nagpunta kami ni Martin sa club sa Ortigas. As usual naging masaya naman ang ilang oras ko dito hanggang sa nakita ko si Rob dito kasama ang partner nya. Sobrang sweet nilang dalawa at pareho silang hindi nahihiya na magpakita ng affection sa isa’t isa. Nung una ay nakakangiti pa ako pero hindi ko na mapigil ang sarili ko na maiyak. Sinasadya ni Rob na tignan ako habang sweet sila ng partner nya. Alam ko na dala ito ng alcohol kaya naging ganun sya sa akin. Akala ko ay paalis na sila pero bumalik si Rob sa loob at nakatingin sya sa akin. nang umalis si Martin sa tabi ko para puntahan yung iba naming kaibigan ay biglang umakbay si Rob sa akin.

“Kamusta na? Ano, sino mas magaling ako o si Martin?” ang sabi ni Rob sa akin habang nakaakbay sya sa akin. Hindi ako kumikibo at bigla nyang hinatak ang kamay ko at hinalikan nya ito.

“Rob, lasing ka na, umuwi ka na” ang sabi ko sa kanya.

“Uuwi ako kung ikaw ang kasama ko” ang sabi nya habang nakangiti sa akin.

“This is nonsense” at umalis na ako.

Nagpaalam na ako na uuwi na sa mga kaibigan namin ni Martin at lumabas na ng bar, hindi ko namalayan na sinundan ako ni Rob papalabas. Bigla nya akong hinatak sa braso at pinasakay sa sasakyan nya. Takot na takot ako habang nasa loob ng sasakyan ni Rob dahil sa ang bilis nya magpatakbo na parang wala sya sa sarili. Nadala naman nya ako ng ligtas sa ibaba ng condominium at nakita ko sa mata nya na naluluha sya, hindi ako kaagad nakababa ng sasakyan nya dahil sa takot nang bigla nya akong niyakap at sinabi nyang..

“Miss na miss na kita, hanggang ngayon mahal pa din kita, sabihin mo lang, iiwan ko ang partner ko para sayo” ang sabi ni Rob at bigla akong natauhan sa mga sinabi nya. Kumalas ako sa pagkakayakap nya sa akin at lumabas na ako ng sasakyan nya at

“Dyan ka naman magaling diba sa pang-iiwan” ang sabi ni Rob at umalis na ako at pumasok na ng lobby. Pagdating sa unit ko ay hindi ako masyadong makagalaw. Marahil iniisip ko pa din ang nangyari sa amin ni Rob. Napaupo lang ako at napa-isip. Mahal ko din si Rob pero hindi tama ang panahon para sa amin. Ayokong makasakit ng iba kaya yun na lang marahil ang nasa isip ko kaya hindi ko na hinayaan na manalo ang puso ko sa isip ko.

Kakatapos ko lang maligo nun nang may biglang magdoorbell. Nang tignan ko sa peephole ay wala namang tao kaya binuksan ko na lang. Pagbukas ko ay tumambad sa akin si Rob at bigla nya akong niyakap at nadala ako dito. Sinara nya ang pinto at hinalikan ako sa labi. Sobrang sarap sa pakiramdam nito at hindi na ako nakatanggi pa. Tinanggal ko ang suot nya na pang-itaas at niyakap ko sya ng mahigpit. Nang makarating kami sa kwarto ay pumatong sya sa akin. Hinalikan nya ako sa leeg at pareho kaming naghubad ng mga damit namin. Dalang-dala kaming pareho sa sarap na nararamdaman namin. Kahit na mali, ay parang ayaw ko na matapos ang sandaling yun. Ramdam ko kasi na hindi lang puro libog ang meron sa amin nung mga oras na yun. Hanggang sa pasukin ako ni Rob at mapagbiro nyang sinabi na,

“Aanakan na kita” at ngumiti sya sa akin. Patuloy ang paglabas-pasok nya sa akin hanggang sa mas bumigat na ang mga ito at nilabasan na sya. Ang dami nyang nilabas dahil ramdam ko na napuno ang loob ko. Ilang oras din kaming magkayakap bago ako natauhan sa ginawa namin.

“Magbihis ka na, umuwi ka na” ang sabi ko sa kanya sabay hagis ng mga damit nya.

“Akala ko ba mahal mo din ako?” ang sabi ni Rob.

“Mahal kita, pero mali ito” ang sabi ko sa kanya.

“Bakit, dahil ba sa tang-inang Martin na yan? Kayo na ba?” ang sabi ni Rob sa akin habang nagbibihis sya. Hindi na ako nakakibo sa kanya at tumahimik na lang.

“Siguro nga” at umalis na si Rob at idinabog nyang sinara ang pinto.

Nag-guilty ako sa nangyari sa amin ni Rob. Hindi ako yung tipo ng tao na kayang mang-agaw para lang sumaya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na mauulit ang nangyari sa amin. Kinabukasan ay nagpasama ako kay Martin na magsimba. Nang matapos kami ay kumain kami ng dinner sa Makati. Nang makita namin si Rob sa parking lot ay nakalimutan ko na sa tapat na condominium lang sya nakatira. Masama ang tingin sa amin ni Rob. Maya-maya pa ay lumapit sa amin si Rob.

“Kamusta? Martin diba? Hindi pa tayo na-introduce ni Lewis sa isa’t isa. Rob nga pala” at inabot ni Rob ang kamay nya kay Martin.

“Ayoko ng gulo, tara na” ang sagot ni Martin at lumakad na kami.

“Bastos ka ah” ang sabi ni Rob sabay hatak kay Martin at sinuntok sya. Pumutok ang labi ni Martin dahil sa suntok ni Rob. Muntik nang makadalawang suntok si Rob nang may pumitong nagroronda na Pulis sa area. Dinala kaming tatlo sa presinto at nagfile ng reklamo si Rob. Hindi nagsasalita si Rob at masama lang ang tingin nya kay Martin. Tinawagan ni Martin ang abugado nya at ganun din si Rob. Nag-aregluhan ang dalawang abugado at hindi na nagtuloy ng kaso si Martin. Nang papaalis na kami ay sumama ako kay Martin pero pinigilan nya ako.

“Mas kailangan ka nya ngayon” ang sabi sa akin ni Martin. Hindi na ako nakasagot dahil umalis na din sila ng abugado nya. Dahil walang kasama si Rob ay sinamahan ko sya at nang matapos ang ilang minuto ay pinaalis na din sya. Sumakay kami sa taxi at dinala ko sya sa condo unit nya. Nang makarating kami dun ay nakita kong may sugat ang kamao nya kaya ginamot ko muna ito bago ako magpasyang umalis.

“Aalis na ako, magpakabait ka” ang sabi ko sa kanya.

“Bakit ayaw mo kong mahalin?” ang sabi ni Rob sa akin.

“Dahil may partner ka” ang sagot ko sa kanya.

“Hindi yan ang dahilan!” ang pasigaw na sabi sa akin ni Rob.

“Gusto mong malaman kung bakit? Self-destructive ka Rob. Alam mo yun. Hindi mo mapatawad mga magulang mo dahil iniwan ka, pareho tayo, magkahiwalay din magulang ko pero hindi ako ganyan, kinaya ko, bakit ikaw hindi? Kailangan ba maghiganti ka sa buong mundo?” ang sabi ko sa kanya.

“Kaya nga kailangan kita kasi mahal kita, walang direksyon ang buhay ko pag wala ka” ang sabi ni Rob sabay yakap sa akin sa likod. Para akong natunaw sa ginawa nya. Humarap ako sa kanya at sinabing,

“Subukan mong magbago, at pag nangyari yun, bumalik ka sakin” at niyakap ko sya. Pagkatapos nun ay umalis na ako. Alam ko sa sarili ko na mahal ko din si Rob at kung kami talaga para sa isa’t isa ay magkikita’t magkikita pa din kami.

Makalipas ang tatlong buwan ay nagpakita ulit sa akin si Rob, nagpaalam sya sa akin na lilipad na sya papuntang Germany, para makausap ang Daddy nya at pagkatapos nun ay sa France na muna sya mamamalagi para makasama nya ang Mommy nya. Nakipaghiwalay sya sa partner nya bago sya umalis.

“It’s the right thing to do. Reconciliation” ang sabi ni Rob sa akin. niyakap ko sya ng mahigpit nung gabing yun at maayos kaming naghiwalay. Wala kaming napag-usapan sa aming dalawa pero masaya ako na inuuna nya ang sarili nya para kung magharap man kami sa susunod ay alam ko na maayos na sya.

Nang makarating sya ng Germany ay tinawagan nya ako. Hanggang sa ilang buwan na ang lumipas ay hindi na sya nagpaparamdam sa akin, hanggang sa umabot na ito sa taon. Nalungkot ako dahil nawala na ang communication namin, kahit sa Facebook ay hindi na nya sinasagot ang mga messages ko. Pero nung birthday ko ay binati nya ako at sinabi nyang, “I’ll be back, wait for me”

Yun na lang ang pinanghawakan ko na sinabi ni Rob sa akin, hindi na ako masyadong nabahala na wala na kaming masyadong communication. Naging panatag ako sa huling mensahe nya sa akin.

Makalipas ng limang taon ay nagpasya na akong umalis papuntang London para magtrabaho. Sa tagal kong naghintay kay Rob ay masasabi ko na nawalan na din ako ng pag-asa, pero hindi ako naging malungkot dahil alam ko na buo na si Rob dahil sa reconciliation nya sa parents nya. Hiniling ko na lang kung nasaan man sya ay palagi sana syang maging masaya. Sa huli ay bumitiw na din ako sa pangako nya, pero may bahagi pa din sa akin na handa syang tanggapin anumang oras.


Si Martin yung taong palaging nasa tabi ko. Siguro nga hindi na namin kailangan ng labels para lang masabi kung ano kaming dalawa. Basta ang alam namin ay masaya kaming dalawa sa isa’t isa.

Totoong nakilala ko sa LRT ang taong para sa akin. Sa dinami-dami ng sumakasakay doon ay isa pala dun yung taong nakatadhana sa akin. Nakakatawa na sa dinami-dami ng lugar ay doon ko sya makikilala, sa isang hindi pangkaraniwan na lugar ay doon ko sya nakilala. Tama nga sila, na sa pag-ibig walang tamang lugar at maling lugar, lahat umaayon kung ito ang tadhana.

Dalawang linggo bago ako umalis ng Pilipinas ay inaya ako ni Martin na sumama sa Quezon City dahil blessing daw ng bago nilang opisina. Nagmadali kaming umakyat ni Martin sa Gil Puyat station kung saan kami sasakay pa-northbound. Dahil sa dami ng tao ay nahirapan kaming sumakay dahil rush hour na din. Busy sa kakatext si Martin dahil baka ma-late sya at halata ko na balisa sya, nang paparating na ang tren ay naghanda na kaming sumakay, nang malapit na akong makapasok sa pinto ay pinigilan nya ako.

“Wag kang sasakay, sumunod ka na lang. male-late na ako” ang sabi nya sa akin habang nasa bandang pinto na sya ng tren at pinipigilan nya ako.

“Hoy, kasya pa ko dyan sa tabi mo” ang sagot ko sa kanya. Nginitian lang nya ko at sinabi nyang,

“Wag na, sa susunod ka na lang, may makakasama ka naman” ang sabi nya sa akin.

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Martin sa akin. Napatulala lang ako sa kanya habang nagsara na ang pinto ng tren at kumakaway na sya sa akin. Mga ilang minuto pa ang lumipas nang makatanggap ako ng text sa kanya,

“One day, you’ll thank me for this” ang sabi ni Martin sa text nya. Hindi ko pa din maintindihan ang text nya nang mapasulyap ako sa kabilang lane ng tren. Nakita ko sa kabilang side si Rob na nakangiti sa akin. Para akong binuhusan nang malamig na tubig nung mga oras na yun. Napako ang tingin ko sa kanya at nang dumating na ang tren sa kabilang lane ay bigla syang nawala, malamang ay sumakay na sya. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko o nag-iilusyon lang ako. Hindi na muna ako sumakay ng tren nung may dumating na. Pakiramdam ko kasi ay nandito si Rob pero hindi ko alam kung ano nga ba ang totoo, yung nakita ko o nag-iilusyon lang ako. Sinubukan kong hanapin sa paligid si Rob pero wala sya at dun lang ako naniwala na wala nga talaga sya. Nang paparating na ang sumunod na tren ay naghanda na ako para sumakay nang may biglang kumausap sa akin.

“Looking for me?” ang sabi nya at nang lumingon ako ay si Rob ang nasa likuran ko. Napangiti ako at hinila ko sya papuntang likod at wala akong pakialam na niyakap sya.

“Hi, my name is Robert Dylan Jacobo and you are?” ang sabi sakin ni Rob at inabot nya ang kamay nya sa akin.

“I’m Lewis Villafuerte, nice to meet you”

“I was right, ikaw nga pala yung taong mahal ko, kaya nakangiti ako nung nakita kita sa kabilang lane” ang sabi nya sa akin habang nakaturo kung nasaan sya nakatayo kanina sabay ngiti. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko nung mga oras na yun, ang alam ko lang ay nagbalik na ang mahal ko at hinding hindi na kami magkakahiwalay.

“Babawiin ko ang 5 years na nawala sa atin” ang sabi nya sa akin at napangiti lang ako. Maya-maya pa ay dumating na ang tren na kasunod. Nang bumukas ang pinto ay biglang pumasok si Rob, inabot nya ang kamay nya sa akin at sinabi nyang,

“Tara na” ang nakangiting sabi nya sa akin. Napatingin ako sa kanya at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Nakatayo lang kaming dalawa at napapangiti ako sa mga nangyayari sa amin. Hanggang sabihin ng driver na,

“Next station, Vito Cruz” at pareho kaming nagkatinginan at napangiti dahil dito kami dati unang kumain nang magkasama, ang aming unang date.

The End

48 comments:

  1. i love this story.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. First tme aqng ngndahan sa kwento

      Delete
  2. OMG! One of the best stories I've read here in KM! Kakakilig at kaka-inspire:-)

    ReplyDelete
  3. That was very heart warming and happy ending story prang movie hehe

    ReplyDelete
  4. ..."Love" is why we tell the story..

    ..kakakilig.. post Valentines Day to all..

    ReplyDelete
  5. ..."Love" is why we tell the story..

    ...sana lang mahanap ko na run ung perfect match ko.. hihihi..

    ...Post Valentines Day everyone..

    ReplyDelete
  6. ang sarap basahin...
    that thing called "TADHANA"
    still showing :)

    ReplyDelete
  7. Legit ba to or fiction? Haha sorry just wanna ask sa fairytales lang kasi nangyayari mga ganto eh. And sa pr mo pa talaga nameet si rob. Haha anyway kung legit nga to eh SHEEET IKAW NA! Nakakainggit ka! Sana magtagal pa kayo ni rob. Haay wish ko lang makahanap din ako ng ganyan. Sobrang swerte mo kay rob, kaya wag mo nang pakawalan lewis. Goodluck and best wishes guys! :)

    ReplyDelete
  8. Damn gagawan ko to ng short film kudos mr.author kaylangan kita bilang scriptwriter. :) kung gusto mo hahahahaah

    ReplyDelete
  9. excellent! matagal na akong reader pero ngayon lang ako napa-post ng comment sa ganda ng content at writing. worth reading! -marc

    ReplyDelete
  10. Whoa! I never expected the ending. This made me smile, indeed. It was a breathe of fresh air. I am one lucky guy to have read this, melted the whole shit of me and made my heart pump back to life after it was broken into pieces just very recently. Thank you Mr. Author for sharing your life to us. I couldn't think you enough. I can now finally that I am back to life. Cheers to happiness!

    ReplyDelete
  11. nice story medyo confusing lang ung london siguro kung di na isinama sa story mas maganda

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din naconfuse jan... pero antok.na jasi ko nung binabasa ko... pero basahin ko ulit baka may na miss out lang ako... from ofw biglang.manila ehhh pero baka nga may d ako.nabasa

      Delete
    2. Same observation:)

      Delete
    3. Hi guys. Si Lewis 'to. Salamat sa inyo, sa time sa pagbasa ng kwento namin. Sorry dun sa mga nalito, since hindi ko nabanggit na nangyari ang mga 'to BAGO ako pumunta dito sa London. Bale last year lang nangyari yung nasa huling part nung story nung nagkita kami ulit nung nasa Pilipinas pa ako bago ako napunta dito sa London nung November 2014. Yun alng. Maraming salamat sa inyo!

      Delete
  12. Ang ganda ng story. God bless to both of you. Pwede gawing indie film material. lol

    ReplyDelete
  13. Ok ang kwento. Nalito lang sa London tapos naging LRT. Kala ko taga London si Martin.

    ReplyDelete
  14. LPG, nice work. - Rob

    ReplyDelete
  15. This is a nice story. Congrats author..

    ReplyDelete
  16. GRAABEEEHHH!! Mas maganda pa to sa MMK Valentines Special nung Sabado eh! Grabe naman! Super Breathtaking Romantic Love ang Ending!!!!! AAAAAAWWWW I hate you! Sasabunutan ko kayo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! GRRRRRRRRR kagigil!! awwww.... super inspiring.... What a Trick of Fate!!! awww.. goodness... Uhm? hindi naman siguro ako bitter LOVE? hahahahaha... hay nako... hindi na nga ako magiging bitter... Butter nalang ;) .... Grabe naman!! Napaka BREATHTAKING Romantic Love talagaaaaaaa.... hindi ako maka move on.... kaninang tanghali ko pa nababasa yung Tittle na "Light Rail Tansit to Destiny" sabi ko, "Ay! Baka hindi maganda"(Kasi may inaabangan akong iba kaso super tagal! LOL) ABA!!! PAgka-basa ko ngayung Gabi... O!M!G! huhuhuhuhuhuhu Gusto Kong UmiyaK sa TUwa sa Pag-ASa, sa Love, Sa Saya, Nakakaloka!!!! Super Breathtaking Romantic love FATE and DESTINY!!! <3 <3 <3 Happy Valentines to all People in the World! ;)

    ReplyDelete
  17. Grabe!!! PAgka-basa ko! Super Ganda pala!!!

    ReplyDelete
  18. Sarap ng feeling ko dito hehehe, sana may dumating din sakin na ganito.simpleng tao lng naman ako.

    ReplyDelete
  19. Nakakairita lang na talagang pinagpipilitan mo yung term na biseuxal when in fact mga bakla naman kayo. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Mahirap yung in denial sa sariling katauhan.

    ReplyDelete
  20. Matagal na rin akong nagbabasa rito at ngayon lang ako nag post ng comment dahil sobrang ganda ng story! Shit! Kailan kaya next na story na mapapa-comment ulit ako.

    ReplyDelete
  21. i like the ending. ito na yata ang pinaka magandang story na nabasa ko dito.

    ReplyDelete
  22. OMG....super ganda ng story...kudos to author

    ReplyDelete
  23. Love all kinds of love.. Sumikip yung dibdib ko sa ganda ng pagkaka kwento. Keep it up author.
    -arkinsdale

    ReplyDelete
  24. And I thought that me and my boyfriend's love story was the sweetest. Grabe mga ganitong story ang masarao basahin. Damang dama ko feelings ng author. Nice job! God bless sa inyo ng boyfriend mo. Enjoy life and love the most! Grabe! :))

    ReplyDelete
  25. Ang pr dati matitino pa ang chatters, pero ngaun puro money boys at masseur na. I hope forever na kayo.

    ReplyDelete
  26. this is worth reading. naiiyak ako sa part na may confrontation. yung may self destructive. ahh basta! ang ganda ng story mo mr. author. nakaka-inspire naman po. ^^, Destiny it is! :) - ice

    ReplyDelete
  27. super ganda. ;) niceone

    ReplyDelete
  28. nice... naiiyak ako sa story

    ReplyDelete
  29. wala ako ibang masabi kundi

    ang ganda ng story
    sa totoo lang nappicture out ko ang lugar at panyayari habang binBasa ko, kasi sumasakay din ako ng lrt papunta sa pedro gil.

    godbless

    ReplyDelete
  30. The story's well-executed and well-told naman. Sa ganda ng pagkakakwento, parang fiction na yata. Still, if ever this is true, good for you, author. Most of us don't get a reformed self-destructive Prince Charming waiting for us on the other side ng LRT.

    And the bisexual labeling thing. Really?

    ReplyDelete
  31. ang ganda ng story. nakakaligaw man ung simula, buti ok naging ayos naman sa bandang gitna hanggang sa dulo. nakakatuwa ung story. akala ko sa may bandang huli, si martinang tinutukoy na tadhana sa lrt, hindi pala. ok ung transition ng narration. nakakadala at nakakapaisip. sa sobrang pag-iisip, hindi ko naiwasang maramdaman muli ang akala kong napakawalan ko na. ang tibay mo, lewis para maghintay nang mahigit 5 taon sa lahat ng nangyari. ganun din ba ang gagawin ko? mahigit 4 months na akong balita eh. haaayyy... ang sakit naman. hehe. sorry. carried away lang. thanks for sharing this story. truly well-appreciated. - Ruku Kido

    ReplyDelete
  32. Otor kau pa din ba ni rob hanggang ngaun since nanjan kana sa london..

    ReplyDelete
  33. Now i encounter the best story for me....
    Yung kahit 15 palang ako.... At di ko pa naranasan mag ka love life....
    Pero na dadala ako nung hindi niya masabi ang dahilan kung bakit ayaw niya makarelasyon si Rob.... DAHIL AYAW NIYA MAKASAKIT....
    Ngayon ito ang nag patunay na may

    FOREVER....
    Napaiyak moko author....

    Congrats Mr. Author

    ReplyDelete
  34. What a great story. Naiyak ako. Two thumbs up for the author!

    ReplyDelete
  35. hi!! :)
    Im 15 also.. haha
    wala lang..
    nakakatuwa lang na makakita ng ka age ko.. :)
    pwede ka makilala?? ;)

    ReplyDelete
  36. juaquin nico surtidoJuly 10, 2015 at 1:52 PM

    Walang akong masabi,,di ko type ang kwento,,subrang type ko ang kwento,,good job Autor,hope to see you soon there in london,,i'll be coming next month,,sana magkakilala tau jan!!, :-)

    ReplyDelete

Read More Like This