Pages

Sunday, January 17, 2016

Hot Chocolat (Part 1)

By: EM

Hi guys, Ang kwentong eto ay kathang isip lamang. Sana magustuhan niyo. This is consist of two parts and this is the first (obviously). It's my first time to submit a story here.

Isa na namang nakakapagod na araw. Alas sais na ng umaga ng nakalabas ako ng opisina. Sanay na ako na ganitong oras umuuwi. Ilang buwan na din ako na ganito ang schedule ko at wala namang problema sa akin. Nagtatrabaho ako bilang isang Team Leader sa isa sa mga BPO industries sa Northgate Cyberzone Alabang. Maglilimang taon na ako sa kompanyang yun.

Naglakad na ako derecho sa isa mga tents kung saan tumitigil ang ejeep (electronic jeep na chinacharge lang at hindi kailangan ng gasolina) papuntang South Station (bus station). Ilang minuto ng pag-aantay ay dumating din ang ejeep at nahatid na sa bus station pa-Batangas. Uwian ako araw-araw sa Lipa dahil isang sakay lang naman ng bus at mas pinili ko dun kumuha ng bahay dahil nga mas mura. 24 years old pa lang ako at feeling ko abot ko na ang mga pangarap ko. I have an excellent career at may sarili na dng bahay. Sasakyan, ayaw ko kasi di siya investment para sa akin. Lovelife, well mas pinili ko magfocus sa work kasi ayaw ko na masira ulit ang buhay ko dahil sa pag-ibig na yan. Natuto na ako.

Umupo na ako malapit sa may bintana sa kaliwang banda at mga pang-apat na upuan. Dahil sa pagod, nakatulog ako hanggang sa may naramdaman na lang ako na may umupo na sa tabi ko. Hindi ko naman pinansin at bumalik na lang ako sa pag-idlip hanggang sa magbigayan na ng ticket.

"Lipa po," sabi ko sa conductor at sabay abot naman ng ticket ko. Hindi pa naglilimang minuto ay nakaidlip na naman ako. Ganun ako kaantukin after trabaho. Pero ang matindi dun, never ako inaantok sa work, kasi siguro ay marami akong ginagawa. Nagising na lang ulit ako ng narinig kong nagsasalita ang katabi ko. Doon ko nakita ang kanyang mukha, bagets na bagets, maputi, matangos ang ilong, chinito ang mga mata, namumula ang labi. In short, gwapo. Nung una, hindi ko alam kong ano pinag-uusapan nila hanggang sa narinig ko katabi ko nagsabi, "Sige na po kuya. Pasensya na po kayo. Kailangan ko na po talaga kasi umuwi. Hindi ko po alam bakit biglang wala na po ang wallet ko sa bag ko." Sa isip-isip ko, naku modus na naman at ang naghihirap pa naconductor ang napagdiskitahan. Mukha pa namang mayaman si mokong pero wala pala pambayad.

"Sir hindi po talaga pwede. Wala po akong pambayad para sa ticket niyo."

Ang katabi ko ay parang nakakadala ang mata. Parang totoo naman talaga. Kaya dahil nahalata ko na ang dami ng nakatingin sa kanila at rinig sila sa buong bus nagpasya ako na ako na magbayad.
"Kuya, ako na po," derecho lang ang tingin ko sa driver, "Magkano po ba?"

"75 pesos lang po hanggang Lipa." Kumuha ako ng 150 mula sa wallet ko at iniabot sa conductor.

"Salamat po kuya." Ang sabi ng katabi ko.

"Sa susunod wag kang sumakay kung wala kang pambayad." Ang sabi ko pa.

"Kasi po..."

"Walang anuman." Pinutol ko na ang kung ano pa ang gusto niyang sabihin.

Bumalik ako sa pagkakaidlip hanggang sa bumaba na ng bus. Nauna nang bumaba ang katabi ko at nag-aantay pala na bumaba ako.

"Salamat po talaga kuya. I owe you."

"Yeah! You owe me bigtime."

"Kukunin ko na lang po number niyo para mabayaran ko kayo." ang sabi niya na.

"Ahhh," nagulat ako, "Wag na. 75 pesos lang yun."

"Sige na po. Nakakahiya naman sa inyo. O kahit coffee na lang." ang pagpupumilit niya.
"Oh siya," kinuha ko ang calling card sa aking wallet at iniabot sa kanya.

"Marami pong salamat ulit. Text ko na lang po kayo."

"Okay sige," sumakay na agad ako sa tricycle at nagpahatid sa bahay. Pagdating sa bahay ay bagsak agad ako.

Kinagabihan may natanggap ako na text message from an unknown number, "Hi, I wasn't able to get ur name. This is Ryan. Coffee tonight?"

Medyo naisip ko na siguro eto yung lalaking katabi ko kanina sa bus pero ayaw kung mag-assume, "Ryan? Don't know any Ryan recently."

"Yung katabi mo kanina sa bus. Dapat ko pa bang iremind na nakakahiya ako dahil wala akong pambayad sa bus at binayaran mo ko?"

"You said it yourself, I did not say anything," reply ko sa kanya na napangiti ako. May katangahan naman pala to e. Sinabi niya din naman.

"Well, I guess I just did. Haha. What's your name?"

"Michael. You can call me Mike. And nah! I'm not in the mood for a coffee today." Ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako umiinom ng kape. Hindi ko ba alam bakit hindi ko na lang sabihin sa kanya.

"Alright then Mike. How can I return the favor?," tanong niya sa akin.

Hindi na ako nagreply. May natanggap pa ako na texts na "Are you still up?", "Mike?", "Hey?". Pero di ko na siya nireplyan. Alam mo yun wala ka naman galit pero basta basta na lang na ayaw at hindi mo feel magreply. At hindi na siya nagparamdam after nun.

Back to reality after my 2 days Off (Sat and Sunday Night), I know it will be a long weekend na naman. Routinary na ginagawa ko. Bahay, byahe to work, work, byahe to bahay. At dahil hindi nga nagbago schedule ko, kahit sino siguro malalaman na kung saan ako sa specific na oras.

Sabado ng umaga, bumaba na ako ng ejeep sa bus station sa South Station sa Alabang. To my surprise, nakita ko ang lalaking nakatabi ko one week ago at sinusubukan ko alalahanin ang kanyang pangalan. Yeah, Ryan. May daladala siyang baso ng Starbucks. Kahit hindi ako nagkakape nagSaStarbucks din ako because of their Signature Hot Chocolate, favorite ko talaga yun at saka yun Chocolate Chip Cream frappe.

"Hi Mike," sabay abot sa akin ang baso ng Starbucks.

"Hey. Sorry I don't drink coffee," sabi ko sa kanya sabay tanggi.

"Just as I thought," simula niya, "It's not coffee, hot chocolate for you. I dont drink coffee myself at naisipan ko na you might want to taste yung favorite drink ko sa SB." Nagulat ako sa sinabi niya. Parehas pala kami ng gusto. Napangiti na lang ako at hindi na nagsalita at kinuha na ang kanina pa niyang inaabot na drink.

"Thanks." Pasalamat ko sa kanya.

"Lets go. Im also on my way home,"

Sabay na kami umakyat ng bus papuntang Lipa. Nagkatabi na din kami sa dating pwesto, ako ang malapit sa binatana. Hindi naman ako inantok dahil sa hot chocolate na iniinom ko. Pagkatapos namin magbayad ng pamasahe, si Ryan ay nakita kong nakaidlip na habang ako naman ay gising na gising pa. ilang minuto lang ang nakalipas ay bigla ko na lang naramdaman ang ulo niya na naksandal sa aking balikat. Nabigla ako. Kinabahan. Iiwas ko ba ang balikat ko o hahayaan ko na lang. Mukhang tulog na tulog ang mokong kaya hindi ko na kinuha ang kanyang ulo sapagkakasandal. Sa isip-isip ko baka ano ang sabihin ng ibang tao. Lumakas ang tibok ng puso ko. Lumalim ang aking paghinga. Parang nanginginig ako, siguro dahil hindi ako sanay sa ganito o baka bigla akong napaamo ng mokong na to.

Nung tumigil na sa Lipa, hindi pa din siya nagigising. "Hey Ryan," sabay tapik sa kanyang balikat. ang ulo niya ay nasa balikat ko pa din nang imulat niya ang kanyang mga mata. Para siyang nabuhayan bigla at nagulat. "I'm so sorry. Nakatulog ako. Di ko napansin. How long na ..."

"Dont mind it. It's okay. Lipa na tayo." Inunahan ko na siya bago pa niya matapos ang tanong.

Sabay na kami bumaba ng bus at hinarap ko siya para magpasalamat.

"Thanks for the hot chocolate."

"You're welcome. And thanks too. See you around?"

"See you around!" Ningitian ko siya at ganun din siya sa akin. Sumakay na kami ng separate na tricycle at umuwi sa sarisariling bahay.

Pagdating ko ng bahay, napaisip na naman ako. Napaisip hindi dahil sa trabaho kundi dahil kay Ryan. I never expected na magpaparamdam pa siya and it was more than sa pagpaparamdam lang. Bakit kasi kahinaan ko ang hot chocolate. Siguro lahat naman ng tao ganun, yung tipong bigyan ka lang ng food o bagay na gusto mo nanlalambot ka agad.

Akala ko yun na ang huling pagkikita namin, at nagkamali na naman ako. Paulit ulit niyang ginagawa yun. Tuwing Sabado ng umaga ay pumupunta siya sa bus station at binibigyan ako ng hot chocolate. Pagtinatanong ko siya kung bakit nasa Alabang siya ay sasabihin niya lang na nakitulog siya sa kaibigan ng Friday night at ngayon pa lang uuwi kaya inaantay niya na lang daw ako dahil di naman daw nagbabago ang schedule ko. Masyado ng routinary ang buhay ko kaya siguro alam na alam niya ang oras ng pagdating ko sa bus station. Dahil nagkakasabay din kami sa bus ay paulit ulit din nangyari ang pagdantay ng ulo niya sa balikat ko at naging parte lahat yun ng routine ko sa buhay. Gumagaan din ang pakiramdam ko sa tuwing makikita ko siya. Iba sa pakiramdam, iba ang tibok ng puso ko sa tuwing katabi ko siya sa bus. In short, parang inlove na nga ako sa kanya.

Limang buwan din na pag-ganun ganun ang ginagawa namin hanggang sa Sunday morning ay may natanggap akong text mula sa kanya, "Hey Mike. Dinner tonight?"

Siyempre bago to sa amin kasi hanggang bus lang talaga kami nagkikita kaya pumayag ako sa alok niya, "Sure. See you at 5 sa bus station." Sa bus station na kami magkikita sa Lipa para sabay na kami papuntang Alabang. Doon daw kasi kami magdidinner sa eat all you can buffet sa Southmall. Hindi man ako mahilig sa eat all you can e okay lang naman sa akin. Medyo malimit kasi ako kumain kasi I'm also trying to be healthy to stay fit.

Alas syete na ng gabi ng nakarating kami sa Sambokojin sa Southmall. Nagpahanap na kami ng pwesto at umupo muna saglit. Nung medyo humupa na ang tao sa pagpila sa mga pagkain ay saka kaming dalawa tumayo. Kung anu anong pagkain ang aking kinuha. Sabi ko pa sa sarili ay cheat day ko today, kaya parang halos lahat ng sweets ay kinuha ko. Hindi naman kasi ako masyadong gutom para sa heavy meal. Si Ryan naman ay halos lahat ata ng ulam ay kinuha na. Mahilig din siya sa maki. Pagbalik namin sa mesa ay galit galit muna kami sa pagkain. Nagkakatinginan at ngitian. Meron din isang beses na kumindat siya sa akin na parang ikinatalon naman ng puso ko. Iba talaga ang dating niya. Ang maamo niyang mukha, ang makinis niyang balat at mapupungay na mata na napagitnaan ng matangos na ilong. Perfect face kumbaga, artistahin kasi ang mokong. Hindi ko namalayan napapatitig na pala ako sa mukha niya.

"O!," sabay tapik niya sa braso ko, "may dumi ba ako sa mukha at bakit ganyan ka kung makatingin?"

"Ahh... e wa-wala.." nauutal kong sagot, "Wala naman." Inulit ko pa.

"Wala pala e. At saka ikaw jan o ang may icing sa mukha." Parang namula ako sa kanyang sinabi at agad agad akong kumuha ng tissue at pinahiran ang ilalim ng aking bibig.

"Ano ba yan," simula niya, "ako na nga." Inagaw niya ang hawak hawak kong tissue at pinahiram ang icing sa mukha ko. "Paglalamon kasi dapat nakatingin sa pagkain ha, hindi yung susubo ka nga pero ang mata mo kung saan nakatingin." Mas lalo pa akong nahiya sa sinabi niya. E hindi naman ako nakatingin sa iba kundi sa kanya lang. Iba na talaga ang tama sa akin ng mokong na to e.

"Salamat po." Diniinan ko ang po kasi para siyang matanda makapagsalita.

"Maka.po ka dyan. Remind ko lang sayo 17 years old lang ako." sabay tawa niya.

Bumalik kami sa katahimikan, titigan, ngitian at katakawan ng bigla kong naramdaman ang malamig niyang kamay sa kamay ko. Napatigil ako. Nabitawan ko ang hawak hawak kong kutsara at tinidor. Napitingin ako sa palibot namin kung may mga tao bang nakatingin. Hindi ako mapakali. Parang may namumuong butil ng pawis sa ulo ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko at basta basta na lang umandar na parang makina. Napatingin lang ako sa kanya.

"Mike?" banggit niya ng pangalan ko.

"O? Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya kasi ayaw kong mafocus ang attention ko sa dampi ng kanyang kamay sa balat ko.

"May sasabihin sana ako," lalo akong kinabahan, mas lalo bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ramdam ko na umaakyat ang dugo sa ulo ko na hindi ko man makita mukha ko ay alam ko ng namumula. Parang nakukuryente ako. Kinikilig na ko. Parang pumapalakpak na ang aking mga tenga.

"Sabihin mo na." Parang alam ko na sasabihin niya, na mahal na niya ako na nahulog na siya sa akin. Naeexcite ako na parang ewan. Para akong tanga na hindi alam ang gagawin at sasabihin.

"Nahuhulog na ako sayo," mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Mas natulala ako. Pinipilit kong di ngumiti para di halata. Poker face pa din ako kahit namumula na. "Ngunit.." dugtong niya.

Parang nahulog ang aking mga balikat. Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit may ngunit? Bakit parang may ayaw akong marinig. "Ngunit ano Ryan?"

"Nahuhulog na ako sayo Mike. Hindi ko alam bakit nagkaganito. Alam ko naman sa sarili ko na babae gusto ko, pero iba ang naramdaman ko sayo. Siguro dahil para kang misteryosong tao kaya mas interesado akong makasama ka."

"I feel the same Ryan. Nahuhulog na din ata ako sayo," ang pag-amin ko din sa aking nararamdaman sa kanya. Lumaki ang kanyang mga mata matapos marinig ang mga katagang yun.

"Pero Mike, gusto ko ng pamilya, gusto ko ng anak. Siguro bata pa talaga ako at confused lang. Siguro baka umaasam lang ako na may kuya akong kasama sa mga lakad, sa trip ko sa buhay, kasama sa pag-inom ng hot chocolate."

Mas lalong hindi ko alam ang gagawin ko. Parang napahiya ako. Parang binagsakan ako ng isang sakong semento sa likod. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Yung akala mo na mutual na ang feeling.

"I'm sorry Mike, pero ayaw ko na ganito ako. Alam mo naman siguro ibig kong sabihin. Alam ko sa sarili ko na lalaki ako, na pinapagarap ko din ang magkapamilya at magka-anak. Kaya Mike lalayo muna ako sa pansamantala dahil hindi ko na alam ngayon kung ano ang gusto ko."

Pakiramdam ko nanggigilid na ang aking mga luha. Akala ko meron na talaga, na may mapagsisimulan na kami. Tama siya, bata pa siya at baka confused lang, o baka naghahanap lang talaga ng aruga ng isang kuya. Hindi ko siya mapipilit sa desisyon niyang lumayo. Kung yun ang makakabuti sa kanya ay susuportahan ko na lang sa kanya.

"I understand Ryan. You don't need to say sorry. Kasalanan ko din naman. Nagpakatanga na naman ako na umasa na may nagmamahal na sa akin. Na may papatunguhan tayo, eto."

"Hindi mo kasalanan Mike. Ako ang pumasok sa buhay mo kaya ako ang humihingi ng tawad."

"Siguro we better go?" Pagyaya ko sa kanya. Hiningi na namin ang bill saka binayaran. Lumabas na kami agad at dumerecho papuntang bus station. Magkasabay at magkatabi din kami ng upuan sa bus. Walang kibuan. Nakasandal lang ako sa may bintana at ang layo ng aking mga tingin. Pinipigalan ko ang sarili ko umiyak kahit ang sakit sakit.

"Bye Mike," ang mga huling salita na narinig ko mula kay Ryan. Doon lang ako natauhan na pababa na kami. Sumakay na kami ng magkahiwalay na tricycle at nagpahatid sa kanya kanyang bahay.

Pagpasok ko sa bahay ay derecho akong napaupo sa sofa sabay tulo ng aking mga luha. Umaagos siya na parang gripo na ayaw ng tumigil. Parang naglaslas ako sa sakit. Parang mahihimatay ako sa kirot na aking nararamdaman. Halos mawalan na ako ng hininga sa aking hagulgol. Nakakalungkot man isipin pero kelangan ko harapin, kelangan ko maging matatag. Iniisip ko pa na baka may chance pa kami, na maisip niya ang tunay niyang nararamdaman, na mas pipiliin niyang magkasama kami, na marerealize niya na mahal niya ako at higit pa sa pagiging kaibigan o pagturing na kuya. Napatigil ang luha ko sa mga naiisip kong "baka". Inaayos ko ang sarili ko at tuluyan ng tumigil ang mga mata ko sa pag-iyak ng may natanggap akong text message. Galing iyon kay Ryan. Napaupo ako ng maayos at iniisip ko sa kung ano ang mensahe na yun, na sana baka naisip na niya na mali ang desisyon niya kanina.

Habang binabasa ko ang message, nanginig ako, nanlamig ako, natulala ako sa screen ng phone ko, natahimik ako at bigla na lang umagos muli ang luha ko, "Sorry Mike. You deserve someone who can love you in return, at hindi ako yun. I decided to continue my studies na sa Canada, dun ako maninirahan kina tita. Matagal na din to sinabi sa akin ni mommy. Mas mabuti na sigurong ganito para hindi mo ko maalala at matutunan mo din akong kalimutan. Sorry again. And I hope and will pray for your happiness."

No comments:

Post a Comment

Read More Like This