Pages

Sunday, January 24, 2016

Nagbago ang Lahat (Part 3)

By: Eric

Isang araw nanaman ng pag pasok sa school. So far, kahit papaano, nakakapag adjust na ako sa environment ng school. Pagdating naman sa studies ko, confident naman ako na magagawa ko naman ng maayos lahat ng assignments and projects ng mga professors. Ngayon pa na alam ko na may nakakasama na ako sa mga klase ko. Gumaan narin naman ang pakiramdam ko kay Nick. Mas lalo ko siyang nakilala noong tumambay kame sa mall kahapon. Talagang na misunderstand ko lang siya at mali lang talaga ang impression ko sa kanya noong una kameng nagkita. Hindi ko alam pero excited na ulit akong pumasok ngayon. Pagbangon ko ay dali dali akong pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay naupo muna ako saglit sa may sala namin ng mapatingin ako sa kalendaryo namin. Bwiset! Thursday pala ngayon. Hapon pa pala ang klase ko. Nagiisang subject, Chem. Nang marealize ko na nagmamadali ako sa wala, ay bigla na lang akong napaisip. Makikita ko nanaman pala si James. Ang Epic na taong nakilala ko simula nung first day ng class namin. Parang nawalan ako ng ganang pumasok tuloy mamayang hapon. Makikita ko nanaman siya tapos awkward nanaman yung situation. Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay biglang may pumalakpak sa harapan ko ng malakas. Sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako at napatayo. Ang kapatid ko pala na si Marco. Si Marco ang nagiisa kong kapatid. Grade 4 palang siya at bibong bibo. Kung anong kinatahimik ko pag nasa school ako, ay siya namang kulit nitong kapatid ko. Ang biro ko nga lagi sa kanya ay pinag lihi siguro siya ng nanay namin sa kiti kiti. Siya yung tipo ng batang hindi pumipirme sa isang lugar. Gusto niya laging siyang kumikilos. Pero kahit gano kakulit yun, close kame. Yung tipong pag may nangaaway sa kanya, sakin lagi siya nagsusumbong. Ang nakakatuwa dun, instead na pupuntahan ko yung nakaaway niya para awayin din, ako yung kapatid na isspoil na lang siya. Sasabihin ko na lang sa kanya na hayaan mo na lang sila tapos ililibre ko na lang siya para tumahan. Hindi naman kasi ako bayolenteng tao na away lagi ang gusto. Hanggat kaya kong umaiwas na gulo ay umiiwas na lang ako.

    Habang tinitignan ko siya, ay tawa siya ng tawa sa reaksyon ko sa pangugulat niya saakin. “Teka lang? Bakit nandito ka sa bahay? Hindi ka pumasok no? Susumbong kita kay nanay!”. Nung pagkasabi na pagkasabi ko sa kanya nun tumawa lang ulit siya. Hindi ko alam kung nababaliw naba itong kapatid ko. “Kuya diba sabi ko sayo kagabi na may activity sa school ngayon ang mga teachers namin kaya wala kameng pasok? Halatang hindi ka nakikinig nung sinabi ko sainyo nila nanay nun.”.
“Ah ganun ba?”. Yun na lang ang nasabi ko. “Kuya, may pasok ka ba ngayon?”. “Meron pero mamayang hapon pa. Bakit?”. “Tara puntahan natin si nanay sa palengke.”. “Ehh ano naman ang gagawin natin doon?”. “Edi tutulungan sa nanay. Wala naman tayong gagawin dito sa bahay ehh. Tulungan na lang natin siya doon.” Kahit hindi kame mayaman, yan ang ipinagmamalaki ko sa buhay ko. Kahit hikahos kame ay nagtutulungan parin kameng pamilya para makaraos sa pangaraw araw namin. Sila ang rason kung bakit gusto kong makatapos ng pagaaral. Natutuwa din naman ako sa kapatid ko dahil sa murang gulang ay alam niya ang kapasidad ng pamilya namin. Hindi siya yung tipong mga bata na nagagalit kapag hindi nabile ang gusto niya. Kaya love na love namin siya ng nanay at tatay kaya pag sumahod ang tatay ko o kumita ng medyo malaki sa palengke ay binibilhan nila ito ng gusto niyang laruan o kaya may pasalubong siya mula sa kanila pag uwe. Paglabas namin ng bahay ay nakasalubong ko ang isa sa mga kababata ko, Si Jerome. 5’9” ang height nya at may pagkamoreno. Makikita mo sa katawan niya na batak siya sa trabaho. Simula ng makagraduate ng Highschool, ay hindi na siya nagpatuloy ng pagaaral kasi wala ring pantustos ang tatay niya sa kanya kaya nagdecide na lang siya tulungan ang tatay niya sa palengke. Mahilig din mag basketball kaya makikita mo na makisig talaga ang kanyang pangagatawan. “Pare! San punta?”. “Pupuntahan lang namin si nanay sa palengke. Marami na bang tao dun?”. “Oo. Nakita ko nga nanay mo ang daming costumer kaya abot dito, bigay doon.”. “Ganun ba? O sige mamaya na lang puntahan muna namin si nanay dun para tumulong.”. “Teka lang! yung sinabi ko sayong trabaho magaapply ba tayo dun?”. “Ahh dun sa fastfood? Pagiispan ko muna. Nagaaral kasi ako ngayon ehh. Baka hindi kayanin ng schedule ko. Balitaan na lang kita.”. “Antayin pa kita? Nagpasa na ako ng Resume ko dun. Magsubmit ka na lang kung kakayanin mo.”. “Sige sige! Goodluck Pre, sana matanggap ka para libre mo ako sa sahod mo! HAHAHA!”. “Libre agad? Hahahaha! Sige pre! Una na ako may pinapakuha pa sakin si erpats eh.”. “Mauuna ka na? Wag pre! Bata ka pa! HAHAHA”. Sabay kameng tumawa at nagpatuloy na kame sa paglalakad ni Marco.

    Nang makarating kame sa pwesto ng nanay ko sa palengke, ang dami ngang tao ngayon. Nilapitan namin ang nanay namin. “Nay, Mano po.”. “Oh! Kaawaan ka ng Diyos. Anong ginagawa nyo dito? Ikaw Eric wala ka bang pasok ngayon?”. “Meron po nay, kaso mamayang hapon pa po. Si marco kasi nagaya na tulungan ka na lang daw namin dito. Wala naman daw kameng gagawin sa bahay kaya pumunta na lang daw kame at tulungan ka.”. “Wow naman, ang sweet naman ng bunso namin. Kaya love na love ka namin ehh.” Sabay halik sa pisngi. “Nay naman ehh, ang daming tao ooh.”. “Eto naman ehh, naglalambing lang si nanay ehh. Oh siya! Tulungan niyo na ako at ang daming costumer ngayon.”. Nagpatuloy na kame ni marco sa pagtulong sa nanay namin para magbenta ng gulay. Si marco ang nakatoka sa pagsusukli at ako naman ang tumutulong sa nanay ko para magasikaso ng mga costumer. Biglang dumating ang isa sa mga suki ni nanay sa palengke. Ang Tsimosang si Belen. Kilalang kilala siya sa lugar namin sa pagiging tsismosa. Hindi talaga mawawalan niyan sa isang baranggay at ang ibang mga Tsismosa rin samin ang bansag sakanya ay “Queen of all Talks!” dahil kung may gusto kang malaman sa isang tao sa baranggay namin, siya ang tanungin mo at malalaman mo pati history ng pamilya niya. “Mare! Pabileng gulay ha. Bigyan mo naman ako ng malaking discount.”. “Mare naman! Anong akala mo dito tiangge? Sige bibigyan kita ng discount pero wag naman malaki baka malugi ako.”. “sige na nga. Eto kukunin ko. Magkano lahat?”. “80 pesos.”. “Mare naman 60 na lang!”. “Hingin mo na lang kaya! Baka matanggap ko pa!”. “Ang init naman ng ulo nito! oh siya eto 80. Salamat mare ha.”. “Sige mare! Balik ka ha.”. pagkaalis na pagkalis ni aleng belen ay narinig kong bumulong ang nanay ko. “Wag ka na sanang bumalik. Malas ka sa negosyo ko.”. tumawa kame ni marco sa narinig namin at napatingin lang siya samin at tumawa na lang din siya. Hindi ko masisi na may sama ng loob ang nanay namin sakanya kasi pati siya ay nachismis narin niyang si belen. Pinagkalat sa lugar namin na ang nanay ko daw ang nangunguha ng mga sinampay sa lugar namin. Sa sobrang galit ng nanay ko ay sinugod niya ito sa bahay at muntik ng sapakin ito si belen. Buti na lang ay sinundan siya ng tatay ko at napigilan siya. Palaban kasi ang nanay ko. Ang tatay ko naman ay ang tipo ng nakikipagusap lang. Lagi kong iniisip yung paborito niyang sabhin samin. “Kung madadaan sa Diplomasya ang mga bagay bagay, ay pagusapan na lang.”. Kaya sabi ko kay Marco nagmana siya sa nanay ko na palaban at maingay at ako naman sa tatay ko na mahinahon lang. Nageenjoy na ako sa pagtulong sa nanay ko ng hindi ko mamalayan ang oras at mag aala una na pala. Nagpaalam na ako sa nanay ko na uuwe na ako para makapagayos ng gamit at papasok na ako. Hindi na sumama sakin si marco pabalik dahil sabi ng nanay ay isasabay na lang daw paguwe kaya umalis na ako.

    Naglalakad na ako papuntang sakayan ng biglang may biglang umakbay sakin. Si Jerome pala. “Bihis na bihis ah! San lakad natin?”. “Lakad lang hindi sasakay?”. “Malay ko ba kung san ka pupunta kung malapit lang naman.”. “Hahaha! Bakit defensive ka? Pupuntahan ko lang yung girlfriend ko.”. “Sino si Jenny?”. “Wala na kame nun. Matagal na.”. “Ayos ahh may bago agad? Ano akala mo sa babae? Intermediate pad? Pagayaw na punit tapon tapos next page na?”. “Move on Move on din pre pag may time.”. Gwapo naman kasi talaga itong kababata ko. Lahat ng babae samin ay crush siya pati mga bakla gusto siya. Matipuno at matikas ang tindig at gentleman pa. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya sa mga kinikilos niya. Kilalang kilala siya ng pamilya ko at ako din sa kanila. Ang tawag nga ng mga magulang namin samin ay mag bespren habang buhay. Pag kameng dalawa talaga ang nausap ay halos hindi mo maiintindhan dahil laging pilosopo ang sagutan namin.  “Ikaw? Kelan ko ba makikilala ang the one?”. “Malay ko! Wala akong panahon diyan.” Nang makarating na kame sa sakayan. “Pano pre dito na ako.”. “Dito ka lang hindi ka aalis dyan? Nagbihis ka pa.” Tumawa lang si Jerome at inayos niya ang sagot niya. “Dito na ako sasakay ng jeep. Sige pre kita na lang tayo mamaya.”. “Sige pre ingat sila sayo!”. “Sige pre madapa ka sana!” Ngumiti lang kame at sumakay na ako ng jeep papuntang school.

    Habang nasa jeep ako hindi ko mapigilan ang sarili ko. Para akong kinakabahan at hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko may mangyayari pero hindi ako sigurado kung maganda ba yun o hinde. Pagbabang pagbaba ko ng jeep ay nakita ko kaagad siya. Si James. Sa dame dame naman ng taong pwedeng unang magkita malapit sa campus, bakit siya pa! binagalan ko lang lakad ko para hindi ko siya maabutan. Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa carinderiang kinakainan namin para bumile ng softdrinks. Pinakalma ko sarili ko. Nung nakita ko siya ay bigla akong kinabahn ng sobra at hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos ko inumin yung softdrinks ay lumakad na ako, ng palapit na ako sa room ay bigla kong naramdaman, ang bigat ng mga paa ko. Parang ayaw kong pumasok sa room. Parang gusto ko na lang umuwi at umabsent na lang. nang bubuksan ko na ang pinto papasok ng room ay bigla itong bumukas. Hindi ako nakareact agad at nakaiwas at nauntog ako sa pinto. Sa sobrang lakas ng pagkakauntog ko ay napaupo ako sa sahig. Nagiging dalawa ang paningin ko at nahihilo ako. Biglang may naaninag ako na kamay sa harapan ko. Hindi ko na pinansin kung kaninong kamay yun, basta inabot ko na lang para makatayo na ako agad kasi nararamdaman ko na maraming tao na ang nakatingin at may mga naririnig na akong tumatawa sa paligid ko. Pag tayo ko may nagsalita, “Sorry, I didn’t see you there.”. Si James pala yung nagabot ng kamay para makatayo ako at sa kasamaang palad ay siya rin pala yung nagbukas ng pinto. Yung kaba ko mabilis na napalitan ng galit. Gusto ko siyang sigawan doon on-the-spot, kaso napansin ko na yung prof pala namin nasa likod na niya at pinapapasok na kame ng room. Pag pasok ko ng room, dirediretcho na ako sa likod kung saan akong unang naupo nung first class namin kaso nakita ko si james nakaupo din kung saan siya naupo noong first day namin. Sa sobrang inis ko sa nangyari ay sa harap ako naupo. Kahit naiilang ako sa mga tao sa likod ko, pinilit ko dun maupo kesa naman magkatabi kame buong klase. Awkward na nga yung situation namin na magkatabi kame pero hindi kame nauusap tapos may nangyari pang ganyan. Habang nagkklase kame, lumilipad yung isip ko. Hindi ako makapagfocus sa klase namin. Gusto ko siyang gantihan. Kase naman, nauntog ka na, napahiya ka pa. “Excuse me, Mr Eric? You’re not paying attention.”. “I’m sorry sir.”. Yumuko na lang ako sa hiya ko sa professor ko. “Masyadong malakas ata yung pagkakauntog mo sa pintuan kanina ahh. Naiwan mo pa ako yung utak mo doon sa labas.” Biglang nagtawanan ang buong klase. Lalo lang akong nahiya sa sarili ko. Gusto ko na lang lumabas at umuwi. Nilingon ko si James para makita kung tumatawa din ba siya pero as usual wala siyang imik doon sa likod. Para talaga siyang walang pakialam sa mundo. Natapos ang klase namin at dali dali ulit akong lumabas ng room. Binilisan ko ang lakad ko para makuwe na ako. Sa sobrang hiya ko sa nangyari sakin kanina ay hindi ako makatingin sa mga taong nakakasalubong ko. Nang malapit na akong makalabas ng campus ay napagdesisyunan ko na dumaan ulit dun sa carinderia sa labas ng campus para magsoftdrinks at mag chill muna. Habang umiinom ako ng softdrinks ay nakita ko si James na papunta din sa carinderia. Ang intial reaction ko pag nakikita ko siya ay bilisan ang kilos para makaalis at makaiwas na agad sa kanya. Pero this time buo ang loob ko para kausapin siya. Nang malapit na siya saakin ay bigla siyang may kinuha sa bag. Isang piraso ng papel yun na nakatiklop. Inabot nya sakin ito pero tinitigan ko talaga siya ng masama. Hindi siya makatingin sakin at inaabot parin sakin yung papel. “Ano yan? Anong gagawin ko dyan?” masama talaga loob ko sa nangyari. Hindi parin siya nagsasalita. Kinuha ko yung papel at umalis na siya kaagad. “lokong yun. Pagkatapos kong mauntog sa pintuan, asarin ng prof at pagtawanan sa room ganon na lang yun? Papel lang?” hindi ko tinignan yung papel at nilagay ko na lang sa bag. Pagkainom ko ng softdrinks ay nagbayad na ako at nagdecide umuwi.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This