Pages

Sunday, January 31, 2016

Nagbago ang Lahat (Part 4)

By: Eric

Naglalakad na ako pauwe saamin ng biglang may sumigaw ng pangalan ko. Paglingon ko, nakita ko yung mga kababata ko nagssession na agad. Alas Singko palang ay nagiinom na sila. Nandon halos lahat ng mga kababata ko at si Jerome pero may kasama siyang babae. Nilapitan ko sila para batiin. “huy! Ang aga naman ata ng session nyong yan.”. “Para maaga din matapos. Hahaha! Shot ka muna.” Sabi ng isa sa mga kababata ko. “Pag ako uminom niya, baka magulat kayo!”. Hindi kasi talaga ako umiinom. Hindi ko alam pero hindi ko talaga trip ang lasa ng alak. Pero pag magkakasama kameng magkakaibigan, namumulutan lang ako at nakikishare sa tawanan at kulitan pero hindi ako umiinom. Pakikisama ko na lang sa kanila at naiintindhan naman nila ako. Sabi nga nila, ako lang daw ang mabait sa amin kasi walang bisyo kung hindi magaral at magcomputer. Biglang tumayo si Jerome at nilapitan ako. “Pre, si Cathy nga pala. Girlfriend ko.”. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam pero may mali talaga sa kanya. Naramdaman ko lang pero syempre bilang girlfriend siya ng kaibigan ko binati ko na lang. “Hello. Ako si Eric. Nice meeting you.”. “Ako din. Nice meeting you. Ikaw pala yung Eric.”. Nagulat ako sa sinabi ni Cathy. “Bakit? Anong meron?”. “Eto kasing si Jerome malimit kang ikwento sakin. Yung mga trip nyo daw mula pagkabata hanggang sa ngayon magkakasama parin daw kayo.”. “Ahh ganun ba. Sana naman magaganda lahat ng kinukwento nitong kababata ko sayo. Oo mula pagkabata kame na talaga magkakasama dito. Sawang sawa na nga ako sa pagmumukha nyan ehh! HAHAHAHA!”. Tumawa lang din si Jerome at si Cathy sabay sabi “Oo naman magaganda naman kinukwento nya. Bakit meron bang hindi magandang nangyari sainyo?”. Biglang sumagot si Jerome. “Syempre naman marame! Parang kapatid na turing ko dito. Di maiiwasan yung asaran pikunan. At syempre laging si Eric ang talo. HAHAHAH!”. Nagtawanan na lang kaming tatlo. “Sige mga pre uwe muna ako. Balik na lang ako kapag di pa kayo tapos.”. “Sige pre!”. Umalis na ako at dumiretcho sa bahay.

    Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko ang aking tatay na nakaupo sa sofa at nanunuod ng balita samantalang si nanay ay naghahain na ng hapunan. “Tay, mano po.”. “Kaawan ka ng Diyos. Kamusta naman ang araw mo sa school?”. Gusto kong ikwento sa tatay ko yung nangyari sakin kanina kaso baka magalala lang siya sakin. “Okay naman po. So far so good naman po.”. “Aba’y mabuti kung ganon. Pasensya ka na talaga anak kung nahihirapan ka sa college mo ha. Talagang sakto lang ang sahod ko sa bayarin natin dito sa bahay. Mabuti na lang at naging Scholar ka.”. Ang tatay ko kasi may pagka sentimental sa mga ganyang bagay.
Lagi niya kasi iniimpose na dapat maiprovide nya lahat samin kaya minsan makikita mo siyang nagssenti. “Tay naman ehh. Okay lang po. Magaaral talaga ako ng mabuti para makatapos ako.” Nasa kalagitnaan palang kame ng pagssenti namin ng biglang nagsalita ang nanay ko. “Tama na yang pageemo nyong mag ama. Halina kakain na tayo.”. “Nasan sa Marco?”. “Baka nasa kapitbahay nanaman. Sunduin mo na nga at sabay sabay na tayong kumain.”. Sinundo ko si Marco sa kapitbahay para ayain na umuwi at kumain. Ang ulam ay ang paborito kong Chopsuey at Galunggong. Sinanay kasi kame ng magulang namin na makuntento sa kung anong nasa hapag kainan at wag maghanap ng kung ano anong pagkain. Habang kumakain kame ay bigla kong narining na naguusap ang nanay at tatay ko. “Pano na yan? Sino pala ang sasama kay Marco bukas. Kailangan pala ng representative ng kahit isa sa mga magulang ng bata para sa PTA meeting bukas.”. “Aba’y hindi ako pwede. Kung magsasara ako bukas, sayang naman ang kikitain natin doon. doon pa naman tayo kumukuha ng pangaraw araw natin.” May kahabaan ng diskusyon ng nanay at tatay ko ng biglang nagsalita si Marco. “Okay lang po nay, tay kung walang makakapunta sainyo. Sasabihin ko na lang po sa teacher ko na busy kayo at di kayo makakapunta. Ayos lang naman po yun ehh.” Nakakatuwa talaga ang bunsong kapatid ko. Pagkarinig ko sa sinabi niya ay napangiti na lang ako at sabing “Wow naman. Big boy na siya! Hahaha”. Sabay gulo ng buhok niya. “Kuya naman ehh. Amoy isda yung kamay mo ehh.” Sabay bawi sakin sa buhok ko. “Huy tama na yan. Wag kayo maglaro sa harapan ng pagkain. Salamat anak ha at naiintindhan mo si nanay at tatay. Hayaan mo pag maagang naubos yung gulay ko bukas didiretcho agad ako sa school nyo at baka makahabol pa ako sa meeting.” Sabi ng nanay ko. “Sige po nay salamat.”.
    Matapos namin kumain at nakapaghugas na ako ng plato ay lumabas ako ng bahay at pupuntahan ko sana yung mga kaibigan kong nagiinom. Pagbalik ko ay wala sila doon sa lugar nila kanina. Sa isip ko baka lumipat sila ng pwesto o kaya nagkayayaan ng umuwi. Babalik na sana ako sa bahay para mag linis at matulog ng maaga ng biglang may umakbay sakin. “Huy Eric! San ka pupunta?” Si Jerome na parang lasing na at amoy na amoy yung alak sa hininga niya. “Uuwi na at matutulog. Nasan sila?”. “Wala naguwian na.”. “Eh si Cathy nasan?”. “Hinatid ko na sa sakayan uuwi narin daw kasi siya. Wag ka munang umuwi. Tara tambay muna tayo.”. Sinamahan ko siya sa kanto at tumambay kame doon. Alam ko kasing nagpapahulas na lang ito ng tama bago umuwi. “Ano Eric, Ayos ba yung girlfriend ko?”. Napaisip ulit ako sa tanong niya at naalala ko yung pakiramdam ko kanina na parang may mali kay Cathy. “Ayos naman pre.”. “Wala ka bang nakita sa kanya? May mali ba?”. Lahat kasi ng naging girlfriend ni Jerome ay nakilala ko. Meron kasi akong ugali na sa unang tingin pa lang ng tao, nararamdaman ko na ang ugali o kung may mali sa kanya. Minsan mali Pero madalas ay laging tama ang hula ko. “Pre sa totoo lang ha, parang may mali kay Cathy. Hindi ko alam kung ano pero nung tinignan ko siya kanina, parang may mali talaga ehh. San mo ba nakilala yun. “Nakilala ko siya sa mall. Sales lady siya sa isang Dept Store. Kinuha ko number tapos sinuyo suyo ko. 1 week na kame pare.” Sa puntong yun medyo nalinawan ako sa naramdaman ko. “Pare okay naman siya ehh. Mabait naman. Kaso ingat ka lang sa pagreregalo.” “Bakit pre? Mukha ba siyang manghuhuthot lang?”. “Wag naman sana. Pero ingat ka lang.” Nakita ko sa mukha niya na parang may naisip siyang idea. Halos matagal din kameng tumambay at magkausap. Ako na ang nagayang umuwi kasi kailangan ko ng matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Sabay na kameng umuwe. Pagpasok ko ng bahay ay nag linis na agad ako ng katawan at dumiretcho na ako sa kwarto at nahiga.

    Hindi ako makatulog. Patuloy parin ang pagiisip ko dun sa nangyari kanina sa klase. May galit parin ako. Paikot ikot na ako sa kama ko ng biglang masipa ko yung bag ko na nasa paanan ko lang. bumangon ako at kinuha ko yung bag para ipatong sa lamesa ng biglang may nalaglag. Binuksan ko yung ilaw para makita kung ano yung nahulog. Yung pala yung binigay ni James sakin kanina. Naupo ako sa kama at tinitignan ko yung papel. Hindi ko alam kung babasahin ko ba yun o hahayaan ko na lang. Hindi ko parin binasa. Nilagay ko siya sa cabinet ko, pinatay ko ang ilaw at natulog na ulit ako.

    Pagising ko ay wala ng tao sa bahay. Si tatay ay pumasok na sa trabaho, si Marco naman sa school at si nanay ay nasa palengke na. Pagbaba ko ay may nakita akong platong may takip ng isa pang plato na may papel sa ibabaw. Binasa ko yung nakasulat sa papel. “Bago ka umalis siguraduhin mo na nakalock ang pinto, walang naiwang nakasaksak at nakapatay lahat ng ilaw.” Tinignan ko yung likod kung may nakasulat pa. May checklist sa likod kung nagawa ko ba lahat ng pinapagawa ng nanay ko. Kapag nagmamadali kasi ako, minsan ay nalilimutan ko ng icheck kung may naiwan ba ako o may nakalimutang akong gawin bago ako umalis. Yan lagi ang sinesermon sakin ng nanay ko. Pagkakain ay naligo na ako at nagayos at pumunta na ako sa school.

    Nasa entrance palang ako ay nakita ko na si Nick. Tinawag ko siya para sabay na kameng pumunta sa room. “Ano Eric? Pumayag na ba nanay at tatay mo na samin ka magoovernight bukas?”. “Nako pasensya na Nick. Nakalimutan kong magpaalam sa magulang ko. Pasensya na. hayaan mo mamaya paguwe ko magpapaalam na ako.” Nakita kong sumimangot si Nick sakin at hanggang sa matapos ang klase namin ay hindi ako pinapansin. “Nick sorry na, magpapapaalam ako promise yan.” “Hindi na!”. nagulat ako. Lalo atang nagalit sakin si Nick. “Wag ka ng magpaalam. Ako na mismo magpapaalam. Sasabay ako sayo mamaya paguwe mo at ako na kakausap sa magulang mo. Baka makalimutan mo nanaman.” Sa sobrang sorry ko ay hinayaan ko na lang siyang gawin yun. Kasi alam ko din na hindi ako papayagan ng magulang ko lalo na’t bukas na ako magoovernight. Baka kasi kapag kinontra ko pa si Nick, lalong magalit sakin. Pagkatapos ng last subject namin ay sumama na sakin si Nick pauwe samin. Nasa jeep pa lang kame ay nakita ko siyang naka ngiti sakin. “Bakit ka nakangiti?”. “hahaha! Wala lang. malalaman ko na kung san ka nakatira.”. “Hindi ko alam kung iaaccept kong friendly yung sinabi mo o creepy”. Tumawa lang ulit siya sa sinabi ko. Pagdating namin sa bahay ay nandoon na si Marco. “Hi kuya, sino kasama mo?”. Magsasalita palang ako ng biglang lapitan ni Nick si Marco. “Classmate ako ng kuya mo. Ako nga pala si Nick. Ikaw anong name mo?”. “Hello po. Ako po si Marco.”. pakiramdam ko naman ay nagkapalagayan na agad ng loob si Marco at si Nick. Pinaupo ko lang siya sa sala. “Anong gusto mo tubig, softdrinks?”. “Tubig na lang. hindi mo naman kasi ako sinabihan na malayo pala lalakarin natin mula dun sa binabaan natin hanggang dito sa inyo.”. “Hindi ka naman kasi nagtatanong ehh.”. “Ang ganda ng bahay nyo ahh. Maliit lang, pero malinis. Nakaayos lahat ng gamit.” “Salamat.” Maya maya pa ay dumating na ang tatay ko. Nagmano kami ni Marco sa tatay ko ng biglang tumayo din si Nick at nakimano rin sa tatay ko. Hindi maipinta yung mukha ng tatay ko nung ginawa ni Nick yun. Di niya alam kung magugulat ba siya magtataka. “Good Evening po tito. Ako po si Nick. Classmate po ako ni Eric.”. “ah ganun ba? Ngayong lang kasi nagsama ng classmate itong anak ko simula pa noong elementary.”. “Ganon po ba.”. “Sige iho maupo ka muna dyan.”. “Salamat po.” Maya maya pa ay dumating narin ang nanay namin. Parehas din ng sitwasyon ang nangyari nung nagpakilala si Nick sa nanay ko, sinabihan din siya ng ganito. “Ngayon lang kasi nagsama itong si Eric ng classmate nya dito sa bahay. Pasensya na ha.”. “Okay lang po tita.” Pagdating ay nagluto agad ng hapunan ang nanay ko. Syempre, alam mo naman kapag may bisita tayong mga Pilipino. Talaga nageeffort tayo pagdating sa mga pagkain. “Halina na kayo at kumain na tayo. Nick halika na dito at kumain na tayo.”. “okay lang po tita busog pa po ako.”. “Hay nako naman nahiya pa ito. Tara na at kumain na tayo.” “Nick pumunta ka na doon. Hindi ka titigilan ng nanay ko hanggat hindi kumakaen.” Sumabay na nga si Nick ng pagkaen saamin. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang tinanong ng tatay ko si Nick. “Iho ano ba ang sadya mo dito sa amin at pumunta ka pa mismo ng personal.”. “Tito, Tita pasensya na po pero ipagpapaalam ko lang po sana itong si Eric kung pwede po ba siyang mag overnight samin bukas. Gagawin po kasi namin yung research project namin.”. Walang bahid ng pagdadalawang isip ang nanay ko ng sabihing “Oo naman. Walang namang problema samin yun.”. Nagulat ako sa narinig ko. Usually kasi kapag nagpapaalam ako sa magulang ko ay laging maraming tanong. Sinong kasama mo? San kayo pupunta? Anong gagawin nyo doon? Anong oras ka uuwe? Hindi ko naman din kasi sila masisi. Alam ko naman kasing concern lang din sila saakin. “Sinabihan ko na po siya na magpaalam sainyo nung Wednesday pa lang po pero hindi po pala siya nakapagpaalam sainyo. Nakalimutan daw nya po.”. “Makakalimutin talaga yan.” Sabay tawa si Nick sa sinabi ng nanay ko. Matapos naming kumain ay naupo si Nick sa sala kasama ang tatay ko. Nanunuod sila ng TV at nagkkwentuhan habang ako at si Marco ay nagliligpit ng pinagkainan namin. Tinitignan ko sila at mukhang okay naman sila. Nang matapos ako maghugas, ay nilapitan ako ni Nick at humingi siya ng tubig.

     Maya maya pa ay nagpaalam na si Nick sa nanay at tatay ko at uuwe na daw siya. “Sige po tito, tita mauuna na po ako. Baka po kasi lalo po ako gabihin sa daan paguwe.”. “Sige Iho, magiingat ka paguwe mo. Salamat ulit.”. “Salamat din po sa hapunan. Sa uulitin po.”. “Buti naman at nasarapan ka sa luto ko. Sige iho salamat din.”. Tumayo na si nick at nagmano na siya sa magulang ko. “Tay hatid ko lang po si Nick sa sakayan.”. Tumango lang ang tatay ko at umalis na kame. Habang naglalakad biglang sinabi ni Nick. “Ang sarap magluto ng nanay mo ng menudo.”. “Sana nga laging kang nasa bahay para laging ganon ulam namin. Hahaha”. “hahaha. Pano ba yan, pinayagan ka na bukas.”. “Oo nga ehh.”. “Bukas susunduin na lang kita sainyo.”. “Wag na. Kita na lang tayo sa school.”. “hindi na susunduin na lang kita. Wag ka ng magreklamo dyan. Malay mo magluto ulit nanay mo ng menudo. Hahaha”. “hahaha. Sige ikaw bahala.”. Ng makarating kame sa sakayan ay pumara na agad si Nick ng jeep. Pasakay na si Nick ng jeep ng sabhn nya ulit. “Kita na lang tayo bukas.”. Nakangiti siya sakin. Ngumiti rin naman ako. Hindi ko alam pero unti unting gumagaan pakiramdam ko sa kanya. Ng makalayo na ang jeep ay naglakad na rin ako pabalik saamin.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This