Pages

Sunday, January 17, 2016

Nagbago ang Lahat (Part 2)

By: Eric

Kinabukasan pumasok ako ng gulong gulo ang isip ko. First week pa lang ng klase, and dame na agad nangyari. Hindi ko man lang naimagine lahat ng yun. Akala ko magiging katulad pa rin ng Highschool life ko ang College life ko. Tahimik ng may kasamang few friends. Hindi ako masyadong napapansin kahit noon pa man ay honor student ako. Valedictorian ako nung gumraduate ako at kakaunti lang ang mga friends ko. Yung mga tipong kasa kasama mo lang kapag nasa school ka at may activities sa school. Pero lahat ng yan ay nagbago ng nakilala ko si Nick at si James.

    Pag pasok ko sa first class ko ng araw na yun, umupo lang agad ako sa upuan ko. Hindi ko tinangkang hanapin si Nick para may kasama ako. Pagkaupo nilabas ko agad yung librong paborito kong basahin at nagsuot lang ako headset para walang magtangkang kausapin ako. Gusto kong ibalik yung dati. Yung loner ako at wala masyadong kasama. Sabi ko din naman sa sarili ko is 4 years lang to. Nagawa ko nga yun nung Highschool ako, ngayong college pa kaya. Sa sobrang pageenjoy ko sa pagbabasa, hindi ko na namalayan na nagsstart na pala yung class. Tinago ko na yung libro at tinggal ko na ang headset ko para makinig. Sa kalagitnaan ng klase, biglang nagsabi ang prof namin na group yourself into 2. Kinabahan agad ako. Kahit nung highschool ako, eto ang isa sa pinakamahirap na gawain na inaayawan ko talaga. Ang maghanap ng partner. Kahit kasi matalino ako, walang gustong maging partner ko. Napakaseryoso ko daw kasi sa pagaaral. Yung tipong hindi mo ako pwedeng kausapin kung hindi about sa academic matters and paguusapan natin. Halos lahat na ng kaklase ko ay partner na except sakin. Nagdecide ako na lapitan na ang professor ko at makiusap kung pwedeng ako na lang magisa. Nang kakausapin ko na yung prof ko, bigla na lang may nagsalita malapit sa pinto. “Sir I’m very sorry I’m late”. Si nick pala yun. Halatang halata sa kanya na tumakbo siya para lang umabot sa klase namin. “I have to run some errands for my grandmother this morning kaya po nalate ako. Pasensya na po sir.”, “Okay, I understand. Please come in and take your seat.”. Bad timing talaga! Nawalan na ako ng kompinsya sa sarili at naisipan ko na lang bumalik sa upuan ko at mamaya ko na lang sasabhin sa prof ko na ako na lang magisa. Kasabay kong bumalik si Nick sa upuan. Pagkaupo namin bigla na lang niya akong tinanong. “Eric pasensya na ha, nalate ako. Inutusan pa kasi ako ng lola ko para kunin yung pera sa nanay ko at bumile ng gamot niya.”. “Teka lang? bakit ka nag ssorry sakin?”.
“Oo nga no. hahaha! Bakit nga ba? Teka, anong ng ginagawa nyo bago ako dumating?”. “Ang sabi ni sir, pinapagrupo daw niya tayo into 2 para daw sa isang research paper.”. “Sakto! May partner ka na?”. Sasabhin ko sana na gagawin ko yung research paper magisa kasi confident ako na kaya ko naman yun gawin mag isa. Maya maya napansin ko na lang si Nick na kumuha ng isang maliit na papel at sinulat ang pangalan niya tapos pangalan ko. “Teka lang! bakit mo sinusulat yung pangalan ko dyan?” gulat kong sinabi kay Nick. “Bakit may partner ka na ba? Tayo na lang partner. Ang hirap niyan maghahanap pa ako? Kung may partner ka na, sasabihan ko na lang na partner na tayo para mag hanap na siya ng iba.” Nagulat ako at wala ng akong nagawa kasi nung magsasalita na ako ay bigla na siyang tumayo at inabot sa professor namin ang papel para mailista na ito. Pagbalik niya sa upuan ay hindi na ako umiimik at nakikinig na ako sa aming professor habang dinidiscuss kung pano namin gagawin yung research paper namin.

    Nag ring na ang bell at nagdecide na akong lumabas ng classroom para mag lunch. Mabilis ko niligpit ang gamit ko at dali daling lumabas ng classroom. Habang naglalakad ako papunta ng hallway ay may sumisigaw sa likod ko at tinatawag ako. Alam kong si Nick ang tumatawag sakin pero pinipilit ko ang sarili ko na wag lumingon. Hindi ko maintindihan sarili ko kung magagalit ba ako sa kanya kasi pinipilit niyang maging close sakin o matutuwa ba ako kasi ang gusto niya talagang maging ay ako o talagang no choice lang siya sa sitwasyon na yun. Hindi nagtagal ay inabutan niya ako at hinila niya ako sa braso ko. “Eric may problema ba?”. “Wala naman. Bakit?”. “Ehh hindi mo ako kinausap mula nung inabot kung yung paper kay sir tapos bigla ka na lang umalis after ng class.”. Nahiya tuloy ako sa ginawa ko. “Ahh… Ehh… Kasi…”. Wala akong maisip na isasagot sa kanya. Parang gusto ko na lang tumakbo bigla ng bigla siyang nagsalita. “Kung ayaw mo naman ako maging partner okay lang. Pupuntahan ko na lang si sir at babawiin ko na lang yung paper.” Mas lalo lang akong nahiya sa kanya. Ayaw ko lang kasi talaga sa ganoong tao. Yung magiinsist ng gusto niya ng hindi man lang nagtatanong. Sa sobrang hiya ko ang nasabi ko na lang “Pasensya ka na Nick, gutom na kasi talaga ako kaya hindi ako umiimik kanina pa. Okay lang naman maging partner tayo. Pasensya na”. pagkasabing pagkasabi ko nun ay nakita ko sa mukha niya na parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib at nakahinga na siya ng maluwag. “Ganun naman pala. Tara lunch na ulit tayo dun sa pinagkakainan natin. Masarap yung pagkaen dun. Wag ka magalala Treat ko ulit.” Sabay ngiti sakin. Sa sobrang hiya ko hindi na ako nakatangi sa kanya at dumiretcho na kame dun sa kinakainan namin. Since lahat ng subjects ko ngayong araw na ito ay classmate ko siya, as usual, kameng dalawa ang magkasama buong maghapon.

Nang matapos ang last subject namin for that day, nagayos na kame ng gamit. Pagkalabas namin ng classroom ay bigla akong niyaya ni nick na magpunta sa isang mall na malapit sa school namin. Sabi niya kasi maaga pa naman daw dahil maagang nagdismiss yung prof namin, chill muna daw kame sa isang café doon. sa sobrang hiya ko parin sa ginawa ko sa kanya kanina hindi na ako nakatangi at sumama na ako sa mall. Since hindi nga kame mayamang pamilya at laging School-Bahay and trip ko nung highschool ako, hindi pa ako nakakapunta ng mall ng kasama ang mga kaibigan ko. Kung hindi pamilya ko ang kasama ko, mga tito at tita ko ang kasama ko pag pupuntang mall. Hindi din kame masyadong nagtatagal dun kasi bibilhin lang naman namin yung gamit na kailangan pagktapos ay kakain sa isang fast food chain o sa food court. After nun ay uuwe na kame. Pagdating namin sa mall ay pumunta agad kame sa café na sinasabi niya. Naiilang ako sa lugar na yun. Pano ba naman, puro sosyal lang ata ang nagpupunta dun. Yung iba nakalaptop o kaya nagccellphone. Meron pa ngang isang lalake dun na parang may meeting malapit dun sa bintana at may presentation pa. Habang tinitignan ko yung menu ay nagulat ako at bigla na lang ako napasigaw dun. “ANO? ISANG BASONG KAPE 150 PESOS?”. Nagulat si Nick sa ginawa ko. Buti na lang ay hindi din ganun karaming tao ang nasa loob nung café para marinig ng sinabi ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao at hiyang hiya nanaman ako kay Nick. Halatang halata na wala akong alam sa mga ganoong bagay. Pero pag lingon ko kay Nick ay nakangiti siya sakin. Hindi ko alam kung natatawa siya sa ginawa ko o nangaasar. Tinanong niya ako kung anong gusto ko. Sabi ko “Nick pasensya na hindi kasi ako umiinom ng kape ehh.”. “Meron naman diyang milk base at hindi kape.” Bigla niya akong binulungan at sinabing “Wag ka ng magalala, treat ko naman to ehh.” “Ang dami ko ng utang sayo. Di ko alam kung pano ako magbabayad.” Tumawa lang siya at tinanong ako kung anong flavor daw gusto ko. Mahilig kasi ako sa strawberry kaya yun na lang ang sinabi ko. Pagkakuha namin ng inumin namin ay naupo kame sa may bandang gilid. Habang umiinom kame ay bigla ko siyang tinanong “Nick, wag mo sanang masamain yung itatanong ko sayo ha? Pero bakit ang bait mo sakin? May nagawa ba ako sayo? O may kailangan ka sakin?”. Nang marinig ni Nick yung tanong ko ay bigla siyang ngumit na parang aso. Kinabahan ako bigla at naisip ko na baka nga may kailangan lang sakin to kaya mabait siya sakin. “Kailangan ba may kailangan lang ako sayo o may ginawa ka para sakin para lang ilibre kita?”. Napaisip ako sa sinabi niya. Bigla ulit siyang nagsalita. “Nung highschool kasi ako, may pagkabully kasi ako. Hindi ko alam kung eto ba yung reaksyon ko sa pagiwan samin ng tatay ko o naimpluwensyahan lang ako ng mga kaibigan ko. Marami kasi akong kaibigan noon. Yung tipong lagi namin hanap noon ay basag-ulong mga trip. Away doon, away dito. Habang ginagawa ko yun, di ko na namalayan na nagiging basagulero ako. Highschool palang ako noon ng matuto akong uminom at manigarilyo. Hindi ko din alam kung nagrerebelde ako dahil sa ginawa ng tatay ko para sakin. Hanggang sa maka graduate ako ng highschool, naging ganoon ang buhay ko. Hindi agad ako pumasok ng kolehiyo kasi ayaw ko. Pero sa pagttyaga na magudyok ng lola ko sakin na pumasok ako ng college, nagdecide ako mag enroll. Habang nageenroll ako dito nakita ko yung mga kaibigan ko noon. Hindi man lang nila ako pinansin. Para bang hangin lang ako sa kanila. Doon ka narealize na ang kaibigan pala hindi laging nandyan para samahan ka. Kaya nagdecide ako na magaaral ako para maging successful balang araw. Ginawa ko na lang na inspirasyon yung pagiwan samin ng tatay ko at di pagpansin sakin ng mga dati kong kaibigan para makatapos. Kasi alam ko na bandang huli, sarili ko lang ang maasahan ko.” Sa pagkakakwento niyang yun, parang gusto kong maiyak. “Pang MMK pala ang buhay mo.” Pangaasar kong sinabi sa kanya habang nakangiti. Ngumiti lang siya at sabay sabing “Kaya sana wag mong masamain yung pagpipilit ko sa sarili ko sayo ha. Kaya kita gustong kaibiganin kasi alam ko na mabait ka. Malay mo mahigit mo pa ako para magaral ng mabuti at makatapos.”. Nagulat ako sa sinabi niya. Parang pakiramdam ko, ang sama sama ko talaga sa ginawa ko sa kanya. “Pasensya ka na Nick sa ginawa ko kanina. Hayaan mo tutulungan kita para sabay tayong makatapos ng pagaaral.”. “Promise yan ha?”. “Promise!.” At sabay na lang kameng tumawa.

Ang dami namin napagusapan. Buhay ko, buhay niya. Sa sobrang enjoy ng paguusap namin, hindi ko na din napansin na gabi na pala kaya nagdecide na kameng umuwe. Habang naglalakad kame papuntang sakayan ay bigla niya akong tinanong. “Eric kelan pala natin gagawin yung research paper?”. “Okay lang ba na akong na lang gagawa nung paper?”. “Hindi naman fair yun. Kailangan may maitulong din naman ako. Pangit naman siguro yun na aasa lang ako hanggang sa makagraduate ako.” Natuwa naman ako sa sinabi niya. “Kung free ka this weekend, punta ka na lang samin. Magovernight ka samin tapos dun na lang natin gawin yung research paper.”. Sa totoo lang first time kong mainvite pumunta sa bahay ng isang kaibigan o classmate. Nung highschool ako hindi ko alam kahit isa kung saan nakatira ang mga classmate ko. “Okay lang ba yun? Hindi ba nakakahiya?”. “Ano ka ba! Okay lang yun sa lola ko. Matutuwa pa yun kasi may makikilala siyang kaibigan ko na matalino. HAHAHA!”. Sa totoo lang ayaw ko talagang sumama pero sa pangungulit niya sakin ang nasabi ko na lang “Sige kung okay lang. Pero magpapaalam muna ako sa magulang ko kung papayagan ako.”. “Gusto mo ako na magpaalam sa magulang mo?”. “Hindi na. Ako na lang. Sasabihan na lang kita kung pinayagan ako.”. “Sige, asahan ko yan ha.”. Nagpalaam na ako sa kanya at dumiretcho na ako sa paguwe.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This