Pages

Sunday, January 10, 2016

Tenth Floor (Part 1)

By: Terrence

Hi KM. Dalawang buwan na ako nagbabasa ng mga kwento dito. Talaga namang nakaka-addict. Mas naadict pa ako dito kesa sa Clash of Clan. Narealize ko na unfair naman na puro na lang ako basa so I decided na magshare na din ng story ko. It all started when I had my first experience falling inlove....

I am Terrence. I am 25 now. 5 ft and 8 inches tall. Moreno. Chinito. May hubog din naman ang katawan. Hindi ako naggygym pero naging varsity swimmer ako ng school namin mula high school hanggang college kaya batak ang katawan ko. Ang sabi ng mga friends ko, ako yung tipo ng lalaki na hindi sobrang gwapo pero pansinin. Malakas daw ang sex appeal. Nakadagdag pa yung pagiging silent type at pagiging mukhang suplado ko. Ang sabi nila madami daw ang nagkakainterest sa akin dahil parang napakahiwaga ko daw. Well, totoo naman sila. Wala naman masyadong nakakaalam ng buhay ko. Don't get me wrong. Maayos ang buhay ko. Maayos ang pamilya ko. Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Tatlo kaming lalaki. Alam ng pamilya ko na silahis ako. Mula nang mamulat ang pag-iisip ko alam kong iba ako. At maswerte ako na nagkaroon ako ng pamilya na may bukas na isip at malawak na pang-unawa. Tanging pamilya ko lang ang nakakaalam ng pagkatao ko. Hindi ko naman kasi inugali ang magkwento ng buhay ko. Hindi ko din naman masasabi na inilihim ko ang pagkatao ko. Hindi ko ikinakahiya. Wala lang talagang nagtanong. Para sa akin hindi ko naman kailangan ipangalandakan.

Hindi ako nagkagirlfriend. Kahit alam ko na may nagkakagusto, ayoko namang lokohin ang sarili ko. Hindi pa din naman ako nagkakaboyfriend. Sa dami nang gwapo sa school namin madami akong naging crush. Kahit yung mga barkada kong lalaki may mga hitsura din pero ni minsan ay hindi ako lumagpas sa limitasyon ng kaibigan. Hanggang dun na lang yun.

Three months after my graduation, natanggap ako sa isang telecomunication company. Hindi ko na babanggitin ang name kasi wala naman kinalaman sa story ko. At tsaka tatlo lang naman sila. Hehehe. Since sa Makati ako mabebase, at medyo may kalayuan ang Malolos sa Makati, idadag mo pa ang traffic sa EDSA at ang mahabang pila ng MRT, nagdecide ako na dun muna magstay sa condo ng pangalawa kong kapatid. Si Kuya Daniel. Wala naman tao dun dahil nasa Singapore si kuya. Duon sya nakabase at umuuwi lang dito every 6 months. Gusto nga nya na may tao sa condo nya para mabantayan at para daw di tirahan ng maligno. Pagpasensyahan nyo na at Bulakenyo. Mapamahiin.

Kahit isang linggo pa bago ako magsimula sa work ko ay hinakot ko na ang gamit ko papunta sa condo. Buti na lang at nasa Pinas si Kuya Robert, ang panganay kong kapatid, kaya natulungan nya ako. May sasakyan sya at nagkataon na may lalakarin sya sa Laguna kaya sa kanya na ako sumabay. Medyo madami din kasi akong dala. Dalawang bag ng damit ko. Isang bag na ang laman ay mga toiletries, gamot, charger, power bank, etc... At saka isang eco bag ng mga groceries na padala ni Nanay. Sinabi ko na sa kanya na huwag nang ipadala at may malapit naman na grocery store mula sa condo. Pero ipinilit pa din nya kaya wala na ako nagawa.

Huminto ang sasakyan ni kuya sa tapat ng entrance ng condo. Since nagmamadali sya, hindi na nya nagawang makababa pa para tulungan ako sa mga dala ko.

"Ano bunso? Kaya mo na?" tanong ni kuya.
"Oo kuya kaya ko na ito. Sige na at baka matraffic ka pa. Medyo malayo ang Laguna. Salamat!" pangiti kong sagot.
"O eto nga pala. Idagdag mo sa panggastos mo. Kapag kakapusin ka tawagan mo ako." habang inaabot limang libo.
"Kuya wag na. May pera pa ako dito. Binigyan din ako ni tatay kanina. Ok na ito." pagtanggi ko.
"Kelan mo pang natutunan na tanggihan ako? Eto na! Kunin mo na at nang makaalis na ako!" medyo naiinis na pilit ni kuya.
Mabait talaga si Kuya Robert sa akin. Protective. Twenty five years din kasi ang agwat ng edad namin kaya naman hanggang ngayon kahit malaki na ako ay parang bata pa din ang tingin nya sa akin.
"Thank you kuya! Ingat ka sa pagdadrive. Text mo ako kapag nakarating ka na sa pupuntahan mo." paalam ko sa kanya. Tsaka umandar ang sasakyan nya.
Hinintay ko lang na makaliko ang sasakyan ni kuya bago ako pumasok.

Pagpasok ko ng Condo ay binati agad ako ng Guard.
"Good morning, Sir!" bati nya nya sa akin.
"Good morning din, kuya! 12th floor po." sagot ko. Sabay abot ng sobre na ibinigay ni Kuya Daniel sa akin para makapasok ako.
"Sir dun muna po kayo sa front desk at may pipirmahan po kayo." sabi ni Manong pagkatapos tingnan ang laman ng sobre.

Dumeretso ako sa frontdesk at pinirmahan ang lahat ng dapat pirmahan. Pagkatapos ko pumirma ay itinuro sa akin nung babaeng nag-assist sa akin kung saan ang elevator. Agad kong tinungo ang elevator at pinindot ang up button. Dahil sa bigat ng dala ko ay nagawa kong ibagsak ang lahat ng dala ko na gumawa ng ingay. Nakalimutan kong may groceries nga pala akong dala. Lumapit si Manong guard sa akin para tanungin kung Ok lang ako. Agad ako nag-apologize at nagsabi na ok lang. Nung masiguradong ok ako tsaka sya umalis. Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang elevator mula sa basement parking.

Pagbukas ng elevator, para bang may kung anong liwanag na lumabas mula sa loob. Parang may aparisyon. Para akong nakakita ng anghel. May isang lalaki sa loob na nakangiti habang nakatingin sa akin. Para akong tangang nakatayo sa labas ng elevator at nakatulala sa kanya. Nakawala lang ako sa pagkatulala ko nung magsalita yung lalaki...

"Boss! Going up?" tanong ni kuya.
"Ay! Sorry! Opo! Wait lang." natataranta kong sagot. Binitbit ko ang mga dala ko at sabay pasok sa elevator.
"Anong floor ka?" tanong nya habang nakatingin sa mga dala ko.
"12th floor po." sagot ko habang inaayos ang mga dala ko.

Pinindot nya ang 12th floor button. At saka tumingin ulit sa akin.

"Mukha na ba ako matanda kaya nagpopo ka sa akin?" nakangiting tanong nya.
"Ay! Hindi. Ganun lang talaga ako. Pasensya ka na." Nahihiyang sagot ko.
"Hehehe. Ok lang. Bago ka dito no? Ngayon lang kita nakita." sabay tingin sa mga gamit ko.
"Oo. Kuya ko ang may ari nung unit sa 12th floor. Sa Makati kasi ako magwowork kay dito muna ako tutuloy. Wala naman sya dito ngayon kaya ako muna ang titira." medyo nahihiya pa ding tugon ko.
"Ah! Ok. Need help. Mukha kasing mabigat ang mga dala mo." Alok nya.

Dyosko gustong gusto ko sana pero hindi tama. Kasi kakakilala ko lang sa kanya at nakakahiya naman. Kaya tumanggi ako. "Thank you. Pero kaya ko na ito." Sabay ngiti.
"Ok. Nga pala medyo may kabagalan ang elevator dito. Nireport na namin sa admin pero hindi pa din naaayos. Kaya tiyaga muna a tayo." medyo seryosong sabi nya

Medyo mabagal nga ang elevator kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan sya habang nakatalikod. Tingin ko mga 5'11". CHECK! Maputi na mapula pula ang ang complexion nya. CHECK! Well built ang katawan. Halatang naggygym. CHECK! Bagsak ang buhok! CHECK! Astigin ang porma dahil may itim na hikaw sa kanang tenga at lumalabas ng kaunti ang tattoo nya mula sa kaliwang manggas nya. CHECK! At higit sa lahat matambok ang pwet. Weakness ko. Kitang kita dahil sa hapit na pantalon na suot nya. ISANG MALAKING CHECK! At dahil mahilig ako sa matambok na pwet ay napako ang tingin ko dun. Hindi ko namalayan na nasa 10th floor na kami at lalabas na yung lalaki. Nagulat na lang ako nang biglang syang magsalita.

"Pre. Dito na ako!" habang nakatingin sa akin na para bang nagtatanong na bakit ko sinisipat ang pwet nya.

Bigla ako nag-alis ng tingin sabay sabi,

"Ay! Ganun ba? Salamat."

Lumabas sya ng elevator na parang nakakunot ang noo. Obvious na na-awkwardan sya sa nangyari.

Namumula ang mukha ko sa sobrang hiya. Nagbubutil na din ang pawis ko sa noo. Malamig naman pero ang init ng pakiramdam ko dahil sa kahihiyan. Dali dali ko pinindot yung close button dahil baka bumalik pa sya. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya kapag nagkasalubong kami o kaya ay nagkasabay kami sa elevator.

Sayang nga lang at hindi ko man lang nakuha ang pangalan nya...

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This