Pages

Monday, February 29, 2016

Doctor's Cop (Part 1)

By: Neil Alvin

Magandang araw sa lahat ng readers dito sa KM, nakakatuwa yung mga comments nyo sa first story ko, im not really into series, pero sana tangkilikin nyo itong aking unang tuluyan... Saka ko na isusunod yung ibang kwentong tapusan, kapag mas mahaba na yung available na oras. Special greetings sa reader ng una kong kwentong Preacher’s Confession from Tuguegarao City... SB.

Isang Sabado ng umaga, nagmamadaling pinaandar ni Alvin ang kanyang owner type jeep.  Ilang minuto na lang at malelate na siya sa kanyang duty.  Lagot na naman siya sa kanyang Chief pag nagkataon.  At ang kanyang kinse anyos na sasakyan ay ayaw pang makisama sa umagang iyon, ang owner na minana pa niya sa kanyang ama na nasawi na sa isang engkwentro sa pagitan ng mga holdaper, anim na taon na ang nakakaraan.

Pinihit niya ang susi, ayaw talagang magstart, pihit pa, ayaw talaga, lalabas sana siya sa gate, upang maghagilap ng mga kalalakihang maaring mapakiusapan para itulak ang sasakyan niya nang mamataan niya sa katapat na kalsada ang isang bagong kotseng itim papalabas sa gate.  Natanawan niyang lulan ng itim na Nissan Tiida ang isang nilalang na hindi niya sana gustong makita sa mga ganoong pagkakataon, ngunit huli na.  Huminto na sa harap niya ang kotse, nagbaba na ng tinted na car window ang lalaking nakaasul na polo, na nakangiti sa kanya.

Si Andrew.  Ang kanyang kababata na nakatira sa tapat ng kalsada.  Andrew Payawal.  Ay, kulang pala, Andrew Payawal, M.D., oo ang kanyang kababata ay isang doctor na.  Ilang taon na din niyang hindi nakita ang taong ito, mga sampung taon na din.  Sabay silang lumaki, sabay nag-aral, sabay nagpatuli.  Best friends sila buhat sa pagkabata.  Lagi silang magkalaro, at tuwing may tumutukso kay Andrew sa pagiging mahinhin nito ay ang bruskong si Alvin na ngayon ay PO3 Alvin Sioson na ang tagapagtanggol ng una.  Medisina at Pulisya, dalawang larangang magkaiba, magkalayo ng layunin, isang nangangalaga sa kalusugan, ang isa'y tagapag-alaga ng kaayusan ng komunidad ngunit parehong nagpapahalaga sa buhay.
Bata pa lang sila, ay lihim nang may pagtatangi itong si Andrew kay Alvin, lalo na sa tuwing ipinagtatanggol siya nito sa mga kalaro o kamag-aral na tinutukso siya.  Feeling prinsesa siya at magiting na sundalo ang kanyang best friend.  Lalampa-lampa naman kasi itong si Andrew, kaya si Alvin lagi ang nagbabantay sa kanya.  Espesyal din naman si Andrew para kay Alvin, masaya din naman siya kapag kasama ito, nagkakaroon kasi siya ng halaga sa mundo, yun ay maging tagapagtanggol ng mga inaapi, at matagal na niyang pinapangarap ito, ang maging kasing astig ng kanyang ama, at sa pakiramdam niya, nagagampanan niya iyon sa katauhan ng kanyang best friend.

Mas may kaya ang pamilya ni Andrew kaysa sa pamilya ni Alvin, kaya sa tuwing may laruang bago si Andrew, si Alvin ay natutuwa din, sapagkat mas madalas pang hawak nito ang laruan ng kaibigan, paano ba naman ay madalas na remote control na kotse o baril barilan ang madalas bilin ng ama nito sa kanya.  Kaya tatawagin niya ang kaibigan niyang si Alvin para maglaro. 

Nagmula si Andrew sa angkan ng mga Doctor, ang lolo niya ang nagtayo ng isang kilalang ospital sa kamaynilaan, at ang pamilya niya ang may hawak pa rin ng malaking shares sa ospital.  Sa iisang ospital nagtatrabaho ang kanyang mommy at daddy, ngunit hindi na sila umuuwi sa iisang bahay, hiwalay na ang parents niya mula pa nung dalawang taong gulang pa lamang siya.  Ang kasama niya sa bahay ay ang kanyang mommy na madalas pang wala dahil nga sa trabaho nito.  Ang kanya namang daddy ay ibinibili lang siya ng mga laruan, at ipinabibigay lang sa kanyang mommy, ngunit hindi sila nagkikita madalas.  May ibang pamilya na rin kasi ito.  Sa mga oras na nag-iisa si Andrew, lagi niyang tinatawag si Alvin para makasama sa bahay, minsan ay ipinagpapaalam pa niya sa mga magulang nito na doon matulog sa kanila.

Madalas magkatabi ang magbest friends.  Isang pangyayari ang naging dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa kanilang magandang relasyon.  At bumalik sa ala-ala iyon ni Alvin.  Isang araw iyon pagkatapos ng kanilang high school graduation.  Excited pa silang dalawa sa paghahanap ng eskwelahang papasukan ng kanyang best friend.  Nakailang pamantasan din silang binisita sa araw na iyon upang kumuha ng entrance exam.  Bagamat pasado na sa ilang unibersidad si Andrew, sinasamahan pa rin niya ang kanyang best friend na humanap ng kolehiyong mapapasukan.  Gusto niyang magkasama pa rin sila sa iisang school ng lalaking lihim niyang itinatangi sa kanyang puso.

Pagkauwi nila ay nagbihis lang si Alvin at kumabilang bahay na agad.  Nakapagpaalam na din na doon na siya matutulog sa bahay ng kaibigan.  Habang naglalaro ng playstation ay nabanggit ni Alvin ang planong manligaw sa isa nilang batchmate.  Bahagyang may kumurot na pagseselos sa puso ni Andrew habang binabanggit iyon ni Alvin, ngunit hindi niya ipinahalata.  Sumapit ang hating gabi na at napagpasyahan na nilang tumigil sa paglalaro.

Nang mahiga na sila ay nakatulog na agad si Alvin, sumakit din ang mata niya sa paglalaro, bukod sa pagod sa buong araw nang paglalakad sa paghahanap ng mapapasukan.  Ilang taon iginalang ni Andrew ang pagkakaibigan nila ni Alvin, ni hindi siya nagtake advantage sa kaibigan kahit minsan, ngunit sa takot na mapunta sa iba ang kanyang best friend ay hindi na siya nakapag-isip ng maayos.  Niyakap niya ang kanyang best friend habang himbing ang tulog nito.  Idinantay din niya ang hita sa gawing bukol ng short.  Walang reaksyon ang kanyang best friend.  Hanggang ilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ng kaibigan.  Kumakabog ang dibdib niya ng malakas habang ginagawa iyon.  Halo-halong emosyon, nanginginig na rin siya sa antisipasyon na mahahalikan na niya ang tanging lalaki na pinaglaanan niya ng espesyal na pagtingin.   Aircon ang kwarto ngunit, pumapatak din ang pawis niya sa sobrang kaba.  Hanggang idikit niya ang kanyang labi sa labi ni best friend.  Ang lambot ng mga labi nito.  Ang sarap ng pakiramdam ang paghalik nito.  Nakakakapanabik ang mga susunod na mangyayari.

Humawak siya sa ulo ni best friend at idiniin ang halik.
Nagsimula naring gumalaw ang kanyang labi. Nang...

Pak!

Isang malakas na sapak ang dumapo sa pisngi niya.

Hindi nakapagsalita si Andrew.  Wala ding salitang binitawan si Alvin.  Walang sabi-sabi itong bumaba at lumabas ng bahay nila Andrew.  Si Andrew ay tigagal pa rin. Nangingilid ang mga luha.

Lumipas ang magdamag at hindi pa rin nakatulog si Andrew.  Basa na ng luha ang kanyang unan.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This