Pages

Monday, February 8, 2016

Nagbago ang Lahat (Part 5)

By: Eric

“Kuya! Kuya! Gising!”. “Bakit?”. “Nandyan na si kuya Nick!”. Pagbangon ko ay dali dali akong tumingon sa relo. 8 o’ clock pa lang ahh. Bakit kaya ang agang pumunta ni Nick dito? Bumaba agad ako at didiretcho sa banyo para mag hilamos at magmumog. Pagbaba ko ay nakita ko si Nick. Nakaupo siya sa sala kasama ang tatay ko. “Good Morning.”. yan ang bati nya sakin. Pero hindi ako sumagot. Tumango lang ako sa kanya at dumiretcho na ako sa banyo. Habang naghihilamos ako ay naririnig ko silang  naguusap. “Pagpasensyahan mo na yang si Eric. Hindi ka talaga sasagutin nyan hanggangat di pa naghihilamos sa uamaga.”. “Okay lang po.” Pagkamumog ko ay naupo din ako sa sala. “Teka lang, bakit ang aga mo atang nagpunta. Hindi ko pa nga naayos yung gamit ko ehh.”. “Okay ng maaga. Para makapunta agad tayo samin.”. “Bakit anong meron sainyo?”. “Wala naman. At least kasi kung maaga tayong pupunta samin, maaga din nating matatapos yung project.”. Naguluhan ako sa sinabi niya. Kung matatapos namin ngayon yung research project namin, bakit kailangan ko pang magovernight sa kanila? Pwede naman siguro akong umuwi na lang. Hindi ko na sinabi yun kasi baka lalo pang humaba yung diskusyon namin at baka magalit nanaman sakin to. Baka sabihin pa niya ulit na napipilitan lang ulit akong sumama sa kanya. “Sige na nga. Saglit lang at aayusin ko na yung gamit ko.”. Ngumiti lang siya at pagalis ko ay nagusap na sila ulit ng tatay ko.

    Habang nagaayos ako ng gamit ay biglang pumasok si Marco sa kwarto. “Kuya sama ako.” “Marco hindi pwede. Gagawa lang kame project namin dun. Kung gusto mo tulungan mo na lang ako para maayos ko na agad yung gamit ko.”. Tinulungan ako ni Marco ayusin yung dadalhin kong gamit. Habang inaayos ko yung bag ko, “Kuya ano to?”. Pag tingin ko ay hawak ni Marco yung papel na binigay sakin ni James. “Wala yan, nailagay ko lang siguro dyan.”. “Sige kuya tapos ko na. Hindi mo na ata to kailangan ehh.”. Dali dali akong tumayo para kunin yung papel. Hindi ko din naintindhan yung ginawa ko pero nung sinabi ni Marco na itatapos na daw yung papel ay nagmadali akong kunin sa kanya. “Kailangan ko pa yan.”. Ng maayos ko na ang mga gamit ko, tatayo na sana ako ng bigla ko ulit mapansin yung papel. Ayaw ko naman basahin yun at kung tutuusin ay gusto ko na siyang itapon. Wala naman akong pakialam kung anong nakasulat doon. Pero pinulot ko siya at nilagay ko ulit sa bag na dadalhin ko.

    Pagbaba ko ay inaya ko na si Nick na umalis pero pinigilan kame ng tatay ko at magalmusal muna daw kame. Pero si Nick mismo ang nagsabi na sakanila na daw kame kakain kaya nagpaalaam na ako kay Marco at sa tatay ko at tumuloy na kame. Sumakay kame ng bus at doon ay nagusap parin kame. Kinukwento nya sakin yung lola niya. Hindi ko na din alam kung paano umabot yung usapan namin sa lola niya. Sinasabi niya na yung lola daw nya ay yung mga typical na lola daw na namuhay sa probinsya. Pero yung lola nya daw ay may pagka techie. Mahilig daw magtablet yung lola niya. Kung ano ano mga nilalaro at kung minsan naman daw ay nagffacebook. Nag lalaro din daw siya ng tong its at majong kasama ang mga kapitbahay nila. Sa pagkkwentuhan namin ay naramdaman ko naman na magiging maayos naman ang lahat pag dating namin sa kanila.

    Pagbaba namin ng bus ay sumakay naman kame ng tricycle papasok ng subdivision kung saan sila nakatira. Maya maya pa ay dumating na kame sa kanila. Pagdating namin ay dinatnan namin yung lola nya kasama ang mga kapitbahay nila na naglalaro ng majong. Tama nga ang kwento niya saakin. “Ang aga naman ata niyan nay.”. “Ehh wala naman akong ginagawa ehh. Kaya nagaya na ako sa mga amiga ko. Para makarame ng laro.” Pagkasabi ng lola ni Nick sakanya nun ay bigla siyang bumaling ng tingin saakin. “Eto ba yung kaklase mo?”. Tingnan nya ako mula ulo hanggang paa. “Good morning po. Ako po si Eric. Classmate po ako ni Nick.”. “Good Morning din iho. Oh siya pumasok na kayo doon sa loob at may nakahandang pagkain dyan. Magalmusal muna kayo. Nick! Asikasuhin mo mung itong kaibigan mo!”. Nagulat ako ng biglang sumigaw yung lola niya. Paglingon ko ay wala nga si Nick sa likod ko. Pumasok pala siya sa loob para ayusin yung mesa. “Tara Eric pasok ka.”. Sa itsura ng bahay nila ay makikita mo na angat pa sa may kaya sila Nick. Flat Screen TV na may home theater system. magarang sofa, at kumpleto sila sa gamit sa bahay. 2 floor ito at talagang maganda ang pagkakagawa. Naupo muna ako sa sala para pagmasdan ang itsura ng bahay nila. Maya maya pa ay tinawag ako ni Nick para kumain. Habang kumakain kame “Nick ang ganda ng bahay nyo. Ang laki.”. “Hindi naman. Malaki nga ang dumi naman.” Bigla ko ulit nilibot ang mata ko para tignan yung bahay nila. Maganda pero ang mga gamit ay hindi nakaayos. Umaapaw sa mga pictures ng family ni Nick ang isa nilang cabinet at yung isa naman ay may kung ano anong souvenir sa mga kasal binyag at birthday ang makikita mo. Sa may Kusina naman ay may mga platong pinagkainan. Hindi naman siya ganoon kadumi pero hindi talaga nakaorganize ang gamit. “Hindi naman madumi. Magulo lang.” pangaasar ko kay Nick. Akala ko ay mapipikon sya pero tumawa lang siya sa sinabi ko. Pagkatapos naming kumain ay nililigpit ko ang pinakainan namin. Naging ugali ko na kasi yun samin na pagkakain namin ay nagliligpit kame ni Marco ng pinagkainan tapos huhugasan ito. “Wag na, hayaan mo na lang dyan. Si nanay na maglilinis nyan.”. “Wag na ako na. Tayo naman kumain dito ehh.”. Kahit anong pigil sakin ni Nick ay nagpatuloy padin ako sa paglilinis at paghuhugas ng mga pinagkainan namin. “Nakakahiya naman. Bisita kita pinaghugas pa kita ng pinagkainan.” “Ano ka ba okay lang yun. At least makatulong man lang ako dito sa bahay.” Bukod doon ay intention ko din talaga linisin yun kasi hindi talaga ako mapalagay kapag madumi yung bahay. Pakiramdam ko kasi kapag nakikita ko na may madumi o magulong lugar, magulo din pati utak ko. Sinanay kame kasi ng nanay ko din sa ganyang ugali. Pagkatapos ko maghugas at magpunas ng mesa ay pumunta na kame ni Nick sa kwarto niya para masimulan na yung project namin.

    Pagpasok ko sa kwarto nya, hindi na ako nagulat na magulo din ito. “Pasok. Pasensya ka na medyo magulo yung kwarto ko ha.”. Anong medyo? Magulo talaga siya! Yung mga pinaghubaran ng damit nasa kama lang. tapos yung study table niya may mga plato pa na pinagkainan pagkatapos may mga balat ng kedi at chichirya malapit sa computer table. In short madumi at magulo ang kwarto niya. Pumasok ako at naupo ako sa upuan na malapit sa computer table niya. “Dito tayo gagawa ng project?”. “Oo, bakit?”. Sa totoo lang hindi ko kayang magaral o kahit magstay lang sa ganoong lugar. Paglingon ko ulit kay Nick ay nakatingin sya sakin. Gusto kong sabihin sa kanya na linisin at ayusin muna nya kwarto nya kasi ang gulo talaga pero syempre hindi ko kayang sabihin yun at sigurado akong maooffend siya. “Alam ko na. Teka saglit lang.”. Bigla nyang pinulot yung mga kalat sa sahig at inayos nya yung study table nya. Binaba nya sa kusina yung mga plato at baso na nandoon. Pag balik nya ay inayos nya lahat ng damit nya na nakalagay sa kama at saka sya ng walis at nagpunas para malinis yung kwarto nya. Habang ginagawa nya yun ay pinapanood ko lang siya. “Ayan malinis na. Madumi diba? Hahaha”. Pawis na pawis siya sa paglilinis ng kwarto nya. “Nailang kang sabhn sakin na madumi kwarto ko no. okay lang yun. Totoo naman ehh.” Nginitian ko lang siya pero nahihiya ako kasi parang sinabi ko na din sa kanya na ang dumi dumi ng kwarto nya nung naupo at hindi at kumilos simula ng pumasok ako sa kwarto nya. Nilapag ko na ang gamit ko sa kama nya at doon na ako naupo. “So pano plano natin?”. “Ganito na lang. Ikaw na lang magsearch sa internet kung ano yung possible na topics na included dun sa bracket ng research natin tapos ako na lang magcocompile at magaayos ng citations doon. ako na lang din magssummarize at gagawa ng report.”. “Sige. Okay lang ba dyan ka na lang sa kama para komportable ka. May saksakan dyan sa gilid kung kailangan mo mag charge ng cellphone o laptop.” Bigla akong napatingin sa kanya. Scholar nga ako diba? Wala akong pang tuition sa tingin mo may pang bili ako ng laptop?. “Teka may laptop kang dala diba?” bigla nya akong tinanong. “Wala akong laptop.” Nahihiya kong sabihin sa kanya. “Teka kunin ko na lang yung spare kong laptop.” Lumabas siya ng kwarto para kunin ang laptop. Habang wala siya ay tumingin tingin ako sa gamit nya. Napansin ko kaagad yung mga magazines at action figures nya ng mga anime. Mahilig pala siyang manood ng anime at kitang kita ito sa mga posters na nakadikit sa pader ng kwarto nya. Malaki yung kama nya at may aircon pa yung kwarto nya. Mayaman talaga si Nick. After ng mga 30 mins na pag mumuni muni ko sa kwarto ni nick ay dumating siya na dala yung spare laptop na sinasabi niya. May dala din siyang mga pagkain. chichirya, chocolates, tinapay at kung ano ano pang mga pagkain. “Ano yan? Bakit ang dami naman nyan?” “Para hindi tayo magutom. Saka kukuha lang din ako ng tubig.”. Pagbalik nya na naupo na siya sa harap ng computer nya at binuksan na niya ito. Ako naman ay inayos ko lang sa lamesa lahat ng dala niyang pagkain at naupo na ako sa kama at chinarge ko na yung laptop, binuksan at sinimulan ko yung part ko sa project. Maya maya pa ay biglang nagtanong sakin si Nick. “Eric kung wala kang laptop, san ka gumagawa ng project?”. “Marami namang computer shop malapit saamin. Doon ako gumagawa ng projects. Minsan naman kapag mga 2 pages lang naman kagay ng reaction paper o mga summary ng short stories, sinusulat ko na lang sa coupon bond.”. “Grabe ang tyaga mo naman sa mga ganyan.” At nagpatuloy na kame sa paggawa. Lumipas din ang mga oras ng bigla kong maramdaman na naiihi ako. Nilapitan ko si Nick para itanong kung saan yung CR nila. “Yung pintuan sa tabi ng ref. yun yung CR”. Dali dali akong bumaba para magCR. Pagkatapos ko umihi ay babalik na sana ako ng kwarto ng biglang may tumawag sakin. Lola pala ni Nick. Nilapitan ko siya para itanong kung bakit nya ako tinawag. “Iho marunong ka naman sa mga tablet diba?”. Wala kameng gadget sa bahay pero marunong ako ng mga simpleng bagay tulad ng settings sa tablet o reformat ng computer kasi napapractice ko siya noon dahil yung bantay ng isang comp shop saamin ay kababata ko. Minsan ay nagpapaturo ako sa kanya sa mga ganyang bagay. “Opo nay, ano po bang problema?”. Habang tinitiignan ko ang tablet ay nagtatanong sakin si nanay tungkol sa buhay buhay. Kinuwento din nya sakin ang naging buhay ni Nick at pati narin ang ang mga magulang niya. “Kanina nung pinakilala ka sakin ng apo ko ay nagulat ako kasi hindi ang mga tipo mo yung mga pinakilala nya sakin dati na kaibigan nya. Yung mga mukhang goons sa pelikula? Ganoon ang itsura nga mga kaibigan nya. Ewan ko ba dyan kung bakit yun ang mga pinipili nya eh gwapo naman itong apo ko.” Tumawa lang ako sa sinabi ni nanay. Matagal tagal din kameng nagusap ni nanay at nagkapalagayan na kame ng loob ng biglang bumaba si Nick at nakita kameng naguusap ng lola nya. “Bakit ang tagal mo umakyat?”. “Naguusap kame ni nanay ehh.”. “Akala ko ay nawala ka na papunta sa banyo ehh. Hahahaha!”. Tumawa lang kame pati si nanay sa sinabi ni Nick. “Sige aakyat na ako.”. Nagpaalam na ako kay nanay at umakyat na rin ako sa kwarto. 

    Pagbalik ko sa kwarto ay simulan ko na ulit ang paggawa ng project namin. Maya maya pa ay lumapit sakin si Nick “Eric nakuha ko na lahat ng topics na sinabi mo. Anong email mo para send ko na lang sayo.”. “Lahat nakuha mo na? ang bilis naman ata.”. “Anong mabilis? Ang tagal mo atang nakiusap sa lola ko habang ginagawa ko ito.” Kalahating oras din ko pala nakausap yung lola niya. Binigay ko sakanya ang email ko. Pagkasend nya sakin nung ginawa niya ay nagsabi siyang maliligo lang daw muna siya. Tumayo ako para magunat unat dahil nangalay na yung paa ko. Nagpahinga muna ko saglit ako kumain para ma refresh lang yung utak ko bago ako bumalik sa ginagawa ko. Habang kumakain ay may nasipa akong isang box sa ilalim ng lamesa. Tumapon ang mga laman nito. Dali dali kong inayos yung mga tumapon. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Mga Bold pala ito na magazine. Punong puno yung box ng mga magazine na R18. May FHM mayroon Japanese pa at kung ano ano pa. Dali dali kong inayos at ibinilak sa kahon yung mga magazine baka mahuli pa ako ni Nick na pinapakialamin ko yung gamit nya. Bumalik agad ako sa kama para tapusin yung project namin. Maya maya pa ay bumalik na si Nick sa kwarto. Nakatapis lang siya ng tuwalya nung pumasok siya ng kwarto. Napatingin ako sa kanya. Kahit chubby siya, ang gwapo nyang tignan. Makinis ang pagka Moreno nya at parang pang artista ang itsura nya. Bigla akong kinabahan ng lumapit siya sakin. Nagbibihis siya sa tabi ko at hindi ako mapalagay habang nagttype sa laptop. Ng makapgbihis na siya ay bigla nya akong tinabihan sa kama. Naamoy ko yung sabon na ginamit nya. Ang bango bango nya at ang fresh. Hindi ako makatingin sa kanya pero bigla siyang nagsalita. “Eric, okay lang ba kung matutulog lang ako saglit. Gising mo na lang ako kung may kailangan ka. Maaga kasi akong nagising kanina ehh kaya medyo inaantok ako.”. “Okay lang, sige.” Pero hindi ko siya tinignan. Alam ko na namumula yung mukha ko nung makita ko siyang nakatapis lang ang ng tuwalya. Nanginginig ang buong katawan ko habang nagpapatuloy sa paggawa ng project namin. Nung lumingon ako sa kanya para tignan kung tulog nga sya, nakita ko siyang nakapikit. Pinagmasdan ko siya. Tama nga ang sinabi ng lola niya at ngayon na realize, gwapo pala talaga tong sa Nick lalo na sa malapitan.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This