Pages

Sunday, February 21, 2016

Tissues (Part 1)

By: Terrence

Hi. I am Kenneth. Bubuhatin ko na ang sarili kong bangko ha? I am 5' 9" tall. Maganda ang katawan. Three times a week ako kung magpunta sa gym. Maputi. Gwapo. Mabait. Mahaba ang pasensya. Madiskarte. Matalino. Hindi ako perpekto. Matalino ako sa ibang bagay pero sobrang tanga ko pagdating sa pag-ibig. Ako na yata ang isa sa pinakatangang tao sa buong mundo. Kung kurso sa kolehiyo ang pagiging tanga, malamang ay grumaduate ako na Summa Cum Laude. At hindi lang Bachelors Degree ang natapos ko. Baka Masters at Doctorate Degree ay natapos ko na din. Bakit ko nasabi? Sige simulan natin ang kwento nang makilala ko ang pinakagagong lalaki sa buong kalawakan.

I was 21 years old when I met Aldred. Sa isang Clan Grand Eyeball yun. Bisita ako ng kaibigan kong member ng clan. Wala naman talaga ako balak sumama kung hindi lang talaga hadhad sa pangungulit ang kaibigan ko. May boyfriend ako nun na isang Doctor sa isang sikat na Hospital sa Makati. Hindi nya alam na pumunta ako sa GEB. Hindi ako nagpaalam sa kanya dahil alam kong hindi nya ako papayagan. Anyways, hindi naman nya malalaman dahil nasa US sya nun. Training daw. Almost 1 year na sya sa US nung time na yun. Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa long distance relationship. Kaya mula nang umalis sya ay naging downhill na ang takbo ng relasyon namin. I even came to the point na binalak kong makipagbreak na sa kanya. Nacompose ko na ang pagkahabahabang break-up e-mail ko sa kanya but for some reason ay hindi ko ito magawang maisend sa kanya dahil naguguilty at naaawa ako sa kanya. Sa totoo lang minahal ko sya kaya nga naging kami. At isa pa ang laki ng naitulong nya sa akin. I was 15 nung nameet ko sya sa isang Social Networking site. We started as friends. Then, nung nagcollege ako ay nag-offer sya ng assistance. Nung una ay ayoko pa kasi mapride talaga ako nun. Pero dahil sa laki ng gastusin sa kurso na napili ko ay tinanggap ko na din ang tulong nya. Yup! Naging benefactor ko sya. Marami sa inyo ang magsasabi na manggagamit ako. Well, ginagamit din naman nya ang katawan ko in return so, fair enough. Sabihin nyo nang pokpok ako pero isa lang ang masasabi ko... "I am the best pokpok in town!"
Ok. Enough of the Doctor. Going back to Aldred. We were not introduced during the party. Two days after the party ako nakareceive ng text from him. Nung una hindi sya nagpakilala. Basta ang sabi lang nya ay kinuha nya ang number ko dun sa friend ko. Ayaw din naman sabihin sa akin nung friend ko kung sino ang pinagbigyan nya ng number ko. Normally, hindi ako nag-e-entertain ng mga anonymous texters but since bored talaga ako nung time na yun dahil sa situation namin ng bf ko, kaya pinatulan ko na din. Almost, two weeks din kami magkatext bago kami nagmeet sa Gateway Mall sa Cubao.

Sobrang nagulat ako nang malaman ko na sya yung katext ko. Sya yung nanalong Face of the Nigth nung GEB. Hindi ako magtataka dahil gwapo naman talaga si Aldred. Mas matangkad sa akin. Maganda din ang katawan. Chinito. Lalaking lalaki ang dating. Maangas. Mukhang mapera dahil sya lang ang may kotse nung party at BMW pa ang dinadrive nya na sasakyan. Base sa kwento ng kaibigan ko, madami daw talaga ang nagkakagusto kay Aldred. Pero madaming na din syang napaiyak. Aaminin ko. Natipuhan ko na talaga sya mula nang makita ko sya nung GEB. Pero ako kasi yung tipo ng tao na kahit gaano ko katype, kapag nalaman ko na maraming nagkakagusto sa type ko ay hindi ko na pag-iinteresan.

Nilibre nya ako sa Italiannis. After kumain ay lumipat kami ng Starlight. Kumuha kami ng private room kasi gusto daw nya na masolo ang videoke. Hindi naman kami halos nakakanta dahil nagkwentuhan lang kami sa loob.

Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Taga Nueva Vizcaya ang pamilya nya. Mayaman ang pamilya ni mokong dahil may vegetable at fruit farm sila sa Benguet. Aside dun, may trucking business ang pamilya nya. May 2 franchise sila ng isang sikat na fastfoodchain sa NV at 3 franchise ng convinience store. Actually, yung isang convinience store ay sya mismo ang may ari. May tao lang sya na nagmamanage nung store. Ayaw nyang umuwi ng NV dahil boring daw dun kaya dito sya nag-i-i-stay sa Manila. May unit sya sa Sta. Mesa. One month na daw silang break ng dyowa nya for 3 and a half years na nasa New Zealand nung time na yun. Hindi daw sya naniniwala sa long distance relationship. Ang dami namin things in common. Style. Music. Food. Opinion. Kaya hindi nakakapagtaka na nagjive kaagad kami kahit first meeting pa lang namin. Compatibe talaga. Aaminin ko, nagsimula na akong magkagusto sa kanya.

So nagtuloy tuloy lang ang inuman namin. Kwentuhan. Konting kantahan. Ang ending ay nalasing ako at sa kanila ako umuwi. Alam ko na ang iniisip ninyo.....

Oo. May nangyari sa amin. Hindi ko na i-eelaborate ang eksena. Basta napapangiti lang ako kapag naaalala ko. Sobrang wild. Lahat na yata ng sulok ng unit nya at napwestuhan namin. First time kong na-experience ang ganung sex. Nadevirginized ako dahil first time kong nagpatira sa pwet. At first time ko din naman na makatira ng pwet. Best sex ever. Kahit sa sex compatible kami kaya sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya?

Ooooppps! Wait lang. Alam ko may pending question kayo. Kung malaki ba ang alaga nya? Well, sa totoo lang hindi ko natantya dahil madilim nun at lasing ako. Basta ang tanda ko lang ay nangawit ang mga panga ko. May bahid ng dugo ang brief ko. At halos dalawang araw kong iniinda ang sakit ng butas ng pwet ko. So, naimagine nyo na?

Pagkagising ko nung umaga ay halos hindi ako makatayo sa kama dahil sa sama ng pakiramdam ko. Masakit ang buong katawan ko dahil sa tindi ng bakbakan namin nung gabi. Idagdag mo pa ang pagpintig ng sintido ko. Masakit ang ulo ko dahil sa hangover. Hindi na ako nakapasok sa trabaho. Paglabas ko ng kwarto ay nakaprepare na ang breakfast. Pinaupo nya ako sa dining table at pinagsilbihan. Napaka thoughtful at sweet nya. Kulang na lang ay subuan nya ako. Actually, yung ang gagawin nya kung hindi lang ako tumanggi. Masama lang ang pakiramdam ko pero hindi ako baldado. Kalabisan na yun.

Maghapon ako nagstay sa unit nya. Kwentuhan lang. Ako naman ang nagkwento sa kanya. Hindi ko inugali na magkwento ng personal life ko pero sobra akong palagay sa kanya kaya nagawa kong magvent out sa kanya. Naikwento ko sa kanya ang bf ko at ang current status ng relationship namin.

Nagtuloy tuloy lang ang kwentuhan. Hanggang sa aminin nya sa akin na gusto nya ako. Gusto na daw nyang kalimutan ang ex nya. Naghahanap daw sya ng ipapalit sa ex nya at ako daw ang nakita nyang gustong maging bagong partner nya. Handa daw syang kumabit sa amin ng bf ko. Nagawa na daw nya yun before kaya sanay na sya sa ganung set up.

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Alam ko na magiging komplikado ang lahat pero pumayag ako sa gusto nyang mangyari. So, sa araw na yun naging kami. Ang bilis di ba? Wag pong magmalinis ang iba sa atin. May mga bakla din na dumaan sa ganung sitwasyon. Yung iba nga dyan sa text lang naging magdyowa kahit di pa nagkikita.

Two months din ang lumipas bago nalaman ng bf ko na may third wheel sa relasyon namin. Ang nakakaguilty ay sa halip na magalit sya ay nagawa nyang umuwi from US to win me back. Pero wala na e. Mahal ko ang bf ko pero mas mahal ko na si Aldred. So nag-usap kami para magkaroon kami ng closure. Naging maayos ang break up namin. Although umaasa pa din sya na babalik ako sa kanya balang araw.

Kay Doc ko na din nalaman na si Aldred ang nagsabi sa kanya. Hindi ko na inusisa kung paano at kailan. Medyo nainis ako pero inisip ko na din na mabuti na din yun. Kasi hindi ko din naman kayang gawin. At least ngayon tapos na. Malaya na ako sa stress. O malaya na nga ba?

After nang break up namin ni Doc ay mas lalong naging sweet si Aldred sa akin. Naging mas thoughtful. Mas ramdam na ramdam ko na mahal nya ako. Laging may surprise. Hatid at sundo ako sa office. Spoiled ako sa kanya. Halos araw araw na sex. Lahat na yata ng posibleng position nagawa namin. Nuon ko lang nalaman kung ano ang mga kaya at hindi ko kayang gawin. Mas lalo akong nahulog sa kanya. Hundred percent na nga. Wala na akong itinitira para sa sarili ko.

Nine months going into our relationship patuloy pa din ang pangungulit ni Aldred na magmove-in ako sa unit nya sa Sta. Mesa. Para hindi na daw ako magbayad ng renta, kuryente at tubig. Para mas malapit na din sa work ko. At para daw madalas na nya akong makasama.  Never pa ako nakipaglive in so I don't know what to expect. Ayoko talaga pero ramdam ko na ang pagtatampo ni Aldred kaya pumayag na ako eventually. Ang paglipat ko na yun sa unit nya ang naging katapusan ng honeymoon stage ng relasyon namin at naging simula ng pagkuha ko ng kursong Bachelor of Science in Stupidity.

One and a half years going into our relationship nang masubukan ang tibay at haba ng pasensya ko. Nawala na ang pagiging thoughtful at sweet nya sa akin. Hindi na halos kami nagsesex. Although hindi naman kami nag-aaway pero parang wala nang spark sa kanya. Parang ako na lang ang nagmamahal. Kahit ganun ay hindi ko magawa ang iwanan sya. Kahit ang isipin at pagplanuhan ay hindi ko magawa. Mahal na mahal ko talaga si Aldred. Head over heels na ako sa kanya. Hindi ko maimagine ang buhay ko na wala sya.

Sa loob ng isa at kalahating taon ay marami na akong lalaki na naabutan sa bahay. Isa isahin natin sila. Si Justin na pinsan daw nya na taga Nueva Vizcaya. Nung icheck ko sa FB ay taga Batangas at sa Mandaluyong nagboboard.

Si Stryker na second cousin daw nya at nagtatrabaho sa Makati. Second cousin? Pero once ko na sya na nakitang hubo't hubad at nakatabi kay Aldred sa mismong kama namin. Ok sige. Pagbigyan natin. May pinsan din naman ako na ganyan kapalagay sa akin at nagagawang magpalit ng underwear sa harap ko.

Si Trevor na kababata nya daw sa NV. Pero nung kinausap ko ay hindi daw sya taga NV. At nameet lang daw nya sa bar si Aldred. Ok! Baka naman nalito lang si Aldred kaya pagbigyan na lang. Si Tyrone na officemate daw nya. Pero 'Alice (Schoolmate)' ang name sa phone book nya. Ok! Baka nga Schoolmate nya at Alice ang name sa gabi. Kaya pagbigyan ulit.

Next naman si Paolo. Cousin daw nya sa father side na taga Bulacan. Pero nagkakwentuhan na kami ng father nya nang minsan syang dumalaw sa unit at mismong sya ang nagsabi na wala syang kamag-anak sa Bulacan dahil nabanggit ko na taga-Bulacan ako. Ok. Baka hindi alam ng tatay nya na may kapatid o kamag-anak sya sa Bulacan. Kaya pagbigyan muli.

Si Jhey! Pinsan ulit. At dahil pinsan so alam na this! Taga Nueva Vizcaya ulit. Hindi alam ni mokong na ex ng friend ko si Jhey at 100 percent sure ang friend ko na taga Caloocan si Jhey. Ok. Baka may katangahang taglay lang si friend. O baka naman nagsinungaling si Jhey sa friend ko kaya pagbigyan na natin ha?

Ok! More? Kaya nyo pa ba?

Next! Si Ron. Officemate ulet. Nakitulog lang daw dahil nakaaway ang misis. Pero nung nilinis ko yung kwarto ay punong puno ng tissue na pinagpunasan ng sariwang tamod ang basurahan sa kwarto. Ok! May asawa si Ron so ibig sabihin straight sya. Baka naman nag-inuman yung dalawa tapos kinati sila kaya nanood ng porno at napagpasyahang magsalsal. Contest! Unahang magpalabas. O kaya palayuan ng talsik. Pwede di ba? So pagbigyan ulet.

Next! Si Alvin. College classmate daw nya. Mukha namang classmate talaga kasi same school sila at course based sa FB profile ni Alvin. Kaya lang bakit kaya tagaktak ang pawis nung dalawa nung maabutan ko sila na palabas ng kwarto namin. Halos hindi makapagsalita yung dalawa nung makita nila akong nakaupo sa sala. Well, medyo mainit kasi nun. Pasira na ang aircon kaya hindi na masyado malamig sa kwarto. Kahit ako naman ay nagigising sa madaling araw na naliligo sa pawis dahil sa hina ng aircon. So pwede naman di ba? Ang tanong ngayon, bakit hindi sila makapagsalita? Baka naghahabol ng hininga kasi mainit nga sa kwarto. Ganun din naman ako kapag labis na nagpawis. Hinihingal. Make sense di ba? So pagbigyan na lang.  Dahil naman dun ay napalitan na ang aircon sa kwarto kaya hindi na kami naiinitan. Dapat pa nga akong magpasalamat di ba?

Next is JK. Pinsan naman sa ina. So dahil pinsan, tagasaan? Sabay sabay po tayong sumagot! Taga "N U E V A   V I Z C A Y A!" Very good girls. Ang bilis nyong matuto. One pink star for each one of you. Kaya lang kung pinsan bakit ang lakas ng ungol nya habang natutulog sila ni Aldred sa nakalock na kwarto namin habang nagtyatyaga ako sa sofa namin sa salas. Hmmmmm! Baka binabangungot? Pero mukha namang naagapan agad kasi masayang masaya sya na lumabas sa kwarto namin nung kinaumagahan. Pinagluto pa nga kami ng breakfast. Pinsan nga. Thoughtful e. Tsaka tamang tama kasi Anniversary pa naman namin yun. Although, di nya naalala, bumawi naman sya after one week. So pagbigyan na natin ha?

Ok dumako naman tayo sa Parteng Boracay ha? Si Val na masahista. Inutusan ako na bumili ng mga souvenirs bago kami umuwi. Hindi daw sya makakasama. Magpapamasahe pa daw sya. Palakad na ako papunta sa mga souvenir shops nang maalala ko ang phone ko kaya bumalik ako sa hotel. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang pwet ni Val. Bakit nakahubad? Well, ganun naman sa ibang massage parlor sa Manila di ba? Nakahubad ang mga masahista? Ok! Pagbigyan. Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit nakadapa si Aldred, tspos nakapatong si Val sa kanya? Ang nakakatawa ay  balakang ang kumikilos kay Val, hindi ang kanyang mga kamay? Well, baka bagong style ng pagmamasahe. Pagbigyan na!

Next destination ay sa Puerto Galera. Si Jerome. Daming tao. Party all night. As usual, bangenge ang ganda ko. Sabay kami umuwi ni Aldred. Sabay na nahiga sa kama. Pero paggising ko ako na lang mag-isa. Tumayo ako para hanapin sya. Eksaktong paglabas ko ng pinto ay eksaktong paglabas nya sa pinto ng katabing kwarto namin kasabay si Jerome. Sobra daw nalasing si Aldred at nagkamali ng pasok ng kwarto. Ok! Posible naman. Kaya lang ano yung nasa dibdib nya?

"Pasa? Hindi! Tsikinini! Hindi! Pasa yun. Hindi! Tsikinini! Pasa!" pagtatalo ko sa isip ko.

Sabi ni Aldred pasa daw. Tumama daw sa door knob! Sa door knob? Ganun ba kataas ang door knob sa pinto ng kwartong yon? Hay naku masakit ang ulo ko sa hangover at gutom na ako kaya deadma na lang. Pagbigyan!

O ano? Kaya pa ba? Madami pa! Pero di ko na din matandaan yung name nila e kaya dun na lang tayo sa dalawang pinakamalala.

Unahin natin si Jeff. Officemate daw nya. New Year nun. Usapan namin na dun kami sa kanila sa Nueva Vizcaya magcecelebrate. Last minute na nang sabihan ako ni Aldred na huwag na daw muna ako sumama kasi ang gusto ng Mama nya ay sila sila na lang muna ang magcelebrate. Naintindihan ko naman kasi pamilya yun e. So hindi ako sumama at magdamag na lang ako natulog sa unit ni Aldred. Two days after, dumaan ang Mama ni Aldred sa unit. Nagkataon na wala si Aldred nun kaya ako ang nakausap. Dinalhan ako ng pagkadami daming dalanghita. Sinabi daw kasi ni Aldred na may sakit ako kaya di na ako nakasama. Nagtatampo daw sa akin ang tatay ni Aldred dahil inaasahan daw ako nung New Year. Buti pa daw si Jeff na officemate nya ay nakarating. Gustuhin ko mang tumambling ng tatlong beses sabay split dahil sa narinig ko pero hindi ko magawa dahil unang una maloloka si Mama kapag ginawa ko yun at pangalawa.... hindi ako sanay tumambling at mag split. Kaya kalma lang. Gusto kong komprontahin si Aldred pero ayaw ko ng gulo. Kakabagong taon lang. Pangit naman na simulan namin ang taon na magkaaway kami kaya Kenneth...... move on tayo! Ok?

OK!!!!

So eto na ang pinakamalala. Si Jayson. Ang one and only from The Land of the Kiwis and Hobbits na "EX!"

"DAW!"

Pagkadating ko ng unit ay agad kong binuksan ang Laptop ni Aldred dahil may ichecheck ako na importanteng e-mail. Bumulaga sa akin ang message page ng FB ni Aldred.

----------------------------------------
To: Aldred Chua
From: Jayson Villegas
Subject: Happy 5th Year Anniversary.

Hi Pangga,

(Mahabang e-mail na puro kakornihan)

(Eto yung part na nakakaloka)

It was a magical ride with you and I cannot wait for more adventures to come.

You know that I love you and I always will!

Your one and only,

Pangga

P.S.
See you soon! I hope! Love Yah!
----------------------------------------

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ako makagalaw. Wala akong maramdaman kundi ang pangingilid ng mga luha ko. Tangina! Sa loob ng isa at kalahating taon ay napaniwala ako ni Aldred na wala na sila ni Jayson. Ano na ang gagawin ko? Kakayanin ko bang iwanan si Aldred? Fuck!

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Ang gulat na si Aldred ang pumasok. Agad nyang ibinaba ang monitor nang lap top at yumakap sa akin. Nakatingin lang ako sa laptop. Nawala ang pangingilid ng luha ko dahil nagsisimula nang mamuo ang galit sa dibdib ko. Pero pilit ko itong nilabanan.

"Kalma ka lang Kenneth. You deserve an explanation. Let him." ang sabi ko sa isip ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka nagsalita.

"Makikinig ako Aldred. You better make it good!" ang nagpipigil ko na sabi sa kanya.

Eto ang paliwanag nya.

"Nakipagbreak naman ako talaga sa kanya nuon. Ayaw ko na talaga. Kaya lang siya ang mapilit. Hindi ko naman maiwanan kasi naaawa ako sa kanya. At saka ayaw ni Mama na maghiwalay kami."

(Kasinungalingan. Minsan nang nasabi sa akin ng kapatid na babae ni Aldred na ayaw ng pamilya nya kay Jayson dahil niloloko at ginagamit nya lang si Aldred.)

"Wala na akong nararamdaman sa kanya. Ikaw na at ikaw lang ang mahal ko."

(Ako lang? Bakit sa loob ng isa at kalahating taon ay may Justin?Stryker? Trevor? Tyrone? Paolo? Jhey? Ron? Alvin? JK? Val? Jerome? Jeff? Jayson? At kung sino sino pang mga lalaki na di ko na matandaan ang mga pangalan. Fuck!)

"Makikipagbreak na talaga ako sa kanya. Humahanap lang ako ng tyempo."

(Anak ng baklang kambing! Sa loob ng isa at kalahating taon ay hindi ka nakahanap ng tyempo? Deymnnnnn!)

"Sorry na mahal. Wag ka nang magalit sa akin. Please!" pagtatapos nya sa nakakalokang paliwanang nya.

Kalma ka lang Kenneth. Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!

"Ok! So anong balak mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Give me time. Makikipagbreak na talaga ako." pagmamakaawa nya.

Saglit ako tumahimik. Nag-isip. And then....

"Ok! Six months! I will give you six months ultimatum. No extensions. Six months lang. Break up with him or else....." seryosong banta ko sa kanya which I doubt kung magagawa ko.

Ahahahaha. Alam ko ang nasa isip nyo. "ANG TANGA MO KENNETH!" Sabi ko sa inyo eh. Summa Cum Laude ako nung grumaduate sa kursong Bachelor of Science in Stupidity.

"Thank you Mahal! I love you!" sabay halik sa akin.

So alam nyo na ang nangyari after. Muling nanariwa ang mga talulot ng bulaklak ko dahil after a long time ay muling nadiligan ang aking alindog. Hindi man kasing tindi ng dati naming ginagawa pero sapat na iyon para mabasa ang bitak bitak na lupa.

Infairness, medyo nanumbalik ang kasweetan at pagiging thoughtful ni mokong. May kasalanan e. At alam nya na may task sya na dapat magawa sa loob ng anim na buwan. Kung may isa pang maganda na naidulot ang pangyayaring yun ay yung wala na akong ibang lalaki na nadatnan sa unit ni Aldred kundi ang Daddy at dalawang kuya nya. Improving!

After kong ibigay ang ultimatum sa kanya ay hindi ko na muling tinanong si Aldred about dun. Hinayaan ko sya sa magiging diskarte nya. Ang balak ko ay tatanungin ko sya sa last day ng ultimatum ko sa kanya.

Two days before the deadline, bagsak ang katawan ko sa kama sa sobrang pagod sa maghapong trabaho. Sarap na sarap ako sa pagtulog nang bigla akong gisingin ni Aldred.

"Mahal! Gising! Kailangan mo mag-empake at umalis muna dito!" pagmamadali sa akin ni Aldren.

Hinahabol ko pa ang ulirat ko.

"Ha? Bakit?" antok na tanong ko sa kanya.

"Parating si Jayson at dito muna sya mag-i-stay." sabi ni Aldred.

Hindi ako nakaimik. Napatanga lang ako sa sinabi ni Aldred.

"You mean to say....." hindi ko na natapos ang sinasabi ko.

"I know what you're thinking. Mahal! I have an idea. Since uuwi naman sya mas maganda siguro na makipagbreak ako sa kanya ng harapan. Pangit naman kasi na sa e-mail ko gagawin. At least magkakaroon kami ng closure. Di ba?" ang nakakalokang paliwanang ni Aldren sa akin.

"Ok! Fine! Gaano katagal sya dito?" inis na tanong ko sa kanya.

"One month?" medyo nahihiyang sagot ni Aldren.

"Fuck! One month?! Saan mo ako patitirahin?" gulat ko na tanong sa kanya.

"Ikaw na muna ang bahala. Hindi ako makapag-isip. I need to go to the airport now kasi padating na sya anytime soon!" pagmamadali ni Aldren.

"Ok! Ok! Sige!" wala na akong nagawa.

"Don't leave anything ha? I have to go! I love you! Bye!" sabay hablot ng susi ng sasakyan at labas ng kwarto.

"Fuck you!" ang tanging nasabi ko sa isip ko.

Agad kong inimpake ang mga gamit ko. Kahit antok pa ay nagawa kong masimot lahat nang gamit ko. Wala akong ibang naisip puntahan kungdi ang office namin. May sleeping quarters duon na pwede ko tirahan pansamantala. May banyo naman na pwedeng paliguan. Kailangan ko lang magpaalam.

Effective naman ang naging alibi ko kaya pinayagan ako tumira ng Boss ko sa sleeping quarters namin. Uuwi na lang ako sa amin sa Bulacan kapag restday ko para makapaglaba.

Ang pag-alis ko na yun sa unit ni Aldred ang naging simula ng pagkuha ko ng Masters Degree sa pagiging Stupid.

Two weeks after na dumating si Jayson at umalis ako sa unit ay wala akong narereceive na tawag or text man lang mula kay Aldred. Hindi ko naman magawang itext dahil maloloka lang ako kapag hindi nya ako nireplyan. Tsaka baka mabasa pa ni Jayson at pagsimulan lang ng away nila. Pero sa totoo lang miss na miss ko na sya.

Sabado. Pauwi ako ng Bulacan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Aldred. Halos maibagsak ko ang cellphone ko sa pagmamadaling sagutin.

"Hello Ma...." hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Hello! Si Kenneth ba ito?" ang tanong ng hindi pamilyar na boses sa kabilang linya.

"Ha?" ang tangi kong nasabi.

"Si Kenneth ba ito? Ikaw daw ang bagong bestfriend ni Aldred?" Sabi ng lalake sa kabilang linya.

Putangina! Bestfriend? Nabestfriend zone ang ganda ko?

"By the way I am Jayson. Partner nya. Nandito kami sa Malate. Naikwento ka nya sa akin. I want to meet you." pakilala ng lalaki sa kabilang linya.

Halos hindi ako nakapagsalita. Tama ba itong nangyayari? Kausap ko ang nagiisang "EX DAW FROM THE LAND OF KIWIS AND HOBBITS" at inaaya ako sa date... este.... gimmick nila?

"Huy! Hindi ka na nagsalita? Ano? Asahan kita ha? My treat kaya wag kang mag-alala l. Ok?" Sabi ni Jayson.

Dahil nga sa pagkabigla ay wala na akong ibang nasabi kundi....

"OK"

Bago pa ibaba ni Jayson ang linya ay narinig ko pa ang sinabi nya kay Aldred.

"Pangga! Ok daw! Pupunt....." tsaka naputol ang linya.

Napaupo ako sa kama at napa-isip. Ano ba ang gagawin ko? Pupunta ba ako?

"No! Hindi dapat. Mali!" sagot ko sa isip ko.

Ilang saglit lang ay nakareceive ako ng text message.

** Kenneth si Jayson ito. Dito kami sa.... (location ng bar na pinag-iinuman nila.... Asahan kita. See yah! **

Magrereply na sana ako kay Jayson para magdahilan na lang nang muling tumunog ang cellphone ko.  Message naman galing kay Aldred.

** Wag ka nang pumunta. Ako na bahalang magdahilan kay Jayson. **

Saglit akong napaisip. Miss na miss ko na talaga si Aldred. Ito na ang pagkakataon para makita ko sya. Bahala na si Batman.

** No! Pupunta ako. I want to meet him. ** reply ko.

** Fuck! Ano ka ba? Wag ka ngang tanga! Don't hurt yourself! ** text ni Aldred sa akin.

"Hurt myself!!!!!?" sigaw ko sa isip ko.

Infairness, nagpanting ang tenga ko. Hindi ako grumaduate ng Summa Cum Laude sa kursong B.S. Stupidity for nothing.

** Seriously? Don't worry! I can manage. Hindi ako gagawa ng eksena. May manners ako at kaya kong dalhin yun kahit saan at gamitin ito sa kung ano mang sitwasyon. ** reply ko sa kanya.

** Bahala ka! ** sagot naman nya sa akin.

Game on!

Dumating ako sa pinag-usapang lugar.

** I am here. ** text ko kay Aldren.

Ilang saglit pa ay may isang lalaki na nakangiting lumapit sa akin.

"Finally! Nameet din kita! I am Jayson!" sabay abot ng kamay niya for a handshake.

"Kenneth!" sabay abot sa kamay nya ng mahigpit.

Do you wonder kung ano ang nasa isip ko at that time?

Si Jayson. Basag ang mukha! Sarado ang isang mata habang umaagos ang dugo sa ilong nya. Tapos nakausli ang buto nya sa braso at tuhod nya habang nakalawlaw ang bituka nya mula sa butas ng tagiliran nya.

Pero syempre sa isip ko lang yun. Tanga lang po ako at hindi mamamatay tao.

"Tara. Nasa itaas si Aldred." aya nya sa akin.

Pagdating sa second floor ay agad na tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Aldred.

Agad akong umupo sa harap nya at bumati.

"Hi Bestie!" sarkastikong bati ko sa kanya.

Pagkaabot sa akin ni Jayson ng beer ay agad ko itong tinungga. Halos mapangalahati ko ang beer na tinutungga ko sa isang lagukan lang na agad na napuna ni Jayson.

"Hoy Kenneth! Hinay hinay lang! Baka malasing ka agad nyan!" pag-awat ni Jayson sa akin.

"No! Ok lang! Don't mind me. Kaya ko to! Di ba Bestie?" sabay tinging ng may pagkasarkastiko kay Aldred.

"Ok. Mukha namang malakas ka uminum. Hehehehe." Sabi ni Jayson sabay tawa.

"Inamo ka!" Sabi ko sa isip ko.

"Anyways. Happy ako na mameet ka. Infairness, mas gwapo ka sa personal. Ang ganda ng katawan mo..... yadah....yadah....yadah... yadah... " at nagsimula ang pagkuda ng hinayupak.

Halos isang oras na nagsasalita si Jayson ng walang puknat. Naikwento na nya halos ang buong buhay nya sa akin. Naikwento din nya ang mga balak nila ni Aldred. Ang makabili ng bahay. Ang magkabusiness. Ang mag-ampon ng anak kung hindi nila kakayanin na magpasurrogate. Etc. Etc. Etc.

Wala naman akong maisagot kundi ang ngumiti. Isang makabasag ngipin na mga ngiti.

Habang nagsasalita si Jayson ay tsaka ko pa lang nagawang suriin ang hitsura nya. Infairness, gwapo din si mokong. May katawan din naman pero halatang hindi na nakakapag gym. Halos magkasingtangkad sila ni Aldred. Mukha namang mabait. Mayabang nga lang.

Napatingin ako kay Aldred. Tahimik lang sya. Hindi maipinta ang mukha ni mokong. Hindi ko malaman kung galit ba sya o naiinis o nahihiya. Gusto kong matawa. Ginusto mo to eh!

"Hoy! Ano ba kayo? Puro ako na lang ang nagkukwento. Ang tatahimik ninyo? Magkwento ka naman Kenneth ng tungkol sa iyo." sabi ni Jayson.

"Well, there's really not much to know about me." ang tangi kong nasabi.

"Aray! Nabrainbleed naman ako dun. Kakaloka." pabirong sabi ni Jayson.

"O sya! Picture na lang tayo." Sabay dampot ng cellphone.

"Ok. One! Two! Three! Smile!"

Sabay bigay ng makabasag ngipin na ngiti.

"Ano ba yan? Para ka namang nanggigigil sa ngiti mo Kenneth."  pintas ni Jayson.

"Dapat natural lang. Sayang ang kagwapuhan mo. At ikaw Aldred magsmile ka naman. Parang di ka nag-eenjoy eh. Kanina ka pa tahimik." dagdag pa nya.

"Ok. One! Two. Three!"

"Ayan! Ang ganda. Ipopost ko ito sa FB. Kenneth! I-aadd kita ha? Gusto ko kasi na lahat ng kaibigan ni Aldred ay kaibigan ko din." Request ni Jayson.

"Sure!" sabay tingin sa namumulang si Aldred.

"Kenneth. Favor naman. Kunan mo naman kami ng picture." pakiusap ni Jayson.

Agad kong kinuha ang cellphone ng hinayupak.

"Ok! One! Two! Three!"

Click!

"Ouch!" sabi ng puso ko.

"Isa pa. Please!" pakiusap ng demonyo.

"Ok! One! Two! Three!"

Click!

"Aray ko naman!" hinaing ng puso ko.

"Last na lang. Please!" hirit ni Ursula.

"One! Two! Three!"

Nagulantang na lang ako ng biglang hinatak ni Jayson ang mukha ni Aldred at tsaka ito hinalikan. Hindi ko kinakaya ang eksena.

Click!

Naiimagine ko ang puso ko na humugot ng baril, itinutok sa sintido, at tsaka kinalabit ang gatilyo.

"Bang!" umalingawngaw sa isip ko

Bulagta ang puso ko.

"Thanks! Wait lang! Magsi-CR lang ako ha?" paalam ni Jayson.

Pagkaalis ni Jayson ay agad akong tumingin kay Aldred. Katahimikan ang bumalot sa amin. Nakakabinging katahimikan.

Pero sya na din mismo ang bumasag sa katahimikan namin.

"Kamusta ka na?" tanong nya sa akin.

"I am good" pagsisinungaling ko. Sabay smile. Pero ang nasa isip ko...

"Putangina mo! Mamatay ka na! Bakit kasi hindi ka na lang ipinahid ng tatay mo sa twalya at nang hindi ka na nabuhay pa! Inamo ka. Pasalamat ka at wala akong dala na punyal dito. Kung nagkataon kanina ko pa tinarakan yang lalamunan mo. Inaka!"

Hindi na umimik si Aldred. Pagkabalik ni Jayson ay umarangkada na naman ang walang kapaguran na bunganga nya. Halos dalawang oras ko pang tiniis ang napaka-awkward na inuman na iyon bago kami nagpasya na umalis. Inaaya ako ni Aldred na sa unit na lang magpalipas ng gabi pero hindi na ako pumayag. Quota na ako sa katangahan ko nung araw na iyon. Kaya tama na noh!

Lumuwag ang baga ko nang mawala na sa paningin ang dalawang yun. Pero ramdam ko pa din ang duguan at nakahandusay na puso ko na nagsuicide kanina nang makita ko ang halikan nila. Mukhang matatapos ko ang Masters Degree ko with flying colors ah! Woohooo!

Dumating na ang araw ng pag-alis ni Jayson pabalik ng New Zealand. Pero bago sya umalis ay nagmessage pa sya sa akin.

** Kenneth paalis na ako. Ikaw na ang bahala kay Aldred. Bantayan mo ha? Kapag gumawa ng kalokohan isumbong mo agad sa akin. Mamimiss ko kayo. Hanggang sa muling pagkikita. **

Nakakaloka talaga! Hindi ko malaman ang mararamdaman ko. Gusto kong matawa tapos maiyak. Gusto kong magtumbling sabay split pero di ko naman kaya.

Isang linggo na ang nagdaan mula nang umalis si Jayson pero hindi pa din nagpaparamdam si Aldred. Naisip ko na baka ayaw na nya akong bumalik kaya dapat na siguro akong maghanap ng matitirahan. Nagpaparamdam na din kasi ang boss ko na overstaying na ako.

Palabas ako ng elevator nang makita ko si Aldred sa lobby. Hinihintay nya ako. Agad akong lumapit.

"Hindi ka pa ba uuwi sa atin? Miss na kita e." musika sa pandinig ko ang mga nasabi ni Aldred pero sinusubukan ko na pigilan ang nararamdaman ko.

"Hindi ka pa din nakipagbreak sa kanya?" matabang na tanong ko sa kanya.

Yumuko lang si Aldred at tsaka umiling. Umakma ako na aalis nang bigla nya ako hinawakan sa braso.

"Let me explain Kenneth." pakiusap ni Aldred.

Tangina! Mag-eexplain ka na naman. Di ka ba nagsasawa?

"Ok. So, what is it this time?" sarkastikong tugon ko sa kanya.

"Ang hirap kasi e. Hindi ganun kadali. Natatakot ako kay Jayson. May pagkabayolente kasi sya. May suicidal tendencies. Mamaya kapag nakipagbreak ako sa kanya baka kung ano ang gawin nya sa akin. Kung wala man.... baka naman magsuicide sya. Nasa unit ko sya nakatira at kargo ko sya." paliwanag ni Aldred.

"Violent? May Suicidal tendencies? Infairness, bago ang alibi at acceptable!" ang sabi ko sa isip ko.

Hindi ako kumibo.

"Bumalik ka na. Pangako! Makikipagbreak na ako. Sandaling panahon na lang." sabay tingin sa akin ng nakakaawa.

Putangina. Hindi ko talaga matiis. Mahal ko talaga ang gagong ito.

"Ok! Kunin ko lang ang mga gamit ko." ang tangi kong nasabi.

Parang bumbilya na nagliwanag ang mukha ni Aldred. Hindi halos mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Masaya sya. Pero ako....hindi na ako sigurado sa mga pinagagagawa ko. Ang muling pagbabalik ko sa unit ang simula ng pagkuha ko ng Doctorate Degree sa pagiging tanga.

Tulad ng dati ay nanumbalik ang kasweetan at pagiging thoughtful ni Aldred. At tulad din ng dati, kaya lang naman nangyari yon ay dahil may kasalanan sya sa akin.

Lumipas ang mga araw. Naging normal naman ang lahat. Naging normal na din ang pagchachat namin ni Jayson. Parang balewala na ang sakit. Manhid na ako. Ewan ko ba. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko.

Huwag kayong umiling! Oo na! Tanga nga di ba? May Masters Degree na nga ako di ba?

"Mahal. Pwede ka bang magleave sa lunes?" tanong ni Aldred sa akin.

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hala. Nakalimutan na. Anniversary po kaya natin. Gusto kong lumabas tayo." sagot nya.

Wow ha? Sweet si mokong. Sino ba ang makakatanggi dun?

"Pwede naman. Sige magpapaalam ako bukas. Buti sinabi mo agad." Tugon ko sa kanya.

"Samahan mo muna ako sa DFA. Mag-eexpire na kasi ang passport ko e. Kumuha ka na din ng passport mo." sabi ni Aldred.

"Hindi na. Wala naman akong balak mag-abroad." pagtanggi ko.

"Kaw bahala." ang tanging sagot nya.

Lunes. Matiyaga akong naghintay sa kanya. Medyo madami ang tao kaya medyo natagalan kami sa DFA. Pagkatapos ng kanyang renewal ay agad kaming dumeretso sa MOA. Kumain muna. Then nanuod ng sine. After ng sine dumerecho sa may bay area para mag-inum.

Nasa kalagitnaan kami ng inuman nang magmessage sa messenger ko si Jayson.

~ Kenneth. Musta? Kasama mo ba si Aldred? Nakapagparenew na ba sya ng passport nya? Di kasi nagrereply eh. ~

~ Oo kanina pa. Dito kami sa MOA ngayon at nag-iinom. ~

~ Ganun ba? Nakakainggit naman. Sige enjoy kayo. Pakisabi na lang sa kanya na nagmessage ako. ~

Hindi na ako nagreply. Napairap na lang ako na napansin ni Aldred.

"Oh! Bakit ka napapairap? Sino ba ang kachat mo?" tanong ni Aldred na nakakunot ang noo.

"Si Jayson. Tinatanong ka nya. Nagmessage daw sya sa iyo." inis na sagot ko.

Agad na tiningnan ni Aldred ang cellphone nya.

"Hayaan mo sya. Moment natin ito kaya dapat happy tayo." sabay ngiti sa akin.

Putcha naman oh. Halos mapahiga ako sa kilig sa mga sinabi ni Aldred. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa mga ngiting iyon?

Mag-aala una na nang makarating kami sa unit. Good mood ako. Anniversary namin. So alam na ang mga sumunod na pangyayari. Muling sumuot si jun jun sa paboritong lungga nya. Ahihihihi.

Five days before Christmas. Galing ako sa office. Masaya dahil nakuha ko na ang super delayed na 13th month pay at bonus ko. Excited akong umuwi dahil aayain ko si Aldred na magshopping. Kaya lang wala sya sa bahay. Pumasok ako sa kwarto para magpalit ng damit. Nagtetext ako nang aksidente kong mabitawan ang cellphone ko. Pagkatama sa sahig ay tumalbog ito pailalim sa higaan namin. Agad akong lumuhod para hanapin ang cellphone ko. Nagulat na lang ako ng may makita akong bagong maleta na nakasiksik sa pinakadulo ng higaan namin.

Agad ko itong kinuha at binuksan. Mas lalo akong nagulat ang makita ko ang mga damit ni Aldred na nakalagay duon. Tumayo ako at binuksan ang damitan namin. Tanging mga damit ko lang ang nasa loob. Hindi ko maget. Kaya agad kong tinawagan si Aldred. Hindi pa nagriring ang phone nya nang eksaktong dumating siya. Nagulat sya nang makita akong nakatayo katabi ang bukas nyang maleta nya.

Hindi agad ako nakapagsalita. Maging si Aldred ay hindi malaman ang sasabihin.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Kenneth. Kailangan nating mag-usap." nag-aalinlangang tugon nya sa akin.

Napaupo na lang ako sa kama. Kinakabahan. Halos sumabog ang dibdib ko sa kaba. Lumapit at tumabi si Aldred sa akin. Niyakap nya ako at tsaka humagulgol. Hindi ako kumilos. Somehow may idea na ako pero gusto ko ng confirmation. Kaya hinanda ko ang sarili ko. Humugot ako ng malalim na hininga at muling nagtanong...

"Saan ka pupunta?

Hindi makasagot si Aldred na patuloy sa paghikbi.

"Susunod ka sa kanya?" nag-aalinlangang tanong ko.

Tumango lang si Aldred.

Para ako nabagsakan ng kung ako sa ulo. Parang may mga kamay na pumipiga sa puso ko. Hindi ako makahinga.

"Kenneth. Sorry! Let me explain." naiiyak na sabi ni Aldred.

Napapikit lang ako. Napabuntong hininga.

"Wag na Aldred. It doesn't matter anymore. Obviously, you made your choice. At tsaka sawa na din ako sa pakikinig sa mga paliwanag mo." ang tangi kong nasabi.

Hindi na nagsalita si Aldred. Niyakap na lang nya ako at saka muling humagulgol ng iyak. Gusto kong umiyak, pero may kung anong bara na pumipigil sa mga luha ko.

"Kelan ang alis mo?" nanginginig na tanong ko.

"Bu.... bu... bukas ng... umaga." ang humihikbing sagot ni Aldred sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita. Nasasaktan ako dahil iiwan na ako ni Aldred. Pero mas masakit sa akin ang makita sya na umiiyak dahil sa bigat ng nararamdaman nya.

"Sorry Kenneth..."

Hinawakan ko sya sa mukha.

"Shhhhhh! Don't be. Ok lang. Magiging ok din ako. Sanay akong tumanggap ng pagkatalo."

Muli akong humugot ng malalim na hininga.

"Hindi ako galit. Wala kang kasalanan. Nagpakatotoo ka lang. Yun din ang ginawa ko nung makipagbreak ako kay Doc. Pinili ko lang yung kung ako ano ang tama para sa akin."

"Masakit. Sobra! Pero balewala ito. Mas importante sa akin ang kaligayahan mo. Ganyan kita kamahal. Tandaan mo yan."

At saka ko sya binigyan ng halik.  Sa huling pagkakataon.

"Magpahinga ka na. Maaga ka pa bukas." at saka ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Ang tanga ko di ba?

O hindi pa tapos ang katangahan.

Wait lang....!

Kinabukasan. Nagprepare ako ng breakfast na hindi naman nya kinain dahil wala daw syang gana. Pinalantsa ko ang susuutin nya. Ako na din ang tumawag ng taxi na maghahatid sa kanya sa Airport. Against man ang pamilya nya sa naging decision nya ay wala na din silang nagawa kundi tanggapin. Hindi na din pumayag si Aldred na magpahatid sa pamilya nya. Kaya......

Sa maniwala kayo at hindi, ako na din ang naghatid sa kanya sa airport.

Boom! Instant Doctorate Degree!

Hi! From now on, call me Kenneth Vergara Ph.D!

Papunta ng Airport ay tahimik lang kaming dalawa. Walang imikan. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil mas lalong nahihirapan ang aking kalooban.

Pumarada ang taxi sa harap ng entrance ng airport. Hindi ako kumilos. Naramdaman ko na lang na bumukas ang pinto ng taxi at lumabas sa Aldred. Ramdam ko din ang pagbukas ng compartment. Pagkakuha ng maleta at nagderederecho na sya sa loob ng airport. Hindi na nagpaalam. Wala na akong nagawa kundi ang panoorin syang habang naglalakad palayo.

"Manong, Edsa Shangri-la po tayo sa Mandaluyong." Nauutal na sabi ko sa driver.

Hindi ko na kinaya ang bigat ng damdamin ko. Anytime ay sasabog na ang emosyon ko. Mula simula ng kwentong ito ay hindi nyo nabasang umiyak ako. Hindi ako kasing tatag ng tulad ng iniisip nyo. Nagpapanggap lang akong matapang.

Ilang saglit lang ay sumabulat na ang damdamin ko. Wala na ako nagawa kungdi ang mapahagulgol.

"Sir! Ok ka lang?" ang tanong ng driver sa akin.

"Hindi po.... Pero Manong wag mo po akong intindihin. " Umiiyak kong sabi.

"Hayaan mo lang po ako. Kailangan ko lang po talaga ito!"

"Mamamatay po ako kapag hindi ko ito nailabas!"

"Ilang taon ko din po itong naipon!"

"Hindi ko na po kaya!"

"Pasensya na po kayo!"

Hindi na nagsalita si Manong. Hinayaan na lang ako sa paghagulgol ko habang binabagtas namin ang daan.

Dahil sa pagkatulala ay hindi ko na namalayan na nasa Shangri-la Mall na kami. Agad akong nagbayad. Nagsuot ng shades para walang makapansin sa mugto kong mga mata. Halos kakabukas pa lang ng mall. Agad akong pumasok at pumunta sa may Starbucks na nasa 6th floor.

Pagkapasok ay dumerecho ako sa may counter.

"Good morning Sir." Bati sa akin ng barista sa counter.

"Uhm! Hi! One Caramel Macchiato please. Grande!"  Sagot ko.

"Your name Sir?" Tanong ng barista.

"Kenneth." sagot ko.

Pagkabayad ay agad na tinimpla ang inorder ko. Ilang saglit lang ay...

"One Caramel Macchiato for Sir Kenneth." tawag ng barista.

Aayusin ko muna sana ang shade ko bago ko abutin ang inorder ko nang matabig ko ang shade ko at malaglag ito sa sahig.

"Shit!" ang mahinang mura ko. Agad ko ito pinulot.

Pagkatayo ko ay agad na nakita ng barista ang mugto kong mga mata. Unti unting napalitan ang kanyang magiliw na ngiti ng pagtataka at pag-aalala.

Agad akong yumuko at isinuot ang shades ko. Kinuha ang order ko at nagpasalamat. Dumerecho ako sa may smoking area. Habang binubuksan ko ang glass door ay napatingin ako sa may counter. Ayun. Nakatingin pa din sa akin ang barista. Medyo nahiya ako dahil nakita nya ang mugto kong mga mata.

Walang tao sa smoking area kaya dumeretso ako sa may dulo. Naupo at tsaka tumitig sa kawalan.

Wala ako sa sarili ko kaya hindi ko na namalayan ang paglapit sa akin ng barista.

"Sir!" Tawag ng barista.

"Mukhang kailangan nyo po e." sabay abot sa akin ng mga tissue.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Pero di ko dapat idamay ang nagmamalasakit lang na barista na ito. Wala syang kasalanan. Kinuha ko na lang ang tissue at tsaka nagpasalamat.

"Salamat!" sabay tingin sa name tag

"M......"

(Itutuloy....)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This