Pages

Monday, February 8, 2016

Irregular Student (Part 1)

By:Alexander the Great

"Get a 1/4 sheet of paper, write your name, year and section, nickname, address, and contact number", sabi ng professor namin.

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko. Humihingal at pawis na pawis pa sya sa pagtakbo dahil late sya at sa likod na dumaan.
"Hi. Pwede bang makahingi ng papel. Hati na lang tayo dyan, please. I'm Luke by the way.", sabi nya sabay abot ng kamay.

Di ko naman inabot kamay nya dahil busy ako sa pag punit nung yellow paper. Kinuha nya bigla yung papel.

"Akin na nga. Ganito lang kasi o. " at dinilaan ng bahagya ang tupi ng papel. Napanganga ako sa gulat sa ginawa nya. Pagkatingin ko sa mukha nya, nakita ko syang natatawa sa naging reaksyon ko habang patuloy lang nya dinidilaan yung papel. Napagtanto kong may itsura pala si mokong. Matangos ilong, deep-setted ang mata, manipis ang labi, mestiso. Medyo boyish din dating lalo na't naka dog tag pa sya.

Pinunit na nya. "Diba mabilis? Wag kang mag-alala, wala naman akong sakit?", sabay kindat pa. Akala mo naman nakakatuwa sya. Sumimangot lang ako at kinuha na ang papel.

Napatingin tuloy ako sa mga kaibigan ko sa kabilang gilid ngunit busy pa din sila Letty at James sa pagpunit ng papel na kahati nung yellow paper namin. Nagsulat na lang ako at naaaninag ko na ngingiti ngiti pa rin si gago.

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala naman. Natutuwa lang ako sa pangalan mo. Torque talaga? As in yung cellphone?"

"Oo. Anong problema mo dun? Magsulat ka na lang dyan." Masungit kong sabi habang nakalabi pa ko sa inis sa mokong na to. "Di pa nga nagpapasalamat sa papel", sa isip isip ko.

Pinasa na ang papel, isa isa nang tinawag lahat. Pag tinawag ng prof, magsasabi ng kahit anong tungkol sa sarili at magtuturo sa klase ng gustong maging kaibigan base sa unang tingin lamang, dapat yung di pa kaclose tapos magkakamay para daw may bagong maging kaibigan. Sila Letty at James lang ang kilala ko dito dahil nagreshuffle at maswerte lamang na magkakaklase pa rin kami ngayong 3rd year. Ganun kasi sa engineering.
"Luke Villanueva", sabi ng prof. Tumayo si kumag. Nakita ko yung mga kaklase kong girls at well, mga girl at heart na nagtinginan sa kanya tapos parang kinikilig na ewan. "Bakit parang kilala nila 'tong si kumag?", natanong ko sa sarili.

"I'm Luke, 19 years old, currently living in cubao pero taga-laguna talaga ako." Medyo maangas nyang sabi tapos may sinabi pa sya na di ko na inintindi dahil focused ako sa sasabihin ko kapag ako na natawag. Nadistract lang ako ng biglang nakatingin na sakin yung mga kaklase ko.

Takang taka ako. Tumingin tuloy ako kay Luke. Inaabot nya yung kamay nya. Tumingin ako sa paligid tapos sa kanya ulit. Ako pala ang tinuro nya na maging kaibigan. Napatayo na lang tuloy ako at inabot ang kamay nya.

"Nakakamay din kita. Ang suplado mo kasi kanina e. Nice to meet you." Sabi nya, with grin on his face.

His handshake was firm. Naramdaman ko na gusto nya talaga makipagkilala. Binitawan ko na lang agad kasi parang ayaw nya pa bumitaw at naupo ulit ng walang sinasabi. Kita sa mata ng mga dalaginding ang inggit ng maghandshake kami ng loko. "Ano bang meron dito sa lalaki na to at ang lakas ng tama ng mga babae?", sa isip ko.

Tapos natawag na din ako mga limang pangalan pagkatapos ni Luke. Tinuro ko yung kaklase kong babae na maganda sa harapan para maging kaibigan. Tumayo ako, pumunta sa harapan at nakipaghand shake. Nagulat lang ako sa sinabi ng babae.

"Pwede bang si Luke na lang maging friend ko Sir?". Napasimangot na naman ako at napatingin sa babae na nakangiti at nakatingin kay Luke. Nakatingin din naman samin ang mokong habang nagpapacute na ewan. "May pinapalabas to a", naisip ko.

Wala tuloy akong nasabi at naupo na lang ulit. Buong klase ako na nagmumukmok. Di naman pansin ng mga kaibigan ko kasi busy sa paghaharutan ang magkasintahan. Oo, third party lang ako sa kanila. Pero pag may lakad kami magkakaibigan naman ang turingan namin kaya di ako OP.

Natapos ang klase, medyo nawala na inis ko. Palabas na ko ng room nang kinausap ako ng magboyfriend. May lakad daw sila mamaya at kung pwede na silang mauna. Ok lang naman sakin kasi gusto ko din mapag isa minsan.

"Kaibiganin mo muna yung dancer ng university", sabi ni Letty.

"Sinong dancer?",

"Si Luke! Yung kaninang kinamayan mo. Di ka ata nakikinig sa kanya e." Sabi ni James habang tatawa tawa.

"Dancer pala yun. Kaya pala kilala sya ng lahat. Wala naman akong pake dun hayaan mo sya."

"Sabi mo e. Sige na, alis na kami.", si Letty at saka umalis na.

Naglalakad ako pababa ng gusali namin ng biglang may umakbay sakin. 5'8 na ko pero mas matangkad pa yung umakbay, 5"11 siguro. Pag lingon ko si kumag na Luke pala.

"Parekoy! Kamusta? Bakit mag isa ka lang? Sama na lang ako sayo."

Ang lapad ng braso nya kaya di agad ako nakapalag pero nagawa ko din naman agad makaalis sa akbay. Di na lang ako sumagot sa kanya kasi baka ano pang masabi ko.

"Sungit naman ni parekoy! Tara kain na lang tayo. Treat ko para di ka na mainis sa kagwapuhan ko." sabay taas taas pa ng kilay at nakangiti.

Nakakaasar pagkakasabi nya pero parang di naman nakakainis siguro dahil may katotohanan yun. Pogi talaga. Bumagay yata lahat ng features nya kahit yung makapal nyang kilay na may putol ang kaliwa dahil inahit. Makinis din sya. Pati buhok nya na undercut, bumagay. Andito na ata lahat. "Bakit ko ba to pinupuri, e gago nga to??" , sabi ko sa sarili ko.

"Wag mo na i-try na makipagkaibigan kasi walang chance. Di ako palakaibigan lalo na't sa katulad mo." Sabi ko

"Bakit, ano ba ko?" , sabi nya

"You're so cocky and very confident of yourself."

"May good qualities din naman ako pwera dun. Ayaw mo lang ako kilalanin."

"Ah, basta ayaw ko!", at binilisan ko na ang paglakad ko. Di naman sya humabol hanggang sa makalabas na ko ng unibersidad.

Nang nasa bahay na ko, naisip ko yung nangyari kanina. Bakit kaya ako gustong maging kaibigan nun? Simple lang naman ako. Di ako cool katulad nya. Seryoso ako mag aral. Di ako nagbabarkada. Sila Letty at James lang mga kaibigan ko.

Wala namang interesting sakin. Pero di naman ako pangit. Sabi pa nga nila Letty may itsura daw ako. Di lang daw makita dahil di nga ako friendly at seryoso lagi. Mestisuhin ako, matangos ilong, chinito, mapula at manipis na labi, clean cut ang buhok, at higit sa lahat may dimples na pamatay.Good boy looking kumbaga. Nakaglasses din ako. Okay lang katawan ko, no abs but flat tummy at may chest din kasi nag eexercise naman ako for health reasons.

Di ko talaga alam nakita nang kumag na yun at gustong makipagkaibigan. Nakatulugan ko na lang ang pag iisip.

. . .

Lunes, ang ganda ng araw ko. Mapayapa, ang gaan ng pakiramdam ko. Papasok na ko ng room nang may tumawag.

"Hi Cellphone.", sabi ni Luke na may kasabay pang ngiti. Nasa likuran ko sya.

Iritable agad ako. Lahat ng ganda sa umaga nawala. Bakit ba feeling close 'to? Binilisan ko na lang lakad at naupo na agad. Umupo rin sya sa tabi ko.

"Bakit mo ba ko sinusundan? Di ba sabi ko, wala ngang pag asang maging magkaibigan tayo?" , malakas na sabi ko para medyo mahiya sya sa makakarinig. Pero imbes na magalit, nakatitig lang sya sakin na nakangisi at parang walang narinig.

"Bakit ka nakangisi dyan?", naiinis na talagang sabi ko.

"Wala lang. Cute mo tingnan. Lumalabas pa rin dimples mo kapag galit ka no? Kaya gusto kitang nakikitang galit e." , sabi nya.

Wala na. Nag init na talaga ulo ko. Di ko na lang sya kinausap. Nakatingin na rin ang iba samin lalo na mga babae. Ako ang nahihiya. Sya, parang di naman tinatablan.

Dumating na si sir at nag-umpisa na ang klase. Dahil pursigido si sir na magkaroon kami ng bagong kaibigan sa room, alphabetical order ang seat plan. Di ko na makakatabi sila Letty.

"Bryan Venzon".

"Torque Vergara", narinig kong sabi ni sir. Ako na pala. Umupo ako sa tabi nung Bryan.

"Next is Luke Villanueva", sabi ni sir.

"Fuck" nasambit ko. Bakit katabi ko sya? Okay na lahat wag lang tong kumag na to. Kahit may anghit, putok, bad breath makatabi ko, wag lang to. Napamura na naman ako nang nakita ko syang palapit at ang luwag ng ngiti.

"Uy, Cellphone! Tabi pala tayo. Destiny."

"May pangalan ako, Torque."

"Alam ko." ,

Pilosopo pa pala to. Hayop talaga. Tumahimik na lang ako para matapos na usapan.

Nag umpisa na ang klase. Di ko talaga kinakausap si Luke kahit tingin sya ng tingin. Si Bryan na lang kinakausap ko tutal nagkakasundo kami sa topic ni sir. Nagbibigayan kami ng opinyon. Matalino naman sya kaya walang problema. Bahala na si Luke mapanisan ng laway. Wala rin kasi syang katabi sa kabila dahil pintuan na.

Nang matapos ang lecture, may project na pinagagawa si sir at nag group kami sa tatlo. Magkakatabi ang magkakagroup at magkagroup kami ni Bryan, malas lang at kagroup ko rin si Luke.

"Okay class, you have to submit it next monday. See you."

Nagbilog agad kami para magmeeting.

"San meeting?", si Luke na parang excited.

"Ganito, sa sabado na lang tutal kaya naman 'to ng isang araw, samin na lang.", sabi ni Bryan.

Um-oo na lang ako dahil bawal rin samin at ayoko naman kila Luke. Taga-EspaƱa lang naman si Bryan kaya okay lang.

Nagdismiss na kami. Dumaan muna ako sa cr para umihi. Pagpasok ko ng pinto napansin ko na may nakasunod, si Luke lang pala. Napasimangot na naman ako.

"Teka, Torque. Bakit ganyan ka ba sakin? Bakit kay Bryan okay ka naman?"

"Kasi nakakainis yung ugali mo."

Para namang nalungkot mga mata nya. First time ko syang makitang ganun. Parang gusto ko tuloy bawiin sinabi ko.

"Ano bang gusto mong gawin ko para pansinin mo naman ako?", may lungkot na sabi nya

"Wa-wala. Wag mo na kasi akong kaibiganin."

"Gusto ko." Titig na titig sya sakin. Di ko maiwasan na mapatingin sa mukha nya. His boyish aura suddenly faded. He's now serious and looked sorry at the same time. Parang nagmamakaawa.

Di ko napansin na nacorner na pala ako sa lababo ng cr. At nasa gilid na ng katawan ko mga kamay nya na nakasandal sa lababo. Di ako makagalaw. Kinakabahan ako. Patuloy lang syang nakatitig. Napatingin ako sa mapula nyang labi, tapos sa nagmamakaawa nyang mata. Naramdaman ko na lang na dumadagundong na buong katawan ko.

It was thrilling. It gave me sensations that i did not feel before. I felt hot and cold at the same time. Very contradicting pero masarap sa pakiramdam.

"I just want to be your friend, to spend time with you. Ganun ba kahirap ibigay yun?" Ang lapit na ng mukha nya  sakin. Naamoy ko na ang pabango nya na nahaluan ng pawis nyang lalaking lalaki. It was suffocating me in a good way. Di ako makahinga. My knees were trembling.

I was about to say something when I heard the sound of the door. Kaagad ko syang tinulak at lumabas. Di ko na sya nilingon. Takang taka naman  yung mga nakasalubong ko sa pinto at nagmamadali akong lumabas.

Pinakiramdaman ko sarili ko. Kumakabog pa rin dibdib ko. May parte ng utak ko na nagpapasalamat sa mga pumasok na dahilan ng pagbabalik ng aking huwisyo pero may parte na nanghihinayang.

Pinilit ko na lang alisin sa isip ko ang nangyari. May naalala ako bigla. Nakalimutan ko pa lang umihi! Fuck.

. . .

Tatlong araw ang lumipas, di ko na sya nakikita. Isang klase ko lang kasi sya kaklase, irregular siguro.

Pumunta ako sa gym ng school. Hinahanap ko sila Letty at James, di kasi pumasok sa unang klase. Sa gym kasi lagi yun nag uusap kapag di napasok.

"Asan kaya yung mga yun? Nagdadate na naman siguro yun di . . . . to."

Tangina. Nakita ko si mokong na Luke  na nagpapractice ng sayaw. Ang galing sumayaw ni hayop. Binigay na ata ni Lord lahat sa taong ito. Ang sexy nya tingnan lalo't naka-sleveless sya na white shirt, yung medyo malaki butas sa kili-kili tapos hapit sa dibdib dahil maganda ang hubog ng katawan nya.

Short naman hanggang tuhod ang suot nyang pangibaba at may towel na nakaipit sa bulsahan sa likod at nakalaylay ang kalahating parte ng towel sa pwetan nya. Medyo basa na yung bandang dibdib ng shirt nya sa pawis pero nakadagdag lang yun sa kagwapuhan ni Luke.

Ang ganda rin tingnan ng buhok nya sa kili-kili. Malago ito at parang ang sarap hawakan. Tangina. Bat ganito iniisip ko? Anong ginawa sakin ng mokong?

Bumalik na naman sa isipan ko ang nangyari sa cr. Napatulala tuloy ako.

Napatingin din sakin si Luke at kumindat pa habang ang steps nila ay gumigiling at yung part na itataas ng kaunti ang damit for tease siguro sa audience. Dahil doon, lumabas yung tyan nya na medyo mabuhok ang ilalim ng pusod at may abs si gago. Kagat kagat nya pa dog tag nya nun na lalong nagpasexy sa kanya. Tangina talaga.

Dahil naramdaman ko nang nakanganga ako sa panunuod sa kanya, naisip ko na mukha na kong tanga kaya tatalikod na sana dahil sa kahihiyan nang biglang may tumawag sakin, si Luke. Napahinto ako.

"Torque, san ka pupunta? Ngayon na nga lang kita nakita aalis ka pa. Ipakikilala muna kita sa dance troop ko." , sabay akbay sakin. Ramdam ko yung braso nya pati ang buhok sa kili-kili nya na dumapo sa mga balikat ko. Medyo basa pero imbes na mandiri kakaibang pakiramdam ang ibinigay nito sakin. Parang ang init bigla.

Wala naman akong nasabi.

"Teka lang a." , sabi nya sabay alis ng braso. Parang medyo nanghinayang ako.

"Guys! Si Torque nga pala, kaibigan ko!", inakbayan na naman nya ako. Bakit ba ganito ako magreact sa kanya. Kinurot ko na lang sarili ko ng kaunti para medyo matauhan pero walang natulong.

Kahit di talaga kami friends, di ko na lang pinagkaila kasi nakakahiya. Nag-hi naman sakin lahat. Kaya bumati din ako na medyo nahihiya dahil di naman ako sanay sa crowd.

"Nako, mag ingat ka dyan kay Luke! Puro kalokohan yan. Mukha ka pa namang nag aaral mabuti" sabi nung isa na halata namang nagbibiro lamang.

"Hoy. Good boy 'to no." nakangisi naman na sabi ni Luke.  "Di ko 'to ipapahamak kaibigan ko" sabay tingin sakin at himas ng kaunti sa balikat ko.

Di na talaga ako mapakali nang mga oras na yun kaya sinabi ko na kay Luke na kailangan ko na umalis. Pinagpaalam naman ako ni Luke sa mga kasama nya.

"Bat ka ba napunta dito? Gusto mo kong makita? Sabi na nga ba, type mo ko e.", sabi nya sa mapagbirong tono at tumawa.

Namula naman ako sa kahihiyan. "Hinahanap ko lang yung mga kaibigan ko. Tsaka bakit mo sinabi na magkaibigan tayo, e hindi naman?"

"Ang cute mo kapag namumula ka.", sabi nya at pinisil ang pisngi ko habang nakangiti. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na magreact sa sinabi nya. Kunwari walang narinig.

"Nakita ko sila kanina dyan sa may upuan, umalis na ata. Baka pumunta na sa klase nyo" dagdag pa nya.

Tumalikod na ko pagkatapos magpasalamat.

"Uy teka! May kapalit yun!", sabi nya. Tiningnan ko sya. "Kiss ko!", nakingisi pa si loko.

Tumalikod na lang ulit ako at wala pa ring imik na naglakad palayo.

"Joke lang, Torque!", hinabol nya ko at hinarap sa kanya. "Samahan mo na lang ako kumain pagkatapos ng klase natin next meeting, please?" Yan na naman ang mata nya.

Um-oo na lang ako para matapos na. Natatakot na rin ako sa sarili ko. Di ko alam kung anong pwede ko pang maging reaksyon sa mokong na to.

Umakyat na ko sa building at nakita ang mga kaibigan ko na nasa room na ng next subject.

"O! Eto na pala si Torque e! San ka galing at anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo? Di ko mawari." si James

"Hinanap ko kayo sa gym", sabi ko.

"Galing kami dun kanina, di pa tayo nagkita. Nanuod lang kami ng sayaw dahil late naman na kami sa first subject." , sabi ni Letty

"Nakita nga namin si Luke dun e. Grabe, ang galing sumayaw" dagdag pa ni Letty

Naalala ko na naman ang lahat nang nangyari at nag-iba na naman ang pakiramdam ko. Nagtataka man ang dalawa sa inasal ko di naman na sila nagtanong.

. . .

Sabado. Araw ng meeting namin.
Nagkita kami sa bahay nila Bryan. Nakita ko na naman si Luke. Di ko na naman maiwasang mailang lalo na't feeling close sya lagi. Tumatabi palagi, nang aakbay at kung anu ano pang ewan ko kung bakit nya ginagawa. Nagsawa na rin akong magsaway. Natatakot na rin ako sa sarili kong reaksyon.

Pagkatapos ng project, nagkayayaan mag inuman. Nainom naman ako kaya okay lang. Mmaya masabihan pa kong kj kung hihindi ako. Okay lang rin sa parents ni Bryan at may guest room naman kung sakaling gustong matulog.

Tagayan na.

"Uy! Parang ako lang bumabangka a! Magsalita naman kayo. Tsaka bakit parang ayaw nyo mag usap?" Si Bryan na medyo lasing na. Nakaisa na kasi kaming bote ng emperador.

"Ayaw naman akong kausapin nitong si Torque. Kahit anong pagpapapansin ginawa ko na lahat." Sabi ni luke. Di ko alam kung lungkot ba yung nakita ko sa mata nya. 

"Oo nga Torque. Bakit di mo sya pinapansin? Kanina ko pa napapansin a. Hahaha"

"Tsaka bakit ka nagpapapansin, nababakla ka na ba kay Torque? Hahahahahaha!" Dagdag pa ni bryan.

Di pa rin ako umiimik kahit na pulang pula na ko sa pinagsasasabi ni Bryan.

"Siguro."

Di ko alam kung narinig ko talaga yun kay Luke o guni guni ko lang dahil medyo may tama na rin ako.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This