Pages

Monday, February 29, 2016

Peymus (Part 1)

By: Greyson

Magandang araw mga KM readers! Katulad ng marami, matagal na rin akong nagbabasa sa site na ito at patuloy na kinikilig, naiinlove at nalilibugan sa mga nababasa kong kwento dito. Gustong gusto ko yung kwento ni Alexander the Great na “Irregular Student”. Ewan ko ba kung bakit pero kilig na kilig ako hahaha. Hindi man ganung ka-eksakto ang nangyari sakin, pero there is a part of me na nakakarelate sa kwento. Siguro yung ugali namin ni author na may pagkasuplado. Sige hindi ko na hahabaan pa. First time kong magsulat sa website na ito kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga hindi ako maayos na sentence. Ang kwentong ito ay nangyari talaga sa akin ilang taon na ang nakakalipas. Ito ay kwento ng pag-ibig na may halong konting libog. Panigurado na sa kwento kong ito ay marami ang makakarelate.

Tawagin niyo na lang akong Greyson. 3rd year college, 18 years old at tagadito sa Lucena City, Quezon. Bi discreet ako. Sabi nga nila, well-mannered ako. May pagkamahinhin kumilos, pero hindi kilos bakla. Ikaw na ang lumaki sa environment na puro babae ang kasama. Describe ko lang ang sarili ko: hmmmm sabi nila gwapo daw ako, sabi naman ng iba cute daw ako, pero whatever you call it, isa lang ang masasabi ko, hindi sa pagyayabang ay may dating at may itsura ako. Sa height kong 5’6”, bagamat hindi katangkaran, aware ako na marami ang nagkakagusto sakin, babae man, bakla o bi. Actually medyo slim pa ang katawan ko nung first year college ako, pero dahil sa stress sa pag-aaral bilang IT Student sa isang public college dito samin, nag-i-stress eating ako. Naging way of comfort ko ang pagkain. Hindi ko talaga ginusto ang kurso ko, pero dahil no choice, pinilit ko na lang na aralin kahit mahirap. Halata sa katawan ko na nanaba ako, pero kaunti lang naman. Mas hot ako nung medyo slim pa ako hahahaha, pero nanaba man ng kaunti, ang charm ko ay nanatili pa rin sakin. Madalas ay napagkakamalan akong may lahing Hapon, sa built ng katawan at lalo’t higit sa medyo chinito kong mata.

Consistent honor student ako simula kinder hanggang sa magtapos ako ng highschool. Yun nga lang hindi ako napasama sa honor roll nung graduation namin, pero dahil salutatorian ako ng section namin, okay na rin ako dun. Hindi niyo naiitanong, nasa pilot section ako nung highschool kaya medyo mataas ang tingin sakin. Aaminin ko, may pagka-suplado talaga ako. Ewan ko kung bakit, siguro dala na rin ng pagiging napakamahiyain ko. Noong highschool ako ay may ka-bromance ako na itago na tawagin nalang nating si Dude. Gwapo si Dude, maputi at matalino din. Actually hindi ko nga alam kung naging crush ko ba siya o ano, basta nacu-cute-an ako sa kanya. Kapag nasa loob kami ng classroom lalo na pag Math kung saan kami ay magkatabi ng upuan, madalas niyo kaming makikitang magka-holding hands. Wala lang naman para sa mga kaklase ko yun, at wala lang din para kay Dude. Minsan pa ay hinihipuan ko siya dahil bakat na bakat ang etits niya sa hapit na hapit na pants na suot niya. Sa tuwing naaalala ko yun,
hindi ko mapigilan ang tigasan at minsan pa’y pinagpapantasyahan ko siya kapag nagjajakol ako. Umisip din ako ng paraan kung paano ko siya matitikman, pero hindi ko nagawa. Naalala ko rin nung birthday ko na may isinulat siyang greeting sa akin: “Happy Birthday! I love you! From, your Boyfriend”. Tang ina! Natuwa ako at kinilig sa sulat niyang iyon. First time niyang sinabi yun. Hindi kaya awkward na nabasa yun nung ibang mga kaklase ko lalo na nung mga babae? Totoo kaya yung isinulat niyang yun? Seryosohan na nga ba at boyfriend na talaga ang turing niya sakin? Maraming tanong ang nanglalaro sa isip ko pero hindi ako nangahas na magtanong sa kanya. Takot akong mareject at takot akong pagtawanan ng iba. Nakatapos ako ng highschool. Naging maayos naman ako sa kolehiyo. Bagamat may pagkasuplado, I earned my friends. Nagkaroon ako ng peers. 2014 nang makilala ko ang lalaking nagpatibok muli ng puso ko, si Cris.

Isang araw, habang nagfa-Facebook, nakita ko ang isang account na may cute na DP. Ako naman, inopen ko yung profile, puta! Ang cute! Medyo K-pop ang look. Tiningnan ko muna kung poser, at dahil sa hindi naman kahina-hinala yung account, inadd ko.

“You cannot add this person anymore…But you are now following him”.

Nainis ako sa nabasa ko. Inunfollow ko. Ayaw ko kasi talaga ng nagfofollow. Sabi ko sayang, cute pa naman. Ilang araw ang nakalipas, may biglang nagpop-up sa notif ko:

“Cris followed you”.

Sabi ko sa sarili ko “Uy may nagfollow sakin. Bago to ah”. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko kung sino, yung cute guy na hindi ko ma-add nung minsan, nagfollow sakin ngayon! Tangina! Nalimutan ko ang name niya pero yung mukha niya natandaan ko. Naaalala ko yung reaksyon ko noon na parang tanga hahahahaha. Kahit kinakabahan, naglakas loob akong magchat sa kanya.

“Hi kuya. Ako po yung finollow niyo. Pwede po pa-add? Hindi ko na po kasi kayo ma-add. Kung pwede lang naman ”.

Dahil medyo peymus, hindi ako nag-expect na ioopen niya ang message ko at magrereply. Maya-maya nagreply siya.

“Okay sige. Walang problema ”.

Tuwang-tuwa ako nun. At maya-maya nga nandiyan na ang friend request niya. Agad ko siyang inaccept. Simula nung araw na yun ay lagi na kaming nagchachat, halos araw-araw. Nagpatuloy pa ang mga usapan namin at nagkapalitan na rin kami ng phone numbers. Dahil nagkakatext na kami ay lalo kaming naging close. Napakarami na naming napag-usapan, pero wala pang kalibugan noon. General topics pa lang. Hanggang sa isang araw sinabi ko sa kanya na mag-meet kami. Nahihiya daw siya. Sabi ko ano naman, okay lang yun. Sinabi niya na sige daw. Sabi ko nasa palengke ako, nagtitinda. May pwesto kasi kami noon sa palengke. Sinabi ko pa nga sa kanya na pasensya na kung dun pa kami unang magkikita eh maputik sa palengke, mabaho at madumi. Okay lang naman daw at sanay siyang mamalengke. Maya-maya sinabi niya na malapit na siya. Medyo kinabahan ako. Hanggang sa dumating ang isang message mula sa kanya.

“Kita na kita hahaha”

Tangina! Ito na yun!

“San ka?” Sabi ko

“Sige uwi na ko. Nakita na kita eh hahaha”

“Ay ang daya! Siya nakita na niya ako samantalang ako hindi pa hahahaha san ka na ba? Magpakita ka na dali! Hahahaha”

“Sige. Pasensya na sa itsura ko ha hahaha”

Nagta-type pa ako ng message nang mapalingon ako sa bandang kaliwa. Isang lalaki ang naglalakad palapit sa tindahan namin, nakatakip ang maliit na bag sa bibig. Si Cris!! Kahit natatakpan ng bag ang bibig ay halata mong natawa siya dahil nag-singkit ang mata niya. Kinawayan niya ako. Tangina! Hindi ako nakapagreact nun! Naaalala ko kung paano ako tila naging bato sa kinauupuan ko habang nakangiti at nakatitig sa kanya habang dumadaan sa harap ng aming tindahan. Katulad ko, gwapo rin si Cris, singkit din dahil may lahing Intsik. May kaunting hawig siya kay Mike Tan. Yun nga lang, mas matangkad ako sa kanya, siguro ay nasa mga 5’3” lamang siya.

Nang mahimasmasan na ako ay tinext ko siya. Limot ko na ang sinabi ko pero naalala ko na humingi siya ng pasensya dahil segundo lang kami nagkita at hindi nakapag usap. Sabi ko okay lang may next time pa naman. Simula nung makita ko siya ay hindi na siya nawala sa isipan ko. May pagkakataon pa ngang nakikita ko na lang ang sarili ko na nakangiti. Ewan ko ba. Iba ang pakiramdam ko kay Cris. Tinamaan na ata ako.

Nalaman ko na may syota pala si Cris, LDR nga lang. Medyo nalungkot ako pero sabi ko sa sarili ko okay lang. Iisang buwan pa lang daw sila. Biniro ko siya. Sabi ko hindi man lang niya ako nahintay hahaha. Sabi naman niya

“Ikaw talaga! Halikan kita diyan eh!”

Shet! Yung puso ko!

“Go! Halik lang pala eh! Kaso hindi ako masyadong marunong hahahaha” biro ko sa kanya.

“Ano? Pag ikaw hinalikan ko talaga!” reply niya.

Na-blangko ako. Hindi ko na matandaan ang naging takbo ng usapan namin pero nagkayayaan kaming magkita. Sabi ko sa Ministop ko nalang siya hihintayin. Ilang minuto ang lumipas at dumating na rin si Cris. Inaya ko siya sa loob ng Ministop at bumili kami ng family size na Coke. Paglabas namin, wala pa ring imikan. Nagpapakiramdaman pa. Binasag ko ang katahimikan.

“Ang tahimik mo pala. So ano? Ganito nalang tayo? Walang imikan?” patawa kong sabi sa kanya habang bitbit ko ang softdrinks na binili namin.

“Nahihiya kasi ako sayo. Hayaan mo mamaya” Sabay ngiti niya.

Shet! Ang gwapo talaga niya lalo na kapag nangiti. Sa unang tingin ay aakalain mo talagang Koreano siya dahil sa ayos ng buhok.

Nakarating kami sa bahay. Walang tao. May namatay kasi kaming kamag-anak at lahat sila ay nandun sa burol. Kami lang ni Cris ang nasa bahay. Pagkabukas ko ng pinto ay dumiretso kami sa loob at sinabi kong wag na siyang mahiya. Ngumiti ulit siya. Ipinatong ko ang biniling softdrink sa mesa at naupo sa sofa katabi niya. Nasa kaliwa ako, nasa kanan ko siya. May espasyo sa gitna na kasya pa ang isa. Napakatahimik ng bahay, walang nangungunang umimik saming dalawa. Halatang nagpapakiramdaman pa. Napalingon ako nun sa may pinto namin, at paglingon ko kay Cris, sakto ring lumingon siya, hinawakan ako sa ulo at saka hinalikan. Hindi lang basta smack, naglaplapan kami.

Itutuloy..

No comments:

Post a Comment

Read More Like This