Pages

Sunday, October 16, 2016

Isang Inom Ka Lang Pala (Part 2)

By: Placido

At biglang tumunog ang doorbell. Tarantang tumayo si Albert at tiningnan sa may bintana kung sino ang nasa may pintuan at nakita nya ang ate nya na naghihintay sa labas.

"Albert? Albert? gising ka pa ba? paki bukas yung pinto, naiwan ko susi ko dyan sa loob.." mahinahong pagbigkas ng ate nya kasabay ng pagdoor bell. Tumakbong pabalik sa akin si albert at sinabi nya kung sinong nasa labas. Nagbihis kami ng aming mga damit at tarantang nag-ayos. Bumalik ako sa posisyon ko kanina habang umiinom ng alak at hinayaan na pumunta si Albert sa pinto para buksan ito.

"Oh ate, akala ko bukas ka pa uuwi?" pagtataka ni albert sa pag-uwi ni Isay(ate nya). 
"Naalala ko kasi mag-isa ka dito, kaya umuwi na lang ako ngayon." sagot ni Isay. 
"Ah.. kala ko naman kung ano na nangyare.. nandito yung kaibigan ko, nandun sa may terrace. umiinom kami."sabi ni Albert. 

Pumunta sila kung nasaan ako at pinakilala ni albert ang ate nya sa akin. Ang ate nyang si Isay ay maganda, maputi, makinis at petite. In short, magandang lahi. hehe.. Nung mga panahong yun, hindi ko pa talaga alam kung ano ang gusto ko, kung babae ba o lalaki dahil bago sa akin ang lahat.Nakipagkamay ako sa kanya at agad naman itong nakipagkamay sa akin.Nakahalata si Albert na hindi maalis ang pagtitig ko sa ate nya ng

"Actually ate, paalis na din si Mark, ubos na din kasi iniinom namin." pagputol ni Albert sa pakikipagkamayan namin ng ate nya. Inihatid ako ni Albert sa baba habanga ate nya ay nahiga sa sofa malapit sa pinag-inuman namin. Habang pababa kami, biglang hinalikan ako ni Albert. Isang mariing halik dahil doon ay lumaban na din ako, wala namang ibang makakakita sa aming ginagawa. Idinikit nya ang kanyang katawan sa akin at naghahawakan kami ng likod habang naghahalikan. Nasa mainit kaming tagpo ng iyon ng ikinikiskis na nya ang kanya sa aking harapan. Humiwalay ako sa paghalik nya, "Nabitin ka no? si ate mo kasi eh, wrong timing! " sabi ko na naghihinayang. 

"Pucha Mark, sakit na ng puson ko! tsk." halatang nainis si Albert sa pagdating ng kapatid nya. "Ituloy natin to! hindi ba puwedeng sa inyo?" tanong nya. "Hindi puwede samin. Isa lang ang kwarto naming magkakapatid. wala tayong puwesto dun!" may panghihinayang sa boses ko pero wala kaming magawa. Nang makalabas ako ng kanilang bahay ay nagtext sya sa akin, "Nabitin ako dun ha, sa susunod hindi ka na makakaligtas. hahaha". Sinabhan ko sya na loko loko dahil dun. Umuwi ako sa bahay at nagkulong sa C.R. naligo at alam nyo na yun!, nag Mariang Palad muna ako. Hirap ng pinipigil e. Pero sa paggawa ko nun, hindi ko maalis sa isip ko yung magkapatid, Si Albert na nakainuman ko at si Isay ang kanyang ate.

Matapos ang gabing iyon, napadalas ang aming pagtetext ni Albert. Hindi man naging kami ng gabing yun eh tama lang dahil hindi ko pa sure nun kung talagang gusto ko. If ever, yung kauna unahan kong love story na ang bida ay dalawang lalaki. 

"Ano ba talaga ang gusto ko?!" pilit kong tinatanong sa sarili ko yun habang nasa kama at nakatingin sa TV kahit na wala sa pinapanood ko ang utak ko.Nasa ganoon akong pag-iisip ng magtext si Albert kung puwede kaming magkita at pumayag naman ako. Nagkita kami malapit sa Ministop at dun kami madalas tumambay. Nagpunta kami sa Luneta Park, mag-aalas 12 na ng gabi yun kaya kokonti na ang tao. Ok na ok yun para makapag-usap kami pero wala masyadong pag-uusap na naganap. Nilalamig na ako nun dahil nasa may baywalk kami nakaupo ng sabihin nyang "lapit ka dito, share tayo sa jacket ko.". Lumapit na lang ako sa kanya at niyapos nya ako ng isang kamay nya habang nasa loob kami ng jacket nya. Napa-smile ako nung mga oras na yun. Hindi ko alam parang may kilig akong naramdaman. Mga 2 am na at ganun pa rin ang puwesto namin, pinakikiramdaman ang init ng isa't isa. Matapos yun ay umuwi na kami. Hintaid nya ako sa bahay. 

Ako: "Salamat!" 
Albert: "Para saan ka nagpapasalamat?"
Ako: Wala, para ngayong gabi.
Albert: wala yun. nag-enjoy ako!
Ako: ako din.

Hindi namin magawang magnakaw ng halik sa isa't isa baka may makakita kaya ayun, natulog na lang ako.
Makaraan ang isang buwan ay constant pa din ang aming communication.Graduation na namin at masaya ako dahil dun, sya din ay masaya dahil makakagraduate na ako. Pumunta sya sa graduation ko, nagpicture kami, kasama ng mga magulang ko at ayun dun ko sya pinakilala sa aking mga magulang bilang kaibigan. Hindi pa naman kami nun kaya kaibigan pa lang. Nabigyan kami ng pagkakataon na mag-usap bago magsimula ang graduation rites. dun na din kami naging official na kami.. Ansaya ng puso ko nun at naging kami na pero may takot pa din ako, sapagkat yun ang una kong relationship sa isang tulad ko din na lalaki.

Nagkatrabaho din ako matapos lamang ang dalawang linggo mula ng ako ay grumaduate.Nagkikita kami pero saglit lang, kasi nga pagod sa trabaho. Dun nagsimula ang hindi namin pagkakaunawaan. Minsan nagkita kami, naghintay ako ng halos isang oras sa kanya at pagdating nya ay nakainom at may tanda ng kahalayan sa kanyang leeg.

Ako: Ano yan? <chikinini sa leeg>
Albert: wala yan! 
Ako: Anong wala? eh chikinini yan dba? 
Albert: Wala nga sabi yan! nagkatuwaan lang kami!
Ako: Sinong kami? wala ka naman sinabing iinom ka ah?
Albert: wala nga yan. nag body shots lang kami.
Ako: WTF?! Sinong kabody shots mo? Anak ng! Sabihin mo, ok ba? masaya? dyan ka na nga!
Albert: Wala nga to! nagkatuwaan lang naman kami.
Ako: Sinong maniniwala sa'yo? bagong ligo ka pa o pero amoy na amoy ang alak sa'yo! AKo ba eh niloloko mo?
Albert: <hindi nagsalita>
Ako: Fuck you! tang-ina.

Bigla akong kinilabutan ng mga oras nayun. ang tanging naging reaksyon ko lang ay umalis. Umalis ako at hindi na lumingon pa.

Yun siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi na ko pumasok sa relasyon. Natatakot akong masaktan ulet. Pero aaminin ko sa inyo, limang taon man ang nakalipas ay may parte pa rin sa akin na gustong balikan sya. kaya lang, pag naiisip kong baka mangyari ulet ngayon ang nangyari dati eh ako na mismo sa sarili ko ang aayaw. Mahirap mag-isa sa mundo, malungkot.Sana mahanap ko din yung para sa akin. Kung lalaki man yun o babae, basta dumating. Sana magkalakas na ko ng loob ulet na pumasok sa ganitong sitwasyon ng buhay. Salamat po sa pagbabasa.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This