Pages

Wednesday, October 19, 2016

Secret Love Song (Part 1)

By: Ricky

Ako nga pala si Ricky(syempre di tunay na pangalan) 24y.o. maputi, lahing kastila at masasabi ko na may itsura naman talaga ako pero di katangkaran, 5'6 lang. At ang partner ko naman si Daniel, may pagka kastila din dahil sa tangos ng ilong pero medyo moreno may itsura din sa height na 5'7 magkasing edad lang kami. At ang kwento ko ay kung papano nagkaroon ng magandang ugnayan sa aming dalawa. May mga alter din pala ang story para maprotektahan kami, baka may maka basa dito na ka-work namin. Malay mo di rin natin masabi.

Nasa kwarto kami, katatapos lang namin uminom at kinausap ako ni Daniel na kung pwede sa kama ko sya matutulog. Magkatabi na kami sa kama magkayakap, hinalikan nyako sa pisngi at hinahawakhawakan ang mukha ko, sabay.

Daniel: i love you.
madilim ang kwarto, wala ka talaga makita pitch blac
Ako:(bigla akong napaisip, hala ka?! Anong problema neto may i love you pa na nalalaman) weh?. "Sagot ko naman". Nakainom ka lang eh.
Daniel: hindi!, pagtatanggi naman nya. Seryoso ako. I love you!! Hindi mo naman ata ako mahal eh! (Pagtatampo na pagkasabe nya)
Ako: (lasing lang to panigurado bukas makakalimutan nya rin to) sige na nga i love you too!! Sagot ko naman.

Tuwang tuwa si daniel sa narinig nya at pinaulanan nya ako ng halik. Ramdam ko ang tuwa sakanya, at sinabihan nya ako na wag na ako umalis sa day off ko dahil mamimiss daw nya ako. Tumanggi naman ako. Hello! May pasok sya day off ako ano kaya un! Dahil alam kong lasing lang sya, makakalimutan nya rin lahat ng tagpo nong gabing yon. Pero nagkamali ako.

Kinaumagahan umalis ako, day off kasi ako at may usapan kami ng mga katrabaho ko na magppicnic kami sa kabilang bayan. Wala akong tulog dahil sa mongoloid na yon! Buti na lang kamo wala akong eyebags! Gwapo pa rin!
Haha lol. So ayon na nga, picnic kami sa kabilang bayan kasama ang mga ka-work. Bandang tanghali nakatanggap ako ng txt.

Daniel: goodmorning :) jan na kayo?
Ako: oo, kanina pa.
Daniel: ah sige ingat na lang jan a. See you later
Ako: ge, kaw din.

Medyo na-wirduhan ako, pero hinayaan ko lang. Enjoy pa rin ako sa picnic namin. Masarap ang dala naming ulam. May isda, karneng baboy na naka marinate busog na busog kami at sympre di mawawala ang alak. Nako!!! Kasama din pala namin yung crush ko non. Shet!! Ang yummy pa nya swimmer kasi. I was melting inside.
Fastforward, so nakabalik na kami sa resort(sa resort kasi kami nagttrabaho, kusinero ako front office naman sya) papunta ako sa staff canteen nang nakita ko sya may kausap sa phone. Lumapit ako sakanya.

Ako: may naaalala ka ba kagabe?
Di agad sya nakasagot at dahil sa reaksyon nya na un natuwa naman ako. may ka-m.u kasi sya na babae noon at ayoko naman makasira ng kung ano man. Nag i love you too ako sakanya non, kasi tiwala naman ako na makakalimutan nya yung sinabe nya. Agad na akong umalis papuntang canteen pero di pa man ako nakakalayo.
Daniel: oo naaalala ko, naaalala ko lahat.

Sa sagot nyang yun kinabahan talaga ako. Sh*t!!! Ta*ginaaaa.... un lang ang nasabi ko sa sarili ko. Kinagabihan after ng shift ng ilan naming katrabaho nagkaayaan uminom. Matapos namin maubos ang 1 longneck nagkaayaan pa na uminom pa sa kwarto. Nagpaiwan muna kami sa staff cottage para magusap.

Ako: seryoso ka ba talaga?
Daniel: oo seryoso ako, (habang nagyoyosi) kaw lang naman ayaw maniwala saken eh.

I was left speechless. Umalis na kami sa cottage para lumipat ng pwesto ng maiinuman, sinubukan nyang hawakan ang kamay ko pero umiwas ako dahil baka may makakita samin.
So nakaubos na naman kaming apat ng 1 longneck. Oo apat lang kami umiinom so naka 2 longneck na kami di naman halata na manginginom.
Umalis na ang dalawa naming kasama at naiwan kami.

Daniel: bat ba ayaw mo maniwala saken?
Ako: ang hirap kasi. (Ang pinaka mali saken, di ko sinabe sakanya na ayoko makasira ng isang namumuong magandang ugnayan. Pero umasa ako na matatapos din agad ang sa amin at di tatagal at don naman ako nagkamali).hinawakan nya muli ang 2 kong kamay ko at.....
Daniel: papatunayan ko sayo na seryoso ako sayo(sabay halik sa pisngi ko)

Hindi ko lubos maisip kung anong ginawa ko kay Daniel at bakit sya na-inlove saken, okay na ako sa set up naming dalawa na"friends with benefits" pero habang tumatagal ang benefit na yun hindi ko alam na naiinlove na pala sya sa aken. Wala naman akong balak na maging kami pero sino ba naman ako na umayaw sakanya, may itsura naman talaga sya, mabait, masipag, masayang kasama. Hindi ko nga alam na maiinlove din ako ng todo sa mongoloid na yon.

Sa susunod na kwento. Doon ko naman ibabahagi sa inyo kung pano nagsimula ang lahat ng hindi sinasadya.

Itutuloy.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This