Pages

Sunday, October 9, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 16)

By: Bobbylove

“Student’s night”

(Araw-araw ang daming instances kung saan kailangan natin mamili, mula paggising natin sa umaga hanggang ipikit natin ang ating mga mata sa gabi. From the shampoo na gagamitin natin, sa kakainin, sa isusuot kahit sa simpleng tissue paper na gagamitin kailangan nating pagdesisyunan yun ng mabuti. Pero may mga bagay na hindi naman madaling pagpilian ang mga options, yun yung kadalasan risky yung mga desisiyong kailangan nating gawin, yung tipong pag nagkamali ka’y sobrang maaapektuhan yung takbo ng buhay mo.

Someone asked me, doon sa previous chapter ng storyang ito. ‘Sino daw ba pipiliin ko, yung mahal ko o mahal ako?’ nag iwan naman ako ng sagot doon… answer na galing talaga sa puso ko. Pero after some time, naisip ko, tama nga ba ang ginawa ko?

I know hindi na bago ang tanong na ito, pero kung kayo ba ang papipiliin… ‘Yung mahal niyo? O yung mahal kayo?’)

*************************

Pinilit ko’ng iwasan si kumag, tiniis ko yung sakit na nadarama ko sa tuwing nakikita ko siya’ng hirap sa pagsuyo sa akin. Wala naman ako’ng balak na pahirapan siya, ang nais ko noo’y kalimutan siya.

Iminulat ni Jude ang mga mata ko sa totong nangyayari, tama siya noong sabihin niyang hindi naman ako nagiging masaya sa ginagawa ko, na pareho lang kaming natatalo ni Richard sa ginagawa ko’ng paglayo.

Agad ko’ng hinanap si kumag para humingi ng tawad, totoong sinaktan niya ako, pero naisip ko’ng hindi naman ata tama na saktan ko siya. Wala sa ugali ko yung gumanti, at honestly hindi ko naman alam na sa ginawa ko ay parang ginagantihan ko na rin pala si kumag, akala ko kasi yun na yung pinaka kailangan naming dalawa…

********************************

Matapos makipagusap at humingi ng tawad kay Richard ay agad ko’ng pinuntahan ang mga teammates ko; nasa mezzanine pa rin sila at nakikipag kwentuhan sa iba. Umupo ako sa tabi ni ate angel at nagsimula na ring humabol at makisali sa kanilang usapan. Dada ako ng dada, tawa-tawa, tango-tango, na parang sobrang interesado sa aming topic kahit na ang totoo ay na kay Richard pa rin ang isip ko.

Nagsisisi ako kung bakit hindi agad ako pumayag na makipag date sa kanya, gayong iyon naman talaga ang gusto ko’ng mangyari. Ngayon tuloy ay iba na ang i-dedate ni kumag, at hindi malayong magkagusto siya dito. Maganda si Nicole, mabait at mukhang matalino… isa pa, babae siya… kung nagkataon ay wala talaga ako’ng laban sa kanya.

Iniisip ko kung gaano kasaya yung mukha ni kumag habang sinasayaw ang magandang dalaga, kung paano nila susulitin ang buong gabi para kilalanin ang isa’t-isa… nakakaasar… mukhang hindi ko kaya… nadudurog ako…

“Are you okay?” isang mainit na palad ang dumapo sa mga balikat ko. Maya-maya’y naging haplos yung hawak niya, mula sa bandang batok patungo sa aking kana’ng pisnge saka pinisil iyon.

“Isdog…” sabi ni Jude na pisil-pisil pa rin ang aking pisnge. (Urong ka)

“Agay!” sabay hampas sa kamay niya.

Umurong ako ng kaunti ng magawa niyang umupo sa tabi ko. Halos kalahati lang ng pwet niya yung nakapwesto sa plastic na silya kaya kinapit niya yung kaliwa niyang kamay sa balikat ko para hindi siya malaglag. Mabigat siya, pero hinayaan ko na… wala naman kasi yun sa bigat ng binibigay ko sa kanya sa tuwing tinutulungan niya ako sa mga problema ko.

“Gusto mo ng kape?” tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya.

“May sakit ka?” dinikit ko yung palad ko sa noo niya, para malaman kung mainit siya. Mukha kasi siyang matamlay. “Hindi ka naman mainit ah.” Dugtong ko.

“Wala ko’y sakit.” Tipid niyang sagot.

“Ano nga’ng gusto mo?” tanong ko, nais ko kasing malaman kung may nais siyang kainin... nais ko siyang pagsilbihan upang makabawi sa kabaitang pinapakita niya.

“Ibibigay mo?” halos bumulong na siya sa tenga ko.

“Oo naman… basta ikaw…” sinubuan ko siya ng isang slice ng pakwan mula sa plato ni Ate angel, na agad naman niyang kinain. Tinukso na naman kami ng mga kasama namin sa table, pero hindi na namin pinansin.

“Sure ka?” paninigurado niya.

“Oo nga. So ano nga’ng gusto mo? Iced tea? Dessert? O gusto mo mag kanin?”

“Ikaw.” Mabilis niyang sagot.

“Huh?”

“Ikaw nga…” kinamot niya yung noo niya, mukhang naiirita sa hindi ko agad pagka gets sa sinabi niya.

“Ano?” medyo puzzeled ang utak ko noon, ang tagal nag sink in ng nais niyang sabihin.

“Ikaw nga yung gusto ko.” seryoso niyang sagot.

Natahimik lang sila ate angel at kuya Ian; sila lang kasi yung nakakaintindi sa pinaguusapan namin. Ako ma’y saglit ding natahimik, hindi ko kasi alam kung serysoso siya.

“Gago.” Natatawa ko’ng sagot, sabay bigay ng isang kunwari’ng sampal sa kaliwa niyang pisnge.

Tahimik…

“Pakwan, gusto mo? Ikukuha kita.” Alok ko.

Tumango lang siya.

Wala’ng anu-ano’y tumayo ako para ikuha siya ng pakwan sa buffet table. Hawak ko noon ang isang maliit na mangkok at sinusubukan ko’ng punuin ito ng mga pakwan na naka hiwa sa mga maliliit na tatsulok, ng biglang agawin ni Jude ang hawak ko’ng tong. Nasa likuran ko na pala siya noon, marahil dahil sa labis na pagkabigla sa tinuran niya ay hindi ko na namalayan na sinundan niya ako.

“Ako na.”  Hirit niya.

“Ako na! Balik ka na doon!”

“Ako nalang…”

“Ahhhh…. Let me do this... sige na!”

“Ako na lagi!”

“O sige ikaw na! ikaw na!”  Umarte ako’ng nagtatampo sabay dutdot ng mangkok sa dibdib niya.

Ngumisi siya. “Oh… ikaw nalang eh…” malambing niyang binalik sa akin yung mga hawak na agad ko rin namang tinanggap.

“Balik na doon.” Muli ko’ng sabi.

“Dito lang ako.”

“Bakit?”

“For security purposes.” Ngumiti siya.

Nginitian ko lang din siya. “Bakit ka umiyak kanina?” naalala ko’ng lumuha rin siya noong nagusap kami.

“Ang drama mo kasi.”

“Lagi naman ako’ng madrama, pero kanina ka lang umiyak.”

“Pa’ng ‘maalaala’ ang acting mo kanina eh…” pagbibiro niya.

“Che!” nag pout ako.

Habang nilalagyan ko ng gatas ang hawak ko’ng isang mangkok ng pakwan ay bigla nalang ako’ng inakbayan ni Jude. “Ikaw ba? Anong gusto mo, maliban sa koreanong hilaw?” simula niya.

“Hmmmm…” kunwaring nag-iisip. “Gusto ko ng maasim na Cebuano…” pagbibiro ko.

Nagpakawala siya ng isang pigil na tawa. “Sabi mo yan ha…” sabay mas hinigpitan ang pagkakaakbay niya sa akin.

“Gago! Biro lang.” ngumiti ako saka inalis yung mga kamay niya sa balikat ko. “Tara na. May balak ka atang ubusin yang pagkain diyan eh…” pang-iinis ko sa kanya.

“Balak ko’ng ipa-ubos sa iyo ng tumaba ka naman kahit papano. Payatot!” panunukso niya.

“Abnormal ka! Bakulaw!”

Tumawa lang siya saka inabot ang hawak ko’ng bowl. “Ako na.”

“Haaayyy…. Ang kulet naman eh. Sabing ako na. Gusto ko ako ang gagawa.”

“Okay.” Ngumiti siya. “Ang sweet mo ah.”

“Sweet? Nagbitbit lang ng bowl, sweet na?”

“Uhm uhm… saka susubuan mo ako diba?” pinipigilan niya yung ngiti niya.

“Gusto mo?” nag smirk ako.

Ginalaw niya yung mga kilay niya ng taas baba para sabihing gusto niya yung idea. (Ang cute cute cute cute cute niya!)

********************

Sinubuan ko nga si loko gaya ng gusto niya, patuloy pa rin sa panunukso yung mga kasama namin sa mesa pero deadma na. hindi nga nahihiya si Jude na akapin at halikan ako sa maraming tao tapos magpapadala ako sa mga tukso lang. naisip ko, kulang pa yung pagsisilbing ginagawa ko para magpasalamat kay Jude, binigyang liwanag niya yung isip ko noong mga panahong nilamon ako ng pighati at kalituhan, at napatunayan ko na hindi kayang hadlangan ng distance yung pagpapadama niya ng pagmamahal, siya yung tao’ng pilit gagawa ng paraan para maiparamdam sa akin na espesyal ako.

Tinanong niya ako dati, kung may chance na sagutin ko siya kung sakaling wala siyang girlfriend at subukan niya ako’ng ligawan; dati’y wala ako’ng maayos na maisagot sa kanya, pero ngayon… palagay ko, OO yung magiging sagot ko. Hindi naman mahirap mahalin si Jude, he is a God’s gift to gay community, patunay lang siya na everything is fair in this world. Pero ayaw ko’ng sabihin sa kanya yun, hindi ko naman kasi mababago yung fact na may girlfriend siya, ayaw ko namang maging dahilan ng pagkakasira ng relasyon nila. Isa pa, si kumag talaga yung gusto ko eh, baka mag mukhang ginamit ko lang si Jude to feel better, yung para ba’ng rebound o panakip butas. Hindi deserve ni Jude iyon… Hindi niya ako deserve… totoo’ng hindi imposible’ng magustuhan ko siya, pero mali.., kasi iba naman talaga yung laman ng puso ko; at hindi ako maaring magsinungaling.

“From now on… I’ll be your Baby…” nakangiti niyang hirit.

“Pakol na nga kita…”

“Unsa man ng pakol Bob uy? Pangit man na! Baby lang gud!” naka nguso niyang sabi.

“Puyo uy! Baby sa imong mata! Kadako nimong tawo! Baby jampong?”

“Sige na ba!”

“Puyo!”

Bigla nalang siyang natahimik, ayaw na ako’ng pansinin at ayaw na ring kainin ang mga pakwan na sinusubo ko. For a time ay nakaupo lang siya sa tabi ko na nakasimangot ang mukha.

“Hala ka Bob…” pananakot ng mga kasama namin sa mesa.

“Baby daw lagi nimo siya…” si Ate Angel.

Natawa nalang ako sa reaksyon ng mga kaibigan namin at sa pag iinarte na rin ni Jude, nakakatawa na nakakainis na sobrang babaw lang ng dahilan ng pagtatampo niya. Bigla nalang siyang tumayo at kumuha ng isa pa’ng upuan sa kabilang table, itinabi niya iyon sa inuupuan ko saka umupo.

“Hoy, Hindi ka pa tapos kumain.” Kinalabit ko siya, medyo naka babag kasi yung katawan niya against me, pinangangatawanan nga ata na nagtatampo siya.

“Hoy, Kain na!”

Hindi niya lang uli ako pinansin.

“Baby mo nga daw siya Bob.” Pag remind ng isa pa naming kasama sa mesa.

“Fine. Baby na kita, kumain ka na.” sabi ko.

“Hindi naman sweet eh…” hirit na naman ni Jude. (nag iinarte again… haaayyy….)

“Hala, pano ba dapat?” napakamot na ako ng ulo sa sobrang kaartehan ng bakulaw na kausap ko. “Ganito ba?” tinusok ko ang isang slice ng pakwan gamit ang tinidor sabay lapit nun sa bibig niya. “Baby ko, kain ka na… open your mouth…” siyempre, hinaluan ko na ng kaunting paglalambing. (LOL)

Parang slow motion naman yung moment nung kagatin paunti-unti ni Jude yung pakwan. Yung parang ba’ng napilitan lang na kainin, at sinusubukan munang lasahan ang pagkain.

“Baby na ko nimo ha?” naka nguso pa rin si loko.

“Lagi.” Tipid ko’ng sagot na siyang nagsimula na naman ng panunukso ng mga kasama namin.

Saglit kaming natahimik, patuloy lang sa pagkain yung iba habang ako’y tuloy-tuloy lang pa rin sa pag subo kay Jude, gusto ko talaga siyang pagsilbihan para mapa ramdam ko man lang sa kanya na thankful ako sa lahat ng ginawa niya for me.

“Hindi ka pa kumakain Bob.” Sabi niya, habang ngumunguya.

“Okay lang, ‘di naman ako gutom. Ayos na ako kapag nakikita kitang busog…” biro ko.

Ngumiti lang siya, habang tumatango-tango. “Ahmmm… nag-usap na kayo?” bigla’ng naging seryoso yung tono ng boses niya.

“Nino?”

“Si you know who…”

“Ahhhhh…. Uhm uhm…”

“Ano’ng pinag-usapan niyo?”

Sinubuan ko siya ng isa pa’ng slice ng pakwan, “Kwento ko later ha? Yung tayo lang dalawa.” Pinandilatan ko siya.

Nung inalis ko sa kanya yung mga tingin ko para kumuha ulit ng pakwan sa bowl ay bigla nalang niya ako’ng hinalikan sa gilid ng ulo ko. “Unsa man na Jude?” (Ano ba Jude)

“Baby!” pagsingit niya.

“Laguta uy! Naay gatas imong simod oh! Pilit baya kaayo!’’ (Nakakainis! May gatas yung nguso mo oh! Ang lagkit kaya!)

Tawanan ang lahat pati na rin si Jude, na mukhang sobrang natuwa sa naging reaksyon ko.

“Gusto mo sa kabila rin, para pantay?” hirit niya.

“Gago! Ito oh!” tapos ay nagkunwari ako’ng susuntukin siya sa mukha; noong makalapit na ang kamay ko sa harap ng mukha niya ay siya namang halik niya rito.

“Ayyyy… ka sweet…” chorus ng mga kasama namin.

“Mukhang seryoso na kayong dalawa ah… kayo na ba?” tanong ni Jayson.

“Ako seryoso ako sa kanya. Ewan ko lang diyan, mukhang.., iba naman kasi ang gusto.” Mabilis na sagot ni Jude.

“Anong seryoso? Wag kayo maniwala sa bakulaw na yan! Seryoso? Eh may girlfriend nga yan!” hirit ko naman.

Tawanan…

“Pero kung sakaling single ba siya Bob, papayag ka?” tanong uli ni Jayson.

Natahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung sasagot ba ako ng ‘Oo’ dahil hindi naman talaga mahirap na magustuhan si Jude sa kabila ng dahilan na iba yung taong gusto ko; o magsisinungaling ako’t sasabihing ‘hindi’ para hindi nila ako husgahang pinaglalaruan ko lang si Jude.

“Wag na guys!” pagsingit ni Jude sa usapan.

“Hayaan mo siyang sumagot bro…” si Jayson.

“Hindi na. Alam ko na yung sagot eh, nasabi na niya dati… at masasaktan lang ulit ako kapag narinig ko pa; ayos na sa akin na magkaibigan kami.”

Nagtama yung mga mata namin ni Jude, may magandang ngiti ang mga labi niya noon, pero hindi maaring magsinungaling ang mga mata niya’ng sinisigaw na nasasaktan siya… mukhang nasasaktan ko siya…

“Diba?” minumble niya. Hindi ko narinig iyon pero basa’ng-basa ko yung bibig niya’ng binanggit iyon.

Natulala lang ako noon, halos hindi ko na marinig yung mga tao sa paligid ko, nalulunod na naman ako sa sarili ko’ng konsensya. Paanong hindi ko man lang naramdaman na nasasaktan ko na siya? Naging sobrang busy ba ako sa sarili ko at sa feelings ko kay kumag kaya nakaligtaan ko na siya? Ganoon ba ako kamanhid, para hindi mabatid iyon? Samantalang lagi kaming magkasama, kung hindi man ay laging magkatext at nagtatawagan pa.

“Samahan mo ako sa CR.” Hindi ko alam kung nasabi ko ba iyon ng maliwanag, para na kasing puputok ang dibdib ko.

*********************

Papunta na kami sa CR nung mag tanong ulit siya tungkol sa pinagusapan namin ni Kumag. “Oh? Tayo nalang, ano’ng pinag-usapan niyo?”

“Wala… di nga ako sure kung matatawag na pag-uusap yung ginawa namin eh…” matamlay yung boses ko, na gi-guilty ako doon sa idea na baka nga nasasaktan ko na siya.

“Bakit?”

“Hindi ko alam. Basta huminge nalang ako ng tawad. Hindi ko masabi yung gusto ko’ng sabihin eh. Kinakabahan ako.”

“Mahal mo na siya.” pabulong niyang sabi.

“Hindi!” tiningnan ko siya. Nakangiti pa rin siya, pero ramdam ko ang nais ipabatid ng mga tingin niya.

“Ayos lang! Aminin mo na, hindi ako magseselos.” Ngumisi siya.

“Hindi ah… wala naman talaga eh…” balisa ko’ng sagot.

Inakbayan niya ako, yung akbay na parang yakap na dahil sa idinikit niya yung katawan ko sa katawan niya. “Ano naman sabi niya?”

“Nag sorry lang din…” nilingon ko siya. “Ay! Sinabi ko ri’ng payag ako’ng maging date niya bukas…”

“Uy! Edi ayos yun! May date, kana!”

Tahimik.

“Pero… magsasayaw pa rin tayo ha?” sabi niya ulit.

“Gusto mo, sayaw nalang tayo the whole night eh… pero don’t expect na marunong ako’ng sumayaw ha, wala ako’ng talent doon.”

Tumawa siya. “Ako rin, gwapo lang talaga ako eh… yun na yung talent ko!” pagyayabang niya.

“Ang kapal! Mambola yung talent mo, dun ka nag i-excel eh…” biro ko.

Tawa lang siya. “Pero, teka? Paano tayo magsasayaw ng buong gabi? May date ka nga.”

“Wala… ikaw lang yung may date… sinabi ko’ng pumapayag na ako’ng maging date niya, pero… may ka date na daw siya eh… si Nicole.”

“Ahhh… so walang nangyari sa pag-uusap niyo? Ano ba yan!” anas niya.

“Ha? Anong wala? Humingi na kami ng tawad sa isa’t-isa… diba yun lang naman yung sinabi mo?”

“Hindi ah! Sabi ko, give yourself a chance to be happy… masaya ka ba na hindi siya makadate?”

“Bakit naman ako, malulungkot? Para yun lang, hmmmm… hihintayin ko nalang si Superman!” ngumisi ako.

“Hindi mo naman kailangan si Superman eh… nandito si Super Jude!” sabay flex ng mga braso niya.

“Gagers! Si Owen ang ka-date mo!” ngumisi ako, pero ang totoo ay sobra na ako’ng na gi-guilty. Alam ko namang mabigat ang loob niya pero kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. Nalilito rin ako, kasi nararamdaman ko noong seryoso na si Jude sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako pero alam ko’ng malabo kasi nga may girlfriend siya at mahal niya iyon. Alam niyo yun? Hindi ko mapagtanto kung ano talaga yung totoo.

Bumitiw siya sa pagkakaakbay sa akin. “Sandali lang ha!” sabi niya, saka pumunta sa isang mesa malapit sa nilalakaran namin. Kumuha siya ng isang bulaklak sa centerpiece saka bumalik sa tabi ko.

“Oh!” pinahawak niya sa kaliwa ko’ng kamay yung bulaklak. “Dahil humingi ka ng tawad kay koreanong hilaw, at dahil…. Mahal kita…. You deserve this…” tapos ay muli siyang umakbay.

Nakakakilig pero naiiyak na rin ako sa sobrang pagka guilty. Gustong-gusto ko na siyang akapin noon, at humingi ng tawad dahil batid ko’ng nasasaktan siya, pero nahihiya ako dahil nasa mezzanine pa kami at sobrang daming tao.

***************************

Ako lang yung pumasok sa CR, naiwan lang siya sa sofa sa labas kung saan kami nag usap ni Richard. Tumungo ako sa harap ng salamin, pinagmasdan ko ang aking sarili.., iniisip ko kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya. Hindi ko naman kasi inaasahan yun. Matagal na niya ako’ng tinutukso na mahal niya ako at medyo nasanay na rin ako doon sa pagtawag-tawag niya sa akin ng YABS pero iba yung maramdaman mo’ng seryoso pala siya sa mga pinagsasabi niya. Nakakaloka!

Ilang sandali pa’y lumabas na ako ng CR at tinumbok ko yung inuupuan niya.

“Human na ka? Nakaihi naka? Paspasa uy!” simula niya, nung makita ako’ng palabas.

“Dali na Bob!” pag-aaya niya.

Umupo ako sa tabi niya, saka sinadal ang ulo ko sa balikat niya. Pumikit ako’t sinusubukang kumuha ng lakas ng loob.

“Okay lang ka?” nag-aalala na naman yung boses niya.

“Jude…..” itinakip ko yung mga palad ko sa aking mukha. “Sabihin mo sa akin ang totoo… nasasaktan ba kita?”

“Ha? San naman nanggaling yan?”

Tiningnan ko siya. “Sagutin mo nalang.”

“Hindi! Ano ka ba!” ngumiti muna siya bago uli nagsalita. “Ako na ang pinakamasayang tao sa mundo kapag kasama ka.”

“Ano ba Jude…” kunot noo ko’ng sabi.

“Ano?!” pinisil niya yung pisnge ko, “Diba sabi ko sayo, malulungkot lang ako kung malungkot ka, masaya ako kung masaya ka; at masasaktan lang ako, kung masasaktan ka! Bakit? Nasasaktan ka ba?”

“Hindi!” mabilis ko’ng tugon. “Pero, Jude nasasaktan kita eh… na gi-guilty ako kasi ramdam ko’ng nasasaktan ka!”

“Hindi nga! Ako pa ba?”

“Bakit ka umiyak kanina nung nag-uusap tayo?”

Tahimik.

Umupo siya ng diretso, isinandal ang likod sa inuupuan naming sofa. “Wala yun.” pabulong niyang sabi.

“O, tingnan mo? Sabihin mo naman yung totoo oh!”

“Hindi nga! Ang goal ko is to make you happy! Happy ako na happy ka!” ngumiti siya uli, saka umakbay sa akin, pareho na kaming nakaharap sa pader sa harap namin. “Ang OA na natin.” Humalakhak siya. “Wag mo ako’ng isipin Bob, masaya ako…”

“Ang mahalaga naman ngayon ay okay na kayo ng koreanong hilaw!”

“Hindi pa!” pagsingit ko.

“Pero alam ko magiging okay na kayo.” Humarap siya sa akin, saka kinurot uli ako sa pisnge.

“Jude…”

“Uhm?” nakangiti siya.

“Jude… biruan lang naman yung sa atin diba?” kinakabahan ko’ng tanong.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “Mukha ba akong nagbibiro Bob?”

“Jude naman eh…” kunot noo at naiiyak ko’ng naibulalas.

Tumawa lang siya ng malakas. “Mas komportable ka ba’ng isiping biruan lang ito?”

“Jude… ano ba?” kinakabahan ako. “Mahal mo si Kat diba?”

“Oo naman! Sobra!”

“Oh ayun naman pala eh! So, biruan nga lang ito diba?”

Pareho kaming natahimik. Ako dahil hinihintay ang sagot niya, siya nama’y payapang pinagmamasdan ang mukha ko, nakangiti lang siya pero hindi ko mabasa kung masaya ba siya’ng talaga o nagpapanggap lang siya.

“Masyado ka namang nag-iisip eh…” hinawakan niya yung kamay ko, saka ininsert yung mga daliri niya sa bawat pagitan ng mga daliri ko. “Basta, masaya ako Bob… wag ka masyadong mag-iisip, maging masaya ka lang, masaya na ako…”

“Jude…”

“Hep… masaya ako na Yabs kita at Baby mo ako… hindi ko na iniisip kung biruan lang ito o kung may chance na magkatotoo, basta… masaya ako… masaya ako sayo…” inangat niya yung kamay ko, inilapit sa mukha niya saka hinalikan.

“Jude naman eh…”

“Bob naman eh…” tumawa siya. “Naiintindihan ko yung hindi mo masabi Bob. At promise walang magbabago.”

“Ha?”

“Ahhh… wag ka nalang mag isip! Wag mo na ako isipin, ang maganda ngayon nagkapatawaran na kayo ni Richard, at malay mo may mas maganda pang mangyari kaysa doon…”

“Wala na..., alam mo namang hindi niya ako gusto diba?”

“Gusto ka nun!” mas humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. “Basta Mahal kita. Kahit mahal mo na si Richard mahal kita! Kung mahal ka na rin niya, mahal kita! Kung maging kayo man, Mahal pa rin kita!” hinalikan niya ako sa gilid ng ulo.

“Jude naman eh…” bumuhos ang mga luha ko, hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko sa sinabi niya. Dapat ba ako’ng matuwa at ma-flatter? O maguilty kasi hindi ko naman kayang tumbasan yung affection na pinapakita niya.

“Uy! Umiiyak ka na naman. Tama na…” inakap niya ako.

“Ikaw eh…” paninisi ko.

Tumawa siya. “Mas comfortable ka talaga dun sa biruan?” ginulo niya ang buhok ko. “Sige… biro nalang…”

“So totoo nga?”

“Biro na nga lang!”

“Tsk!”

“Na gi-guilty ka pa rin?”

Tumango ako.

“O edi mahalin mo nalang din ako…” ngumisi siya. Tiningnan niya ako, at noong mapansin niyang naiiyak na ako uli at medyo nasira na yung mukha ko ay tumawa siya at saka binawi yung sinabi. “Joke lang… iiyak ka na naman eh…”

“Tara na? kain ka na ha… ako naman yung magsusubo sa iyo…” nag giggle yung loko.

“Hindi ako gutom eh…”

“Diet ka? Ang payat mo na nga eh! Mas gusto ba ng Koreanong hilaw ng Payatot?” tumawa siya. Pinunasan niya yung mga luha ko.

“Hindi naman ako ganoon ka payat ah.” Depensa ko.

“Payat ka! Kaya kahit ayaw mo, kakain ka! Susubuan kita!” hirit niya, saka ako inakay pabalik sa mesa namin.

It was so hard, alam ko namang nagsisinungaling siya nung sabihin niyang biro lang ang lahat. I know na ginawa niya na naman iyon to make me feel comfortable, at mas lalo ako’ng nagi-guilty. Kaso, hindi ko talaga alam ang gagawin noon eh; ayaw ko masaktan si Jude, pero hindi naman ako pwede’ng magsinungaling sa kanya. Mas pinagulo pa ang sitwasyon ng katotohanan na may girlfriend siya…

Gustuhin ko mang alamin ang totoo ay minabuti ko nalang na sundin siya – na hindi na masyado isipin yun. ayaw ko kasing mag kasira kami at magkailangan pag nagkataon… tama naman siya eh, dapat maging masaya lang ako, kaya dapat sikapin ko rin na pasayahin siya; kahit sa ganoong paraan man lang ay makaganti ako sa lahat ng kabutihang dulot niya.

**************************

Alas sais ng umaga kinabukasan. Mahimbing pa ako’ng natutulog kasama si kuya Ian, sobra kasi kaming napagod the night before dahil sa practice, medyo late na kami nakapagpahinga. Bale nasa isang kwarto kaming mga lalake (daw), dalawang single bed lang ang mayroon sa room na iyon kaya nag request nalang kami ng isa pa’ng kotson (foam) na pwedeng matulugan; at since ako yung pinakabata ay ako na yung natulog doon sa nirequest naming foam na inilatag sa sahig.

Hindi ko alam kung ano yung nangyari, basta nagising nalang ako dahil sa isang yakap. May tao noon sa likuran ko at nakapulupot ang isa niyang kamay sa bandang tiyan ko. Nagising ako dahil sa nakakakiliting buga ng hininga niya sa batok ko.

Tumagilid ako paharap sa kanya upang magawa ko’ng makilala yung taong nakayapos sa akin.

“Good morning!” nakangiti’ng Bungad niya sa akin. Halatang hininaan niya yung kanyang boses para hindi magising si kuya Ian na tulog pa rin noon.

“Jude?” nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung loko. “Anong ginagawa mo rito?”

“Na miss kita!” nakangiti pa rin yung gago.

“Hawa!” tinutulak ko palayo yung katawan niya, nahihiya kasi ako. “Wala pa ko naka toothbrush!”

“Ayaw saba! Tulog pa si Ian.”

“Alis ka kasi!”

“Okay lang man, ‘di naman mabaho!” saka inamoy yung bibig ko.

“Gago!” inalayo ko ulit yung mukha ko sa kanya. “Paano ka nakapasok?”

“Pinapasok ako ni Sir, kanina pa ako dun sa labas eh. Buti nalang maaga nagising ang adviser niyo.” Pinisil niya yung ilong ko.

“Kain ka na! may dala ako’ng tinapay at kape!” sabi niya.

“Pagod pa ako eh… gusto ko pa matulog…”

“Sige.” Ngumiti siya. “Tulog ka muna.”

“Bakit ka ba nandito?” minumble ko, nakakahiya pa rin yung amoy ng hininga ko.

“Yayayain sana kita mag jogging… tapos breakfast date tayo…”

“Ay Pakol jud ka!” ang totoo’y medyo kinilig ako doon, kung hindi nga lang talaga ako sobrang antok ay sinamahan ko na siya.

“Baby lagi!” hirit niya.

“Katulugon man ko Jude uy. Sorry ha…”

“Tulog pa pud daw ang mga girls, nag-unsa man diay mo?”

“Nag practice, late na kami nakatulog.”

“Okay, I understand. Tulog na sa, matulog nalang pud ko diri…” kinabig niya yung ulo ko palapit sa dibdib niya saka ako binalot sa mga bisig niya.

“I miss this.” Narinig ko’ng bulong niya, bago ko tuluyang pinikit ang aking mga mata. Hindi ko na alam kung talagang nakatulog ba si Jude, basta ang alam ko lang ay akap-akap niya ako habang nananaginip ang diwa ko. Palagay ko’y mas pinasarap ng init ng yakap ni Jude at nung bango ng sabong ginamit niya yung tulog ko.

*************************

8 am na nung magising ako dahil sa ingay ng mga babae ko’ng members. Sa kwarto kasi namin dinala ni Sir Joel ang tinake-out niyang pagkain galing sa isang fast food chain malapit doon sa hotel.

“Kain ka?” simula ni Jude. Medyo namumula na ang mukha niya at mukhang pinipigilan ang mga ngiti, sa isip ko’y siguradong kanina pa inaasar ng mga kasama ko si mokong.

Hindi ko siya sinagot, nahihiya pa rin ako sa hininga ko kaya, nagmadali na ako’ng pumunta sa banyo para umihi at mag sipilyo na rin. Pagkalabas ko’y nagtatawanan silang lahat, batid ko’ng ako yung sanhi ng katuwaan nila.

“Sige, libakin niyo ako…” simula ko.

Tawanan lang sila.

“Pinagalitan ko lang si Jude.” Depensa ng adviser namin. “Sinabihan ko lang na wag na ulit tatabi sa iyo sa kama at baka mabuntis ka niya.”

Tawanan na naman sila.

“Puyo mo uy!” nahihiya ko’ng tugon.

“Yabs, inassure ko naman si Sir na kung sakaling makabuo ay pananagutan ko. Binigay ko na yung address ko sa Cebu para alam niyo kung saan ako hahanapin.” Makulit na sabi ni Jude.

“Utro pud ka! Kauli na didto!” (Isa ka pa! Umuwi ka na nga!)

“Ayaw ko nga! Sabi ni Sir ayos lang na mag stay ako dito.” Ngumuso siya.

“Che!” pagmamaldita ko kunwari.

“Hala nag lilihi na ata!” hirit ni Patrise na siyang nagsimula ng muli nilang pagtatawanan.

“Ako ang pinaglilihian..” nag grin si loko.

“Yuck! Kawawa naman ang baby ko kung ganoon, ang pangit ng magiging itsura niya for sure!” sumakay na ako sa trip nila.

“Ang gwapo ko kayo… saka for sure ako ang kamukha niyan, ako ang ama eh!”

“Sira ulo!” nakitawa na ako sa kanila, saka kumuha ng isang pandesal na may palamang century tuna.

“Oh!” inabot niya sa akin ang isang supot ng tinapay. “Kain ka ng marami!”

“Para tumaba ako? Kasi payatot ako ganoon?” pabiro ko siyang inismiran.

“Hindi para sa iyo. Assuming! Para sa baby natin.” Ngumisi ang loko.

Tawanan.

“Ikaw yung assuming. Kung mabubuntis man ako, sure ako hindi ikaw ang ama!” ganti ko sa pangaalaska niya. Pabiro ko yung binitawan pero kaugnay nun ay ang kaunting katotohanan. Pumasok na naman noon sa isip ko si Kumag, kung nagkataong babae ako’t nabuntis ay siguradong si Kumag yung ama, pero sigurado rin ako’ng hindi niya yun pananagutan at malamang si Jude yung umako ng responsibilidad niya. Nakakalungkot man pero iyon ang totoo… kaya salamat nalang na hindi ako pinanganak na may matres kung sakali kasi.., Ay patay na! Mas magiging magulo lang ang sitwasyon naming lahat. (LOL)

**********************

Hindi na umuwi si Jude sa hotel na tinutuluyan nila, sa amin na siya nag stay at doon na rin nagbihis para sa students night. Inaya pa niya kaming mag jogging at sinisingil na naman ako sa breakfast date at hug niya pero hindi na rin siya umubra dahil nga sobra kaming pagod, at malamang iniiwasan rin niyang uminit ang ulo ko. (LOL)

6 pm pa magsisimula ang students night pero 2 pm pa lang ay nagsimula na kaming maghanda, especially yung mga babae naming members. Nasa kwarto kami noon ng mga babae,tinulungan ko kasi silang mag make-up at mag ayos ng buhok, (if you would ask kung bakit ako marunong mag make up at mag ayos ng buhok, the answer is ‘Im into cosplaying’ and I need to do my own make-up ang wig styling… actually you also need to learn how to do a haircut, para maayos mo yung wig na gagamitin mo to your desired style. Cosplaying is really fun pero it was never that easy, promise… >_<) kasama ko noon si Jude na parang na aamaze kung paano ko ginagawa ang lahat ng iyon.

Tahimik lang siya noong nanunood, pero paminsa’y napapansin ko siyang tila kinukunan ako ng mga picture gamit ang cellphone niya. Hinahayaan ko lang siya noon lalo’t hindi ko naman sigurado’ng ako nga ang kinukunan niya o kung kumukuha nga ba siya ng picture.

Kaya nung minsang mapansin ko’ng nakatutok na naman ang phone niya sa akin ay dagli ko itong inagaw mula sa pagkakahawak niya.

“Ano yan ha?” hiyaw ko noong hinablot ang phone niya sabay takbo at tumbok sa banyo. Noong makapasok na ay mabilis ko rin iyong nilock para hindi siya makasunod.

Katok siya ng katok noon, at pinapakiusapan ako’ng huwag nalang tingnan ang laman ng gallery niya. Actually hindi ko naman ugali yung makialam pero sa paraan ng pakikiusap niya na para nga’ng nagmamakaawa na, ay na curious ako kung ano nga ba ang tinatago niya doon.

“Yabs… ayaw i-delete ha… please…” mahinahon pero tunog nagmamakaawa pa rin siya. Itinigil na niya noon ang mga malalakas na katok na halos tibagin na ang pinto ng banyo, malamang naisip niya’ng  hindi na niya ako mapipigilan na buksan ang phone niya.

Ilang saglit pa’y natahimik na siya sa labas. Na gi-guilty man ay agad ko’ng binuksan ang gallery ng phone niya para ma-scan ang laman nito.

Una ko’ng tiningnan yung nasa camera folder, may mga lamang picture na kinunan nung umaga lang. May mga larawan ko’ng natutulog, pati selfie niya kung saan yakap-yakap niya ako. Nakita ko rin yung mga kinunan niya bago ko agawin ang phone niya, nakakatawa yung itsura ko sa ilang pictures, naroon yung mga pictures ko’ng nagkakamot, nagpupunas ng pawis, nakakanganga pati nga paghikab nakunan ng loko.

Sunod ako’ng nag scan ng iba pa’ng folders. Naroon yung mga selfies namin nung first date namin sa MOA (may mga kopya rin ako nun), nung date namin sa pool area, yung dinner namin kasama yung ibang team leaders, pati yung huling gabi naming magkasama.

May isang folder ding puro ako lang ang laman, yung iba alam ko’ng galing sa FB ko, marami roon ay mga cosplay pictures, meron ring mga stolen shots na siya mismo yung kumuha, lahat iba-iba yung expression at honestly clueless ako kung paano niya na capture iyon ng hindi ko man lang napapansin. Pero more than seeing those pictures mas nagulat ako doon sa pangalan ng folder ‘MY LOVE’.

Para nung niyanig ang isip ko, hindi naman ako nagalit (of course wala naman ako’ng dapat ikagalit doon diba?) pero sobra ako’ng nagulat. Alam ko madalas niyang sabihin yung mahal niya ako, pero hindi ko naman inexpect na nasa ganoon na siyang level. Paano ko ngayon iiwasang maisip na totoo nga ang lahat ng mga ginagawa o sinasabi niya? Honestly masyado ako noong kinakabahan, labis din ako’ng nagsisi kung bakit pinakialaman ko pa ang phone niya, pero naisip ko.., sundin nalang yung bilin niyang huwag masyado mag-isip, baka mas makabuti sa amin kung hindi nalang namin pag-usapan. Basta gagawin ko nalang yung best ko para mapaabot sa kanya kung gaano ko na aapreciate yung mga efforts niya.

Tahimik ako’ng lumabas ng banyo, nasa labas lang siya nung pinto noon kaya agad ko ring inabot sa kanya yung phone niya.

“Wala ka’ng binura?” paninigurado niya noong mahawakan ang phone niya.

Umiling lang ako.

“Yabs? Tiningnan mo lahat?”

Tumango lang ako.

Tahimik.

Naupo siya sa isang kama, katabi ni Ate Angel, pa scan scan lang siya sa phone niya at mukhang nababahala.

Ilang segundo rin siguro kaming tahimik, sa kabila ng ingay na galing sa mga girls.

“Baby…” nag aalinlangan ko’ng tawag kay Jude.

Dagli siyang lumingon sa direksyon ko, blanko ang mukha na tila hindi makapaniwalang tinawag ko siyang baby sa kabila ng mga nakita ko sa phone niya.

Nginitian ko siya, I want him to feel na okay lang ang lahat na wala namang problema “Bihis na tayo?” tanong ko.

(I know it was too shallow, pero before kasi ito mangyari inassure na sa akin ni Jude na kaibigan lang kami. I even confronted him, to know kung ano yung totoo.., wala naman ako’ng nakuhang maayos na sagot pero sinabi niyang FRIENDS kami at sa pagkakaintindi ko ay yun LANG iyon. Kaya nung makita ko yung mga photos plus yung caption eh, parang na confirm bigla lahat ng hinala ko… <o baka nag aasume lang ako>)

“Tara.” Ngumiti siya, saka tinumbok ang pwesto ko.

******************

“Hindi ka galit?” simula niya.

“Wala naman ako’ng dapat ikagalit eh… Biro lang naman yun diba?”

“Paano kung sabihin ko’ng hindi, magagalit ka ba?”

“Hindi pa rin, pictures lang yun…” pag aasure ko sa kanya.

“Bakit parang bigla ka’ng naging tahimik kanina?”

“Nabigla lang.” tipid ko’ng sagot.

Tahimik.

“Yabs? Wag mo na masyado isipin ha? Wala lang yun!”

“Alam ko namang wala lang yun eh… for sure pinagtitripan mo na naman ako….” Kinurot ko siya sa tagiliran.

Tumawa siya.

“Hindi ah…” bulong niya.

“Infairness ha, ang galing mo’ng kumuha! Pero, hindi ka ba natatakot na makita yan ni Kat?” tanong ko, gusto ko kasi ulit marinig sa kanya na mahal niya yung Girlfriend niya, at seryoso pa rin siya dito.

Natahimik siya, at tila may malalim na iniisip. “Tara na! Bihis na tayo!” tugon niya, saka ako inakbayan at inakay pa punta sa kwarto.

Hindi ko man nakuha ang nais ko’ng sagot ay hindi na ako nangulit pa. mas mabauti na siguro yung wala masyado kaming alam sa damdamin ng isa’t-isa.

******************

Sabay kaming nag shower ni Jude. Oo SABAY kami. Pero hindi nangyari ang mga iniisp niyo. Una, pareho kaming naka boxers. Pangalawa, Oo, Shinampoo ko yung buhok niya at siya rin sa akin, pero walang sabunang nangyari o hiluran. Pangatlo, hindi naman nagdikit yung mga katawan naming, habang naliligo. Pag ako yung gagamit ng shower, magpaparaya siya at ganoon din ang ginagawa kung siya naman ang gagamit. Pang-apat, ramdam ko yung respeto ni Jude sa akin. Maloko siya, Oo. Pero hindi siya manyakis na tulad ng iba. Kaya yung ligo na yun, ay ligo lang talaga. Hehe

Noong matapos kamiy agad na rin kaming nagbihis, wala na ni isa sa amin ang nag bukas ng topic tungkol doon sa folder sa phone niya. wala na rin kasi ako’ng balak na alamin pa kung biro nga lang ba ang lahat, kasi tama si Jude… pareho naman kaming masaya.

Naka suot ako noon ng plain white na long sleeved polo na pinares ko sa black na slacks, tuxedo at tie. (Parang pang J.S. Prom). Siya namay naka stripes na long sleeved polo, brown pants at naka jacket (again, hindi ko na naman alam ang tawag sa jacket na suot niya, pero it looks so classy at formal kahit na medyo ragged kung tutuusin yung combination ng suot niya). Nasa harap siya noon ng malaking salamin at tila nahihirapan na isuot ang neck tie niya, medyo magulo rin ang buhok niya noon, at mukhang natataranta noong makitang tapos na ako’ng magbihis. Kinuha ko ang phone ko, saka binuksan ang camera nun at kinunan ng picture si Jude. Naisip ko, mukhang okay na magkaroon rin ng remembrance ng mga cute na moments ng pakol ko… este baby pala!

Matapos i-check yung mga shots ko sa mokong, ay agad ko siyang nilapitan. Masuyo ko’ng iniharap ang katawan niya sa akin sabay abot ng necktie na nan aka sabit sa leeg niya. “Akon a…” paglalambing ko.

Para namang nanigas si Jude at tanging pagngiti lang ang naging tugon. Hindi ko alam kung bakit tila naiilang siya gayong halos araw-araw naman kaming mag kayakap at magkadikit, ibang-iba kasi ang ngiti niya noon na parang may bahid ng hiya. Paulit-ulit siyang nag kamot ng ulo na kadalasang ginagawa niya lang kapag naiilang, minsay napapapikit rin siya sa tuwing magtatama ang mga paningin namin. Ayaw ko mag assume, pero noon ay ramdam ko’ng kinikilig siya, kilig na ayaw niyang maramdaman ko pero kusang lumalabas sa kanya.

Naka aircon kami pero mabilis na nagbabagsakan ang mga butil ng pawis niya, na agad ko rin namang pinunasan gamit ang panyo ko sa bulsa; tila namaligno naman si loko na natatarantang agawin ang panyo mula sa kamay ko. “A ak-ko na…” nauutal niyang tugon.

“Ako na… para ito lang eh… mag relax ka nga!”

Nagkamot lang siya ng ulo.

“Ayusin ko buhok mo!” sabi ko.

“Hindi, ako na lang Bob…”

“Ano ba’ng nangyayari sa iyo?” hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge, para magawa niyang tumingin sa akin ng diretso. “Aayusin ko ang buhok mo, umupo ka!” utos ko, saka ko kinuha ang suklay at hair wax na gagamitin ko sa pagaayos ng buhok niya.

Marahan siyang umupo sa kama, tila wala pa rin siya sa kanyang sarili.

Inayos ko yung buhok niya (Actually hindi nga ata ayos ang ginawa ko, ginulo ko ata lalo, mas bagay kasi sa itsura niya iyon). The whole time na inaayusan ko siya ay tahimik lang siyang nakamasid sa akin, tila tinitimbang ang nararamdaman ko.

“Oh ayan. Ang gwapo mo lalo!” bulalas ko noong matapos ko’ng ayusin ang buhok niya.

“Talaga?” sabi niyang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

“Oo. Sobra! Pero hindi mo makikita kung hindi ka titingin sa salamin.”

“Hindi ko na kailangan tingnan, pag sinabi mo’ng gwapo ako… totoo yun!”

“Naman! Baby kita eh… ang gwapo mo! at siyempre ako yung nag ayos sa iyo eh…”

“Talaga? So…, mas gwapo ako kaysa kay…”

“Gwapo ka. Pero mas gwapo pa rin yung Papa at kuya ko…” pag putol ko sa sasabihin niya, kilala ko na kasi yung tinutukoy niya.

“Ayon… so pangatlo ako sa pinaka gwapo para sa iyo?” nangiti siya… ngiting masaya.

“Pang 100 something ka…” mabilis ko’ng sagot.

“Ganon? Ang layo…” biglang nawala ang mga ngiti sa labi niya, mukhang disappointed sa sagot ko.

“Oo! Ang dami ko’ng kamaganak eh… at siyempre una rin yung Best friend ko…”

“So? Sunod ako sa family ang friends?” nagningning ang mga mata niya.

“Uhm uhm…”

“Mas gwapo ako sa kanya?”

“Ang kulit mo!” sabay pisil sa ilong niya.

Natawa lang siya… mukhang baliw… alam niyo yung tatawa tapos ngingiti tapos titingnan ako tapos tatawa ulit… paulit-ulit… nakakaloko siyang tingnan, pero sobra niyang cute… nakakaaliw…

“Tara na! Para ka’ng baliw diyan!” mag aalas singko na rin noon kaya inaya ko na siyang pumunta sa kwarto ng mga girls.

Palabas na kami sa kwarto ng bigla niya ako’ng akbayan at bumulong sa tenga ko. “Bob… sayaw tayo mamaya ha…”

“Oo ba…hanggang sa mapagod ka… at hindi na kayaning sumayaw…”

“Sabi mo yan ha… di pa naman ako napapagod pag ikaw yung kasama…” humagikgik siya.

“Sira ulo!” sabi ko sabay hatak sa kanya paalis.

“Bob…” pagpigil niya uli sa akin.

“Ano na naman?”

“Sa…. Akin ka lang….. dumikit ha….” Nahihiya niyang sabi.

“Ano?” I gave him a quizzical look.

“Sige na… kahit mamaya lang…. please….” Nakita ko pa ang pag lunok niya ng laway.

“Ano ka ba Jude? Student’s night yung pupuntahan natin… siyempre kailangan kilalanin natin yung iba…”

“Kikilalanin natin sila ng sabay. Pwede naman eh….”

“Ju..”

“Bob… please…. Be mine… ngayong gabi lang…” pinutol niya yung sasabihin ko. Mabilis niyang ginapos sa mga palad niya ang dalawang kamay ko.

Sa isip ko’y gusto ko’ng mapasaya siya, kaya gagawin ko. Ilang oras lang naman ang hinihingi niya kumpara sa mga pighati at problemang dulot ko.

“Okay…” pabulong ko’ng sagot… “So I guess… this would be another friendly date?”

Saglit siyang natahimik… “Yah… friendly date…” saka ngumiti…

******************************

Pass six na nung makarating kami sa hotel. Agad na dumiretso ang adviser namin sa mezzanine kung saan gaganapin yung party for the faculty. Kami naman ay sa isang function room sa second floor ng hotel.

Bago kami pumasok sa venue ay muli pa akong ni remind ni Jude sa usapan namin. “Sakin ka lang didikit ha… ngayon lang naman eh… please…”

“Okay… promise…” tugon ko.

Isang halik ang muling iginawad ni Jude sa noo ko, bago kami tuluyang pumasok.

Ang daming tao, medyo nakakalula. Kasama na kasi pati yung ibang members plus yung mga observers galing sa mga non-participating schools. Nakakapit lang ako sa braso ni Jude noon habang sabay naming tinutumbok ang kinaroroonan ng mga kaibigan namin.

Nasa isang bilog na bar table noon sina Owen, Patrick at Nicole kasama ang mga members nila. Pagkarating namin sa table nila ay siyang paalam naman ni Jude para kausapin si Owen. Pumunta sila sa gilid nung room at doon ay tahimik silang nag-usap. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila, pero malakas ang pakiramdam ko’ng ako yun, madalas kasi silang lumilingon sa akin.

Ilang saglit pa’y bumalik si Jude sa tabi ko, saka muling nagpaalam sa grupo upang ipakilala naman ako sa mga ka team mates niya na nasa kabilang table lang.

“Okay na kay Owen. Tayo na ang mag ka date…” sabi niya, sabay akbay naman sa akin nung nasa mesa na kami ng mga teammates niya. 

Isa-isa niyang ipinakilala yung mga kagrupo niya at ipinakilala ko rin sa kanila ang mga ka-grupo ko. Tulad ng inaasahan ko, hindi naging mahirap mag click yung dalawang grupo. We speak the same dialect kasi at medyo kalog at cowboy din yung mga Cebuano.

Tuloy-tuloy lang ang pag-uusap namin ng biglang may mabuksang topic yung isa sa mga kasama ni Jude. (Hindi ko na papangalanan, marami kasing pwedeng makakilala eh. Mahirap rin gumamit ng mga code names baka kasi makalimutan ko at makagulo lang sa kwento.)

“Bob… kabalo ka, permi baya ka ginapasikat ni Jude sa amua…” sabi niya.

“Talaga? Ano namang sinasabi niya?”

“Marami eh. Hindi ka pa namin nakikita kilalang-kilala ka na namin.” Naaaliw niyang sagot.

“Nako, wag masyado kayong maniwala sa kanya.” nilingon ko noon si Jude na mukhang natutuwa naman sa pinag-uusapan namin ng mga kagrupo niya.

“Mukhang totoo naman eh. Mabait ka daw, mukha ka naman talagang mabait.” Hirit pa ng isa.

“Oo, at magaling ka daw kumanta, kaya sana marinig ka naman namin para mapatunayan naming nagsasabi nga siya ng totoo.”

“Binibiro lang kayo nitong mokong na ito!” sabay kurot ko sa tagiliran ng katabi.

“Walang araw na hindi ka kinukwento niyan sa amin Bob. Minsan nga sa mga kwento niya, feeling namin ay may relasyon kayo.” Rebelasyon ng isa.

Natahimik lang ako.

“Hiningi ko nga ang number mo sa kanya, kaya lang ayaw ibigay.” Sabi pa ng babae.

“Bakit naman ayaw mo’ng ibigay?” tanong ko kay jude na noon ay ngumingiti-ngiti lang na nakikinig sa amin.

“Wala.., babae eh…” nag flash siya ng isang nakakalokong ngiti.

“Pero hiningi ko rin Jude ah…” pagsingit ng lalaki niyang ka-grupo.

“Ay mas lalong hindi pwede!” mariin niyang sabi.

Tawanan naman lahat ng nasa mesa namin, pati ako’y natawa sa itsura ni Jude.

“Seloso!!!!” bulyaw sa kanya ng mga kasama niya. Marahil ay medyo napalakas ng kaunti ang mga boses namin (Ganoon ata talaga pag pinagsama ang mga bisaya sa isang mesa, mag mumukha talaga atang palengke ang eksena) dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao sa hall.

Ilang saglit pa’y lumipat na sa table namin sina owen at Nicole kasama ang mga members nila.

“Nic, wala pa ang date mo?” tanong ni Jude.

“Wala pa eh. Pero nandyan na ang mga ka grupo niya.” tugon ng dalaga.

Tuloy-tuloy lang kaming lahat sa chika-chika, tawanan at asaran. Marami na ring nagtutuksuhan ng crush crush… yung crush ni ano si ano at ni crush ni someone si someone, which is normal naman sa mga teen ager. Natutukso pa rin kami ni Jude pero sanay na kami eh, natatawa nalang kami pareho sa tuwing kami na yung napag-uusapan.

********************

Pasimula na yung program noong dumating si Kumag. Naka white lang siya noon na long sleeves na may black horizontal stripes. He dressed up too simple but he still look very very attractive to me. Naka ayos lang ang buhok sa usual hairstyle niya, pero iba yung glow niya noong gabi’ng iyon. Parang sobrang happy ng aura niya. I had never seen him that happy noong time na iyon…

Mabilis siyang lumapit sa amin. Sobrang laki ng ngiti sa labi, pati yung mga mata niya kitang-kitang nakangiti rin. Tumabi siya sa ka date niya noong gabing iyon, bale may nakapagitan sa aming isang tao – si ate angel. Noon ko nakitang may hawak-hawak na naman siyang bouquet, mas maliit kaysa doon sa bouquet ng red roses na binigay niya sa akin dati; isa pa, mga puti’ng rosas naman ang bitbit niya noon.

Lumapit sa akin si kumag saka bumulong (Yung bulong talaga na idinikit yung labi sa tenga) medyo umiwas pa ako ng kaunti, nakakailang eh. “Wag mo naman sana itong tanggihan for the third time.” Ngumiti siya sa akin, saka binigay yung flowers.

Nilingon ko si Jude, iniisip ko yung promise ko sa kanya na ‘sa kanya lang ako didikit’ sa gabing iyon. Blanko lang ang expression ni mokong, alam ko sinusubukan na naman niyang intindihin ang sitwasyon.

Binulungan ko rin si Richard. “Hindi ko tatanggihan, pero I think tonight, someone deserves it more…” (I just realize na ang bobo ko lang. sabi ko hindi ko tatanggihan, pero tinanggihan ko rin naman.)

Inabot ko yung bouquet kay Nicole saka nagpanggap na inutusan ako ni Richard na iabot iyon sa kanya. “Nic oh!” sabi ko sa babae noong inabot ang bulaklak.

Medyo natulala lang si Richard, gulat ata sa ginawa ko. Pero deadma na, I think that’s the right thing to do. Si Nicole yung date niya eh, so I think mas okay na siya yung makatanggap ng flowers. “Si Richard naman kasi, ang OA para iaabot lang eh iuutos pa!” bulalas ko, saka inalis ang tingin sa lalake.

************************

Nag simula ang program, si Sir Mike na speaker namin sa orientation ang host ng event. As what we all expected masyadong FUN yung buong program. Meron kaming mga guest from other countries, mostly mga CEO. Nag perform rin noon si Nikki Gil at Sam Concepcion. Nag bigay din noon ng message si Senator Bum Aquino (Hindi pa siya senator noon, tatakbo pa lang hehehe <early campaign I guess>). Medyo star struck ako noon sa kanya, especially nung naka shake hands ko siya, sobrang kamukha niya yung lolo niya in person. Ayieee…

Nag simula ang pacontest ng mga organizers. Naghanda sila ng mga premyo para sa mga students na makakasagot ng tama, notebook lang yun at ballpen na may tatak nung organization na kinabibilangan namin. Parang mga kiti-kiti ang lahat, unahan sa pagsagot sa mga random questions ni Sir Mike.

Maya-maya pa’y nagtanong uli siya. “What is the capital city of Brazil?”

Mabilis na tumakbo si Kumag sa harapan na siyang kinagulat naming mga kasama niya sa mesa.

“Uy, Mr. Destiny… nasaan yung kapartner mo?” tanong ni sir Mike.

“Ayun sir oh…” tinuro niya ako. “Iba po yung ka date…” dugtong niya.

“Ang bagal mo naman kasi…” biro ng host.

“Hindi sir ah! Kahit gaano ka kasi kabilis sir, kung laging wrong timing wala ring mangyayari…”

Hiyawan naman ang lahat ng estudyante sa banat ni kumag.

“Biro lang!” bawi niya.

“Okay… Mr. Destiny, sa brazil muna tayo. Mamaya na yang usapang puso…” tumawa ang host. “Anong sagot mo?”

“Ahmmm… Rio de janeiro po!” confident niyang sagot.

“Akala ko, sasabihin mo General Santos eh…” pagbibiro ng host. Pinacheck naman ng Host kung tama yung sagot ni kumag. Ginoogle pa ata. Hehe

Hindi naman sa pagyayabang, pero kung ano ang kina bobo ko sa language yun naman yung kinagaling ko sa mga capital cities. Memorize ko lahat ng iyon eh, pati currency, Yung mga bansag sa kanila, national costumes, flags, mga landmarks etc. etc… magaling ako dun! Hehe >.<

“Mali…” hirit ko. Napalingon naman sa akin yung mga kasama ko sa table.

“Anong sagot?” tanong ng isa sa mga teammates ni Jude.

“Brasilia.”

Nung marinig iyon, ay bigla nalang nila ako’ng tinulak papunta sa harapan. Hesitant ako, siyempre nakakahiya. Napakapit pa ako noon kay Jude na natatawa lang sa commotion.

“Sir Mike… Misster Destiny knows the answer!” sigaw ni Owen na siyang pumukaw sa atensiyon ng host.

“Bob… hala!” ginaya niya yung expression ko. “Tingnan mo nga naman, mapaglaro talaga ang tadhana.” Biro niya ulit.

Tawanan.

“Bob… Come here. Alam mo daw ang sagot eh.”

“Hindi po ako sure sir…” sabi ko, saka humakbang palapit sa kanya.

“Ano’ng sagot?” tanong niya; pinatong niya ang kanan niyang kamay sa balikat ko saka tinutok ang mic sa aking bibig.

“Brasilia po… I don’t know kung iyon pa rin, baka pinalitan eh…” nahihiya ko’ng tugon.

“Brasilia……………………. Is…………. The right answer!!!” diklara ng host.

Confident naman talaga ako’ng tama ang sagot ko eh, pero ayaw ko’ng mag mukhang nagyayabang. Masaya rin ako na manalo kaso, nung tingnan ko si Kumag ay nawala na yung ngiti niya. Naisip ko baka gusto’ng-gusto niya nung notebook at ballpen na premyo.

“Mr. Aragon. Here is your prize.” Inabot niya sa akin ang premyo. “At meron ka ring kiss galing sa destiny mo!” dugtong niya. Alam ko’ng biro niya lang iyon at gusto lang kaming tuksuhin ni Kumag. Pero naiba na yung mood nung muling magsigawan ang mga kapwa namin estudyante. “Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!”

Namula ako at mukhang ganoon na rin si Richard. Pareho kaming napako sa kinatatayuan namin at nakatitig lang sa isa’t-isa.

“Narinig niyo sila guys. Ano pa’ng hinihintay niyo?” sabi ng host.

“Ayaw ko sir!” pagtanggi ko.

“Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!” hiyawan nila uli.

“Hindi nga!” pag ayaw ko pa rin. Masyado na akong napapahiya.

Babalik na sana ako sa mesa namin ng pigilan ako ng host. “Bob… Hug nalang!”

“Sir…”

“Sige na, para hug lang!” pagpupumilit niya. “Mr. Oquendo, hug mo naman ang destiny mo!’

Nakita ko’ng lumapit si Richard sa amin saka ako ginawaran ng yakap. “Ayos! Para na rin ako’ng nanalo!” bulalas niya, na inagaw pa ang mic sa host.

Hiyawan uli ang mga estudyante ang iba’y hindi na napigilang kiligin. (For sure meron ring naiinis at naiinggit hahaha (Bleh) )

“Bakit ba hindi kayo yung mag kadate?”

“Si superman daw ang gusto niya sir eh.” Tugon ni kumag.

“Hindi. Okay na kasi ako kay Super Jude sir.” Depensa ko.

“Ay Hala!” panggagaya niya uli sa akin. “Kung may kanta ka para sa kanya Bob? Ano yun? at pwede mo bang kantahin?”

“Wala sir eh…” tipid ko’ng sagot.

“Ganoon? Hala!” pangaasar niya uli. “Baliktarin nalang natin. Kung may kanta ka Richard para kay Bob, ano yun?”

Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Kumag, kinuha niya ang mic saka kumanta ng Destiny.

“Baby you’re my destiny, you and I were meant to be… na na na na na na na na….” birit niya.

“Wow, ang ganda anong title niyan? Na na na na na na na?” hirit ni sir Mike.

Tawanan…

*************************************

Oras na nun para kumain, naghanda yung organization ng mga pica-pica. I don’t know what to call those foods, first time ko yung makita at mukha namang masarap.

Nasa isang table pa rin kami ni Jude, Ate angel, Owen, Kyra and Jayson. Yung ibang members ko nasa table ng mga kagrupo naman ni Jude.

“What do you want to eat?” tanong ni Jude.

“Sige lang, kukuha na lang kami later.” Marami pa kasing kumukuha ng pagkain sa table kung saan naka lagay ang mga pagkain.

“Hindi ako na. Anong gusto mo? Ikukuha kita.”

“Later nalang. Isang plate lang kami ni Ate Angel.” Sabi ko, na hindi na niya kinontra pa.

Hinintay namin ni Ate Angel na medyo kumaunti ang tao sa buffet table, bago kami pumila. Halos lahat kasi ng kasama namin sa mesa pati si Jude ay kumakain na.

Dili jud ko maulaw muingon na that time SUPER MANOL kaayo ming duha ni ate angel. First time naming pareho na makakita ng ganoong mga pagkain. I don’t eat heavy kapag dinner pero, nagbigay na ako ng exemption sa time na iyon. Mukhang mga artificial lang yung mga pagkain eh, especially yung mga cakes na usually nakikita ko lang sa TV at sa mga food magazine.

Pareho kaming nag decide ni Ate Angel to get one of every type of food na nasa mesa, para matikman namin. Ako yung humahawak sa pinggan habang siya naman yung naglalagay. Nung magawa na namin yung aming goal ay kumuha na rin siya ng dalawang large glass ng iced tea saka kami bumalik sa table.

Pagkarating namin sa mesa ay medyo hesitant na kaming tumuloy dahil occupied na nila Richard at Nicole yung space namin.

“Can we share?” Tanong ni Kumag nung makalapit kami.

“Sure.” Nginitian ko siya, saka ginala ang mga mata sa paligid para maghanap ng ibang vacant na mesa.

“Bob. Dito ka oh!” pag-aaya ni Kumag na gumawa ng space para paglapagan ng pinggan namin.

Naiilang man ay hindi na rin ako tumanggi, naisip ko kami naman talaga ang na una sa mesa’ng iyon eh. Nasa kaliwa ko lang noon si Kumag, kaya giniya ko yung katawan ko against him, ng magawa ko’ng humarap kay Ate Angel at siyempre kay Jude na katabi lang noon ng kaibigan ko.

Hindi naman nangungulit si Richard that time, pero hindi ko maiwasang hindi mapunta sa kanya ang attention ko, lalot naririnig ko yung pagka sweet nila ni Nicole sa isa’t-isa. May mga time na nagsusubuan sila na nag bigay ng uneasy feeling sa akin. Medyo nadudurog din ako sa tuwing naririnig ko’ng nag tatawanan sila, o kung nakikita ko yung mga mahihinang hampas ni Nicole sa kumag ko. Sa loob ko’y gusto ko’ng hilain palabas si Kumag at ilayo sa babaing kahapon lang naman niya nakilala pero kung makaarte ay parang girlfriend na.

Excited ako noong una na matikman yung mga pagkain, pero sa nakikita ko’ng sweetness ng NICOCHARD ay nawalan na ako ng gana. Medyo nawala ako sa senses ko.

“Yabs… nag text yung kuya mo.” binasag ni Jude yung na stre-stress ko’ng diwa.

“Ha?”

“Oh!” inabot niya yung phone niya at pinabasa yung text ng kuya ko. ‘Ingatan mo kapatid ko ha.’

“Magka text sila ng kuya mo?” bulong ni Richard sa akin. Sobrang hina ng boses niya, pero sobrang lapit niya lang sa akin na kahit yung kabog ng puso niya’y kaya’ng-kaya ko’ng marinig.

“Oo!” tipid ko’ng sagot, saka binalik ang cellphone ni Jude.

“Kelan pa?” tanong niya uli.

“Anong kelan?” pag singit naman ni Jude.

“Kelan pa daw kayo magkatext ni Kuya Xy.” Sagot ko.

“Ah, nung matapos ang orientation.” tiningnan pa ni Jude si Kumag na para ba’ng gusto’ng sabihin na ‘Ano ka ngayon? ha?!’.

“Araw-araw kayo magkatext?”

“Hindi naman. Minsan lang yan.” Sagot ko.

“Oo, minsan lang. Pero ang alam niya Boyfriend ako ni Bob!”

“Boyfriend?”

“Akala rin namin dati may relasyon sila. Araw-araw kasi tumatawag si Jude kay Bob eh.” Bulalas ni ate Angel.

Tahimik.

“Araw-araw pala kayong nagtatawagan, tapos hindi mo sinasagot yung mga tawag ni Ron at Jubie.” Malungkot na bulong ni Richard sa akin.

“Busy lang kasi talaga ako. Hindi lang siguro magka tagpo ang time namin nila Ron.”

“Tapos Boyfriend?”

“Hindi ah. Alam ng kuya ko na biruan lang yun. Pinaliwanag ko na sa kuya ko iyon, saka may Girlfriend si Jude.” Hindi ko alam kung bakit ako nag paliwanag, basta naramdaman ko nalang na kailangan ko’ng gawin iyon.
Tahimik.

*************************

Biglang kumabog ang mga speakers sa hall. Hudyat ata iyon ng pagsisimula ng sayawan. Lahat ng mga pinapatugtog noon ay mga upbeat songs, yung parang pang club.

“Yabs?” pagkuha ni Jude sa atensiyon ko.

“Uhm?”

“Nag promise ka ha…” nag pacute yung mokong, saka hinila ako papunta sa gitna ng hall.

Pareho kaming hindi marunong sumayaw, para lang kaming nag ba-bounce na dalawa, minsa’y parang nakukuryente kung igalaw ang katawan. Ilang kanta na rin siguro yung natapos at paulit-ulit lang yung steps ng sayaw namin ni Jude.

Ilang saglit pa’y bumulong siya na yakapin ko siya, na agad ko rin namang sinunod. Binalot rin niya ako sa mga bisig niya saka kami gumawa ng sarili naming rhythm. Kami lang ata ang natatanging nag wa-waltz sa kantang pang tugs-tugs. Nasa ganoon kaming ayos ng, biglang tawagin siya ng isa sa mga oraganizing committee, pinapapunta siya sa mezzanine hall kung saan nagbubunutan na sila ng mga makakalabang team for semi finals. Hindi kasi nakarating noon ang adviser nila Jude kaya siya yung kailangang gumawa bilang teamleader.

Sabay kaming tumakbo palabas ng hall, balak ko sana siyang samahan pero pinigilan niya ako’t ininsist na kaya niya na. Naiwan ako sa isang sofa sa labas ng hall, medyo napagod na rin kasi ako sa ingay sa loob at sa gulo ng maraming tao kaya, nagdecide ako’ng mag rest muna doon.

*********************

“Hi!” bati ni Kumag na nasa gilid na ng inuupuan ko. “Would you mind if I sit beside you?”

“Hindi naman.” Saka ako umurong upang maka-upo siya.

“May hinihintay ka?”

Umiling lang ako.

“Ahhhh…. Akala ko kasi may hinihintay ka’ng date.” Ngumiti siya.

“May date na ako eh.”

“Pero, kung sakali ba’ng dumating si Superman, makikipagdate ka talaga sa kanya?”

“Seryoso?”

“Oo… hindi naman imposible yun diba?”

Tumawa ako. “Ang realistic nga ata eh, ano? May darating na lalaking nasa labas ang brief at yayayain ako’ng makipag date.” Sarkastiko ko’ng sagot.

“Kailangan ba nakalabas ang brief pag superman? Pwede naman conservative version diba? Nasa pilipinas naman tayo eh…”

“Loko ka!” nagpakawala ako ng mahinang suntok sa braso niya.

Tawanan.

“Pero seriously Bob, would you give him a chance to spend the night with you?”

“Hmmmmm… some other time maybe? Kay Jude na ang gabi’ng ito eh. Naipangako ko na sa kanya.”

“Tsk. Wala pa lang laban si Superman kay Super Jude eh…” umiling-iling siya.

“Wala. Si Jude lang yung superhero na kahit walang super power ay alam ko’ng kayang-kaya ako’ng protektahan.”

Tahimik.

Mukhang mali ata yung sinabi ko, mukhang nagbigay na naman ako ng maling impression kay kumag at mukhang naiilang na naman siya. Sa isip ko ‘Kailangan ko’ng bumawi’.

“Chard oh.” Inabot ko sa kanya yung napanalunan ko’ng notebook at ballpen.

“Ano yan?”

“Sa iyo na!”

“Hindi, premyo mo yan eh. Saka mali naman yung sagot ko.”

“Rio naman talaga ang pinaka sikat na city sa brazil eh.”

“Pero hindi iyon ang capital city.” Ngumiti siya.

Nag smirk ako. “Mukha ka kasing naiiyak kanina eh! Naisip ko, mukhang gusto’ng-gusto mo itong notebook.”

“Hindi naman yun yung reason eh. Hindi mo kasi tinanggap yung flowers.”

“Hala! Kasi, mas deserve iyon ni Nicole. Siya kaya yung ka date mo.”

“Pero ikaw yung gusto ko!” sabi niya’ng nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

“Ano?”

“Ikaw yung gusto ko’ng bigyan ng flowers. At ikaw yung gusto ko’ng maka date.”

“Gusto rin naman kitang maka date eh… kaso na una na siya eh…” sa isip ko.

“Mukhang nag i-enjoy ka naman na ka-date siya ah.” Sabi ko.

“Nag i-enjoy, pero….”

“Tanggapin mo na Chard.” Pinatong ko yung notebook sa lap niya.

“Hindi na nga.”

“Iiyak rin ako kung tatanggihan mo. peace offering yan, sa pagiging rude ko saiyo kahapon.”

“O sige, salamat.” Ngumiti siya, habang binubuklat ang notebook. “Pero sana wag mo na rin ako tanggihan sa susunod ha.”

Ngumiti lang ako.

“Saka, panalo rin naman ako kanina eh…”

“Paano?” confused ko’ng tanong.

“Na hug kita eh…” namula siya. Kinagat niya yung lower lips niya, parang pinipigilan yung ngiti.

“Loko!” sinuntok ko uli ang braso niya.

“Totoo, feeling ko nga ako si Superman eh…”

“In your dreams Mr. Oquendo!”

“Bakit malayo ba ang itsura ko kay superman?”

“Yung totoo?”

“Sige na nga. Wag na! Pero, nag promise ka’ng i-de-date mo si superman ha.”

“Pabalik-balik ka naman eh…”

Tumawa lang siya.

Tahimik…

“Sana ganito nalang tayo palagi.” Simula niya.

Muli ngumiti lang ako. Na aawkward na naman ako eh.

“Okay lang din na magalit ka sa akin palagi, basta wag mo nalang ako uli iwasan.”

Tiningnan ko yung mga mata niya, ramdam ko’ng seryoso at sensero siya sa sinasabi. Noon ko sobrang naramdaman na miss na miss ko pala siya. Miss ko yung mga tingin niya, yung tingin na kahit hindi totoo’y nagpaparamdam sa akin na mahal niya ako, at hindi niya ako kayang mawala.

Unti-unti ay nalulunod na ako muli sa charm niya. Naramdaman ko’ng hinawakan niya ang pisnge ko pero hindi ko nagawang alisin ang mga tingin sa maamo niyang mukha. Hindi ko noon mapigilan yung isip ko na magdasal na sanay halikan niya ako, ng magawa ko muling matikman ang sarap ng halik ng lalaking pangarap ko. ng…

“Bob!” narinig ko’ng tinawag ako ni Jude, yun yung pumutol sa pantasya ko.

“Tapos na! Tara?” sabi niya uli.

Mabilis ako’ng tumayo, saka lumapit kay Jude. Ni hindi ko man lang nagawang tingnan uli si Kumag, nagi-guilty ako… naalala ko yung hiniling sa akin ni Jude…

Kumapit ako sa braso niya, saka sabay kaming pumasok uli sa hall. Si kumag nama’y naiwan doon sa upuan.

“Jude… may tinanong lang siya…” agad ko’ng paliwanag.

“Sino?”

“Si Richard.”

“Ahhhh… Ba’t ka nagpapaliwanag?”

Umiling lang ako.

***********************

Biglang naiba yung tugtug, mas naging romantic iyon. Instrumental lang yung musika, pero ramdam na ramdam ko ang damdamin ng bawat tugtug dahil sa mga magkapares na nagsasayaw ng sweet. Nakita ko si Ate angel na sinasayaw ni Jayson, si Owen naman at si Kyra, si Kuya Ian naman ay nakahanap rin ng pares ganoon din si Patrick at Gabby. Medyo nakaramdam ako nun ng inggit kaya agad ko’ng inaya si Jude, total alam ko’ng yun din naman ang gusto niyang mangyari.

Niyakap ko si Jude, saka kami nag sayaw sa tugtug na hindi pamilyar sa amin pero batid ko’ng para iyong nilikha para sayawin ko kasama ng isang espesyal na tao.

“Amoy Kimchi, nagpayakap ka sa kanya ano?” sabi niya, habang akap-akap pa rin ako.

“Wala ah… exclusive for Jude ang gabing ito eh…” paglalambing ko. pero ang totoo yung yakapin si Kumag ang isa sa mga gusto ko’ng gawin habang nag-uusap kami.

“Wala daw, niyakap ka niya kanina sa harap naming lahat.”

“Pinilit po nila ako Mr. David.”

Tumawa siya, “Masaya ka ba?”

“Oo naman…”

“Pero mas magiging masaya ka kung siya yung kasayaw mo?”

“Jude naman eh…”

“Thanks for trying Bob. You really made me feel special. Ang saya-saya ko. Pero whole day na ako’ng masaya eh, dapat maging masaya ka rin.”

“Masaya naman ako eh…”

“I mean… yung sobrang saya…” ngumiti siya, saka bumitaw sa akin at inakay ako palayo.

“Saan tayo pupunta?”

“Sa happiness mo…”

Sa isip ko’y alam ko na kung saan niya ako dadalhin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangang gawin iyon.

Noong makalabas na kamiy, agad niyang tinapik si Kumag na noon ay mukhang naiidlip sa kanyang mga palad. Hinila niya iyon patayo saka pinalapit sa akin. He even positioned our hands sa right place para sumayaw.

Halatang pareho kaming lutang ni Richard. Ako, nagtataka kung bakit niya ginawa iyon. Si Richard, nagtataka kung bakit hindi man lang ako tumanggi o umiwas na usually ginagawa ko sa tuwing pinaglalapit kami.

“Enjoy!” bulong ni Jude bago kami iniwan.

Binuksan niya ng kaunti ang pinto noon, para marinig rin naming sa labas ang tugtug. Hesitant ako noong humakbang, kahit ramdam ko’ng gusto na ni Richard na i-sway ang katawan naming pareho. Ayaw ko naman kasi siyang isayaw eh, ang tangi ko lang namang nais noon ay ang yakapin siya.

“Bob?” simula niya. Naka steady lang kaming pareho, habang ang mga kamay ay nakahawak sa katawan ng isa’t-isa.

“Bob? Favor please…” sabi niya ulit.

“Ano?”

“Can you unbutton my shirt?”

“Huh?” gulat ko’ng na ibulalas.

“Please…”

“Ano ba yang iniisip mo?!” pag iinarte ko.

“Sige na! Bubuksan mo lang naman eh.”

“Isa pa, iiwanan na kita rito!”

“Bob. It’s not what you think, I have a…………. basta, please buksan mo na!”

Tiningnan ko lang siya ng masama.

“Sige na. It was not something bastos. Just do it, trust me!”

Sinimulan ko’ng tanggalin sa pagkakabutones ang suot niyang polo. Simula sa pinaka taas pababa, nasa gitna’ng part pa lang ako ay aninag ko na ang tinatago niya sa loob ng kanyang polo. He’s wearing a blue superman shirt.

“Ano yan?” sabi ko. Hindi ko na nagawang tanggalin lahat sa pagkakabutones.

“Superman’s here… for you…..” parang slow motion naman yung nangyayari; mula sa pagpasok ng bawat salita niya sa tenga ko, hanggang sa ma process iyon ng katiting ko’ng utak. Pati yung pagngiti niya, sobrang bagal nun sa paningin ko. Ang Romantic!

Natawa lang ako sa ginawa at sinabi niya. Yung tawang dahil sa pinaghalong saya at kilig.

“Pinagtatawanan mo naman ako eh. Do you know na kanina ko pa pinag-iisipan kung ilalabas ko rin ang brief ko.” hirit niya.

Natawa lang uli ako.

“Hoy, ano ba? Wala namang nakakatawa eh.”

“Meron… hindi ka naman kasi nag bi-brief…”

Natawa rin siya. Marahil na relize niyang may point ako. (Both of us, do not wear briefs… hindi ko alam yung rason niya, pero ako ayaw ko sa briefs dahil ayaw ko nung feeling ng nakadikit siya sa singit ko. saka takot ako, baka umitim singit ko and the waist part. Si Jude nagsusuot siya ng Boxers at briefs at the same time. Conservative… haha)

“Bob… Im here to ask you for a date… bukas…” minodulate niya yung boses niya.

“Hindi ka naman si Superman ah… nag t-shirt lang superman na?” pakipot ako siyempre.

Nagkamot siya ng ulo. “Wait!” sabi niya, saka mabilis na pumasok sa hall.

Sumunod naman ako, pero hindi ko na mahagilap si kumag, mabilis siyang nag blend sa crowd eh. Labis naman ang pagtataka ng isip ko, hindi ko mawari kung ano yung binabalak na gawin ni Richard, para patunayang siya sa Superman.

Nasa likod na part pa rin ako nun ng hall, naghihintay ng susunod na mangyayari. Ng biglang naghiyawan at mukhang nagwawala yung mga tao, na parang nagkakagulo. Nung ibaling ko ang tingin sa pinanggagalingan ng ingay ay nakita ko si Richard, buhat-buhat nila Patrick at ng iba pa’ng boys, nagkukunwaring lumilipad. Nakadapa siya sa ere at naka posisyon ang mga kamay na parang lumilipad nga, naka tali rin ang hinubad niyang polo sa kanyang leeg na animo’y kapa ng isang superhero.

Paikot-ikot lang sila sa hall noon, hanggang sa ilapag siya ng mga nagbubuhat sa kanya sa harap ko.

“O? Do you believe me now?” bungad niya.

“Sira ulo ka, pinagod mo pa sila Patrick… saka paano kung napagalitan ka?”

“Ang dami mo namang concern. Gagawin ko lahat, kahit imposible para sa iyo Bob!”

Natahimik lang ako, hindi ko mapagtanto yung tunay na nararamdaman ko eh.

“Bob? Can I have a date with you tomorrow?” dirediretso niyang tanong.

“May semi finals bukas eh…”

“So you mean payag ka na?” tunog excited yung boses niya. “4:30 tapos na ang contest bukas Bob… alis agad tayo pagkatapos ng announcement tapos iuuwi kita mga 8pm sa hotel niyo.”

“Pag-iisipan ko.” nginitian ko siya. Pero sa isip ko’y may buo na ako’ng desisyon.

“Kailangan ko ba’ng lumipad uli? Tatawagin ko sila Patrick! diyan ka lang…” akma siyang pupunta kina Patrick para magpabuhat uli.

“Hindi.” Pag-pigil ko sa kanya. “Sige na! Naniniwala na ako, ikaw na Si Superman na nerd!”

“Nerd na hindi alam ang capital city ng Brazil!” hirit niya.

“Oo, pero Nerd na sobrang determined…”

“So? Payag ka na makipagdate sa nerd?”

Tumango lang ako.

At muli nasilayan ko ang naguumapaw na saya sa mukha ni kumag. “Thank you! Promise hindi ka magsisisi…” sabi niya, saka ako kinulong sa mga braso niya.

To be continued…

***************************

Note:

Feeling ko magkakasakit ako sa puso sa sobrang saya everytime na nababasa ko ang mga comments niyo. Hindi naman kasi ako nag expect ng super duper support na tulad ng binibigay niyo sa akin ngayon. Gusto ko lang mag pasalamat ng magpasalamat sa walang sawa niyo pagbabasa ng istoryang hindi naman sobrang ganda ng pagkakagawa. Sinusubukan ko po ang best ko na maging high quality rin ito just like those stories na gawa ng mga favorite Authors ko dito sa KM. however, writing is never easy talaga eh, lalo kung sadyang hindi ka naman nabiyayaan ng talent sa pagsusulat at matalinong utak; kaya tanggap ko na na ito lang ang kaya ko. Lagi po talaga ito’ng may maling grammar, inappropriate na words at probably maling spelling rin, hehehe pero kahit ganoon blessed pa rin ako to have readers like you… na broad yung understanding at genuine yung pagmamahal.

For everyone na nasa manila or nearby places… I’ll be in MOA SMX convention on October 1 and 2 for cosplay mania 2016. Ayiiieeee Im super super excited and I hope may ma meet ako’ng kahit isa sa inyo doon. I’ll be with my cousin Riho and some friends kaya dun sa may crush sa pinsan ko, its your time to shine girl.

Sir Allan II I LOVE YOU PO
-Do you still like the phasing? O gusto niyo fast forward na ako?
-Mahal mo? o mahal ka?

No comments:

Post a Comment

Read More Like This