Pages

Sunday, October 16, 2016

Started with a Breakup (Part 1)

By: Dan Blue

Since karaniwan naman ng stories dito sa blog na ito ay ipinapakilala muna ang sarili, ipapakilala ko na rin muna ang sarili ko. Ako si Jay, 3rd year college sa isang sikat na university sa Manila. Chinito ako, slim, 5'10", at magaling daw pumorma sabi nila. Noong high school ako ay sikat ako sa aming eskuwelahan. Babaero ako dati at nag-umpisa and istorya na ikukwento ko noong 4th year high school ako. May karibal ako sa kasikatan, si Christian. Hindi kami magkaaway. Tutal ay magkaibigan pa nga kami ngunit lagi kaming pinagbabangga ng mga tao. Siguro ay nais lang talaga nila kami makitang mag-away. Malapit kami sa isa't isa sapagkat sa iisang tropa lang kami. Guwapo si Christian kaya't marami din talagang nalapit sa kanyang mga babae, medyo kulot ang kaniyang buhok pero sobrang kinis ng kanyang mukha. Sa tingin ko ay nasa 5'8" siya at moreno. Isang beses ay nag-away kami sapagkat nagkagusto kami sa iisang babae pero nasolusyonan din naman namin yun
dalawa. Pagkatapos nun ay naibigan ko naman ang isa pa naming katropa na si Bianca. Maganda si Bianca. Morena at matalino. Beauty and brains ika nga. Ngunit ang crush niya nang panahon na iyon ay si Christian.

Ginawa ko ang lahat para ako ang mapansin niya. Niyayaya ko siya manuod ng sine, kumain sa labas, at binibigyan ko siya ng stuffed toys. Gumana naman ang charms ko. Isang gabi ay umamin siya sa akin sa text na unti unti na daw siya nahuhulog sa akin. Hindi kinalaunan ay lagi na kaming inaasar sa classroom. Naging kami makalipas ang isang buwan at ayos naman ang relationship namin. However, I noticed minsan na lagi pa rin kasama ni Bianca si Christian at hindi ko maiwasan magselos pero pinipigilan ko na lang ang sarili ko. Sabagay, tropa tropa naman kami. Isang araw sa klase, sinabi sa akin ni Cielo ( isa pa naming katropa na babae) na inamin daw sa kanya ni Bianca na may pagtingin pa rin ito kay Christian. Niyaya ko si Bianca na mag-usap kami sa canteen sa lunch break at pumayag naman siya. Nang maglunch break na ay dineretso ko na siya. I ended our relationship right then and there.Umiyak si Bianca. Hindi niya maintindihan kung bakit iniwan ko na lang
siya bigla. Pagkabalik ko sa classroom ay napaluha ako bigla (pero patak patak lang). Inaya ko si Christian na mag CR kaming dalawa at sa CR ay ikwinento ko sa kanya na wala na kami ni Bianca. Lingad sa kanyang kaalaman ay siya ang rason kung bakit kami naghiwalay.

"Grabe naman, bakit ba kayo naghiwalay?" Tanong ni Christian.

"Hindi ko siya mahal eh." Pagsisinungaling ko. Pero minahal ko talaga si Bianca. Ayaw ko lang malaman ni Christian ang dahilan dahil ayaw ko masira ang tropa namin.

"Sabi ko na nga ba eh. Parang tingin ko kasi hindi mo talaga siya mahal. Siya lang yung nageffort sa relationship niyo." Sabi ni Christian.  Loko ito ah. Nageeffort ako no!!!

Tinapik ni Christian ang likod ko at sinabi "okay lang yan brad. Marami pa namang iba diyan."

"Tama, tama ka diyan Chris." Pagsang-ayon ko.

Ang mga sumunod na linggo ay naging mahirap para sa akin. Para sa lahat, ako ang douchebag. Akala nila ay walang dahilan ang pakikipagbreak ko kay Bianca. Ako ang masama. Ako ang malandi. Ang ibang babae at bakla naman ay sinamantala ang pagkakataong ito para landiin ako pero di ako pumalag. Malungkot ako, aaminin ko.

Upang mabawasan ang lungkot ko ay inaya ako ni Christian manuod ng isang cartoon sa sinehan. Natawa ako sa kanya sapagkat high school na siya ay nanunuod pa siya ng mga ganun.

"Maganda daw kasi eh! Ang dami dami kong naririnig tapos lagi ko pa naririnig yung theme song ng palabas kung saan saan. Ang catchy!" Pagdadahilan niya.

"Asus. Palusot ka pa. Sige na. Manuod na tayo sa Saturday. Hahaha!" Natatawa kong sabi sa kaniya.

Simula nang makipagbreak ako kay Bianca ay si Christian na ang lagi kong kasama at katext. Sobra ang pasasalamat ko sa kaniya noong mga panahon na iyon sapagkat ang laking tulong niya. Kahit malungkot ako ay nagagawa niya akong mapatawa.

Dumating na ang Saturday at nagpreprepare na ako ng aking isusuot nang biglang nagtext si Christian.

"Uy, di ako makakasama. Sorry  "

Natulala ako. Ano daw?! Naggagayak na ako tapos tsaka siya magbaback-out? Naiinis na ako sa kaniya nang bigla siyang magtext ulit.

"Joke lang. Hehehe. Siyempre itutuloy ko. Importante ka sa akin no. "

Punyeta.

Nagreply ako ng "Kainis ka!! Akala ko naman :(( sige sige, papunta na ako sa mall. Doon na lang tayo magkita sa foodcourt  "

Nagkita kaming dalawa sa foodcourt at doon ko napagtanto na guwapo talaga si Christian. Bihira ko lang siya makitang naka casual at magaling din pala siyang pumorma. Parang siya yung tipong rugged/leather jacket type na lalaki.

"Uy! Ang preppy mo talaga! " Bati niya sa akin. Isinampay niya ang braso niya sa aking balikat at hinayaan ko na lang siya. Sabagay ay malaki naman ang naitulong niya sa akin these past few days.

Pumasok na kami sa sinehan at kahit pambata ang palabas ay nagenjoy naman ako dahil joke siya ng joke habang nanunuod kami.

"Alam mo kung bakit laging magkasama yung dalawang babae na iyan?" Bulong niya sa akin noong climax na ng palabas.

"Bakit?" Pagtataka ko.

"Tibo kasi sila. Hahaha!" Napalakas ang sabi niya at siniko ko siya.

"Loko! May mga bata dito." Bulong ko sa kanya na may tonong naiinis pero sa loob loob ay pinipigilan ko ang tawa ko.

Tutal ay nagbibiro naman na siya, nagbiro na rin ako.

"Nag-impake ka na ba? " tanong ko sa kaniya.

"Huh? Bakit? Para saan? Ay shit retreat pala natin next week!!!" Pag-aalala niya.

Kinotongan ko siya. "Hindi! Pupunta kasi tayong home for the aged." Sabi ko.

Nagtaka siya bigla at napakamot sa ulo niya. "Huh?"

Lumapit ako sa tenga niya at bumulong ng "kasi, I wanna grow old with you."

Tumahimik ako at tumingin sa mga mata niya habang pinipigil ang tawa ko.

Madilim sa sinehan kaya't hindi ko maaninag ang reaction niya.

"Ah.. eh..." pautal utal na siya magsalita. Hindi ko napigilang tumawa dahil doon. Napatawa ako ng malakas at lahat ng mga bata at magulang sa sinehan ay napatingin sa akin. Malungkot na kasi ang eksena nang bigla akong tumawa.

"Ayan, kulit mo kasi eh." Natatawang sabi ni Christian.

Hanggang sa matapos ang pelikula ay tawa siya ng tawa habang ako ay namumula na sa kahihiyan. Paglabas ng sinehan ay binatukan ko siya.

"Loko! Ikaw tuloy! Nagsitinginan silang lahat sa akin." Naiinis kong sigaw sa kanya. Tawa pa rin siya ng tawa.

Pumasok kami sa isang fastfood restaurant at doon kami naghapunan.

"Anong gusto mo? Ililibre na kita." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Aba, anong meron sa'yo? Nilalagnat ka ba?" Pabiro kong sabi.

Nagpaliwanag siya na gusto lang niya ako ilibre talaga.

"Sige, 1 piece chicken with rice tapos mashed potato." Sabi ko sa kaniya.

Pagkakuha namin ng order namin ay kumain na kami agad.

"Ano bang lasa niyan? Parang hindi naman masarap eh." Tanong niya sakin habang tinuturo ang mashed potato.

"OY! Favorite ko iyong mashed potatoes no!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Sorry naman. Patikim nga. " nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ano ka?!" Pagmamaktol ko.

"Sige na...pleaseeee!" Pagpipilit niya sa akin.

"Ito na oh." Iniabot ko sa kaniya yung lalagyanan ng mashed potato.

"Subuan mo ko." Utos niya na may kasamang nakakainis na ngisi.

"Ano bang trip mo?!?!" Noong una, nanunuod siya ng pambata. Ngayon naman ay nagpapasubo pa. Retarded ata itong si Christian eh.

"Sige na, nilibre naman kita eh."

So ako pa pala may utang na loob ngayon.

"Ito na oh." Sumuko na ako at sinubuan ko na siya.

Inunti unti pa niya ang pagsubo sa mashed potato.

"Oh, masarap diba?" Sabi ko.

"Oo. Lalo na't ikaw pa ang nagsubo." Pabiro niya sa aking kindat.

"Loko!" Tapos binato ko sa kaniya ang kutsara ko.

Pagkatapos namin kumain ni Christian sa fastfood ay nag-ikot ikot muna kami. May nakita siyang magandang damit sa department store kaya't gusto niya itong sukatin. May nakita rin akong magandang damit kaya't nagsukat na rin ako.

Pumasok kami sa iisang fitting room sapagkat puno na yung ibang fitting room ng department store. Naghubad na kami ng damit at napatingin ako sa kaniya. Konti na lang ay nagkakaabs na siya. Nahiya naman ako sa katawan ko. Wala kasi akong sipag pagdating sa exercise kaya't normal lang ang pangangatawan ko.

"Oh, anong tinitingin tingin mo diyan? Yung abs ko ba?" Natatawa niyang sabi.

"Loko! Wala ka ngang abs hahahaha" pang-asar ko sa kanya.

"Ikaw din naman eh hahahha" ganti niya.

Sinukat namin ang mga damit at nagustuhan niya yung sinukat niya samantalang ayaw ko naman yung nakuha ko. Hindi pala maganda. Pagkatapos niya bilhin ang damit ay nagdesisyon na kaming dalawa umuwi. Inakbayan niya ako bago kami maghiwalay.

"Salamat sa araw na ito Jay ah. Ang saya pala pag may kasa-kasama ka." Nakangiti niyang sabi sa akin

"Sige sige, okay lang. Salamat din."   Yun lang ang tangi kong nasabi sa kaniya. Hindi kasi talaga ako pala-emote na klase ng tao. Sumakay na ako ng bus at nang medyo nakalayo layo na ako ay tsaka ko siya naisipan itext.

"Salamat Christian  ako din, sobrang nag-enjoy sa araw na ito. Ulitin natin ito ah? Salamat... bestfriend " nakangiti ako pagkatapos ko ito isend.

Makalipas ang ilang minuto ay nagreply siya. "Ingat ka pauwi ah. Tatanga tanga ka pa naman haha joke. Thanks din... bestfriend "

Natuwa ako dahil sa buong buhay ko ay unang beses ko ito na may tawagin akong bestfriend.

Itutuloy

No comments:

Post a Comment

Read More Like This