Pages

Monday, October 31, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 17)

By: Bobbylove

“Safe Haven”

(Love is… not worrying about a thing when I’m with you…

Lahat tayo ay may kanya-kanyang comfort zone; ito ay maaring isang bagay, lugar o kaya’y tao na nakapagbibigay ng kaginhawaan sa oras na pakiramdam natin ay kaaway natin ang buong mundo. Madalas dito’y mas nagiging malaya tayo o di naman kaya’y mas naipapahayag natin ang tunay nating mga saloobin.

In my case, I have my childhood blanket with me, (until now kahit gulagulanit na, I can’t sleep without it) it gives me comfort at yung feeling na nasa teretoryo ko lang ako at walang sino man ang makakapanakit sa akin. I also have the necklace na bigay ng kuya ko, (binigay ko na sa kapatid ni Richard) laging pinapaalala nun sa akin na magaling ako at malakas everytime I feel anxious at kung natatakot ako.

Sa isang taong nagmamahal ang kanyang tanging kanlungan ay ang bisig ng taong tinitibok ng kanyang puso. Dito’y nawawala lahat ng pangamba at nagiging pag-asa; napapalitan ng matamis na ngiti ang lahat ng mapait na pighati; at dito’y pakiramdam mo ikaw ang pinaka makapangyarihang tao sa mundo at ang lahat ay sasangayon sa iyong kagustuhan at para kaligayahan mo. nagbibigay din yun ng fulfillment, yung tipong nasa iyo na ang lahat at hindi ka na maghahangad ng kahit ano pa man…

Pag nasa piling ka ng taong iyong iniibig ay hindi ka na mangangamba at mag-iisip pa ng kahit na ano, pakiramdam mo’y laging masaya at makulay ang isang magulo at mapanakit na mundo.

***

Sa FB, a friend (na may crush kay Jude “J.J.I”) asked me kung ano daw ba ang difference ng yakap ni Richard sa yakap ni Jude. According to him/her (LOL) parehong yakap lang naman daw iyon at mas masarap daw di hamak na yakapin ang taong may hot na katawan kaysa sa taong maganda lang ang mukha.

Feeling ko, hindi naman yun tungkol sa yakap o physical appearance ng taong niyayakap.., sa akin, tungkol yun sa nararamdaman mo towards the person na niyayakap mo. siyempre iba yung feeling ng yakap ng magulang sa yakap ng kaibigan, parehong masarap pero may isang mas matimbang, Diba? Ganoon din yung feeling ko noon, kahit isang libong yakap pa ang igawad sa iyo ng taong mahal mo ay kayang-kaya pa rin itong higitan ng isang segundo’ng yakap mula sa taong mas mahal mo. (I hope may sense yung pinagsasabi ko (LOL) nakakatakot naman kasi mag expound at mag point out ng kung anu-ano, for sure kasi may ilang magagalit… >_< peace po) 

******************

Hindi ko man napatunayan ay batid ko’ng hindi na lang basta biro ang nararamdaman ni Jude para sa akin. Bigla ko nalang naramdaman na mukhang nasasaktan ko siya ng hindi ko man lang namamalayan. Kinain ako ng sarili ko’ng konsensya; nainis ako sa aking sarili dahil hindi ko man lang nabatid na nasasaktan ko na ang taong labis na nagmamalasakit sa akin.

Sinubukan ko’ng alamin ang totoo mula kay Jude, pero wala rin akong nakuhang maayos na sagot. Sa kabila kasi ng sakit na nararamdaman niya’y kaligayahan ko parin ang kanyang inuuna.

Ipinangako ko sa kanyang ilalaan ko ang buong gabi ng students night para sa kanya; kaya ginawa ko ang lahat para kahit papaano’y makalayo kay kumag at matupad ang pangako sa lalaking laging nasa tabi ko. Pero, sadyang mapaglaro si Destiny at sobrang maunawain si Jude, muli siyang nagparaya para sa kaligayahan ko… para magawa ko’ng mahagkan si superman…

*******************

Matapos ko’ng pumayag sa alok niya’y, ginapos niya ako sa kanyang mga bisig. Sobrang higpit nun, na halos ayaw na niya ako’ng pakawalan. Batid ko’ng tila naluluha siya, habang paulit-ulit na nagpapasalamat at ipinapangako na gagawing espesyal ang aming magiging date.

For a time, ay hinayaan ko’ng malulong ako sa sarap ng kanyang yakap, sobrang init na katawan niya na nanunuot sa kaibuturan ng aking pagkatao. Hindi ko alam kung totoo, pero batid ko’ng mahal niya ako at tulad ko’y nais niyang magtagal ng habangbuhay ang sandaling iyon. 

Dumulas ang mga kamay ko paakyat sa likuran niya, marahan ko’ng dinama ang katawan ng lalaking pinapangarap ko. Nasa kamay ko na siya, pero wala pa ring kasiguraduhan ang minimithi ko. Hawak ko siya, pero hindi ko naman siya pag-aari. Pero noong mga panahong iyon ay hindi ko na inisip ang katotohanan, kung kakailanganin ko’ng mabuhay sa kasinungalingan gagawin ko mayapos lamang siya, kahit panandalian…

Niyakap ko rin ng mahigpit ang katawan niya, gusto ko’ng malaman niya na ayaw ko’ng matapos ang sandaling iyon… gusto ko’ng sabihin sa kanya kung gaano ko kagusto na gawin iyon… kasabay ng pagtugtug ng isang romantikong awit ay ang muling pagbuhos ng aking mga luha, pero hindi na dahil sa sakit kundi sa labis na galak… na sa wakas na gawa ko uling yakapin ang kauna-unahang lalaking nagustuhan ko.

“You’re crying?” simula ni Richard.

“Hindi.”

“Hindi? Basa na ang T-shirt ko oh…”

Hindi ko lang siya pinansin.

“Is there anything that bothers you?”

“Wala.”

“Ganoon naman pala eh. Tahan na, baka isipin nila pinapaiyak na kita."

Noon ko napansin ang mga matang nakatutok sa amin, kasama si Sir. Mike na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi kami tinukso, nakangiti siyang nakamasid sa amin na parang nanonood ng teleserye. Wala ring ni-isa sa mga nakatutok sa amin ang gumawa ng ingay o nagsalita, mukhang lahat sila’y naki cooperate sa pakulo ng tadhana.

“Baka hinihintay ka na ni Nicole.” Bulalas ko, saka sinubukang kumalas sa pagkakayakap niya.

“Hindi yan.”

“Nakakahiya na. Pinagtitinginan tayo.”

“Hayaan mo sila. Matagal ko ng gusto’ng gawin ito!” giit niya.

“Richard. Tama na.” sinubukan ko uli alisin ang pagkakabalot ng mga bisig niya sa katawan ko.

“5 minutes Bob… please…” mas humigpit ang pagkakayakap niya sa katawan ko. Hinawakan niya rin yung likuran ng ulo ko saka madiin na idinikit ang iyon sa dibdib niya.

Pinagbigyan ko siya.

“Bob?”

“Uhm?”

“Yakapin mo naman ako uli oh… please…”

“Chard!”

“Sige na please…” tunog nagmamakaawa ang boses niya.

Muli nga ay iginiya ko ang aking mga kamay upang balutin ang katawan niya. Tama siya, matagal ko rin namang gustong gawin iyon, kaya hindi na ako padadaig sa hiya. Nung panahong iyon ay nabuo sa isip ko na sulitin ang pagkakataon, lalo’t hindi ko alam kung hanggang kailan maganda ang takbo ng istorya namin ni Richard.

Maya-maya’y hinalikan niya ako ng tatlong beses sa aking kanang pisnge. “Salamat Bob. Thank you for this Magical night.” Bulong niya habang paulit-ulit na dinadampi ang labi niya sa pawisan ko’ng pisnge.

Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Hindi ko na rin ininda ang mga taong nakapaligid sa amin. Masaya ang puso ko eh, at iyon ang importante. Kahit na sa kabila ng saya’y nalilito ako kung tunay nga ba ang pinapakita niya, dahil dati’y pauli-ulit niyang sinabi sa akin na lalake siya’t hindi maaring umibig sa isang bakla. Aaminin ko, may mga sandaling nagdududa ako noon, pero kakaibang Richard ang nasa harapan ko eh, isang lalaking pakiramdam ko’y kayang-kaya ako’ng panindigan at ipagmalaki. Yung kanyang yakap at halik at kung paano niya banggitin ang pangalan ko’y parang may kakaibang ipinapadama sa puso ko.., para iyong nangangako na iingatan niya ako at parang humihiling na pagkatiwalaan ko siya.

***********************

Natagpuan ko si Jude sa pinakadulong lamesa, mukhang ginagawa niyang alak ang iced tea.

“Wow… nagpapakalunod ka ata sa iced tea! Sayang ang abs mo diyan!” biro ko sa kanya noong marating ko ang kanyang pwesto.

Ngumiti lang siya. “Okay lang. wala rin namang makikinabang nito!”

Gumanti lang ako ng ngiti. Dinedma ko na ang sagot niya. “Doon tayo. Boring dito oh.”

“Hindi. Okay lang ako dito.” Muli, ngumiti siya.

Tinabihan ko siya, saka masuyong pinulupot ang mga bisig ko sa katawan niya. “Jude, thank you…” sabi ko.

Agad din siyang gumanti ng yakap, saka hinalikan ang noo ko. “Lasang Koreano ah!” Panunudyo niya.

“Sira ulo! Hindi naman niya ako diyan hinalikan eh…”

“Alam ko. Nakita ko eh…” naramdaman ko yung kirot sa boses niya sa kabila ng ngiti sa kanyang labi.

“Sorry…” bulong ko.

“Bakit ka nag sosorry? Hindi ka ba masaya?”

“Masaya… pero…”

“Ayun naman pala eh! Masaya ka. Yun yung mahalaga!” pagputol niya sa dapat na sasabihin ko.

“Jude…”

“Kung iniisip mo ako. Sinasabi ko sa iyo, tigilan mo na yan! Masaya na ako’ng makita ka’ng masaya! Huwag ko lang malalaman na sinaktan ka niya! Papatayin ko siya!” Hindi niya uli ako pinatapos.

That’s one thing na kinamamanghaan ko kay Jude, lagi niya’ng alam ang tumatakbo sa isip ko. My best friend would always describe it as ‘Peak relationship’ hindi ko alam kung saan niya yan napulot, pero lagi niya yang sinasabi sa akin everytime na pareho ang takbo ng mga utak namin. Pero since 1st year high school pa kami best friends ni Anthony; si Jude halos 4 weeks ko pa lang nakakasalamuha pero yung pagkakakilala niya sa akin ay parang buong buhay na kami’ng magkasama.

“Jude…”

“Shhhh… Masaya nga ako.”

“Alam ko. May Kat ka eh…” hirit ko.

Ginulo niya ang buhok ko. “Tigilan mo nga yan!”

“Bakit? Totoo naman ah…”

“Tsk. Tumigil ka.” Nagsalubong ang mga kilay niya, na siyang nagpatahimik sa akin.

Saglit kaming natahimik ni Jude, pero pareho pa rin kaming nakayakap sa isa’t-isa. Ilang saglit pa’y mas hinigpitan niya yung pagkakayakap sa akin, saka ako inamoy-amoy.

“Amoy Richard ka talaga yabs eh!” hirit niya, saka kumawala sa pagkakayakap sa akin.

“Loko! So, ayaw mo na akong yakapin?”

“May sinabi ba ako’ng ganoon?”

Nagtama ang aming mga paningin. Mukhang seryoso si mokong, damang-dama at kitang-kita ko sa expression ng mga mata niya.

“Siyempre gusto kitang yakapin. Pero hindi ngayon. Parang ko’ng niyayakap si Richard sa tuwing niyayakap kita eh.” Nag babata-bataan naman siya.

Natawa lang ako, lalo nung makita ko’ng parang nandidiri ang mukha niya. “Gago!” sabi ko, sabay suntok sa kanyang braso.

“Kayo na?” bigla niyang tinanong.

“Huh? Hindi ko nga sigurado kung gusto niya ako.”

“Gusto ka niya… sigurado ako.” Kumuha siya ng chips sa plato sa harap saka sinubo iyon.

“Loko! Pinapaasa mo na naman ako eh… baka lumagapak na naman ako nito ha…” natatawa ko’ng sabi.

“Hindi ah! Wag ka’ng mag-alala dahil sasaluhin kita. Pagkatapos nun, ay bubugbugin ko siya! Gago siya, pinakawalan ka pa!” sumubo ulit siya ng chips.

“Sira ulo!” sinuntok ko uli siya sa braso habang tumatawa, pero sa loob ko’y mukhang wala na talagang tatalo sa pagkaconcern ni Jude sa akin.

“Pero sana.., pagdumating ang panahon na iyon… ako naman ang piliin mo.” dugtong niya.

“Ha? May Kat ka naman ah! Saka, wala naman ako’ng pinipili…”

“Asus, wala daw.” Kinurot niya ako sa pisnge.

“Wala naman talaga ah.”

“So, sinasabi mo’ng may chance pa ako?”

“Ano ba’ng pinagsasabi mo Jude?”

“Tingnan mo?! Umiiwas ka naman eh…” ngumiti siya, saka huminga ng malalim. “Okay lang…”

Muli kaming natahimik, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya, pero ako paulit-ulit ko’ng iniisip kung may mali ba ako’ng nasabi o kung nagmumukha ba’ng binibigyan ko siya ng false hope. Hindi ko kasi masabi sa kanya ng diretso, dahil hindi naman ako sigurado kung ano nga ang nararamdaman niya, at hindi pa rin naman ako sigurado kung kaya ko na ba’ng panindigan ang nararamdaman ko. Ayaw ko’ng magmukhang nag aasume, mukhang wala naman kasing maniniwala na magugustuhan ng lalaking tulad ni Jude ang isang baklang tulad ko.., eh kahit ako nga, hindi rin makapaniwala eh…

“Jude?”

“Uhm?”

“Inaya niya ako’ng makipagdate bukas...” may pagaalinlangan ko’ng sabi sa kanya.

“Bukas? May semifinals ah.” Kunot noo niyang tanong.

“After naman ng semis eh…”

“Okay… bakit ka nagpapaalam?”

“Wala… Baby kita eh…”

“So mahalaga sa iyo ang approval ko dahil baby mo ako?”

“Siyempre!”

“Ganoon? So pagsinabi ko ba’ng hindi pwede, hindi mo na itutuloy?”

Saglit ako’ng natahimik, tinitimbang kung seryoso ba siya sa sinasabi.

“Bakit? Ayaw mo ba’ng ituloy ko?” nagaalanagan ko’ng tanong.

Tumawa siya. “Yung totoo?”

“So, ayaw mo nga?”

Tumawa lang siya ulit. “Loko! Matitiis ko ba’ng malungkot ka? Siyempre papayag ako, doon ka masaya eh!”

“Sigurado ka Jude?”

Niyakap niya ako. “Huwag ka na nga nag-iisip ng kung anu-ano.” Inakay niya ako sa gitna ng hall ng hindi inaalis ang pagkakayakap sa akin. “Sayaw nalang tayo ulit.” Sabi niya, saka ulit namin sinabayan ang tugtog.

Magkahawak kamay kami ni Jude habang sinasabayan ang tugtog, ng bigla lumapit sa amin sina Richard at Nicole. Nakalingkis ang mga kamay ng babae sa leeg ni kumag habang yung huli naman ay nakahawak sa balingkinitang balakang ng dalaga. Masyado’ng mainit ang titig ng babae sa lalaking kanina lang ay yakap-yakap ko; bagamat blanko ang expression ng lalake ay kitang-kita ko naman ang mga ngiti niyang sumasalamin sa kaligayahang kanyang nababatid.

Nakaramdam ako ng selos noon. Alam ko wala ako’ng karapatan, pero hindi ko mapigilan ang kung ano’ng bagay na tumutusok sa aking puso. Sa tuwing nakikita ko siyang masaya sa iba’y parang gusto ko siyang hablutin na lamang bigla at tangayin palayo, gusto ko’ng ako lang ang hawakan niya… gusto ko’ng ako lang ang isayaw niya… gusto ko’ng akin lang ang mga titig niya… selfish man pakinggan, pero gusto ko’ng sa akin lang siya.

Nakakainis dahil ako naman ang nag sabi sa kanyang bumalik kay Nicole, tapos nung sinunod niya naman ang nais ko’y, parang libo-libo’ng sibat ang tumama sa puso ko. Masakit… sobrang sakit… yung tipong mag tagal pa ng kaunti ay titigil na sa pagtibok ang puso ko.

Bigla nalang inihilig ni Jude ang ulo ko sa kanyang dibdib, marahil ay nararamdaman niyang nasasaktan ako sa aking nakikita. Binalot niya ako sa kanyang mga bisig, habang tuloy-tuloy lang ang aming mga paa sa pagsasayaw. Batid ko’ng ipinapaalala ni Jude sa akin na nasa tabi ko lang siya’t hindi niya ako bibitawan.

Noong maramdamang tumulo na ang mga luha ko’y saka niya ako inakay pabalik sa mesa namin.

“Ikukuha kita ng tubig.” Matipid na pagpapaalam ni Jude, saka ako iniwan at tinubok ang water dispenser sa bandang harapan ng hall.

Nung umalis si Jude, ay saka naman lumapit si Richard sa mesa’ng kinaroroonan ko.

“Bob… Sayaw tayo?” simula niya.

“Pagod na ako eh…”

“Pero hindi pa tayo nagsasayaw eh.” Puppy face siya. (Mas cute pag si Jude yung gumagawa. Expert yun eh…)

“Pagod na talaga ako eh….” Giit ko pa rin.

“Kanina pa kita gusto hiramin kay Jude eh… kaso hindi ako makakuha ng right timing dahil sa mukhang nag eenjoy naman kayo’ng magkayap…”

“Nag enjoy ka rin naman kay Nicole eh.” Pinilit ko’ng huwag ipahalatang naiinis ako.

“Oo.., pero iba siyempre kung ikaw iyon!”

“Bolero… balik ka na doon sa Nicole mo! Baka hinahanap ka na nun!”

“Huh? Nicole ko?” nagkamot siya ng ulo. “Hindi… hindi Bob… mali yung iniisip mo…”

“Anong mali?”

“Magkaibigan lang kami…”

“Okay… magkaibigan lang rin naman tayo…”

Marahan lang siya tumango.

Tahimik.

“Sige na. Enjoy mo na yung date mo.” medyo matalas yung pagkakasabi ko, dahilan marahil ng mas lalong pagkalito ni kumag.

“Bob? Okay naman tayo kanina ah? May ginawa na naman ba ako?”

“Wala! Balik ka dun sa Nicole mo!”

“Huh? Sorry, hindi kita maintindihan.” Kunot noo siya.

“Bumalik ka na nga lang sa ka……”

“Bob? Nagseselos ka?” hinawakan niya yung magkabila ko’ng balikat para putulin ang sasabihin ko.

“Bakit naman ako magseselos?”

“Yun nga eh! Bakit ka naman magseselos? Eh magkaibigan lang naman kami ni Nicole.”

“At mag kaibigan lang rin naman tayo!” dugtong ko sa sinabi niya.

“Oo nga.” Ngumiti siya. “Magkaibigan tayo. Pero ikaw yung gusto ko’ng makadate, at ngayon gusto kitang isayaw.”

“Hindi ako marunong sumayaw.”

“Kailangan ko bang lumipad uli, para pumayag ka?” malambing niyang tanong.

Natigilan ako sa tinuran niya.

“Diyan ka lang tatawagin ko sila Patrick!” mabilis niyang sabi.

“Hindi. Wag na! Ano kasi Chard eh…”

“Si Jude ba?” pagputol niya sa sinasabi ko.

“Hindi.”

“Magpapaalam ako… kung kailangan bugbugin niya uli ako para maisayaw ka, papabugbug ako uli…” ngumiti siya, saka mabilis na pinuntahan si Jude, na nasa mesa nila Owen ay minamasdan kaming naguusap ni Kumag.

Masinsinan silang nag-usap. Nagngingitian sila’ng dalawa pero alam ko medyo naiilang rin silang pareho sa isat-isa. Ilang saglit pa’y binalikan na ako ni Kumag.

“Okay na.” ang laki ng ngiti niya.

“Anong okay na?”

“Payag na siya.”

“So? Hindi naman si Jude ang problema eh…”

“Bob. Sige na naman oh. Kahit saglit lang.”

“Bakit ba masyado kang mapilit?”

“This is the last student’s night na ma-iexperience mo, and I wanted to be part of it. I want you to remember this night na kasayaw ang isang superman na nerd.”

Hindi na naman niya ako kailangang isayaw para maging memorable yung gabing iyon. Yung effort niya is more than enough para mapasaya ako. Ang dami ng magagandang nangyari noon eh… natatakot ako na baka ibuhos na ng tadhana ang lahat ng magaganda sa isang gabi lang tapos kinabukasan paggising ko tapos na… wala na… ubos na…

Isa pa, mukhang sobra sobra na yung ginagawang pangunawa ni Jude. Naisip ko, baka time naman na ako naman yung umunawa sa kanya. Total, ipinangako ko naman sa kanya ang gabing iyon at binigyan na naman niya kami ni Richard ng oras para sa isat-isa.

“Bob… sige na please… matatapos na ang oras eh.”

“Chard…”

“Sige na please…” bigla niya ako’ng hinila papunta sa gitna ng hall para isayaw. Sinisigaw noon ng utak ko na, pigilan siya pero sa hindi ko malamang dahilan ay hindi sumusunod ang aking katawan. Wala kasing bahid ng pagtanggi ang buo ko’ng pagkatao at mukhang ang nais lamang ay ang magpaubaya kay kumag.

Noong nasa gitna na kami ay agad niya ako’ng iniharap sa kanya. Pinasadahan niya ng tingin ang buo ko’ng mukha, halos hindi kumukurap ang kanyang mga mata. Sobrang lagkit ng mga tingin niya noon, alam niyo yung para kang hinuhubaran? Ganoon yung feeling habang tinititigan niya ako. Nakatayo lang kami noon pareho pero parang ang layo na ng nilakbay namin, kung saan-saan kasi umabot ang isip ko noon, waring hindi nababahala kung saan man ako mapadpad dahil panatag ako’ng magiging ligtas ako kasama siya.

Maya-maya’y inabot niya ang kanan ko’ng kamay saka inilapat iyon sa dibdib niya. Ramdam ko pa ang mainit niya’ng palad habang ididiin ang kamay ko sa dibdib niya.

Noon, naramdaman ko ang tibok ng puso niya… mabilis iyon na parang isang drum roll. Wala siyang sinasabi pero batid ko ang ibig niyang ipabatid sa ginawa niya, pero medyo nagaalinlangan ako dahil baka ako’y nagkakamali lang at baka ako’y masaktan lang din sa huli.

Maliban sa medyo weird na kinikilos ni Kumag, isa pa sa kinabigla ko ay ang sabay na pintig ng puso namin. Ramdam ko kasi ang parehong dug-dug ng mga ito na parang may sinusunod na rhythm, isa pa ang mga tibok nun ay halos swak din sa romantikong tugtog na pumapaligid sa amin.

Inilipat niya yung kamay ko sa balikat niya, sinunod na rin niya yung isa ko pang kamay. Ngumiti siya noong mapansing wala na ako’ng pagtutol, bakas din ang saya sa mga mata niya noong mabatid na handa na akong magpaubaya.

Inilapat niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang. Napatawa pa siya noong bigla akong mapaigtad noong dumapi ang kamay niya sa katawan ko. May kakaibang kiliti kasi iyon… kiliti na hindi ko maipaliwanag kung bakit ko naramdaman gayong wala naman akong kiliti sa may bandang bewang.

Pinagmasdan niya ako uli. “Sorry if I forced you. But.., I really can’t help it Bob, I really need to have this dance.” Wika niya.

Sinimulan niyang igalaw ang aming mga katawan from a side to another, sumunod lang ako sa gusto niyang mangyari. Pero noong, sinulan niyang ihakbang ang mga paa para gumawa ng isang waltz ay siya namang pagtigil ng tugtog.

Nakita ko sa mukha ni kumag ang labis na frustration. Napapikit pa siya habang lukot ang mukha noong marinig mag salita ang emcee. Natahimik lang ako dahil ramdam ko’ng kasalanan ko yun, ang dami ko kasing arte. Yung mga labi ni Richard ay parang nagpipigil na mag mura, yung parang may nginunguya o may mina-mumble na salita.

“Students! Go back to your proper places.” Narinig naming simula ng host. Magsisimula na kasi ang closing program ng event.

Minulat ni Richard ang mga mata. Naka hawak pa rin siya sa mga bewang ko habang malayang pinagmamasdan ang gulat at nagi-guilty ko’ng itsura.

“Sorry… ang arte ko kasi eh…” sabi ko.

“Ayos lang.” Ngumiti siya. “Basta tuloy ang date natin bukas ha…”

“Ha?”

“Tuloy ang date natin. Kung hindi…, kikidnapin na naman kita…” nag giggle siya.

“Ha?” medyo lutang pa rin kasi ako noon.

Ngumiti siya, saka marahang pinisil ang pisnge ko. “Hug mo nalang ako ulit…”

“Ha?”

“Ang cute mo talaga…” bulalas niya saka niya akong binalot sa mga braso niya. Marahil ay naiinip na rin siya dahil medyo slow ako nung mga panahong iyon kaya siya na yung gumawa ng hiniling niya.

After a while a bumitiw na rin siya, saka kami nagsimulang mag lakad palayo sa isa’t-isa, siya papunta sa harapan ako naman sa likuran kung saan naroroon si Jude kasama na yung mga team mates ko at mga team mates niya. Hindi ko na nagawang lingunin si Kumag medyo sabog kasi ako’t nalilito sa mga nangyayari… ang gulo naman kasi ng kwento namin eh… parang simple lang naman pero parang sobra ring komplikado…

“Ang Chezzy niyo ni Richard ah…” panunukso ng mga kasama ni Jude.

Pilit na ngiti lang ang naging tugon ko.

“Pano na si Jude?” sabi uli ng mga teammates niya.

“Oo nga! Diba siya yung baby mo?” hirit ni Ate Angel.

“Ha? Ano ba kayo? Wala yun. Siyempre nag-iisa lang itong baby ko…” tugon ko, saka niyakap si mokong. Ang totoo gusto ko’ng bumawi kay Jude kaya ko sinabi yun.

“Asus! Sinungaling! Pero kanina kung makayakap ka Kay Koreanong hilaw parang wala ng bukas…” tampu-tampuhan mode uli si Jude.

“Eh… Hindi ko naman siya Baby…” sagot ko sa nakabusangot na mama.

“Pero nakakalimutan mo na ako kapag kayakap mo na siya!” ngumuso siya.

“Gago! Alam mo’ng hindi totoo yan… saka wala lang naman yun…”

“Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron!” pag iinarte niya na siyang nagbigay ng halakhak sa mga kasama namin.

“Ambot nimo! Ang arte…”

“Mas maarte ka kaya. Mukha ka nga’ng sinapian kanina eh, niyakap lang nawala na sa sarili.”

Natahimik nalang ako dahil totoo naman ang sinabi ni Jude, tumigil nga ang mundo ko habang magkasama kami ni kumag.

tahimik

“Tingnan mo, nakatingin siya oh…” bulong niya sa akin, habang tinuturo ang direksyon ni kumag na noon ay nakamasid lang sa kinaroroonan namin. Blanko ang expression ng mukha niya at mukhang lutang rin siya; hindi man lang niya kasi nakita ang ginawang pagturo ni Jude sa kanya.

“Yakapin mo ako!” bulong niya ulit.

“Ha? Bakit?”

“Bilisan mo na!”

“Bakit nga? Niyakap na kita kanina ah.”

“Yakap na ulit!”

“Bakit nga?”

“Ay! Ang arte!” kinuha niya ang mga kamay ko saka pinulupot iyon sa bewang niya. “Tingnan mo magseselos yan!”

Sabay tinumbok ng mga mata namin si Kumag. Medyo nagbago nga ang itsura niya, bigla rin siyang napatingin sa mga mata ko, pero saglit lang dahil agad rin niya iyong binawi at ibinaling sa babaing ka date niya.

“Kita mo? Gusto ka niya talaga.” Ngumiti si mokong.

“Bagay sila ni Nicole ano?” halos pabulong ko’ng sabi. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko talagang makitang magkasama sila eh… hindi ako makahinga… walang mali kay Nicole. Sobrang bait niya at maganda rin… magkaibigan naman kami at maganda naman ang pakikitungo niya sa akin, at yun ang kinakabahala ko… walang mali kay Nicole kaya hindi malabong magkagustuhan sila ni Richard. Alam ko wala ako’ng karapatang magselos at sinabi naman ni Richard na magkaibigan lang sila pero hindi ko mapigilan eh… wala kay Nicole ang problema nasa akin, hindi naman niya alam ang agenda ko at hindi naman niya responsibility na mag adjust sa feelings ko at i-please ako, isa pa… kung sakaling magkagustuhan nga sila ay wala na akong magagawa doon… hindi ko naman yun maaaring pigilan… after all, mas okay siguro kung yun nga ang mangyari… sila naman talaga ang nararapat sa mata ng marami…

“Hay nako! Dapat siya yung pagseselosin natin eh, hindi ikaw yung magseselos.”

“Hindi naman ako nagseselos eh! Saka wala naman ako’ng karapatan mag selos.”

“Haaaayyy… memorize ko na yang mga linya’ng iyan… in love ka na yabs!”

“Sinabi ko lang na bagay sila in love na agad?”

“Wag ka na mag deny!”

“Anong deny? Wala naman ah. Bagay sila, yun lang ang sinabi ko!”

“Okay… ang init naman agad ng ulo.” Nag kamot pa siya ng ulo. “Bagay nga sila!” bulalas niya noong tingnan muli ang magkaakbay na sina Nicole at Kumag. “Pero hindi naman lahat ng bagay nagkakatuluyan. Feeling ko nga ay bagay tayo eh… pero mukhang wala namang mangyayari kasi iba ang gusto mo!”

“Jude!!!!!!!!!!!!!”

“Joke lang!” sabi niya habang tumatawa at pinipisil ang pisnge ko.

*****************************

Noong pauwi na kami ay nag offer pa si Kumag na ihahatid kami sa hotel na tinutuluyan namin. Alam ko gusto iyon ng mga kasama ko pati ng adviser namin, una makakatipid kami ng pamasahe, less hazzle din, kasi hindi na kami maghihiwahiwalay ng sasakyan. Pero sobra ko iyong tinutulan, kasama na doon yung nahihiya ako, pero ang rason talaga ay ayaw ko’ng malaman niya kung saang hotel kami tumutuloy.

Hindi na naman siya nangulit pa noong umayaw ako. Ni remind na lang niya ako na matutuloy ang date namin bukas bago siya umalis.

***************************

Kinabukasan sobrang aga naming nagising at nag handa para sa semi finals. Medyo masakit pa ang ulo ko noon dahil hindi ako gaano nakatulog. Kinakabahan kasi ako sa semis at excited na rin sa date namin ni Richard. Medyo iniisip ko rin noon kung ano yung mangyayari, may konting pangamba ring dulot iyon lalo’t lahat ng mga encounters namin ni kumag dati ay laging nauuwi sa disaster, yung sobrang magical ng umpisa pero hindi naman humahantong sa happy ending. Aaminin ko, medyo nagdalawang isip ako noong ituloy.., natatakot ako eh… ang totoo nga, ilang mga alibis na rin ang binuo ko para may masabi’ng katanggap-tanggap kay kumag at hindi na matuloy ang date. Pero ewan.., sadyang mahina lang talaga siguro ang utak ko kaya lagi iyong natatalo ng puso…

Sa bungad pa lang ng hotel ay nakita ko na si Jude, may bitbit uli’ng bulaklak at mukhang hinihintay talaga ang pagdating ko.

Suot niya ang maroon na coat at puti’ng inner polo na siyang uniporme ng team cebu. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya… ilang beses ko na siyang nakitang naka suit pero mas litaw ang kagwapuhan niya sa suot niya noon. Medyo hapit kasi sa kanya ang coat kaya mas lalong na emphasize ang maganda niyang katawan at yung broad niyang mga balikat.

Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan niya sa pabirong sinuntok ang pisnge niya. “Ang gwapo mo ah…” simula ko.

Ngumit lang siya (Sobrang laking ngiti). “Mahal mo na ako?”

“Gago!” sinuntok ko uli siya.

“Biro lang!” sabay himas sa pisnge na sinuntok ko ng mahina. “Ready ka na?”

“Oo naman! Nag practice kami eh… at siguradong mananalo kami!”

“Ang Yabang!” kinurot niya ako sa pisnge. “Eh… sa date niyo? Ready ka na?”

“Liki ka!” pinulupot ko ang mga kamay ko sa braso niya, saka siya inakay papasok. Nakasunod na kami noon sa mga teammates ko.

“Uy! Nakalimutan ko. oh!” inabot niya yung hawak niyang bulaklak, tatlong red roses.

“Wow. May pabulaklak ulit ang baby ko ah.”

“Siyempre… may date ka mamaya doon sa koreanong hilaw, papatalo ba naman ako? Gusto ko kahit na siya yung kasama mo mamaya maalala mo pa rin ako…”

Hindi ako mag sisinungaling kinilig ako sa sinabi niya noon, mas sweet pa iyon sa pandinig ko nun dahil sa nagbibisaya kami at mas genuine yung feeling.

“Ang corny mo! Tatlo dahil ‘I LOVE YOU’?”

“Hindi!”

“Ano?”

“Tatlo kasi.., ‘Ako nalang sana’!”

“Hala patay na! na buang na akong baby!”

“Bitaw!” (Totoo nga!)

“Pagtarong uy! Liki ka!” binilisan ko ang paglalakad at sinubukang iwan siya.., natatakot ako sa mga susunod na pwede niyang sabihin eh. (Umayos ka nga! Baliw ka!)

Medyo malapit na ako sa bungad ng hall noong nahabol niya ako. “Hindi ka pa nag ta-thank you sa flowers!”

“Thank you.” Tipid ko’ng sabi, sabay hawak uli sa braso niya. Sabay na kaming pumasok sa venue ng contest.

******************

Noong makapasok na kami’y agad ko’ng nakita si Richard, iniinterview siya ng videographer. He’s wearing a black coat and a dark blue inner polo. Masuyo ko’ng pinagmasdan ang mukha niya, todo ngiti habang nagsasalita sa harap ng camera, sa utak ko.., he looks the same… pogi as always….

For unknown reason, noong matapos ang interview ay bigla nalang niyang binaling ang tingin sa akin, as if alam niyang naroroon ako kahit na buong interview ko’ng nakitang naka focus lang siya sa ginagawa. Na huli tuloy niya ako’ng nakatitig sa kanya.

Medyo nagulat ako, nahiya rin probably kaya medyo nataranta ako kung saan ibabaling ang tingin. Umalis nalang ako sa spot namin at pumunta sa harapan kung saan namin kailangang kunin ang pole na pagsasabitan ng aming banner.

Habang tinutumbok ko yung harapan ng hall ay bigla nalang akong kinalabit ni kumag mula sa likuran.

“Hi…” masaya niyang bati. He’s wearing a very wide overjoyed smile.

“Hi…”

“Have you seen Patrick?” nakangiti pa rin si Kumag.

“We just arrived. I haven’t seen him yet…”

“Naks! English!” nag grin siya.

“Sige kunin ko lang yung pole namin!” sabay talikod sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero, na te-tense ako… excited ako sa date, pero at the same time ang dami ko’ng hesitations… hindi ako ready na pag-usapan iyon.

“Bob!” tinawag niya ako uli.

Nung lumingon ako’y muli ko’ng nasilayan ang maganda niyang ngiti. “You look good!” sabi niya. “Bagay sayo ang suit mo!” (White and black ang color ng uniform namin noon, bale Im wearing a white suit na may ethnic accents… may mga parts kasi na tinalak cloth (A traditional south cotabato ‘T’Boli’ fabric) ang gamit. May maliit na gong sa tie ng mga lalaki habang yung mga girls naman namin ay naka brass belt (yung gamit ng mga bla’an)…. Oo tama, tama kayo! Best in costume yung team namin hehehe)

“Salamat!” tipid ko’ng tugon, saka uli tumalikod.

Naisip ko, dapat sinabi ko rin bang gwapo siya? o he looks good too? Pero baka kasi isipin niyang noon ko lang nakitang gwapo siya, eh dati pa naman ako nahihibang sa itsura niya. Ilang gabi ko nga ring napapanaginipan ang mukhang iyon eh at lahat ng dreams ko romantic kahit na noong time na sinasaktan niya ako.

Alam ko’ng pulang-pula ang mukha ko noon, at ang init ng pakiramdam ko dahil sa sobrang kilig. Dati pa naman niya sinasabing cute ako at alam ko’ng pareho lang naman ang ibig sabihin ng cute at look good.., pero iba eh… si kumag iyon eh… ang sarap ipaulit-ulit sa kanya yun. Ang sarap malaman na pleasing ako sa pangin niya. Kahit ano’ng gawin ko noon ay pilit na kumakawala pa rin ang mga ngiti sa labi ko.., eh… sa sobra akong kinikilig eh…

**************************

Nagsimula ang semi finals… magkalaban ang team namin nila Jude sa elimination. Bali apat na teams kami kasama ang teams from nueva ecija at dumaguete.

Natapos naman namin ang presentatiuon smoothly… kinakabanhan man, pero nag perform naman ng maayos ang team namin, feeling ko lahat naman kami sa team gensan ay binigay ang best.

Pagkatapos ng presentation namin ay saka palang ako nakapagisip ng maayos… ang dami ko ng realization pero hindi pa rin ako makapagdecide kung sasama pa rin ba ako kay Richard after ng event tulad ng napagkasunduan namin. Kaya habang hindi pa ako sigurado ay iiwasan ko nalang muna si Richard, baka kasi mangulit at makagawa na naman ako ng desisyon na hindi sigurado.

Naka upo lang kami noon sa mezzanine, kami kasi ang first na nag present kaya kami yung unang tao doon sa kwartong iyon. Busy kami sa kaka chika, si ate angel at ang ibang girls na member namin ay busy naman sa kaka boys hunting.., ang dami kasing gwapong hotel staff doon, yun tipong artistahin…

Maya-maya’y nakita ko si Kumag at ang team niya na papasok sa mezzanine. Sila rin ata ang first presenters sa batch nila. Nakita ko pa siyang nag flash ng ngiti habang tinutumbok ang kinaroroonan namin.

Bago pa man siya makarating sa table namin ay mabilis akong nagpaalam na gagamit ng CR kahit na hindi naman talaga ako naiihi. Hindi ko kasi alam ang isasagot kung tatanungin niya ako tungkol sa date, isa pa hindi ko pa nasasabi sa mga kasama ko na makikipagdate ako kay kumag.

********************

Sa sofa sa labas ng CR ko naisipang magpahupa ng kaba. Kailangan ko ma-release ang tension sa katawan ko kung hindi ay mag mumukha akong nasobrahan sa Caffeine o di naman kaya’y na jejebs.

Umupo ako ng maayos sa sofa. Sa tabi ko’y may lalaking natutulog, he looks so young.., at medyo magkahawig sila ni kumag. I just don’t know if chinito rin siya dahil sa nakapikit ang kanyang mga mata. Nakasuot rin siya ng eyeglasses at medyo makapal din ang salamin nun kaya sigurado akong hindi props lang yun at isa rin siya’ng Boy Labo. Nakakatuwang pagmasdan ang itsura niya, dahil sa medyo nakabuka na yung bibig niya’t tumutulo na ang kanyang laway, isa pa may naririnig ako’ng mahihinang hilik mula sa kanya.

Naka salumbaba ako’ng nakatingin sa lalake, napagkatuwaan ko ring kunan siya ng litrato habang nasa gitna siya ng kanyang mga panaginip. (I know right. Ang sama ko!)

Nasa ganoon kaming ayos ng dumating si Kumag. Sa mukha niya’y batid ko’ng nagtataka siya noong abutang titig na titig ako sa lalaking katabi ko. Naramdaman ko ring parang nagseselos si kumag, mas naningkit kasi ang kanyang mga mata.

“Hi…” bati niya. Medyo nagtataka pa rin ang itsura.

“Hello!” kinabahan ako sobra…

“Kamusta ang presentation?”

“Okay lang.”

Tahimik. Medyo mahina rin ang boses namin, hindi ko alam kung nagkakaisa ba ang utak naming mag impose ng respect sa lalaking payapang nagpapahinga.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.

“Waiting for somebody…” pagdadahilan ko.

“Sino?”

“Si Jude.., nasa banyo pa eh…” yah right, ang bobo ng reason ko… wala akong naisip na ibang alibi eh.

“Talaga? Nadaanan ko kanina si Jude ah! Hindi pa nakakapagpresent!” nag smirk siya.

“Ah… hindi si ano pala...” nataranta na ako.

“Iniiwasan mo ba ako Bob?” pinutol niya ang pag-iisip ko ng pwedeng gamiting dahilan.

“Hindi ah!”

“Talaga? So tuloy tayo mamaya?”

“Chard… ano kasi eh…”

“Ay! Wag naman ganyan Bob! Kikidnapin kita! Promise!” pagbabanta niya.

“May lakad kasi kami eh!”

“Pero.., Omuo ka na kagabi eh…”

“Oo nga… kaya nga nag so-sorry eh… biglaan eh…”

“Sino’ng kasama mo?” nakakunot noon na siya.

Nag-isip ako ng pwedeng kasama kunyari. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihing yung mga ka teammates ko o si Jude… una, baka tanungin niya at hindi ko ma brief na mag sinungaling… pangalawa, makulit si Kumag… Pangatlo, pipilitin niya lang ako’ng sumama sa kanya, at ang rason ay lagi ko na daw kasama yung mga iyon.

“Bob? Sino?” pangungulit niya.

“Ah… siya…” sabay turo sa lalaking natutulog sa tabi ko. Napalunok pa ako ng laway, hindi ko na alam kung ano yung tumatakbo sa isip ko noon, nate-tense talaga ako eh at kusa nalang lumalabas sa bibig ko yung mga walang kwenta ko’ng dahilan.

“Siya? Sino ba yan?” kunot noo pa rin.

“Ahhhh…. A friend…. Kakakilala ko lang sa kanya, kaya naisip ko maganda siguro if.., if, mas magkakilala pa kami…” pautal-utal ko’ng sagot.

“Ano ba’ng pangalan niyan?”

“ahhh… si ano…. Si Ma… mark…. Oo… tama si Mark!”

“Talaga? Taga saan ba siya?” malumanay na ang boses ni kumag at halatang confident na confident sa mga tanong niya. Wala ng bahid ng galit o pagkainis sa boses niya, mukhang gusto lang niya akong hulihin… pero yun ay kung magpapahuli ako!

“Taga Cavite…” confident ko ring sagot. (Muli yun yung unang pumasok sa isip ko.)

“Saan sa Cavite?”

“Sa kawit…” wala akong maisip na ibang lugar sa cavite eh… yun lang ang alam ko…

“I see…” tumango-tango siya. “Malamang, hindi kanya ang ID na yan!” sabay turo sa nakasabit sa leeg ng mama.

Patay! Nakalimutan ko’ng nakasuot kami ng ID na may nakasulat na sobrang laking pangalan.

“Stephen Baltazar ang nakasulat eh… Sino kaya yung Stephen?” sarkastiko niyang sagot.

“Ahhh… Mark Stephen kasi yung full name niya!” (Ayos! Ang witty ko! lusot!)

“Ah! I see… gwapo niya ah… mag de-date kayo?”

“Hindi ko alam kung date eh… pero siguro parang ganoon na rin….” (Ang arte ko, promise… yung parang sobrang gustuhin… ayieee LOL)

“Ingat ka diyan. 17 lang yan, minor.” Nag flash siya ng isang nakakalokong ngiti. “Isa pa, may Girlfriend yan Bob!”

“Ha?!” nagulantang ako sa sinabi niya. Medyo natulala rin ako’t nanlaki ang mga mata.

Natawa siya sa reaksyon ko. As-in super tawang-tawa yung damuhong iyon.

“Tumigil ka nga!” hiyaw ko.

“Huli ka! Churchmate ko yan Bob.” Hirit niya.

“Kilala mo ito?” nanlamig na ang buo ko’ng katawan sa narinig ko sa kanya. (Ang malas ko!)

“Hindi siya taga Cavite. He lives few blocks away from our home. Yung mommy niya, ninang ni Jubie. Yung kuya niya, kaklase ni kuya Ranty nung high School! He’s from Ateneo! First year Entrepreneurship student! He’s here to observe! Now to answer your question.., YES I know him!”

Natulala lang ako, habang nagdadasal na lamunin ako ng lupa noong mga panahong iyon. (Nakakahiya!)

“Gwapo yang batang yan… pero wag naman sana siya Bob! Aside from may Girlfriend siya, masyado yang bata.”

“Im 18… bata pa rin ako…” diin ko.

“Hindi naman yun eh!” nag giggle siya. “Ayaw ko’ng siya yung magiging karibal ko. Hindi ako pumapatol sa bata eh, at isa pa close yung family namin.”

Natahimik lang ako. Hindi kasi ako sure if tama yung pagkarinig ko, isa pa medyo mahina mag absorb yung utak ko noon, siguro dahil napahiya ako sa kalokohang naisip ko.
Ginising niya yung lalaking natutulog sa tabi ko sa pamamagitan ng pagyug-yog sa katawan nito. Sa reaksyon ng lalake noong makita si kumag ay hindi ko nga maitatanggi’ng close sila.

Nagkamustahan sila, at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ko naman maunawaan. Hanggang sa magpaalam na si Richard sa amin.

“Tep!” tinuro niya yung lalake. “Hindi mo pwedeng i-date ito!” tinuro niya ako. “Akin lang yan! Hands off ka diyan!” banta niya.

“Gago!” bulalas ko. Yung lalake nama’y halatang sobrang nagulat sa sinabi ni Richard, hindi niya marahil naintindihan ang tinuran ng damuhong kaibigan niya.

“Bob! Don’t worry, secret natin yun! Basta tuloy tayo mamaya ha?” saka niya kami iniwan ni Stephen doon.

Noong makaalis na si kumag ay saka naman parang nayanig ang buhay ko. Tinago ko nalang ang mukha ko sa aking mga palad saka nagpakawala ng mga pigil na sigaw, habang pinapadyak pandyak ang mga paa. Nakakahiya talaga!

“Hey! Are you okay? Is there any problem?” tinapik pa ni Stephen ang braso ko.

“Wag mo nga akong hini-Hey!”

“Sorry! May problema ba?”

“Wala! Erset kaayo to’ng kagwanga to! Kalagot! Iya napud ko’ng gi paulaw-ulawan! Haaayyy!!!!! Dili jud ko muuban niya, miskang kanus-a! Mura baya siya’g gwapo! Aw… Oo gwapo siya, pero mura siyag gibitok! Dako kaayo siya’g tiyan! Kagwang siya! Kagwang siya! Kagwang!” (Wala! Bwisit yung kagwang na yun! Nakakainis! Pinahiya na naman niya ako! Di ako sasama sa kanya, kahit kailan! Akala mo naman gwapo! Ay… Oo gwapo siya, pero para siyang may bulate sa tiyan! Kagwang siya! Kagwang siya! Kagwang siya! (Hindi ko alam sa tagalog yung kagwang))

“Ha? Ano yun?”

“Wala! Sabi ko gwapo ka!”

“Okay… gwapo lang din yung naintindihan ko eh. Salamat!”

Dineadma ko lang siya.

“By the way. Im Stephen Bal…”

“Oo! Kilala na kita!”

“Kilala mo ako?”

“OO! Stephen Baltazar, freshman entrep student from Ateneo! Who lives few block away from that creature’s home, at hindi taga kawit Cavite kung saan unang winagayway ang ating bandila at idiniklara ang independence ng Pilipinas! Yung mommy mo, ninang ng kapatid nung Loko’ng iyon at yung kuya mo at kuya niya magkaklase nung Highschool! 17 years old ka lang at may girlfriend kaya hindi kita pwedeng i-date!” paglilitanya ko.

“Ayos ah! Stalker ka noh?”

“Ulol ka!”

“Nice to meet you kuya… what’s your name?”

“Bob! Ako si Bob! Pero hindi mo ako pwedeng tawaging kuya, dahil kaka 18 ko lang!”

“But I’m just 17 so technically kuya kita!” Ngumiti siya. “Nice to meet you Kuya Bob!”

“Nice to meet you mo mukha mo! Alis na ako!” pagtataray ko, saka ako tumayo at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

“Kuya sandali lang. mag la-lunch ka na ba? Pwedeng sumabay? Kanina pa ako gutom eh, wala naman ako’ng kasama kaya nahihiya ako’ng kumain mag isa.” Sabi niya, habang pilit na sumasabay sa mabilis ko’ng lakad.

“Mag hanap ka nalang ng ibang makakasama! Maaga pa para mag lunch, hindi pa ako gutom!”

“Kuya sige na please…. Samahan mo nalang ako…”

“Ewan ko sayo! Tigilan mo ako!” Hindi naman ako galit sa kanya eh, at alam ko medyo rude yung mga actions ko noon pero sobra kasi akong nadala sa hiyang nararamdaman ko. Ang bobo ko naman kasi eh, mali yung mga strategy ko.

Patuloy pa rin sa pangungulit si Stephen at tuloy-tuloy rin ako sa pagtanggi ng bigla nalang akong napatigil. Sumambulat na kasi sa pangin ko si Kumag na kasama sa isang mesa si Nicole at ang mga team mates niya, hindi ko man aminin pero alam ko kusang lumalabas sa mga galaw ko na nagseselos ako.., mukhang tama nga si Jude, mahal ko na ata si Kumag.

“Kuya sige na! Please!” pangungulit pa rin ni Stephen na walang kamalay-malay sa tumatakbo sa isip ko.

“Shhhh…” hinawakan ko ang kamay niya. “Payag na ako! Basta sumunod ka lang sa akin.”

“Sige po kuya!”

“Wag mo nga akong tawaging kuya.”

“Okay po Bob.”

“Walang po!”

“Okay Bob!”

“Good!” kumapit ako sa braso niya saka pinagpatuloy ang paglalakad.

“Kuya?”

“Oh!”

“Sorry…” nag kamot siya ng ulo. “Bob? Kailangan ba talaga nito?” pagpapatungkol niya sa pagkapit ko sa braso niya.

“Ayaw mo ba’ng may kasamang kumain?” tiningnan ko siya. “Pwede ka naman sumabay kina Richard! Close naman kayo diba?”

“Wala ng space sa mesa nila eh…. Saka nakakahiya…”

“Ah… So? Sa akin hindi ka nahihiya?”

“Mukha ka namang mabait eh…” ngumiti siya.

“Mabait talaga ako! Kaya sumunod ka nalang!”

“Okay… basta bawal ang kiss ha…”

“Loko ka! As if naman gusto kitang halikan? Tumigil ka nga! Feelers!”

Tumawa lang siya. Sabay nga naming tinumbok ang mesa ng mga ka team mates ko. Sinadya ko pang sa harap nila Richard dumaan, gusto ko’ng mapansin niyang sweet ako sa kaibigan niya.

“Tep! Dito na kayo!” tumayo si Richard at nag offer ng space para sa amin.

“Doon nalang kami sa table namin. Mas maluwag doon!” sagot ko.

“Maluwang naman dito ah… maglalagay lang ng isa pang upuan dito, kasya pa kayo!”

“Hindi na!”

“Okay! Pero si Stephen maiiwan dito sa amin!” matigas niyang sabi.

“Hindi! Nag-usap na kami, sabay kaming kakain! Saka.., wag mo nga kaming pakialaman! Bakit mo ba pinoproblema kung saan kami kakain? Eh hindi nga kita pinapakialaman sa mga sasamahan mo!”

“Ano bang problema Bob?”

“Wala!” mariin kong sabi. Saka hinablot ang lalaking kasama ko. “Tara na Tep!”

Confuse man ay hindi naman nagpumiglas ang lalake, malumanay siyang sumunod sa akin kahit na alam ko’ng wala siyang naiintindihan sa mga naganap. Nahihiya lang naman talaga ako kay Richard noong una eh, pero ewan ko ba… iba talaga yung kulo ng dugo ko sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba.

“Tep! Yung sinabi ko sa iyo kanina ha! Seryoso ako doon! Uupakan talaga kita!” banta niya kay Stephen.

******************

“Bob? May something ba kayo ni Kuya Chard?” tanong ni Stephen noong makarating na kami sa table namin.

“Wala ah.”

“Ayaw ko’ng magalit si Kuya sa akin.”

“Wag ka’ng matakot. Pag sinaktan ka niya, isumbong mo sa kin. Papabugbog ko sa kaibigan ko.”

Tahimik…

“Pinagseselos mo ba siya Bob?”

“Huh? Bakit ko naman gagawin iyon? Isa pa, ba’t naman siya magseselos?”

“Hindi ko alam… maybe because you like each other?”

“Nako! Walang ganyan! Kumain ka na lang!”

“Pero.., tingnan mo siya oh…” sabay baling ng tingin kay kumag. “Ang sama ng tingin niya sa akin, mukhang galit ata…”

“Wag mo nalang siya pansinin. Abnormal kasi yan!”

“Ang hirap eh… hindi naman ganyan si kuya chard sa akin.”

Na guilty tuloy ako sa ginawa ko. Pati tuloy yung inosente nadamay pa sa mga kabobohan at kaartehan ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hinga. “Gusto mo ba lumipat sa kanila?”

“Hindi… Hindi naman yun Bob eh. Actually, Im willing to help both of you. But I need to understand everything first.”

“Wag na. Wag mo nalang isipin. Saka…. Akala ko ba gutom ka? Niloloko mo lang ata ako eh…” panunudyo ko sa kanya, paraan ko rin para maiba ang aming pinaguusapan.

Nalilito na ako sa nararamdaman ko noong mga panahong iyon. Mukhang mahal ko na nga si kumag… pero paano kung hindi niya pa rin pala kayang suklian yung pagmamahal ko? Paano ako? Paano kung bakla ‘LANG’ pa rin ang tingin niya sa akin? At ang lahat pala ng magagandang pinapakita niya ay pagbawi lang niya sa lahat ng masamang ginawa niya sa akin at wala naman talagang ibang meaning sa kanya? Paano kung masaktan lang uli ako? Kakayanin ko kaya uli?

************************

Hinihintay nalang namin ang announcement ng mga teams na papasok sa finals. Iwas pa rin ako kay kumag at medyo nahalata na ni Jude ang pagkabalisa ko. ilang ulit niyang sinubukang alamin kung ano ang nangyayri sa akin pero, hindi ko na ipinaalam sa kanya… sinabi ko nalang na kinakabahan lang ako sa result, kahit na ang totoo’y nakalimutan ko na noon ang competition at ang goal ko’ng manalo.

Kasabay ng pagkalito ng isip ko sa tunay ko’ng nararamdaman ay ang pagtataka ko rin kung bakit wala pa ring ginagawa si kumag para pilitin ako, ni hindi man lang niya ako sinuyo na tulad ng lagi niyang ginagawa simula noong bumalik ako sa manila. Nakakainis na parang wala na siyang pakialam sa akin.., sa isip ko marahil nasawa na rin siya o napagod sa kaartehan ko.., o naisip niya lang na mas okay pala kasama si Nicole kaysa sa akin… haaayyy…. Nakakabaliw…

Inanounce na ng host ang mga teams na mag po-proceed sa finals. Unfortunately.., parehong talo ang team nila Jude at Richard. Yung team naman namin at ng henyong si Owen ay nagawang pumasok sa finals. Masaya ako sa naging resulta ng competition, siyempre nag bunga na ang matagal naming pinaghirapan, pero hindi ko rin maalis sa isip ko si Kumag… ewan pero, madalas ko siyang maisip sa kahit na anong bagay… kahit sa kutsara naiisip ko siya…

Sinubukan ko siya noong hagilapin, para alamin kung sino ang kasama niya at kung anong ginagawa niya. pero kahit saan ko ibaling ang tingin ay wala kong makitang kumag. Sa isip ko, baka umuwi na siya… baka wala na nga’ng date na mangyayari. Ang arte ko kasi talaga!

********************

“Congrats!” bati ni Jude sa akin.

“Thanks… sabi ko sa iyo eh, mananalo kami!”

“Oo na! Mas magaling na kayo kaysa sa amin. Galingan niyo bukas ha! Para worthy naman ang pagkakatalo niyo sa amin!”

“Naman!” mayabang ko’ng tugon, saka yumapos sa kanya.

“Nga pala? Diba may date ka?” tanong niya.

“Ewan! Baka hindi na tuloy. Wala naman siyang sinabi eh, hindi pa nga kami nag-uusap.”

“Kilala kita Bob! Alam ko nag inarte ka na naman.”

“Flirt siya ng flirt sa iba eh!”

“Hay nako! Kausapin mo na siya. Bilis na!”

“Paano? Eh mukhang umalis na; baka umuwi; o baka dinate na si Nicole.”

Isang malakas na tawa ang narinig ko mula kay Jude. “Seloso ka!”

“Hindi ah…”

“Ayos lang yan. Normal yan sa inlove.”

“Gagi!!!”

“Ang swerte naman ni Koreanong hilaw… magselos ka nga rin minsan sa tuwing lalapit ako sa iba…” tumawa siya ulit.

“Liki ka!” (Sira ulo ka!)

“I love you too!” hinalikan niya ako sa noo.

***********************

Nag decide ako’ng sumama nalang pauwi sa mga ka teammates ko. Wala na naman na kasi si Kumag, mukhang wala na talagang balak na ituloy ang date. Nakakainis lang kasi ang bilis niyang sumuko, akala ko pa naman persistent siya… (I know medyo katangahan yung inis at disappointment na nararamdamn ko, kasi malinaw naman na kasalanan ko eh.., ako lang naman kasi ang dakilang maarte! Yung tipong gusto naman talaga, pero aayaw-ayaw pa! Kaya girls.., wag niyo’ng gayahin ito okay? Hindi magandang idea eh… masyadong immature na move.)

Palabas na kami ng hotel noon. Actually nag dedicide pa noon yung adviser namin kung saan kami kakain, manglilibre kasi siya dahil nagawa nga naming makalusot sa semis. Nagulat nalang kami ng tawagin ako ng receptionist (The one na pinagpaalaman ko na pakialaman ang piano).

“Sir Mars! May nagpapabigay po…” nakangiting sabi ng receptionist noong makalapit ako sa kanya. Inaabot niya ang isang pirasong bulaklak; alam ko galing yun sa centerpiece ng mga mesa sa loob ng mezzanine.

Si Jude agad yung unang pumasok sa isip ko. Since ganoong bulaklak din ang binigay niya sa akin noong mag decide ako’ng kausapin si Kumag.

“Sino po’ng nagbigay Ma’am?” tanong ko.

“Hindi ko kilala sir Bob eh! Pero nag iwan po siya ng card.”

Binigay niya sa akin ang isang naka tuping index card. Binasa ko ang nakasulat dito. “Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin!” (Meron pang nakadrawing na smiley). Sa utak ko, kilala ko na kung sino ang nagbigay nun.

Bigla namang inagaw ni Ate angel na kumakaway mula sa labas ng hotel ang atensiyon ko. Sumisenyas siya na lumapit ako sa kanila.

Mabilis akong nagpaalam sa babae sa frontdesk at patakbo’ng lumabas sa hotel. Noong malapitan ko sila’y nagulat ako noong abutan ko si Richard na kinakausap si Sir Joel.

“Okay na! Payag na sila!” bungad ni Richard sa akin.

“Ha?”

“I ask them if pwede kitang i-date… at yes.., pumayag sila…”

“Ano?”

“Kung si Jude naman ang rason mo, pumayag na rin siya. Si Stephen.., takot lang niyang upakan at isumbong ko siya sa Girlfriend niya… wala ka ng rason para umiwas Bob!” ngiting aso ang loko.

Natulala lang ako.

Narinig ko nalang na nagpaalam ang mga kasama ko, pero hindi ko na sila nagawang harapin. Masyadong halo-halo ang emosyon ko eh… kinakabahan ako, natatakot, naiinis kay kumag, naiiyak pero para rin akong mababaliw sa saya.

Sa harap ko ay muli niyang hinubad ang suot niyang polo. Muli ko’ng nakita ang superman shirt na suot niya kagabi, pinaninindigan nga ata niya’ng siya si Superman.

“To make things formal!” binasag niya ang pagkakatulala ko. Hinugot niya ang isang sunflower mula sa likuran ng pantalon niya saka binigay iyon sa akin. “Jun Bob Aragon! Please be my kryptonite, kahit ngayon lang.” malambing niyang sabi.

Hindi ko man sabihin, alam ko’ng batid niya ang kilig na nararamdaman ko. Halos sabay kasi kaming napangiti. Parang kinikiliti ng mga malalambing na salita at walang katulad na effort ni kumag ang puso ko. Na kahit ang mga duda, inis at pagkabahala ay napapawi nito.

“Bakit naman kryptonite?” sinubukan ko’ng itago ang ngiti ko. Hindi ko nga lang sigurado kung effective ba yung ginawa ko.

“Kasi.., you make me weak…” sabay pakawala ng isang nakakabaliw na ngiti.

“Ganoon?”

“Oo… ang kaibahan lang nanghihina ako sa tuwing naggagalit ka’t iniiwasan ako…”

Napalunok lang ako ng laway sa narinig.

“Pwede naman akong makipagtitigan sa iyon ng magdamag eh kung yun ang gusto mo. pero gusto ko sana sulitin ang araw na ito eh…”

“Saan ba tayo pupunta?”

“Kahit saan… pero mamaya may surprise ako sa iyo!”

“Surprise? Ano yun?”

“Surprise nga!” kinurot niya ako sa pisnge. “Mall muna tayo. Tulungan mo ako mag hanap ng damit, may activity kasi kami sa school nextweek… gusto ko ikaw mamili para alam ko’ng gwapo’ng gwapo ako sa paningin mo!”

“Bakit mo naman kailangang maging gwapo sa paningin ko?” ang totoo’y hindi naman niya kailangang maging gwapo eh… sa nararamdamn ko noon, hindi na mahalaga yung itsura niya.

“Wala lang.” mariin niyang sabi. “Para hindi ka tumingin sa iba…” bulong niya.

Nagkunwari nalang akong hindi ko narinig ang huling sinabi niya. hindi ko rin anamn alam kung paano ko tatanggapin iyon, o kung paano mag re-react.

Nagmukha man akong santo sa dami ng bulaklak na nakaipit sa sling bag ko’y sumama ako kay Richard sa loob ng mall. Dala-dala ko kasi ang tatlong rosas na bigay ni Jude, yung flower galing sa receptionist at yung sunflower ni kumag.

*****************

Paikot-ikot lang kami sa loob ng shop ng mapansin ko’ng kausap na niya ang isang sales lady. Alam ko’ng wala lang yun kay kumag, pero yung babae? Iba yung ngiti at tingin sa kumag ko eh. Masama mag judge oo… pero alam ko yung dating ng mga tingin na iyon eh… sigurado ako doon.

“Bob? Nakapili ka na?” biglang tanong ni kumag sa akin habang tinutumbok ang kinaroroonan ko.

May napili na ako’ng polo noon para sa kanya. Na iimagine ko kasing mag mumukha siyang hot pag suot niya iyon. Ituturo ko na sana iyong napili ko, ng biglang sumingit ang sales lady.

“Sir… I think, bagay po sa inyo iyon…” saka niya kinuha ang polo’ng tinutukoy. To my surprise ay pareho pa pala kami ng napupusuang damit para kay kumag.

Inabot niya iyon kay Richard. “What do you think Bob? Do you think pogi ako dito?”

“Opo sir. Pogi po kayo sir, kahit anong isuot niyo!” pagsingit uli ng sales lady.

“Bob ba ang pangalan mo? Ako ang tinanong diba?” sa isip ko.

“Salamat Miss...” todo ngiti ang damuho. “Bob? Ano sa palagay mo?”

“Ang pangit! Hindi bagay sayo!” mariin ko’ng tugon.

“Bagay naman po sir. Mas magmumukha po siyang bata pag suot niya yan.” Si sales lady ulit.

“Okay naman daw Bob eh… sukat ko nalang muna kaya?”

“Ang pangit nga! Hindi ka si Jude para mag suot ng mga ganyan!” pagmamaldita ko. (I just realized na para akong girlfriend umasta noon… nakakadiri… hahaha)

Natahimik siya, at mukhang napahiya sa sinabi ko. Sa kabila nun ay pinilit pa rin niyang ngumiti.

“Tama! Tama ka…” malamlam yung mga mata niya, pero nakangiti pa rin. “Hindi nga ata bagay sa akin ito. Hindi naman ako kasing sexy ng Jude mo eh…” tumawa siya. Na gi-guilty na naman ako, wala naman akong intensyon na ipa-feel kay kumag yung mga inferiorities niya… pero nagseselos talaga ako eh, at nahihirapan akong i-handle iyon dahil wala naman ako’ng outlet; hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanyang nagseselos ako… baka isipin niyang nag fifeeling girlfriend ako…

“May nagustuhan ka na ba? Gusto ko yung pagsinuot ko, ako na yung pinaka gwapong lalake sa mata mo!” hirit niya uli.

“Ayun! Yung orange!” tinuro ko yung orange na polo, na may yellow green na prints… (Mukhang pambalot ng isang Juice drink).

“Yung orange?” ramdam ko yung pagaalinlangan sa boses niya.

“Oo!”

Huminga siya ng malalim bago uli nag salita. “Okay!” buntong hininga. “Yung orange. Miss Can I have a medium size of that polo? Isusukat ko muna!”

“Hindi. Small!” mabilis ko’ng pagpigil sa babaing attendant.

“Ha? Masyado’ng maliit yun bob.” Medyo nagulat siya sa sinabi ko.

“Miss small po!” may katarayan ko’ng sabi sa sales lady.

“Bob? Baka mag mukha naman ako’ng suman niyan.” Napakamot siya ng ulo.

“Ayaw mo?!”

“Hindi naman sa ganoon. Pero, maliit talaga sa akin yun Bob.” Paliwanag niya.

“Edi sana, hindi mo nalang ako tinanong! Sana hindi mo nalang din ako sinama dito! Sana sinunod mo nalang ang suggestion ng sales lady!”

“Ha?” tinitigan niya ako. Yung mga tingin ay mukhang nagtataka kung ano na naman ang nangyayari sa akin.  “Si-sige… small… small po miss…” medyo naiiyak na sabi ni kumag.

Dahil may small naman sa mga nakadisplay na items ay hindi na naghanap pa ng ibang stocks ang babae. Agad rin niya itong ibinigay kay Richard at sinabing isukat muna ito.

“Okay na po yan. May tiwala naman po ako sa kasama ko.”

Binayaran niya ang binili.

Palapit na sa akin si Kumag ng bigla uling humirit ang sales lady. “Sir. Ang swerte niyo po sa Boyfriend niyo. Mukhang mahal na mahal kayo eh; isa pa.., ang gwapo sir…”

“Ay. Hindi ko siya Boyfriend!” pagtanggi ko. Medyo asiwa pa rin kasi ako sa kanya o baka sobrang na gi-guilty sa mga ginawa ko. Agad akong lumabas ng shop na iyon, mabilis namang sumunod sa akin si kumag.

Nakasabay lang siya sa akin noon, hawak ang supot ng damit na binili niya. May nakakalokong ngiti sa mga labi niya, minsan naman kapag tinitingnan niya ako’y may lumalabas na mahihinang halakhak sa bibig niya.

“Aba! Mukhang sobrang saya mo’ng masabihan ng pogi ng babaing iyon ah!” simula ko.

“Hindi naman yun eh!”

“Bakit ngiting ngiti ka?!”

“Inakala niyang Boyfriend mo ako!” nag giggle siya.

“Oh? Ano naman ngayon?”

“Wala. Masaya lang ako.” Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ko. “Kagabi, pinag-usapan namin ni Ron na kailangan ko maging clingy, to feel na this is a couple’s date. Kanina ko pa iniisip kung paano didiskarte na hawakan yung kamay mo, o akbayan ka… kaso hindi ko magawa eh, nahihiya ako.., natatakot rin na baka magalit ka’t iwan ako dito.”

“Bakit mo naman naisipang gawin yun?”

“I want to show everyone na were on a date, and…, I wanted to feel na…… you’re mine…”

“Sira ulo! Masyado mo naman atang kina-career ito! Wala lang ito Chard, isa pa may time limit to…”

“I know.., pero masama ba’ng maging masaya? Im just happy kasi iniisip ng iba na in relationship ang status natin.”

“Asus! Nagpa uto ka naman dun sa babaing iyon? May gusto sa iyo yun, at sinisigurado lang nun na single ka!”

Ngumiti lang siya.

“Maganda yung sales lady na iyon ha… bagay kayo….” Simula ko ulit.

“Hindi ko naman kailangan ng maganda. Okay na ako dun sa cute, na mahal ko…”

“Sa bagay… cute yung Nicole mo!”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Kumag. Para ring kinikilig ang damuhong iyon, habang humahalakhak kasi’y walang humpay rin siya sa pagtalon na parang nanalo ng jackpot prize sa lotto.

“Baliw! Ano na namang pinagtatawanan mo?”

“Masaya lang ako! Sobrang saya ko!”

“Bahala ka nga!” saka ako naglakad ng mabilis palayo sa kanya.

“Thanks… you made me feel so special! Salamat kasi hindi pala ako balewala sa iyo!” sabi niya habang mabilis ring sinasabayan ang pagalalakad ko.

“Ano na namang pinagsasabi mo?”

“You’re Jealous…” nakabungisngis niyang sabi.

“Im not!”

“Huwag ka na mag deny… Alam ko yan dahil halos mag aapat na lingo ko na yang nararamdaman…”

“Haaaayyyy… bahala ka nga!”

Tahimik… kahit na minsa’y naririnig ko pa rin siyang tumatawa… masaya nga siya…

“Saan pa ba tayo pupunta?” tanong ko bigla.

“I don’t know. Ikaw may gusto ka ba’ng puntahan?”

“Wala. Ikaw naman ang nagplano nito eh…”

“Kahit saan naman ako pumunta okay lang eh… basta kasama kita!”

Inismiran ko lang siya.

Nag giggle siya.

“Tambay nalang muna tayo. Tapos mamayang 6 may surprise ako sa iyo.”

“Bakit kailangan 6 pa?”

“Ganoon talaga…”

***************************

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang binabagtas ang daan papunta sa surprise ni kumag. Hindi ako noon mapakali dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, siya nama’y bising-busy sa kate-text at mukha rin siyang na te-tense, siguro ay sinisigurado niya sa kasamang naghanda ng surprise kung okay na ang lahat.

“Mag focus ka nga sa pag da-drive! Baka mabangga tayo!” hiyaw ko, ang totoo’y gusto ko lang uli mag start ng convo with kumag.

“Kahit nakapikit ako, makakarating tayo ng maayos. Memorize ko to’ng daan na ito.” nakangiti niyang hirit.

“Kahit na! Mag focus ka!”

“Opo! Opo! Masusunod po Boss!” sabi niya’ng tawa ng tawa.

Maya-maya’y naging pamilyar na sa akin ang dinadaanan namin, mukhang alam ko na kung saan kami pupunta. Kinumpirma pa iyon ng may biglang ituro sa akin si Richard mula sa labas ng kotse.

“Diyan!” tinuro niya yung malaking bahay sa harap namin. “Diyan nakatira si Stephen!”

Pinagmasdan ko’ng mabuti ang bahay, pansin ko ring medyo binagalan ni Richard ang pagmamaneho. “Nakauwi na kaya yung batang iyon?”

“Aba malay ko! Pakialam ko sa kanya!” pasigaw niyang sabi.

“Puntahan kaya natin?” sabi ko, sabay baling ng tingin kay kumag na kunot noong nagmamaneho.

“Anong puntahan? Malaki na iyon kung nakauwi na siya o hindi pa, bahala na siya! Matanda na siya! kaya na niya ang sarili niya!”

“Matanda? Sabi mo, 17 lang siya diba? Minor? Kaya hindi ko siya pwedeng i-date?”

“Seryoso ka bang gusto mo siyang i-date?”

“Bakit naman hindi? Mabait siya, magaan loob ko sa kanya. Kaya, if may chance.., bakit naman hindi?” (Alam ko namang hindi makikipagdate sa akin yung bata, may girlfriend siya at isa pa bakla ako. Gusto ko lang talaga biruin at inisin si Kumag.)

“Do you like him?” medyo humina na yung boses ni kumag.

“Yah! I like him!”

“Tsk! Bob! Chickboy yun! Sasaktan ka lang nun!”

“Sanay na naman akong sinasaktan eh…” tinitigan ko siya, nahalata ko’ng nagi-guilty siya sa narinig na sinabi ko. “Ano naman kung chickboy?”

“Hindi mo deserve iyon!”

“At ano naman ang deserve ko abir?”

“Yung po-protektahan ka! Mamahalin ka!”

“Si Jude.” Mabilis ko’ng tugon.

Natahimik lang siya. Alam ko’ng nainis siya sa sinabi ko, hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko’ng may kinikimkim siyang galit.., galit na pilit niyang tinatago pero feeling ko anytime ay sasabog na rin.

“Ang lakas mo’ng tawagin siyang chikboy, eh ganoon ka rin naman!” pag-iiba ko ng topic. Medyo batid ko’ng na aakward na siya eh.

“Hindi ah! Loyal ako… minsan lang ako magmahal, pero totoo…”

“Asus… sinungaling!”

“Totoo nga! Ngayon nalang nga ulit ako nakipagdate eh…”

“Bolero talaga… Nakalimutan mo na ba? Nakipagdate ka kaya kay Nicole!”

“Yah! But by the virtue of no choice. Ayaw mo kasi akong i-date eh.”

 “Pero nag enjoy ka!”

“Nag enjoy akong yakapin ka!” nag giggle siya, siguro dahil sa natahimik ako. “Gusto mo bang iwasan ko na si Nicole?”

“Wala akong sinabing ganoon ulol ka!”

“Kaya nga nagtatanong eh!” medyo bumagal lalo ang takbo ng sinasakyan namin. “Bob listen to me! I like Nicole… I like her as a FRIEND! Malabong maging more than friend yun kasi may sinisigaw na itong puso ko…”

“Bakit mo sa akin sinasabi yan?”

“Wala lang. baka lang kasi.., mapagaan nun ang loob mo…” ngumiti siya, saka bumusina.

Nasa labas na kami noon ng bahay nila kumag, at hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko noong masilayan iyon.

“Ito yung surprise mo?” tanong ko.

“Nasa loob!” ngumiti siya.

“Bakit?” (ang bobo ulit ng tanong ko…)

“Anong bakit?” he hold my left hand. “Actually the original plan is a dinner date on a fancy restaurant. However.., naisip ko, you had all the worst memories  with me in this house… gusto ko mapalitan yun ng magagandang ala-ala Bob… malay mo, in the future dito ka na rin tumira…” tumawa siya.

“Huh?”

“Ang kulit naman eh…” nagkamot siya ng ulo. “Basta, lets enjoy this date Bob!”

Bumukas ang malaking gate at pumasok ang kotse’ng sinasakyan namin. Kinakabahan man ako’y sinubukan ko’ng itatak sa kokote ko ang sinabi niya.., dapat i-enjoy ko lang ito…

********************

Agad kaming sinalubong ni Ron at ate Liz… medyo naiilang pa ako nun kay Ron dahil sa ginawa ko’ng pang di-deadma sa mga tawag at text niya.

“Anong ginagawa mo rito?!” medyo mariin ang pagkakasabi niya’t mukhang naiinis o nagagalit.

“Yung kuya mo yung nagdala sa akin dito… sorry…” nanginginig ko’ng paliwanag.

“Ganoon ba?! Ano daw gagawin niyo dito?!”

“Hindi ko alam Ron eh… pero pwede naman akong umalis…” (Honestly naiiyak na ako noon, pinipigilan ko lang dahil sobrang nakakahiya…)

Noon ko nakitang ngumiti si Ron na sinundan ng pagtawa ni Ate Liz.

“Biro lang yun Bob, niloloko ka lang ni Badong. We miss you…” sabay yakap sa akin ng buntis.

“Miss ko din kayo ate Liz…”

“Hindi ka man lang ba mag so-sorry?” si Ron naka busangot pa rin.

“Sorry…” niyakap ko siya.

“Bakit ba hindi ka man lang nagreply kuya?”

“Nagreply kaya ako….”

“Isang beses?!”

“Sorry na Ron. Naging sobrang busy ko lang talaga eh…” Pagdadahilan ko.

“Asus! Kung hindi ka lang mahal ni Kuya eh… hindi kita patatawarin…”

“Anong mahal?” medyo nabigla ako sa biro niya.

“Wala! Handa ka na ba sa date niyo?”

“Anong date?”

“Maangmaangan mode ulit siya oh!” tumawa sila ni ate liz.

“Alam namin Bob. Mag enjoy kayo ha! Nag re-ready lang si Richard…” si Ate Liz.

Ilang saglit pa’y tumunog ang phone ni Ron. Mabilis niyang binasa ang message saka sinabing time na daw… (Wala na akong suot na suit noon, naiwan ko kasi iyon sa kotse ni kumag kasama ng aking sling bag.)

Piniringan nila ang mga mata ko. Ilang beses ko silang tinanong kung ano yung mangyayari, pero wala akong nakuhang sagot sa kanila, puro lang sila tawa at panunukso. Batid ko rin na sobra silang excited, kaya pati ako’y na i-excite na rin sa mangyayari.

Dahan dahan ang ginawa ko’ng paghakbang habang maingat naman akong ginagabayan ni Ron. Alam ko’ng umikot kami sa bahay nila, ramdam ko kasi yung texture ng mga dinadaanan namin, mula sa concrete na flooring ng garahe nila, sa mabataong daanan hanggang sa makaapak ako sa malakutson na mga damo.

“Okay nandito na tayo!” bulong ni Ron. “Enjoy ka kuya ha… saka.., huwag mo masyadong pahirapan yung kuya ko.., mabait naman yan, kaya kung maaari sagutin mo na agad…” pagbibiro niya.

“Sira ulo ka!” natatawa ko’ng sabi. “Pwede ko na ba’ng tanggalin itong piring?”

“Wag muna… ako yung gagawa nun, pag oras na…”

“Baka abutin tayo ng bukas dito ha…”

“Uy…. Excited….” Hirit niya. Hawak-hawak pa rin niya ang mga kamay ko.

Maya-maya’y nagulat nalang ako sa malakas na pagtawa ni Ron. Narinig ko rin ang pigil na halakhak ni Ate Liz. “Ano yan? Kuya?” natatawang bulalas ni Ron.

“May balak ka bang mag Macho Dancing? Wala sa plano yan ah?” pagtutuloy ni Ron.

“Ano ba yun Ron?” pagtataka ko.

“Wala kuya… ma enjoy mo sana ito…” natatawa parin siya.

“Anong Macho Dancing?”

“Wala… Basta… tatanggalin ko na ang piring mo.” may mga pigil na tawa pa rin akong naririnig.

Habang nag aadjust ang mga mata ko dahil sa matagal na pagkakapiring ay narinig ko na ang pagkaripas ng takbo ni Ron at ni Ate Liz (Buntis si Ate Liz nun, pero Oo, tumakbo siya). Noong okay na ang paningin ko’y agad bumungad sa akin ang romantikong set-up sa garden sa likod ng bahay nila kumag.

Isang metal shed ang trinansform niya into a dream like date. Para ako noong nananaginip at parang pinaglalaruan ang mga mata ko sa ganda na aking nasisilayan. Nakapalibot ang napakaraming kandila doon sa maliit na cottage, may mga yellowgreen hearts din na nakasabit sa paligin nito. Halata ring inayos yung mga tanim sa paligid nun, pati yung mga bulaklak na parang dinala ako sa mundo ng mga diwata. Sa loob ay naka handa ang isang mesa na puno ng mga pagkain, ayos na ayos ang lahat at masyado’ng na ooverwhelmed ang puso ko sa lahat ng aking nakikita.

Para akong nakalutang sa cloud nine nung mga panahong iyon, gusto ko ring maiyak dahil hindi ko naman inaasahan iyon. Akala ko mag didinner lang kami ulit kasama ang pamilya niya. I feel so special..,

Bigla namang napalitan ng tawa ang emosyon ko noong tumama ang aking paningin sa aking prince charming na masuyong nakatayo sa gilid ng cottage.

Nakakatawa kasi ang itsura niya. suot niya noon ang binili niyang polo na ako ang pumili, halos tatlong butones lang ang nagawa niyang isara sa bandang baba, hindi na kasi mag abot yung mga nasa itaas na bahagi lalo na yung nasa level ng balikat, dahilan para ma expose ang katawan niyang nakasuot ng isang puting sando bilang pangloob.

“Ang Cute mo!!!!” hiyaw ko habang tuloy-tuloy pa rin sa pagtawa.

Nakita ko siyang nagkamot ng batok, mukhang nahihiya ata. “Cute talaga ha?”

“Ano ba naman kasi ang nakain mo’t sinuot mo yan?”

“I wanted to be the most handsome guy that you would ever seen.., ate Liz told me kagabi na tanungin ka kung ano ang type mo’ng lalake… kaso…” kinagat niya yung lower lip niya.

“Kaso ano..?”

“Kaso iniwasan mo ako eh.., I hesitated to ask you, baka kasi mailang ka. Kaya naisip ko, pasama nalang ako’ng bumili ng damit atleast pag ikaw yung pumili alam ko gusto mo yung makikita mo… kaso, hindi ko naman alam na gusto mo pala akong magmukhang suman…” tumawa siya.

“Sorry…” natatawa pa rin ako, sobrang cute na nakakaawa siyang tingnan. “Sayang tuloy yang polo’ng iyan…”

“Ayos lang… napatawa naman kita eh. Saka, hindi naman sayang, memorable ito… something that is worth keeping… this shirt is a reminder na importante ako sa iyo, na.., nagseselos ka ng dahil sa akin…”

“Loko!”

Kinuha niya ang isang boquet sa loob ng shed, inilabas iyon saka nagsimulang humakbang palapit sa akin. Ngiting-ngiti si kumag habang palapit sa akin hawak ang mga bulaklak, ang liwanag ng mukha niya at iba ang ningning ng mga naiiyak niyang mga mata. Nakatayo lang ako habang maiging pinagmamasdan ang bawat galaw niya ng bigla siyang tumigil sa gitna. (Hindi naman sobrang layo ng distansya namin, mga tatlo hanggang apat na dipa lang… ang OA lang siguro namin kaya nagmukhang manila at gensan ang distance…)

“Ay wag nalang pala ito. Baka tanggihan mo lang ulit eh…” pagpapatungkol niya sa bulaklak na hawak.

“Hindi…” tumakbo ako palapit sa kanya. “Akin na!” sabay agaw sa hawak niyang bulaklak.

“Pero ayaw mo ng bulaklak diba?”

“Pero ibibigay mo sa akin ito diba?”

“Oo.., pero ayaw mo diba?”

“May sinabi ba akong ganoon? Akin ito!”

Nag giggle lang siya. “Okay Boss… para sayo naman talaga yan eh….” Ngumiti siya. “Pati ako…” bulong niya.

“Sira ulo! Isang beses pa… lalayasan kita…” pagiinarte ko, kahit na ang totoo’y sobra akong kinikilig dahil sa mala prinsesang treatment ni kumag sa akin.

“Are you ready?” tanong niya sabay lahad ng kamay sa harapan ko.

Tumango lang ako saka ipinatong ang kanan ko’ng kamay sa palad niya.

*******************

“Ikaw ang gumawa ng lahat ng ito?” tanong ko noong makapasok sa loob ng cottage. Namamangha pa rin kasi ako.

“Ahmmm… tinulungan ako ng family ko…” sabi niya. Inayos niya yung uupuan ko, na maagap ko namang pinigilan.

“Ako na Chard! Kaya ko naman eh…”

“Hindi… ako dapat ang gumagawa nito… from now on, Boss na kita…” malambing niyang sabi habang inaalalayan ako sa pag-upo.

Noong maka-upo na rin siya’y agad niyang inabot ang isang papel na puso na nakasabit sa gitna ng shed (Sa bangdang harapan namin). “Do you remember this?” nakangiti niyang sabi, saka inabot sa akin ang puso.

“Oo…” tipid ko’ng sagot. Habang maiiging pinagmamasdan ang pusong hawak ko. Iyon ang puso namin nung first day ng orientation.

“Inayos ko na yan Bob… magkadikit na...” ngumiti siya. “Bob.., I wanted to do the same thing sa puso mo.., I wanted to fix it.., let me fix it Bob…” sobrang seryoso niya which make me feel a little discomfort.

“Inabala mo pa talaga ang pamilya para dito…” pag-iiba ko sa usapan, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya at kung paano ako mag rereact eh… masyado akong kinakabahan.

“Hindi naman abala ito eh.., actually sila yung may gusto na dalhin kita dito. At alam mo ba’ng everybody participated para marealize ang date na ito?”

“Pati Parents mo?!”

“Lalo’ng-lalo na sila.”

“Alam nilang mag de-date tayo?”

“They were the one who motivated me to win you back…”

“Anong win me back?”

“I mean.., para maging okay tayo ulit…”

Tahimik… mukhang ayaw ng tumigil ng kaba sa puso ko noong mga time na iyon, habang si Richard naman ay masuyo paring nakatitig sa akin. Gusto ko itanong sa kanya kung naiisip niya bang bakla ang dinidate niya at kung ano ang dahilan ng mga magulang niya na hayaan ang kanilang anak na makipagdate sa bakla.., pero naunahan na ako ng hiya at takot. Nahihya ako na isipin niyang iniisip ko’ng magiging more than just dating kaming dalawa, at natatakot na baka ikasama lang ng loob ko ang isasagot niya.

“Wala ka bang napapansin sa inuupuan mo?” nakangiti niyang tanong.

“Bakit? Bawal na naman ba akong umupo dito?”

Tumawa siya. “Hindi.., actually wala ng pwedeng umupo diyan, kundi ikaw lang…”

“Huh?”

“Dineclare na ni Jubie na officially sayo lang ang upuang iyan…” nag giggle siya.

“Ano?”

Tumawa siya… “Itanong mo nalang kay Jubie… kahit kasi sila Mommy hindi na makaupo sa chair na iyan…”

“Bakit daw?”

“I don’t know… maybe because she wanted you to be my…”

“Ahmmm… Chard.., uuwi ako at exactly 8pm ha…” pinutol ko ang sasabihin niya, sobra akong kinakabahan eh…

“Ano ba yan? Hindi pa nga tayo kumakain, uwian na agad ang iniisip mo…” nag sigh siya. “I really wanted this night to be special. Ang dami ko’ng gustong sabihin saiyo, ang dami ko’ng gustong ipaliwanag… sa sobrang dami, I know kulang ang gabing ito… kaya sana…” napayuko siya, nagisip ng malalim. “Wala. Nevermind… kain na tayo?” ngumiti siya.

Natulala lang ako.., hindi ko alam kung pinag titripan lang ako ni Richard.

“Ano’ng gusto mong kainin?” tanong niya.

“Chard… diba…”

“Oppss…” pagputol niya sa sasabihin ko. “Hindi pwedeng hindi ka kumain, si Mommy ang nagluto niyan…”

“Lahat?”

“Yup!” ngumiti siya. “Pero yang cupcakes, kagabi pa namin yan ginawa… tumulong ako…” pagmamalaki ni kumag.

Natulala lang ako.

Inabot niya ang isang cupcake, bahagyang inalis ang papel na pambalot saka inilapit iyon sa bibig ko. “Tikman mo!” masaya niyang sabi. “Ako ang naglagay ng frosting niyan… tikman mo na…”

“Ako nalang Chard…” naiilang kong sabi.

“Hindi ako na… Kagat na!”

Inagaw ko ang cupcake mula sa kanya, saka inilagay iyon sa plato sa harap ko. “Chard? Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng ito eh…”

“Anong hindi? Were on a date… I wanted to make this night special… lalo na sa iyo…”

“Chard… if youre doing this, kasi na gi-guilty ka pa rin sa mga nangyari dati. Sinasabi ko sa iyo, okay na… okay na tayo, kaya hindi na kailangan ng mga ganito…”

“Bob… Im not doing this because of guilt. Im doing this because I wanted to do it!”

“Pero…”

“Psssshhhhh…” idinikit niya ang hintuturo sa mga labi ko. “Pwede ba’ng starting tonight, wala ng buts, ifs, pero etc… sa ating dalawa…”

Saglit kaming natahimik.

“Ang hirap naman kasi… ang daming restrictions pag dating sa atin… pag niyakap kita, lagi kang magtatanong kung bakit ko ginagawa… ganoon din pag may maganda akong ginagawa sa iyo… laging parang mali, masama, bawal ang ginagawa ko…” nag sigh siya. “I know, lahat ng nangyayari between the two of us, yung mga hesitations mo, yung mga doubts mo, yung pag reresist mo… lahat kasalanan ko… pero Bob, cant you see? Im doing my best to make things right… please give me the chance to clean up my mess…”

“Napapagod ka na ba sa akin chard?”

“Of course not! Kahit kailan hindi mangyayari iyon Mars… kahit after nito umiwas ka uli, ipagtabuyan mo uli ako… masasaktan lang ako, pero hindi ako titigil…” (This is exactly what he said…  ) bumuntong hininga siya.., “Bob.., kahit ngayon lang please… wala sana muna’ng pero… maging masaya lang tayo…”

To be continued…

*************************************

Note:

Im very sorry for ending this part this way… medyo minadali ko na po’ng gawin ito eh, para makapag update….  Ito po yung klarong bitin eh…, Kaya alam ko uulanin ako ng mga reklamo  pero ayos lang ready po ako :0 ….

Sorry po if it took so long para makapag update ako.., nasira laptop ko eh…, I suppose to send this part last last week pa…. I needed to sell some of my costumes po online for me to buy a new lappy… you know poor problems…

Actually sinubukan ko po siyang ipaayos kaso mahal rin ang singil ng gagawa eh.., at naisip ko na mas practical bumili ng bago… kaya ayun.., I was not able to retrieve some files doon sa old laptop ko, including this part…. Haaaayyyyyyyyyyyyy kaya kailangan ko uling isulat ang part na ito, ng sobrang bilis… patawarin niyo na po ako…

I love you everyone… like super…. At sana basahin at suportahan niyo pa rin itong kwento ko kahit na na disappoint ko kayo ng tatlong lingo….. mwah mwah mwah…
Sir Allan II sana po hindi na po kayo galit sa akin….

JB… cancelled ang Mindanao cosplay summit this month eh… pero i-reschedule daw nila… basi nextmonth daw…. Hope to see you there…. Sa SM ecoland siya ginaheld pirmi, I just don’t know karon if didto gihapon…

Sir Manuel Demigod… asa sa gensan imong relative sir? Taga City heights rako… naa pud me’y balay sa lagao duol ila Manny… nagpuyo pud ko before sa davao, actually one year palang ko nagbalik diri sa GenSan. More than a year pud ko dati sa Sta. Cruz Davao del Sur… tapos nag board ko dati sa Claveria for my second Job… hehe

Dan… Kasal na sila

No comments:

Post a Comment

Read More Like This