By: Mhei
Sa opisina ni Mr. Salvador…
Isang hindi inaasahang panauhin ang dumating. Si Hector isa sa mga malaking tao sa isa sa malaking sindikato ng bansa.
“Pagpapasensyahan mo na ang nangyari noong nakaraaang araw.” Si Hector na nakaupo sa harap ni Mr. Salvador. “Hindi ko lang gusto na may nakakalat na daga sa aking teritoryo…”
“Kalimutan mo na iyon.” Pagputol ni Mr. Salvador. “Deretsuhin mo na kung ano pakay mo dito.”
“Tulad ng aking inaasahan. Alam kong ayaw mo ng paligoy-ligoy.” Inilapag ni Hector ang isang case sa lamesita at binuksan ito. Naglalaman ito ng malaking halagang pera. “Gusto kong sumama ka sa amin. Maging katulad ko na may mataas na posisyon.”
Sa kabila ng pagkagulat ng mga tauhan ni Mr. Salvador ay nanatiling itong kalmado. Inabot ang isang bugkos ng pera at tila itinitimbang at sinusuri sa kanyang palad.
“Kahit totoo ang perang ito ay hindi ko tatanggapin ang inaalok mo. Mananatili ako tapat sa aking amo.”
“Aba, binbastos mo yata amo namin. Hindi ibig sabihing malaking tao ka…” Hindi na naituloy pag-ngangawa ni Alex dahil nailabas na siya ng ibang tauhan.
“Pagpapasiyahan mo na tao ko.” Sabi ni Mr. Salvador na syang pagbalik ng pera sa case.
“Hahaha! Mainitin ang ulo at takaw-gulo.”
“It’s all about loyalty, Hector. Nagkakaganyan sya dahil alam kong matapat sya sa akin, lahat ng tauhan ko. Hindi sa lahat ng oras, sa iyo manggagaling lakas mo, maaaring manggaling rin ito sa taong nakapaligid sa iyo.”
“Paano ba yan, Mike? Mukhang hindi kita nakumbinsi sa aking munting hiling.” Tumayo na si Hector at nkipagkamay kay Mr. Salvador.
“Nagsisimula pa lamang ako sa plano ko.” Sabi ni Hector sa sarili. Tumalikod na ito at lumabas na ng opisina.
“Calyx, gusto ko malaman kung sino talaga si Hector. Ipagpatuloy niyo ang pag-iimbestiga sa kanya. Kung maari lahat ng impormasyon na nag-uugnay sa kanya” Utos ni Mr. Salvador sa tauhan niya.”
Samantala…
Kent’s POV
Nag-aantay ako sa labas ng grocery at nag-yoyosi. Ramdam ko yung lamig ng hangin na ngbabanta ng malakas na ulan. Namimili si Yuki ng supply namin para sa pagkain at magagamit sa bahay para sa buong buwan. Ginamit namin ang nadilehensya namin nung isang araw.
Habang minamasdan ko si Yuki mula sa labas ay may nakarinig ako ng ingay na parang nag-aaway. Nakita ko isang lalaking walang ayos sa katawan at lango sa alak. Nasa 50’s na siguro. Tinatadyakan niya ang isa pang lasing na lalaki.
“Pre, pasensya na medyo natagalan ako.” Si Yuki. Hindi ko sya namalayan dahil sa pag-usisa ko sa gulo. Lumingon siya kung saan ako nakatingin.
“Yuki…” Tawag ng lalaki sa kanya. Magkakilala sila?
Si Yuki, naestatwa sa nakita niya. Nagsimulang nanginig buong katawan niya.
Samantala sa hospital…
Jun’s POV
Nasa kalagitnaan na ko ng libro na binabasa ko nang maramdaman ko ung malakas na hangin na tumatama sa bintana ng aking kuwarto.
Unti-unti akong nakakaramdaman ng kaba, ng takot
Kuya….
ITUTULOY

No comments:
Post a Comment