By: Lord Iris
Hi km readers! It's me again Lord Iris. Kamusta na kayo? Bumuhos ba ang balde-baldeng luha sa You Light My Fire? Here is another story.
I will give you a taste of a teeny boxboy novel from watty.
Kung pinaiyak kayo ng You Light My Fire ay siguradong kikiligin naman kayo dito. Chill lang muna tayo bago ako babawi ng mga luha hahahah. Mas marami ang reads ko nitong My Innocent Lover sa watty. At first, medyo hesitant pa ako na ipasa 'to dito at malalaman niyo rin kung bakit.
Again... This story is plain fiction. Every characters, events and lines is from the author's mind. Sorry for typographical errors. Hindi ko na po kasi inedit ang story na ito.
Matutuwa kayo dito because I really love the main character, Cyril. Please comment for suggestions at feedbacks.
This story is about making the best descisions specially when it comes to love.
May tao kang minamahal pero lagi kang rejected sa kanya at hindi ka niya pinapahalagahan. Pero biglang sumulpot ang isang tao na handa kang ipaglaban at pinaparamdam niya sayo na special ka, kaso biglang nabago ang ihip ng hangin at yung taong mahal mo ay narealize na may gusto din siya sayo.
Naguguluhan ka ba sa sitwasyon?
Alamin ang mga magiging kasagutan sa mga pangyayari dahil ang bawat desisyon ay may katumbas na halaga kaya dapat mo itong pag-isipan ng mabuti. Sabi nga nila isipin mo muna ng isang daang beses ang isang bagay kung hindi ka pa sigurado.
Enjoy reading.............
.....
Why is that, as a culture, we are more comfortable seeing two men holding guns than holding hands?
-Anonymous
....
Eros POV
*Kring Kring*
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang alarm clock na sobrang ingay kaya pinatay ko ito at bumalik na ako sa pagtulog...
Maya-maya biglang bumukas ang pimtuan pero di ko pinansin at....
"Sir Eros!!! Gising na! Late ka na sa school mo!". Maingay na sabi ng PA ko
"Shut up!!! Inaantok pa ako!". Sabi ko sabay subsob ng mukha sa unan.
Niyuyugyog ng PA ko ang kama kaya lalo akong nabi-bwisit dahil gusto ko pang matulog ngayon...
"Ano ba? Sinabing inaantok pa ako!". Sigaw ko kaya tumigil na yung PA ko sa pagyugyog ng kama.
"Pero male-late ka na sa klase mo...". Alanganin niyang sabi sa akin.
"I don't care!". Sigaw ko sa kanya.
"Bumangon ka na nga! Ang arte-arte mo naman!". Sigaw niya kaya lalo akong nainis.
"Sinisigawan mo ba ako?". Naiinis kong tanong sa kanya.
"Sorry sir... di ko po sinasadyang sigawan kayo". Natatakot niyang sabi sa akin.
"YOU'RE FIRED!!!". Sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan...
Umiyak siya bigla at tumakbo palabas ng kwarto kaya natahimik na ang buhay ko dito...
Actually that is my 12th Personal Assistant and siguradong mag-hahanap na naman ng bagong PA ang step dad ko at hindi ko alam kung kelan siya titigil...
Yung iba kong PA nag-resign dahil hindi na daw nila kaya ang ugali ko at yung iba naman ay sinisante ko dahil naiinis ako kagaya ng nangyari ngayon, pero siguradong bukas o sa makalawa ay meron na namang mag-aaply na maging PA ko...
Nakatakip ang mukha ko sa kumot pero narinig ko na biglang bumukas ang pintuan at naramdaman ko na merong yumakap sa likod ko...
"Kuya Eros... gising na please late ka na po sa school mo". Malambing na sabi niya sa akin...
Tinanggal ko na ang kumot at nakita ko ang malambing kong kapatid na si Era... actually half sister ko siya pero close kami at nagkakaintindihan dahil sobrang bait at malambing ang kapatid kong si Era kahit na 6 years old palang siya. Sabihin na nating masama ang ugali ko sa ibang tao pero isa naman akong mabuting kuya pagdating kay Era...
"Good Morning Era...". Nakangiti kong sabi habang kunukusot ang mga mata ko dahil sa puyat.
"Good Morning din... mag-breakfast ka muna sa baba kuya". Sabi ni Era at umalis na siya sa kwarto ko.
Bumangon na ako at pumunta ng banyo para maka-ligo at pagkatapos ay nagsuot na ako ng uniform ko at college na ako ngayon...
Bumaba na ako at pumunta sa may dining area ng mansion namin kaya nakita kong kumakain na si Era kasama ang step dad ko...
"Good Morning!". Nakangiting bati ng step dad ko sa akin...
Di ko siya pinansin at umupo na ako sa tabi ng kapatid ko...
"Bakit mo naman sinisante yung bago mong PA eh 3 days pa lang siya sayo". Mahinahong sabi sa akin ng step dad ko habang kumakain.
"He's so annoying". Sagot ko kay Dad
"What if... dumating yung time that you need a new PA?". Tanong sa akin ni Era.
"I don't know". Sagot ko sa kapatid ko.
"Ok let's make a deal!". Sabi ni Dad
"Anong deal?". Nagtataka kong tanong habang nakakunot ang noo.
"Ikaw na lang ang bahalang pumili ng magiging PA mo at hindi kita papakialamanan". Sabi ni Dad
"Well... it's good for me". Seryoso kong sagot sa kanya.
Actually kailangan ko talaga ng PA kasi di naman ako ganun katalino kaya kailangan ko ng gagawa ng mga assignments, projects at mga bagay na hindi ko kayang gawin mag-isa pero paano kaya ako makakahanap ng bago kong PA na magtitiis sa ugali ko?
Mabait ang step dad ko at patay na si Mom pati ang biological father ko pero si Dad na ang nag-aalaga sa amin ni Era kasi siya ang daddy nito, kaya tuloy hindi ako komportable sa kanya kasi hindi kami magkadugo ni Dad at dati siyang kabit ni Mom kaya naiinis din ako sa kanya kahit na mabait siya kasi feeling ko siya ang reason kaya naghiwalay ang totoo kong mga magulang...
................
Ako nga pala si Eros Vermillion isang mayaman, sikat at sobrang gwapo na pinagtitilian dito sa school kaya minsan naiirita na talaga ako dahil maraming babae ang nakatitig sa akin. Kung ako nga ang papapiliin ay ayoko ng ganitong klaseng hitsura dahil naasiwa na ako sa sobrang dami ng mga umaaligid sa akin kahit cold ang pakikitungo ko sa kanila...
Nandito na ako ngayon sa school at pumunta na ako sa locker para kunin ang mga kailangan ko para ngayong araw at binati na naman ako ng mga babae pero snob lang ako kaya umalis na din sila kaagad...
Nakita ko na puno na naman ng mga love letters ang locker ko at isa lang ang tingin ko sa mga ito kundi BASURA!!!
Tiningnan ko muna isa-isa at galing ang mga ito kay Sheena, Lexi, Mina, Cris, Jillaine, Jessa, Nicole, Erin, Dora at kung sino-sino pa pero isa lang ang pupuntahan ng mga ito kundi saan?
Sa BASURAHAN!!!
Ewan ko ba kung bakit pa sila nagbibigay ng mga love letters eh deretso lang naman ang mga yun sa basurahan at naiirita ako sa tuwing nakikita ko ang mga iyon...
Habang naglalakad sa hallway kinuha ko muna ang phone ko para makinig ng music at bigla na lang...
May bumangga sa likod ko kaya tumalsik ang phone ko at kitang-kita ko na nabasag ito...
Lumapit na ako sa phone para pulutin at nag-iinit na ang ulo ko...
"Ano ba!!! Bakit ka ba tumatakbo? Nakaka-perwisyo ka!!!". Sigaw ko habang pinupulot ang phone ko na basag na basag ang screen eh sobrang mahal pa naman nito...
"Sorry... di ko po sinasadya". Alanganing sabi sa akin nung nakabangga na boses ng isang lalaki pero malambing ang pagkakasabi.
Pagtingin ko sa kanya ay namangha ako sa nakita kong lalaki dahil sobrang puti ng balat niya na parang nilublob sa gatas, ang ganda ng mga mata at ang haba ng mga eyelashes kaso mga 5'5 lang ata ang height niya. Matangkad kasi ako...
"Bakit ka ba tumatakbo?". Naiinis kong tanong sa kanya.
"Male-late na po kasi ako...". Sagot niya sa akin na halatang natatakot.
"Bayaran mo tong phone ko!!!". Sigaw ko sa kanya at pinag-titinginan na kami ng ibang mga students.
"Pe...ro wala po a..kong pera". Nauutal niyang sabi habang nakatingin sa ibaba na parang bata.
"Wag mo nga akong lokohin! Paano ka makakapag-aral sa ganitong klaseng school kung wala kang pera?". Galit kong sabi sa kanya at napansin ko na parang naiiyak na siya.
"Sorry po... scholar lang po ako dito". Naiiyak niyang sabi sa akin kaya alam kong nakaka-awa na siyang tingnan.
"At paano mo to babayaran?". Seryoso kong tanong ko sa kanya.
"Wag po kayong mag-alala... pagtatrabahuan ko na lang po hanggang sa mabuo ang pambayad ko sa inyo". Naiiyak niyang sabi sa akin.
"Siguraduhin mo lang!". Sabi ko sa kanya at nag-lakad na ako palayo.
Ang totoo... kaya ko namang bumili ng phone na ganito kahit sampu pa, pero nahihiya ako dahil alam kong pera pa din ng step dad ko ang ginagamit kong pang-gastos at ayokong isipin niyang masyado akong maluho eh hindi niya naman talaga niya ako anak...
Ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng mukha at para siyang bata kasi mukha siyang walang kamuwang-muwang sa mundong ito kaso dapat niyang bayaran ang sinira niya and I'm sure kilala naman niya ako kaya alam niya kung sino ako...
Cyril POV
Nagmamadali na talaga ako ngayon dahil late na ako at naka-bangga ko pa si Eros Vermillion yung heartrob dito sa school na sabi nila salbahe daw yun kaso nasira ko ang phone niya...
Paano ko babayaran yun? Wala akong pera, pero dapat bayaran ko pa din at baka magalit din sa akin yung mga nagkaka-crush sa kanya at baka ma-bully ako dito sa school...
Ako si Cyril Cortez isa akong full scholar dito sa school at kumuha ako ng kursong architecture. Minsan pinag-titripan ako dahil mukha daw akong cute na manika o di kaya naman fallen angel dahil sobrang puti ko at parang di ako nasisikatan ng araw tsaka napaka-inosente ko daw tingnan at namana ko ang kutis ko sa mama ko na isang half spanish pero mahirap lang ako kahit na dito ako nag-aaral...
Naka-upo na ako sa room at nakatitig lang ako sa labas ng bintana pero biglang tinawag ng prof ang pangalan ko kaya nabigla ako...
"Mr. Cortez what is your idea about molecular biology?". Tanong sa akin ng prof.
Buti na lang at masipag akong mag-aral at nerd daw ako sabi nila, pero hindi naman masyadong halata. Tumayo na ako para sumagot sa tanong ng prof namin...
"Molecular biology is the field of biology that studies the composition, structure and interactions of cellular molecules such as nucleic acids and proteins that carry out the biological processes essential for the cell's functions and maintenance". Sagot ko sa prof namin.
"Exactly! Very good Mr. Cortez". Sabi ng prof namin habang pumapalakpak.
"Thank you po sir...". Mahinahon kong sabi habang umuupo sa upuan ko.
Binabasa ko kasi talaga ang mga libro araw-araw dahil hindi pwedeng mawala sa akin ang scholarship ko kahit na nagtatrabaho ako sa gabi at mahirap talagang pag-sabayin ang trabaho at pag-aaral pero kailangan dahil wala akong allowance kapag hindi ako nagtrabaho...
Natapos na ang subject at vacant na ang kasunod kaya naglakad na ako papunta sa library para mag-aral...
Pero bigla na lang may humatak sa uniform ko at dinala ako sa isang madilim na room. Marami sila at puro babae at mga bading...
Ni-lock nila ang pinto at sobrang dilim pero naramdaman kong may tumali sa mga kamay ko kaya hindi ako maka-galaw. Hindi rin ako makalaban dahil mahina ako at natatakot kaya naiiyak na ako...
"Ano pong ginawa ko? Wala po akong atraso sa inyo...". Naiiyak kong tanong sa kanila habang nakagapos sa madilim na room.
"Masyado kang papansin!!! At binasag mo pa ang phone ni Eros". Sagot naman ng boses ng isang babae.
Mga nagkaka-crush pala sila kay Eros at parang fans club kaso salbahe sila kagaya ng crush nilang si Eros...
"Di ko po yun sinasadya... at babayaran ko po yun...". Natatakot kong sabi sa kanila dahil sobrang dilim.
"Magtiis ka ngayon dito at pagbayaran mo yung katangahan mo!". Sigaw naman ng boses ng isang bading.
"Maawa po kayo sakin... di ko na po uulitin please po...". Naiiyak kong sabi sa kanila.
Pero mukhang wala na silang naririnig at iniwan na nila akong naka-gapos dito sa room at ni-lock nila ang pinto kaya naiiyak na ako sa sobrang takot...
"Tulong! Please! ilabas niyo ako dito!". Naiiyak kong sigaw habang naka-gapos pa din ang mga kamay ko.
Mukhang wala ng nakakarinig sa akin dito sa madilim na room kaya natatakot na talaga ako. Mga ilang oras na din akong nandito at malapit ng matapos ang klase kaya hindi na ako makakapasok...
Lalo akong natatakot at baka marami akong nakaligtaang mga lessons dahil baka mawala ang scholarship ko, kaso wala na akong magagawa dito at naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko...
Mahina ako... lampa at laging inaapi pero kailangan ko pa ding maging matatag para matupad ko ang pangarap ng mama ko para sa akin...
Naalala ko pa yung sinabi sa akin dati ni mama na kailangan kong maging mabuting tao na may malinis na puso dahil yun lang ang paraan para matupad ko ang mga pangarap ko at habang inaalala ko ang mga katagang binitiwan ng mama ko bago siya lagutan ng hininga ay hindi ko maiwasan ang malungkot at mangulila dahil alam kong palagi na akong nag-iisa...
Biglang bumukas ang pintuan at di ko masyadong maaninag ang taong pumasok sa loob ng room...
"Please... tulungan mo ako". Pagmamakaawa ko sa kanya.
Hinawakan niya ang mga pisngi ko at nagsalita siya na alam kong boses ng isang lalaki...
"Wala ka ng dapat ikatakot... ligtas ka na ngayon...". Sabi sa akin ng lalaki pero di ko makita ang mukha niya sa sobrang dilim...
Kinalagan niya ang mga kamay ko sa pagkakatali at sobrang sakit na ng mga kamay ko, pero pakiramdam ko ay para akong preso na nakalaya sa kulungan...
Niyakap niya ako kaya gumaan ang pakiramdam ko at bigla na lang siyang nagsalita...
"Ang bango mo naman! Di ko makakalimutan ang amoy mo...". Malambing niyang sabi sa akin at kumalas na ako sa pagkakayakap
"Maraming salamat...". Sabi ko sa lalakeng tumulong sa akin.
"Wala yun... anong pangalan mo?". Tanong sa akin nung lalaki.
"I'm Cyril Cortez...". Sabi ko sa kanya.
"Nice to meet you... from now on I will be your superhero...". Sabi niya sa akin at nasa loob pa rin kami ng madilim na room.
"Anong pangalan mo?". Masaya kong tanong sa kanya.
"Di na mahalaga yun... ang mahalaga ay kilala na kita ngayon". Sabi sa akin ng lalake.
"Malaki ang utang na loob ko sayo... paano kita masusuklian?". Tanong ko sa kanya.
"Tsaka na lang! Alam ko na magkikita tayo ulit kung talagang destiny kita...". Sabi niya sa akin.
"Destiny? Anong ibig mong sabihin?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Wala... sige na aalis na ako". Nagmamadali niyang sabi sa akin.
"Huh? eh paano kita makikilala at paano ako makakapagpasalamat sa iyo ng pormal?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
Bigla niya akong hinalikan sa pisngi kaya nag-init bigla ang mukha ko at pakiramdam ko ay kasing pula na ang mukha ko ng mansanas...
"Para saan yun?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Para hindi mo ako makalimutan...". Seryoso niyang sagot sa akin.
"Sino ka ba talaga?". Tanong ko ulit.
"Kailangan ko ng umalis... Bye!!!". Sabi nung lalake at bigla na siyang tumakbo palayo.
Iniwan na niya ako at hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa niya...
Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya at hindi ko man lang nakita ang hitsura niya dahil sa sobrang dilim kaya lumabas na ako ng room na ito...
Hapon na pala at kailangan ko na talagang umuwi dahil may trabaho pa ako mamayang gabi. Lumabas na ako ng school at halos wala na palang mga students dito...
Napatingin ako sa mga kamay ko at nakita kong namumula na ang mga ito, puro pasa at bakat na bakat ang lubid sa mga kamay ko. Sobrang puti ko pa naman kaya kitang-kita ang mga pasa sa kamay ko...
Grabe yung mga taong nan-trip sa akin dahil hindi man lang sila naawa sa akin kahit na nakiki-usap ako at hindi ko naman sinasadyang mabasag yung phone ni Eros tsaka babayaran ko naman yun...
Ganun na ba talaga sila ka-obsess dun kay Eros? Kaya pati ugali eh kapareho na nila...
Habang naglalakad pauwi galing school ay napadaan ako sa isang park at konti lang ang nandito ngayon dahil palubog na ang araw at mag-gagabi na rin...
May mga batang naglalaro pero kakaunti lang at di ko maiwasan ang malungkot dahil nakikita ko na kumpleto ang pamilya nila, may nanay at tatay na kasama ang mga anak nila kaya di ko maiwasan ang mainggit at maghangad ng kumpletong pamilya...
Nanay na nga lang ang meron sa akin at kinuha pa ni Lord pero di ko naman siya masisisi kaso bumibigat talaga ang pakiramdam ko tuwing naalala ko si mama at napansin ko na lang na may tumulong mainit na tubig sa mga mata ko...
Habang nagmamasid sa park ay napatingin ako sa playground at may nakita akong batang babae na umiiyak na nakaupo sa swing kaya nilapitan ko siya dahil mukhang mag-isa lang siya ngayon...
"Ok ka lang ba?...". Nag-aalala kong tanong sa kanya.
Tumingin sa akin yung batang babae habang umiiyak siya at umupo na ako sa swing na katabi niya...
"Nawawala po ako...". Sabi nung batang babae habang humihikbi.
"Sige... sasamahan na lang kita dito kaya wag ka ng umiyak". Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha niya.
"Talaga po?...". Alanganing tanong sa akin nung bata.
"Oo naman! Alam mo ba kung saan ka nakatira? Ihahatid na lang kita sa bahay niyo". Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko po alam ang daan pauwi kaya hintayin na lang po natin ang kuya ko kasi sigurado po akong hinahanap na niya ako...". Sabi sa akin nung bata at huminto na siya sa pag-iyak niya.
"Kung ganun sasamahan na lang kita hanggang sa makita ka ng kuya mo". Nakangiti kong sabi sa bata.
"Thank you po...". Sabi sa akin ng bata at napansin kong ngumiti din siya.
"Ako nga pala si kuya Cyril...". Naka-ngiti kong sabi sa bata.
"Ako naman po si Era...". Sagot niya sa akin habang nakangiti.
Tiningnan ko ang ID niya at alam ko na kung saan siya nakatira pero sabi niya hintayin na lang daw namin ang kuya niya dito sa park kaya sinamahan ko na lang siya...
"Bakit ka ba nawala?". Nagtataka kong tanong ko sa kanya.
"Kasama ko po si kuya kaso bumili po ako ng cotton candy at paglingon ko wala na po siya...". Malungkot na sabi sa akin ni Era.
"Ganun ba?... siguradong nag-aalala na din sayo ang kuya mo". Seryoso kong sabi sa kanya.
"Mabait po ang kuya ko at love na love po niya ako". Nakangiting sabi ni Era sa akin.
"Talaga? Ang swerte naman ng kuya mo kasi may cute at mabait siyang kapatid". Nakangiti kong sabi kay Era.
"Pwede rin po ba kitang maging kuya?". Tanong sa akin ni Era.
"Syempre naman! pangarap ko rin na magkaroon ng kapatid". Sabi ko sa kanya at masaya talaga ako.
"Yehey!!! May kuya Cyril na ako!". Masayang sabi sa akin ni Era.
"Wala ka po bang kapatid?". Tanong sa akin ni Era.
Umiling na lang ako bilang sagot kasi mag-isa lang talaga ako kaya nakakalungkot at wala akong kalaro nung bata pa ako at wala din akong mga kaibigan...
Eros POV
Nag-aalala na ako dahil nawawala ang kapatid ko dito sa park at baka napahamak na siya...
Bumili lang siya ng favorite niyang cotton candy tapos nawala na siya bigla sa paningin ko. Di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kapatid ko...
Tumakbo ako papunta sa playground at gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko siya... kahit na nakatalikod ang kapatid ko ay kilala ko pa rin siya kaso meron siyang kasamang lalaki...
"Era!!!...". Sigaw ko sa kanya kaya lumingon naman siya.
Tumakbo papunta sa akin si Era at niyakap niya ako...
"Kanina pa kita hinahanap kuya". Malungkot na sabi ni Era sa akin.
"Sorry Era... kasalanan toh ni kuya". Malambing kong sabi sa kanya.
"Ok lang po...". Sabi ni Era
"Halika na Era... uwi na tayo...". Pagyaya ko sa kanya.
"Wait lang po... may ipapakilala po ako sa inyo". Nakangiting sabi sa akin ni Era.
"Huh? Sino naman yun?". Nagtataka kong tanong sa kapatid ko.
"May nagbantay naman po sa akin habang wala ka". Nakangiting sabi ni Era at tumingin siya sa may swing.
Tumingin na din ako sa may swing at nabigla ako sa nakita ko. Yung taong nakabasag ng phone ko sa school ang kasama ni Era kanina...
Halatang nabigla din siya at nakatitig din siya sa akin pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...
"Era... siya ba ang kuya mo?". Alanganing tanong nung lalaki sa kapatid ko.
"Opo! Kuya Eros halika ipapakilala kita sa kanya". Sabi sa akin ni Era at hinatak niya ako papunta dun sa lalakeng kasama niya.
"Magkapatid pala kayo...". Alanganing sabi nung lalake sa akin na may pilit na ngiti.
"Magkakilala po ba kayo?". Nagtatakang tanong sa amin ni Era.
"Ha? Naku hindi ko siya kilala...". Sabi ko kay Era.
"Kuya Eros siya po si kuya Cyril at kuya Cyril siya po ang kuya ko...". Nakangiting sabi sa amin ni Era.
Nakatulala lang kami pareho nung Cyril habang magkatitig sa isa't-isa pero bigla siyang ngumiti at hindi ko alam kung bakit at parang huminto ang nasa paligid ko nung sandaling yun...
Pinagdikit ni Era ang mga kamay namin para makapag-shake hands kami kaya natauhan ako...
Napatitig ako sa kamay ni Cyril at nakita ko sa puro pasa ito at yung wrist niya ay puro bakat ng lubid...
"Anong nangyari sa mga kamay mo? Wala naman yan kanina ah...". Nagtataka kong tanong kay Cyril.
"Wala toh... na-bully kasi ako kanina". Malungkot na sabi sa akin ni Cyril.
"Huh? Bakit di ka lumaban?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Hindi ako marunong manakit ng tao maski lamok nga hindi ko kayang patayin eh". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Kaya ok lang na inaapi ka?". Tanong ko ulit sa kanya.
Tumango lang siya at tumingin sa ibaba niya at mukhang napaka-lalim ng iniisip niya ngayon...
"Bakit nila yan ginawa sayo?". Tanong ko ulit kay Cyril.
Napatitig lang siya sa akin pero di siya sumasagot...
"Uhmmm... gabi na... kailangan ko ng umuwi...". Sabi sa amin ni Cyril.
"Nice to meet you...". Yun na lang ang nasabi ko sa kanya.
"Siya nga pala... pag-iipunan ko na lang yung pambayad sa phone mo...". Sabi sa akin ni Cyril .
"Huh? Bakit po? Ano pong meron sa phone ni Kuya Eros?". Nagtatakang tanong ni Era kay Cyril.
Umupo si Cyril sa harapan ng kapatid ko at kinausap niya si Era...
"Mahabang kwento eh... nabasag ko kasi yung phone ni Kuya mo kaninang umaga". Nakangiting sabi ni Cyril sa kapatid ko.
"Ganun po ba? Ingat po kayo palagi". Sabi ni Era kay Cyril.
"Lagi kang makikinig sa kuya mo ha? At lagi kang magpapakabait". Sabi ni Cyril sa kapatid ko.
Biglang niyakap ni Era si Cyril at...
"Sana magkita po tayo ulit kuya...". Malungkot na sabi ni Era habang nakayakap kay Cyril.
"Oh sya gabi na... baka hinahanap na kayo sa inyo...". Sabi ni Cyril at tumayo na siya.
"Bye kuya Cyril!...". Sabi ni Era kay Cyril habang naglalakad ito palayo.
Lumingon si Cyril sa amin at kumaway siya sa amin habang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing ngingiti si Cyril eh parang meron akong kakaibang nararamdaman sa dibdib ko...
Hindi mawala sa bibig ng kapatid ko yung Cyril na yun simula ng umalis kami sa park hanggang sa maka-uwi na kami dito sa bahay kaya minsan ay naiirita na talaga ako pero pinagbibigyan ko lang si Era dahil bata pa siya at kapatid ko siya...
"Kuya Eros! Kelan kaya natin makikita uli si kuya Cyril?". Malambing na tanong sa akin ni Era.
"Aba ewan ko... bakit naman gusto mo siyang makita uli?". Tanong ko naman kay Era at medyo nakukulitan na ako.
"Kasi mabait po siya... classmate mo po ba si kuya Cyril?". Tanong na naman ni Era sa akin.
"Hindi ko siya classmate pero pareho kami ng school...". Sagot ko kay Era.
"Sana po makita mo siya ulit para dalawa na po kayo na kuya ko...". Sabi na naman ni Era.
"Bakit? Ayaw mo na ba kay Kuya kaya naghahanap ka ng iba?". Naiinis kong tanong sa kanya.
"Hindi po... masaya lang po ako na makita si kuya Cyril...". Malungkot na sagot sa akin ni Era.
"Nagawa mo na ba yung mga assignments mo?". Tanong ko sa kapatid ko.
"Tapos na po kanina pa...". Masayang sabi ni Era sa akin.
"Huh? Paano mo naman nagawa eh wala namang tumulong sayo...". Nagdududa kong tanong kay Era kasi masyado pa siyang bata para magawa yung mga assignments niya ng mag-isa lang siya.
"Tinuruan po ako ni Kuya Cyril kanina nung nasa park po kami bago ka dumating...". Sagot ni Era.
"Tama ba yung mga tinuro niya sayo? Eh baka naman mali-mali yun...". Tanong ko ulit sa kanya.
"Opo! Magaling po si Kuya Cyril at matalino po siya...". Sabi ni Era.
"Matulog ka na nga Era at maaga pa ang pasok mo bukas...". Seryoso kong sabi kay Era.
"Kuya naman! Masungit ka na naman ulit kaya pumapanget ka...". Natatawang sabi sa akin ni Era.
"Oo medyo masungit ako pero gwapo kaya ako!". Naiinis kong sabi kay Era.
"Pumapanget ka po kapag nagiging masungit ka...". Sabi ulit ni Era.
"Matulog ka na nga!". Naiinis kong sabi sa kanya.
"Good night po Kuya Eros!". Masayang sabi ni Era at pumunta na siya sa kwarto niya.
Ayokong mapunta ang atensyon ni Era sa ibang tao lalo pa at di ko kilala yung Cyril na yun pero napansin ko na magkamukha silang dalawa dahil pareho sila ng amber colored eyes at cute pero mas maputi si Cyril na parang wala na siyang dugo...
Nakaka-insecure kasi hindi ako matalino kaya hindi ko natuturuan si Era sa mga assignments niya at madalas mababa ang mga grades ko kaya naman kailangan ko ng tutor o di kaya naman ay PA para maging maayos ang grades ko pero naiinis naman ako sa mga naging PA ko kasi pag babae nagkakagusto sa akin at naiilang ako pero kapag lalaki naman ay nakikipagsagutan kaya mas nabi-bwisit ako. Yung iba nga ay nababakla sa akin at namamanyakan ako pero nahihirapan ako pag walang PA pero sino kayang makaka-tiis sa ugali ko...
Hay naku! Masyado akong masungit at maraming iniisip pero naging ganito lang naman ako simula nung mamatay si Mom kasi siya lang ang natitira sa aming magkapatid pero iniwan niya pa kami at dito pa sa step dad ko kaya naging ganito ako...
Di ko na namalayan at pumikit na pala ang mga mata ko at nagsimula ng matulog pero ayoko ng maging masungit at sana magawa ko ng magbago at ngumiti...
Sa school......
Pumasok na naman ako sa school at hindi ko maintindihan ang mga pinag-sasabi ng prof ko kaya naiinis ako dahil hindi ko naman magagamit ang standard deviation sa totoong buhay at hindi naman engineering o accountancy ang course ko kaya bakit pa ito tinuturo sa amin...
Buti vacant na ang kasunod kaya naglalakad-lakad na lang ako dito sa hallway at nasaan kaya yung Cyril? Ay ano bayan! Bakit ko ba hinahanap yung taong yun?...
Maraming nagagalit sa akin at naiinis kasi maraming nagkakagusto sa akin kahit na masungit ako pero ayoko naman na may nagkakagusto sa akin lalo pa at dahil lang sa looks ko.
Hay naku! Marami na talagang makakati sa mundo!
"Eros!!!!!!". Sigaw na isang babae sa likod ko kaya napalingon ako.
"Ano yun?". Tanong ko na may malamig na tono.
Hindi siya nagsasalita at namumula na siya pero napansin ko na may dala-dala siyang card at inaabot niya yun sa akin kaya nahihiya siya...
"Ano yang hawak mo?". Napaka-ignorante kong tanong sa kanya.
"Please... sige na tanggapin mo itong love letter na ginawa ko para sayo...". Nagpapa-awa niyang sabi sa akin.
"At bakit ko naman tatanggapin yan?". Masungit kong tanong sa kanya at medyo naiinis na ako.
"Pinaghirapan ko ito at matagal na akong may gusto sayo kaya sana basahin mo ito...". Naiiyak niyang sabi at pinag-titinginan na kami ng mga students dito.
"May girlfriend na ako!". Naiinis kong sabi sa kanya kasi meron na talaga akong girlfriend at 2 years na kami pero ayaw pa rin nilang tumigil.
"Ang gusto ko lang naman ay basahin mo ito kasi mahal kita...". Sabi ng babae sa harapan ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha niya.
Hinablot ko yung hawak-hawak niyang love letter at binasa ko yun kaya napansin ko na biglang sumaya ang putang nasa harapan ko ngayon...
Puro mga ka-cornihan at kalandian ang mga nakasulat dito at hangang-hanga daw siya sa akin dahil ang gwapo ko daw kaya mas lalo na akong naiinis sa kanya at nasusuka ako...
"Oh tapos ko ng basahin... ano ng gagawin ko dito?". Nabi-bwisit kong tanong sa kanya.
"Thank you...". Naka-ngiti niyang sagot sa akin.
Naglakad na ako palayo kasi masyado ng marami ang nanunuod sa amin at tinapon ko na sa basurahan ang love letter na binigay niya kasi para sa akin ay basura lang talaga yun eh...
"Ang sama mo talaga!". Sigaw ng babae sa akin kaya lumingon ako.
"Hindi ko sinabing mahalin mo ako at basura lang yun para sa akin!". Naiinis kong sagot sa kanya.
"Hindi mo alam kung paano magmahal!". Sabi niya at umiiyak na siya ng malakas kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Malandi ka kasi! May girlfriend na ako tapos lalapit ka pa!". Sigaw ko sa kanya.
"Balang araw... kapag minahal mo ang isang tao ay sasaktan ka din niya kagaya ng ginawa mo sa akin at sa ibang mga babae". Pagbabanta niya sa akin.
"Wala akong pakialam sa inyo!". Sagot ko sa kanya at umalis na ako sa lugar na iyon.
Palagi na lang may mga higad na lumalapit sa akin kahit alam nilang may girlfriend na ako tapos ako pa ang sisisihin nila sa mga kagagawan nila eh sila naman itong bwisit na lapit ng lapit sa akin...
Habang naglalakad ay napansin ko ang isang lalaking maputi na nakatingin sa bulletin board at naalala ko bigla na siya si Cyril kaya lumapit ako sa kanya...
"Anong tinitingnan mo?". Tanong ko sa kanya at napansin kong nagulat siya.
"Huh? Wala naman". Sagot niya sa akin at humarap na siya.
Nagulat siya ng makita niya ako at napansin kong namumutla siya na parang hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon...
"Natutuwa sayo yung kapatid ko...". Mahinahahon kong sabi sa kanya.
"Ganun ba? Ikamusta mo na lang ako kay Era...". Nakangiti niyang sabi sa akin pero parang kinakabahan na siya at hindi ko maintindihan.
"Bakit parang hindi ka komportable na kausap ako? May gusto ka rin ba sa akin? Bakla ka ba?". Nagdududa kong tanong sa kanya.
"Hindi ako bakla! Wala akong gusto sayo at napaka-feelingero mo naman eh di ka naman pogi...". Naiinis niyang sagot sa akin pero mukha pa rin siyang mabait.
"WOW!!! Di daw pogi... Eh bakit parang kinakabahan ka?". Tanong ko ulit sa kanya.
"Baka kasi... maraming mainis sa akin kapag nakita nilang kausap kita". Sabi niya at nakatingin na lang siya sa ibaba na parang bata.
"Talaga lang? Edi yari sila sa akin...". Seryoso kong sabi kay Cyril.
"Sige na... aalis na po ako". Sabi ni Cyril at naglakad na siya palayo.
Napansin ko na kinakapos siya ng hininga at nahihirapan siyang maglakad kaya sinundan ko siya at nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumumba at nawalan ng malay kaya sinalo ko siya at binuhat papunta sa clinic...
Ewan ko ba kung bakit tinulungan ko itong taong to eh wala naman akong pakialam sa kanya. Sa ngayon ay tinitingnan ko na lang siya habang natutulog sa clinic ng school...
"Kayo ba ang kasama niya?". Tanong sa akin ng doctor.
"Bakit po?". Nagtataka ko namang tanong sa kanya.
"Wala kasing nakalagay na guardian sa ID niya kaya baka kilala mo siya". Sabi ulit ng doctor.
"Ano po bang nangyari sa kanya?". Tanong ko pero wala talaga akong pakialam.
"Masyado siyang puyat at pagod tapos inatake siya ng asthma niya kanina kaya nahirapan siyang huminga". Sabi ng doctor sa akin.
"Kelan po ba yan magigising?". Tanong ko ulit sa doctor.
"Maya-maya lang pero bantayan mo muna siya kasi aalis ako". Sabi ng doctor at lumabas na siya ng pinto.
At talagang ako pa ang pinag-bantay dito sa taong toh eh sobra-sobra na nga yung binuhat ko siya papunta sa clinic at binasag niya yung phone ko na hindi pa niya binabayaran...
Tulog pa rin si Cyril at napansin ko na mukha siyang fallen angel dahil sa kutis niya na daig pa ang babae at ang haba ng mga pilik-mata niya tapos napaka-inosente niya pag kausap...
Napansin ko na bumubukas na ang mga mata niya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya...
"Anong nangyari?". Tanong ni Cyril habang hinihimas yung ulo niya.
"Bigla ka na lang nawalan ng malay". Sagot ko sa kanya.
"Ikaw ba ng nagdala sa akin dito?". Tanong ulit niya sa akin.
"Oo at nadagdagan na naman ang utang mo sa akin". Seryoso kong sagot sa kanya.
"Sorry...". Sabi ni Cyril at pinipilit niyang bumangon sa kama.
"Hoy! Masama pa ang pakiramdam mo bakit bumabangon ka?". Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Ok lang ako at kailangan kong pumasok sa klase...". Sagot niya sa akin.
"Baliw ka ba? Magpahinga ka muna". Naiinis kong sabi sa kanya.
"Ayoko... kailangan kong mag-aral". Sabi niya at pinipilit na niyang tumayo.
Tinulak ko siya sa kama kaya napahiga na siya ulit...
"Ano bang ginagawa mo?". Tanong niya sa akin.
"Masama pa ang pakiramdam mo!". Sermon ko sa kanya.
"Hindi mo ako naiintindihan...". Malungkot niyang sabi sa akin.
"Bakit? Mag-aaral ka kahit hindi ok ang pakiramdam mo...". Naiinis kong tanong sa kanya.
"Ayokong mawala yung scholarship ko dito sa school...". Malungkot na sabi ni Cyril sa akin.
Tumingin ako sa mga mata niya at puno iyon ng kalungkutan at ka-inosentehan na para siyang anghel kagaya ng kapatid kong si Era...
"Magpahinga ka muna ngayon at wag kang makulit dahil hindi kita papalabasin dito". Seryoso kong sabi sa kanya.
Hindi na siya sumagot at kinuha na lang niya yung libro sa bag niya at nagsimula na siyang magbasa...
"Anong ginagawa mo?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ayaw mo akong palabasin kaya dito na lang ako mag-aaral...". Sabi niya sa akin na parang bata.
"Bahala ka sa buhay mo!". Sagot ko.
Umupo na lang ako sa sofa dito sa clinic ng school at...
"Ayaw mo bang mag-aral? Sigurado akong may klase ka pa". Tanong niya.
"Vacant ako ngayon... ayoko sa libro at ayokong mag-aral pero kailangan". Seryoso kong sagot sa kanya.
"Bakit naman? Masaya kayang mag-aral dito...". Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Nerd ka! Walang masaya sa school!". Sagot ko sa kanya.
"Sige... sabi mo eh". Sabi niya at ngumiti siya sa akin na parang inosente siya.
Lumipas na ang mga oras at uwian na ng mga students kaya di ko napansin dahil natutuwa akong kausap si Cyril dahil para siyang kapatid ko...
"Uy... uuwi na ako". Sabi ni Cyril sa akin.
"Ok ka na ba?". Tanong ko sa kanya at nakataas ang isa kong kilay.
"Opo! Kaya ko na ang sarili ko...". Naka-ngiti niyang sabi sa akin.
"Sige! Aalis na din ako". Sagot ko naman sa kanya.
"Thank you... sana maging mabait ka na lang palagi". Sabi ni Cyril.
"Hindi ko kayang maging mabait". Sagot ko sa kanya.
"Huh? Eh alam ko na mabuti kang kuya kay Era eh...". Sabi ni Cyril.
Hindi ako naka-sagot kasi si Era lang talaga ang nag-iisang nilalang na pinapakitaan ko ng kabutihan...
"Sige... ba-bye na at mag-iingat ka palagi tapos ikamusta mo na lang ako kay Era". Naka-ngiting sabi ni Cyril at umalis na siya palayo sa akin.
Hindi ko alam na may tao pa pala na kasing inosente at kasing bait kagaya niya. Siya ang unang tao na sinamahan ko dito sa school...
Itutuloy.........
No comments:
Post a Comment