By: Ryan
Narinig niyo na ba ang “This Time” ni John Legend? Neto ko lang na-realized na tumutukoy pala sa story namin ni Jake ang kantang yan. Pakiramdam ko ako ‘yong kumakanta niyan para kay Jake. Hindi ko maiwasang mapangiti at paulit-ulit na pakinggan.
[Verse 1]
Ran into you yesterday
Memories rushed through my brain
It’s starting to hit me
Now you’re not with me
I realized I made a mistake
I thought that I needed some space
But I just let love go to waste
It’s so crystal clear now
That I need you here now
I gotta get you back today
[Chorus]
This time I want it all
This time I want it all
I’m showing you all the cards
Giving you all my heart
This time I’ll take the chance
This time I’ll be a man
I can be all you need
This time it’s all of me
[Bridge]
Last time I wasn’t sure
This time I will give you more
I’m more mature
I’ll show you
Last time I didn’t know
I messed up and let you go
I need you
Don’t say no
Nagtagal kami sa ganoong ayos. Magkayakap lang kami na parang ‘yon na ang huli naming pagkikita. Sobrang saya, masarap, at nag-uumapaw ang kaligayahan ko ng mga oras na ‘yon. Para akong lumulutang sa alapaap. Matapos ang lahat ng pagkukubli, pagpipigil at panlalaban sa nararamdaman, hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam matapos kong masabi sa kanya na mahal ko din siya. Sana noon ko pa ito ginawa.
Walang nagsalita ni isa sa amin. Ninanamnam lang namin ang bawat segundo at minuto ng pagkakayakap. Noon, akala ko wala ng pag-asa ang sa amin ni Jake. Noon, akala ko ang mga nakalipas sa amin ay tanging sa alaala ko na lang babalikan. Pero hindi, nandito na ulit siya, yakap ko habang tuwang-tuwa sa pag-amin ko sa kanya. Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero ramdam na ramdam ko ang saya nayon. Tumatagos at damang-dama ito ng buong pagkatao ko.
This time, hindi ko na siya hahayaang malugmok. This time, ibibigay ko na sa kanya ng buong ang sarili ko. Hindi na ako magpipigil ng nararamdaman ko. Hindi na ako muling maduduwag dahil alam ko hindi ako kayang sadyaing saktan ni Jake. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kahit hindi niya man laging sabihin ito. Nababasa ko ‘yon sa mga mata niya at sa lahat ng kinikilos niya.
Naramdaman kong dahan-dahan siyang kumakalas sa pagkakayakap sa akin, kaya bumitaw na din ako. Pareho kaming nagpunas ng mga natirang luha. Nagkatitigan kami. Wala na ‘yong lungkot sa mga mata niya na kanina lang ay napakasakit nitong tingnan. Napalitan na ito ng hindi maipaliwanag na saya.
Ngumiti ako at nag-isip kung itutuloy ko pa ba ang naudlot kong sasabihin kanina. Pero sa tingin ko hindi na, dahil ramdam ko, na alam niya na din ang nararamdaman ko para sa kanya. Hinihintay niya lang talaga na sabihin ko sa kanya ‘yon. At ito na nga, nasabi ko na. Sa tingin ko hindi na siya humihingi pa ng anumang karugtong dahil nagkaintindihan na ang mga mata at puso namin.
“Kuya nagugutom ako.” Sambit niya na may kasamang sobrang tamis na ngiti.
“Oh, akala ko ba uuwi ka na?” Nakakunot ang kilay ko habang nakangiti.
“Nagbago na isip ko. Dito na ako matutulog, wala naman akong gagawin sa bahay eh.” Sinabayan niya pa ng kindat na siyang ikinangiti ko lalo.
Hala ka! matutunaw na yata ako. Nakaramdam ako ng sobrang kilig at init ng katawan na hindi ko maipaliwanag dahil sa pagkakakindat niya na ‘yon. Parang may gustong siyang ipahiwatig.
“Kapag sinabi kong hindi ka pwede matulog dito, may magagawa ka ba?” Kunwa’y naging seryoso ang mukha ko pero halatang nagpipigil na ngumiti.
Hindi siya sumagot, nakangiti lang siya. Para bang hindi siya natinag sa sinabi ko. Nagmarcha siya papasok ng bahay at naiwan akong ngiting-ngiti. Alam ko naman na naiintindihan niyang kabaliktaran ang ibig sabihin ko sa pagtutol na matutulog siya dito sa bahay. Sasabihin ko naman talaga sa kanya na dito na siya matulog sa bahay para masulit namin ang mga oras na narito pa ako sa pinas. Naunahan niya lang talaga akong sabihin ‘yon. Isa pa, sabik na sabik na akong makatabi at mayakap siya habang natutulog. Hindi ko tuloy mapigilan ang excitement at kilig na nararamdaman ko.
Sumunod na lang din ako na pailing-iling pero nakangiti. Nakita kong tuluyan na siyang nakapasok ng bahay. ‘Kahit kailan talaga itong si Jake’ sa isip ko.
Pagkapasok ay nagulat ako dahil nakatayo lang si Jake na nakaharap sa akin. Seryoso ang mukha niya. Nagkatitigan kami. Muli kong nasilayan ang mga titig niya na nakakalunod at sobrang mapang-akit. Ito kaya ang tinutukoy niya sa sinabi niyang nagugutom siya?
‘Naku po, hinay-hinay lang Jake baka sumabog na ako sa sobrang excitement’ sa isip ko.
Naiintindihan ko ang mga titig niya kaya agad kong iniwas ang tingin ko at dahan-dahang isinara ang pinto. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Parang dinig na dinig ko na ‘yon.
Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya, pero sa pagkakataong ito mabilis siyang lumapit at dumikit sa akin kasabay ng napakaalab na halik. Sabik na sabik ang mga halik na ‘yon. Para akong naistatwa dahil sa hindi ko maipaliwanag na sensasyon.
Nang makabawi ay gumanti ako ng halik sa kanya. Ibang-iba na ang dating sa akin ng halik na ‘yon. Dahil sa mga oras na ‘yon, may kasama ng pagmamahal at wala ng pag-aalinlangan. Buong puso akong tumutugon sa mga halik niya. Mapusok at puno ng pananabik. Nanginig ang kalamnan at parang may gustong lumabas sa pagkatao ko.
Mabilis kong hinubad ang pang-itaas niya habang naghahalikan at parang may mga sariling isip ang mga paa namin na nagtungo sa sofa na hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi. Nang makarating kami sa sofa ay nanatili lang kaming nakatayo. Hawak hawak ko ang magkabilaang pisngi niya habang ang mga kamay niya naman ay buong pagmamahal na hinahaplos ang katawan ko. Inilayo ko muna ang mga labi ko sa kanya at mabilisan kong hinubad ang pang-itaas kong damit. Bakas na bakas ng pagnanasa ang nabanaag ko sa mga mata niyang nakatingin sa katawan ko. Nang maalis ko na ng tuluyan ang damit ko ay siniil ko ulit siya ng halik. Magkayakap na kami at ramdam na ramdam ko ang init na dumadaloy sa buong pagkatao niya. Mapusok ang halikan na ‘yon. Nag-aalab ang aming mga katawan at mabilis ang kabog ng aming mga dibdib.
Bumalik sa gunita ko ang masayang alaala. Ang unang halikan namin ni Jake. Pero sa pakiramdam ko ay mas masarap ang mga halik niya ngayon. Hindi ko mapigilang ngumiti habang naghahalikan kami.
Dahan-dahan niya akong ihiniga sa mahabang sofa habang magkalapat pa din ang aming mga labi. Tuluyan na akong nakahiga at siya naman ay nakapatong sa ibabaw ko. Ayoko na yatang matapos ang oras na ‘yon. Iginapang niya ang mga labi niya patungo sa tainga ko at nilaro ito ng dila niya. Grabe ‘yong sensasyong naramdaman ko sa ginawa niya at hindi ko mapigilang mapaiktad. Lumapat tuloy lalo at kumiskis ang galit kong alaga sa matigas niyang sandata.
Tumigil siya sa paglalaro ng magkabilaang tainga ko, saka bumulong na tila musika sa pandinig ko.
“Namiss ko ‘to.” Mahina ‘yon pero nagpadagdag lalo ng init sa katawan ko. Lalo na ang init ng hininga niya.
‘Shyeeeet Jake! Huwag ka nang magsalita please, papatayin mo yata ako eh’ sa isip ko.
Gumapang ang labi niya sa leeg ko. Dahan-dahang bumaba sa dibdib ko. Nilaro niya ang dalawang nipples ko na noon ay tayong-tayo na din. Ibinaba niya pa lalo ang halik niya sa pusod ko, dahan-dahan iyon hanggang sa tuluyan niya nang mahubad ang shorts ko. Tumambad sa kanya ang tayong-tayo kong alaga. Tumingin muna siya sa akin na may ubod ng pagnanasa saka hinawakan. Nakatingin pa din siya habang hinahalikan ang ulo nito. Saka marahan na isinubo na lalong nagpatindi ng init na nararamdaman ko. Nanginig ang mga kalamnan ko. Sobrang init ng bibig niya habang dahan-dahang labas masok dito ang alaga ko. Hindi ko maiwasang mapaiktad. Mababaliw na yata ako.
Mga isang minuto niyang ginawa ‘yon, saka ko hinatak ng dahan-dahan ang ulo niya at nakipaghalikan ulit. Binaliktad ko ang pwesto namin, siya naman ngayon ang nakahiga at nakaimbabaw ako sa kanya. Nilaro ko din ng aking dila ang magkabilaang tainga niya. Saka dahan-dahan na bumaba, mula sa leeg, sa dibdib hanggang sa pusod. Dahan-dahan ko na din hinubad ang shorts niya habang nilalaro ko ang nipples niya. Kinapa ko kaagad ang alaga niya at agad na hinarap ito. Pumipintig ito sa labis na katigasan. Pinunasan ko muna ang ulo nito. (Ayoko kasi ng lasa ng precum, haha sorry guys) Saka ko hinalikan at dahan-dahang sinubo. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya ‘yon. Sobrang sarap niyang tingnan habang napapakagat siya ng labi. Nagmamakaawa ang mata niya na huwag kong tigilan. Kahit na nahihirapan na ako sa pagsubo ay tinuloy-tuloy ko lang ito, lahat gagawin ko mapasaya ko lang si Jake.
Maya-maya ay pumuwesto na kami ng baliktaran sa sahig. Hangang sa umabot na kami sa rurok ng kaligayahan at malayang pinakawalan ang mga katas na dulot ng matinding pagmamahalan.
Pareho kaming nalupasay sa sahig, nagkatitigan at nagkangitian. Nakita ko ang labis na saya na nakapinta sa mukha niya. Ang sarap talagang tingnan ng mga ngiti niya na umaabot hanggang mata niya. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Sa mga sandaling ‘yon parang nakalimutan ko na ang lahat ng problema. Parang kami na lang ni Jake ang nabubuhay sa mundo. Sana habang buhay kaming ganito. Sana….
“I love you.” Mahina pero buong-buo ang pagkakabanggit niya habang sinasabi niya iyon na may kasamang napakatamis na ngiti.
Kinilig ako lalo dahil nang sinabi niya ‘yon ay walang “kuya” sa dulo. Nagkatitigan lang kami. Punong-puno ng ningning ang mga mata niya. Sa tingin ko ay ako lang ang kayang mag-alis ng mga ningning na ‘yon at ayoko na ulit gawin sa kanya ‘yon.
Wala akong maramdaman na pag-aalinlangan. Basta puro pagmamahal na lang ang nararamdaman ko sa mga oras na yon. Nalalasing na yata ako sa sobrang kaligayahan.
“I love you too.” Tugon ko sa kanya. Eto ang first time ko na magsabi ng “I love you” sa ka-sex ko.
Sabay kaming tumingala sa kisame habang nakangiti. Sobrang saya. Muli, ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sana noon pa, sana noon pa ako nagtapat sa kanya. Pero sa tingin ko naman ay sapat na ang “NGAYON”, dahil kung sinabi ko na sa kanya noon, sa tingin ko hindi ganito kasaya ang mararamdaman ko. Parang espada, bago pa ito tawagin na “ESPADA” ay isa itong metal na dinarang sa apoy at hinulma. Pinagpaguran at pinagpawisan para tuluyang mabuo at tawagin na ESPADA. Sadya ngang ang saya ay laging may kalakip na lungkot, pagtitiis at pagdurusa. Bago ka tuluyang maging masaya dadanasin mo muna ang lahat ng ‘yon. Parang kami ni Jake.
“Gutom ka pa rin ba?” sambit ko sabay ng makahulugang tingin sa kanya.
“Oo kuya, pwedeng isa pa?” nakakatuwang pang-asar niya.
“Eto, gusto mo?” sagot ko habang nakataas ang kamao. “Tutuktukan kita gusto mo?” biro ko sa kanya habang nakangiti.
“Kuya naman, hindi na mabiro.” Sinabayan ng malawak na ngiti.
“Bakit ka nakangiting aso diyan?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang…” hindi niya maalis ang ngiti sa mga labi. “Naalala ko lang ‘yong unang ginawa natin to.. Hindi ka makatingin sa akin ng derecho nun..” nakangiti pa din siya habang nakatingin sa kisame. “Tapos para kang binuhusan ng tubig na may yelo..” tumawa siya. “Tapos, pinagtutulakan mo pa akong pauwiin dahil niyakap kita tapos sabi mo ‘Bakla ka ba?’… galit na galit ang itsura mo nun.. Ganito oh”. Ginaya niya ang itsura ko at nag mimic ng mga sinabi ko noon, saka tuluyan na siyang napatawa.
Tumawa na lang din ako dahil sa itsura niya at naalala ko kung paano ko siya ipagtulakan noon. Dahil nga kasi sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Noon ko kasi napagtantong mahal ko na si Jake.
Nagkatawanan kami. Saka maya-maya ay huminto. Nakatitig lang kami sa kisame habang nagmuni-muni ng nakaraan.
“Oo kuya, nababakla ako sayo”. Pagputol niya ng katahimikan. Naramdaman kong nag-alangan siya na sabihin niya ‘yon.
Hindi ko mapigilang ngumiti sa kilig. Ang sarap sa pakiramdam na pinag-usapan namin ang nangyari sa amin dati.
Saka muli siyang nag mimic ng mga ginagawa ko noong pagsusungit sa kanya.
“Tigilan mo na yan Jake, mayayari ka sa akin”. pagbabanta ko.
Patuloy pa din siya sa pagmimic. Kuhang kuha niya din ang mga facial expressions ko noon. Dahil ayaw niya ngang tumigil ay agad akong pumaimbabaw sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Aktong re-wrestlingin ko na siya ay napahinto ako. Tumigas na naman kasi si ‘junjun’ ko dahil sa pagkiskis nito sa alaga niya. Napahinto ako. Maging siya ay napahinto din sa pang-aasar saka tumawa ulit ng malakas.
“Ano yon?” pag-aasar niya na ang tinutukoy nya ay ang ‘junjun’ ko na matigas na nakadikit sa kanya.
Muli niya akong niyakap ng mahigpit at hinahalik halikan sa magkabilaang pisngi, mukhang naghahamon na naman siya ng second round. Nag-inarte ako na kunwa’y kumakawala sa higpit ng pagkakayakap niya. Napahiya kasi ako dahil sa inasta ng alaga ko. Bakit ba naman kasi ganito si Jake. Mapadikit lang ako sa kanya ay nagwawala na kaagad si Junjun ko.
‘Junjun!! Behave!!’ sa isip ko.
Bigla kaming nakarinig ng kotseng huminto sa tapat ng gate namin. Nanlaki ang mata ko.
“SI MAMA!” pasigaw kong sabi sa kanya.
Agad kaming kumawala sa isa’t isa at mabilis na bumangon. Inihagis ko ang mga damit niya sa kanya at agad niya namang sinalo. Kinuha ko din ang damit ko at sinipat ang sahig kong may bakas ba ng paglalandian namin, wala naman. Sabay kaming tumakbo paakyat ng kwarto. Nagkatawanan kami habang dali-daling nagbihis.
Muntikan ko na talagang makalimutan na alas-sais na pala ng hapon at pauwi na pala si mama. Si Jake kasi eh, henglende! ENE BE!
Nang matapos na kaming maghapunan ay sabay kaming naligo. Hindi naman na bago kay mama ‘yon dahil sanay na siya. Natutuwa nga daw siya dahil okay na ulit kami ni Jake.
Siyempre magkatabi kami ni Jake sa kama. Magkayakap lang kami buong gabi. Sobrang saya at contentment ang nararamdaman ko.
Mula nang nagkaayos kami ni Jake ay hindi na ulit kami mapaghiwalay. Kasama ko siya sa lahat ng ginagawa ko, laro, tambay, ligo, gala at kung anu-ano pa na tulad ng dati naming ginagawa. Akala ko talaga hindi na mauulit ang saya kapag magkasama kami.
Nalulungkot din ako at nababahala, dahil sa tuwing umaga na gigisingin ko siya ay para bang lagi siyang may kaaway na gulat na gulat sa tuwing ginigising. Kaya niyayakap ko na lang siya at ipinaparamdam na nasa tabi niya lang ako. Eto yata ang epekto sa kanya ng marijuana at death threats. Para bang laging may naghahabol sa kanya na gusto siyang patayin. Hindi ko maiwasang malungkot at sisihin ang sarili. ‘Sorry bunso. Kung hindi dahil sa akin hindi ka magkakaganito.’ Mahinang usal ng isip ko.
At dahil nga lagi kaming magkasama ni Jake. Hindi na siya nakakapag marijuana dahil mayayari talaga siya sa akin. Sabi ko kapag ginawa niya ulit ‘yon, kalimutan niyang may kuya Ryan siya. Hindi ko naman nakikitang tumututol siya pero mahirap na, kailangan kong siguraduhin na hindi na talaga siya gumagamit. Hindi ko hinahayaang mawala siya sa paningin ko. Kaya sa tuwing matutulog na kami ay hinahayaan ko muna siyang mauna para mabantayan ko lang. Gagawin ko ang lahat habang kasama niya ako para lang mapabuti si Jake.
Nakatanggap ako ng tawag mula sa agency na mag-aasikaso ng papel ko papuntang Qatar. Pinapasabi na bilin daw ng employer ko na ipagpaliban daw muna ito ng isang buwan dahil may aayusin lang daw. Hindi na ako nag-usisa dahil ikinatuwa ko ang balita na ‘yon. Ibig sabihin lang, makakasama ko pa ng matagal si Jake. Nakikiayon ata ang tadhana sa aming dalawa. Excited na akong ibalita sa kanya ‘yon at nag-isip ng pwedeng gawin habang magkasama kami.
“Jake!” Pagtawag ko sa kanya. Kakaakyat ko lang sa kwarto noon.
Nakadapa siya habang nag ba-browse sa laptop ko. Tumingin siya sa akin.
“Bakit kuya?” ibinalik niya ulit ang tingin sa pag ba-browse.
“Mag-impake ka na”. Excited kong sabi sa kanya.
“Huh? Bakit?” naguguluhan niyang tanong.
“Uuwi tayo kila lolo sa probinsiya. Tatlong linggo tayo dun. Ipinaalam na din kita kay Tita.” Nakangiti ako.
Binigyan niya ako ng naguguluhang tingin.
“Kailan? Diba mag ka-Qatar ka na?”
“Next month pa”. Nilakihan ko lalo ang ngiti.
Lumiwanag ang mukha niya at sobrang na-excite. Napatalon pa siya sabay sabing “YES!”. Agad na yumakap sa akin nang mahigpit. Ginantihan ko lang din siya ng yakap habang ngiting-ngiti.
Pagkakataon ko nang bumawi kay Jake. Dadalhin ko siya sa probinsiya. Makakatulong din ito para tuluyan niya nang makalimutan ang pagbibisyo at ma refresh siya. Matagal na din kasing hindi nakakauwi si Jake sa probinsiya namin, isang beses pa nga lang siya nakauwi dun at bata pa siya nun. Maging ako man ay mula nang tumuntong ako ng college, hindi na ako nakauwi. Sigurado, masaya ang magiging pag-uwi namin. Marami akong naisipang pwede naming gawin at galaan na sigurado akong hindi niya pa napupuntahan.
Pinauwi ko muna siya para mag impake. Ako naman ay nag avail ng ticket para sa aming dalawa. Para sa susunod na araw ang kinuha kong flight. Sobrang akong na-excite.
Nang makarating kami sa bahay nila lolo sa probinsiya ay bumungad sa amin ang napakaraming pagkain na ni-request ko at kinasasabikan kong kainin. Kinilaw at inihaw na isda, adobong pusit, tuyom, bagoong na danggit, piniritong talong, nilagang okra, nilagang saging na saba at ang paborito kong pansit bihon ni lola.
Tuwang-tuwa ang lolo at lola namin. Malaki na daw ang pinagbago ng mga itsura namin. Tuwang-tuwa din sila sa pasalubong na bitbit namin.
Habang mga kamag-anakan naman at mga kakilala sa lugar na ‘yon ay hindi makapaniwala na ito na itsura ko ngayon. Binatilyo pa lang kasi ako nang umalis ako sa lugar.
“Ikaw na yan Ryan?”
“Anlaki mo na Rye!”
“Anak, si kuya Ryan mo na ‘yan. Natatandaan mo pa ba siya? Sana maging katulad ka din niya.”
Iilan lang yan sa mga papuri na narinig ko sa mga tao doon. Naalala ko tuloy dati habang nag-aaral ako sa probinsya na ‘yon. Maging sila ay ginagawa akong role model para sa mga anak nila. Hindi naman sa pagmamayabang, achiever kasi ako noong Elementary at Highschool days ko sa amin. At naging SSG president din ako noon sa Highschool.
Maging ang mga teachers ko dati sa Highschool ay binigyan pa ako ng pa-welcome at pinag speech sa harapan ng mga estudyante. Nagkataon kasi na Intramurals ng school. Pinag judge din kami ni Jake sa beauty pageant na ginanap sa school. Oo, kasama si Jake. Nirequest ko kasi ‘yon sa school.
Si Jake? Naku, tuwang-tuwa, dahil maraming nagkakagusto sa kanya. Malakas naman talaga kasi ang dating ni Jake lalo na ‘yong mga mata niyang chinito, matangkad pa at maputi. Hindi magkanda-ugaga ang mga kabataang babae maging mga bakla sa pagpapapansin.
Natutuwa ako dahil nag e-enjoy si Jake sa reaction ng mga kabataan sa kanya. Binabatukan ko nga dahil hindi siya humihinto sa pagpapa cute. Hindi niya naman na kailangan gawin ‘yon dahil effortless na ang kagwapuhan niya.
Kitang-kita ko ang saya sa mga ngiti ni Jake.
Madalas din kaming mag joy ride tuwing hapon gamit ang motor ni lolo. Pumupunta kami sa zizag road na malapit sa amin at nadadaanan din namin ang kalsada na malapit sa dagat. ‘Yon ang paboritong lugar ni Jake. Makikita mo kasi ang payapang dagat na may mapuputing buhangin at napakasarap langhapin ng hangin na nagmumula dito. Nagtatayugan ang mga puno ng niyog na sumasayaw sa ihip ng hangin. Naka spread pa nga ang mga kamay niya sa tuwing bababa na kami sa mediyo matarik at sementadong kalsada. Tipong sinasamsam niya ang moment. Naiiwan na lang sa ere ang mga sigaw namin sa labis na tuwa. (may videos kami na kuha sa joyride na yun)
Naligo din kami sa isang falls doon sa gilid ng bundok na dalawang oras na lakaran bago marating. Dahil hindi ko na masiyadong kabisado ang daan ay isinama namin ang isang kababata ko noon para mag guide sa amin. Tanging naka brief lang kaming naligo dahil wala namang tao doon bukod sa aming tatlo. Malapit na kasi ‘yon sa gubat.
Minsan naman ay nangangaso kami kasama ang kapitbahay naming mangangaso. Bitbit namin ni Jake ‘yong airgun ni lolo. Wala kaming nahuhuli kahit ibon man lang dahil wala naman kaming alam sa ganoong gawain, hindi ko kasi nasubukan yon dati. Pero buti na lang ay magaling ang kasama namin kaya binibigyan na lang kami ng nahuhuli niyang ibon. Minsan naman bayawak.
Sumasama din kami sa mga mangingisda na umaalis ng alas tres ng madaling araw sakay ng malaking bangka. At isa ‘yon sa paboritong gawin ni Jake. Tuwang-tuwa kasi siyang manghuli ng isda kahit na takot siyang tumalon sa laot. Kapag-umuuwi naman kami ay may bitbit kaming sariwang isda at masaya naming pinagsasaluhan. Naging paborito niya na din ang “kinilaw na isda” na gawa ko.
Kapag low tide naman ay nandun kami sa batuhan upang manguha ng mga shells at inuulam namin ‘yon.
Minsan naman ay tumatambay kami sa mga videokehan at nakikiinom ng ‘TUBA’ (alak na gawa sa katas ng bubot ng niyog) hanggang abutin kami ng madaling araw. Parang pyesta ang isang lugar sa tuwing nandoon kami ni Jake. Napaka-welcoming ng mga tao doon.
Tuwing hapon naman ay pumupunta kami ni Jake sa tabing dagat para maligo at maghintay ng sunset. Pagkatapos nun ay uuwi na kami para pakainin ang mga alagang baboy ni lolo. May isang baboy pa nga doon na ibinigay sa amin ni lolo.
“Mula ngayon, ang pangalan mo ay AMPARO.” Sabi niya sa baboy na wala namang pakialam sa kanya dahil patuloy lang ito sa pagngunguya.
Labis akong napatawa sa narinig ko at sa nakita kong pakikipag-usap niya sa kumakain na baboy.
“Amparo? Ano ‘yon? Ambantot naman pakinggan. Kung tao lang yan, baka sinampal ka niyan.” Tawang-tawa pa din ako.
“Natutuwa lang kasi ako sa pangalang AMPARO.” Diniinan niya pa ang pagkakasabi nun at sinabayan ng malakas na tawa.
Hindi ko din mapigilang sabayan ang nakakahawa niyang pagtawa. (Sorry guys kung may pangalang Amparo sa mga kamag-anak niyo. Patawarin niyo po kami. Si Jake kasi eh, maloko)
(Ang status ni Amparo ngayon? Marami na siyang naging anak at binilinan ko si lolo na ibenta ang mga anak at gamitin na nila ang pera, huwag lang nilang katayin si Amparo dahil magagalit si Jake)
Tatlong araw bago kami tumulak pabalik ng Maynila ay inaya ko siyang pumunta sa lighthouse na isa sa mga tourist spot ng probinsiya namin. Naka motor lang kami noon. Hindi mapigilang humanga ni Jake sa lugar. Bago kasi makarating ay dadaan ulit kami sa matatarik ngunit sementadong kalsada at puro bangin ang gilid. May zigzag road din na lalo niyang ikina-excite.
Sa paligid ng lighthouse makikita mo ang mga mapang-akit na white beaches. Iba’t ibang rock formations at caves. Makikita mo din ang magkabilaang dagat na nakaapalibot sa lugar na’yon (Mediyo bandang dulo na kasi ‘yon ng Pilipinas). May isang maliit na isla din na animoy sumasayaw sa paghampas ng alon. Mga nagtatayugang puno at napakasariwa ng hangin na sinasabayan ng mga huni ng ibon.
Inakyat namin ang mataas na lighthouse na ‘yon at maswerte kaming walang tao sa itaas nito kaya nasolo naming dalawa ang tuktok. Hindi yun ang unang beses na naakyat ko ang lighthouse na yun, pero yun ang unang beses na umakyat ako kasama ang pinakamamahal ko. Noong bata kasi ako, sabi ko dadalhin ko doon ang taong mamahalin ko at natupad yun. Kaya hindi ko maiwasang ngumiti.
Nakatitig lang ako kay Jake na manghang-mangha sa nakikita niyang napakagandang tanawin mula sa mataas na lugar kung saan kami naroon. Makikita mo kasi ng buo ang lugar, pati yung mga beaches, mga batuhan at napakalawak na karagatan. Sumagi sa isip ko ‘yong unang beses niyang makaakyat ng bundok. Tuwang-tuwa kasi siya sa nakikita niya. Para parin siyang bata na ibinili ng laruan at dahil doon hindi ko ulit mapigilang ngumiti. Mas maganda kasi ang mga ngiti niya kumpara sa mga tanawin na nandoon. Pwede kayang titigan ko na lang siya ng habang buhay? Hayyssss. Ansarap lang sa pakiramdam.
Hindi siya nagsawang kunan ng larawan ang mga tanawin. Sa pagkaka amaze niya ay hindi niya napansin na kinukunan ko din siya ng video. Naisip ko kasing baunin ‘yon pag nasa Qatar na ako.
Tumingin siya sa akin at ibinaling ko sa ibang lugar ang camera baka mahalata niya na kinukunan ko siya. Tumititig pala siya sa akin at nang mapansin ko ang pagtitig niya ay nilingon ko siya.
“Bakit?” tanong ko sa kanya. Ibinaling ko ulit ang toon sa video na ginagawa ko.
“Salamat kuya.” Nakangiti siya.
Saka lumapit sa akin at yumakap ng sobrang higpit. Napangiti na lang din ako at tinapos ang video na ginagawa saka gumanti ng yakap sa kanya. Maya-maya ay bumitiw siya, humakbang at kumapit sa railings at ibinalik ang pansin sa mga tanawin. Tinabihan ko siya at inakbayan. Tinuturo ko ang mga lugar na abot tanaw namin at pinangalanan ko ang mga yon base sa pagkakatanda ko. Saka bumitiw sa pagkakaakbay.
May mga yapak ng mga tao akong narinig sa bandang ibaba ng lighthouse na paakyat sa kinaroroonan naming, kaya lumayo muna ako kay Jake ng bahagya. Hindi din naman nagtagal ang mga ito at bumaba na din, kaya nasolo na ulit namin ni Jake ang lugar.
“Pangarap ko ‘to.” Sambit ko. Nakatingin lang ako sa kanya na bising bisi sa kakakuha ng larawan.
Lumingon siya sa kinaroroonan ko. Nakakunot ang noo niya.
“Diba ilang beses ka nang nakapunta dito?”
“Ang ibig kong sabihin, pangarap ko na maisama ang pinakamamahal ko sa tuktok na ‘to.” Iniwas ko ang tingin ko. Nakaramdam kasi ako ng konting hiya.
Naramdaman kong kinilig siya saka lumapit sa likuran ko at mahigpit na yumapos sa akin. Pumalag ako baka kasi may makakita.
“Sshhhhhh… wag kang magulo kuya. Hayaan mo lang ako.” Mahinahon niyang sambit.
Bahagya kong sinipat ang mukha niyang nakapatong sa balikat ko. Nakapikit siya habang nakangiti. Damang-dama ang pagkakayakap niya sa akin. Nilalaro ng hangin ang kanyang hindi kahabaang buhok. Ibinalik ko ang tingin sa tanawin habang nakangiti.
(Bakit ba ansarap sa pakiramdam na niyayakap ka ng mahal mo sa likod no? Nakakaadik)
‘Wala naman na sigurong makakakita sa amin’ sa isip ko.
Kaya hinayaan ko nalang na yakapin niya ako. Hinaplos ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin. Parang may nag bo-ballroom sa dibdib ko dahil sa tindi ng kabog nito. Nanalangin akong huwag na matapos ang oras na yun. Labis kasi ang saya na nararamdaman ko. Kung makikita lang kami ng mga langgam baka pinagkakagat na kami.
Nagpasya na kaming umuwi at ako uli ang nagdrive ng motor. Hindi kasi kabisado ni Jake ang daan. Nakayakap lang siya sa likod ko at ramdam ko ang katawan niya dahil sa pagkakayakap niya. Kapag may nadadaanan kaming kabahayan at mga tao ay tinanggal niya ang pagkakayakap, yayakap nalang uli kapag wala ng tao. Hindi ko ulit mapigilang kiligin at ngumiti.
Kinagabihan nun ay inaya ko ang mga kababata ko na mag night swimming. Tuwang-tuwa sila dahil akala nila ay nakalimutan ko na sila. ‘Yong iba sa kanila ay mga kamag-anak na din namin. Ganoon naman talaga sa probinsiya namin, halos buong barangay ay mga kamag-anak din namin.
Nag bon fire kami at nagpabili ako ng maraming alak, makabawi man lang sa mga panahong nawala ako sa kanila. Masaya kaming nagkukwentuhan tungkol sa kabataan namin. Nakikisabay na lang din si Jake kahit konti lang ang naiintindihan niya, nagbibisaya kasi kami. Nakakaintindi naman talaga siya ng konti, bisaya rin kasi ang mama niya. Naririnig niya ito minsan na kausap ang kapwa bisaya. Yung mga kababata ko naman ay trying hard na magtagalog kaya nagiging joke narin sa tuwing pilit silang nagtatagalog. Lalo tuloy sumaya ang usapan.
Napapansin ko yung mga kababata kong babae na titig na titig sila kay Jake. Pero hanggang doon nalang ang pwede nilang gawin dahil mga kamag-anak din namin sila. Natawa ako nang maisip ko ‘yon. Naalala ko kasi ang sitwasyon namin ni Jake. Lol
Mediyo tumatama na ang alak sa katawan ko. Nag-aya na ang mga kababata kong maligo. Sabi ko mamaya na ako. Tinanong ko si Jake kung gusto niya ding maligo na. Sabi niya sabay na lang daw kami. Naiwan na kaming dalawa ni Jake sa tapat ng bonfire.
Humiga ako sa buhanginan at sumunod din namang humiga si Jake sa tabi ko. Nakatitig lang kami sa kawalan. Napakalinaw ng mga bituin na tila nagyayabangan sa pagningning. Tinuro ko ang grupo ng mga bituin na tila isang catholic rosary. Sabi ni Jake noon lang daw niya nakita ‘yon. Inexplain ko sa kanya na mapanglaw ang mga bituin sa Manila dahil natatalo ito ng mga ilaw ng buong ka Maynilaan kaya hindi masiyadong naaaninag ang kagandahan nito. Tinuro ko din ang milkyway na kitang-kita rin. May panaka-nakang falling stars din kaming nasasaksihan at ilaw ng mga eroplanong nakikisawsaw sa kalawakan.
Manghang-mangha siya sa mga nakikita niya. Sobrang ganda naman talaga kasing tingnan dahil sa napakalinaw nito. Napakaromantic at dumagdag ‘yon sa comfort na nararamdaman ko sa mga oras na ‘yon.
(Sino po nakabasa ng “Baby You Are All That I Need Part 2”? Kung matatandaan niyo, may pagkakatulad ito sa scene doon. Sobrang memorable talaga kasi para sa akin ang scene na ito.)
“Kailan mo simulang naramdaman ‘yon?” alam ko na mediyo out of topic yung tanong ko. Kaya nagtaka siya. Gusto ko lang kasing malaman. (ganyan talaga kasi ako minsan, pag may gusto akong itanong, itatanong ko talaga kahit out of topic.)
“Ang alin kuya?” naguguluhang tanong niya.
“Na….na…na mahal mo ‘ko.” Mediyo nailang ako.
Kita ko sa gilid ng mga mata ko na lumingon muna siya sa akin saka muling tumingala at nagsalita.
“Noong una akala ko out of curiousity lang…” tumikhim muna siya saka nagpatuloy. “Pero hinahanap-hanap ko ‘yong… halik mo…” pinutol niya. Para kasing nailang din siya.
Tahimik lang kami, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Parang natameme ako dahil sa awkwardness na naramdaman. Pareho pala kami ng naramdaman nang mangyari sa amin ang halikan na’yon. Hinintay ko lang na magsalita siya ulit.
“Napatunayan ko na, mahal kita,…… noong nagbakasyon ako kay papa sa Laguna… Miss na miss kita at gusto na kitang makita kaagad. Nahihirapan nga ako noon eh. Dahil alam kong bawal ‘yong nararamdaman ko sayo. Mas tumindi yun noong nakita ulit kita. Ang gwapo mo kuya sa paningin ko. Parang gusto kitang halikan kaagad noon. Pero ayokong ipahalata, nahihiya kasi ako sayo.” Mahaba niyang paliwanag.
Ngumiti ako ng ubod ng laki dahil sa kilig na naramdaman ko. Muntik na ngang nawala ang itim ng mga mata ko dahil sa katitirik nito. Para akong teenager na nalamang crush din ako ng crush ko.
“Ikaw kuya, kailan?” balik tanong niya.
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Iniisip ko kung paano ako magsisimula. Kahit may tama na ako ng alak ay hindi ko pa din maiwasang mahiya. (Ganoon talaga kasi ugali ko, hindi ako vocal at showy).
Tumikhim muna ako.
“Sa unang halik din natin…. Nagagalit nga ako sa’yo nun……, dahil….. mula ng mangyari sa atin ‘yon hindi ko na magawang alisin ka sa isip ko….. Nahirapan din ako Jake, lalo na at kuya mo ako. Ako dapat ang gumagabay sayo. Alam kong mali, kaya umiwas ako sayo. Pero habang umiiwas ako, lalo naman kitang minamahal…” pinutol ko muna. Nahiya kasi ako sa revelation ko.
Tumingin lang siya sa akin na nakangiti at naghihintay ng idudugtong ko.
“Gusto ko na kayang kalbuhin si Gelic noong ipakilala mo siya.”
Tumawa siya ng malakas.
“Sabi ko na nga eh! Nagselos ka nun. Ang sama kasi ng tingin mo kay Gelic.” Tumatawa pa din siya.
“H-halata ba ako?” nahihiya kong tanong.
“Oo kuya. Umuusok nga ilong mo noon eh.” Nag-aasar na siya na tumatawa pa din.
Hindi ko maiwasang mapangiti kahit na napahiya ako. Binalikan ko kasi ang posibleng facial expression ko noong una kong nakita si Gelic. Saka ako natawa.
“Tumigil ka na nga! Bakit ikaw hindi ka nagseselos kay Enzo?”
“Nagseselos…. Sobra kaya….. Wala ka ng ibang bukambibig noon kundi siya lang.” mediyo lumungkot ang mukha niya na parang batang nakanguso. Ang cute niya tuloy lalong tingnan.
Pero hindi ko din napigilang tumawa, naalala ko kasi na sinasadya ko talagang banggitin palagi ang pangalan ni Enzo para mag selos siya. Hindi ko naman siya nakikitaan noon na nagseselos. Kaya tuwang-tuwa akong malaman na effective pala ‘yon.
“Ang cute mo.” Pinisil ko ang ilong niya at mahina niya namang winaksi ang kamay ko.
“Kahit ganito ako kakulit, nababasa ko sa mga titig at kilos na ipinapakita mo sa akin, na mahal mo din ako. Kaya nga hindi ako sumukong kulitin ka dahil ramdam ko ang pagmamahal mo… Kaso… umalis ka at hindi nagpaalam”. Nakaramdam ako ng lungkot sa tono niya.
Kahit na narinig ko na ‘yon dati, hindi ko pa din maiwasang ma guilty. Tumingin ako sa kanya kasabay ng paglingon niya sa akin. Ngumiti lang siya.
“Pero ang mahalaga, ang ngayon. Hindi naman kita masisisi kuya.” Aniya.
Tumingala ulit kami at katahimikan lang ang namagitan sa amin. Hindi kasi ako makapagsalita dahil naglaro sa isip ko ang mukha niya noong panahon na sinasabi niya sa akin ‘yon. Sobra ang sakit na nakikita ko doon. Napakasakit ding tingnan ng mukha niya noon.
“Sorry ulit Jake.” Malungkot kong tugon sa kanya at sumulyap sa gawi niya. Lumingon din siya at sinabing “Okay lang ‘yon kuya.”
“Pero kuya, alam mo ba. Sa tuwing kumakanta ka. Ramdam na ramdam ko na para sa akin ang kanta na ‘yon. Hindi ko maipaliwanag. Pero sinasabi ng kanta at ng mga mata mo na mahal mo ako.” Sinabayan ng napakalawak na ngiti. At siguradong sigurado talaga siya na siya nga ang tinutukoy ko sa tuwing kumakanta ako.
“Oo na,…..” ginulo ko ang buhok niya. “Iikaw kasi ang naiisip ko tuwing kumakanta ako. Ang kulit mo kasi sa isip ko.” Sabay ulit kaming nagkatinginan. Sobrang tamis ng mga ngiti niya. Ang gwapo niya tuloy lalo sa paningin ko.
Katahimikan.
“Jake sa tingin mo nakita tayo ng mama mo noong hinalikan mo ako sa pool?” tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon kasi naiisip ko pa din ‘yon.
“Oo..” tumawa siya.
“Talaga? Naku nakakahiya… Paano mo nalaman na nakita niya nga tayo?” alala kong tanong. Parang ayoko na tuloy makita si Tita.
“Pinagalitan niya kasi ako at sinabi niyang nakita niya nga akong hinalikan kita…” nakangiti lang siya. “Sabi ko ginulat lang kita.. ‘Yon lang ang dinahilan ko at hindi na ako sumabat pa…. Alam mo naman si mama, daig pa nun ang tambutso kung makasermon……” tumahimik muna siya ng dalawang segundo. ”Nakakaadik ka kasi kuya, hindi ko mapigilan..” tumingin siya sa akin na nakangiting aso.
“Tarantado ka talaga!” sinuntok ko siya ng mahina sa braso kahit nakahiga kami. Ayoko kasi mahalata niya na kinilig ako. “Buti na lang hindi ipinagkalat ni tita yang kagaguhan mo.” Napangiti na ako ng tuluyan.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, lahat nalang yata ng sasabihin ni Jake ay kinakikilgan ko. Ibang-iba talaga ang epekto niya sa akin.
Marami pa akong gustong itanong sa kanya. Kaya lang dumating ang isa sa mga kababata ko at inaya na kaming maligo.
Kinaumagahan ay naisipan namin ni Jake na mamingwit kasama ang isa pa naming kamag-anak. Nanghiram kami ng dalawang bangka, yung isa kay Rodel na kamag-anak namin at yung isa naman ay sa aming dalawa ni Jake. Hindi marunong magsagwan si Jake kaya ako ang gumawa nun hanggang sa makarating na kami sa pwesto ng pamimingwitan namin. Hindi naman gaanong malayo sa lupa dahil tanaw na tanaw pa din namin ang mga bundok.
Habang naghihintay na may makuhang isda ay nagkwentuhan lang kami ni Jake ng kung anu-ano. Sinabihan ko din siya ng mga bawal gawin at banggitin kapag nasa dagat. May mga paniniwala kasi ang mga taga roon, wala namang masama kung susundin namin. Para na rin daw sa kabutihan namin.
Uso pa noon ang mga korning jokes at hindi nakaligtas kay Jake ‘yon. Bumanat siya sa akin ng isang joke.
“Kuya… Anong sabi ng fish sa kaibigan niyang fish na matagal niya nang hindi nakikita?” Panimula niya.
“Joke ba yan?..... Sige nga anong sabi nung isang fish?” balik tanong ko sa kanya. Nangingiti ako ng bahagya. Na-wirduhan kasi ako sa tanong niya.
“IS-DA YOU?” sinamahan niya pa ng facial expression at exaggeration na boses.
Tumingin lang ako sa kanya na nakasimangot. Sa totoo lang hindi ako basta-bastang napapatawa ng mga korning jokes. Pero this time, si Jake ang nag-joke gustong-gusto kong tumawa. Parang bentang-benta sa akin ang joke niya. Pinigilan ko lang tumawa.
Parang napahiya siya dahil hindi ako tumawa. Napakamot ng ulo na nakatingin sa akin.
Saka ako bumulanghit ng tawa. Natatawa talaga kasi ako sa joke niya. Bentang-benta sa akin. Lalo na yung reaction niya na parang batang napahiya.
Tawa lang ako ng tawa na hawak-hawak ko pa ang tyan ko. Hindi ko talaga mawari kung bakit sobra akong natawa sa joke niya. Iba kasi pag galing kay Jake. Natatawa talaga ako.
Lumiwanag ang mukha niya at lumaki ang ngiti. Hindi pa din ako tumigil sa kakatawa. Pinagmamasdan niya lang ako na parang amaze na amaze sa pagtawa ko.
Nang makabawi na ay saka ako nagtanong sa kanya.
“Bakit ganyan kang makatingin, eh natawa talaga ako sa joke mo. Ngayon ko lang kasi narinig ‘yon.” May konting tawa pa din sa boses ko.
Nakatitig pa din siya sa akin na nagnining-ning ang mga mata. Mediyo naiilang na ako sa mga tingin niya. Kaya umiwas ako ng tingin.
“Bakit nga?” tanong ko ulit sa kanya. Hindi na ako tumatawa. Ilang na ilang talaga ako sa nakakatunaw niyang tingin.
“Wala… Masaya lang ako.” Lumawak ang ngiti niya, saka ibininaling ang tingin sa pamingwit na hawak-hawak niya.
“Bakit?” Nahihiya talaga ako sa pagtawa ko eh. Parang na conscious ako na baka may mali or nakakainis sa pagtawa ko. First time kong makaramdam ng ganoon sa harap ni Jake.
“Ang sarap kasing pakinggan ng tawa mo, kuya. Ngayon ko nalang ulit narinig ‘yon. Akala ko dati hindi ko na ulit maririnig ang tawa mo.” Ramdam mo talaga ang tuwa sa boses niya.
Nahiya tuloy ako lalo. Kinilig na kinabahan sa narinig ko. Hindi ako sanay na ganito ang tunirangan namin ni Jake. Dati kasi kahit mamatay kami sa kakatawa ay hindi ako naiilang sa kanya. Pero ngayon ibang-iba, napakasarap sa pakiramdam. Para akong teenager na first time kausapin ni crush. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng derecho.
Katahimikan lang ang namagitan sa amin.
Mediyo malakas ang hangin nun at may konting alon kaya nahirapan kaming makakuha ng isda. Nakikita kong marami ng nakukuha si Rodel, halos magkalapit lang kasi ang mga bangka namin. Pikon na pikon naman si Jake dahil ni isang isda ay ayaw magpakuha sa amin. Tinatawanan ko lang siya na lalong kinabugnot niya.
Nakaramdam ako na gusto kong mag pupo. Kaya hinubad ko ang aking shorts na suot at tumambad ang alaga ko.
“Anong gagawin mo kuya?”
“Natatae ako eh.” Saka pinuwesto ko ang pwet ko sa lugar na malapit sa tubig sa gilid ng bangka.
Tumayo siya at tumalikod sa akin para na rin makapag concentrate ako. Dahil wala nga siyang alam sa pamamangka, pumuwesto din siya sa parehong gilid na inupuan ko. Hindi kinaya ng katig na balansehin ang bangka. Na outbalanced ito at tuluyang tumaob.
“SHEEEETTTTT!!!” sigaw ko.
Kitang-kita ko ang pagkataranta at takot ni Jake na lumalangoy. Natapon din ang baon naming pagkain at ilang kagamitan. Mabuti na lang ay magaan lang ang bangka at hindi tuluyang lumubog pailalim. Dahil sa maliit lang ito ay nakaya kong itihaya kaagad. Nag-alala ako sa kanya at inalalayan hanggang makasampa sa bangka. Pareho na kaming nakasampa.
Pero hindi ko naiwasang magalit dahil sa inis ko. Malapit na kasing lumabas ang pupo ko tapos bigla kaming tumaob dahil sa katangahan niya. Kaya tinopak ako.
Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa taong natatae.
Nang tuluyan ko ng maalis ang tubig sa bangka namin ay kinuha ko ang sagwan at nagsagwan papunta sa pampang. Binilisan ko ang pagsasagwan.
“San tayo pupunta kuya?” nababahala niyang tanong, napansin niya kasing nag-iba na ang timpla ng mukha ko.
Hindi ako sumagot. Naiinis kasi ako sa kanya. Nang malapit na naming marating ang batuhan ay tumalon na ako at lumangoy. Iniwan ko siya sa bangka. Alam ko natakot siya dahil tinatawag niya ako at pinipigilan. Pero tuluyan na akong kinain ng inis ko. Hindi ko siya nilingon patuloy lang ako sa paglangoy hanggang umabot ako sa batuhan.
Naisip ko sanang pumunta sa bahay na malapit doon at makitae. Kaso noong lingunin ko siya ay nakita kong takot na takot siya. Mediyo lumalayo na siya at natatarantang magsagwan sa hindi niya alam na direksyon. Malakas din kasi ang hangin na humahatak sa kanya papalayo sa batuhan, possible siyang tangayin nito sa laot. Nakita ko si Rodel na nagsagwan papunta kay Jake upang rumesponde. Pero mas malayo siya kaya imposibleng matulungan niya kaagad si Jake.
Tila nawala ang kagustuhan kong tumae dahil labis akong nabahala sa pagkakataranta niya. Hindi ko siya natiis at patakbo akong tumungo sa kinaroroonan niya. Hindi ko na naalintana ang mga corals na sumusugat sa aking mga paa. Malayo na siya kaya agad akong sumisid nang sa ganoon ay mas mabilis ko siyang maabutan.
Umahon ako at sinipat ang kinaroroonan niya. Malayo pa din siya. Binilisan ko pa ang paglangoy dahil sa takot na baka mapahamak si Jake. Hindi ko din maiwasang magalit sa sarili ko dahil agad-agad na naman akong nagagalit sa kanya. Kapag may mangyari kay Jake ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Hindi ko alam kung gaano ako kabilis na lumangoy kahit na sobrang lalim na ng dagat na nilalanguyan ko. Kahit na lumaki ako sa tabing dagat ay may takot parin ako sa malalalim na baka biglang may pating na sumulpot. Pero mas takot akong mapahamak si Jake.
Naabutan ko kaagad ang bangka ni Jake. Kumapit ako sa katig nito at tuluyang sumampa. Bakas na bakas sa kanya ang pagkatakot na parang naiiyak. Tuluyang napalitan ng awa ang inis na naramdaman ko.
“S-Sorry Jake. Sorry.” Nag-aalala kong sambit.
Hindi siya kumikibo. Nakayuko lang siya. Kaya madali akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Kasalanan ko ito. Hindi dapat ako basta-bastang nagagalit. Mapapahamak pa tuloy si Jake dahil sa galit ko.
(I admit hanggang ngayon, malala pa din ang topak ko, hindi ko na ata maaalis ang pagiging topakin)
“Iniwan mo ulit ako.”
Mahina ‘yon pero tagos sa puso ko ang lungkot sa mga salita niya. Hindi ko man makita ang mukha niya dahil nakayakap ako sa kanya. Pero ramdam na ramdam ko ang lungkot na ‘yon.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Nagi-guilty na naman kasi ako. Pinagmumura ko ang sarili sa isip ko.
“Sorry Jake. Hindi na mauulit. Sorry… Sorry.” Alalang-alala pa rin ako, habang hinihimas ang likod niya.
Naramdaman kong gumanti na din siya ng yakap at isiksik ang mukha sa dibdib ko. Hindi niya parin ako kayang tiisin kahit na galit siya sa akin.
Noon ko lang din naramdaman ang hapdi ng mga sugat sa talampakan dahil sa pagtakbo ko sa batuhan.
Kahit alam kong nakatingin sa amin si Rodel, hindi ako bumitaw kay Jake. Nakasaksi tuloy siya ng bromance. ‘Yon lang kasi alam kong gawin para maalis ang takot niya. Takot na dalhin siya sa malayo ng bangka at takot na mawala ulit ako. Sumenyas na lang ako ng ‘thumb up’ kay Rodel dahil alam kong nag-alala din siya kay Jake kanina.
Nang humupa na ang tension ay bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya at pumuwesto sa kabilang panig ng bangka. Ilang segundo din kaming natahimik. Saka ako nagsalita.
“Jake..”
“Bakit kuya?”
“Natatae ako…” yumuko lang ako at alam kong nakatingin siya sa akin.
Bigla siyang tumawa na buong-buo at napatingin ako sa kanya. Nahawa na din ako sa pagtawa niya. Pareho na tuloy kaming tumatawa. Napapatingala pa kami sa langit sa kakatawa. Iba ang dating ng mga tawa namin, hindi siya ‘yong nakakatawa lang. Parang kasama ang puso namin na tumatawa. Punong-puno ng saya at contentment. Lalo na sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya. Hindi ko matukoy ang salitang magbibigay ng kahulagan sa saya na ‘yon.
Nang makabawi ay agad niyang kinuha ang sagwan at nagsagwan patungo sa pampang. Dahil hindi nga siya marunong, kinuha ko ito sa kanya at ako na ang nagpatuloy.
Gumaan ang loob ko. Ang saya naming tingnan. Parang napakagaan ng lahat ng bagay sa amin. Ang babaw ng kaligayahan namin ng mga oras na ‘yon. Ganoon talaga siguro kapag kasama mo ang pinakamamahal mo at wala nang itinatago sa isa’t isa. Lahat na lang ng bagay, nakakatuwa sa paningin mo.
Nakita ko si Rodel na takang-taka sa inaasta namin. Sigurado akong naguguluhan na siya at iniisip niya na may sayad kami sa utak.
Mabuti na lang ay hindi marunong magtanim ng sama ng loob si Jake. Kaya parang walang nangyari noong makauwi kami.
Nang tuluyan na kaming tumulak pa Maynila ay maraming nalungkot. Naging masaya din kasi sila sa pag bisita namin. Naging instant celebrity nga kami eh. Sa tuwing may binibisita kasi kaming lugar ay nagiging masaya ito. Ilan sa kanila ay binigyan kami ng mga pabaong kakanin at kung anu-ano pa. Sinabihan nalang namin sila na babalik ulit kami sa susunod.
Habang nasa bus ay nagkukwento si Jake.
“Kapag yumaman ako kuya, magtatayo ako ng sariling bahay dito. Magnenegosyo ako at mananatili sa lugar na ito.”
“Ako din Jake.” Nakangiti ako. Balak ko naman talaga ‘yon.
Ngumiti siya at parang bata na nagpatuloy ng pagkukwento ng pangarap niya. Natutuwa ako at maganda ang naging resulta ng pagbakasyon namin.
“Dapat magkatabi lang ang bahay natin….. Gagawin ulit natin yung mga ginawa natin hanggang tumanda tayo, dapat magkasama parin tayo sa mga adventures na ‘yon…. Ang saya nun!.” Tumingin siya sa labas ng bintana. Naainag ko ang mga mata niyang nangangarap habang nakangiti ang mga labi niya.
Napakasarap sa pakiramdam na tinitingnan ko lang siyang nangangarap. Hindi na ako nakapagsalita, labis kasi ang tuwa na naramdaman ko sa nakikita ko sa mukha ni Jake. Punong-puno ito ng pangarap. At ang mas masarap pa sa pakiramdam ay kasama ako sa mga pangarap na’yon.
Hindi ko na alam kung paano ko siya iiwan ulit para mangibang bansa. Kung pwede lang sana, na isama ko siya sa lahat ng lugar na pupuntahan ko. Kung pwede lang, sa tabi ko na lang siya lagi. Bigla akong nalungkot nang maisip ko ‘yon. Mamimiss ko ulit siya at ang mga ngiti niya.
Seven hours pa bago makarating kami sa airport kaya natulog muna kami sa bus. Nakasandal lang ang ulo ni Jake sa balikat ko. Napapansin kong may malisya ang tingin ng mga tao sa pagkakahilig ni Jake sa balikat ko. Pero wala na akong pakialam. Bakit ba? Masaya kami eh. Tsaka hindi naman nila kami kilala.
Masasabi kong ‘yon na yata ang pinaka dabest at pinakamasayang bakasyon ko. Dahil kasama ko si Jake. Sa lahat ng bagay basta kasama ko siya, masayang masaya ako. Alam ko hindi ko masiyadong na elaborate kung gaano kami kasaya, basta masayang-masaya kami at hinding hindi ko makakalimutan ang mga araw na ‘yon.
Alam ko din na hindi na muling magbibisyo si Jake. Takot siya na mawala ulit ako sa kanya. (ganda ko teh!! diba?) Sapat na ang masasayang alaala na babaunin namin sa isa’t isa bago ako tuluyang mangibang bansa.
Sa mga nagtatanong. Yes po, natuloy akong mangibang bansa at yan ang aabangan niyo. =)
AN:
Ayan, parang nobela na yang binasa niyo sa haba. Huwag na kayong magreklamo na nabitin kayo ha. Namamalo ako ng puwet!
Sorry guys! I know bitin na bitin (kahit sobrang haba) ang chapter na ito at sobrang bilis ng mga kaganapan. Hindi ko na elaborate masiyado ang bawat pangyayari. Sobrang busy ko talaga this week. Pero pinilit ko na maihabol ito sa update. Mahal ko kasi kayo at ayokong maghintay kayo sa wala.
Hindi ko na kayo pinaiyak sa chapter na ito. Pero sana nagustuhan niyo pa rin ito. Hindi man ito nakakakilig, nakakalibog or nakakaiyak na tulad ng iba. Hindi man ito ang best chapter pero isa ito sa mga chapters na bubuo sa istorya namin ni Jake.
About sa bed/sofa scene (lol), sorry hindi ko masiyadong nabigyan ng justice. Hindi ko kasi master ang mga ganyang scene. Nag-alangan nga akong i-share yun eh. Pero naalala ko na i-share ko na din pala ‘yong ganung scene sa chapter one. Sa totoo lang, nakakatawa ‘yong scene na 'to. May hindi kasi ako isinulat na part. ‘Yong sinubukan naming ipenetrate ang isa’t isa. Believe it or not, umayaw ako at ganoon din siya at never na naming sinubukan. Para kasi kaming natatae (lol). Ayoko ng pakiramdam na ganun maging siya man ay ayaw din. Masaya na kami sa ganoong eksena. Promise totoo po yan, hindi po ako nagmamalinis. Hindi ko lang talaga nilagay sa scene kasi baka masira ang moment. Alam ko din naman na malawak ang imahinasyon niyo, kaya kayo na lang ang bahalang mag-isip pa kung anu pa ang ginawa namin. Peace guys =)
Sa mga nag-aabang ng isang fiction story ko, kung meron man, “Baby, You Are All That I Need” or BYAATIN. Sorry guys natagalan ang update ko. Hindi ko parin tapos hanggang ngayon ang chapter 4. Grabe ang busy sa office. Inuna ko lang talaga itong APKI dahil maraming nag de-demand. Sana maintindihan niyo. Don’t worry tatapusin ko din ang Chapter 4 ng BYAATIN.
Nalulungkot ako dahil dalawang chapters nalang pala ang nalalabi ng story namin ni Jake. =(
PASIGAW naman ako ng malakas sa mga magigiliw at walang sawang tumatangkilik ng APKI:
Ronie23, Kurug, Maxx, Bobbylove, Josh Anths, Rylee, Zee, Vren Basura, Brent Legazpi, Chad29, redmarch29, Eson Lopez, Danielle Ho, Dru, John, Enma, LolaNiKing, Jasper David, Mark Garcia, Pax, No Name, Raja, knehll roxas, Chi No, JR the Sailor, CBBR, George, Min Ji, Niel, Danaya, kaloykoy, Christoper, HenCock, Jhaimezc006, Ed Santamaria, Edmon Berboso, Ram kano, Romeo stairs, Azidrain, rumir, jepoy,Luke garcia, Marlon Miguel, kien manual, john dancel, Emanuel gaston, Supladitz, Kaizen, ee144, edward, Aaron21494, Justine magno, villaflor treblig, sebastian, arnold gamboa, Zuir, bart, John Matthew, johnjosef, alejandro, tom, zayne grey, genuel.
Sorry po sa mga hindi nabanggit. Next chapter nalang po ulit. Dumadami na po kasi kayo. Sorry =)
Kurug, I know natawa ka kay Amparo. Dahil madalas kitang tawaging Amparo sa comment section. Ngayon alam mo na kung sino si Amparo. I hope you like the name. ;)
Maraming maraming salamat sa support! Nakahanap ako ng comfort sa inyong lahat. God bless you all.
PS. Pwede po ba paki include sa comment, kung pwede lang naman. Ano ang nag-udyok sayo upang mangahas na buksan at basahin ang story na ito? Alam ko naman na marami sa inyo ang hindi pabor sa incest, pero binabasa niyo pa rin ito. Gusto ko lang malaman. =)

No comments:
Post a Comment