m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Friday, April 28, 2017

How to Unlove You Erratum (Part 3)

By: Kurug

TANGINA!!!!!! Anong gagawin ko mukhang wala ng pag asa……..

Napa upo ako sa sahig ng rooftop nilalamig ngunit basang basa ng pawis, hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ni RD, alam ko naman na mali ang naging simula namin. Hindi ko naman siya masisi kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya sa aking pagtatapat. Wala akong pinag sisisihan, ginawa ko lang ang alam kong tama, hindi ko dapat inilihim kay RD na kay Eric nanggaling ang impormasyon tungkol sa kanyang numero.

Gusto kong umiyak at sumigaw dahil sa tindi ng frustration ko, hindi ako tumigil sa pag dial ng number ni RD, umaasang baka nawalan lamang 'sya ng signal. Pero same recorded voice ang naririnig ko sa kabilang linya. ‘TANGINA ka kasi Yeow dapat inamin mo nung una palang eh di sana walang ganitong eksana’ bulong ng utak ko.

Tulala ako sa kawalan ng biglang may tumapik sa akin, hindi ko namalayan na andoon din pala si Jay, malimit kasi siyang tumatambay sa rooftop dahil doon ang designated smoking area ng building namin.

 “Oh  Pre bakit parang Biyernes Santo mukha mo, kanina lang ang gwapo mo crush na nga kita eh” Pagbiro ngunit sinamahan niya ng ngiti na parang nang aasar.

 “Loko, bigwasan kita makita mo” Pagalit kong tugon  sa kanya, si Jay kasi ang unang naging ka close ko sa bago kong trabaho isang working station lang ang pagitan ng  pwesto namin sa opisina. Malimit siyang tambay sa station ko, nag ku-kwento ng mga nasipat niyang chicks sa building o kaya si Jane kaya alam ko na lakas tama talaga siya kay Jane.

“Pre may favor sana ko, pwede mo ba kong tulungan kay Jane? Pag nilalapitan ko kasi siya, laging lumalayo, hindi ko tuloy madiskartehan. Alam ko namang close kayo, lagi ka ngang may libreng lunch at pasalubong.” Sersyoso 'nyang tanong sa akin.

“Pre mahal talent fee ko eh, pero dahil close tayo sige basta ilibre mo ako ng lunch ngayon.” Nakangiti kong sagot sa tanong ‘nya.

“Tangina yun lang ba? Tara nang masimulan na natin ang maiitim nating plano” Sabay hila sa akin para pumunta sa pantry.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako gutom, parang wala akong ganang kumain, ramdam ko ang gutom pero wala talaga akong gana, ewan ko ba parang kong nilalagnat dahil nilalamig pa din ako pero ang weirdo pinagpapawisan ako ng malagkit.

Habang nasa pantry nakatulala lang, naka tingin sa kawalan habang hawak hawak ko ang cellphone ko hindi ko kasi mapigilan ang emosyon ko, nagbabakasakaling baka mag text si RD.

 “Pre kanina ko pa napapansin parang ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?”

Tumikhim ako sabay nagpakawala ng malakas na tawa “Baliw nag iisip kasi ako kung anong diskarte gagawin mo kay Jane” ginalingan ko talaga ayaw ko kasi mapansin niya na meron nga akong mabigat na problema. Hindi ko naman pwedeng sabihing meron ‘kasi yung pinopormahan kong lalaki galit sa akin’ hindi naman niya alam ang totoong sexual preference ko. Kaya hanggat maari ayaw ko mag open ng kahit anong bagay tungkol sa kahit sinong pinopormahan ko, magsisimula lang ‘yon ng endless questions.

 Nang makabalik ako sa aking station agad ko namang iti-next si RD.

 “Sorry bnalk q nman tlgang sbihn nung una palang, kya lng naunhn aq ng takot kc bka hndi m n aq kauspn, pro nung nkita kta dun q cnbi s srili q n ayw kta lkohn. Pls gve me 1 mre chnce I knw 8 may sound absurd, pero sa isang lingo ntn mgkausp I fel in lab wit u”

Ang dating mabilis na oras ay naging parang walang katapusan, parang puno ng pighati ang buong paligid, hindi ako makapag concentrate sa daily tasks ko, parang yung ginagawa ko pa noong umaga yung naka open sa computer ko.  Nang biglang…

 Lunes

Nang tayo'y magkakilala

Nampucha talaga tong si Ate Nel oh parang nang aasar, lagi 'syang ganyan magpapatugtog ng mga paborito niyang kanta gaya ng ‘Sayang, Aray  at ang all time favorie niyang Isang Linggong Pagibig’.  Mabilis ko’ng itinulak ng swivel chair ko para tignan ang reaksiyon ni Jay, iisa talaga ang reaksiyon namin dahil gaya ko itinulak din niya ang kanyang upuan para tignan ang magiging reaksyon ko.

 Martes

Nang tayo'y muling nagkita

Sumenyas naman siya na ilagay ang earphone ko, naloko na naiwan ko pala sa bahay yung ipod ko dahil sa pagmamadali, kaya mabilis akong tumayo at pumunta sa station  ni  Jay para hiramin ang mp3 player niya, lol wala siyang palag may hawak akong alas kaya tiniis niya ang kanta ni ateng Imelda.

Uwian na ngunit wala pa ding text mula kay RD, hindi ko tuloy maiwasang malungkot, habang papauwi ako nag text ako kay Eric.

 “Kups d n q knkausap ni RD”

 “Sayang naman, hindi mo pa sya nattkman ayw na nya” Mabilis naman  niyang reply  sa text ko sa kanya.

 “TANGINA MO!!!!! Ikaw na ang  kota” All CAPS nainis kasi ako sa reply niya, laging sex ang iniisip ng mokong.

 “Ay wow pikon, tungaw k tlga daan k d2 s tindhn me kwen2 ko”

 “NAMO ah ayusin mo!”

 “Oo nga maays nman aq kausap”

 Nang makarating ako sa lugar namin agad akong tumungo sa tindahan ni Eric, siya lang kasi ang masasandalan ko sa mga oras na ganito. Hindi naman ako pwede lumapit sa mga kaibigan ko dahil hindi nila alam ang sexual preference ko. Ang hirap magtago ng pagka tao mo, alam ;nyo yung tipong sobrang conscious ka sa bawat galaw mo, sa tuwing mag ta-take ng picture dapat hindi makita ang pagka malambot mo? Sobrang taas kasi ng pressure sa pamilya ko, kung mag a-out ako, ako ang kauna-uanahang beki sa pamilya. Although alam ko naman na matatanggap nila ako pero ayaw ko pa din sila biguin. Kaya hanggat maaari pinapangatawanan kong maging straight sa mata nila. Alam kong maraming makakaintindi sa akin dito, KM ang naging sandigan ko simula ng madiskubre ko itong blog site noong late 2015. Ito ang naging tambayan ko simula noon, nahanap ko kasi dito yung ‘comfort zone ko’, yung pwedeng maging ako, na walang pagpapanggap.

Dito ko  rin nadiskubre na hindi pala ako nag iisa sa mga struggles ko nung mga panahong  in denial pa ako, sobrang tumatak yung story na Mahirap Man ay Kakayanin, sobrang naka relate kasi ako dun, everytime kasi pag nagsisimba ako noon nag pray ako kay Lord na baguhin niya ako. Ayaw ko maging bakla, wala namang mali sa pagiging bakla pero ang society na ginagalawan natin ay mapang husga, mamaliitin ka at hahamakin dahil sa isa kang bakla. Kaya sobrang taas ng respeto ko sa mga out and proud, it takes great courage to be out in the public eye.

 Going back to my story, nakita ako agad ni Eric ang tamis ng mga ngiti niya parang nang aasar?

 “Wow naman, ang gwapo naman ni kuya” Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

“Namo ka, wag mo kong inaasar ganitong bad trip ako, tatamaan ka sa'kin”Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

 “Ano ba nangyari, paran g nung Sabado lang para kang pusang di ma-tae sa kilig”

“Sinabi ko kasi kanina na kaibigan kita, ayun binabaan ako ng telepono, ni hindi na nga niya ako   pinag explain eh. Ilang beses ko siyang tinawagan pero out of coverage area daw.” Malungkot kong pahayag.

“Eh gago ka pala eh, diba sabi ko naman sa’yo huwag mong banggitin na kilala mo ko?” Akmang mambibigwas, agad ko namang nasalag.

“Eh yun kasi ang tama, dapat nung una palang sinabi ko na para hindi na humantong sa ganito” Hindi ko mapigilan ang emosyon ko, pinilit kong itago kay Eric noong Sabado na mahal ko na nga si RD, pero ngayon trinaydor ako ng emosyon ko, ayaw paawat ng pesteng mata ko sa pagluha.

“Hala fren, bakit ka umiiyak, natatae ka ba, matigas ba? Sige lang iere mo lang lalabas din yan.” Panunudyo niya

Hindi ko napigil na ma tawa sa joke ’nyang yon, napaka swerto ko talaga kay Eric, may kaibigan na’ko, may instant clown pa.

 “Gago” Sabay punas sa mga luha ko.

Gaya ng naka gawian tambay nanaman ako sa tindahan niya, ayaw ko kasing umuwi ng bahay, gusto ko mag aksaya ng oras para pag dating ko sa bahay kain tapos tulog nalang. Hindi ko kasi maiwasang isipin si RD, sigurado mapapagod nanaman ang utak ko kaiisip sa kanya.

Pag dating ko sa bahay tulog na ang mama ko, naka handang ulam sa mesa, agad naman akong pumasok sa aking kwarto para magbihis. Bago kumain naisipan kong itext si RD, wala namang mawawala kung mag titext ako. Pagka tapos kong kumain naligo ako, buset kasing wax yan ang lagkit, naiirita ko sa tigas ng buhok ko. Bago matulog nag text ulit ako ng ‘goodnight’ ewan ko ba lakas tama talaga ni RD sa'kin hindi ko siya matiis.

Madaming tumakbo sa isip ko nung gabing 'yon, kung tama ba ang naging desisyon ko na ipagtapat ang katotohanan kay RD, naisip ko din kung may balak pa ba 'syang magparamdam sa akin. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Kina umagahan hindi na ako nag lagay ng wax papasok, para saan pa wala ng RD na pinaglalaanan ko para magpa gwapo? Agad naman ako sinalubong ng mokong na nakangiti, alam ko kung ano at bakit ‘sya nakangiti.

“Pre one time bigtime lang pala porma kahapon, back to no ligo day ka agad”Siguro  nagtataka siya sa biglaang transformation  ko kahapon. Sabay akma ng kamay para makipag fist bump.

“Gago mukha lang akong hindi naliligo, sige mang urat ka sakto may naisip na kong paraan para mapormahan mo na si Jane. Pag na bad trip ako hindi ko na sasabihin.” Sabay taas ng kamay para tumugon sa fist bump.

“Loko ka talaga pre, wag seryoso masyado kaya ka mukhang matanda eh” Pailing iling pa ang mokong.

 “Ah ganun ba, sige bahala ka sa diskarte mo” Sabay lakad papunta sa station ko

 Mabilis naman niya akong sinundan, pagka upo ko sabay masahe sa magkabilang balikat ko. Haay iba talaga nagagawa ng pag ibig gagawin mo talaga ang lahat para lang makuha ang matamis niyang oo.

“Yan ganyan nga, matuto kang rumespeto sa master” Panunudyo ko sa kanya.

“Ulul, pasalamat ka kailangan ko ng tulong mo, pakshit kasi ‘tong si Jane masyadong pakipot ang hirap pormahan.” Kanyang pagrereklamo.

“Parang gusto ko ng hot choco, sana may kumuha sa pantry hindi kasi ako nag breakfast sa bahay eh” Ang totoo gusto ko lang siyang umalis sa likuran ko para maitext ko na si RD, wala naman akong balak na alilain 'sya.

Hindi na 'sya nag salita, kamot ulo nalang niyang tinungo ang pantry para kumuha ng hot choco, iba talaga ‘tong si Jay maloko pero pag nag seryoso asahan mong gagawin lahat para lang makuha nag gusto ‘nyang babae. Mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko:

 “Gud AM, wrk n q dnt forget to tke ur bfast”Hindi naman ako nag eexpect ng reply mula sa kanya, ang rason ko lang ay para maramdaman niyang seryoso ako sa kanya na hindi lang sex ang habol ko.

Hindi ko namalayan na naka balik na pala si Jay, inilapag ang isang paper cup na hot choco “Yan na po master, baka pwede mo ng sabihin yung naisip mong diskarte.” Nakabusangot niyang pahayag, alam ko  napipikon na siya kaya sinabi ko ang plano ko.

Earliest bird kasi tong si Jay, naisip ko na since maaga 'sya dumarating lagyan niya ng white rose at love letter ang station ni Jane, sinabi ko din na huwag munang magpapakilala, kunin niya ang loob bago mag tapat na siya ‘yon. Agad naman niyang nakuha ang sinabi ko, parang nag ningning ang mga mata niya sa  nakuhang ideya mula sa akin.

“Pre isa ka talagang bangus, ikaw ang master ng mga bangus”Bansag sa mga matitinik sa chicks kung sa ngayong terminolohiya isang hokage or breezy.

“Namo tigilan mo ko, bumalik ka na sa station mo at magtrabaho” Sigaw kong utos sa kanya.

******

Mag uuwian na nang mag vibrate ang cellphone ko, hindi ko muna tinignan baka si Eric lang iyon, baka nangangamusta  lang. Nang makasakay  ako sa bus ay naisipan kong basahin.

1 message received from RD

Totoo ba itong nasa screen ng cellphone ko? Bigla akong pinawisan ng malagkit, nanginig din ako sa sobrang kaba at excitement, umihi naman ako kanina sa opisina bago umuwi pero bakit naiihi nanaman ako? Agad kong binasa ang laman ng mensahe ni RD.

 “Usap tyo pg uwi m”

 Ano daw gusto niya akong makausap? Para akong hindi maihing pusa sa bus, nagtingian ang mga katabi ko sa upuan, siguro nagtataka sa reksyon ng mukha ko ng mabasa ko ang mensahe ni RD. magkahalong kab a, takot at saya dahil kakausapin na ako ni RD, iba talaga ang epekto ni RD sa’kin, parang simpleng mensahe lang ay napapa-ikot na ang mundo ko. Agad naman akong nag reply;

 “Ok pauwi n q”

Hindi na ‘sya nag reply, nakaramdam tuloy ako ng lungkot dati rati kasi kahit na magkausap kami sa telopono ilang sandali lang mag titext na ‘sya. Nag-iba agad ang pakikitungo ’nya sa akin, hindi ko naman ‘sya masisisi kasalanan ko naman.

 Pagka uwi ko ng bahay parang gulat na gulat ang mama ko dahil naabutan ‘nya ako sa pag uwi “Anong meron ang aga mo ata?” habang  nakakunot ang  nuo.

Agad naman akong humalik sa pisngi, hindi kasi ako sanay sa pagmamano tanging halik lang sa  pisngi ang way ng pagpapakita ng paggalang sa aking magulang.

 Hindi na ako nagsalita pa kasi excited na ko makausap si RD, agad kong dinampot ang telepono para dalhin sa aking kwarto. Kinakabahan ako parang gustog lumabas ng puso ok mula sa aking dibdib, dinig na dinig ko ang pintig nito, namumuo na din ang butil ng pawis sa aking mukha. Takot at kaba ang nararamdaman ko ng mga oras na ‘yon, pagka dial ko ng numero nila RD humugot ako ng pinaka malalim na pag hinga.

 “Good evening po, sino kailangan nila?” Sagot ng bata sa kabilang linya

 “G-Good e-evening din K-Kat, a-andiyan b-ba ang k-kuya R-RD m-mo?”Utal utal kong tugon, pesteng kaba talaga ‘to oh hindi ko mapigil ang bibig ko sa panginginig.

 “Kuya Yeow si kuya RD ba? Hindi ko po kasi naintindihan.” Nag giggle siya, ang cute talaga ni Kat.

 “Mmmm oo, andiyan ba siya?”

 “Opo nasa taas, hindi ka po tumawag kagabi ikaw ata yung inaabangan ni kuya eh, inuunahan niya ako sa pagsagot ng telepo. Bakit po pala hindi ka tumawag, nalungkot tuloy si Kuya kagabi?“

 Ano daw, inaabangan ni RD yung tawag ko kagabi? Waaaahh so ibig sabihin hindi siya galit sa akin dahil nag aabang siya ng tawag ko? Akala ko naman kasi galit ‘sya kaya hindi ako nagtangka na tawagan kagabi. Bigla tuloy nawala ang agam agam ko sa mga sinabi ni Kat nawala ang takot na kanina pa nakabalot sa buong pagka tao ko.

 “Busy kasi si Kuya Yeow eh, nag aantay talaga si Kuya RD mo sa telopono kagabi?”Magiliw kong pagkukumpirmang tanong ulit sa kanya.

 “Opo, dito nga siya sa sala kumain eh, pinagalitan nga ni mommy eh….” Biglang putol niyang pahayag

Narinig ko sa background ang boses ni RD mukhang pinagagalitan ang bunsong kapatid.

 “Anong sinusumbong mo? Umakyat ka na sa taas, late na gising ka pa. isusumbong kita kay mommy”Kahit tinakpan niya ang mouth piece dinig ko pa din ang pananakot ni RD sa kanyang bunsong kapatid.

Hindi ko maiwasang mapangiti, kahapon pa gulong gulo ang isip ko na baka tuluyan na siyang nagalit sa akin. Yun pala naghihintay lang ng tawag ko ‘kung nag reply ka sana sa mga text ko sayo eh di sana tumag ako’  bulong ng utak ko.

 “Oh bakit ka napatawag?” Pagalit niyang bati sa akin.

 “Sabi mo tawagan kita, kaya tumawag ako" Naka ngiti kong bati.

“Basahin mo nga ulit yung text ko, may sinabi ba akong tumawag ka?” Naiinis ang boses niya, haay ang labo naman oh, sabi mag usap daw kami pag uwi ko. Tapos hindi naman pala makikipag usap sa telopno.


 “Sabi mo kasi usap tayo, kaya akala ko tatawag ako.” Malamlam kong tugon.

 “Usap it doesn’t mean na tatawag ka dito” Galit na ang tono niya, bakit naman ganito, last Saturday ko lang nakumpirma na lalaki si RD, eh bakit parang daig pa ang babaeng may period sa pagka mood swing?

"Sorry" Tipid ngunit naguiguilting boses, gusto ko kasi maramdaman niya na sinsero ako sa bawat salitang binibitan ko.

"I don't need your apology, what I need from you is your explanation." Awtoridad niyang pahayag, hindi ko tuloy maiwasang pagpawisan ng malagkit, alam ko naman ang tinutukoy niyang explanation.

 "Saan mo gustong magsimula?" Alanganin kong sagot.
"It's up to, where you want to start" Ramdam ko sa boses niya ang labis na pagka-inis.

Sinabi ko kung paano ko nakuha at kung sino ang nagbigay ng numero ‘nya, pero hindi ko na idenetalye yung mga sinabi ni Eric, ipinaliwanag ko din na wala talaga akong intensyong lokohin siya kaya agad kong ipinagtapat kahit na pwede ko namang ilihim.

"You know what I feel when you told me that you got my number from Andrew? I feel like I was stabbed behind my back, pinag uusapan niyo ang isang tao na walang kamuwang muwang na na tsinitsimis na ng kung sino sino" Ramdam ko noon na parang naiiyak na siya, kaya mabilis akong nag sorry.

Hindi ko napigilan ang guilt na bumabalot sa katawan ko, ramdam ko kasi kahit na unintentionally yung paglilihim ko sa kanya hindi mababagong na saktan ko nga siya, kaya hindi ko napigil ang pag iyak.

 "Are you crying? Nag aalala niyang tanong.

"S-Sorry w-wala n-naman t-talagang planong l-lokohin ka, k-kaya nga a-agad k-kong ipinagtapat ang l-lahat" Hagulgol kong tugon sa nag aalala niyang tanong sa akin.

"You know what, as much as I want to get mad at you, my admiration towards you is bigger and deeper than hate what I've been feeling right now." Nag iba ang tono ng boses niya.

Ano daw, tama ba yung mga narinig ko mas nangibabaw ang pagka gusto niya sa akin kaysa sa galit? Gusto kong sumigaw sa tuwa dahil sa mga narinig kong pahayag mula sa kanya.

 “Huh” Ang tanging naisip  ko na tugon sa kanyang pagtatapat, ayaw ko kasi bigyan ng ibang kahulugan ang mga sinabi niya, gusto ko sa kanya mismo manggaling, yung tipong direct to the point.

 “Kuhol ka ba?”Nag iba ang mood ng boses niya, kanina lang ay parang galit na galit, ngayon ay parang yung RD na nakilala ko, maligalig ang boses.

“Ano nanaman yang tanong mo, hindi kita maintindihan kanina lang galit ka, tapos ngayon may may pa kuhol kuhol ka pa”Hindi ko maiwasang mainis para kasing pinaglalaruan niya ako (hindi pa po uso ang pickup lines noong nangyari ‘tong storya namin ni RD)

“Oo o hindi lang ang sagot dami mo ng sinabi”Nag iba nanaman ang boses niya, may  pagka bipolar talaga to, kanina galit tapos masaya ngayon galit nanaman . Naku naman ano ba ‘tong napasok ko?

“Hindi, ano ba kasi yang kuhol na ‘yan” Inis kong sabi, hindi ko na kasi maintindihan yung pinagtatanong niya parang irrelevant sa mga napag usapan naming.

“Ah hindi ba? Para kasing kuhol yang utak mo ang slow” Nag giggle ‘sya, halatang aliw na aliw sa mga sinabi niya.

Nag init yung ulo ko hindi ko kasi maiwasang mainis sa mga inaasal niya “Sige next time nalang tayo mag usap pag wala ka ng topak ang hirap mo kasi espiligin” aminado namang pikon ako minsan lalo na pag sobrang gulo kausap. Iyon ang nagiging challenge ng mga naging ka relasyon ko noon dapat nilang sabayan ang topak moments ko, kahit ang mga kaibigan ko ay ganoon din ang matinding challenge nila sa akin. Mabilis mag init ang ulo ko pag hindi ko maintindihan ang gusto nilang sabihin.

“Okay ang sabi ko I like you, it may not be love at this moment pero malapit na doon, sige bukas nalang tayo usap.” Sabay baba ng telepono.

‘Ene be Yeow kuhol ka nga hindi mo agad na gets yung sinabi ‘nya, hinayaan mong magalit ‘sya ulit’ bigla akong natigilan sa mga narinig ko, hindi na ako nakapag react o nakapag isip man lang parang may sariling buhay ang mga kamay ko at pinindot ang redial button.

“Hello good evening, wala dito yung hinahanap mo tulog na” Magiliw niyang bati sa kabilang linya, kaya naisipan kong imimic yung paborito kong anime character na si lola Saki ng Zenki (kaway kaway ulit sa mga batang 90’s)

“Ah eh apo ano nga ulit yung sinabi mo, hindi kasi naintindihan ni lola?”GInalingan ko  talaga ang pag gaya, isa ito sa hidden talents ko ang pag gaya ng mga boses ng anime, kaya ko ding gayahin ang boses ni mojacko.

“A-Ay p-pasensiya na po, sino po ang kailangan nila?”Nagkanda utal utal niyang ulit sa pambungad na pagbati sa telepono, alam ko para siyang napahiya kaya hindi ko napigil ang pag tawa.

“Bwisit ka talagang kuhol ka, nadali mo ko dun”Nakangiti niyang bati sa akin.

Ang lungkot na bumalot sa akin ng mga nakalipas na araw ay biglang naglaho napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na kaligayan, as usual inumaga nanaman kami sa pag uusap. Sa tuwing mag uusap kami  sa telepono ng mumulti task ako isinasabay ko kasi ang pagkain.

Pag pasok ko kinaumagahan sinalubong agad ako ni Jane, alam ko naman kung bakit, kasi nakita ko ang mokong na si Jay na nakangiti at pataas taas ang mga kilay.

“Yeow, kilala mo ba yung secret admirer ko?” Habang iniabot ang sulat, hindi ko maalis na mapangiti, don romantiko pala ‘tong si Jay, sa unang tingin mukha siyang babaero lagi kasing nakapustura ang dating. Hindi ‘sya pumapasok ng hindi naka wax at ang polo at slacks na aming uniporme sa kumpanya ay nagagawan niya ng paraan para maging unique ang unipormeng suot ‘nya sa lahat.

“Hindi eh, magpapakilala din ‘yan, walang lalaking magtatago habang buhay sa likod ng love letters, for now ienjoy mo muna, kilatisin mo kung seryoso nga ‘sya sa’yo” Paniniguradong payo sa kanya, alam ko naman pag nakuha ni Jay ang right timing magtatapat din ito ng pagsinta kay Jane.

"Ok, may white roses din palang kasama, naku ah pagbubuhulin ko kayo pag nalaman kong kasabwat ka" Pagbabanta niya, minsan na kasi 'nyang nasabi na white rose daw ang paborito 'nyang bulaklak.

"Hahaha sige lang" Natawa kong tugon.

Nang makaupo ako sa aking station ay agad naman akong nag text kay RD, mabilis ang takbo ng oras hindi ko namalayan na lunch break na pala. Pupunta na sana ako sa rooftop ng harangin ako ni Jay, tinanong 'nya kung ano daw ang napag usapan namin ni Jane. Naloko na hindi na'ko tinantanan nitong mokong, sunod ng sunod kung saan ako magpunta, hindi ko tuloy matawagan si RD. Nag text na lang ako na hindi ako maka porma para matawagan 'sya dahil may asungot na parang aso na sunod ng sunod sa akin kung saan man ako mag punta. Buti nalang at maunawain itong si RD, nauunawaan niya ang sitwasyon ko.

Mabilis natapos ang araw n 'yon, gaya ng daily routine ko ng simula kong nakilala si RD bahay trabaho nalang ako. Agad kong tinawagan si RD, gusto ko kasing ayain 'sya sa darating na sabado para sa isang date. Nag dalawang isip pa 'sya dahil wala daw 'syang pero dahil unemployed ang status 'nya. Sinabi kong ako ang taya at bumawi nalang 'sya pag nagkaroon na ng pera para sa aming date. Wala naman kasi sa akin kung ako ang gumastos lahat, ang mahala ay makasama ko 'sya.

Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi ko mapigil ang bugso ng aking damdamin sa wakas ay araw na ng Sabado, ang araw na muling pagkikita namin ni RD.

Napagkasunduan na sa dating meeting place kami magkikita. Isinuot ko ang bago kong polo shirt at naglagay ng wax sa aking buhok 'sana magustuhan niya ang bagong ako' bulong ko.

Nauna akong dumating gusto ko kasing makabawi nung last time na nagkita kami, pinag antay ko 'sya ng matagal. Nakatanggap ako ng text na mall na 'sya, bigla tuloy akong kinabahan na may halong excitement. Ewan ko ba kung bakit pag dating kay RD, parang laging kumukulo ang aking tiyan, nagwawala din ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig nito.

Agad ko siyang sinalubong ngunit parang puzzled ang ekspresyon 'nyang bati sa'kin. Inilahad ang aking kamay para makipag handshake. Napansin ko na nag aalangan 'syang makipag kamay, kaya naman nagsalita ako;

"Ui si Yeow to, ang bilis mo namang makalimot" Hindi ko maiwasang lalong hangaan ang kanyang pustura, naka suot 'sya ng fitted white polo shirt gayun din ang suot 'nyang pantalon. Litaw na litaw ang maubok 'nyang biceps, triceps at ang napaka seksi 'nyang mga hita. Hindi tuloy tigasan, iba talaga ang dating ni RD, wala pa 'syang ginagawa ngunit para na akong nababaliw sa kanyang presensya.

"Nag iba kasi itsura mo, hindi kita nakilala" Sabay lahad ng kamay para makipag handshake, hindi naalis ang ngiti sa kanyang mga mata. Halong gulat at kilig ang bumalot sa mga 'yon

Nang maglapat ang mga kamay namin ay agad akong napabalikwas, may kung anong dumaloy sa pagka tao ko. Kuryente iyon alam ko ang pakiramdam ng nakuryente dahil minsan na akong nakuryete. Gaya ko ganun din ang naging reaksyon niya, sa halip na bumitaw sa isat isa lalo naming nimamnam ang kuryenteng nag ugnay sa amin.

"Naramdaman mo ba 'yon?" Naka ngiti kong tanong sa kanya.

"Oo parang pareho tayong may static energy kaya nung maglapat ang mga kamay natin may kuryenteng dumaloy. Ang weird lang kasi nung una tayong nag shakehands wala naman akong naramdaman na ganito. Siguro hindi pa natin ganoon kagusto ang isat isa, siguro parehong poles pa lang yung both ends kaya hindi nag create ng electricity" Mahaba 'nyang sagot sa tanong ko, hindi ko tuloy maiwasang lalong humanga sa angkin 'nyang katalinuhan, parang lahat sa kanya ay may kaakibat na eksplinasyon. Hindi pa din kami nagbitiw ng mga kamay, napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa paligid namin kaya agad akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa kamay 'nya.

Hindi ko mapigilang kiligin ang sarap sa pakiramdam nung mga binitawan 'nyang pahayag, hindi ko lubos maisip na magugustuhan din pala 'nya ko. Sobrang layo kasi talaga ng agwat namin sa isat isa, sabi ko nga he's out of my league.

"Ang gwapo mo today" Nag giggle 'sya, hindi ko tuloy maiwasang mamula, sobrang sarap kasi sa pakiramdam ng papuri mula sa taong gusto, mali dahil mahal ko na 'sya.

"Talaga ba, parang hindi naman?" Pagpapa pabebe kong tanong

"I don't usually praise someone, I praise when it's due, believe it or not i see it in you today" Ang cute talaga ng accent 'nya parang accent ng mga taga katipunan o taft? Basta parang ganun, sinabayan din 'nya ng pagtaas ng mga kilay, tila paninigurado sa mga binitawang salita.

Gaya ng napag usapan maglalaro kami sa timezone, ang saya lang parang bumalik kami sa pagka bata. Sa tuwing magdidikit ang mga braso namin ay parang may kung anong init akong nadarama. At pag nahuhili ko 'syang nakatitig sa'kin gustong kumawala ng puso ko sa sobrang galak. Alam ko iba ang mga titig n 'yon, ganun din kasi ang mga titig ko sa kanya. Titig na nagsasabing mahal namin ang isat isa, kung wala nga lang tao baka hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan 'sya.

Nang pareho kaming napagod ay nag aya na akong kumain, nung una ay tumutol pa 'sya dahil alam 'nyang mahal ang restauran na kakainan namin sinabi ko na lang na "I insist, let me make it up to you" nakuha naman 'nya ang ibig kong sabihin, kaya wala ng pagtutol mula sa kanya. Hindi naman ako pala ingles na aawkwardan kasi ako pag nakikipag usap ng ingles sa ibang tao. Gusto ko lang ipakita kay RD na pwede 'nya din akong ipagmalaki, lahat naman siguro sa atin ganoon din ang ginagawa pag nagpapa impress sa taong gusto natin.

Pagkatpos namin kumain ay tinanong ko 'sya kung ano pang gusto 'nyang gawin, naisipan naman 'nyang mag videoke/karaoke na agad ko namang sinang ayunan.

"Ikaw muna mauna"Habang iniabot ang listahan ng kanta.

Agad ko namang hinanap ang paborito kong kantahin sa tuwing kumakanta ako. Ito kasi ang bagay sa boses ko kaya madalas kong kantahin.

Magbalik

Callalily

Wala nang dating pagtingin

Sawa na ba saking lambing

Wala ka namang dahilan

Bakit bigla na lang nang iwan?

Di na alam ang gagawin

Upang ika'y magbalik sa'kin

Ginawa ko naman ang lahat

Bakit bigla na lang naghanap?

Ginalingan ko talaga ang pagkanta. Kahit na ba hindi ganoon kataas ang key ng kanta ay muntik nang mapatid ang mga litid ko sa leeg. Ayoko kasing pumalpak sa harap ni RD. Para sa akin kasi dapat perfect lahat ang ginagawa kop ag nasa harap ko siya.

Hindi magbabago

Pagmamahal sa iyo

Sana'y pakinggan mo

Ang awit ng pusong ito

Tulad ng mundong hindi

Tumitigil sa pag-ikot

Pag ibig di mapapagod

Tulad ng ilog na hindi

Tumitigil sa pag agos

Pag ibig di matatapos

Alaala'y bumabalik

Mga panahong nasasabik

Sukdulang mukha mo ay

Laging nasa panaginip

Bakit biglang pinagpalit

Pagsasamaha'y tila nawaglit

Ang dating walang hanggan

Nagkaroon ng katapusan

Hindi magbabago

Pagmamahal sa iyo

Sana'y pakinggan mo

Ang awit ng pusong ito

Woah oh

Tulad ng mundong hindi

Tumitigil sa pag-ikot

Pag ibig di mapapagod

Tulad ng ilog na hindi

Tumitigil sa pag agos

Pag ibig di matatapos

Tulad ng mundong hindi

Tumitigil sa pag-ikot

Pag ibig di mapapagod

Tulad ng ilog na hindi

Tumitigil sa pag agos

Pag ibig di matatapos

Tumitigil... (pag ibig di matatapos)

Tumitigil

Pag-ibig di matatapos...

Hindi naman ako nabigo, dahil nang matapos kong kantahin yun ay hindi na tumigil si RD kakatitig sa akin. Pakiramdam ko ako na ang pinakagwapo sa buong mundo. Dinaig ko si Wentworth Miller, kung nasa Saudi lang ako, baka isa na ako sa mga poging na deport dahil sa sobrang kagwapuhan.

Naiilang at natutunaw ako sa tingin niya. May kasama kasing intensity yun. Di ko alam kung ano ang magiging tugon ko sa titig niya. Nariyan yung titingin din ako sa kanya pero biglang bawi. Nakakapaso kasi ang titig niya. Mababaliw na ata ako.

Mas nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin. Pero ang bilis na ginawa niya ay siya namang paghinto ng mundo ko. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hanggang sa tuluyan na siyang dumikit sa katawan ko dahil hinatak niya ang batok ko at mabilis na idinikit ang labi niya sa mga labi ko.

‘Sheeeettttt!’ sigaw ng utak ko sa pagkakabigla ko.

Nanlaki ata ang mata ko.

Napakaalab ng halik ang ibinigay niya. Napakatamis na gantimpala dahil sa ginawa kong pag-awit.

Nang mahimasmasan ay ipinikit ko ang aking mga mata at buong pagmamahal na gumanti sa halik niya. Napakatamis ng laway niya parang tsokolate. Nakakaadik. Hahanap hanapin ko ito sigurado.

Uminit ang buong katawan ko at bolta-boltaheng kuryente ang bumalot dito. Nagsimula ng magwala ang alaga ko. Grabe. Hindi ko iniexpect yun.

Malaya kaming nagpalitan ng halik. Kinagat-kagat ko ang labi niya at ganoon din ang ginawa niya. Nagsimulang maglaro ang mga dila niya sa loob ng bibig ko na siyang naging dahilan upang mawala ang itim ko sa mata. Halik lang yon pero parang nakita ko na ata si San Pedro at binabasbasan ang paghahalikan namin.

“I want more! More!” sigaw ng utak ko.

Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya dahil sobrang dalang-dala na ako sa pangyayari. Hinawakan ko ang maumbok niyang likuran at pinislpisil yun. Nakalimutan ko yatang nasa videokehan kami. Pero wala na akong pakealam. Ang alam ko lang kasi ay kaming dalawa lang ni RD na nagpapakita ng pagmamahalan sa isat isa.

Sinimulan kong dukutin sa pantalon niya ang nakakaadik niyang pwet.

Kaso sa ginawa ko ay dahan dahan siyang kumalas na nagpabalik sa akin sa ulirat.

Nakalimutan ko talaga na wala pa kami sa kwarto. Nakalimutan ko na ang sarili ko. Nakakabaliw si Rd. Hindi pa sex ang ginawa namin pero halos mamatay matay na ako sa tindi ng bugso ng damdamin ko.

Kumalas siya pero nakapikit pa din ako. Nabitin at naghihintay pa ng “More”.

Sumakit ata ang puson ko dahil sa pagkakabitin.

"Tapos na po, naku feel na feel ah"Tila nangaasar 'nyang sabi habang patuloy akong nakapikit.

"Isusumbong kita sa mama ko, ninakawan mo 'ko ng halik" Kunot noo kong tugon sa pang aasar 'nya.

"Wow ah iba ka din, ninakawan na gumanti pa, may papikit pikit pa" Patuloy 'nyang pang aasar sa akin

Hindi na ako nagsalita pa obvious naman kasing nagustuhan ko ang gantimpalang aking natanggap.

"Ang ganda pala ng boses mo, wala kang sinasabi sa akin" Magiliw 'nyang pahayag

"Hindi ka naman kasi nagtanong kaya hindi ko sinabi" Ginaya ko ang mga sinabi niya sa'kin noong una kaming nagkita, ginaya ko din ang pag pout ng mga labi. Ginalingsn ko talaga dahil ramdam ko na nahulog na 'sya sa alindog ko. LMAO

Kumanta pa kami ng ilang beses ng mapansin niya ang oras, alas nuebe na agad, ang bilis talaga ng oras kapag kasama ko 'sya. Ayaw ko pa sana kaso baka daw mapagalitan 'sya ng kanyang mga magulang, kaya kahit ayaw ko pa inihatid ko na 'sya sa terminal ng FX.

"Maraming salamat sa treat, sobrang nag enjoy ako"

"Ako din naman ngayon lang ako nag enjoy ng ganito, salamat sa time. Mauulit pa naman 'to diba?

"Kanina ko pa sana gustong sabihin to nung pagtapos mong kumanta, kaso nahihiya ako. Diba tinanong mo ako kung kelan kita sasagutin? Ito na yung araw na 'yon, sinasagot na kita Yeow" Sabay pasok sa FX, para tuloy akong na engkanto sa narinig ko, hindi ko kasi inaasahan ang kanyang pahayag.

Itutuloy………

AN: Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng kwentong ito, kahit na non sense yung dating ng pagkaka kwento ko, hindi talaga ako writer mahilig lang akong magbasa. Kung may makita po kayong maling spelling inuuhan ko na po kayo, paumanhin po. Napilit lang ako ni Bernardo na gumawa ng sarili kong entry dito sa KM.
@Bobbylove miss na miss na kita alam mo namang masugid akong taga subaybay sa Pugad Lawin, tumanda na ang itsura ko, wala na kasing weekly dose of kilig to d bones.
@RYAN brad maraming salamat sa pakikipag kaibigan  kahit alam kong nagplaplastikan lang tayo. Lmao ur d best! Huwag mo kaming paiyakin sa APKI pipitikin ko itlog mo.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This