By: Irvin
Patapos na ang Academic Year, ang lahat ay abala na sa graduation at sa nalalapit na bakasyon. Isang taon na naman ang lumipas at sa taong ito napakarami nang nangyari. At marami rin akong natutunan hindi lamang sa mga bagay na pang academics kundi sa mga praktikal na bagay na hindi pala itinuturo pero natutunan mo sa karanasan. Mga bagay na noong una akala ko sa mga kwento lamang maaring mangyari. Mga pangyayaring hindi ko alam na kaya ko palang harapin. At dahill sa mga iyon mas matapang at alam kong mas malakas ako kesa dati. Pero higit sa lahat ay natutunan ko ang usaping puso, mahirap ipaliwanag pero malalaman mo lamang pala ang pwedeng gawin o dapat gawin o ang gusto mong gawin kapag naroon ka na sa sitwasyon. May mga desisyon na akala mo ay hindi mo kayang gawin pero kapag naroon na ay buong tapang mong gagawin at malakas ang loob na harapin kung anuman ang magiging consequence niyon. Ngayon mas naniniwala na ako na mahirap ngang pigilan ang nararamdaman kahit minsan alam mong hindi iyon ang dapat pero kapag puso na ang sangkot ang hirap paghiwalayin ng tama at mali. Parang ang mali ay pwedeng tama o ang tama ay pwedeng mali.
Si Kenn lalong mas madalas na gabi na umuuwi dahil sa dami ng kailangang tapusin. Hindi ko siya masyadong nakakausap ako man ay abala na rin isa pa gusto kong maranasan niya ang mga bagay na iyon para mas lalo niyang maappreciate ang pag graduate. Mas mararamdaman niya ang accomplishment kung pinaghirapan talaga niya. At nakikita ko naman kahit nahihirapan ay kinakaya naman niya at masaya naman siya sa kanyang ginagawa kaya minsan kahit gusto ko siyang tulungan o gawin yung iba niyang dapat gawin hinahayaan ko na lamang, Nasanay na rin ako na hanggang hindi siya humihingi ng tulong hindi muna ako tutulong. Isa pa ay gusto ko rin iyong abala siya para naiiwasan ang pangungulit niya na lumabas kami dahil marami rin akong ginagawa. May naka line up kasing summer activities ang boy scouts at dahil member ako ng training team madalas ang aming meeting. Gusto kong tapusin pati ang mga grades bago ang training dahil kakapusin ako sa oras kung maiiwan ko iyon. Isang gabi dumating si Kenn at gaya ng dati late na. Nasa salas ako at nagko-compute ng grades.
“O kumain ka na, nauna na ako kanina pa, kaya hindi na kita sasabayan.” Bati ko pagpasok niya. Sa halip na sumagot ay bigla niya akong niyakap. Nagulat ako sa kanyang ginawa dahil naramdaman ko ang kanyang pag-iyak.
“Sorry po sir, sorry po talaga pati kayo ay nadadamay sa lahat ng mga nangyayari.” Biglang sinabi niya sa pamamagitan ng paghikbi.
“Hindi kita maintindihan, ano bang sinasabi mo?”
“Sir alam na po sa school ang tungkol sa atin?” patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang lalong hinihigpitan ang pagyakap sa akin.
“Paano nangyari?” iyon lamang ang naitanong ko.
“May ilan po akong kaklase na tinanong ni Mam Mendoza tungkol sa atin pero wala naman silang masabi kaso meron din pong kinausap si Tita na sinabihan na totoo raw yung balita at may mga ebidensiya raw siya,” Inalis ko ang pagkakayakap nya sa akin at naupo ako. Nakita kong naupo rin siya.
“Kenn, makinig ka, huwag kang papaapekto sa kanila, ayusin mo iyang sarili mo at huwag kang gagawa ng anumang kalokohan. Naiintidihan mo ba ako?” Iyon lamang ang pwede kong sabihin dahil ayokong masira ang momentum niya malapit na ang final exams.
“Sir, natatakot po ako sa pwedeng gawin ni Tita, sa galit ko po sa kanya pinuntahan ko siya sa bahay nila, pero ang sabi po niya simula pa lamang daw iyan ng pwede niyang gawin.”
“Anong ibig mong sabihin?” bigla akong naguluhan.
“May nakausap na po raw siya sa DepEd at pipilitin daw niya na mapaalis kayo sa pagtuturo dahil sa relasyon natin.”Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya na nagkausap na kami ni Miss Mendoza tungkol dito. At nagresign na ako. Pero ayokong lalo itong makabigat sa dinadala niya. Huminga lamang ako ng malalim.
“Sir, balita po sa school nagresign na raw kayo totoo po ba iyon? Hindi na ako makakatanggi kaya tumango na lamang ako.
“Sir, nahihiya po ako sa inyo kaya binalak ko na sanang maghiwalay tayo para maiwasan ang ganito.” Lalo akong na shock sa narinig ko. Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko magawang nagsalita. Ang totoo isa rin iyon sa naisip kong gawin nitong mga huling araw, kahit masakit ay baka kailangan na nga naming maghiwalay. Noon pa naman alam kong ito rin ang mangyayari sa bandang huli. Binalak ko na sumunod na lamang kay Kuya tutal matagal na niyang sinasabi na may magandang opportunity doon. Noong una inisip ko na ayokong mapalayoo sa batang ito pero nitong mga huling araw iniisip ko na rin baka nga iyon ang tama. Kaya lang kahit anong justification ang gawin ko alam kong masasaktan ako, at heto na nga, ang sakit pala talaga.
“Pero sir, hindi ko po kaya, hindi ko kayang mapahiwalay sa inyo, hindi ko po alam ang gagawin ko, tinawagan ko si Daddy kasi wala na talaga akong malalapitan pa, Gulung-gulo na po ang isip ko sir. First time kong ginawa na humingi ng tulong sa kanya. Pero hindi po siya pumayag sa gusto ko na ibigay na lamang kina Tita ang hinihingi nila.”
Sasagot pa sana ako nang biglang mag ring ang phone ko. Si Mr. Suarez.
“Sir, nasa bahay ka na po ba? Pasensiya na, pwede ba tayong mag-usap?”
“Yes Mr Suarez, narito ako, saan ninyo gustong mag-usap tayo?”
“Im on my way na sana papunta diyan sa inyo, kung okay lamang diyan na ako pupunta para hindi ka na maabala pa sa paglabas.”
Nang dumating siya, nakita niya si Kenn na namumula ang mata.
“Kenn Lloyd, hindi ba sinabi ko na sa iyo, huwag kang magpakita na natatakot ka, lalo ka nilang tatakutin kapag alam nilang ganyan ka, Tigilan mo na iyang pag-iiyak.”
“Pero Daddy, hindi naman po sila titigil hanggang hindi nila nakukuha ang kailangan nila.”
“Oo nga naron na ako, kung tutuusin ay maliit na halaga lamang naman iyon, tama ka nga pwede nating ibigay na iyon sa kanila, pero gusto ko rin silang turuan sila ng leksiyon sa ginawa nila sa inyong dalawa ngayon lalo kong naisip na hindi sila dapat pagbigyan,” Tumingin siya sa akin.
“Sir gaya ng pinag-usapan natin, nakakuha ko ang copy sa City Hall ng titulo ng lupa at bahay ng mga magulang ni Susan at tama nga nailipat nga sa pangalan nilang mag-ina ang lahat ng iyon pati ang kanilang farm. Bago pala namatay ang kanilang ama ay nasa pangalan na ni Susan iyon. Walang iniwang Last Will and Testament ang matanda dahil buhay pa pala naman ay hiningi na ng magkakapatid ang parte nila sa kanilang ari-arian. Tanging ang bahay at farm lamang nila ang naiwan dahil doon pa sila nakatira at ang farm din ang pinagkukunan nila ng ikinabubuhay. Hindi nila magagalaw iyon hanggat walang pirma si Susan o si Kenn Lloyd.”
Tumango lamang ako. Naisip ko kaya ganon ang paghahangad ng magkakapatid dahil wala na pala silang mamanahain. Tama nga si Mrs. Nazareno marami pa akong hindi alam sa kawalanghiyaan nila.
“Kasubuan na ito sir, ipapaalam ko kay Susan ang ginagawa ng kaniyang mga kapatid, matibay nating ebidensiya ang Deed of Sale na naiwan ng ate niya dito sa inyo at ang pamimilit niyang papirmahin ang bata. Basta Kenn Lloyd huwag na huwag kang pipirma kahit ano. Iyong abogado na ang bahala sa lahat. Gaya ng sinabi ko huwag kang makipagkita sa Tita mo, o kahit sinong kapatid ng Mommy mo.”
“Sorry po Daddy nagpunta ako kay Tita kanina?”
“Ha? Di ba usapan na natin na hindi mo gagawin iyon? Ang tigas naman ng ulo mong bata ka, bakit ka ba pumunta pa don?” Nakita ko ang pagkainis sa mukha niya pero mas nagingibabaw ang concern.
“Kasi po tinanong ko siya kung bakit kung anu-ano ang ipinapamalita niya. Gusto ko po sana siyang pigilan sa mga ginagawa niya”
“Nakinig ba siya sa iyo, napapayag mo ba?”
“Hindi nga po Daddy nagalit pa sa akin”
“Kaya nga mas lalo kang hindi dapat lumalapit sa mga iyon dahil wala rin namang mangyayari, hindi ka rin nila pakikinggan.”
“Daddy yun po bang kaso na gusto nilang isampa kay sir, may laban po ba yun?”
“Pagkatapos nating mag-usap, tinawagan ko iyong kilala kong lawyer at sabi niya mahabang proseso iyon, una hindi naman bawal maging teacher ang nasa third sex. Ang bawal lamang ay kung mahuli siyang may relasyon sa students niya. Kahit naman straight bawal pa rin ang magkarelasyon ang teacher sa student niya. Pero kailangan ang matibay na ebidensiya para patunayan iyon. Basta ang sinabi niya huwag kayong aamin kahit sino ang magtanong. Hindi naman maiiwasan na lumabas kayo na kayung dalawa lamang dahil narito kayu sa iisang bahay. Basta mag-iingat na lamang kayo sa mga kilos ninyo sa labas ng bahay ”
Hindi ko maintindihan ng mga oras na iyon, parang lutang ang isip ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto kong sabihin na ganon naman kami kapag nasa labas pero naisip ko wala namang dahilan para mangatwiran pa ako sa kanya dahil alam naman niya ang tungkol sa amin. Napansin yata niya medyo tulala ako sa nangyayari.
“Basta sir, huwag kayong mag-alala, hindi ko kayu pababayaan, marami naman akong connection kahit papaano, at alam kong makakatulong iyon sa atin.” Tumango lamang ako dahil para talagang hindi ko kayang magsalita.
Nang magpaalam siya hinatid ko siya hanggang gate,
“Sir, isa lamang ang ipapakiusap ko sa inyo, huwag ninyong pababayaan si Kenn Lloyd, alam kong mahirap para sa inyo ang hinihingi ko pero ayoko ng maulit ang nangyari noon. Hindi ko man masabi sa kanya mahal na mahal ko ang batang iyan, at sobra na akong nasasaktan sa lahat ng pinagdaanan niya. Alam ko ang lahat ng hirap na naranasan niya at sa pagkakataong ito gusto ko siyang tulungan. Kung noon ay naduwag ako gusto kong punan ang mga pagkukulang ko sa kanya. Nag-iisa kong anak ng lalake iyan dahil puro naman babae ang anak namin ng mrs ko kaya mahirap para sa akin ang makita siyang ganyan. Ikaw lamang po talaga sir ang maaasahan ko, “
“Naiintindihan ko kayo kaya lamang hindi ko alam kung tama ba ang ipinaglalaban ko sa panahong ito, naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari” sa wakas ay nagka lakas din ako ng loob na magsalita.
“Mali nga marahil sa paningin ng maraming tao, kahit ako alam kong hindi nila mauunawaan ang ginagawa ko. Pero bilang ama na malaki ang pagkukulang sa anak ito lamang ang alam kong paraan para maiparamdam ko sa kanya na mahalaga sa akin ang kapakanan niya,”
Matagal na siyang nakaalis pero nasa labas pa rin ako. Nag-iisip pa rin ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Pero wala pa rin akong mabuo kaya pumasok na ako. Naroon pa rin si Kenn nakaupo kung saan namin siya iniwan. Tahimik lamang kami parehas. Nagpapakiramdaman.
“Sir, galit ka po ba sa akin?” mahina niyang tanong.
“Ano bang klaseng tanong iyan Kenn, naiisip mo pa ba iyan ngayon sa sitwasyon natin?”
“Kasi po sir, sa akin wala namang mawawala kahit ano ang sabihin ng mga tao wala na akong pakialam, pero sa iyo sir, malaki, nahihiya akong nadamay ka sa problemang ito.”
“Tama na iyan, kumain ka na, tapusin mo ang mga projects mo at matulog ka na pagkatapos.” Hindi naman siya sumagot pero nakita kong tumuloy siya sa kusina. Naiintindihan ko naman ang punto niya kaya lamang hindi niya kasalanan ang mga nangyayari dahil alam kong consequence lamang ito ng aming relasyon.
Nang nakahiga na ako, pinag-isipan ko talagang mabuti. Kung magreresign ako, parang ipinakita ko na rin sa Tita niya na talo ako. Tama naman si Mr. Suarez kasubuan na ito kailangang turuan siya ng leksyon. Alam ko naman na nasa likod ko ang aming principal. Pero kung itutuloy niya ang kaso, magkakaron ng imbestigasyon at lalong marami ang makakaalam ng tungkol sa amin. Pedeng hindi lahat ay maniwala dahil sa totoo nga wala naman silang nakikita sa amin na masama sa labas ng bahay. Pero malaking iskandalo pa rin iyon. Madadamay pati ang aking pamilya. Naalala ko si Papa.
“Sorry mali nga siguro ang aking ginawa, pero Pa narito na ito, tulungan mo ako kung ano ang dapat kong gawin. Gaya ng dati bigyan mo naman ako ng advise, hindi ko po talaga alam sa ngayon ang tamang desisyon.” Bahagya lamang akong nakatulog ng gabing iyon dahil gulung-gulo ang aking isip.
Mahigit na lamang isang linggo graduation na. Tapos na rin ako sa pag ko compute ng grades. Madalas din practice na lamang ang mga 4th year. Hindi na rin regular ang klase dahil tapos na naman ang exams kaya ang mga estudiyante ay hindi na ganoon ka intresadong pumasok maliban don sa mangilan-ngilan na may kinukumpleto pang requirements. Iniisip ko pa rin si Mrs. Nazareno ano na naman kaya ang binabalak niya. Alam kong hindi siya titigil hanggang hindi nakakaganti o nakukuha ang gusto niya. Diyos ko sana naman po ay huwag sa graduation ni Kenn dahil napakalaking iskandalo nito pag nagkataon. Hindi pa man ay kinakabahan na talaga ako.
Isang hapon nilapitan ako ng principal namin habang abala ako sa laboratory. May iniabot siyang envelope sa akin. Binuksan ko iyon para alamin. Saka ko lamang napansin na malungkot ang kanyang mukha nang tumingin ako sa kanya.
“Oo Irvin itunuloy niya ang reklamo kaya bukas kailangan nating umatend ng hearing sa Division Office ng Dep Ed.”
Tumango lamang ako sa kanya kasi hindi ko talaga alam ang sasabihin. Ito na ba ang kinatatakutan ko, dumating na ba ang oras para mabulgar ang lahat? Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari o kung ano ang dapat kong paghandaan. Saka ko lamang naisip kung gaano kalaking kahihiyan sa pamilya ko at sa school ang nangyari. Huli na kahit ipagpatuloy ko pa ang pagreresign.
Hindi ko na sinabi kay Kenn ang ginawa ng Tita niya tutal sabi ng principal namin hindi siya pinayagan ng DSWD na sumama dahil nga sa menor de edad pa lamang siya. Sinabihan din niya ako na closed door hearing iyon ibig sabihin sa opisina lamang ng Division Superintendent pag-uusapan ang lahat. Pero nang gabing iyon halos hindi ako makatulog. Buong gabi iniisip ko kung ano ang mangyayari sa kinabukasan.
Pagkapasok namin sa conference room. Lalo akong kinabahan. Naroon na si Mrs. Nazareno may katabing isang lalake na alam kong abogado. Ang aming District Supervisor, ang Division Superintendent at may dalawa pang alam kong taga Dep Ed dahil sa kanilang uniform. May dalawa ring babaeng may logo ng DSWD sa kanilang uniform Sinabihan ako ni Mr. Suarez na meron na siyang kinausap ng abogado na siyang makakasama ko at magtuturo sa akin ng dapat gawin o sabihin pero wala pa siya nang mga oras na iyon.
Nagimula ang pagdinig. Nagsalita yung isang lalakeng taga Dep Ed at ipinaliwanang ang dahilan ng pagtitipon namin.
“Sige po Mrs. Dahil kayo po ang may reklamo maari na ninyong ipahayag ngayon kung ano ang gusto ninyong sabihin. Nakatingin siya kay Mrs. Nazareno.
“Mangyari nga po sir, may kaugnayan ang aking reklamo kay Mr. Santos na hindi na nahiyang makipagrelasyon sa aking pamangkin.” Diretso niyang pahayag na sa akin nakatingin. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa aking sarili. Alam kong namumula ako. Pero hindi ako nagsalita. Tumungo lamang ako. Ramdam kong lahat sila ay nakatingin sa akin.
”Maari po ba ninyong linawin ang inyong sinasabi?” pakiusap ng Division Superintendent.
“Noong una po ay nagtataka ako sa closeness nila, hindi na normal sa pagiging guro at estudiyante ang ginagawa nila. Madalas ay nasa bahay nila si Kenn Lloyd o kaya naman ay si sir ang nasa bahay ng bata. Pero nang isama na ni sir si Kenn Loyd sa kanila at tuluyan na silang nagsama na parang mag-asawa doon na nakumpirma ang hinala namin ngmga kapatid ko, kung kaya sinabihan namin sila na sa amin na titira ang bata para na rin mabantayan namin at maiiwas sa pang-aabuso niya. Pero hindi po siya sumama hanggang naaksidente siya at nakonfine akala namin ay maayos ang lahat paglabas niya pero lalong lumala ang sitwasyon dahil iniiwasan na ako ng bata at ayaw ng kausapin. Hanggang may pinatira na sila sa bahay nila Kenn Lloyd na alam kong paraan lamang iyon para may dahilan siyang huwag nang bumalik. Dahil nasa abroad ang kanyang ina at ang ama naman ay walang kakayahan na siya ay kupkupin alam naming magkakapatid na responsibilidan namin ang bata kaya umisip na kami ng paraan para mapangalagaan siya. Isa pa ay sa akin naman talaga iniwan ng aking kapatid ang pag-aasikaso sa kanya kung kaya mula naman pagkabata ay ako na ang tumayong magulang niya hindi lamang sa pag-aasikaso kundi pati sa pinansiyal. Ayoko namang sa bandang huli ay ako pa ang masisi at lumabas na nagpabaya.
Nakatingin ako sa mukha niya pilit kong inaaninag kung wala ba kaya siyang nararamdamang hiya o takot sa kanyang sinasabi. Hanga ako sa tapang niyang makapagsalita ng taas ang noona parang talagang hindi siya nagsisinungaling. Napapailing na lamang ako habang ang lahat at nakatingin sa kaniya. Nagpatuloy siya.
“Dahil dito naisipan kong lumapit ako kay Miss Mendoza pero wala naman siyang ginawang aksyon.”
“Totoo ba ito Mrs. Mendoza?” tanong ng District Supervisor namin.
Nang marinig ito ng aming principal sumagot siya pero kay Mrs. Nazareno nakatingin.
“Nag imbestiga kami at inalam ang lahat….” Hindi na niya natapos ang sasabihin.
“Tinanong ninyo yung mga kaibigan ni Kenn Lloyd at mga estudiyanteng malapit kay sir, ano ba ang inaasahan ninyo e di pagtatapkapan sila.”
“Hindi ninyo naiintindihan, hindi kami pwedeng umaksiyon na walang ebidensiya, hindi ganon kadali ang hinihingi ninyo na patalsikin namin sa pagtuturo ang isang guro.” Paliwanang ng aming rincipal.
“Anong ebidensiya, hindi pa ba sapat ang mga iyan para maniwala ang kahit sino na may relasyon sila?” at inihagis niya sa harapan namin ang mga litrato na magkasama kami ni Kenn, may kumakain, may basta lamang nakaupo, nag-uusap at kung anu-ano pang kuha na kaming dalawa lamang.”
“Huminahon kayo Mrs. Hindi madadaan sa init ng ulo ang usapang ito.” Paalala ng Superintendent. “Mas mabuti siguro ay magpahinga muna tayo sandali. Balik na lamang tayo after 15 minutes magpalamig muna tayo ng ulo.”
Nauna akong lumabas isang lalaki ang lumapit sa akin. “Good morning sir, I’m Atty. Sandoval, pinadala ako ni Mr. Suarez to be your counsel. Pasensiya na may inasikaso pa ako. Kumusta po ang pag-uusap?”
“Hindi ko alam kung bakit ganon kakapal ang mukha ni Mrs. Nazareno, I just hope matapos na ang pag-uusap na ito dahil baka tuluyan ng mawala ang respeto ko sa kanya,”
Nag-usap pa kami, mga legal advise na dapat kong gawin. Pinayuhan din niya ako na huwag sasagot o magsasalita unless ay tinatanong ako at binigyan niya ng diin na kahit ano ang mangyari ay huwag akong aamin. Sinabi niyang hindi malinaw sa kanya kung totoo o hindi ang ipinaglalaban namin at hindi na niya ako tatanungin tungkol doon, pero isa lamang ang gusto niya at ni Mr. Suarez, matalo si Mrs. Nazareno sa usaping iyon.
Nang bumalik kami, si Mrs. Nazareno pa rin ang pinagsalita. Hinayaan ko na lamang siya kasi paulit-ulit lamang naman ang sinasabi niya. Nakakairita lamang sa tenga yung sinasabi niyang pagmamahal at pagmamalasakit nilang magkakapatid kay Kenn Lloyd. At itinakda ang susunod naming paghaharap. Nahiya ako sa principal namin dahil alam kong busy siya dahil sa dami ng activities namin sa school pero sinabihan niya ako na bahagi iyon ng kanyang tungkulin. Lalo akong humanga sa kanya napakabait niya sa akin.
Nang sumunod na pag-uusap si Mrs. Nasareno pa rin ang pinagsalita dahil marami pa raw siyang gustong sabihin. Kung anu-ano ang sinasabi niya, kung saan kami madalas makita, saan kami madalas kumain at pati ang pag-uwi namin sa probinsiya. Pagkatapos niya.
“Mrs. Hindi po ganoon kadali ang hinihingi ninyo na tanggalan ng lisensiya si Mr. Santos sa pagtuturo. Una salahat mahabang proseso iyon unless may ginawa siyang kahiya-hiya o labag sa Code of Ethics. Kung mapapatunayan iyon ay saka pa lamang tayo maghahain ng petisyon sa PRC.”
“Hindi pa ba kahiya-hiya para sa inyo ang ginawa niya? Ano pa ba ang gusto ninyong marinig yung detalye ng ginagawa nila kapag magkasama sila?” malakas na sigaw niya.
“Attorney, pwede bang kausapin mo muna ang iyong kliyente? Hindi ito palengke at lalong hindi away kalye ang usaping ito. Seryoso ito at hindi sapat na narinig lamang namin ang panig niya ay magbibigay na kami ng hatol kaagad.” Saglit silang lumabas at nang bumalik sila ay muli kaming umayos ng upo.
“Maari na ba tayong magpatuloy Mrs. Nazareno?” Para naman siyang maamong tupa na basta na lamang tumango. Pero sa halip na magsalita ay ang abogado niya ang nagpatuloy.
“Sir ang hinihingi po ng aking kliyente ay legal dahil ayon sa ating batas mahigpit na ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon ng isang guro sa kanyang estudiyante at sa pagkakataong ito sigurado naman tayo na menor de edad pa ang bata. Hindi na hinayaan ng aking abugado na makapagsalita pa si Mrs. Nazareno.
“With due respect sir, ang sinasabi ng nagrereklamo ay hinala pa lamang niya, hindi pa natin napapatunayan kung may basehan ang mga iyan. Madali ang mag produce ng pictures. Kahit grade schooler ay kayang mag take ng picture sa kahit sinong makita niyang magkasama dahil sa modern technology at gadgets natin ngayon at bigyan ng description base sa gusto niya. Hindi po natin masasabi na dahil may pictures sila na magkasama ay sila na. Hindi lamang sila mag teacher dahil magkasama rin sila sa bahay dahil doon nga nakatira ang bata kaya hindi nakapagtataka na marami silang pictures na magkasama.
“Companero, let me define the word teachers in a more legal but easy to understand way. Teachers are duly licensed professionals who possess dignity and reputation with high moral values as well as technical and professional competence in the practice of their noble profession, they strictly adhere to, observe, and practice this set of ethical and moral principles, standards, and values.”
“But in this case, I don’t see any violation commited by my client and our respected principal can attest to that as well as his co-teachers can vouch for his integrity and upright moral values. More than that he is one of the best teachers in that institution, I have here records of his qualifications and achievements both as a mentor as a trainor.”
“But let me remind you that Article VIII Section VII of Code of Ethics of a Professional Teachers says …
In a situation where mutual attraction and subsequent love develop between teacher and learner, the teacher shall exercise utmost professional discretion to avoid scandal, gossip and preferential treatment of the learner.”
“But the mutual attraction between the teacher and the student is purely speculation.” Madiing sagot ng aking abogado.
“At para maiwasan ang spekulasyon hindi bat ang teacher ang dapat gumawa ng aksyon, hindi bat siya ang dapat umiwas”
“Wth that let me remind you also companero na sa iisang bahay sila nakatira, dahil umuupa ang bata sa kanya, maiiwasan bang makita silang magkasama?”
Maraming pang naging paliwanagan ang dalawang abogado, mga technicalities ng kaso at kung anu-ano pang batas na parang sila lamang naman ang nagkakaintindihan. Ipinasok din nila ang ibat-ibang mga naunang kaso na may teacher-student relationships na involved.
Para akong lulubog sa kinauupuan ko, o mas gusto ko nga nang mga sandaling iyon ay lumubog na lamang sa sahig. Hindi nga ito gaya ng napapanood ko sa TV tungkol sa mga hearing pero ganon pa rin kailangan pa rin ang halungkatin ang lahat ng anggulo para mapatunayan kung sino ang nagsasabi ng totoo.
“Okay Mr Santos pagkatapos nating marinig ang sinabi ni Mrs Nazareno tungkol sa inyo at ng pamangkin niya, maari ba naming marinig ang panig mo? Its your turn to defend your self.” Ang Division Superintendent.
Hindi ko talaga alam kung ano sasabihin ko. Bagamat sinabi na sa akin ng abugado na itanggi ko ang lahat pero hindi talaga ako sanay na magsinungaling. Paano ko ba uumpisahan ang sasabihin ko. Kailangan ko bang sabihin na wala talaga kaming relasyon? Pero inisip ko rin hanggang kailan ba namin itatago ang lahat. Baka ng mas mabuti na ito malaman dito para once and for all tapos na. Siguro naman after nito makakahanap pa rin ako ng ibang trabaho Lalayo na lamang ako, ang mahalaga hindi na niya magagamit iyon bilang panakot kay Kenn Lloyd na ibigay ang gusto nila. Pero paano si Kenn, ilalagay ko siya sa kahihiyan pag nagkataon. Ang aking pamilya, si Mr. Suarez na umaasa na ipaglalaban namin ito hanggang sa huli. Nasa ganon akong pag-iisip nang magsalita ang aking abogado.
“Ma’am, sir, excuse me, with your permission bago po magsalita ang aking kliyente gusto ko munang pakinggan natin ang side ng parent ni Kenn Lloyd.” Nakita kong pumasok si Mr Suarez. Tumango naman halos lahat.
“Sige Mr. Suarez, mas maganda nga iyan na madinig namin ang side mo at position sa kasong ito, Hindi namin alam na available ka pala akala namin ay si Mrs. Nazareno talaga ang guardian ng bata.” Sagot nong taga DSWD.
“Good morning sa inyong lahat, gaya ng introduction ni Attorney ako ang legal at biological father ni Kenn Lloyd Suarez. Hindi ko na papahabain ang kwento ko dahil alam kong importante ang oras nating lahat. Lumaki si Kenn Lloyd na hindi ako kasama, para sa kaalaman ninyong lahat. Pero hindi ibig sabihin pinabayaan ko na siya, nakaalalay pa rin ako sa kanilang mag-ina, ibinili ko sila ng bahay at hindi nagkulang financially. Nang iniwan siya ng kanyang Mommy, hindi ko alam kung ano ang agreement nila ng kanyang Tita, pero tuloy pa rin ang financial support ko sa kaniya. But something happened 2 years ago nang pasukin siya sa bahay at saktan ng masasamang loob. I came up to a decision na ilipat siya ng bahay at patirahin pansamantala sa anak ng isa kong kaibigan na nagkataon na ang anak niya na siyang gumagamit ng bahay nila dito sa Manila ay teacher pala ng anak ko. I want to make it clear, ako ang nagdesisyon na tumira si Kenn Lloyd kina sir dahil kilala ko ang pamilya nila. Kilala ko si Atty, Santos at alam kong mabuting tao siya. May mga pictures ako diyan na magkasama kami. Close si Kenn Lloyd sa pamilya nila, patunay din diyan sa mga pictures na higit siyang close kay Atty. Santos kesa kay Irvin. Nagkataon lamang na dito siya sa Manila nag-aaral kung kaya’t napilitan na rin siyang kay Irvin tumira.” Inilapag niya sa aming harapan ang mga pictures. Nakita ko ang ilang pictures namin noon sa Tagaytay. Nakasakay sila sa kabayo ni Papa. May nagkukulitan, kumakain o kaya naman ay kasama ang aking mga kapatid. Ako ang photographer noon kaya mas marami ay wala ako sa pictures.
“Kilala ko rin ng personal si Irvin in fact madami kaming beses na nagkikita para kumustahin ang anak ko. Nariyan din ang mga bank transactions kung saan nagpapadala ako ng pera sa kanya bilang bayad sa pagtira ng anak ko sa bahay niya. May mga print outs ng CCTV footages ng mga restaurant kung saan kami nagkikita upang alamin ko ang kalagayan ng aking anak. ” Nagkatinginan ang lahat at kita ko ang pamumutla ni Mrs. Nazareno. Nagpalipat-lipat muna ang tingin niya sa Division Superintendent at taga DSWD bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“Malaki ang pasasalamat ko sa pagtira ng anak ko kay Irvin, dahil malaki ang ipinagbago niya, marahil nga ay kulang siya sa pag-aaruga ng magulang kung kaya dati ay halos pahirapan siyang makapasa, alam iyan ni Miss Mendoza. Madalas silang nagpapadala dati ng letter sa akin tungkol sa academic status ng bata. Pero nitong huling dalawang taon napakalaki ng improvement niya at hindi lamang sa academic performances, nakita kong masigla siya at bumubuo na ng mga pangarap. Dati pinapakiusap ko lamang sa kanya na makatapos kahit high school dahil anong naghihintay sa kanya kung kahit iyon man lamang ay hindi pa niya matatapos? Pero ngayon ay gusto na niyang maging Engineer. At napakahalaga noon para sa akin. Napakalaking bagay para sa isang magulang na makita mong bumubuo na ng pangarap ang iyong anak at iniisip ang kanyang kinabukasan.” Bahagya siyang tumingala na parang pinipigil ang pagpatak ng mga luha niya habang inaalala ang mga pangyayari sa buhay ni Kenn.
“Bilang magulang, napakahalaga para sa akin ang pagbabago niyang iyon, dahil nag-iisang anak ko siyang lalake, kaya hindi ko papayagang masira ang kanyang mga pangarap dahil iyon naman ang gusto nating mga magulang ang mapabuti ang ating anak. Kaya tayo nagsusumikap ay para siguraduhin na mapaghahandaan natin ang kanilang kinabukasan.” Nakita kong tumango iyong mga kaharap namin maliban kay Mrs. Nazareno. Tumigil siya sandali na parang nag-iisip ng sasabihin.
“Mr. Suarez, ibig ba ninyong sabihin hindi kayo naniniwala na may relasyon silang dalawa?” ang aming Superintendent
“Isang malaking kalokohan, bakit natin pag-iisipan ng masama ang kanilang samahan. Masama bang makita na magkasama ang dalawang tao, kung naging magkaibigan sila, kasalanan ba nila iyon? Masama ba silang maging masaya? Nariyan si Miss Mendoza na makapagsasabi kung may ginawa sila sa school para pag-isipan ng masama o nakakahiya. Siya ang makapagsasabi kung may nilabag ba sila sa kahit anong school policy o may ginawa ba sila para maging masamang impluwensiya sa mga istudiyante. Ako, masaya ako dahil nakikita kong masaya ang aking anak. Sino bang magulang ang nanaisin na makita ulit ang anak niya na sa halip na nag-aaral ay naroon sa kalye kasama ang mga tambay nakikipag-inuman at gumagawa ng kung anu-anong kabulastugan. Sino bang magulang ang matutuwa na sa halip na nasa bahay ang anak niya ay naroon sa barkada o minsan pa nga ay inuumaga sa galaan? Magulang din kayo at alam kong naiintindihan ninyo ang pinupunto ko.” Tahimik ang lahat habang nakikinig sa kanya. Maya-maya ay nagtanong yung isang taga DSWD.
“Mr. Suarez, ang sabi ni Mrs Nazareno siya ang guardian ni Kenn Lloyd dahil sila lamang daw ang kamag-anak ng bata.”
“Kapatid siya ng Mommy ni Kenn Lloyd at magkalapit lamang ang bahay nila, pero ako ang tunay na ama, at kung karapatan ang pag-uusapan ako ang may higit na karapatan sa aking anak.”
Pangatlong araw ang pagdinig. Alam kong hindi papayag sina Mrs. Nazareno na hindi sila makapuntos. Dahil sa ginawa ni Mr. Suarez, handa na akong lumaban. Ipinakita niya hindi lamang sa akin kundi sa aming lahat kung paano niya naappreciate ang ginawa ko kailangan ko ring iparamdam sa kanya na nagpapasalamat ako. Akala ko ay tatawagin si Mrs. Nazareno at ang kanyang abugado dahil nakita ko silang magkakausap bago magsimula ang pag-dinig pero yung isang taga DSWD ang nagsalita.
“Base sa nadinig namin sa magkabilang panig, nakita namin ang punto ng bawat isa. Malinaw na naipahayag nila ang gusto nilang sabihin. Hindi na rin natin kailangang madinig ang panig ni Mr. Santos dahil nasabi na naman ni Mr. Suarez ang lahat. Maliban kung may gusto pa siyang idagdag,” Tumingin siya sa akin. Ayokong sirain kung ano man ang sinabi ni Mr. Suarez kaya minabuti ko na lamang ang umiling. Tiningnan ko si Mr. Suarez nakangiti siya sa akin na parang sinasabi na “diba sabi ko sa iyo ako ang bahala?”
“Sa kasong ito, wala kaming nakikitang dahilan para kasuhan ang guro dahil una may consent ang magulang sa pagtira sa kaniya ng bata. At dahil hindi naman pala legal guardian si Mrs. Nazareno nasa legal na magulang ang desisyon kung ano ang gagawin sa anak niya. Dahil pinatunayan ni Mr. Suarez na personal niyang kakilala ang mga Santoses, at may ugnayan pa rin sila upang kumustahin ang kalagayan ng bata, hindi natin masasabing pinabayaan niya ang kaniyang anak. Kami sa DSWD ay naniniwala na tama ang ginawa niyang proseso. Kasama ang DepEd ang layunin lamang namin ay ang kabutihan ng bata lalo pa nga at menor de edad siya pero pinatunayan ni Miss. Mendoza sa mga ipinakita niyang records na talagang nag improve si Kenn Lloyd hindi lamang sa academics kundi pati na rin social life niya, at sa pagkakataong ito gusto naming i-congratulate pa nga si Mr. Suarez at si Mr. Santos dahil sa kanilang ginawa. Alam kong sasang ayon sa akin si sir” na ang tinutukoy ay ang Division Superintendent na agad naman tumango.
“Pero Ma’am, meron pa po kayong dapat malaman..?”
“Mrs. Nazareno, gaya ng sinabi ko, since si Mr. Suarez ang totoong ama ni Kenn Lloyd karapatan niyang humanap ng taong magpapatino sa kanyang anak, at walang batas laban doon, pero kung mapapatunayan ninyo sa hinaharap na mali ang desisyon niya at nalalabag ang karapatang pambata ni Kenn Lloyd pwede kayong muling dumulog sa aming tanggapan, pero sa ngayon gusto ko ng tapusin ang usaping ito dahil una sa lahat wala pala namang problema. Walang kaso na dapat pag-usapan. Kung ang gusto ng pamilya ninyo ay makasama lamang ang bata bilang kamag-anak niya, pwede kayong magkaroon ng arrangement sa mga magulang niya. O magrequest sa korte dahil karapatan ninyo iyon. O kung maari naman ay pag-usapan na lamang ninyo ng maayos.” Kita ko ang galit sa mukha ni Mrs. Nazareno una dahil alam niyang walang nangyari sa ipinaglalaban niya at ang kawalan ng pag-asa makuha pa ang hinahabol nila, pangalawa sa pagkapahiya at kawalan ng magagawa. Nakita ko rin na may kinuha si Mr. Suarez sa bag niya.
“I think sa narinig natin ay maliwanag na ang lahat…” pagtatapos ng Division Superintendent pero bago pa siya makatapos ay muling humingi ng pahintulot si Mr. Suarez na makapagsalita na tinanguan lamang ng Division Superintendent.
“Sige Mr. Suarez, kung may nais ka pang sabihin…”
“One more thing, bago matapos ang pag-uusap na ito meron lamang akong gustong linawin,” Alam kong napatingin sa kanya ang lahat pero nagpatuloy siya.
“Hindi naman sa kung may relasyon ang anak ko at si Mr. Santos ang tunay na issue dito,” Nabigla ang lahat sa sinabi niya. Ako man ay nagtaka dahil ang alam ko ay tapos na at magpapaalaman na lamang kami.
“Anong ibig ninyong sabihin?” naguguluhang tanong nong isang taga DSWD.
“May ipinamana ang lolo at lola ni Kenn Lloyd sa kanilang mag-ina, Nais ng mga tito at tita niya na mapasa kanila ang pamanang iyon kung kaya pinipilit nilang kuhanin si Kenn Lloyd upang sa kanila tumira at nang mamanipula nila ang isip ng bata. Kaya lamang ay hindi pumayag si Kenn Lloyd, at humantong ang lahat sa isang trahedya na muntik nang ikinamatay ng bata. Pero hindi pa rin sila tumigil, nang gumaling siya, pinapipirma ni Mrs Nazareno si Kenn Lloyd sa Deed of Sale dahil alam nilang hindi naman naiintindihan ni Kenn Lloyd kung anong ibig sabihin noon kunwari sinabi niyang binibigyan lamang niya ng pahintulot ang Tito niya na mamahala sa minana niya. Nang hindi pumayag ang bata ay tinakot na ipagkakalat na may relasyon sila ng sir niya. Ginamit nilang pam black mail ang kasinungalingang relasyon nilang dalawa para mapilitan ang bata na pumirma. Ayan ang katibayan na pinapapirma niya si Kenn Lloyd” Kita kong shock ang lahat ng naroon pati ang abugado ni Mrs Nazareno ay napapailing halatang hindi niya alam ang tungkol doon at hindi napaghandaan, maging ang aming principal ay kita ko ang pagtataka dahil nakatingin siya sa akin na parang nagtatanong. Tiningnan ko si Mrs Nazareno, namumutla siya saka marahang tumayo alam kong aalis na siya dahil sa pagkapahiya, Nang biglang …
“Napakawalang hiya mo Ate, napakalawalanghiya ninyo.” Sabay ang malakas na sampal ng isang babae. Pamilyar ang boses na iyon.
“Susan!” iyon lamang ang naisagot ni Mrs. Nazareno sabay sapo sa kanyang pisngi. Naalala ko siya ang Mommy ni Kenn nakausap ko na siya ilang beses sa phone at ipinakita na rin sa akin ni Kenn ang mga pictures niya. Napakaganda nga niya kahit sabihing may edad na ay mababakas mo pa rin sa kanya ang ganda kahit umiiyak.
“Huminahon ka Susan!” hinawakan ni Mr. Suarez sa kanyang kamay para pigilan na muling sampalin si Mrs. Nazareno.
“Bitiwan mo ako Mike!” Gusto kong sabunutan at tuluyang kalbuhin ang babaeng iyan kahit mas matanda pa iyan sa akin. Gusto kong kalimutan na kapatid ko siya.” Saglit niyang pinahid ang luha niya saka hinarap ang ate niya.
“Hindi ka pa nakuntento, hindi pa ba sapat na lahat ng perang ipinapadala ko sa anak ko na ni isang kusing hindi nakarating. Napaka walang kwenta ng tingin sa akin ng anak ko, sa mahabang panahon kahit minsan hindi niya ako tinawagan ng kusa dahil ang alam niya iniwan ko na lamang siya basta. Kapag kinakausap ko siya oo at hindi lamang ang sagot niya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin. Pero araw at gabi ate nag trabaho ako at lahat ng kinita ko ipinadala ko sa iyo para sa kanya. Ang sabi mo sa akin pagkaalis ko inabandona na rin siya ng kanyang ama kaya ikaw na ang sumasagot sa mga gastos niya, Nagtrabaho ako ate, kahit ano pinasok ko para lamang kumita, Inisip ko na lamang na maiintindihan din niya iyon balang araw dahil ginawa ko naman ang lahat ng iyon para sa kanya. At dahil don kaya napilitan akong mag-asawa kahit hindi ko pa plano dahil sabi mo kulang ang pinapadala ko dahil sa laki ng gastos niya. Sabi mo madami kang utang dahil madalas nasa ospital ang anak ko. Iyon pala sa iyo lamang napupunta ang lahat. Kahit gusto kong umuwi at makita siya, nagsakripisyo akong ipadala na lamang sa kanya ang pambili ko ng ticket alam mo ba kung gaano kahirap at kasakit iyon sa isang ina? Ate anim na taon mo akong niloko at pinapaniwala sa lahat ng kasinungalingan mo.” Saglit siyang tumigil at huminga ng malalim. Kita ko ang pagkabigla ng lahat ng naroon, iyong dalawang taga DSWD ay palihim na nagpunas ng kanilang mga luha. Samantalang si Mrs. Nazareno ay nanatiling nakatungo habang umiiyak.
“Napakahayop mo ate. Napakasama mo talaga!” at tuluyan na siyang napaluhod habang humahagulhol.
“Tama na iyan Susan, nai-file ko na ang lahat ng reklamo sa kanya gaya ng pinag-usapan natin. Naisampa ko na ang kaso” si Mr. Suarez.
Ayoko ng makita o madinig pa ang susunod na mangyayari. Lumabas na ako. Sapat na sa akin ang lahat. Maliwanag na sa akin kung ano ang totoo.
Paglabas ko nakita ko si Kenn Lloyd, nakatayo at parang litung-lito.
“Sir ano pong nangyari, si Mommy ba yung sumisigaw?”
“Halika na umalis na muna tayo dito. Diba binawalan ka dito, bakit ka narito?”
“Pumunta kasi si Mommy sa school at nagpasama dito kaso hindi po ako pinapasok nong masungit na babae na iyon,” sabay turo sa isang babaeng may makapal na salamin. “Kaya nagpaiwan na lamang ako dito sa labas, naroon ba si Daddy, ano nga po bang nangyari, bakit parang umiiyak si Mommy, nanalo ba tayo sa kaso sir?”
“Ang dami mo ngang tanong, halika na sabi,” hinawakan ko siya sa kamay, ayoko munang malaman niya ang totoo. Alam kong nagtataka siya pero hindi ko na siya hinayaang magtanong pa. Dali-dali kaming lumabas at pumara ako ng taxi. Alam kong kahit nasa sasakyan naghihintay pa rin siya ng paliwanag gaya ng dati pero hindi ako nagsalita,
Tama nga sila baka magka trauma siya dahil sa nangyari, hindi pa abot isip niya ang ganon. Hindi pa ngayon, kapag maayos na ang lahat, ikukuwento ko sa kanya ng buo ang tungkol sa Mommy at Daddy niya. Maaring kung sila ang mgkwento hindi pa siya maniwala. Pero buburahin ko ang lahat ng negatibong impression niya sa kanyang mga magulang. Gusto kong magsimula si Kenn Lloyd na wala na ang anumang galit o tampo sa kanyang puso.
----------
“Sir ano ba, bakit ka ba nakatingin ng ganyan?” tanong ni Kenn na hindi ko alam kung natutuwa o naiinis. Kagagaling lamang namin sa celebration ng kanyang graduation. Sobrang saya niya dahil first time na nakasama niya ang kanyang Mommy at Daddy.
Tama ang nabasa ninyo kasama ang Daddy niya noong graduation, sa wakas pagkatapos ng lahat ng nangyari naglakas loob na rin siyang ipakilala sa lahat at ipagmalaki na siya ang ama ni Kenn. Matagal na pala niyang naikwento sa kanyang mga anak ang tungkol kay Kenn at dahil malalaki na rin naman sila ay tanggap nila. Umattend pa nga sila ng graduation ni Kenn at may regalo pa lahat. Nakita ko rin na niyakap nila si Kenn pagkababa ng stage. Ang Mommy naman nila, siyempre galit pero hindi na raw nabigla dahil noon pa pala ay pinasubaybayan na si Mr. Suarez kaya noon pa naihanda na ang sarili na isang araw ay may ipapakilala siya bilang anak. Sabi nga raw niya ay 16 years na niyang alam ang lahat kaya hindi na ganon kasakit . Pero ang maganda hindi siya galit kay Kenn Lloyd kundi sa Daddy lamang niya. Sa Mommy naman niya ay wala raw siyang pakialam dahil may pamilya naman siya sa abroad. Sabik din naman pala sa anak na lalake kaya minsan ay siya pa ang nag iinvite kay Kenn na sa kanila mag lunch kapag weekend.
“Wala, masaya lamang ako dahil masaya ka at last, alam mong walang kulang sa iyo, mahal ka ng Mommy at Daddy mo at may mga kapatid ka pa.”
“At may mahal pa akong sir.” Saka ako kinindatan napangiti naman ako.
“Tumigil ka nga Kenn Lloyd, Nangako tayo sa Daddy at Mommy mo na walang makakaalam ng tungkol sa atin hanggang maka graduate ka ng college. Panindigan mo iyon.”
“Si Daddy talaga ang galing magplano, Pati iyon siya pa rin ang nagdedesign.”
“Architect nga kasi hindi ba?”
“Pero sir, totoo ba yung kwento mo na sabi niya, kay Tito niya ako inihabilin at hindi sa iyo?” ang parang nagtataka niyang tanong.
“At magaling ding gumawa ng kwento ang Daddy mo. Diba hindi nga niya alam na pwede kang tumira dito not until sinabi mo, saka first time ko lamang siyang nakita nong birthday mo sa phone lamang kami nag-uusap. Pero huwag mo na siyang sisihin dahil malaking bagay iyong sinabi niya para makumbinse ang mga taga DSWD na hindi totoo ang sinasabi ng Tita mo.”
“Pero saan po niya nakuha yung pictures nila ni Tito?”
“Alam mo bang totoo pala namang nagkakilala sila dahil may hinandle si Papa na kaso ng kumpanya nila dati, madalas silang mag meet para pag-usapan ang kaso kaya may mga pictures sila galing sa CCTV.”
“Ahh half truth naman pala.”
“At eto pa ang Daddy mo pala ang nagsabi kay Papa ng tungkol sa ating dalawa kaya nalaman ni Papa.”
“Tsismoso din pala talaga iyang si Daddy ano?” Nagkatawanan naman kami. “Pero sir yun ba yung reason kaya minsan nadinig kitang kausap mo si Tita sabi mo, hindi ka nakahingi ng sorry kay Tito?” Tumango ako,
“Iyon din ba ang reason kaya malungkot ka lagi noon at hindi tayo umuwi sa inyong ilang weekends?” Tumango lang ulit ako. Nakita ko bigla siyang napatungo.
“Sorry sir, dahil sa akin kaya nagtampo sa iyo si Tito,”
“Hayaan mo na iyon, wala na tayong magagawa, nakakalungkot lang, pero alam ko naman pinatawad na niya ako diba hinintay pa niya ako kahit nahihirapan na siya?”
“Kapag bumista tayo sa libing niya magso sorry ako sa kanya, sasabihin ko na sa kanya ang totoo, aaminin ko na sa kanya, nanghihinayang din po ako dahil hindi ko naipagtapat sa kanya ang totoo, pero sir kahit naman patay na siya madidinig pa din niya iyon diba? Nasa paligid lamang din naman siya ano? Sasabihin ko sa kanya na hayaan na lang niya tayo kasi mahal na mahal po kita sir. Ipapakiusap ko na huwag na siyang magtampo sa iyo. Hindi ko kayang mawala ka sir.” Nakangiti niyang paliwanag, parang nakapaka inosente ng mga sinabi niya pero ramdam ko na totoo at bukal sa loob niya ang mga iyon. Parang tagos sa puso ko ang bawat salita niya. Parang gusto kong maiyak kahit madalas kong madinig iyon sa kanya pero nang mga oras na iyon parang ang sarap pakinggan at pagmasdan ng maamo niyang mukha habang sinasabi niya iyon. Tumingala lamang ako saka bumuntunghininga bago nagsalita.
“Mahal na mahal din kita kaya nga hangga ngayon magkasama pa rin tayo at sana Kenn kahit sa marami pang panahon ikaw parin ang kasama ko alam ko marami pa tayong pagsubok na daraanan pero hanggang magkasama tayo makakaya natin iyong pagtagumpayan. Hanggang alam kong mahal mo ako patuloy akong maniniwala na tama man o mali ang relasyon natin kailangan ko itong ipaglaban at handa akong gawin iyon sana ikaw din.” Tumango siya at niyakap niya ako kahit hindi siya magsalita para bang sinisigurado niya na hindi siya mawawala.
Nakapasa siya sa isang kilalang engineering school at proud na proud siya nang ibalita sa akin.
“Sabi ko naman sa iyo kaya mo iyon .” sagot ko sa kanya pagkatapos i congratulate.
“Alam mo ba sir, 17 kaming nagtake ng exam galing sa school natin at 8 lamang ang nakapasa” Tapos sir, puros nasa Top 15 pa yung ibang nakapasa ako lamang talaga ang hindi honor.”
“Kasi pinaghirapan mo ang pagrereview, pag talaga pinagsikapan mo ang isang bagay, hindi imposibleng mapa sa iyo,”
“Sir pinaghirapan po nating dalawa, akala mo po ba nalimutan ko na yung lahat ng pagpupuyat natin at pagtitiis na huwag lumabas kapag weekends dahil kailangan kong magreview? Hindi sir kaya sobrang thankful ako sa sir kong pogi” sabay pisil sa pisngi ko na nanggigigil.
“Salbahe kang bata ka ah, akala mo ba hindi masakit iyon ha,” sabay kiliti naman sa kanya. Nang matapos ang kulitan namin ay muli siyang nagseryoso.
“Siyanga pala sir, alam mo po si Jasper pala nakapasa sa DOST?”
“Oo si Ate Annie pa ang nagbalita sa akin tuwang-tuwa nga dahil bukod sa libre na ang tuition may allowance pa iyon kaya wala na silang puproblemahin sa gastos.”nakangiti ko namang sagot sa kanya.
“Ang dami pang awards ni Jasper ano?”
“Oo nga po sir nakakainggit”
“Meron ka rin namang award diba, ayaw mo pa non ikaw ang Outstanding Athlete of the Year, nakita mo ba kung gaano ka proud ang Daddy mo noong umakyat sa stage kasama ng Mommy mo.”
“Siyempre sir, first time sa buong buhay ko na nangyari ang ganon kaya sobrang saya ko at hindi ko iyon malilimutan, pero nakakainis nga rin si Mommy, pinaghahalikan ba naman ako sa stage, tinutukso tuloy ako ng mga classmates ko pag baba namin., Sabagay missed na missed raw niya ako, akala talaga niya galit ako sa kanya. Missed na missed ko din naman siya lalo na ng malaman ko ang totoo.”
“Saka, talagang pinilit niyang umuwi para sa graduation mo, sabi nga niya sa akin, hindi na niya papayagang maulit iyong nangyari sa iyo noong Elementary na natulog kang hindi kumakain.”
“Kinuwento mo pa talaga iyon sa kanya sir?”
“Noon pa iyon kaya nga nalaman ko na nagpadala pala siya noon ng pera sa para pang celebrate mo sana, kasi nga plano niyang umuwi kaso may emergency kaya nagpadala na lamang siya. Bumawi naman siya ngayon diba, lahat yata ng nag graduate inimbitahan nyo.”
“Nahihiya nga ako kay Mommy kasi ang dami ko palang hindi alam, akala ko talaga pinabayaan na niya ako pagkatapos niyang umalis.”
“Mabuti na rin ang nangyari at least nalaman mo na ang lahat tapos na yung malulungkot mong kwento, makakapokus ka na sa pag-aaral ngayon.” Tumango naman siya
“Pero sir, speaking of pag-aaral nakow, iyang si Jasper panigurado mahihirapan iyan sa College?
“At bakit naman masipag naman siyang mag-aral at matalino”
“Iyon na nga po sir, matalino, gwapo, maraming talent, mabait…. Tiyak ang daming magkakagusto sa kanya, maraming temptations.”
“At ikaw kaya hindi ganon, hindi kaya marami ding temptations don sa papasukan mo?”
“Aba, aba ang sir kong pogi yata ay nagseselos ah”
“Hindi ah”
“Don’t worry kamahalan kong sir, nag-iisa ka lamang po sa puso ko, ikaw lamang para sa akin ay sapat na para ako maging masaya kaya relax ka lang jan ha” kasabay ang pagpapa cute.
“Tumigil ka Kenn Lloyd ang dami mo ngang nalalamang kalokohan.” At kunwari ay tumalikod na ako.
“Aminin mo sir, hindi bat kinikilig ka naman sa kalokohang iyon?”yumakap siya mula sa likuran ko habang nakasubsob sa leeg ko.
“Ewan ko, hindi, hahaha” teka, huwag mo akong kilitiin.”
“Sabihin mo muna ang totoo.” Kinikiss niya ako sa pisngi habang hinihigpitan ang yakap.
“Oo na, oo na kinikilig ako sa kakulitan mo.”
“Ganon pala ha, at hinalikan ako sa mga labi ko, hindi naman ako pumayag na siya lamang. Lumaban na rin ako ng halikan syempre gaya ng dati nauwi sa pagpapalabas ng init ng aming katawan ang kulitang iyon. Nang mga sandaling iyon lalo kong napatunayan sa sarili ko kung gaano ko siya kamahal at hindi rin naman siya nagsasasawa na iparamdam iyon sa akin.
Nang sumunod na school year, nagbago ang set up namin. Dahil ang school na pinasukan niya ay nasa malayo, sa labas ng Metro Manila, napilitan siyang mag dorm dahil hindi niya kakayanin ang mag biyahe araw-araw. Noong umpisa ay mahirap at alam kong parehas kaming nag-aadjust. Nasanay na kasi kaming dalawa na magkasama sa bahay hanggang sa school. Pero madalas nagigising ako sa hatinggabi na katabi ko na siya sa higaan at nakayakap sa akin. Pag naramdaman niyang nagising ako ngingitian lamang niya ako.
“Tulog ka lang sir kong pogi, may pasok pa tayo bukas.” Saka ako ikikiss. Ngingitian ko lamang din siya at yayakapin saka itutuloy ang pagtulog. Ganoon ang ginagawa niya kapag namimiss niya ako. Alam kong malaking sakripisyo iyon para sa kanya at madalas ko siyang sabihan na huwag na siyang magpagod pero sabi niya masaya raw siya sa ginagawa niya at ayaw lamang niyang isipin ko na hindi ako mahalaga sa kanya. At kailanman ay hindi siya mapapagod na gawin iyon.
Madalas paggising ko sa umaga nakaalis na siya pero hindi siya nauubusan ng mga maliliit na notes na iniiwan sa table.
“Babye, kamahalan kong pogi.”
“Ingat ka po palagi mahal kong sir”
“Love you baby kong sir”
“Mahal na mahal kita sir ko”
“Mamimiss kita teacher kong gwapo..”
Napapailing na lamang ako kapag binabasa ko. Si Kenn Lloyd ang taong hindi nauubusan ng paraan para pasayahin ako. Hindi rin ako nauubusan ng dahilan para mahalin siya. Hanggang sa mga panahong iyon nasu –surprise pa rin ako sa mga ginagawa niya. Kahit gaya ng ipinangako namin sa kaniyang mga magulang wala munang makakaalam ng tungkol sa amin naging maingat kami kapag nasa labas o kung maaari nga ay bihira na kaming lumabas na kami lamang dalawa kung may pagkakataon ay kasama namin sina Jasper. Pero saksi ang lahat ng bahagi ng aming bahay kung gaano namin kamahal ang isat-isa. Alam kong darating ang araw mapapaninidigan din namin ang aming nararamdaman sa harap ng iba pero nang mga panahong iyon masaya na kaming parehas na alam naming mahal namin ang isat-isa yung iba pang mang yayari saka na namin iisipin. Sapat na ang ngayon para makuntento kami sa kung anong meron, Si Kenn Lloyd at ako at ito ang aming kwento.
Maraming salamat sa pagsama ninyo sa akin na sariwain ang buhay ko at ng batang bumago hindi lamang sa pagkatao ko kundi maging sa pananaw ko tungkol sa pagmamahal. Isang bahagi ng buhay ko na kahit kailan hindi ko naisip na pwede palang mangyari. Noong una punum-puno ako ng takot at pagkalito, pero ang puso pala ay may sariling paraan para matutunan mong harapin ang takot at kaya rin niyang linawin kung anuman ang kalituhan na kinakaharap mo basta handa ka lamang harapin ito at ipaglaban. Kaya labis akong nagpapasalamat dahil ito ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig at hindi natin alam kung ano ang plano sa atin ni Kupido. Maaring sa simula ay hindi natin maunawaan ang mga nangyayari pero gagawa siya ng paraan para maging maliwanag ang lahat.
Muli maraming salamat sa inyong lahat at sana ay makatagpo rin kayo ng tunay na pagmamahal.
Kung gusto pa ninyong malaman ang naging buhay namin ni Kenn Lloyd sa mga sumunod pang araw, muli ninyo kaming samahan sa pagbubukas ng Ikalawang Aklat ng aming Kwento.

No comments:
Post a Comment