By: Lord Iris
Cyril POV
Ang saya ko ng pumasok ako ngayon dito sa school at sinundo pa ako ni Luther sa bahay ko... mabait talaga si Luther at malambing siya sa akin...
Seryoso pala talaga si Luther sa sinabi niya sa akin na manliligaw siya...
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway kasama si Luther...
"Cyril... akin na yung bag mo... hayaan mo na ako na ang magdala". Nakangiting sabi ni Luther.
"Naku! hindi na nakakahiya naman". Nahihiya kong sabi sa kanya.
Biglang kinuha ni Luther ang bag ko kaya hindi na ako tumanggi...
"Uuuhhmmm... Cyril simula ngayon ako na ang maghahatid sa iyo pauwi at papunta sa school". Nakangiting sabi ni Luther.
"Ha? Di naman kailangan kasi kaya ko naman ang sarili ko". Sagot ko.
"Sige ka... baka balikan ka nung mga lalake kagabi tapos wala ang superhero mo". Sabi niya na parang nagpapa-cute.
"Baka mamaya naabala na kita...". Sabi ko sa kanya.
"Naku hindi! Believe me... gusto ko itong ginagawa ko". Nakangiti niyang sabi sa akin.
Tumingin ako sa mga mata ni Luther at kitang-kita ko talaga ang sincerity kaya napangiti na lang ako...
"Cyril... may pag-asa ba ako na maging boyfriend mo?". Seryosong tanong sa akin ni Luther.
Napa-isip tuloy ako... ayokong umasa siya kaya...
"Ewan ko...". Maikli kong sagot.
"Di bale... hindi ako susuko!". Nakangiting sabi niya.
Natatawa na lang ako at sobrang lakas talaga ng fighting spirit ni Luther...
"Gwapo ka at mabait... bisexual ka naman at maraming babae diyan kaya bakit ako ang nagustuhan mo?". Seryoso kong tanong sa kanya.
"Cyril... nung una kitang nakita dito sa school ay iba talaga ang naramdaman ko eh". Seryoso niyang sagot sa akin.
"Bakit naman?". Tanong ko ulit.
"Basta... crush talaga kita dati tapos hindi ko rin akalaing ikaw pala yung student na niligtas ko". Seryoso niyang sabi sa akin.
"Ganun? Eh bakit ayaw mong makipag-usap at lumapit sa akin?". Nagtataka kong tanong.
"Nahihiya ako eh...". Sabi niya at napakamot pa siya sa batok niya.
"Hhhmmmppp... nahiya ka pa sa lagay na yan eh ninakawan mo nga ako ng halik". Seryoso kong sabi.
"Sorry...". Nahihiya niyang sabi tapos parang nag-blush pa siya.
Nakakatuwa naman si Luther... masaya talaga akong kasama ko na siya ngayon...
"Uuhhmmm... Cyril punta muna ako sa cr ha?". Pagpapaalam niya.
"Sige... hintayin na lang kita". Sabi ko.
"Sama ka na lang hahaa".
"Ewan ko sayo...". Natatawa kong sabi sa kanya.
Umalis na si Luther at umupo na lang ako sa bench para hintayin ko na lang siya dito pag dumating siya... nadala pala niya yung bag ko...
Bigla na lang may lumapit na mga students sa akin...
Namumukhaan ko sila!
Sila yung mga students na nam-bully sa akin tapos ginapos ako sa isang room... kinakabahan ako... ano na naman kaya ang gagawin nila...
Tumayo na ako para umalis pero hinarangan ako ng iba pang mga students kaya natatakot ako...
"Gusto ka naming maka-usap...". Seryosong sabi nung babae.
Tumitig na lang ako sa kanila kasi kinakabahan ako...
"Diba ikaw ang PA ni Eros?". Tanong naman nung isa.
"Opo... pero tinanggal na po ako sa trabaho ni Sir Eros". Kinakabahan kong sagot sa kanya.
"Sayang naman! Ipapa-abot pa naman sana namin itong mga regalo at love letters sa kanya". Dismayadong sabi nung bakla.
"Pero kahit naman ibigay ko iyan eh baka ibato niya pa sa akin". Sagot ko.
"Siya nga pala... may kasalanan ka sa amin hhmmm...". Seryosong sabi nung babae.
"Hala! Ano pong ginawa ko?". Kinakabahan kong sabi.
"Bakit binuhat ka ni Eros nung hinimatay ka? Close ba kayo?". Mataray niyang tanong.
"Hindi ko po alam... galit po si Sir Eros sa akin ngayon". Sagot ko.
"At bakit naman? Ano na naman ang nagawa mo kay Eros ko?". Sabi nung isang babae.
"Hoy anong Eros mo? Pantay-pantay lang tayo dito!". Galit na sabi nung isang babae.
"Edi wow! Ikaw sagutin mo yung tanong ko!". Galit niyang sabi.
Kinabahan ako... paano ko ipapaliwanag sa kanila na napag-bintangan lang ako ni Sir Eros?
"Hoy sumagot ka!". Sabi nung bakla at kwinelyuhan niya ako.
Napatitig na lang ako sa kanya at nakakatakot siya...
"Malandi ka rin no? Sumama ka kay Papa Eros tapos ngayon si Papa Luther naman ang punterya mo!". Galit niyang sabi.
"Wala po akong intensyon...". Natatakot kong sabi.
"Nagde-deny ka pa! Wala ka talagang kadala-dala!". Sigaw niya.
"Hawakan niyo yan... dalhin ulit natin siya doon sa room". Seryosong sabi nung isa.
"Wag po!". Natatakot kong sigaw.
Hinawakan nila ako ng mahigpit sa kamay kaya hindi na ako makapalag sa kanila...
"Hoy mga gago bitawan niyo yan!". Galit na sigaw nung isang boses.
Tumingin kami sa likod at nakita ko ang galit na mukha ni Sir Eros...
Bigla akong binitiwan nung mga nakahawak sa akin at parang kinabahan silang lahat...
"Anong ginagawa niyo kay Cyril?". Galit na tanong ni Sir Eros.
"Wala... sorry Eros". Nakangiting sabi nung babae.
"Mark my word! Sa oras na malaman kong binully niyo ulit yan... alam niyo na kung ano ang pwede kong gawin!". Nakakatakot na banta ni Sir Eros.
"Sorry Eros...". Sabay-sabay nilang sabi kay Eros.
"Get out of my sight!". Sabi ni Sir Eros.
Nagtakbuhan na yung iba at parang takot talaga sila kay Sir Eros... grabe! Paano sila nagkakagusto kay Sir Eros kung ganito ang trato niya sa kanila?
Eh pero ako nga nagkaka-gusto din sa kanya pero kakalimutan ko na...
"Cyril let's talk...". Seryosong sabi ni Sir Eros.
Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang ako sa kanya...
Pumasok kami sa isang room at ni-lock niya pa yung pinto para wala daw maka-rinig sa amin...
"Uuuhhhmmm... sir thank you po sa pagligtas mo sa akin". Sabi ko.
"Don't mind it... hindi yan ang pag-uusapan natin". Seryoso niyang sabi.
"Tungkol saan naman po ba?". Tanong ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at...
"Tungkol doon sa nagawa ko sayo kagabi". Seryoso niyang sabi.
Tumingin pa siya sa kamay ko na nakabalot sa tela at mukhang nakokon-sensiya si Sir Eros...
"Ano po bang gusto niyong sabihin?". Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang na...". Hindi matapos na sabi ni Sir Eros.
"Na ano po?". Tanong ko.
"Hihingi lang sana ako sayo ng...". Di na naman niya matapos na sabi.
"Ano po ba yun?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Ano kasi eh...". Sabi niya na parang nahihiya at yumuko pa siya na parang bata.
Wow! Ngayon ko lang nakita na parang nahihiya si Sir Eros...
Grabe! Ang cute niya!
"Ano po ba yun? May klase pa ako". Naatat na tanong ko sa kanya.
"Wait lang kasi!". Sabi niya at parang nagalit na naman siya.
Mukhang manghihingi siya ng sorry kasi sinabi na yata sa kanya ni Era ang totoo...
"Hihingi po ba kayo ng sorry?". Nakangiti kong tanong sa kanya.
Natahimik bigla si Sir Eros at napansin ko na parang napalunok pa siya sa sinabi ko...
"Kung hihingi po kayo ng sorry sabihin niyo na po". Nakangiti kong sabi sa kanya.
Parang nag-blush si Sir Eros!
Grabe! Oo nga namumula siya! hahah
Ang cute niya sobra!
"Sige na po... sabihin niyo na". Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Tumahimik ka nga! Hayaan mo na lang akong magsalita!". Galit niyang sabi sa akin at namumula pa din siya.
Grabe! Hindi ako natakot ngayon kahit galit siya kasi nagba-blush siya tapos mukha siyang nahihiya at ang cute talaga niya...
Mga ilang minuto na din kaming magkatitigan pero hindi naman siya nagsasalita...
"Sir? Sabihin niyo na kasi kung maso-sorry ba kayo". Naiinip kong sabi.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin ang mag-sorry...". Seryoso niyang sabi.
"Madali lang naman pong sabihin yun eh... kung ayaw niyo po ay hindi ko naman kayo pinipilit". Dismayado kong sabi.
Akala ko magso-sorry na siya... grabe kaya yung ginawa niya sa akin...
"Thank you po sa pag-tanggol sa akin kanina... Aalis na po ako". Sabi ko sa kanya at tumalikod na ako.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at...
"Wait lang...". Seryoso niyang sabi.
Napatitig na lang ako sa kanya kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito...
"Pwede bang bumalik ka ng PA ko?". Sabi niya at nakita ko sa mga mata niya na sincere siya.
Pero hindi! Ayokong magpadala sa kanya kung alam kong hindi naman siya magbabago...
"Maghahanap na lang po ako ng trabaho... pero kung gusto niyo po na bumalik ako ay mag-sorry ka muna. Yun lang naman po ang gusto kong marinig sa inyo eh". Seryoso kong sabi sa kanya.
Binitawan na niya ang kamay ko at sa tingin ko ay tapos na ang pag-uusap naming dalawa...
Umalis na ako pero naiwan lang si Sir Eros sa loob ng room...
Siguro nga mahirap talaga para kay Eros ang humingi ng tawad kasi mataas ang pride niya pero mahalaga talaga para sa isang tao ang magpa-kumbaba at sana nga matutunan na niya yun...
Pagkatapos ng klase ay hinatid na ako ni Luther sa bahay...
Binuksan ko ang bag ko at napangiti ako dahil may nilagay pala si Luther na chocolates na hugis heart tapos may letter pa na nakalagay...
......
Chocolates for you my love... thank you for inspiring me everyday and giving me hope...
......
Siguro nga malakas talaga ang tama ni Luther sa akin...
Napangiti na lang ako at pakiramdam ko ay special talaga ako para kay Luther at tingin ko... hindi siya mahirap mahalin...
Eros POV
Nandito ako ngayon sa mansion at naghahanda na ako for school...
Pagpunta ko sa living room ay nakita ko si Era...
"Good Morning Era!" Bati ko.
"Hhmmpphh!" Inis niyang sabi.
"Hanggang kelan mo ba hindi papansinin si kuya mo?" Malambing kong tanong sa kanya.
"Hangga't hindi bumabalik dito si kuya Cyril..." Sagot niya at naka-crossed arms pa siya.
Bigla ng tumayo si Era at pumasok na siya sa ibang kotse...
Hindi na ako ang nag-hahatid sa kanya sa school dahil inis talaga si Era sa nagawa ko kay Cyril...
Nakaka-inis na! Ayaw na bumalik sa akin ni Cyril... bakit kung kelan tumagal siya sa akin ay parang wala namang kwenta sa kanya yung pinag-samahan naming dalawa...
Tapos sumasama pa siya kay Luther!
Nakakapag-selos!!!!!!
Shit!!! ano ba itong iniisip ko!
Hindi ako nagseselos! Naiinis lang ako kasi nakaka-inis talaga...
Bakit ba kasi ganito... alam ko na PA ko lang siya pero ang laki ng epekto niya sa aming magkapatid at lalong-lalo na sa akin...
Oo! Binabayaran ko siya para utos-utusang gumawa ng school works ko araw-araw pero hindi lang naman yun ang dahilan kung bakit kailangan ko siya...
Inaamin ko... miss ko na siya...
Hindi ko alam kung bakit nahuhulog na ang loob ko sa kanya...
Wait!!! What the heck!!! Hindi pala nahuhulog ang loob ko sa kanya... napapalapit lang ang loob ko sa kanya...
Teka... ano bang pinag-kaiba nun?
Miss ko na yung mga ngiti niya...
Miss ko na din yung ka-inosentihan ng Cyril na yun...
Nalulungkot na akong wala siya...
Paano ba kasi ako hihingi ng tawad sa kanya?
Nakakahiya nung sinubukan kong kausapin siya...
Ewan! Basta susubukan ko na lang ulit humingi ng tawad sa kanya...
"Aaaarrrrgghhh!!!" Bigla kong sigaw at ginulo ko na lang ang buhok ko.
"Thinking out loud huh?"
Lumingon ako at bigla na lang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang step-father ko...
Lumapit siya sa akin at nakangiti...
"Eros... I know what happened... you really miss him right?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
Yumuko na lang ako sa kahihiyan...
"Kina-usap mo na ba siya?" Tanong niya sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya...
"Ok... anong sabi niya?" Tanong ulit ng step-father ko.
"Hindi daw siya babalik hangga't hindi ako humihingi ng sorry..." Sagot ko sa kanya.
Biglang siyang tumawa ng malakas kaya na-iinis ako...
"Anong nakakatawa?" Galit kong tanong sa kanya.
"Oh... edi mag-sorry ka na kasi." Natatawa niyang sabi.
Yumuko na lang ako at...
"It's hard for me to say..." Sabi ko habang naka-yuko.
"Oh come on Eros!!! Nasaan na yung bayag mo?" Natatawa niyang sabi.
"What do you mean by that?" Inis kong tanong sa kanya.
"Why are you holding back? You are Eros Vermillion a casanova. Matitiis mo ba ang tampuhan niyo ni Era?" Seryoso niyang sabi sa akin.
Oo nga! Pero kasi ang hirap eh...
"I guess I'm not ready for it..." Seryoso kong sabi sa kanya.
Naglakad na siya paalis pero nagsasalita siya habang nakatalikod...
"Ok... I understand. Pero baka mamaya mahuli ka na at mag-apply siyang PA ng iba... specially to Luther." Bigla niyang sabi.
What? Paano niya nalaman yun?
Pero hinding-hindi ko hahayaang maging PA si Cyril ni Luther o ng kahit na sino! Never!
Napatingin na lang ako sa relo at oras na pala para pumasok ako sa school...
Pumasok na ako sa kotse at nag-drive na ako papunta sa school...
Naglakad ako sa hallway at nakita ko si Luther at Cyril...
Masaya sila... naghaharutan... nagkukulitan... naglalambingan...
I hate this!!! Dapat ako ang gumagawa nun kay Cyril eh...
Nagtago ako sa gilid ng locker para marinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa... may hawak na teddy bear na color white si Luther...
"Cyril... for you..." Nahihiyang sabi ni Luther habang inaabot kay Cyril ang white na teddy bear.
Kinuha ni Cyril ang teddy bear at...
"Thanks Luther..." Sabi ni Cyril at halatang nag-blush pa siya.
Shit! Nililigawan ba niya si Cyril?
I don't want anyone to see him blush like that!!!
"Oh... paano ba yan? Pasok na ako sa first subject ko ha?" Malambing na sabi ni Luther.
"Sige Luther... bye..." Namumulang sabi ni Cyril.
Naglakad na palapit sa akin si Cyril at bigla ko siyang hinatak para maka-usap ko siya...
Halatang nagulat si Cyril sa ginawa ko sa kanya...
"Sir Eros... bakit po?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Cyril! Nililigawan ka ba nung Luther na yun ha?" Galit kong tanong.
Mukhang kinabahan si Cyril at...
"Opo..." Mahina niyang sagot.
Shit! Totoo nga!
"At bakit pumayag ka? Bakla ka ba?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Mabait po si Luther... at alam ko pong special ako sa kanya." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Lalo na lang akong nainis sa kanya...
"Itapon mo nga yang teddy bear na bwisit na yan!" Galit kong sabi.
"Huh? Ayoko po..." Sabi niya.
"Utos ko yun kaya sumunod ka!" Galit kong sabi sa kanya.
"Hahaaha... hindi naman na po ako nagtatrabaho sa iyo eh." Natatawa niyang sabi.
Shit! Nakakahiya naman talaga! Nakalimutan ko na naman...
"Basta itapon mo yan! Ang pangit kaya ng teddy bear na yan! At ang cheap ng tatak!" Galit kong sabi.
"Ha? Ang cute po kaya nito... at mahal po kaya ang ganitong teddy bear." Sabi niya na parang bata.
"Kapag di mo tinapon... ako ang gagawa!" Sigaw ko.
"Ngayon nga lang po may nagbigay sa akin ng ganito eh." Malungkot niyang sabi.
Parang may kirot sa puso ko ng marinig ko iyon...
"Kaya kitang ibili niyan kung gusto mo! Kahit punuuin ko pa yung bahay mo ng ganyan... mas maganda at yung mas mahal!" Galit kong sabi sa kanya.
"Hindi niyo po naiintindihan... may sentimental value po ito. Wala po akong pakialam sa presyo ng regalo dahil alam kong galing to sa puso." Seryoso niyang sabi sa akin.
Napatahimik na lang ako sa sinabi ni Cyril... tama talaga siya... hindi lahat ng bagay nadadaan sa pera...
"May klase pa po ako... alis na po ako." Sabi ni Cyril.
Naglakad na naman siya palayo...
And for the second time... he left me here alone... I'm standing again. Nagsi-sink in pa rin sa akin yung sinabi niya...
Cyril POV
Grabe talaga si Sir Eros!
Gusto pa niyang ipatapon itong sobrang cute na color white na teddy bear na ito...
Salamat kay Sir Eros at hindi na ako pinagti-tripan ng mga students dito...
Kelan kaya siya magso-sorry sa akin?
Miss ko na siya eh... hinihintay ko lang naman ang sorry niya eh...
Miss na miss ko na din si Era...
Pagkatapos ng klase ay nakita ko si Luther na hinihintay ako sa gate ng school namin...
"Cyril... miss na agad kita." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Magka-usap lang tayo kanina eh..." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Anong gusto mong kainin? Treat kita ngayon..." Nakangiti niyang tanong.
"Talaga? Sige... kahit ano na lang." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Gusto ko ng ice cream!" Bigla niyang sabi na parang bata.
"Ha? Ayoko..." Mahina kong sabi.
"Bakit? Akala ko ba kahit ano?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Baka kasi..." Nahihiya kong sabi.
"Baka ano?" Nagtatakang tanong sa akin ni Luther.
"Baka nakawan mo ulit ako ng halik." Mahina kong sabi sa kanya.
Natawa na lang bigla si Luther...
"Bakit? Hindi ba ako masarap humalik? Hindi mo ba nagustuhan?" Natatawa niyang sabi.
Nahihiya ako... pakiramdam ko ay namumula na naman ako...
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at...
"Cyril... I'm deeply sorry for being rude. Nakalimutan ko na hindi ka pala sanay sa ganung biro." Seryoso niyang sabi.
Napatitig na lang ako kay Luther at kitang-kita ko ang sincerity...
"Ano ba ang gusto mo... kahit ano ibibigay ko." Nakangiting sabi sa akin ni Luther.
"Hhhmmm... banana cue na lang." Sabi ko sa kanya.
"Banana ko gusto mo?" Natatawa niyang tanong.
Na-gets ko yung biro niya... tumahimik na lang ako...
"Uuhhmmm... sorry ulit." Seryoso niyang sabi.
Hindi na lang ako sumagot dahil medyo nabastusan ako sa biro niya...
"Oh Cyril! Please... I'm sorry." Nag-aalala niyang sabi sa akin.
"Wag mo na lang ulitin..." Sabi ko sa kanya.
"Don't worry... from now on, I will be more gentleman for you." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Thanks..." Yun na lang ang naisagot ko sa kanya.
Naglakad lang kami kasi malapit lang naman dito ang bahay ko... may nadaanan kaming nagtitinda ng banana cue kaya nilibre ako ni Luther...
Kinain na namin ang banana cue at sinasamahan na niya ako papunta sa bahay ko...
Habang naglalakad ay parang may gustong sabihin si Luther sa akin...
"Cyril... pwede bang?" Nahihiya niyang sabi.
"Pwede bang ano?" Tanong ko.
"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo habang naglalakad tayo?" Seryoso niyang tanong sa akin.
"Sige..." Sagot ko.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at parang namumula ako pero ganun din si Luther habang magka-holding hands kami na naglalakad...
Nang makarating kami sa bahay ko ay nagpaalam na si Luther sa akin...
"Cyril gusto ko sana na mag-stay ngayon dito eh... kaso may pupuntahan pa ako." Seryosong sabi ni Luther.
"Sige... saan naman?" Tanong ko sa kanya.
"Sa engagement party ng pinsan ko." Sabi niya sa akin.
"Sige... ingat ka Luther." Sabi ko.
"Ingat ka din diyan... I love you." Malambing na sabi ni Luther.
Parang namula na naman ako at umalis na si Luther...
Pumasok ako sa bahay at ginawa ko na ang mga assignments ko tapos ay naglinis ako ng bahay...
Andaming naganap ngayong araw...
Bigla na lang may kumatok ng malakas sa pinto kaya lumapit ako para buksan yun...
Pagbukas ko ng pinto ay wala akong nadatnan na tao pero merong teddy bear na kasing laki ko... color brown siya at mukhang sobrang mahal!
Tumingin pa ako sa paligid at wala talagang kahit na sino...
Napansin ko na merong nakalagay na card sa higanteng teddy bear kaya kinuha ko iyon para basahin...
......
I just want to see your smile Cyril...
......
Napangiti na lang ako... bakit naman nagbigay ng ganito si Luther eh binigyan na niya ako kanina...
Kinuha ko ang phone para tawagan si Luther at sinagot naman niya ito kaagad...
"Luther Hi..." Sabi ko sa kanya.
"Na-miss mo agad ako?" Tanong niya sa malambing na boses.
"Gusto ko lang mag-thank you dito sa higanteng teddy bear na pinadala mo ngayon sa akin." Sabi ko sa kanya.
"Huh? Wala akong pinapadala sayo... yung white na teddy bear lang ang binigay ko sayo kaninang umaga." Sabi niya na gulat ang boses.
"Ha? Eh sinong magbibigay nito?" Nagtataka kong tanong.
"Ewan... mamaya na lang tayo mag-usap ha kasi medyo busy ako eh." Sabi naman ni Luther.
"Ok... sige bye." Sabi ko at binaba ko na ang tawag ko sa kanya.
Kung hindi siya ang nagbigay nitong higanteng teddy bear eh sino?
Pinasok ko na lang sa bahay ang higanteng teddy bear at nilagay ko iyon sa kama...
Napansin ko yung collar niya... may button doon kaya pinindot ko...
Pagka-pindot ko ay merong recorded na cute na boses ang tumunog...
"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry..."
Natulog akong kayakap ang teddy bear na kasing laki ko at ang teddy bear na niregalo ni Luther... Naku! Halos wala na akong mahigaan sa kama... buti na lang payat ako...
Nag-tooth brush muna ako at naguguluhan talaga ako...
Hanggang ngayon ay hindi ko talaga maisip kung sino ang pwedeng magpadala sa akin nitong higanteng teddy bear na kasing laki ko...
Si Luther lang naman ang may gusto sa akin tapos binigyan na niya kasi ako ng teddy bear na white...
Tapos yung naka-record na cute voice sa teddy bear ay puro na lang... sorry...sorry...sorry...
Wala naman akong kilala na ibang tao bukod kila Era at Luther...
Yung niregalo sa akin na teddy bear ni Luther ay color white kasi maputi siya tapos naisip ko na tan naman yung balat ni Sir... oh shocks!
Hindi kaya si Sir Eros?
No... wala naman yung pakialam sa akin eh... pero kasi... bakit puro sorry lang yung naka-record dito sa teddy bear na ito?
Naalala ko din yung sinabi niya sa akin sa school na...
"Kaya kitang ibili niyan kung gusto mo! Kahit punuuin ko pa yung bahay mo ng ganyan... mas maganda at yung mas mahal!"
Sino ba kasi ang nagbigay nito?
Tanungin ko kaya si Sir Eros? Hala! Hindi pala magandang idea yun at baka mamaya mapahiya lang ako at sabihin niya assuming ako...
Ewan! Pero... kung sino man ang nagbigay nito sa akin ay sana naman magpakilala siya sa akin... gusto ko lang naman magpasalamat...
Bigla na lang may kumatok sa pintuan dito sa bahay...
Pagkatapos kong mag-tooth brush ay binuksan ko na ang pinto at...
"Good Morning!" Biglang bati sa akin ni Luther.
Nakakahiya... kakagising ko lang at buti na lang nag-tooth brush na ako...
"Ang aga naman ah... morning din... pasok ka." Sabi ko kay Luther.
Pinapasok ko na siya sa bahay at...
"May dala akong breakfast mo..." Malambing na sabi ni Luther.
"Thanks pero... hindi kasi ako kumakain sa umaga." Nakangiti kong sabi kay Luther.
"Grabe naman! Kahit konti lang?" Nagpapa-awa niyang tanong sa akin.
Napakamot na lang ako sa batok ko at alanganin akong ngumiti sa kanya...
Pumunta si Luther sa kusina at hinahanda niya ang dala niyang pagkain kaya sinundan ko siya...
"Luther... ako na gagawa niyan... bisita kita dito." Sabi ko sa kanya.
"Ayoko nga... gusto kong pagsilbihan ka eh." Malambing niyang sabi.
Ang aga pa... pero ang saya na ng umaga ko dahil kay Luther...
Marami siyang dala na pagkain... may palabok tapos garlic bread at puro apples tsaka grapes...
Pagkatapos niyang maghanda ay umupo na kami sa lamesa...
"Cyril... hindi ka ba kakain? Hindi ko naman dinala yan para titigan mo lang eh." Nakangiti niyang tanong.
"Bakit mo naman naisipan na dalhan ako ng breakfast?" Tanong ko.
"Wala... ang payat mo kasi eh." Natatawa niyang sabi.
Sayang naman itong mga dinala niya kung hindi ako kakain... kumuha na lang ako ng palabok...
"Cyril... gusto mo... subuan kita ulit?" Nahihiyang tanong ni Luther.
Naalala ko na lang bigla yung ginawa niya nung kumain kami ng ice cream at baka mamaya ulitin niya kaya parang namumula ako...
"Wag na... ok lang ako." Sabi ko.
"Hindi naman kita hahalikan ulit eh." Nakangiti niyang sabi sa akin.
At talagang alam niya na yun ang iniisip ko?
"Ok lang... hindi naman ako baby." Pagtanggi ko sa kanya.
"Sige... diba sabi ko naman... I will be more gentleman for you?" Malambing niyang sabi sa akin.
Parang nag-iinit na naman ang mukha ko dahil dito sa mga ginagawa ni Luther...
Kumuha na lang ako ng apple at kakagatin ko sa na pero biglang hinablot ni Luther...
"Uy! Bakit mo ginawa yun?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Slice ko muna para sayo..." Malambing niyang sabi sa akin.
Grabe... nag-slice pa talaga siya ng mansanas at binigay niya yun sa akin... tinanggal niya din ang mga buto...
Inaamin ko... kinikilig talaga ako sa pinag-gagawa ni Luther...
"Apples for you my love..." Nahihiya niyang sabi sa akin.
"Thanks..." Nakangiti kong sagot.
Kinain ko na lang yung apples na hiniwa niya...
Pagkatapos namin kumain ay kina-usap niya ako...
"Cyril... alam mo dapat dinala kita doon sa engagement party ng pinsan ko eh." Nakangiti niyang sabi.
"Huh? Eh hindi naman ako invited doon eh." Sabi ko sa kanya.
"Gusto ka kaya makilala ng mga pinsan ko doon." Sabi ni Luther.
"Ganun ba? Kamusta naman yung engagement party?" Tanong ko.
"Grabe... alam mo ba may nakilala akong lalaki na mukhang anghel doon tapos nung kumanta siya... mala-anghel din ang boses niya kaya naiyak ako pati yung mga bisita." Namamangha niyang sabi.
"Ganun? Crush mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Hindi eh... He looks like an angel but I already found my angel." Nakangiti niyang sabi.
"Sino?" Tanong ko.
"Malamang ikaw..." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Parang namumula na naman ako...
"Alam mo ba... yung sinasabi ko sayo na nakilala kong anghel ay mahal na mahal niya yung pinsan kong lalake." Sabi ni Luther.
"Huh? Bisexual din yung pinsan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo... mahal nila ang isa't-isa dati pero ikakasal na ang pinsan ko sa babae." Seryosong sabi ni Luther.
"Bakit naman? Mahal nila ang isa't-isa tapos magpapakasal sa iba yung pinsan mo?" Tanong ko.
"Oo... nagka-amnesia siya eh... nakalimutan niya lahat ng pinagsamahan nila at yung ex niya ang naalala niya." Malungkot na sabi ni Luther.
"Ang sakit naman nun... bakit hindi mo sabihin sa pinsan mo yung nangyari dati?" Tanong ko.
"Magagalit ang parents niya at wala ako sa lugar para sabihin yun... mukha namang mahal niya yung papakasalan niya eh." Sabi niya.
"Grabe naman... ang sakit nun para doon sa anghel na nakilala mo." Sabu ko sa kanya.
"Oo... pero ako... kahit ilang beses ako magka-amnesia ay ikaw lang ang mamahalin ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Napangiti na lang din ako...
Napatingin si Luther sa kwarto ko na naka-bukas ang pinto at nakita niya ang malaking teddy bear na niregalo sa akin...
"Yun ba yung sinasabi mo?" Seryoso niyang tanong sa akin.
"Oo... di ko nga alam kung sino ang nagbigay niyan eh." Sabi ko sa kanya.
"I guess... may karibal ako sayo." Seryoso niyang sabi.
Mukhang nainis siya doon sa nagpadala sa akin ng teddy bear...
"Cyril... date tayo mamaya." Bigla niyang sabi.
"Date? Pero bakit?" Tanong ko.
"Sige na... treat ko at na-miss ko kasi yung date natin nung una tayong magka-kilala." Nagpapa-cute niyang sabi na parang bata.
"Sige... maliligo lang ako." Sabi ko sa kanya.
Pumunta na ako ng banyo para maligo...
Pagkatapos kong maligo ay nagtapis na lang ako ng tuwalya at lumabas na ako... bigla na lang napako ang tingin ni Luther sa akin...
"Oh? Bakit ang lagkit mo maka-tingin?" Tanong ko sa kanya.
"Ah... eh... ah... eh..." Nauutal niyang sabi at parang kinakabahan siya.
"Magbibihis muna ako sa kwarto." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko alam na ganyan pala kakinis ang balat mo." Sabi niya at pinagpapawisan siya.
Napatitig ako sa kanya at nanginginig ang kamay niya...
Ang weird... bigla na lang siyang pumikit...
Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis na ako... pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako...
"Halika na... alis na tayo." Sabi ko kay Luther.
"Hhhmmm... Cyril... wag mo na uulitin yung kanina ah?" Sabi niya na parang hindi mapakali.
"Ang alin?" Tanong ko sa kanya.
"Wag kang maglalakad sa harap ko ng nakatuwalya lang..." Sabi niya.
"Bakit? Wala naman akong muscles at abs ah? Ang payat ko nga eh." Nagtataka kong sabi sa kanya.
"Oo nga... pero yung kutis mo Aarrgghh!!! Ang hirap mag-pigil!" Sabi niya sa akin.
"Pigilan ang alin?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
Napa-nganga lang siya bigla at...
"Never mind..." Sabi niya.
May kotse pala si Luther... sumakay kami at nag-drive na siya papunta sa malaking mall...
Nanuod kami ni Luther ng sine...
Nag-arcade kaming dalawa...
Sumakay kami sa ferris wheel...
Kumain ulit kami...
Ginabi na kami pero sobrang saya ko talaga na kasama ko si Luther... napaka-bait niya...
Naglakad-lakad kami sa mall dahil ihahatid na ako ni Luther sa bahay at nanlaki ang mga mata ko na makita namin si Sir Eros kasama yung girlfriend niya...
Parang sumama ang timpla ng mukha ni Luther...
Napatingin si Sir Eros sa amin ni Luther at parang galit na galit ang mukha niya...
Biglang hinatak si Sir Eros ng girlfriend niya papunta sa amin...
"Hi Sir Eros!" Bati ko.
"Hi..." Matipid at seryoso niyang sabi.
"Oh gosh! Luther... siya ba yung nililigawan mo?" Gulat na sabi ng girlfriend ni Eros.
"Yes! At ano naman sayo?" Seryosong sabi ni Luther.
Hala! Bakit parang galit si Luther?
"Hi po ma'am Shane!" Bati ko sa girlfriend ni Sir Eros.
"Oh hi cutttiiieee!!! Wag ka ng mag ma'am sa akin... ang lakas maka-tanda." Natatawa niyang sabi niya sa akin.
"Sige po..." Sagot ko.
"I guess... may date kayo ni Luther." Sabi niya sa amin.
"Yes! So I think that it is enough for conversation." Seryosong sabi ni Luther.
Tahimik lang si Sir Eros at ang sama talaga ng tingin niya sa akin...
Yung para bang papatayin ka pero ang gwapo niya pa din...
Yung parang demonyo siya pero siya yung tipong ibebenta mo talaga yung kaluluwa mo pag nakita mo siya dahil sa ka-gwapuhan niya hahahaa...
"Is it ok if we try a double date?" Nakangiting tanong ni Shane.
Hindi ako maka-sagot... seryoso lang si Luther at parang anytime ay sasakmalin ako ni Sir Eros...
"No! Ihahatid ko na si Cyril pauwi... halika na." Biglang sabi ni Luther.
Hinatak ako bigla ni Luther palayo kaya nagulat ako sa kanya...
Lumingon ako at nakangiti lang si Shane pero si Sir Eros ay parang papatayin ako...
Nang makalayo kami ni Luther ay kina-usap ko siya...
"Luther? May problema ka ba sa kanilang dalawa?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Oo! Hindi mo alam kung ano ang ginawa nila sa akin dati..." Seryoso niyang sabi.
"Ano bang kasalanan nila sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Tsaka ko na lang sasabihin sa iyo... ihahatid na kita." Seyoso niyang sabi.
Tumango na lang ako sa kanya...
Hinatid na ako pauwi ni Luther...
Ano kaya ang lihim nilang tatlo?
Alam ko na may alitan sila... mukhang malaki ang kasalanan nilang dalawa kay Luther ah...
Itutuloy.............

No comments:
Post a Comment