Pages

Sunday, September 10, 2017

Industrial Engineering

By:Mark

Hi readers! Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang storya na ito. First time ko magsulat nang ganito kahaba, kaya please bear with me! Pagpasenyahan niyo na, medyo mahaba talaga siya.

Bago ang lahat, let me introduce myself. I am Mark, a graduate of BS Industrial Engineering from a school whose name I won't mention anymore. I stand tall at 5'10'', medyo chubby (I've maintained the same body size from then til now haha), maputi and, the way I see myself at least, average-looking lang. I'm a lot cuter daw when I wear my eyeglasses so I never take them off. Haha! So on with the story.

Nagkakilala kami ni Jolo nung first year college kami. Second semester kami actually formally nagkakilala, pero bilang pareho kami ng kursong kinukuha, ay nagkakakitaan na rin sa hallways ng school. I have to admit, sobra nakuha ni Jolo ang atensyon ko nung una ko siyang nakitang naglalakad sa campus. Hindi naman ako bakla nung panahon na iyon, pero merong iba rito kay Jolo. Paano ba naman, astigin ang datingan at pormahan, at talaga namang gwapo si Jolo. Mas matangkad pa siya sakin at 5' 11 1/2'' (never siyang umabot ng 6 feet, frustration niya for the longest time yan lol), maputi siya, chinito at napaka-nipis ng labi. Syempre mabilis na kumalat ang pangalan niya sa coursemates namin. At dahil dito, baka lumaki ang ulo ng kumag dahil bihira mamansin, kahit na relatively eh napakaliit naman ng populasyon ng kurso namin. Kaya't medyo nawalan na rin ako ng interes na makipagkilala man lang sa kanya.

So ganoon natapos ang unang semstre ko sa kolehiyo. Wala naman akong naging ka-close talaga sa bloc namin (meron akong friends to be fair haha!), tapos yung kaisa-isang tao nagkaroon ako ng interes kilalanin eh medyo hambog ang awra. Kaya nothing special naman, sabi ko sa isip ko, palilipasin ko na lang hanggang grumadweyt, sanay din naman akong walang interaksyon masyado sa ibang tao.

Dumating ang ikalawang semestre, at hindi nagbago ang takbo ng buhay. Mali! Nagbago pala nang kaunti dahil yung mga blocmate ko nung first sem, nagsasalihan na sa kaliwa't kanang mga organisasyon sa school namin. Ako na naman ang dehado. Bilang wala nga akong ka-close, wala namang nag-pumilit sa akin na samahan sila na mag-apply sa ganito't ganyang org. Dito ko naramdaman yung totoong pagiging mag-isa.
Dito ko na-realize kahit pala hindi ko naman ka-close tong mga mokong kong blocmates, eh iba pa rin yung meron kang 'constants' sa buhay mo kumbaga. Kasama man lang kumain, mga ganung bagay lang. Kaya napagpasyahan kong mag-apply sa isang org noon. Hindi naman pala ako sanay na walang interaksyon sa ibang tao, sanay lang na walang masyadong malapit na kaibigan. Hirap din pala ako kung mag-isa sa lahat.

Araw ng orientation, nakaupo ako sa may bandang likod noon. The usual, dinidiscuss sa harap kung ano ba yung ginagawa ng org nila, ano yung mga kailangang gawin para maging member ganyan. Tapos maya-maya ay ipinakilala isa-isa yung mga miyembro. Lintik nga naman at miyembro pala si Jolo ng org na to! (Hindi ko siya sinundan, maniwala kayo haha!). Di ko alam kung bakit, pero parang yun yung nagbuo ng loob kong tumuloy sa pag-aapply.

Simula ng pag-aapply ko sa org, at ang unang requirement ay kumilala ng dalawampung miyembro sa pamamagitan ng one on one interviews na dapat ay tumagal ng at least isang oras. Unang interview ko si Jolo (tiyempo lang po ulit, hindi ko plinano). Sobrang laki ng pinag-iba ng aking imahe sa kanya nung hindi pa kami nag-uusap at ngayong nakapag-usap kami nang kaming dalawa lang. Napakabait at humble niya palang tao, at binanggit niyang naiinis siya pag ang unang impresyon sa kanya eh mayabang. Ano pa't hindi niya rin naman kinakagulat kasi nga mukha naman talaga siyang mayabang aniya haha! Pero nakakasawa lang din marinig, at nag-aalala raw siyang baka may mga nag-aalangan makipag-kaibigan sa kanya dahil dun. Tumpak ka naman diyan, Jolo, sabi ko sa isip ko.

Tumatagal ang interview, at dumadami ang nalalaman ko tungkol sa kanya. Noong high school siya eh isa lang ang kanyang naging nobya, at naging seryoso ang relasyon nila. Nag-simulang maging sila noong kalagitnaan ng first year high school, at tumagal hanggang ang summer bago pumasok ng kolehiyo si Jolo. Halata mo sa mukha at boses niyang nariyan pa rin ang feelings. Mangiyak ngiyak ang boses niya nung ikinwento niya kung paanong sinabi sa kanya ng kanyang noo'y kasintahan na ayaw na nitong ituloy ang kanilang relasyon. Kahit anong iyak niya'y hindi sinasagot ng babae ang tanong kung bakit siya bigla na lang iniwan nito. Nalaman niya na lamang pagkatapos ng unang sem namin sa college na mayroong ibang lalaki ang babae, kahit noong silang dalawa pa. Nagpunas siya ng luha at wari'y hindi alam kung paano babasagin ang awkwardness.

"Siguro kaya ka nagpapa-bad boy look ngayon no!," biro ko sa kanya, para matunaw rin nang kaunti yung awkwardness na ako man ay nakakaramdam na.

"Gago!" sabi niyang tumatawa, at marahang sinuntok ang kanan kong balikat. "Pero seryoso, alam kong may nararamdaman pa ko para dun, pero kahit anong mangyari hindi ko na siya babalikan. Siguro hihintayin ko na lang na mabura lahat ng pinagsamahan namin. Wala eh, minahal ko, ginago lang ako. Tangina!"

Napalakas yung huli niyang mura, kaya't pinigil ko siya. Ngayon ay umiyak na siya nang tuluyan. Maya maya pa'y bigla na lang siyang sumunggab ng yakap sa akin. Ako naman, hindi ko alam gagawin. Ngayon ko lang naranasan na parang malapit sa akin ang isang tao. Ngayon ko lang naranasan na may mag-open up sa akin. Kahit nahihiyang baka mayroong makakita, bumawi na lamang ako ng yakap sa kanya. Hindi ko kasi alam, parang nakaramdam ako ng koneksyon sa kanya. Koneksyon na parang nag-uudyok sa akin na i-comfort siya dahil parte na siya ng mga responsibilidad ko ngayon.

"Shh. OK lang yan." Sabi ko sa kanya, habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Mahirap talagang kalimutan ang first love, pero hindi pa naman matatapos ang kwento mo sa kanya lang. Wag mo na lang masyadong isipin. Ano pa't mawawala rin yang babaeng yan sa memories mo."

Kumalas siya sa pagyakap at tumingin sa akin. Binigyan ako ng isang sinserong ngiti. Maya maya pa'y bumanat na rin siya, to lighten up the mood siguro.

"Dami mo ring alam sa pakikipag-relasyon ah, ilan na ba naging syota mo?" (sobrang tumatak sa akin yung paggamit niya ng salitang 'syota'. Ewan ko, parang di bagay sa kanya eh.

"Wala pa! Sa katunayan, ikaw na siguro ang kauna-unahang tao sa buong mundo na nakilala ko nang ganitong kalalim." sagot ko sa kanya.

"Ulol? Loner ka pala..."
"Gago! Hindi naman sa loner. Meron naman akong mga kaibigan. Siguro hindi lang ako yung tipo ng taong lalapitan mo kung kailangan mo ng advice. Kumbaga, meron naman akong mga kaibigan, pero napakababaw lang ng pinagsasamahan namin"
"Hahaha! Sorry. Hindi lang din kasi ako makapaniwala. Ang gaan kasi ng loob ko sayo."
"Hmmmmm?"
"Totoo nga! Isheshare ko ba naman ang nangyari sa amin ng babaeng yon kung hinde!"

Natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Pero weird pa rin kasi sakin ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan. Lahat naman siguro tayo ganito kung unfamiliar territories kumbaga ang tinatahak.

"Gusto kitang maging kaibigan, Mark! Mula ngayon ako nang best friend mo! Akin na cellphone mo."
"Ha? Anong gagawin mo?"
"Basta akin na!!!", at madaling hinablot ang cellphone ko. Sorry naman daw sa cellphone ko??? Hahaha!
"O ayan! Nandyan na number ko. I-text o tawagan mo ko pag kailangan mo ng kasama. Loner ka pa man din", sabay bigay ng nakakainis na ngiti.
"Hindi nga ako loner!", sabi ko't biglang sinapak siya braso, "At ang kapal ha! "Poging BFF" talaga nilagay mong contact name!"
"Naman! Pogi ko kaya!", sabay lagay ng isang check mark sa kanyang mukha gamit ang mga daliri niya.
"Ulol!", sagot ko, at nagtawanan kaming dalawa.

Kaunting usapan pa ang naganap. Maya maya'y tumingin ako sa relo ko. Lintik! Halos tatlong oras na pala kaming nag-uusap ni Jolo!!!!!!!

"Hala! Uy, Jolo tatlong oras na pala tayong nag-uusap!"
"Lintek oo nga!!! Late na ko sa klase ko!"
"Ako rin! Tara na!!!"
"Sige na, salamat ha! Uy! Yung number mo pala di ko nakuha! Hehehe"
"Eto, 09***********"
"Salamat! Magkikita pa tayo, Mark! Mauna na ko!"
"Salamat din, Jolo! Sige!"

Diyan nagsimula ang espesyal na pagiging magkaibigan namin ni Jolo. Ano pa't naging best friends na talaga ang turingan namin. Sabay kaming natutong uminom, sabay namin sinubukan ang pagyoyosi (pero itinigil din agad, di naman namin nagustuhan ang lasa), sabay kami kung mag-review kadalasan, magkasamang kumakain. Halos lahat ng bagay ay magkasama kami. Pati nga sa pag-eenroll ay maigi kaming nag-uusap para siguradong parehas ang lahat ng klase namin. Steady ang friendship namin, matatag. Siyempre may di-pagkakaunawaan kung minsan pero parte naman yan ng  pagiging matalik na magkaibigan. Kayo ba naman ang magkasama araw-araw at sa lahat ng oras edi magkakaroon talaga ng mga ganyan. Bukod sa aming mga alitan eh napaka-sweet na kaibigan ni Jolo. Nariyan yung tatawag siya para masiguradong magigising ako nang maaga, yung biglang aakbay siya pag magkasama kaming maglalakad. May pagka-possessive nga lang. Biruin niyo ba naman, nagkaroon kasi ako ng isa pang kaibigan nung second sem ng second year namin. Si Bryan. Tapos isang araw bigla na lang hindi ako pinapansin. Yun pala, kinausap ni Jolo na lumayo sa akin kundi makakatikim. Hindi ko naman masyadong ikinagalit. Kinausap ko lang siya tungkol doon at nag-sorry naman siya, di niya raw uulitin. Lumusot pang kilala niya raw na bad influence yun kaya niya nagawa.

Fast forward tayo sa third year college kung saan naging roommates kami sa isang apartment nitong si Jolo. Siya ang nag-initiate na magsama na lang kami sa iisang lugar. Bilang hindi ko naman talaga kinakausap yung roommate ko, pumayag na rin ako. Malaking ginhawa rin na best friend mo ang kasama mo sa tinitirhan mo.

Maayos naman kasama si Jolo sa bahay. Masinop sa gamit, malinis. Wala sa itsura. Mukha kasi tong di sanay humawak ng walis. Hahaha! Syempre wala rin namang awkwardness pag nagkakakitaan na nakahubad. Sa lalim na ng pinagsamahan nung time na yun eh.

Hanggang sa isang gabi, umuwing lasing na lasing tong si Jolo. Medyo magulo ang damit at merong putok ang kanang bahagi ng labi. Dali dali akong tumayo.

"Jolo!!! Anong nangyari sayo??? Napaaway ka ba? At ang lakas ng amoy ng alak sa bibig mo! Saan ka ba nanggaling???" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Nagya...ya ka...si ng i....nom yung mga bar....kada ko nung high school," utal-utal niyang sagot, "Eh naparami. Sorry nagising ka pa ata."
"Eh bakit parang nakipag-away ka rin???" Napataas ang boses ko.
"Nakita ko kasi yung hinayupak na Bryan na yun. Ang angas kung makatingin, eh pinalayo ko lang naman sayo! Tangina akala mo kung sino. Bakit? Siya ba best friend mo? Hindi naman diba? Kaya nilapitan ko't tinanong kung ano problema. Bigla-bigla akong inambahan ng suntok. Syempre di ako nagpahuli! Gago pala siya eh"
"Nako! Sa susunod wag ka nang mag-inom pa---"
"Gago yun! Bakla ata yun eh. Balak ka siguro ligawan kaya selos na selos!!! Kaya ayun, gago siya edi nakatikim"
"JOLO!!! At proud na proud ka pa sa ginawa mo???"
"Bakit ba parang kinakampihan mo yung ungas na yun? Bakla ka rin ba ha? Gusto mo rin siya? O edi tangina magsama kayo!!!!!!!!!!!" Galit na galit niyang pagdadabog sabay derecho sa kama niya. Ako man ay inis na inis sa inasal niya kaya di ko na rin siya pinansin masyado. Natulog na rin ako.

Kinaumagahan, nauna akong nagising sa kanya. Di tulad ng nakasanayan, di ko siya isinama sa niluto kong almusal. Bwisit! Pagkakamalan pa kong bakla eh ni hindi  na nga kami nag-uusap nung Bryan na yun. Ang sabihin kasi nitong mokong na to, napakataas lang ng pride nya. Hay nako! Natapos na kong kumain at niligpit ang kinainan. Kumuha ng twalya't nagtungo sa banyo.

Habang naliligo ako, narinig ko ang kaluskos mula sa labas. Gising na si Jolo. Di ko pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagligo. Matapos kong maligo, lumabas ako sa banyo at naroon si Jolo nakaupo sa lamesa't hawak hawak ng parehong kamay ang ulo. Masakit siguro dahil sa hangover. Nagkatinginan kami, pero madali kong iniwas at nagpatuloy sa aking cabinet upang madaling makapag-uniform at pumasok. Binasag niya ang katahimikan.

"Mark, sorry......" Paunang bati niya. Hindi ko ito pinansin.
"Mark, ano eh, lasing lang talaga ko kagabi. Sa totoo lang nainis lang kasi ako dun sa Bryan na yun. Ewan ko ba kung bat kasi ganun makatingin." Pagpapatuloy niya.
"Sa susunod talaga na makita ko yu----"
"Jolo ano ba??? Wala naman na kasing ginagawa yung tao. HIndi ba ikaw naman ang dahilan kung bakit hindi na rin kami nag-uusap? Natupad naman yun ah, kaya hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan mo pa siyang awayin!"
"O teka teka, siya na namang kinakampihan mo!"
"Wala akong kinakampihan! Sinasabi ko lang, wag kang nakikiapag-a---"
"Ah bahala ka dyan!"
"Ah ganon? Bahala ka rin dyan! Ayusin mo muna yang utak mo bago ka makipag-usap sakin ulit!!! Leche!" At nagdabog ako palabas ng apartment.

Halos isang buwan kaming hindi nag-uusap ni Jolo. At halos isang buwan ding gabi-gabi siya kung umuwing lasing na lasing. Aaminin ko, nung time na yun, galit na galit ako sa kanya, pero may parte sakin na sobrang naaawa at nagguilty sa kalagayan niya. Kahit papano kasi, best friend ko siya at ayoko naman na napapahamak siya. Minsan pa nga, hindi na siya nakakapasok sa mga klase namin. At may isang beses pang hinanap siya sa akin ng prof namin, i-sisingko na raw siya sa susunod niyang pag-absent. Sinusubukan kong kausapin siya pero tuloy tuloy lang siya palagi sa kama niya't matutulog. Pag ganito'y bumabalik ang inis ko. Siya naman ang nagsimula ng away, ako na tong nakikipag-usap, siya pa mataas ang pride??? Aba!

Tumagal pa ng isang linggo na ganun ang set-up namin ni Jolo. Hanggang sa isang araw, hindi ko na kinaya, at nagbalak na kong iwan siya apartment. Nag-iwan ako ng sulat na nag-dedetalye kung bakit gusto ko nang umalis. Dinaan ko sa sulat, alam ko kasing hindi niya papansinin kung itetext ko. Alam ko ring hindi ako kakausapin nang maayos kung personal. Kaya sulat na lang. Iniwan ko to sa lamesa't tumungo na sa klase. Bahala na.

Wala na naman si Jolo sa huli naming klase. Siguro'y nasa inuman na naman. Simula nung hindi na kami nag-uusap, school-apartment-school-apartment lang ako. Kaya't pagkatapos ng huli naming klase eh sa apartment agad ako tumungo.

Pagbalik ko dun ay nauna pala sa akin si Jolo sa apartment. Nadatnan kong binabasa niya ang sulat. Nangingilid na ang luha sa mga mata niya nang bigla siya tumingin sa direksyon ko. Nagtama ang aming mga mata, pero madali siyang umiwas. Nasa pintuan pa ko nang bigla siya tumayo at magdabog palabas. Sinadya niya banggain ako dahil naramdaman kong sobrang lakas ng pagkakabangga niya. Nanghina ako sa tagpong yun, at para akong nawala sa sarili. Napagtanto kong hindi ko pala siya kayang iwan. Hindi ko maaatim na iwan siya ngayong kailangan na kailangan niya ako.

Ang nakasanayan ko ay ala-una nang madaling araw, uuwi na siya. Kaya ngayon ay inabangan ko siya, handa nang makipag-ayos. Pero lumipas ang alas dos, alas tres wala pa rin siya. Nag-aalala man, itinulog ko na lang. Pagod na rin kasi ako, buong araw na nasa klase eh.

Alas kwatro nung may narinig akong pumasok. Si Jolo. Ano pa't lasing na lasing, dahil malayo pa lang, amoy na amoy ko na ang alak. Nakatalikod ako noon sa upuan, at nagkukunwaring tulog. Naramdaman kong umupo siya sa kamang nakatapat sa kama ko at biglang humagulgol. Bigla siyang nagsalita.

"Sorry, Mark. Sobrang nainis lang ako nung pinagtanggol mo yung Bryan na yun na kasi ang totoo niyan nagseselos ako. Nagseselos hindi bilang kaibigan, hindi bilang best friend. Mark, nagseselos ako kasi mahal at kita. Tangina bat ba kasi hindi ko kayang sabihin to pag gising ka. Bat ba hindi ko kayang kausapin ka. Tangina ang bobo ko!!!!!!! Ngayon aalis ka pa dahil sa kabobohan ko!!!!!!!!!!!" Mahabang sabi niya, at tumuloy sa paghagulgol. Halos sampung minuto rin siyang humahagulgol, at ako naman ay sampung minuto nang nakatalikod lang sa kanya, dahil sa hindi ko alam ang gagawin. Umamin ba naman sayo ang best friend mong mahal ka niya? Na maaaring siya ay nagiging bakla na para sayo? Aaminin kong litong lito ako nung panahon na yun, pero the fact na hindi ako nailang sa sinabi niya, doon luminaw sa akin ang lahat. Kung bakit noong una kong nakita ang gwapo ngunit maangas niyang mukha, hindi ko na agad siya nakalimutan. Kung bakit nung una naming beses na mag-uusap, kinakabahan ako. Kung bakit iba yung ligaya ko nung nalaman kong sa iisang apartment na lang kami maninirahan.

Mahal ko na rin ata ang best friend ko.

Noo'y hinarap ko siya at tumayo ako. Siniil ko siya ng halik, at buong pagmamahal siyang gumanti rin ng halik. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad na pinagsasaluhan namin sa bawat sandali ng halik na iyon. Pinaghalong pangungulila, pagmamahal at libog na rin ang bumuo sa gabing iyon. Mula sa halikan, unti-unting naging mas mapangahas ang tagpo. Bumaba ang aking halik sa kanyang leeg, patungo sa kanyang dibdib, sa kanyang tiyan, hanggang sa marating ko ang kanyang naghuhumindig na kaselanan. Sinubo ko ito at nagpakawala siya ng isang matinding ungol. Hanggang sa maya maya'y inaya niya ako sa kanyang kama. Tinanong niya kung pwede niya raw ba akong angkinin. Nag-hesitate ako, sa tingin ko kasi masakit iyon. Pero nanaig ang pagmamahal ko sa kanya kaya pumayag na rin ako. Masakit noong una, ngunit unti-unti ring napalitan ng sarap. Pero ang mas masarap noong mga panahong iyon ay sa unang pagkakataon, naramdaman kong naging iisa na kami. Kaya't bawat pag-ulos niya'y ninamnam ko. Maya maya pa'y pumutok na siya sa akin kaloob looban. Hinalikan niya ako ng marahan at tumabi sa akin sa higaan.

"Mark, I love you.."
"I love you too, Jolo. Hinding hindi ako aalis dito," sagot ko sa kanya at muli kaming nagsalo sa isang mainit na halik. Ginawa lang namin ito hanggang sa kami ay makatulog. Nagising na lang kami sa alarm clock (nung panahon na iyon, mas uso pa ang alarm clock kesa sa cellphone haha!). Malelate na pala kami sa klase. Pero hindi namin yun ininda dahil mas masaya kami sa piling ng isa't isa.

Masaya ang naging relasyon namin ni Jolo. Wala na rin kasing awkward phase kasi mag-best friend naman na kami noon pa lamang. Napaka-sweet ni Jolo. Nariyan yung pag walang nakakakita sa classroom ay nanakaw siya ng halik, nariyan yung lihim niyang kukunin yung mga notebook ko ang mag-iiwan ng kung anu anong sulat. Korni man sa pandinig niyo pero totoo pala na pag galing sa mahal mo, mas mananaig yung kilig (hahaha sorry ang landi).

Naging matatag ang aming relasyon. Lihim ito sa lahat, pero alam na alam namin sa mga sarili namin na kami lang ang para sa isa't isa. Nung kami ay nasa graduating year na, nagkaroon kami ng apat na kaibigan, dalawang lalaki at dalawang babae. Naging mag-babarkada kami sa lahat ng kalokohan, pero syempre minsan seryosohan din, lalo't pag maraming requirements ang kailangan i-submit. Yung dalawang lalaki, si Jake at Mike, may pagka-homophobic. Sila yung tipo ng mga lalaking parang takot sa bakla. May itsura naman kung tutuusin yung dalawa, pero nakaka-offend lang talaga kung maliitin nila ang mga bakla na kesyo salot daw ng lipunan. Hindi ko alam kung bakit, pero ilag sa akin itong si Mike noong umpisa pa lamang. Hanggang sa isang araw ay narinig kong nag-uusap sila ni Jolo sa apartment (papasok sana ako kaya lang narinig ko ang malakas nilang tawanan, kaya pinili kong makinig muna sa labas). Malakas ang boses ni Mike, na sinsasabayan naman ni Jolo, kaya't malinaw ko naririnig ang usapan nila.

"Tangina pre, ibig sabihin ba bakla ka?" Tanong ni Mike!
"Gago pare, hindi! O ewan ko! Basta, mahal ko si Mark, at matagal na kaming mag-on!" Sagot naman ni Jolo.
"Edi gago, bakla ka nga!"
"Gago, hindi nga kase!"
"Eh ano pang tawag dun? Nag-sesex ba kayo?"
"Ah....Eh... oo naman! Normal naman sa magboyfriend yun ah"
"Oh edi bakla ka nga! Tanggapin mo na lang!"
"Hindi nga ako bakla! Bago ko naman makilala si Mark, sa babae lang ako nagkakagusto. Nagkataon lang na na-in love ako sa kanya."
"Tol, malinaw, bakla ka. Siguro nadiskubre mo lang nung nakilala mo si Mark. Hahaha!"
"Hindi! Hindi ako bakla!"
"Edi patunayan mo! Hiwalayan mo si Mark! Yun lang ang makakapagsabi hindi ka bakla."
"Gago lumabas ka na nga dito! Pauwi na rin si Mark!"

Dali-dali akong nagtago nung narinig kong papalabas na sila. Lubos akong nainis sa tinuran ni Mike. Eh ano bang pakialam niya sa relasyon na meron kami? Di ba ang mahalaga naman totoo ang pagmamahalan namin?

Matapos ang tagpong iyon ay hindi na katulad ng dati si Jolo. Hindi na niya ginagawa yung mga dating ginagawa niya, at laging pag magkasama kami, parang naiilang siya. Parang palagi siyang nakabantay sa hindi ko alam kung ano, at kinakabahan na baka siya ay makita at husgahan nito. Sobrang nababagabag na ako sa mga kinikilos niya.

Unti-unting nanamlay ang relasyon namin. Mas madalas niya na ring kasama sina Mike at Jake. Pag aayain ko siyang mag-lunch, sinasabi niyang may lakad sila nila Mike at Jake. Sobra na kong nag-aalala sa ikinikilos niya. Parang bumabalik kami sa dati. Uuwi siyang gabing gabi na, nakainom, at dederecho sa kama niya. Ang pinagkaiba lang ngayon, noon mahal niya ako kaya hindi niya ako makausap. Ngayon, para bang naghihintay na lang siyang makatiyempong makipaghiwalay sakin. Hindi lang makaporma kaya hindi makapagsalita nang ayos.

Isang araw, naglulunch kami sa canteen. Salamat naman at wala sila Mike at Jake, makakausap ko nang ayos si Jolo.

"Jolo, ayos ba tayo?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Ha? Oo naman? Bat mo naman natanong"
"Wala lang, parang mas madalas ka kasing sumasama dun sa Mike at Jake na yun. Iniisip ko lang kung may lugar pa ko sa buhay niya"
"Ano ka ba naman?" Medyo may inis niyang sabi, "Kaibigan ko yung mga yon, syempre normal lang na gumimik gimik kami"
"Eh bat hindi mo ako isama? Boyfriend mo ko, dapat lang na kasama ako sa mga ganun," sagot ko sa kanya.
"Ah....eh... kasi Mark hindi pwede eh."
"Bakit nga?"
"Eh kasi... eh kas--"
"Kasi ayaw sa akin ni Mike? Kasi alam niya nang may relasyon tayo? O baka naman ikaw ang problema? Baka naman masyadong kang duwag na aminin na isa kang bak--"
"SHHHH!!!!!! Wag kang maingay nasa school tayo! Mark ayoko na, maghiwalay na tayo," mabilis niyang sabi, sabay tinungo ang pinto ng canteen, at tuluyan nang lumabas.

Naiwan akong mag-isa sa canteen. Nagugulumihanan sa nangyari. Hindi ko lubos maisip na bigla bigla'y nakipaghiwalay si Jolo sa akin. Bigla ko na lang naramdaman ang pangingilid ng luha ko.

Pagbalik ko sa apartment ay lalo akong nanlumo. Wala na ang mga gamit ni Jolo. Tanging isang maliit na sulat lang ang iniwan niyang bakas. "Sorry..." lamang ang nakalakip sa sulat na iyon. Naramdaman ko ang sariling humahagulgol na. Halos buong gabi akong umiiyak lang hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Pinagpatuloy ko ang pag-aaral. Syempre, magkaklase kami ni Jolo sa lahat kaya't nahihirapan talaga ako mag-adjust. Pero iniisip ko na lang na patapos na rin ako. Hindi ko na kailangang makita si Jolo matapos ito.

Ngunit dumating ang isang masakit na balita sakin. Habang kumakain ako sa canteen, nilapitan ako ni Mike.

"Uy Mark!" pagbati niya sa akin.
"O Mike, ikaw pala," walang buhay kong bati sa kanya, "Ano yun?"
"Nabalitaan mo na ba? Syota na ni Jolo si Grace, yung chix dun sa kabilang bloc. Tangina swerte nya! Sobrang ganda kaya nun. Tapos ang laki pa ng sus--"
"Mike, mauuna na ko," daliang pagputol ko sa kamanyakan niya.

Tangina! Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko nung mga panahon na iyon. Pakiramdam ko yun na ang pinakababang punto ko sa buhay ko. Hindi ko naman ineexpect na habambuhay mananatiling single si Jolo, pero tangina! Ilang taon kaming naging mag-kasintahan, tapos ilang linggo mula nung maghiwalay kami eh may bago na siya??? Unti unting napalitan ng galit ang nararamdaman ko. Pero kailangan ko mag-focus. Kahit ganong kasakit, sinabi ko na lang sa sarili ko na matatapos na ang lahat. Pagkatapos nito pwede na akong mamuhay nang normal. Nang maluwag. Pwede akong magsimula ulit.

Dumating ang araw ng graduation. Inaamin ko, matindi pa rin ang nararamdaman ko para kay Jolo. Pero nasa moving on stage na ko nito. Kahit masakit, hindi ko na i-eentertain pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Eh kung hindi siya handang ipaglaban ako, wala rin namang mararating.

Tunay naman ang kaligayahan ko nung graduation. Di naman sa pagmamayabang, pero grumaduate kasi akong Magna Cum Laude. Kaya kahit papano, naibsan ang lungkot ko nung makita ako ang ubod ng laking ngiti nga mga magulang ko nung umakyat sila sa stage.

Gaya ng plano, kinalimutan ko na lamang si Jolo. Nakahanap ako ng magandang trabaho sa isang sikat na kompanya. Hanggang sa kasalukuyan ay dito ako nagtrabaho. Wala akong naging kasintahan mula nung maghiwalay kami ni Jolo. At simula nung grumaduate ako, wala kaming anumang ugnayan. Magaan na rin naman ang pakiramdam ko, wala na ang sakit. Pero noong April 2016 lang nakatanggap ako ng friend request sa FB.

"Jolo ****** added you as a friend!"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kakaiba ang naramdaman ko. Sa kabilang banda, gusto ko na siyang kalimutan nang tuluyan. Pero sa kabilang banda, nagtataka rin ako kung bakit inadd niya ako. At nariyan na rin yung curious ako sa lagay ng buhay niya ngayon. Kaya't tinanggap ko ang friend request niya.

Matapos tanggapin ay agad kong binisita ang profile niya. Nalaman kong nasa Canada na pala siya, at may dalawang anak na sila ni Grace, yung girlfriend niya nugn college. Napakaganda pa rin ni Grace, at ang mga anak nila, bagamat bata pa yung isa, kakikitaan mo rin ng kagandahan. Yung isa, sa tantya ko, nag-aaral na siguro sa elementary school. Gwapo yung bata, kamukhang kamukha ni Jolo. Mukhang masaya naman sila. At nakaramdam din ako ng kasiyahan para sa kanila. Maya maya, nag-chat si Jolo. Kinakabahan man, binuksan ko ito.

"Uy, kumusta ka na!" Paunang bati niya.
"Eto, ok naman ang trabaho," sagot ko, "ikaw kamusta ka dyan? Nakita ko pictures mo, sa Canada ka na pala nagsstay."
"Ah, oo. Haha. Ok rin, steady naman si work."
"Congrats nga pala sa mga anak niyo ni Grace ha. I'm truly happy for you. :)"

Matagal tagal siyang hindi sumagot. Nakikita kong nag-ppop up yung tatlong period sa messenger (senyales na may tinatype siya, tapos binubura ulit). Maya maya:

"Mark, sorry sa lahat ng nangyari nung college."
"Uy ito naman! Matagal na yon! Naka-move on na rin naman ako, ikaw rin. As for your apology, accepted na accepted yan! Haha."
"Ang bait mo pa rin. :)"
"Syempre naman, para biyayaan ni Lord! Hahaha! Joke lang."
"Pero seryoso, sorry talaga. :("
"Ok nga lang yun, tignan mo masaya naman na tayo pareho ngayon. Ako, stable ang work, at medyo maginhawa naman ang buhay. Ikaw may pamilya at dalawang anak."
"Actually yun ang dahilan kung bakit ako nakikipag-usap ngayon. Gusto ko sanang tapusin na lahat ng nararamdam kong guilt."
"Hm? Pinatawad na kita, kahit nung hindi ka pa nanghihingi ng tawad. Haha."
"Hindi kasi yun. Unang una, kahit paulit ulit na, gusto kong manghingi ng tawad. Para sa lahat. Pasensya ka na talaga, hindi kita ipinaglaban. Pero Mark, alam mo sa ilang taon na magkasama kami ni Grace, hindi ko siya minahal gaya ng pagmamahal ko sayo. Ang tanga tanga ko, sinayang ko lahat. Sinayang ko ang kaligayahan ko, at lalo na ang kaligayahan mo noon. Naging hadlang ako sa sarili ko, dahil lang hindi ko kayang panindigan ang nararamdaman ko para sayo. Dahil lang hindi ko kayang aminin na bakla ako. Mark, mahal pa rin kita. Sobra. Ilang beses kong tinangka na makipag-ayos sa iyo after nung graduation natin. Pero hindi ko magawa, kasi sobrang nahihiya ako sayo. Sobra kitang nasaktan, at hindi ko man ang nabigyan ng maayos na eksplanasyon yung pakikipaghiwalay ko sayo. Hanggang sa nalaman kong nabuntis ko pala si Grace. Hindi ko naman talaga siya mahal, pero pinilit kami ng mga magulang niyang magpakasal. Ngayon ay damang dama ko ang bunga ng mga kasalanan ko sayo. Miserable ako sa relasyon namin sa totoo lang. Para akong nakipag-relasyon sa isang dingding. Ramdam kong hindi rin niya ako mahal, Mark. Nagsasama na lang talaga kami para sa mga bata," mahabang reply niya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko habang binabasa ito. Sobrang nalulungkot ako para kay Jolo.

"Mahal na mahal kita Mark. Yun lang. Mahal na mahal kita," dugtong pa niya.
"Minahal din kita Jolo. Sobra. Pero masyado akong nasaktan. Wag mo sanang iwan ang mga anak mo tulad ng pag-iwan mo sa akin. Paalam na." Maikli kong tugon sa kanya. Matapos nun ay sinara ko ang aking laptop at nagmuni-muni sa akin kama. Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pag-iyak.

Hanggang dun na lamang natapos ang kwento namin ni Jolo. Mabigat man sa pakiramdam, at least may closure kaming dalawa.

Siguro nga'y ganoon. May isang taong mamahalin mo nang walang hanggan, at mamahalin ka nang walang hanggan. Ngunit hindi kayo ang nakatakda para sa isa't isa.

----WAKAS----

No comments:

Post a Comment

Read More Like This