Pages

Thursday, September 7, 2017

Meet My Middle Finger (Part 4)

By:Raleigh

Gus at Hunter — maligno at demonyo. Yin and Yang.
One is looking for love and affection, the other for respite and liaison…

Inspiration: “Tadhana” by Up Dharma Down

“Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang-dama na ang ugong nito…”

-----

5:54 a.m. Malamig ang simoy ng hangin ngunit ilang sandali lang ay mainit na labanan ang magaganap. Damang-dama ang tensyon sa paligid.

Ikatlong araw na ng intrams at ngayon gaganapin ang pinaka-aabangang kompetisyon sa lahat — ang swimming.

Naka-swim trunks na mga lalaki at naka-swimsuit na mga babae ang inaabangan ng mga manonood. Animo’y Bench Body fashion show ang ipinunta ng mga tao.

“Final call for the participants of men’s 50-meter freestyle, please have your name logged. The game will start in T minus five minutes.”

Nagtilian ang iba’t-ibang departamento, ayaw magpatalo sa mga katabi nilang kalaban. Galing sa pagsisid, bilis ng strokes, at display ng muscles ang labanan.

Lahat ay excited na mag-umpisa na ang laro, maliban sa isa. Sa putla nya ay aakalain mong anumang oras ay mahihimatay siya.

. . . . .

Nangangatog ang aking mga tuhod. Halos mapudpod na ang mga kuko ko dahil hindi ko mapigil ang pagngatngat sa mga ito.

Balisang-balisa ako, hindi malaman ang gagawin. Natatae ba ako o nasusuka?

Limang minuto na lamang ngunit ni anino ni Hunter ay hindi mahagilap. Jusko, saang impyerno ba nagliwaliw ang demonyong yon?

Napagod ba sya sa huling practice session kahapon? Imposible! Nagbibiruan pa nga sila ni mama nang maghapunan kami kagabi.

Hapunan?

Hindi kaya…? Eto na nga ba ang kinatatakutan ko. Siguro ay naimpatso sya sa sobrang katakawan!

“Sa dinami-dami ng mga araw, ngayon mo pa talaga napiling maimpatso!” sisi ko sa hangin.

Hindi ko naman sya masisisi kung naparami nga ang kain nya; masarap talagang magluto si mama. Pero kahit na!

Sampung araw ko syang sinamahan sa pagpa-practice, sampung araw na nagpaka-alipin ako sa kanya.

Nang mga panahong iyon ay ginagabi ako ng uwi kaya halos maghahatinggabi na rin akong natatapos sa pagrereview.

Hindi rin ako nakapagtrabaho sa shop kaya madaling-araw pa lamang ay gumigising na ako para gawin ang mga inorder na boquets.

In short, sampung araw akong kulang sa tulog. Mauuwi lang sa default?

Halu-halo ang emosyon ko — naiinis na nanghihinayang na nalulungkot. Grabe rin kasi ang pag-eensayo ni Hunter tapos—

“Sino’ng naimpatso?”

Muntik na akong maihi sa sobrang galak. Paglingon ko ay naroon ang demonyo, naglalakad na parang walang pakialam sa mundo.

Kaya pala biglang lumakas ang mga tili. Pati suot ni Hunter na jogging pants at jacket ay nagmukhang mamahaling likha ng isang kilalang fashion designer.

“W-wala! Bakit ba ngayon ka lang?” inis kong tanong nang ibigay nya sakin ang duffel bag nya.

“Duh, 6 a.m. ang laro diba? Alangan pumunta akong alas kwatro?” sarkastiko nyang tugon.

“Ewan ko sa’yo. Bilisan mo na at baka madefault team natin!”

“Dude, chill.”

Itinulak ko sya papuntang table ng mga facilitators para ma log ang pangalan nya at makabunot sya ng lane number.

Naghanap ako ng empty bench kung saan ilalagay ang mga gamit nya. Buti na lamang at may bakante pa doon malapit sa exit.

“Hey, hawakan mo ‘to. Don’t drop it.”

Bigla na lamang nyang binigay sa akin ang isang video camera, mukhang mamahalin. Nanginig kaagad ang mga kamay ko.

“S-sandali.. hindi ako marunong nito!”

Pilit kong ibinabalik sa kanya ang bagay na iyon pero nagbingi-bingihan lamang si Hunter. Bagkus ay nag-umpisa syang tanggalin ang saplot sa katawan.

Ramdam ko ang pagpigil-hininga ng mga babae sa paligid; tila natatakot malingat at hindi makita kung ano ang tinatago ni Hunter sa ilalim ng jogging pants na iyon.

Sunod nyang hinubad ang puting t-shirt. Ilang beses na syang naghubad sa harapan ko pero hanggang ngayon ay hindi talaga ako nasanay.

Sa pagkailang ay iniwas ko ang tingin saka hinalungkat ang bag nya para kunin ang goggles at swimp cap. Iaabot ko na sana ang mga iyon sa kanya nang bigla nyang hinagis ang t-shirt at jogging pants nya sa akin.

Demonyo nga!

Dahil wala namang restriction sa suot ay pinili ni Hunter na mag Speedo. Nagka mass casualty tuloy dahil sa dami ng mga babaeng hinimatay. Ang nakakatakot lang ay baka may atakihin sa puso.

Ang galing nya ring magpanggap na hindi aware sa mga tinging nakukuha nya. Alam kong pinag-iigihan nyang ipakita ang magandang anggulo ng muscles nya.

Diyos ko, sarap din itumba ng lalaking ito. Kaaway ng mga pangit na katulad ko.

“Hoy Narcissus, pano ba gamitin ‘to?” agaw ko sa atensyon nya.

“Ganyan lang di ka pa marunong?” inis nyang tanong.

“Di mo ‘ko tuturuan? Sige ka, itatapon ko ‘to sa pool.” Pagbabanta ko.

“Tsk, amin na!”

Inagaw nya ang video cam sa akin saka itinuro kung aling button ang pipindutin, kung paano magfocus at magzoom, at paano mag end ng recording.

Habang tinuturuan nya ako ay hindi sinasadyang nagdikit ang mga braso namin, ngunit tila hindi alintana ni Hunter iyon. Lihim akong napangiti.

Noon kasi, naga-alcohol agad sya kapag nasasagi nya ang kamay ko o di kaya’y nahawakan ang mga bagay na hinawakan ko, pero ngayon ay balewala lang sa kanya.

Alam kong basic courtesy lang iyon kasi pinapakain sya ni mama, pero hindi ko mapigilan ang sarili na matuwa.

“Gets?” pagpukaw nya sa lumipad kong isipan.

“G-gets! Sige na, pumwesto ka na doon.”

“Isteady mo yang kamay mo ha at wag kang pasmado! Ayoko ng magnitude 10 na recording.” bilin nya.

“Opo… alis na kasi. Panalo dapat ah? Aja!”

“Palagay mo sakin, weakling gaya mo? Pweh! Watch and learn.” Mayabang nyang pahayag.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Confident si Hunter sa skills nya pero hindi ko parin mapigilang kabahan kapag ganitong may mga kompetisyon.

Tinipon ang mga players para sa konting pagpupulong, malamang para i-orient sa mga signs. Pumwesto na sila sa starting platform at isa-isa silang ipinakilala sa audience.

“Lane number four, College of Nursing and Allied Health. Hunter Pineda!”

Makasabog eardrums na cheer ang ibinigay nang maipakilala si Hunter. Kahit taga ibang department at nagcheer sa kanya.

Nakakainis mang aminin pero siya ang pinakamatangkad, pinakamakisig, at pinakamaganda ang katawan sa lahat ng competitors.

Itinutok ko ang camera kay Hunter. Walong competitor, walong lane. Pumutok ang starting gun; sabay-sabay silang nag-dive.

Siguro ay nanlalabo na ang mga mata ko, o talagang bias lang ako, pero napaka-graceful talaga ng pagdive ni Hunter.

“Parang dolphin…” hagikhik ko.

Limang segundo pa lamang ang nakalilipas pero kitang-kita na kung sino ang lamang at kung sino ang dehado. Nangunguna si Hunter at mas lalo pang lumalaki ang distansya sa pagitan nya at ng mga kalaban.

Malakas ang cheers ng mga manonood. Ako man din ay gustong maki-cheer pero naalala kong maaaring masali sa recording ang boses ko kaya lihim na lang akong nagchi-cheer.

“Go Hunter…” pinagkasya ko ang sarili sa pabulong na suporta.

Ilang sandali pa ang nakalipas nang tumunog ang buzzer, tanda na mayroon nang nanalo. Todo hiyawan ang mga tao at makapunit tenga naman ang ngiti ng kampyon na umaahon mula sa pool.

“Announcing the result of 50-meter freestyle – men’s division. 1st place, from the College of Nursing and Allied Health, Hunter Pineda!”

-----

Tinapik ko si Gus kaya’t nagkatitigan kami. Matagal. Hindi sya kumukurap, hindi rin ako kumukurap. This is turning into a battle of stares.

Ganun ba ang gusto mo? Sige, pagbibigyan kita!

Umaatikabong titigan ang ginawa namin. Halos isang minuto na ang nakalilipas ngunit ayaw parin nyang sumuko. Mahapdi na ang mata ko at alam kong ganoon din sya.

Nagsisimula nang mangilid ang aking luha. Anumang sandali ay bibigay na ako, ngunit ayaw na ayaw kong natatalo. Ginawa ko ang isang bagay na alam kong magpapakurap kay Gus.

Nag lip-bite ako.

Sa sobrang gulat nya sa ginawa ko ay napakurap sya ng ilang beses at muntik pang mahulog sa kinauupuan. Damn, I’m good at this!

“A-andaya mo!”

Tawa lang ako ng tawa. Walang nakakaligtas sa lipbite ko, mapa babae man o lalaki. Ganoon kalakas ang karisma ng isang Hunter Pineda.

“Hey, samahan mo ako this Sunday. I’ll be having my practice.”

“Ayoko.” tanggi nya kaagad.

“Huh, why? Wala ka namang problema noon kahit weekdays tayo magpractice ah. Tapos eto weekend aayaw ka.”

“Ayoko kasi walang ‘please’. Di ka ba marunong magsabi nun?” seryoso nyang sabi.

“Why would I say please?” pagtataka ko.

“Hunter, ang normal na tao ay nagsasabi ng ‘please’ kapag hihingi sila ng pabor.” tugon nya na tila bata ang kinakausap.

“Wha—? Gus, you’re getting it wrong. I’m not asking for a favour; I’m giving an order.” pailing-iling kong sabi.

Porket mag-iisang buwan na akong walang pinapagawa sa kanya, hindi ibig sabihin nun na nakalimutan ko na ang kasunduan namin.

“Order? Ano ako, karinderya na pwede mong orderan? Saka di mo’ko sinuswelduhan kaya wala kang karapatan na utusan ako.”

Anak ng tekwa… nakalimutan nga yata ng pangit na ‘to ang deal namin ah. Kumuha ako ng isang pirasong papel saka isinulat doon ang aming kasunduan.

Unti-unting nanlaki ang mata ni Gus nang mabasa nya ang sinulat ko. Tila sasabog sya sa sobrang inis habang nakangisi lang ako.

“Basta ayoko!” may kalakasan nyang sabi.

“Shhh!” saway ng mataray na babae sa di kalayuan.

Nasa library kami ni Gus, gumagawa ng reaction paper para sa journal na inassign sa amin ni Sir Valentin na kailangang isubmit by the end of class.

Well, Gus is writing the reaction habang nagbabasa naman ako ng NatGeo magazine. Pero nagbibigay din naman ako ng opinyon from time to time kaya alam kong may kontribusyon ako.

Nagtinginan ang mga estudyante sa gawi naming dalawa. Hiyang-hiya na humingi ng paumanhin si Gus, ngunit tinapunan nya ako ng masamang tingin.

“Ikaw kasi!” inis nyang bulong.

“Whaaat? I was just reminding you. Sunday ha, 3pm.”

“Bakit ba Sunday? Di ba pwedeng sabado na lang?” reklamo nya.

“Gusto ko Sunday eh, may magagawa ka? Di mo pwedeng tanggihan ang PRISAA player — ang record-breaker ng 50-meter freestyle nung intrams.” pagmamayabang ko.

“Kasi boss… sabado na lang please?”

“No, Sunday gusto ko. It’s final and irrevocable.”

Nalukot ang mukha ni Jalandoni. Di ko alam kung naiiyak sya dahil wala syang magawa o naiiyak dahil sa sobrang inis. Bigla na lamang syang tumayo.

“Bahala ka sa buhay mo!” sigaw nya.

Natutok ulit lahat ng atensyn kay Gus. Nag-umpisang magbulungan ang ibang estudyante, saying na naiistorbo daw ang pag-aaral nila dahil sa pangit na mama.

“You there — out!!” inis na utos ng librarian.

“S-sorry po ma’am…”

Nakayuko sya habang mabilis na naglalakad palabas ng library. Naguilty ako dahil alam kong may kasalanan din ako. Dinampot ko ang naiwan nyang bag.

Malamang ay galit na yun sa akin. Baka hindi nya ilagay ang pangalan ko sa reaction paper. Binilisan ko ang lakad para mahabol si Gus bago sya makarating sa room.

“Gus… Gus sandali lang!” tawag ko sa kanya.

Dire-drecho lang sya, ni hindi man lang ako pinansin. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad para maabutan sya, kahit pa nga mabibigat na mga bag namin ang dala ko.

“Gus!” tawag ko ulit.

Napansin kong pabilis ng pabilis ang mga hakbang nya kaya’t lalo ring napabilis ang paglakad ko. Hanggang sa magsimula syang tumakbo.

“Tangina… Gus!” inis kong sigaw sa hallway.

Maysa lahing maligno nga ata ang lalaking yun, ambilis tumakbo eh! Wala akong nagawa kundi tumakbo na lang din para mahabol sya.

Buti na lamang, kung gaano sya kabilis tumakbo ay ganoon din sya kabilis mahingal. Naabutan ko sya sa labas ng classroom namin, mabilis ang taas-baba ng dibdib.

“Bwiset kang bata ka, bakit ka tumakbo?!” bulyaw ko sa kanya.

“Ba’t moko hinahabol?” pasigaw nya ring tanong.

“Kaya kita hinahabol kasi tumakbo ka!”

“Eh kaya nga ako tumakbo kasi hinahabol mo ako!” inis nyang sagot.

Naimbyerna ako, aatakihin yata ako sa puso sa biglang pagtaas ng blood pressure ko. Gusto ko syang yugyugin sa balikat, gusto ko syang sakalin.

“Ibig mong sabihin, tumakbo ako kasi hinahabol kita?” Naku kung pwede lang pumatay ng tao eh…

“May problema ba kayo?”

Hindi namin namalayan na bumukas ang pinto at dumungaw si Sir Valentin. Kinabahan ako, kelangan kong maghanap ng magandang palusot.

“Ah, eh… sir, nagtatalo kasi kami k-kung… kung ipapasa na namin yung reaction paper o ire-revise pa..” siniko ko si Jalandoni.

“Uhmm, o-opo sir. Y-yun nga!” mabilis nyang sang-ayon.

Baka ma-guidance office kaming dalawa, dehado si Jalandoni. Dahil sa kwento ni Auntie Hermie ay naunawaan ko ang sitwasyon ni Gus.

Isa pa, disadvantage din sakin dahil mawawalan ako ng alipin kung saka-sakaling matigil sya ng pag-aaral dahil sa pagkatanggal ng scholarship nya.

Mapanuring tingin ang binigay sa amin ni Sir Valentin bago sya sumenyas na iabot sa kanya ang papel na hawak ni Gus. Pagkatapos nya itong basahin ay sinabihan nya lang kami na pwede nang maglunch.

Inabot ko kay Gus ang bag nya ngunit bago pa ako makaabang ay tinadyakan nya ako sa binti at naglakad palayo. Tangina… may araw ka rin sakin!

Nasa isang bench kami sa ilalim ng acacia na nasa likuran ng mga building. Kokonti lang kasi ang tao doon tuwing lunch kaya doon kami palagi pumipwesto ni Gus.

Pinagsaluhan namin ang baon nyang inihaw na talong, daing, pulang itlog, at kamatis. First time kong kumain ng pulang itlog at masasabi kong nasarapan ako dun.

“So, ‘di na lang tayo mag-uusap forever?”

Muntik na akong mabulunan ng marinig ang boses na nanggagaling sa likuran ko. Paglingon ko ay matalim na tingin kaagad ni Charm ang nasalubong ko.

“C-Charm… hi.” bati ko matapos lunukin ang nginunguya ko.

“Hi? Hi? Hunter, isang buwan tayong di nagkita at nag-usap tapos ‘hi’ lang? Ano’ng klaseng bati yan, ha?!” bulyaw nya.

Sinulyapan ko si Gus para magpaumanhin dahil naistorbo ang kain namin, at para na rin sabihing kakausapin ko muna si Charm, pero biglang uminit ang ulo ko.

Nakanganga sya, displaying the half-chewed food in his mouth. Para syang timang na natulala nang makita ang nobya ko. Na starstruck yata kay Charm.

“Ew, who is that?” tanong ni Charm.

“Let’s talk over there.” yaya ko para mailayo sya kay Gus.

O mailayo si Gus sa kanya. Naguguluhan ako. Ayokong nakikita ang ganoong expression kay Gus; yung parang si Charm ang araw sa mundo nyang ubod ng dilim.

Inaya ko sya papalayo sa pinagkainan namin ni Gus ngunit matatanaw parin ang bench na iyon mula sa distansyang ito.

“Hunter, are you hanging out with HIM?” turo nya kay Gus.

“He’s a friend…”

“Friend? The Hunter I knew wouldn’t even look at trash. Are you running a charity?”

“Charm, let’s get back to what we’re supposed to talk about.” pag-iwas ko sa tanong.

“No, I want to talk about this. Magtapat ka nga, are you on drugs? Mukhang pusher/user ang taong yun.”

“Charm! Gus is my friend, ok? Mabait syang tao kaya wag mo syang pagbintangan ng kung anu-ano.” pagtatanggol ko.

“Gus is his name? Shitty name for someone uglier than shit.” May halong pandidiri ang boses ni Charm at hindi ko iyon nagustuhan.

“Say what you want to say, Charm. Mas pipiliin kong makipagbarkada kay Gus kesa sa iba dahil totoong tao sya.” madiin kong pahayag.

“Mas pipiliin mong sumama sa kanya kesa sakin?”

“Charm… pwede ba, don’t interpret my words to your convenience? Wala akong sinasabing ganoon.” nag-uumpisa nang kumulo ang dugo ko.

“No, you ARE insinuating that exactly. Tapatin mo nga ako, Hunter. Ako o sya?” panghahamon nya.

“Charm, c’mon. Stop it.” saway ko naman.

“No, you don’t tell me when I should stop.”

“And you can’t tell me whom I can and can’t hangout with!” hindi ko maitago ang inis sa boses ko.

“Ganon? Ok, I’ll choose for you. We are officially over!”

Hindi ko napigilan ang sarili. Bakit ganito ang mga babae? Kapag sumasama sa mga kaibigan, pinagbabawalan. San ba nya ako gustong sumama?

Sa mga mayayaman pero plastik na tao? O sa mga kaaway ko?

O dahil ba sa itsura ni Gus kaya ayaw nyang nakikipagkaibigan ako dun? Either way, I felt like I needed to defend and protect Gus.

“Fine!” pagsang-ayon ko sa kagustuhan nya.

“N-no way… you’re not serious. You’re not breaking up with me!”

Noon kasi ay sinusuyo ko sya kapag gusto nyang makipaghiwalay sa akin. Pero lately, na realize ko na hindi naman kailangang magka-girlfriend para sumaya.

At isa pa, naging overbearing na si Charm. Gusto nya lahat ng inuutos nya ay masusunod. Parang-pareha sila ng ugali ni mommy, and I don’t wanna deal with people who have the same behaviour.

“Hell, I’m dead serious.”

Hindi ko na nilingon pa si Charm nang maglakad ako pabalik sa table namin ni Gus. Pakiramdam ko’y ibang tao ako pag magkasama kami ni Charm.

But with Gus… I feel like I can be my true self.

Buong maghapon ay wala ako sa sarili. Wala akong naintindihan sa mga lectures. Ilang beses sumulyap si Gus sa upuan ko pero sumenyas ako na ok lang ako.

Hindi ako umuwi ng condo. Bagkus ay nagpunta ako sa paborito kong bar at doon uminom ng uminom. Wala namang problema kahit minor de edad ako. Sa tangkad kong ito ay hindi sila maghihinala.

Nilunod ko ang sarili sa alak. Gusto kong ilabas ang frustrations ko. Gusto kong maghamon ng away pero alam kong it’s not worth it.

Hindi ko alam kung ilang oras ako sa bar. Maraming babae na gustong makipagsayaw sa akin, lahat pinagmumura ko dahil gusto kong mapag-isa, kaya na kick out ako.

Nagmaneho ako at kung saan-saang kanto ako lumiko, walang patutunguhan. Mabuti pa siguro kung mabangga ang sasakyan ko para matapos na ang mga problema ko.

Hanggang sa…

-----

Beep!! Beep!! Beep!!

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na malalakas na busina ng kotse. Tiningnan ko ang alarm clock — 2:58am. Sino’ng baliw ang pupunta sa bahay ng ganitong oras?

Sinilip ko ang bintana, nagbabaka-sakaling sa kapitbahay ang kotseng iyon. Ngunit ang pamilyar na sasakyan ni Hunter ang nakita kong nakaparada sa tapat ng gate namin.

Pinaandar ko ang ilaw sa aking kwarto, pagbibigay sinyales na gising ako at hindi nya na kailangang magalit sa busina ng kotse. Pati patay ay naiistorbo sa ginagawa nya.

Maysa demonyo nga yata ang taong ito. Biruin mo, lumalabas ng alas tres ng umaga. Who does that? Diba unholy hour yan? Kinikilabutan ako…

Muntik pa akong mahulog sa hagdan sa sobrang pagmamadali. Pagdating sa sasakyan nya ay kinatok ko ang bintana para pagbuksan nya ako.

“Gus, papasukin mo muna ‘ko…” may kakaiba sa boses ni Hunter.

“Boss, lasing ka.”

“Hindi ah, nakainom lang.” sa tanang-buhay ko ay wala pa akong nakitang lasing na umamin na lasing sila.

“Eh timang ka rin ano? Nakainom tapos magda-drive? Papaano kung nabangga ka? Papaano kung nakabangga ka?” gigil kong sabi.

“......”

Gusto kong maiyak sa sobrang inis. Wala akong pakialam kung pumutok butsi ko sa sobrang inis pero… gusto yata nyang dumirecho sa impyerno eh!

“Tapos dito ka pa pumunta, eh nambubulahaw ka ng kapitbahay dahil sa pagbubusina mo!” patuloy kong sermon.

“Ok, uwi na lang ako. Pasensya sa abala.” malungkot nyang sabi kaya naguilty ako bigla.

“Aba’t nangongonsensya pa ‘tong hinayup— pasok ka na nga muna! Baka mamaya madisgrasya ka pa eh.”

Matapos magpark sa garahe ay pinaakyat ko sya sa kwarto ko at dinalhan ng tubig na maiinom para kahit papaano ay maibsan ang kalasingan nya.

Naalala ko ang mukha nya nang matapos silang mag-usap ni Charm. Siguro’y mabigat na problema ang dala nya kaya sya uminom.

“Boss… may problema ba? Di naman kita pipilitin na magsabi pero andito lang ako para makinig.”

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Nakayuko lang si Hunter, bagsak ang mga balikat. Ngayon ko lamang sya nakitang ganito.

“Gus… bakit ba ang mga babae, andaling magalit? Kapag may pupuntahan, kelangan magpaalam. Kapag nagpaalam, di ka papayagan. Kapag di ka naman nagpaalam, magagalit.

“Kapag may gagawin, irereport muna sa kanila. Konting galaw lang, maghihinala. Ba’t ganun? NBI ba sila?” seryoso nyang tanong.

“Eh, boss. Di pa ‘ko nagkaka girlfriend eh kaya di ko masasagot ang mga tanong mo.” napakamot ako sa ulo.

Nagulat ako nang bigla na lamang humalakhak si Hunter, nasiraan yata ng bait. Ito na ba yung tinatawag na Korsakoff psychosis? Teka, ano ba yun?

“B-boss, ok ka lang ba?” nag-aalala kong tanong.

“Gus, you’re too honest it’s so funny.”

“Eh, masama ba yun?”

“No, it’s just… kaya ka napagsasamantalahan dahil masyado kang honest.” natatawa parin nyang tugon.

“Sorry boss. Pangit sa pakiramdam kapag nagsisinungaling eh. Saka pangit na nga ako, sinungaling pa. Mandurugas ata yun.”

Matagal akong tinitigan ni Hunter. Nang mga sumunod na sandali ay tumulo ang luha nya. Sanay na akong makakita ng umiiyak na babae dahil iyakin si mama, pero natigilan ako nang makitang umiiyak si Hunter.

Ikinwento nya ang mama nyang nasa Texas. Kung gaano ito kahigpit, kung papaano sya pinilit na kumuha ng Nursing, at kung papaano sya pinagbawalang lumahok sa PRISAA Meet.

Naikwento nya rin na dahil sa galing nya, drafted sya for Junior Olumpics national team. Kaso tumangging magbigay ng consent ang mama nya dahil wala naman daw mapapala si Hunter kung sakali.

“We’re over Gus, Charm and I…” huli nyang sabi.

“Masakit ba boss? Malungkot ka ba?”

“What do you mean?”

“Mahal mo ba sya?” Hindi makasagot si Hunter, tila naguguluhan sa mga tanong ko.

“Ganito kasi boss… kung nalulungkot ka, ibig sabihin nun lonely ka lang. Pero kung nasasaktan ka, ibig sabihin mahal mo sya.”

“I… truth be told, hindi ko alam. Siguro nasanay lang ako na palaging kasama si Charm. Pero…”

“Pero pumayag kang makipaghiwalay sa kanya? Dahil ba gusto mong mahanap nya ang kaligayahan nya? O dahil gusto mong lumaya mula sa kanya?”

Mahabang katahimikan ulit ang naghari, tila hindi parin alam ni Hunter kung ano ang isasagot nya. Sinabihan ko na lang syang wag nang pansinin ang tanong ko at niyayang matulog na.

Magkatabi kami sa kama, nasa kwarto kasi ni mama ang extra beddings kaya wala akong mailatag para kay Hunter. Sa sala na lang sana ako matutulog pero pinigilan nya ako.

Pinatay ko ang ilaw saka tumabi sa kanya. Tanging ang ilaw na nagmumula sa poste sa labas ng bahay ang nagsilbing liwanag namin.

“Gus…” nakatalikod ako sa kanya, ganun din sya sakin.

“Hmmm?”

“Wag ka munang magkaka-nobya ha? Masakit na sa bulsa, aawayin ka pa nila..” payo nya.

Gumalaw ako at pinihit ang katawan paharap sa kanya. Nagulat ako dahil nakaharap din sya sa akin, ang isang kamay nya ay ipinang-unan sa ulo nya.

“Boss naman, kahit gustuhin kong magka girlfriend eh walang magkakagusto sakin.”

“Walang kwenta ang mga babaeng ganyan, yung mukha lang ang habol. Dapat kasi ugali ng lalaki ang tinitingnan nila. Gaya mo…”

“Talaga boss?”

“Oo naman, ang ganda kaya ng ugali mo. Mabait ka at honest. Kaso di maipagkakaila na problema yang mukha mo, mukhang maligno eh.”

“Nambubwiset ka ba boss? Ok na sana eh, dinugtungan mo pa. Panira ka rin ah.”

“But honestly, if they just spend the effort and get to know you, siguradong hindi ka bibitawan ng magiging girlfriend mo.”

Natigilan ako sa tinuran nya. Di ko alam kung totoo lahat yun, o kwentong lasing lang. Jusko, salamat na lamang at madilim. Kung hindi ay makikita ni Hunter ang pamumula ng mukha ko.

“Naks, salamat boss ah? Matulog ka na at maaga pa tayo bukas. Good night…” bulong ko.

Lumipas ang ilang minuto ngunit di parin ako dalawin ng antok. Siguro dahil di ako sanay na mayroong katabi sa kama. Naramdaman kong gumalaw si Hunter ngunit nagpanggap akong tulog.

Makalipas ang ilang sandali ay pumailanlang sa hangin ang nakakaengganyong tunog mula sa kanta ng isang sikat na banda.

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang-dama na ang ugong nito…

Napakaganda ng boses ng singer, tila hinihele ako. Naramdaman kong bumigat ang aking mga talukap, at gustuhin ko mang makinig pa ay hindi ko maiwasan ang tawag ng tulog.

Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako’t nakikinig sa’yo…

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo…

Bago ako tuluyang makatulog, biglang sumagi sa isipan ko ang sitwasyon namin ni Hunter nang mabanggit ang huling linya ng kanta.

Parang sya at ako, hindi inaasahan ang pagtatagpo ng aming mga mundo.

----

Nagpanggap akong tulog pero sa totoo lang ay minamasdan ko kung kelan makakatulog si Gus. Unti-unting bumabagal ang paghinga nya hanggang sa ang ritmo nito’y maging katulad ng taong tulog.

Marahil napagtanto ng katawan kong narito ako sa bahay ni Gus, kaya’t kahit ngayon lamang ako nakapasok sa kwarto nya, hindi ako nakaramdam ng pagkabalisa.

Ilang beses na akong nagsleep-over kasama ng mga kaibigan ko noon at ‘di ako makatulog dahil naninibago ako sa lugar.

Ngunit iba ang dahilan ngayon kung bakit hindi ako dalawin ng antok. Tiningnan ko ang maamong mukha ng lalaking katabi ko. Pangit nga sya, busilak naman ang kalooban.

Buti na lamang at natatakpan ng kanta ang aking puso, kung hindi ay maririnig ni Jalandoni kung gaano kabilis at kalakas ang pagtibok nito…

“Gus, I think I don’t love her; I never did. Oo malungkot dahil natapos ang halos dalawang taon naming pagsasama… pero pakiramdam ko’y nakalabas ako sa hawla.

“And the reason why I chose to break up with her is actually… you. Hindi ka nya kilala, yet masasama ang sinasabi nya tungkol sa’yo. At nagagalit ako dahil dun.

“Bakit ganun Gus? Why do I feel like I want to protect you…?” bulong ko sa kanya.

Alam kong hindi ako naririnig ni Gus, pero panatag ang kalooban ko dahil sya ang kasama ko ngayong araw. It feels like… home.

Teka! Ano ba itong iniisip ko? Tama, I need honest people around me at napaka-honest ni Gus. Oo, siguro yun nga.

Ilang kanta pa ang natapos sa playlist ko bago ko naramdaman ang antok. Nagsisimula nang tumilaok ang mga manok sa paligid.

Napanaginipan ko ang pangyayari noong bata pa ako. Proud na proud na pumapalakpak si mommy habang tinuturuan ako ni daddy na lumangoy.

Naroon ang half-brother ko na anak ni daddy sa pagkabinata. Mas matanda sya sakin ng dalawang taon. Half-Australian sya, ngunit patay na ang nanay nya. Sabay kaming tinuturuan ni daddy na lumangoy.

“Kung ganito ba palagi ang performance mo, Olympics is not a faraway dream together with your kuya!” masayang sambit ni mommy.

“Really? Can I, with kuya?” tuwang-tuwa ko ring tanong.

Nakalimutan ko na ang pangyayaring ito. How old was I? Five, six? Ni hindi ko na mamukhaan ang kuya ko. And this was the happiest I’ve seen my mom.

Kamusta na kaya si kuya? Ten years na rin kaming hindi nagkita. Marahil ay marami ang nagkakandarapa sa kanya. Gandang lalaki din sya, gaya ko.

“Boss…”

Nagkaroon kami ng race ni kuya sa paglangoy. Mabilis sya kaya’t kailangan kong mag ensayo ng mabuti para maging kasing galing nya.

Ngunit habang tumatagal ay lumalayo ang distansya sa akin ni kuya. Maging si daddy ay nasa malayo na. Hawak naman ako ni mommy sa balikat, tila pinipigilan akong habulin sila.

Sandali lang…

“Boss…”

Dad… san ka pupunta? Mom! Bakit may dalang bag si daddy? At bakit kasama si kuya? Sandali lang… kuya Bri—

“Boss! Gising!”

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagyugyog sa aking balikat. Umaga na pala, at hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Saan ako? At…bakit nandito si Gus?

“Gus…”

“Boss…”

Naalala ko, nagdrive pala ako kagabi papunta sa bahay nina Gus nang hindi ko namamalayan. Naibuhos ko ang sama ng loob ko, at ngayon ay magaan na ang pakiramdam ko.

Fuck if I cried. Nakakahiya. Ang tunay na lalaki ay hindi umiiyak. And what’s with that dream? Was it a distant memory?

“Gus, ampangit mo. Umalis ka nga sa harapan ko.” pagbibiro ko para hindi mahalata ni Gus na nababagabag ako.

“Tseh! Ganyan ka? Walang almusal para sa’yo!” inis nyang tugon.

“Teka, teka.. biro lang, ito naman.”

“Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising.”

“O bakit? Bagong gising lang din naman ako ah. Saka, akala ko nga joke yang mukha mo.” mahina kong dagdag.

“Anong sabi mo?”

“Wala, sabi ko anong almusal?” pagpapalusot ko.

“Ewan, si mama ang nagluto. Maligo ka na, susunod na lang ako. Eto tuwalya.” hinagis nya sa akin ang isang tuwalya.

Halatang hindi ito bago, pero at least bagong laba. Saka malinis at maputi naman yung towel.

“Eh bakit susunod ka pa? Sabay na lang tayo.” nakangisi kong yaya.

“Ayoko, di ako sanay na may kasabay.”

“Bakit? Wala namang masama dahil pareha tayong lalaki ah. Saka isa pa, tipid din sa tubig kapag sabay tayo.”

“Basta, ayoko.”

Ilang beses pang nagmatigas si Gus hanggang sa hindi na ako nakapagtimpi. Binuhat ko sya — kumakain ba ang batang ‘to? Ang gaan! — saka dinala sa banyo nya.

“B-boss, ibaba mo ‘ko!” nagpupumiglas sya.

“Wag kang ano! Nasa banyo na tayo, baka madulas ako. Parehas tayong imbalido pag nagkataon.” nang nagpumiglas pa sya ay pinalo ko ng malakas ang pwet nya.

“Aray ko naman!”

“Sige, sumigaw ka. Gusto mong umakyat nanay mo at makitang ganito tayo?” pagbabanta ko.

“Bakit ka ba namamalo?” galit nyang tanong.

“Kasi nagpupumiglas ka.” katwiran ko naman.

“Ibaba mo na kasi ako.” inis nyang utos.

At binaba ko nga sya, doon mismo sa tapat ng bukas na shower head. Makapanindig-balahibong tingin ang binigay nya sa akin nang mabasa ang suot nyang damit.

Tumawa lang ako saka nag-umpisang maghubad. Hindi ko ikinahiyang may morning wood ako, tutal normal lang naman iyon. Nagsimula akong magshampoo.

“Di ka maliligo?” tanong ko sa kanya habang nakapikit.

“May choice ba ako? Binasa mo na ako eh.” binuksan ko ang kaliwang mata ko at nakitang may damit pa sya.

“Maliligo kang naka damit?”

“Bakit, di pwede?” maktol nya.

“Nahihiya ka ba? Di nga ako nahiya eh. C’mon, pareha tayong lalaki.”

“Ano ako, ikaw?” nagsimula na rin syang mag shampoo.

“Ang sungit mo naman. O baka naiilang ka lang sakin?” biglang tumalikod si Gus ngunit kitang-kita ang namumula nyang batok.

Sapul.

“Hehe, gandang lalaki ko talaga ano?”

“Narcisso!” inis nyang tugon.

“C’mon, wag nang mahiya kasi.”

At sinimulan ko nang halayin si Gus — este hubaran. Muntik na kaming madulas sa basang tiles ng banyo nya dahil nagpupumiglas na naman sya.

“Bakit ka ba nahihiya? Kung anong meron sakin, meron din naman sa’yo ah.” inis kong sabi habang sinusubukang tanggalin ang shorts nya.

“Pwera abs!” tugon nya at bumalik sa pagpupumiglas.

Biglang may kumatok sa kwarto ni Gus. Nasa kanan ng pinto ng kwarto ni ang banyo nya kung kaya’t dinig na dinig namin ang malakas na katok.

“Gus! Bumangon ka na at nang makapag-almusal ka!” sigaw ni Auntie Hermie sa labas.

“O-opo ma!” tugon ni Jalandoni.

Pinili ko ang tyempong iyon upang maibaba ng tuluyan ang shorts at briefs niya. Tumambad sa akin ang kahubdan ni Gus at doon natuon ang mata ko sa makinis nyang singit.

Pinalo-palo nya ng ilang beses ang balikat ko. Inis na inis si Gus, pero hindi ko nararamdaman ang mga palo nya. Lasing pa ba ako?

“Hmmm, malaki din pala yung sa’yo.”

“A-an— tigilan mo nga ako!” tumalikod sya sa akin.

Nakita ko ng isang beses ang ari nya, pero hindi ko nakita ng ganito kalapit. At gusto kong makita ulit iyon. Lalo pa’t may morning wood din sya.

“Gus, harap ka dito. Palakihan tayo…” nadedemonyo kong hamon.

“Ano ka ba, grade three? Tumigil ka nga!”

Ngunit wala syang magawa dahil mas malakas ako sa kanya. Pinihit ko sya paharap sa akin at tinanggal ang dalawang kamay na nakatakip sa maselang parte ng katawan nya.

“Hunter ano ba!”

Hindi ko narinig ang mga pagtutol nya. Bagkus ay nagsimula akong magbate hanggang maging fully erect ang ari ko.

“Hunter, isa! Tumigil ka na. Di magandang biro ‘to!” saway nya sa akin.

Tiningnan ko sya sa mata. Inilapit ko ang katawan ko kay Gus hanggang sa magdikit kaming dalawa. Hinawakan ko ang ari nya at ito naman ang binate ko.

“H-hunter!”

Kahit magpumiglas sya ay hindi maipagkakailang unti-unting nabuhay ang alaga nya dahil sa pagbabate ko. Habang tumatagal ay nababawasan na rin ang pagpupumiglas nya.

Ngumisi ako nang maging fully erect na sya. Pinagtabi ko ang mga ari namin at muntik na akong mapaungol nang magdikit ang mga ito.

“Mas mahaba ako, mas mataba ka nga lang…” nakangisi kong sabi.

“B-bitiwan mo ako.”

“Bitiwan daw? Eh nalilibugan ka rin…”

“T-tumigil ka! H-hindi ako nalilibugan. Normal na reaksyon lang ‘to.” pagmamatigas nya.

“Talaga ba, Gus? Nalilibugan kasi ako eh… sabay na kaya tayong magjakol?”

-----

Namumula ang mukha ko sa pagkapahiya, ngunit di ko magawang itanggi ang paratang ni Hunter. Normal ba sa lalaki na sabay nagbabate? Hindi ko na alam.

Ang alam ko lang ay rumiresponde ang katawan ko sa pagkakahawak ni Hunter sa akin. Sabay na binabate ni Hunter ang mga ari namin gamit ang kanang kamay nya.

Nakakadagdag din sa sensasyon ang init ng hininga nya na dumadampi sa aking balikat at tenga. Damang-dama ko ang init na nagmumula sa katawan nya, humahalo sa init na nagmumula rin sa katawan ko.

“Gus, tingnan mo. Mas lumaki pa lalo ang titi mo…” paanas nyang tugon.

“A-ayoko.”

Dinig na dinig sa maliit na banyo ang tunong ng balat na nagkikiskisan, nakakadagdag sa libog na aking nararamdaman.

“Bakit? Wala namang masama dun.. tingnan mo rin yung akin.” mahina nyang bulong.

“H-hindi p-pwede… b-baka sumabog a-ako…” nahihiya kong pag-amin.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa balikat nya nang simulan nyang jakulin ang mga ari namin ng mabilis. Napahawak ako sa dingding ng banyo, nanginginig ang mga tuhod ko.

“Shit… Gus…” mahina nyang bulong.

“Aahh!”

Hindi ko mapigilan ang ungol na kumawala nang maramdaman ang mainit at namamasang bagay sa kaliwang utong ko. Nang tingnan ko kung ano iyon ay muntik na akong labasan.

“Gus, ang tamis ng utong mo…” paanas na sabi ni Hunter.

Hindi ko sinasadyang masabunutan sya. Sarap na sarap ako nang simulan nyang supsupin ang utong ko, lalo pa’t ang isang kamay nya ay nilalapirot naman ang kabila.

“B-boss, wag! M-masakit..”

“Pero nasasarapan ka kapag masakit, diba?”

“H-hindi! Nagkakamali ka…”

“Mali ba? Bakit kusa kang kumakadyot sa kamay ko?” panunukso nya sa akin.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin alam ang sagot. Kusa na lamang gumagalaw ang balakang ko, pilit na idinudutdot ang ari ko sa kamay nya.

Maya’t-maya pa ay naramdaman kong malapit na akong labasan. Sabay kaming kumakadyot ni Hunter, nag-uunahan sa pag-abot sa rurok ng kalibugan.

“B-boss, hayan na…” bulong ko sa kanya.

Naramdaman kong kinagat ni Hunter ang kanang balikat ko. Naghalo ang sakit at ang sarap, at doon nga’y bumulwak ang aking tamod sa kamay nya.

“Aaahhh….ahhh..!!” impit kong pag-ungol.

Kung saan-saan nagkalat ang masaganang katas na nagmula sa aking ari. Nangatog ang aking mga tuhod at kung hindi lang ako hawak ni Hunter ay siguradong natumba ako.

“G-gus, sandali… tumalikod ka.” hingal nya.

Sige parin ang pagbate ni Hunter sa napakatigas nyang sandata. Mas mahaba nga ito kaysa sa akin at mas malaki ang ulo. Hindi ko maalis ang tingin doon.

“Gus please… malapit na akong labasan.”

Kahit nanghihina ay sinunod ko ang utos ni Hunter saka tumalikod. Isinandal nya ako sa dingding at ikiniskis ang kahabaan ng titi nya sa hiwa ng pwet ko.

“B-boss, a-anong gagawin mo?” kinakabahan kong tanong.

“Relax, di ko ipapasok… higpitan mong pag-ipit.” bulong nya.

Tuluyan ngang ipinasok ni Hunter ang titi nya sa pagitan ng aking mga hita. Mabilis syang kumadyot, tila nakikipag-sex sa hita ko.

Tinatamaan ng ari nya ang aking mga bayag, kung kaya naman hindi nagtagal ay nabuhay ng muli ang aking sandata. Napansin din iyon ni Hunter kaya jinakol nya ako ulit.

Ang init na nagmumula sa aming katawan at ang tunog ng slapukan ng mga balat ang syang nagtulak sa akin upang makamit ang ikalawang pagputok ng aking tamod.

“Gus… hayan na ako… hayan naaa!”

Paimpit syang napaungol habang patuloy parin ang mabilis na pagkadyot. Naramdaman ko ang mainit nyang tamod na tumutulo sa aking mga hita.

Hingal na hingal kaming dalawa matapos naming labasan. Mahigpit parin ang kapit niya sa balakang ko at patuloy parin ang mahinang pag-indayog.

“Gus… masarap ba?”

Hindi ko sya magawang tingnan sa mata. Nahihiya ako sa inasal ko; hindi ko mapigilang magpadala sa tawag ng laman.

“Hey…? Galit ka ba?” nag-aalala nyang tanong nang mapansing hindi ako sumasagot.

Bagamat nahihiya ako sa inasal ko, alam kong hindi ako galit. Nasarapan din naman ako, kaso nakakahiya lang talaga dahil di ko nakontrol ang sarili.

“H-hindi b-boss.” tapat kong pag-amin.

“Then why are you not speaking?”

“N-nahihiya lang a-ako eh..”

“C’mon, please? Wag kang mahiya… di na mauulit ito, sorry.”

Tanging ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower ang maririnig. Nakayakap si Hunter sa akin likuran. Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong gawin o sabihin.

Nang matapos kaming maligo ay sabay kaming bumaba para mag-almusal. Nagulat pa si mama dahil nandoon si Hunter, pero ngumiti lang sya at hindi na nagtanong.

“Auntie, pwede ko bang hiramin si Gus sa Sunday?”

“Ha? Eh… anak kasi, birthday ng Uncle Diosdado mo. Pupunta kami ni Gus sa sementeryo.” may pag-aalinlangan na sabi ni mama.

“Ganun ba auntie? Sige po, hindi ko na lang kukulitin si Gus. Tutal importanteng araw yun.”

“Ehh, kung para naman sa paaralan eh wala akong magagawa.”

“Ma! Sabi ni Hunter ok lang.” saway ko naman dahil alam kong pagbibigyan nya si Hunter.

“Ok lang auntie, mahaba pa naman ang panahon eh. Saka mas importante si Uncle Dado.” pinandilatan ko si Hunter, nagpapa pogi points na naman kasi.

“O, sige. Teka! Sumama ka na lang kaya sa amin? Tutal wala ka namang gagawin.” biglang yaya ng nanay ko.

“Ma!”

“Ok lang ba talaga, auntie?”

“Oo naman, saka nang mapakilala ka ni Gus dito sa yumao nyang ama. Naku kung nabubuhay yun, tyak na magugustuhan ka nya talaga.”

“Mama! Tumigil ka na, nakakahiya…” saway ko kay mama.

“Sus naman ‘tong batang ito oo… ikinakahiya mo ba si Hunter?”

“Siguro nga auntie… umagang-umaga eh pinagsusungitan ako. Saka ayaw pa sana akong pag-almusalin. Naku, di talaga pwedeng di ko matikman ang luto ninyo.”

“Ganun ba? Sus, ke gwapo-gwapo talaga ng batang ito! Dadamihan ko ang pabaon ko sa’yo mamaya.” tuwang-tuwa naman si mama.

“Mama, nabibilog na kayo nyang si Hunter ha. Saka ikaw Hunter wag kang nagpapasipsip kay mama. Nagbobolahan lang kayong dalawa.”

“Seloso!” sabay nilang tukso sa akin.

“Ewan ko sa inyo!”

-----

P.S.: yung moment na akala mo ok ka na,
Tas magkakausap kayo bigla.
Doon mo lang marerealize na masakit pa din pala.
Na may nararamdaman ka pa talaga para sa kanya…

Sino’ng naka relate?? Hrmmm? Hahaha… Tagay na lang yan!

>> Anong klaseng development ito? Simula na ba ng pag-usbong ng mas makahulugang pagkakaibigan nilang dalawa?

>> Makikilala kaya natin ang kuya ni Hunter? At bakit mukhang tuwang-tuwa si Auntie Hermie? Ang mga kasagutan sa susunod na kabanata…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This