Pages

Thursday, September 7, 2017

Way Out Of My League (Part 2)

By:nocturnalguy99

Pierre - it's been 6 days since the last time na nagkausap kami ni cutie nerdy. I never saw him after that and he never texted rin. On the first 2 days I was wondering why, I might have given him a wrong number or maybe he's not interested lang talaga. Bat niya hiningi number ko?. Damn it! I never showed signs of flirtations sa mga naging crushes ko before lalo na pag lalake. And the first time I did it ganito pa. This is stupid. At the fourth day, I gave up with my illusion ( after our encounter, I actually fantasized that he liked me, even though we were way too different physical appearance palang.) It's just a crush! You read the signs wrong. You tried to flirt and messed up that's it. Move on Pierre!

Owen - I've been planning to message pete for many days na pero lagi akong tinutorpe. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Hindi ko alam pano sisimulan. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siya makilala, kung gusto ko ba siya kasi gusto ko siya or gusto ko siya kasi pakiramdam ko gusto niya ako. Alam kong gusto niya ako. Impossibleng hindi, di naman siguro mangyayari yung mga nangyayari nung nakaraan kung di niya ako gusto. Pero di ako sigurado sa ginagawa ko. Nakikipaglaro lang ba ako o... parang imposible...

Pierre - tuesday, around 2pm I received a message from cutie nerdy. And this how it goes " Hi pete! Mgjajogging ka ba tonight. Maybe we can jog dun sa place sa sinasabi mo. Owen to.". I frozed after reading his message. I was, nagtext siya? NAGTEXTSIYA!. I was starting to drown myself in my illusion of him. But my reality persona was too powerful and convinced me that maybe he was just interested in the jogging place thats why ngayon lang din siya nagtext. And I believed it. So I supressed my emotions, composed myself and replied to him short and casual.

Owen - Ding! After 10 minutes nagringback ang phone ko. As expected siya ang nagtext. Binasa ko kaagad ang reply niya and mejo nadisapppoint ako. Di ito ang iniexpect kong reply. Maikli at cold ang reply niya "Hi, Yep, See you." Pahard? Naisip ko.


Around 7pm nakauwi na ako sa villa. Tinext ko ulit si pete. "Hi pete! Nsa park kna? Papunta plang kami", natawa ako sa sarili ko kasi ako lang naman talaga ang pupunta. Wala sila lito, anthony and terence. Nagbihis agad ako nang pang jogging, nagsuot ako nang maikling shorts yung pang runner hindi ako nagbrief at nakat-shirt ako. Pero may suot akong white sando sa loob na hapit sa katawan ko. Huhubarin ko yung t-shirt ko later pagpawis na ako para takamin siya. Nagtext back siya at naexcite ako lalo. Hindi ko alam bat ganito takbo nang isip ko. Pero gusto ko patunayan na may gusto siya sakin.

Pierre - I received another text message from Owen, He's really serious sa jogging namin. So I replied back although, im starting to think magbackout. I'm being pessimistic, everything was just an illusion. But I convinced myself to push through and came up with this plan, once I showed them the place, I'll run with them a bit then I'll make an excuse so I can leave. That's it! So I immediately changed, the usual, running shoes, black varsity shorts and a black muscle shirt kahit wala naman akong muscle, and wore my earphones.

I arrived at the park, I texted him "Hi Owen, andito na ako. Dito ako sa may cafe malapit sa park entrance. San kayo?" I was nervous and im getting anxious. Nawawala na talaga ako sa mood. I just want to get this over. When he texted me back "d2 ako sa my fishpond banda katpat ng mini forest". So I went there. I immediately wear my earphones just to look calm. I didnt saw him right away. When I saw him, my heart suddenly beat fast! He was so fucking damn hot! Those legs! Those arms, and his semi wet hair. He's sexy! He saw me right away so I greeted him, I tried my best to act casually but deep inside naglalaway ako. He was nice, and nakasmile agad mas lalo siyang sumexy. Just to start our convo I asked where's his buddies, then, he told me wala siyang kasama, nasa work pa raw susunod yung isa. Learning that, I was like solo ko siya. Lagot ka sakin. Im gonna rape you sabay evil laugh. Yep! From being anxious to rapist ganun kabilis nagchange mood ko. Natawa nalang din ako sa sarili ko. I realized I'm just smiling at him for so long. So I Immediately invited him to start. I noticed that he's already sweat so I said "looks like you already started jogging, I'm gonna walk the whole park first before I start to jog if you want meet nalang tayo dito ulit".  At the back of my mind kunwari lang yun. First nahihiya ako mag stretching sa harap niya, lampa ako. Second sa ibang lugar ako magstretching. Para makapagjog together agad kami. But he said he'll walk with me and I was drooling inside! Damn!

Owen - Nauna akong dumating sa park, Sinadya ko talagang maunahan siya para makapagpapawis na agad ako. Magpapayummy ako. Haha! Saktong-sakto naman nang matapos ako magstretching at makaisang lapse sa park (di ko dinaanan yung trail na sinasabi niya) nakatanggap ako nang text mula sa kaniya. Sinabi ko kung nasaan ako malayo palang nakita ko na siya pero di niya ako pansin. Nung malapit lapit na siya doon ko lang din napansin siya nang mas detalyado. Para siyang batang magbabasketbol lang sa kalye except he got the right running shoes. Natawa ako ang cute niya kasi. Almost inosente na ang dating. Smile agad ako. Alam kong tatanungin niya nasan mga kasama ko. Nakaready na ako nang dahilan doon kaya nagrason agad ako. Smile smile, tingin sa mata niya, konting stretching pero nagfeflex lang talaga ako. Nakikita ko naakit siya. Pero pinipigilan niya. Nag aya siya magstart na. Naweirduhan ako kasi ang stretching niya lakad lang sa buong park. Pero naisip ko sabayan nlang siya.

Pierre - While walking, I know nagpapakiramdaman kami on who will start the convo first. I was looking straight ahead  but I can see from my pheripheral vision na panay sulyap niya sakin. Pierre, man the hell up!

Owen - Patuloy lang ako sa pagpapacute sa kaniya. Naaaliw ako sa reaction niya. Pigil na pigil siya. Halata ko naman na type na type niya ako. If ever pumatol to ano kaya gagawin ko? Bigla kong naisip ang tanong na yun. Wala naman akong balak makipag sex sa kaniya ngayon. Para akong nawala sa mood nang marealize ko yun. Ano ba talaga tong ginagawa ko... then nagsalita siya bigla,

Pierre - So Owen, gano ka na katagal dito sa dubai?
Owen - Mag 6 years narin. Ikaw?
P - kaka 1 year lang. Tagal mo na pala dito. Ano naman trabaho mo dito?
O - Account manager sa isang business firm. Pero nung dumating ako dito, associate lang ako. Napromote lang. 2 years rin akong associate.
P - Wow! Bigtime! And ang galing balita ko kasi bihira lang promotion sa mga foreign employees. Good to know they give opportunities sa mga pinoy na magagaling.
O - Oo naman. Basta masipag ka at matyaga. Samahan narin nang talino at konting swerte.
P - (Impressive! Di lang pala beauty to, brains rin pala sa isip ko) Oo nga naman.
O - Ikaw Pete, anong work mo?
P - Salescrew.  Salescrew sa isang high end na apparrel.
O - Anong brand?
P - Secret! Haha. So! Ano palang trabaho mo noon bago dito? ( okay change topic agad!)
O - Sa Pinas, Marketing ako nang isang real estate company noon. Naka 2 years rin ako dun. Kaso maliit ang sweldo hindi kaya para buhayin ang pamilya ko kaya nag abroad ako. Ikaw? Ilang taon ka na ba? Mukhang kakagraduate mo lang ata eh. Haha (corny nang joke ko!)
P - nope I'm not! 25 na ako. Okay naman trabaho ko sa pinas. (Medyo naghesitate ako magkwento but he looked at me sternly kaya tinuloy ko) I used to be a store manager nang isang foreign clothing brand. It was nice and all ( I can see nagulat siya). Since it was my first job I gave all my best. Focus talaga ako sa work noon. Then one day I woke up feeling nothing... I'm not inspired by my work anymore. I've got no friends anymore kasi napabayaan ko na sila. I've grown apart from my family.
O - ( nabigla ako sa kwento niya. Sa bata niyang yan naachieved na niya ang ganoong level. Pero nalungkot rin ako para sa kanya dahil hindi siya masaya. ) WOW! Ikaw pala tong magaling eh! ( sinubukan kong ilight up yung mood niya) bat mo naman naisip umalis?
P - Sounds cliche, pero totoo, I want to find myself. To know my worth again,  maybe? (He suddenly looked serious so I throw a joke para maiba na ang usapan) hindi para lang talaga sa ekonomiya. Hahaha!  I started to jog na (after saying those things feeling ko I opened up too much! Nakakahiya baka damaged maging tingin sakin nito)
O - uy! Hintay! (Iba rin to, sa isip ko)

Pierre - I really felt that it was too much kanina. And I felt embarassed so I focused on jogging. I guided Owen doon sa secret trail na sinasabi ko. He doesnt looked surprised at all. I thought tuloy maybe he knows this place already. 6 years ba naman na siya dito. But I didnt really cared anymore. I just continued showing him the trail.

Owen - nag-iba si Pete nang mood bigla. Naging tahimik at cold na casual siya katulad nung unang text niya sakin. Feeling ko may natrigger ako sa kaniya na emosyon. Di ko napansin andito na pala kami sa trail na sinasabi niya. Alam ko tong lugar na to. May bench malapit sa daraanan namin kaya inaya ko siya para magphinga muna.

Pierre - I was so consumed on my thoughts when I suddenly heard his voice calling me "Pete! Break muna!". I turned around and saw him leaning on the bench. God! He is so fine! I walked towards him and sat at the corner of the bench. Then he started to talk...

O - Pete, short for Peter?
P - hindi. Pierre ang pangalan ko. Pierre Douglas Alonzo.
O - Bakit pete?
P - My lolo's name is Peterson. He was disappointed I wasnt named after him. Para hindi na siya malungkot binigay sakin ang palayaw niya. So yun. Haha. Ikaw? Owen lang name mo?
O - Ako? Ah eh. Haha. Palayaw ko lang ang Owen. Roswaldo Gatchalian tunay kong pangalan. Bantot noh! Kaya Owen nalang sinasabi ko.
P - hahahah! Hindi bagay sayo, gwapo mo pa naman! ( I was schocked nang bigla kong nasabi yung katagang yun. I panicked!)
O - (nagulat ako sa narinig ko pero sinakyan ko) Gwapo ba? ( sabay tingin sa kaniya. namumula siya. Halatang nabigla rin siya)
P - So ilan na anak mo? (I was going crazy inside my mind wala na akong natanong na maayos, he looked at me and parang naconfused sa tanong ko. I looked at him and Im beggining to picture different scenarios 1. I'll suddenly throw up at him. 2. Kiss him right on the lips then punch him?. 3. Pretend na hihimatayin ako and 4. Run around like a crazy person. Why the hell did I say that! Then.. ) you said you're here to support your family right? So you have your own family? (Stupid excuse! Common sense!)
O - (nagulat ako nang tanungin niya ako kung ilan na anak ko. Saan? Saan nanggaling yung tanong na yun? Tinitigan ko lang siya dahil di ko alam pano magrereact, then nag explain siya). Ang tinutukoy ko ay yung dalawa kong kapatid at tyahing nagpalaki samin. Maaga kaming naulilang magkakapatid kaya yung tyahin ko na nag alaga at nagpalaki sa amin. ( natatawa ako sa kaloob-looban ko. Halatang nagpapanick siya. Nakakaaliw siya.)

Owen - kinalimutan ko na yung plano kong takamin siya that time. Natutuwa ako kausap siya. Matalino siya pero may moments nalang siyang naaawkward bigla. Napaka predictive niya pero at the sametime nasusurprise niya parin ako and strangely may pagkamisteryoso siya.

Pierre - the whole damn night was a disaster and its all because of me... I was like a clown! No wonder tawa lang siya nang tawa sakin. Wala talaga akong idea sa mga ganitong bagay.

Our jogging went on on the next few weeks. Each time we jogged together we learn new things about each other We actually became friends! We texted and chat regularly. He added me on facebook and IG. Sometimes we eat together sa convenience store malapit sa amin he said I shouldnt eat alone cause I looked sad. We even met each others roommates and nakapag jog din kami together. Owen, is such a wonderful guy, he is family oriented, career oriented, responsible and yet carefree, he has big dreams and goals in life, he is nice to everybody and has a lot of good friends. Marami rin siyang admirers mapababae o lalake. He is confident yet a humble person. I actually admire him...

Owen - 5 months and 19 days, ganyan ko na katagal kilala si Pierre. This person never failed to surprised me despite sa pagiging predictive niya. Marami siyang talent pero hindi niya alam (maganda siya kumuha ng litrato sa mga IG posts niya). Hindi siya nagpapaimpress sa ibang tao. Hindi siya takot mag-isa. Alam niya kung ano ang gusto niya. matalino siya. Aside sa pagjajogging, nagkakatext and chat and kumakain kami minsan nang sabay sa convinience store, nakakaaliw siya pagmasdan habang kumakain. Ang sarap niya tignan habang ngumunguya para bang sarap na sarap siya lagi sa pagkain niya. Ang mga mata niyang itim mas maganda at makislap tignan sa malapitan. Sa kabila nang lahat ng to hindi parin ako sigurado kung gusto ko ba si Pierre o naaaliw lang ako sa kaniya. Alam kong gusto ako ni Pierre pero hindi ko masigurado sa sarili ko kung ano nararamdaman ko. Isa siyang mabuting kaibigan at hinahangaan ko siya. Kailangan ko gumawa nang paraan para matukoy na kung ano tong nararamdaman ko.

Pierre - One day, Owen invited me to come over in their villa ( for the very first time ) 2 of his roommates were on leave and the other 1 nasa work. So we hanged out there. his villa is nicer than mine palibhasa malalaki posisyon nilang magbabarkada so mas afford nila ang nice and more exclusive na villa. Unlike me marami-rami kami sa villa 11 to be exact! Pero puro pinoy naman kaya masaya. He tried to cook but it was a mess so I stepped in to make it possible na makakain kami. Cooking is not for him. After we eat we were just sitting on the floor beside his bed watching a movie from his laptop. Funny cause the movie he chosed to watched is "brokeback mountain" I've watched the film before so I know the story. And I'm pretty sure he knows that film too. But I just let him. When we were on the part of the movie where Jake Gyllenhaal and Heath Ledger passionately kissing at the back of the house. Nagkatinginan kami ni Owen, we laughed then out of nowhere Owen reached to my side, held my face with his hands and kissed me right on the lips. Honestly, di ako nagulat I've been anticipating for this to happen. From the moment he invited me to his place na kami lang, tried to cook dinner, watched a movie? Moves nang lalake yan sa babae na minsan gumagana rin sa kapwa lalake (lol). I did not hesistate to kiss back. Im up for it. These past few months na puro kami pakiramdaman, this is what we're both anticipating for and I think we quite know each other so there's an established connection already. I pulled away from our kissing, I looked him straight in the eyes hold him with one hands under his neck and kissed him again this time not just passionate but with a bit roughness (with gigil) the moment he let my tounge inside his mouth I know I was in control that moment. His eyes were closed and he was just going with the flow already. I was so gigil na that time I pull him up, laid him in the bed and started kissing and licking him in his ears, neck, collarbone while lifting his polo shirt. We were so in the moment when he got a skype call from Pinas. We tried not to mind it at first pero sunod-sunod ang tawag, Owen was still in but I was distracted already so I stopped. when Owen sat up he saw it was his younger sibling so dali-dali siya nag-ayos nang sarili and he answered the call. Me? I went at the otherside of the room where I wont be seen in the camera and naisip ko " I thought sa movies lang nangyayare tong ganitong istorbo, damn it!" ...

Owen - Sa wakas dumating narin ang time na solo ko ang apartment. Perfect time to para mainvite ko si Pierre at masolo. Mostly naghahangout kami sa park and convenience store lang. Kapag magmall or sa beach naman kasama namin mga barkada namin kaya never talaga kami nagkapagsolo.So pagkaalis ni terrence and anthony para umuwi nang pinas ininvite ko kaagad si Pierre. Sana lang di siya maweirduhan or maawkward. Lagi nalang ganun response niya kapag di niya alam or sure ang gagawin. Fortunately, pumayag siya. Ngayon ang problema ko si lito ngayong gabi lang nakanight shift kaya ngayon dapat pumunta si Pierre. Wala na akong oras para magtake out nang pagkain. Wala ring 24 hours delivery dito. No choice kundi magluto. Dumating na si Pierre sa totoo lang natataranta na ako nawala lahat plinano kong sexy time sana. Dahil nakalimutan ko magplano nang gagawin namin. Pagdating ni Pierre nasurpresa ako iba ang ayos nito  nakajeans, highcut na brown shoe, henley na T-shirt at black bomber jacket. Never ko siya nakita pumorma nang ganito. Sa isip ko nagready talaga siya. Pinaupo ko siya nagkipagkwentuhan habang ako naman garalgal sa kusina. Nagsalang ako nang pasta. Balak ko gumawa nang spaghetti kahit yun nalang kaso kulang ako sa sahog pang spaghetti. Palpak na palpak na talaga ako at alam kong napansin na iyon ni pierre. Tumayo siya, hinubad ang jacket niya at nagsuot nang apron. Lumapit siya sakin at tinulungan ako sa kusina. Sabi niya "ako na magluluto halatang di ka marunong" tinuloy niya yung pasta na pinakuluan ko tapos naghiwa siya nang mga kamatis, dahil walang karne kumuha siya nang tuna, peppers at kung ano-ano pang sahog. Habang nagluluto siya nangcheck ako nang movies na pwede namin panoorin. Marami naman akong movies sa laptop talaga. Pero pinili ko yung brokeback mountain. Bakit? Haha para yun yung que ko sa plano kong sexy time. Pagbalik ko sa kusina halos patapos na si Pierre sa pagluluto. Heto nanaman ako parang nagsoslow motion siya sa paningin ko. Napapansin ko nanaman lahat nang detalye sa kaniya. Ang sexy niya tignan habang nagluluto. Parang pang asawa ang dating. Nakita niya akong nakatayo lang sa gilid. Tinawag niya ako at inaya na kumain. Hindi ko napansin naready na niya yung table, may toasted bread at juice narin nakaready. Hinain na niya yung food at kumain na kami. Kwentuhan kami, pero di ako interesado masyado madalas naman kasi namin napag uusapan yung mga pinag-uusapan namin habang kumakain. After kumain at nagligpit nang hugasin (siya rin naghugas, nakakahiya!) Niyaya ko na siya manood nang movie. Natawa siya sa movie na plinay ko. Syempre kunwari pa ako na yun lang yung nasave kong movie sa laptop. First time kong makita siya na ganun ang reaction at hindi naawkward. Panay tingin ako sa kaniya pero siya nakafocus sa movie. Noong scene na yung dalawang bidang lalake naghahalikan na nagkatinginan at tawanan kami. Yun na yung time ko para makamove sa kaniya. Pakiramdam ko it's now or never, so I grabbed him and kissed him. Surprisingly hindi siya pumalag. Humalik rin siya. Masarap siya humalik, iba, yung halik niya yun yung halik na kailanman hindi ko pa natitikman sa iba. Para ko itong first kiss. I was so in nang bigla siyang tumigil at pumiglas sa halikan namin akala ko tuloy hindi siya nasarapan. Tumingin siya sakin at first time ko makita ang mukha ni Pierre na ganun ang mukha puno nang emosyon ang kaniyang mga mata at nakatitig ito sakin, sakin lamang. Bigla niya akong hinaplos sa mukha at biglang hinawakan sa leeg sabay halik ulit sakin dito ko nakita ang dominant side ni Pierre. Sa paghalik niya sakin muli dito ko nadiskubre ang bagong parte ng pagkatao ko ang pagiging mapagpaubaya. I give in to his kiss and touch. Usually ako ang gumagawa nito sa mga ex at nakafubu ko but this is the first time ako ang niroromansa nang ganito. This is new, this is great, the best! Habang sarap na sarap na kami sa moment namin biglang nagring ang skype ko hindi ko na pinansin kung sino ito pero si Pierre tumigil bigla. Nainis ako, nakakabitin. Pagtingin ko kapatid ko ang tumatawag sa skype. Matagal narin kami hindi nakapag usap ng kapatid kong bunso magmula nang magtalo kami. Kaya agad ko itong sinagot dahil miss na miss ko na ito kahit pa hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. Hindi ko na napansin pa si Pierre dahil naging abala na ako.

Kausap ko si bunso, masaya ako nakipag-ayos na to sa akin. Konting iyakan lang at nagkamustahan na. Magkakaanak na pala ang bunso kong kapatid dahil nabuntis nito ang GF niya. Inaya niya akong umuwi sa susunod na buwan para makasama ako sa binyag nito. Matagal narin ako hindi nakakauwi sa pinas kaya agad akong sumang-ayon sa kaniya. Uuwi ako nang Pinas sa susunod na buwan. Nakikinig lamang si Pierre sa usapan namin nang kapatid ko. At nang matapos kami mag-usap ng kapatid ko, Masaya kong binalita sa kaniya na uuwi ako sa Pinas at kwinento sa kaniya ang  kapatid ko.

Pierre - It's part of my contract that I am entitled to a one month paid leave once makaone year ako sa work. I did not use it right away cause I was trying to save up pa for my backpack travel in Paris pero mahal talaga and yung travel savings na nilaan ko is not enough, so I decided to backpack travel in Singapore, Hongkong, Macau, and Malaysia I also have friends there to visit, then diretso nang Pinas and stay there until I go back to Dubai. That was my plan. After hearing Owen's convo with his brother naopen up ko sa kaniya na uuwi rin ako nang pinas maybe next month. At first he suggested sabay kami umuwi nang pinas but sinabi ko sa kaniya na magtravel muna ako sa Singapore and malapit na countries for a week before going sa Manila. So ayun kwentuhan ulit. Nawala na yung landian mood namin. Then Owen out of nowhere suggested mag Bali raw kami. He said he has never been to Bali and he wants to go there, I've been to bali once pero bata pa ako noon. It was a nice place so I agreed. So we planned our leaves na. After our sexy moment I think mutually kami na. Unspoken nga lang. So I dropped my Singapore, Hongkong, Macau, and Malaysia backpack travel and spend the first week of my leave in Bali with Owen. Then sabay na rin kami umuwi nang Pilipinas. Thats the plan na...

 I would like to thank all of you readers that appreciated this story. Thank you thank you thank you. Just keep on posting your thoughts and comments and I will work on it to improve my writing and the flow of the story. Thank you and happy reading!

To be continued...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This