Pages

Wednesday, September 13, 2017

Roommate Romance (Part 8)

By: N.D. List

Ito ang paborito naming coffee house ni Camille. Tahimik. Hiindi matao. Medyo may kamahalan nga lang pero kung gusto mong mag-usap ng masinsinan, ito ang pinaka-convenient na lugar.

"Ako pa rin talaga ang kailangan mag-serve sa'yo kahit wala tayo sa restaurant ko ano?", panunumbat ni Camille habang binababa nya ang tray na may dalawang baso ng kape at dalawang slice ng magkaibang cake.

"Maka-restaurant ka... turo-turo lang yon eh.", biro ko.

"Aircon yon, tanga!", depensa nya. Umupo sya at sumandal sa couch at pasosyal na nag-cross ng binti. Napagigitnaan kami ng isang maliit na bilog na mesa.

"So, kumusta ka naman?", usisa nya. Nanunuri.

"Magaling na'ko. Nakatulong ang lomi mo, salamat."

"Hindi 'yon, tanga! Kumusta na ang buhay? Kumusta na kayo ni Mikoy pagkatapos ng ganap nyo?"

Hindi ako nakasagot. Hindi din ako tumingin sa kanya.

"Mukha namang back to normal na kayo sa pagka-abnormal nyo. Napatawad mo na ba sya sa kung ano man ang ginawa nya?". Pinilit maging casual ni Camille pero bahagyang sumeryoso ang tono nya.

"Tingin mo ba mali ang magalit ako sa kanya? Ano bang kinuwento nya sa'yong ginawa nya?"

Nakatingin si Camille sa kape nya. Iniisip mabuti ang sasabihin at saka sya tumingin sa'kin.

"Alam mo wala naman kaming masyadong napag-usapan. Iniiwasan ko din naman na puro sa kanya galing ang kwento na hindi kita nakakausap. Alam ko din naman na hindi ka magagalit ng basta-basta. Lalo na sa kanya. Alam kong mahal mo si Mico..."

Tumingin ako sa kanya. Hindi na sya nakatingin sa'kin. Nakatingin sa malayo.

"Halos oras-oras mo syang kasama. Nakakapag-usap kayo sa tinginan lang at nagagawa nyo'kong pagtulangan. Isa sya sa pinakamalapit na tao sa'yo at mataas ang expectations mo sa kanya. Alam kong nabigla ka sa ginawa nya at nadissapoint ka nya."

Naaninag ko na tumingin si Camille sa'kin kaya tumingin din ako sa kanya. Wala akong nasagot.

"Mataas ang respeto sa'yo ni Mico, Gab. Parang kapatid na nga ang turing sa'yo. Sobra lang kasi ang pakikisama ng gagong yon kaya nakikisakay lang sa mga kagaguhan ng mga barkada nya."

"Alam mo, yan din ang sabi sa'kin ni kuya Jov e. Andami talagang abogado ni Mico."

"Mahal ka ni Mico, Gab. At alam kong ganun ka din naman sa kanya. Pamilya nyo ang isa't isa. Lahat kaming nakapaligid sa inyo nakikita yon."

"Cams..." usal ko. "May sasabihin ako sa'yo..."

Tumingin sa'kin si Camille. Marami akong dapat sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung san mag-uumpisa. At kung hanggang saan ang aaminin ko sa kanya.

"O...?"

"Bakla ako, Cams". Tumingin ako kay Camille para tingnan ang reaction nya. Tahimik lang sya.

"So, in a way may rason naman sya kung bakit sya nakisali kina Ja nung pinagtatawanan nila ako. Pero sana hindi ganon. Kung totoo ang sinasabi nyo mataas ang respeto nya sa'kin, sana nirespeto nya'ko nun at tumahimik nalang sya."

"Na-pressure na lang yon. Alam mo naman masiyahing tao si Mikoy..."

"Kahit at my expense?" nabuwisit ako sa katwiran ni Camille pero naniniwala naman ako sa kanya. Inosente pa si Mico in that sense. Gusto nya ma-please lahat ng tao. Masyado syang nape-pressure makisama to a fault.

"Teka nga, akala ko ba hindi nyo napapag-usapan ang tungkol sa'men?!", usisa ko.

"Hindi nga! Pero nung huli, sinabi na nya din sakin yung nangyari pero yung instance lang na yon ang sinabi nya. At hindi ko na din inalam ang detalye. Ayaw ko din naman kasing pag-usapan. But he was really messed up. Syempre nag-alala din ako. Hindi sya magkakaganun kung hindi ka importanteng tao sa kanya. Ay ewan ko sa inyo! Problema nyo yan. It's a good start na okay na kayo. 'Wag kang ma-pressure na ibalik sa dati ang lahat ng kaagad-agad. Take your time. Masaya nako sa ganyan. It's a good start".

Tinitingnan ko lang sya ng nakakunot ang noo. Buwisit ang mukha.

"Hay naku! Wag mokong titigan ng ganyan at isasaboy ko sa'yo tong slice ng cake!"

"Hindi ka man lang nagulat na sinabi kong bakla ako?"

Nag-isip sya.

"Hindi naman ako na-surprised na. I mean, hindi ka naman... well, you're so manly in a lot of ways. Sa ugali, maybe not so much sa kilos. So grey talaga sa'kin kung bading ka o hindi. Maybe because hindi rin naman talaga sya importante sa'kin. I don't know. It just doesn't bother me."

Wala akong nasagot. Biglang nagsalita si Camille at kinausap ako sa salitang bading. Wala akong naintindihan kaya "Gago!" nalang ang nasagot ko.

Nagtawanan kami.

***

Maraming tumatakbo sa isip ko nung naglalakad ako pabalik sa unit ko. Magulo. Mga magugulong bagay na kahit alam ko kung anong tamang gawin eh naguguluhan pa din akong magdesisyon. Walang pumasok na ingay sa isip ko. Pakiramdam ko kahit may sumabog na granada malapit sa'kin ay hindi pa rin mapapansin. Nagpunas ako ng nangingilid na luha bago ako umakyat ng hagdanan.Mabigat ang loob pero desidido.

Nakahiga sa kama nya si Mico nung pumasok ako. Tumingin sya sakin, nananantya. Nahiga din ako at saglit kaming natahimik.

"Nag-usap kami ni Cams", basag ko.

Seryosong syang napatingin sakin.

"Anong napag-usapan nyo kuya?", usal nya. Pabulong at halos hindi kumawala sa bibig nya.

"Wala kaming napag-usapan tungkol sa'ting dalawa. Well, not about about what you're thinking. Pero ayoko na nang ganito, Mico. Girlfriend mo si Camille at kaibigan ko sya. Mali 'to."

Hinintay ko syang sumagot. Nakita ko sa mga mata nya na naguguluhan sya.

"Hindi ko kaya, kuya!" usal ulit nya. Huminga sya ng malalim. Sinubukan nyang pigilan pero hindi nya kaya. Tuluyan nang kumawala ang mahinang iyak nya. Naging bata ulit. Lumipat sya ng kama at humiga at umunan sa dibdib ko. Kalmante lang ako.

"Ano bang gusto mong gawin ko kuya? Ayokong mawala ka sa'kin. Mahal kita kuya."

"Pag sinabi ko bang hiwalayan mo si Camille iiwan mo sya?". Medyo tumaas ng konti ang boses ko. Hindi dahil naiinis ako but I wanted to drive the point. Hindi sya nakasagot. Nakaramdam ako ng konting sakit pero hindi naman ako nagulat na.

"Hindi mo kaya diba? Alam ko naman na mahal mo sya. Naniniwala naman akong mahal mo rin ako pero hindi pwede yung ganito. Dapat pumili ka."

Tahimik paring umiiyak si Mico. Alam kong maraming tumatakbo sa isip nya. Sinalo ko ang pisngi nya ang marahang hinaplos. Basa ang mukha.

"Kaya kang bigyan ni Cams ng isang normal na pamilya. Pwede kayong magkaanak. Pag ako ang pinili mo, hindi lang ang pakikipaghiwalay sa kanya ang problema mo. Handa ka bang sabihin sa tao na may relasyon tayo?"

Walang syang sagot.

"Hindi mo kaya diba? Gusto mo ng normal na pamilya na hindi ko kayang ibigay. Itigil na natin to habang maaga pa. Mas mahihirapan tayo pag nagtagal 'to".

Tanong ko, sagot ko. Putangina naman!

Mahaba ang usapan namin ni Mico pero halos ako lang ang nagsasalita sa buong usapan. Ang suma, kailangan itigil namin ang ginagawa namin. Non-negotiable sya sa'kin. Kung ayaw nyang makipaghiwalay kay Camille, hindi kami pwedeng magsama ng higit pa sa magkapatid, ng higit pa sa magka-roommate lang. Bilang respeto sa kanya, respeto sakin at... well, bilang gawain ng isang normal at disenteng tao.

Mahigit isang oras parin akong gising pagkatulog nya. Nung tahimik na ang paligid ay saka bumuhos ang iyak ko na kanina ko pa pinipigilan. Naawa ako sa sarili ko. Siguro kung babae ako ay mas madali para kay kanya na pilliin ako.

Naging mahirap ang sumunod na araw pero naitawid naman namin ang mga sumunod pang araw. Hindi parin maiwasan ni Mico ang mga advances pero nagawa ko namang iwasan. Nang lumaon ay nasanay na din sya at naisip narin siguro nya desidido ako sa katwiran ko.

***

Pagkatapos ng isang linggo ay tinawagan ako ni Joshua para magsabi na tutuloy na daw sya sa bahay para maglagi ng ilang araw starting Monday. Inaya din nya kaming tatlo nina Camille na lumabas. Tinawagan ko si Camille para tanungin kung may lakad sila ni Mico. Magkaiba kami ng shift nun at nauuna ako sa kanya umuwi ng tatlong oras dahil may bagong account na kailangan i-incubate ng mga tenured managers. Dahil libre naman si Camille at wala naman silang plano, umoo nako kay Joshua at napagkasunduan namin na mauuna na kaming magkitasa tinutuluyan nyang hotel at pipick-upin nalang ni Camille si Mico paglabas nya.

May hawak na bote ng beer si Joshua nang makita ko sya at may isang plato ng pagkain na hindi ako pamilyar. Pang-mayaman siguro.

"Hey!" bati ko.

"Hey!" tumayo si Joshua at kinamayan ako. Ang pormal parin.

"Josh, tinext ko na si Mico. Di sumasagot eh. Nasa locker ang phone nun kasi bawal sa work. Pero susunod na yon kasama si Camille."

"Kumusta ba sya? I hope he's not giving you any headache." Tanong nya sakin. Natawa ako ng konti.

"'To naman, ngayon mo pa itatanong yan eh antagal na namin magkasama sa bahay. Hindi naman magtatagal yan at sisibakin ko kung magloloko sya," natatawang sabi ko. Wala siguro syang maitanong. "Kanina ka pa ba?"

"This is already my second", sabi nya habang tinitingnan at inangat ng bahagya ang hawak nyang bote na nakalahati na nya. Ngumiti sya pero may napansin akong kakaiba sa mukha nya. Lungkot?

Bihirang kaming magkita ni Joshua kaya hindi rin ganun ka-palagay ang loob ko sa kanya. At sya, sakin. Kung magkita man kami ay parating kasama si Mico kaya hindi din kami nagkakailangan. Pero parating saglit lang. Nung pumunta naman kami sa birthday ng lola nya sa Meycauayan ay sobrang busy nya sa pag-aasikaso sa mga bisita kaya hindi ko din masyadong nakausap. Parati din syang naka-book sa hotel pag nagagawi sya ng Makati or Pasig area. Siguro ay nagwo-worry din sya talaga sya sa kapatid nya kaya naisipang tumuloy sa bahay. First time lang na kaming dalawa lang ang magkasama na kaming dalawa lang kaya medyo ginagamay pa din namin siguro ang isa't isa.

"Oo. Mabait na bata yang si Mico. Malambing. Miss na miss ko na nga. Sakin na din kasi lumaki yan. Ako pa nga naghuhugas ng puwit nyan nung bata pa hahaha." natatawang sabi nya.

"Oo nga. Napalaki mo naman sya ng mabait na bata. Makulit nga lang at medyo spoiled pero other than that, napakabait na bata. Masaya ding kasama."

Nakatingin sa bote nya si Joshua at tahimik lang.

"Hey, you look... bothered. Nag-aalala ka ba kay Mico?"

Hindi kaagad sumagot si Joshua.

"Josh, he's alright. Medyo nagka-badtripan lang kami the past days kaya medyo napapainom. Medyo mahilig din kasing uminom yung mga nakasama nya when weren't talking that much", dugtong ko.

"Oh, no, no! Sorry! It's not that. Hmm... medyo nakakaproblema lang ako sa bahay lately and... wala, sorry if my energy is very low. I didn't mean to..."

"Do you wanna talk about it?"

"No, it's alright. I mean.. yeah, hmm..."

Naputol kami nung may lumapit na waiter. Humingi ako ng isang beer. Ang awkward tuloy pagkatapos. Hindi namin alam kung pa'no itutuloy ang conversation.

"Hey, nasabi ba sa'yo ni Mico na Saturday ise-celebrate ang birthday ni lola? Pinapa-invite nya kayo. We can spend the weekend there."

"Oh, it's been a year already? Bilis ah. Okay naman ako this weekend. Not sure about Camille. Tanungin natin sya later. Kasama mo ba family mo?"

"Di muna. I want to spend some time away from them muna. I mean it's healthy din minsan to spend some time away from the family. Vacation of sort." Tumawa ulit sya ng medyo pilit.

"Are you sure you're alright?"

"Yeah, I'm good. Inom tayo kina lola sa Sunday. Kwentuhan tayo."

"Yeah, why not."

Nauwi sa trabaho ang kwentuhan namin ni Joshua. Masarap naman syang kausap. Matalino at may sense of humor din. Pakonti-konti ay naging maaliwalas na ang kanyang mukha. Paminsan-minsan ay sumisilip ulit ang lungkot sa mukha nya ag nagkakaroon ng awkward silences pero nasasalo ko naman kaagad ang usapan.

Nagtatawanan kami ni Joshua nung dumating sina Camille at Mico.

"Yan sige ganyan kayo! Gumagawa ng lakad ng walang pasabi!" bungad ni Mico habang hinihila ang upuan palabas ng mesa saka nyako binagyan ng mapang-akusang tingin. Tumayo ako at lumipat ng upuan para magkatabi sila ni Camille.

"Tigilan mo mga ako. Tinext kita, tanga! Tinawagan ko pa si kuya Jov para magbilin."

"Sus!"

May lumapit na waiter at kinausap si sina Mico para kuhanan ng order.

Naging maayos at masaya naman ang conversation. Palagay na din ang loob ni Camille kay Joshua dahil mas maraming beses na silang nagkasama sa lakad ni Joshua kesa samin. Lumabas din ang pagka-kwela nya nung kaming apat na ang magkakasama.

Nag-decide kaming umuwi nung alas dos na ng madaling araw. Madami na din kasing nainom si Joshua at halos bagsak na sya kaya tinulungan ko nalang syang tumayo at inakay palabas ng bar.

"Ako na dyan, kuya!". Lumapit si Mico para kunin sa'kin ang kapatid nya na sakto nalang ding nakakalakad.

"No, it's alright. I got this."

"Hindi kuya ako na. Nakakahiya naman sa'yo," sagot ni Mico sabay kuha sa kapatid nya. Hindi na din ako tumanggi at ipinasa sa kanya si Joshua.

Pagdating namin sa hotel ay kinapa ni Mico ang keycard sa mga bulsa ni Joshua. Medyo na nahirapan sya kaya kinuha ko ang kapatid nya para mahanap nya ang keycard at saka nya binuksan ang pinto. Pinasok ko sa kwarto si Joshua na halos hindi na din makahakbang at saka ko sya binagsak sa kama. Pamilyar ang eksena. Tumingin ako kay Mico para tanungin kung anong balak nya.

"I don't think we should leave him like this. Anong balak mo? Sabi nya kanina nung wala pa kayo, he will check out at 10 bukas and then he'll pick us up para direcho na ng Meycauayan but I don't think we can leave him like this."

"I'll stay. Samahan ko muna sya dito. Pasensya na, Cams. Hindi ko maiwan si kuya ng ganito. Kaya mo bang mag-drive kuya?" tanong ni Mico sabay abot ng susi.

"Naka-dami din ako eh," sagot ko.

"Hay naku! I'll do it. Maganda na yung sigurado," sabat ni Camille sabay kuha ng susi. "So pano? Isang sasakyan ba tayo tomorrow or should I use my car din?"

"Isa nalang. Daanan nalang namin kayo. Sasama din naman sa'tin si kuya pabalik."

"O, sya. Late na. Text text nalang." sagot ko at saka na kami umalis.

Alas otso ng umaga ng nagising ako ng ring ng cellphone ko. Si Mico.

"My God, Mico! It's so criminally early!" bwisit kong sagot.

"Maaga daw tayo kuya. Aalis kasi later this morning sina lola para kausapin yung magke-cater bukas. Para lang magpang-abot tayo. Kung gusto mo matulog ka nalang dun ulit."

"Shit naman. Si Cams ba natawagan mo na?"

"Oo nagbibihis na. Ikaw lang kaya itong maarte. Basta we'll be there in an hour."

Binaba ni Mico ang phone bago pa man makapagreklamo pa kaya napilitan na din akong tumayo at parang zombie na naglakad papuntang banyo.

Pagkalipas ng isang oras ay dumating na sina Joshua habang kami naman ni Camille ay nag-aantay sa canteen. Lumabas kami nung bumusina si Mico na nasa harap at nagdadrive. Hinagis sa'kin ni Camille ang bag nya saka sya umupo sa harapan at saka binaba ng konti ang sandalan at nag zone out na.

"O, kuya, andami mo naman dala? 4 days/3 nights?" pang-aasar ni Mico.

"Tanga! Damit mo ang iba dito."

"Nice! Love you," sagot ni Mico habang nagtataas-taas baba ang kilay at pa-cute na ngumisi.

Pinasa ko ang mga bag kay Joshua at saka nya pinatong sa mga nakatambak na bag sa loob. Sakto lang kaming nagkasya sa loob. Nakangiti at mukhang amused sa mga banters namin

"Bro, ayus ka na?" tanong ko.

"Medyo masakit ang ulo pero ayus naman. Matutulog nalang din ako when we get there."

"'Wag mo'kong sukahan ha. Hahaha"

"Hahaha sira!" sabay hampas sakin ni Joshua ng neck pillow.

Lumingon samin si Mico.

"Kuya Gab, hindi mo ba namiss mag-drive? Hehehe."

"HINDEE! Just drive!"

"Sungit!"

***

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong kaagad kami isa sa mga katulong nila.

"Kuya Jos, dalawang kwarto lang po yung na-prepare namin kasi late na kayo nagsabi. Yung dalawa pong kwarto sa taas," bungad ng katulong.

"Ah ganun ba? Sige okay na din yon. Pasensya na sa short notice manang. Si Kyle andyan ba?" tanong ni Joshua.

"Pinag drive po si lola, kuya. Pinasusunod din po ako. Pinatong ko po sa may table malapit sa altar yung susi. Iwan ko po muna kayo. Bandang hapon na po siguro ang balik namin."

"Sige, manang. Mikoy, dun nalang kami ni Gab sa master's bedroom tapos dun nalang kayo ni Cams sa kabila. Pasensya na bro dun na muna tayo sa iisang kwarto. Malaki naman ang bed dun."

"Sige ayus na din. Matutulog muna ako, Josh. Inaantok talaga ako." sagot ko habang naghihikab.

"Oo, tara. Kayo din Camille, tara para makapagpahinga din kayo." aya ni Joshua.

Umakyat kami at sumunod samin sina Camille. Hindi masyadong nagsasalita si Camille mula byahe dala na rin siguro ng matinding antok.

Pagpasok ko ng kwarto ay binagsak ko na ang dala kong bag at dumirecho nakong bumagsak sa kama para matulog. Naramdaman ko ding nahiga na si Joshua at mukhang hindi na din nagpalit ng damit.

Alas kwatro ng hapon ng magising ako sa pagbukas ng pinto ng banyo. Lumabas ng banyo si Joshua na naka-Speedo na blue. Bukol na bukol din ang kanyang harapan. Nakaramdam ako ng konting libog pero nagkunwari nalang ako at hindi ko sya pinansin. Lumapit sya sa'kin.

"Uy, wag mong sabihing sumama ka sa'min dito para humiga ka lang dyan! Tara sa labas! Ayaw mo bang maligo? Maliligo din yang si Mikoy!"

Noon ko lang nadinig na tinawag na Mikoy ni Joshua si Mico. Akala ko si kuya Jov lang ang tumagawag sa kanya ng ganon. Siguro nagkukwento din si Mico sa kanya tungkol sa pamilya nya. Lumapit sa'kin si Joshua at hinila ang kamay ko paupo.

"Tinatamad pa'ko, bro. Maya-maya nalang ako." tanggi ko.

"Sira, sayang ang oras!" Bigla nya akong binuhat at nilabas sa kwarto. Sakto naman na palabas din sina Mico at Camille sa kwarto nila. Naka nike na white swim briefs si Mico. Nakaka-turn on. Kung nasa bahay siguro kami ay huhubarin ko na kaagad itong si Mico at kakainin. Si Camille ay hindi naka-swim wear at wala din yatang balak maligo.

"'Koy, buhatin mo sya sa paa. Hahaha. Hagis na natin sa pool. Para wala na syang choice."

Sumunod naman kaagad si Mico at kinuha ang dalawang paa ko habang mga kamay naman ang hawak ng kuya nya. Pinagtulungan nila akong dalawa hanggang sa labas. Si Camille naman tumatawa lang pero pinigilan ang dalawa nung ihahagis na ako sa pool.

Nag-dive agad ang magkapatid sa pool at pinuntahan si Kyle sa kabilang side na naka-board shorts naman. Modest. Matipuno at maganda din ang katawan ni Kyle pero hindi yung tipo ng katawan na produkto ng gym. Batak sya at may kaitiman pero makinis din naman ang balat. Nasa lahi na siguro nila.

Kami naman ni Camille at ay pumunta sa table na nakasilong sa puno ng niyog na malapit din sa pool area.

"Ang gwapo ni kuya Josh ano? Malasa! Hahaha!" natatawang sabi ni Camille habang tinataas-taas nya ang kilay nya sa'kin na parang nanunukso.

"Gago! May boyfriend ka tanga! Kapatid pa nya yang pinagnanasahan mo." bawi ko.

"Tanga! Pinagnanasahan agad? Para sa'yo ang ibig kong sabihin. Mas malasa si Mico noh!  Charot! Chura lang nyang si kuya Joshua" bawi nya. "Baket? Hindi ka ba nate-turn on man lang sa kanya. Hot naman sya diba."

"Ang hirap sa inyo, pag bading akala nyo attracted automatically sa lahat ng lalake. Namimili din kami noh!"

"Alam ko naman yon, tanga! Tangina, neto. Tinanong lang kita kung nate-turn on ka sa kanya eh kini-question mo na kaagad ang pananaw ko sa mga bading. Kung hipon yan definitely alam kong hindi ka maa-attract dyan. Eh hindi naman ordinaryong tao yang si Joshua. Tingnan mo naman, mala-adonis. Big fish. Big talaga! Hahaha." Loko talaga 'tong si Camille.

"Ang creepy mo! Kapatid ng boyfriend mo yan. Saka may asawa na yan, tanga. May anak pa."

"Heto hypothetical, papano kung ma-attract din sya sa'yo at akitan ka nya mamayang gabi, papatulan mo ba?" tanong ni Camille na medyo kinikilig pa ang bruha.

"Well... hahaha. Mabait si Joshua, actually. Nakakatawa din. Siraulo din. Actually para syang mature version ni Mico. May sense kausap. Malalim na tao. Saka BIG! Hahahaha!" Pinatulan ko na din ang kabaliwan nya.

"Patay tayo dyan! Hahaha". lumalakas ang tawa ni Camille kaya nagtinginan sa amin ang tatlo.

"O heto, Cams, hypothetical din: Papano kung asawa ka ni Joshua tapos pinatulan ko sya mamayang gabi at nalaman mo, ano ang mararamdaman mo?" balik kong tanong sa kanya.

Humihingi po ako ng paumanhin sa lahat ng naghintay at interesado pang basahin ang kwento ko kung meron pa. Naging busy po sa trabaho na kailangan i-prioritize. Natutuwa ako at meron paring nagco-comment sa last chapter kahit na lalo akong nahihiya dahil dissappointent sa delay ng susunod na chapter ang mga comment. Sana po ay 'wag kayong magsawang bigyan ako ng feedback kahit negative na I'm sure meron dahil bukod sa sa napaka-igsi nitong chapter ay halatang minadali para may maipasa. Ipinangangako ko po na hindi magiging ganito katagal ang susunod na update. Salamat po ulit.

TO BE CONTINUED.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This